55.--Macahihin~gi din naman nitong capangyarihan sa Kapisanan at

macahuhugot n~g isang Apo sa canila rin ang m~ga casangcap sa

malalaquing samahan sa pagcacalacal at iba pang hanap-buhay na itayó

n~g m~ga taga Pilipinas upang macapagbucas n~g m~ga mabibilis na daan

at magcaabutan ang m~ga malalayong bayan ó di caya'y maisulong ang

m~ga naturang hanap-buhay at guminhaua ang lahat.

56.--Ang ibang m~ga Apo ay pipiliin n~g m~ga tagapaghalal na ipalagay

n~g capulun~gan n~g m~ga Propesor sa baua't Colegiong pagturuan n~g

mataas na aral ó n~g carunun~gan, tig-isa ang baua't Colegio; n~g m~ga

tagapaghalal na ipalagay n~g m~ga casan~ga sa baua't samahan sa

pagcacalacal ó hanap-buhay na hindi nasasaclao n~g núm. 55, n~guni't

bumabayad n~g m~ga ambagang pinacamalaqui sa lahat tungcol sa malinis

na hanap na sumampa taontaon, tig-isa ang baua't samahán; n~g m~ga

Director sa m~ga bahay na itayó sa pagcacaauang gaua sa m~ga

cabayanan; at n~g m~ga umaambag na bumayad n~g malaqui sa lahat sa

ambagan sa hanap-buhay.

57.--Ang m~ga cabayanang bumilang n~g limangpung tagapaghalal na

paitaas ay pipili n~g tig-isang Apo; mula sa isang daan na paaquiat

dalauang Apo; at tatlo mula sa isang daan at limangpu na paitaas.

Capag ang m~ga tagapaghalal n~g isang cabayanan ay di umabot sa

limangpu ay pipisan sa m~ga tagacapit cabayanan upang macapili.

58.--Ang paghahalal sa m~ga Apo ay gagauin para n~g m~ga Tagatayó.

59.--Ang Tanun~gan ay magpapalit n~g m~ga Apo bauat apat na taon gaya

n~g Kapisanan; n~guni't palaguing bucás.

Sa Presupuesto n~g calahatan ay maglalaan nang pang upa sa Presidente,

Pan~galauang Presidente at m~ga Kagauad. Ang ibang Apo ay di tatangap

n~g ano mang upa, n~guni't hindi magbabayad n~g ano mang ambagan

habang humahauac nang Katungculan.

60.--Sa pamula n~g Tanun~gan at sa baua't taon n~g paghahalili ay

ito'y bubucsan n~g Presidente n~g República at gagauin ang m~ga pag

hahandang nabibilin sa núm. 45. na ualang maiiba cundi ang bilang n~g

m~ga Kagauad na mababauasan at madadagdagan n~g Pamunoan alinsunod sa

dami n~g gagauin.

61.--Ang lugal na pinagpupulun~gan n~g Tanun~gan ay lubhang

cagalangalang para rin n~g sa Kapisanan at ang m~ga Apo ay di

mapaquiquialaman sa canilang m~ga caisipan gaya n~g m~ga Tagatayó.

62.--Ang m~ga pulong n~g Tanun~gan ay hayag din at upang magcaroon n~g

bagsic ang caniyang m~ga tadhana ay cailan~gang maharap ang dalauang

icatlong bahagui man lamang n~g m~ga Apo.

Ang Presidente, ang Pan~galauang Presidente at ang m~ga Kagauad ay di

macaliliban sa ano mang dahilan; n~guni't ang m~ga ibang Apo ay

macapaghahalihalili n~g pagliban cun may pahintulot ang Tanun~gan,

matiran lamang na palagui n~g dalauang icatlong bahagui. Sa panahon

n~g cahigpitan at cahirapan ay ualang macaliliban.

