I TUGMA

_Pagbubukas ng tabing ay makikita si Rizal nayuyukayok. Lalabas ni

Filipinas na nag-aawit ng isang mapanglaw na karaingan._

_AWITIN:_

Filipinas:-- Rizal, Rizal, bunsong hirang

Ina mo'y huag bayaan

Ina'y iyong saklolohan

Sa dagat ng kahirapan.

Ang Ina mong tumatangis

Nalulunod na sa sakit

Wala nang kayang magtiis

Sa lingap mo'y nagnanais.

_SALITAAN._

Rizal:--_(alinlangan)_ Anong aking magagawa

Sa ako'y mus-mos pang bata.

Filipinas:--Sukat ang banal mong nasa

Kung iyong isasagawa.

Rizal:--_(susuyuin)_ ¡Ina! siya na ang pag-luha

Handa akong kumalinga.

Filipinas:-- Ay Rizal ng aking buhay.

Sa tanang kong katiisan,

Hininga mandi'y papanaw;

Mga binata'y tawagan

Nang ikaw ay matulungan.

Hanapin, tawagan sila,

Ibalita yaring dusa

Nang kanilang maalalang

May tumatangis na Ina.

At sa kanila'y isulit,

Ang pighating tinitiis

Ng Inang tanging ninibig

Sa libinga'y maghahatid;

Kailangan ko ang tangkilik. _(malulugmok)_

Rizal:--_(aalalayan)_ Ina ... Inang minamahal

Huag mo akong iiwan

Aanhin ko yaring buhay

Kung ikaw ay mamamatay?

=_Lalabas ang mga Panganay na may dalang manok, baraha at bote ng

alak._=

=II TUGMA=

Si Rizal at ang mga Diwata: Zarzuelang Tagalog na may Dalawang Yugto · 第 11 / 18 题