Kálulwá na ni Elíng ang tumugón:--

--"Oo, Gerardo, oo iniíbig kitá!!"

Pangahas na laláki! Isáng matindíng halík at isang mahigpít na yákap

ang pagdáka'y ninákaw sa bulaklák na yaon ng Kasilangánan.

Mabuti na lang at wala silang saksi!

Si Gerardo'y umuwî noon na taglay ang dalawâng pagwawagíng magkaibá

ng urì: Tagumpay lában sa kasikismo ng isang pinunò at tagumpay lában

sa pulutóng ng mga naggigilásang kandidato sa kamáy ni Elíng.

Bulalakaw ng Pag-asa · 第 26 / 47 题