63.--Ang Tanun~ga'y didin~giguing palagui nang Presidente na parang

Sangunian sa lahat na bagay na malaquing halaga at mabigat, n~guni't

ang m~ga casagutan noo'y hindi macapipilit dito. Gayon may cun ang ano

mang tadhana ay pagcaisahang macaitlo sa iba't ibang panahon ay

cailan~gang icuhang sanguni sa Kapisanan upang pasiyahin cun dapat

magcaroon n~g bagsic n~g cautusan.

Macapaghaharap din naman n~g ano mang panucala tungcol sa cautusan;

n~guni't ito'y gagauing palagui sa Presidente n~g República na siyang

magpapadalá sa Kapisanan cun minamagaling niya.

Sa m~ga pagpupulong at sa iba pang nauucol sa pamamahala at cahusayan

sa loob ay susundin ang m~ga Tagobiling cathain nito ring Tanun~gan.

64.--Upang maguing Apo ay quinacailan~gan, bucod sa caraniuang

casangcapan, ang mag taglay n~g tatlongpung taong sincad; sampahan n~g

isang malinis na hanap na maliuag maparam at magcasiya sa isang buhay

na catamtaman at sarili; at magcaroon n~g m~ga casangcapang nasasabi

sa número 52 ó macagaua n~g malaquing paglilingcod sa bayan.

Ang katungculang Apo ay casing tagal n~g sa Tagatayó, at itong

dalauang catungculan ay di mapipisan sa isang tauo at di rin

malalangcapan n~g ano mang capangyarihan sa pagpaparusa sa tauong

bayan.

ICALIMANG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa man~ga Sanguniang cabayanan at

Sanguniang bayan_.

65.--Pagcapaghalal n~g man~ga Tagatayo ay ang m~ga catiuala sa baua't

cabayanan ay magbubucod-bucod sa apat na puctó, cailan ma't bauat

puctó ay bumilang n~g pito catauo man lamang.

Cun ang bauat puctó ay di macaabot sa nasabing bilang ay magbubucod sa

dalauang puctó lamang.

Ang m~ga puctong ito ang maghahalili sa taon-taon ó bauat icadalauang

taon sa Sanguniang cabayanan sa loob n~g isang capanahunan, at

maquiquialam sa m~ga usap sa cabayanan na parang m~ga casanguni.

66.--Ang m~ga matanda sa bauat bayan ay magbubucodbucód sa dalauang

puctó na siyang maghahalili baua't icalauang taon sa Sanguniang bayan.

67.--Ang m~ga catungculang ito ay nagbibigay puri, n~guni't ualang

upa; gayon ma'y ang m~ga Kasanguni ay di magbabayad n~g ano mang

ambagan sa canicanilang capanahunan.

68.--Sasangcap sa Sanguniang cabayanan ang Punong cabayanan na siyang

Presidente, ang Punong bayan sa loob na n~g cabayan na siyang

Pan~galauang Presidente, ang m~ga casanguning dinatnan n~g capanahunan

sa cabilugan n~g m~ga catiuala at ang Kagauad n~g Pamunoang cabayanan;

n~guni't ito'y di macapagbibibig ni macabobotos sa m~ga pagpupulong.

Ang Pan~galauang Presidente ang hahalang sa Presidente sa boong

capangyarihan nitó.

69.--Sasangcap sa Sanguniang bayan ang Punong bayan na siyang

Presidente, ang Pan~gulo sa loob nang bayan na siyang Pan~galauang

Presidente, ang iba pang man~ga Pan~gulo at ang m~ga Kasanguning

dinatnan nang capanahunan sa cabilugan nang m~ga matandá at ang

Kagauad sa Pamunoang bayan na hindi macapagbibibig at di rin

macabobotos.

Ang Pan~galauang Presidente ang siyang hahalang sa Presidente sa

dalauang cutungculan nito na Presidente n~g Sangunian at Punong bayan.

70.--Tutungculin nitong m~ga Sangunian ang pagpapasiglá sa pagtuturo

at pagaaral at gayon din ang pagpapasulong sa gaua sa lupa,

paghahayop, gauang camay at pan~gan~galacal, at cucupcupin ang m~ga

nacacatuclas n~g m~ga mabubuti at malalacas na paraan; gumaua n~g

Tandaan n~g m~ga tauo at m~ga usap (Censo y Estadistica) at n~g yaman

(Catastro) para n~g tandaan n~g m~ga lupain, bahay at hayop at iba

pang pag aari; at man~galaga sa mahusay na pag gugol sa salapi n~g

bayan, ihablá ang m~ga sumira noon at gauain ang canicanilang

Presupuesto ó Kuruan nang magugugol.

Pan~gan~galagaan din naman nang m~ga Sanguniang cabayanan na sa bauat

cabayanan ay magcaroon man lamang nang isang Colegio ó Aralán na

magturo nang mataas na aral at nang isang limbagan, hindi lamang upang

maquilala n~g lahat ang m~ga pacaná nang napupunoan, cundi naman upang

macalat sa paraang itong mabisa ang pagcabucas nang isip at iba pang

pagcaquilalang paquiquinaban~gan sa sariling pamumuhay n~g m~ga tauo

at cagalin~gan nang lahat.

71.--Ang m~ga Kasanguni sa cabayanan ay may catungculang magpaaninao

at maghamong sa Pamunoang cabayanan n~g lahat na m~ga pacanang

nahihinguil sa caguinhauahan n~g cabayanan; maquialam sa n~galan nitó

sa pamamahala n~g salapi n~g bayan: at magtangcacal sa m~ga duc-ha at

di macacaya sa canilang m~ga usap sa Pamunoan.

Ang m~ga Kasanguning bayan ay magcacaroon n~g m~ga ganito ring

catungculan sa canilang quinalalagyang bayan at mag hahalal n~g isa sa

canila na maguiguing Pintacasing maquiquialam sa Hucuman, upang dito'y

maganap ang m~ga cautusan n~g ualang quiquilin~gan ang sino man.

ICAANIM NA CASAYSAYAN.--_Tungcol sa Presidente n~g República at

caniyang Pamunoan_.

72.--Ang Presidente at Pan~galauang Presidente n~g República ay

ihahalal n~g m~ga cabilugan nang m~ga katiuala sa baua't cabayanan

cahalintulad n~g paghahalal sa m~ga Tagatayó; n~guni't maquiquialam sa

paghahalal bucod sa Punong cabayanan na pinaca Presidente ang m~ga

Pintacasi n~g República sa bauat cabayanan na m~ga taga pagsiyasat

casama n~g m~ga inihalal n~g m~ga catiuala, na siyang man~gan~galaga

upang ang paghahalal ay madaos ayon sa ipinaguutos.

Ang Puno at ang m~ga Pintacasi ay hindi macabobotos; n~guni't

susugpuing mahigpit ang suhulan at daya sa butusan.

73.--Ang m~ga tunay na casulatan n~g paghahalal sa bauat cabayanan ay

ipadadalá n~g Puno sa Tanun~gan at ang matitirá sa archivo n~g

cabayanan ay isang saling pinilmahan n~g naturang Puno, n~g m~ga

Pintacasi at iba pang tagapagsiyasat.

Capag natangap n~g Tanun~gan ang m~ga casulatan sa paghahalal n~g

lahat na cabayanan ay magpasabi sa Kapisanan ó sa Laguing Paniualaan

cun nasasará, at ito'y magsusugo n~g tatlo catauong tagapagsiyasat na

maqui-alam sa pagbibilang n~g botos.

Cun ualang macalicom n~g botos n~g dalauang icatlong bahagui man

lamang n~g lahat na katiuala sa m~ga cabayanan ay uulitin ang

paghahalal, n~guni't ang pag bubutusan ay ang m~ga nacalicom n~g

lalong maraming botos hangan sa tatlo man lamang.

74.--Ang Pan~galauang Presidente ay ang macalicom n~g mahiguit sa

calahati n~g botos at siya ang hahalang sa Presidente, cun ito'y

mamatay ó magcaroon n~g tunay na capansanan bago matagpós ang

capanahunan na limang taon.

Habang hindi siya humahalang ay di macagagamit n~g ano mang

capangyarihan ucol sa caniyang sariling catungculan; n~guni't

paghalang ay malilipat sa caniya ang boong capangyarihan n~g

Presidente.

75.--Ang mahalal na Presidente ay ihaharap sa Kapisanan n~g

hahalinhan at n~g Presidente n~g Tanun~gan, at cun malagay na sa

talagang luclucan n~g Presidente n~g Kapisanan ay babasahin ang

caniyang calatas sa pagbati at dito'y ipan~gan~gaco sa mahigpit na

panghahauac sa sariling dan~gal at capurihan na pagpipilitan niya sa

boong macacaya ang caguinhauan n~g bayan at mag bibigay nang halimbaua

sa lahat sa pagyucó at pag galang sa m~ga cautusan sa pagbaban~gon at

iba pang bagaybagay.

Pagcatapos n~g pagbasa ay igagauad n~g Presidenteng hahalinhan ang

m~ga saguisag na pagcacaquilanlan nitong mataas na catungculan, at

quiquilanling hauac na niya ang boong capangyarihan.

76.--Ang presidente ay siyang pinaca catauan n~g bayan, caya't siya'y

dapat igalang at huag pagpahamacan at di mabibiguiang usap habang di

naa-alisán nang catungculan.

Ang Presidente ay hindi iba cundi ang capatid at caibigan n~g lahat na

taga Pilipinas, at caya lamang mauiuicang siya'y nacalalalo ay sa

pagca't siya ang dapat man~guna sa pagpapasunod nang ugaling magandá

at mahusay at sa cabutihan nang gaua sa bayan.

Utang niya sa caniyang sariling dan~gal at sa Dios ang mag taglay n~g

isang ugaling ualang ipipintas, upang mapapurihan niya ang caniyang

bayan sa harap n~g m~ga taga ibang lupa, at mag bigay sa caniyang m~ga

cababayan n~g halimbaua n~g cabaitan at casipagan.

77.--Siya ang quinabobooan n~g capangyarihang magpasunod sa m~ga

cautusan at nalalaganapan n~g capangyarihang itó ang lahat na bagay na

quinacailan~gan n~g cahusayan sa loob n~g bacuran nang República at sa

icapapanatag sa labas, ayon sa ibinibilin n~g m~ga cautusan sa

pagbaban~gon at sa iba pang bagay.

78.--Ang Presidente ang mag lalathalâ n~g m~ga tadhana n~g Kapisanan

upang mapilit sa pag sunod ang tauo; gayon ma'y cun inaacala niya na

ang alin man sa m~ga tadhanang ito ay macagagambala sa cahusayan sa

loob at sa capanatagan sa labas ay malalaguian niya n~g sansalâ (veto)

sa ilalim n~g boo niyang capanagutan.

79.--Ang Presidente sa sarili niyang isip ó sa hamong n~g alin man sa

caniyang m~ga Kagauad ay macapaghaharap sa Kapisanan n~g ano mang

panucala n~g cautusan; n~guni't bago gauin yaon ay didinguin muna ang

Tanun~gan.

80.--Bucod pa'y nauucol sa caniya itong m~ga malaquing capangyarihang

susunod:

Una. Kumathá n~g m~ga atas at tagobiling quinacailan~gan sa pagtupad

n~g m~ga cautusan at man~galaga na sa boong nasasacupan n~g República

ay ualang maghari cundi ang madali at ganap na catouiran.

Icalaua. Gumaua n~g m~ga cautusan at bagong pacaná na inaacala niyang

dapat ihamong sa Kapisanan ucol sa cagalin~gan n~g República, upang

pagnoynoyin n~g nararapat.

Icatlo. Maghalal sa m~ga may catungculan sa bayan ayon sa m~ga

cautusan.

Icapat. Acayin ang Hocbong dagat at Hucbong cati at pagayao-ayaoin sa

paraang lalong nararapat sa pamamaguitan n~g m~ga Generales na lalong

may catampatan na siyang pagsasalinan niya n~g Kapangyarihan.

Icalimá. Mag tuto sa paquiquipulong sa m~ga Pamunoang taga ibang lupa

at maghalal n~g m~ga sugo at Consul na cacatauanin niya.

Icanim. Mamahala sa pagpapabubo n~g m~ga salapi at mag atas n~g m~ga

pag-gugulan, n~g m~ga itinatalagá sa baua't san~gá n~g pamamahala sa

bayan.

Icapitó. At catapustapusa'y man~galaga sa lahat n~g nauucol sa

cahusayan at icatitimaua n~g bayan sa m~ga sáquit.

81.--Ang man~ga hanganan nang capangyarihan nang Presidente ay itong

man~ga susunod:

Una. Sa ano mang dahila'y hindi masasan-sala ang pagcacatipon n~g

Kapisanan sa m~ga panahon at pangyayaring nabibilin sa cautusan, at

gayon ding hindi yaon mapipiguil at mapaghihiua-hiualay at cailan ma'y

di magagambala ang man~ga pagpupulong at paglilining nitó.

Icalaua. Hindi siya macalalabas sa nasasacupan n~g República at di

niya masisira ó maihihiualay at malalaguian nang ano mang capanagutan

ang alin mang bahagui nang lupain nitó.

Icatló. Hindi macapagyayari n~g anomang tipanan at iba pang casundó at

gayon ding hindi mapaiiral ang digmá at mapababalic at mapagtitibay

ang capayapaan cun ualang pahintulot ang Capisanan.

82.--Ang man~ga pasiya nang Presidente nang República ay pipilmahang

palagui nang Kagauad na nauucol; n~guni't hindi ito mananagot na

casama niya cundi maquilala na itong Kagauad ang naghamong nang m~ga

naturang pasiya.

83.--Hihirang ang Presidente sa m~ga Tagatayó at Apong halili na at

quinaquitaan nang ugaling ualang ipipintás sa pag ganap nang

catungculan ó di caya'y sa man~ga nag gugol nang malalaquing

paglilingcod sa bayan, n~g m~ga Kagauad n~g Pamunoan na siyang

tutulong sa caniya sa paglulutas nitong m~ga susunod na san~gá:

Una. Paquiquipanayam sa tagá ibang lupa at pagcacalacal.

Icalaua. Panihala sa loob na nacasasaclao sa cahusayan sa loob, sa

pagtuturo at pagpapalayó sa m~ga sáquit.

Icatlo. Gauang bayan, at dito'y masasama pati n~g gayang lupa at

gauang camay.

Icapat. Catuiran.

Icalima. Yaman.

Icanim. Digmang cati.

Icapito. Digmang dagat.

84.--Ang m~ga Kagauad n~g Pamunoan ay macahaharap sa Capisanan at

Tanun~gan cailan ma't may ipagsasabi sa n~galan n~g Presidente ó

sila'y turulin cayá n~g hayág nino man sa Kapulun~gang itó.

N~guni't cun pagbobotosan na ang dahil n~g canilang pagdayo ay lalabas

at di maquiquialam dito.

85.--Hihirang din naman sa m~ga tauong nababanguit sa núm. 83 at sa

m~ga Katiuala at Punong bayang halili na at quinaquitaan n~g ugaling

ualang ipipintas, n~g m~ga ihahalal niyang Punong cabayanan, na siyang

pagsasalinan niya n~g boong capangyarihan sa loob n~g cabayanang

masacop nitó.

86.--At gayon ding hihirang sa tatlong iharap sa caniya n~g Sanguniang

bayan n~g gagauing Punong bayan na cacatauanin niya sa baua't bayan.

Upang mabilang sa m~ga ihaharap ay quinacailan~gang nagdaan sa pagca

matandá ó Pan~gulo at di napapintas sa ugali.

Ang m~ga Pan~gulo na siyang catiuala n~g Punong bayan sa bauat nayon

ay ihahalal n~g Punong cabayanan sa m~ga mapili n~g umaambag na may

carapatán. Ang pagpili sa m~ga Pan~gulo ay caparis din sa m~ga

matandá.

87.--Ang catungculan n~g Punong bayan at man~ga Pan~gulo ay tatagal

n~g dalauang taon; at ang m~ga Punong cabayanan ay apat, liban na

lamang cun bago lumampas ang taning na ito ay mapagquilala n~g

Presidente na ang cagalin~gan n~g boong República at ang sariling

cagalin~gan n~g cabayanang quinalalaguian ay nagcacailan~gang siya'y

halinhan nang iba.

88.--Sa bauat san~gá n~g pamamahala sa bayan ay magcacaroon n~g Lugal

cagauad na siyang Pan~galauang Puno sa baua't Gauaran; sa bauat Pitac

ay maglalagay n~g isang Oficial at m~ga catulong at manunulat na

quinacailan~gan sa madaling paglulutas n~g man~ga usap.

Ang man~ga Katungculang ito ay maguiguing isang tan~ging hanap-buhay

gaya naman n~g sa man~ga Hocom at sandatahan, at ualang macapapasoc

dito cundi magdaan muna sa sungcaran, maguing sa hagdang mataas na

buhat sa baitang n~g man~ga Katulong na paitaas, maguing sa mababa na

quinalalagyan n~g man~ga manunulat at iba pang alagad na

quinacailan~gan sa baua't sánayan.

Ualang maguiguing dahil n~g pagtaas dito sa dalauang hagdan cundi ang

catagalan at ang man~ga tan~ging paglilingcod na gauin n~g may

Katungculan, cun yao'y mapatotohanan at marapatin n~g Tanun~gan. Upang

macalipat mulá sa mababa tun~go sa mataas na hagdan ay cailan~gan ding

magdaan sa sungcaran.

89.--Ang lahat na Katungculan sa bayan cahit ano ang quinauuculan ay

babayaran n~g catamtaman, liban na lamang ang man~ga nasasabing ualang

bayad sa man~ga cautusan, at di matatalagahan n~g ano mang upa ang

man~gahiualay sa Katungculang ito. Ang sino mang mapahamac sa pagtupad

n~g Catungculan at dahil dito'y marapatin n~g Kapisanan na gantihin

ang gauang yaon, ang bihis ay ibibigay na paminsanan sa halagang

pasiyahin nito ring Kapisanan.

90.--Ang man~ga sanayán (oficina) n~g Bayan ay bubucsan umaga't hapon

gaya n~g sa man~ga magcacalacal, at magtatayó lamang n~g man~ga

calalaguiang tunay na quinacailan~gan sa madaling paglulutas n~g

man~ga usap.

91.--Baua't Punong cabayanan ay magcacaroon n~g nasasacupan niyang

man~ga oficial, catulong at manunulat na quinacailan~gan sa iba't

ibang san~ga n~g pamamahala sa cabayanang nasasacop niya, at ang

oficial na catiuala sa cahusayan sa loob ay siyang Kagauad na

maguiguing pan~galauang Puno sa Sanayán n~g cabayanan.

Ang m~ga manunulat ay caniyang ihahalal capag nasungcad n~g

Sanguniang-cabayanan.

Ang sino man~gatungculán sa cabayanan ay dapat macaalam n~g salitá

dito.

92.--Baua't Punong bayan ay magcacaroon nang; isang kagauad hugot sa

baitang n~g m~ga catulong at n~g m~ga manunulat na ihahalal niya,

capag nasungcad n~g Sanguniang-bayan. Magcacaroon nang isang catulong

na Comisario n~g Pan~galagaan na may bayad. (Comisario de Policía).

ICAPITONG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa panihala nang catuiran_.

93.--Ang capangyarihan sa paghatol at sa pagpapatupad sa maguing hatol

ay tataglayin lamang n~g m~ga Kapulun~gan (Tribunales) n~g catuiran at

n~g m~ga Hocom, na ualang magagaua cundi ang mag lapat n~g m~ga

cautusan sa usap ó gauang ihablá.

94.--Itatadhana n~g m~ga cautusan ang pagcacasunodsunod n~g m~ga

paraan at pag uusisang dapat gauin sa m~ga usapin sa boong nasasacop

n~g República, at ang panununtunan ay ang camunting sabi at ang

caliuanagan at lilipulin yaong man~ga gauing luma na ualang

quinauuculan cundi ang mag acsayá n~g m~ga papel at ang pahabain mag

parating man saan ang m~ga casulatang usap.

Bibiguian ang m~ga nahablá sa usap-sala n~g boong-caluagan upang

magamit ang m~ga paraang quinacailan~gan nila sa pagliligtas sa

canilang catauan sa ano mang calagayan n~g nasabing usap.

Catagalan n~g m~ga usap-sala ang anim na buan at pagcaraan nitong

taning ay dudusahin nang mahigpit n~g m~ga Capulun~gan ang m~ga Hocom

na di magpaquita n~g tunay na cadahilanan nang pagcabalam.

95.--Magcacaroon n~g iisa lamang sacdalan (fuero) sa lahat na usap

sala at usap catuiran, bucod lamang ang m~ga sandatahan na magcacaroon

n~g sariling sacdalan cun sila'y magculang sa man~ga Cautusang nauucol

sa canilang casamahan; n~guni't masasacupan din sila n~g sacdalan n~g

lahat cun sila'y magcasala sa paquiquisama sa man~ga tauong bayan.

96.--Aalisin ang man~ga Pintacasing hindi upahan n~g bayan, pagca't sa

haharapin ay ang man~gan~gasiua ay ang tunay na may usap ó di caya'y

ang man~ga Abogadong biguian nito nang kapangyarihan.

Gayon ma'y cun ang may ari ay ualang cáya at di macaquita n~g

Abogadong magmacaalam ay macapaglalagay n~g m~ga tan~ging sugo na

man~gatauan sa caniya, n~guni't ang m~ga sugong ito ay mapapara sa

m~ga tunay na Abogado na bumabayad n~g ambagan dahil sa canilang

katungculan.

87.--Ang m~ga cahalili, Hocom at iba pang may katungculang nacacapit

sa san~gang itó ay mananagot na isa-isá sa man~ga gauang pagcuculang

sa cautusan, at sino mang mamamayan ay macapaghahablá tungcol sa

pagpapasuhol at masamang pag gamit n~g katungculan.

98.--Sa calooban n~g República ay magcacaroon nang isang

kataastaasang Kapulun~gan n~g catouiran na mag bubucod sa

quinacailan~gang Licmoan (Sala) na lalaguian n~g limang cahalili bauat

isá; sa bauat calauacan (Region) ay lalaguian n~g isang Kapulun~gan

(Audiencia ó Tribunal) na may tatlong cahalili; sa bauat Hucuman

(Distrito Judicial) ay magcacaroon n~g isang Pan~gulong Hocom (Juez

mayor); at sa bauat bayan ay isang Hocom na taga pamaguitan (Juez de

Paz), na ihahalal n~g Presidente n~g Kapulun~gang nacasasacop capag

naiharap n~g Sanguniang bayan ang man~ga mamayang lalong marapat sa

catungculang itó cun may sariling pamumuhay.

Sa boong nasasacupan n~g República ay magcacaroon n~g anim na

calauacan man lamang na iaayao sa m~ga lupang lalong nauucol ayon sa

dami n~g m~ga tumatahan, at sa bauat calauacan ay magcacaroon n~g m~ga

Hucumang macailan~gan sa madali at matuid na pag aayos n~g catuiran.

99.--Sa siping n~g m~ga Kapulun~gan n~g catuiran ay malalagay ang

casamahan n~g m~ga Pintacasi n~g República na pinan~gun~gunahan n~g

Punong Pintacasi.

Ang m~ga Pintacasing itó ang man~gag aalaga sa mahigpit na catuparan

n~g m~ga cautusan at maquiquialam hindi lamang sa m~ga usap-sala at

usap catuiran (Juicios criminales y civiles), cundi naman sa m~ga

usap-bayan (expedientes administrativos). Sila rin ang

macapagpapatotoo sa m~ga gaua at casundong ibig pagtibayin upang

paniualaan.

Sa bauat cabayanan ay magcacaroon n~g isang Pintacasi na casingtaas

n~g Pan~gulong Hocom, at cun dito'y magcaroon n~g dalauang Hucuman ay

ilalagay sa Piling n~g Hucumang (Juzgado) uala sa loob n~g cabayanan

ang isa pang Pintacasing catulong na capantay n~g kagauad n~g Hucuman.

Sa bauat Kapulun~gan ay magcacaroon din nang isang Pintacasi na

casingtaas n~g Cahalili, n~guni't ito'y ualang paquiquialaman cundi

ang m~ga usap sa Kapulun~gan: at sa calooban (capital) n~g República

lalagay ang Punong-Pintacasi na siyang mag tututo sa m~ga ibang

Pintacasing quinacailan~gan upang mapaquialaman ang m~ga usap sa

cataastaasang Kapulun~gan at sa m~ga Sanayan n~g Pamunoan at gayon din

ang paghuhusay at pamamahala sa casamahan.

Sa bauat bayan ay magcacaroon n~g isang Pintacasing-bayan na huhugutin

sa m~ga kasanguning casalucuyan.

100.--Sa mataas na hagdan nang pan~gan~gatungculang-hocom ay

macapapanhic cun mag daan sa suncaran mulá sa unang baitang n~g m~ga

kagauad n~g Hucuman at m~ga Pintacasing catulong, at ang pagtaas ay

para n~g sa pan~gan~gatungculang bayan dahil sa catagalan at sa

malalaquing paglilingcod na pinatotohanan at minarapat n~g Tanun~gan.

Sa pan~gan~gatungculang itó ay ualang tatangapin sa hagdang mataas

cundi ang m~ga Doctor sa catuiran (Doctor en derecho) at ang m~ga

Abogado.

101.--Tatalagahan n~g Kapisanan ang m~ga naglilingcod sa

pan~gan~gatungculang Hocom n~g catamtamang bayad, upang magcaroon sila

n~g pitagan at casarinlang quinacailan~gan sa maluag na pagtupad n~g

mahal nilang catungculan; at huag tutulutan na sa m~ga Kapulun~gan at

Hucuman magcaroon n~g m~ga manunulat at iba pang alagad na tagá

mababang hagdan na di bibiguian n~g catamtamang upa, upang mailagan

ang masasamang gauing pinag apuhan na sa ilalim n~g yamungmong n~g

Pamunoang castila.

102.--Ang lahat na cahalili sa cataastaasang Kapulun~gan ang hahatol

sa Presidente n~g República capag naipahayag n~g Kapisanan na ito'y

may casalanan, pagca nahalinhan sa catungculan.

At ang isang Licmoan nitó ring Kapulung~gan ang hahatol:

Una. Sa m~ga Kagauad n~g Pamunoan, pagnaipahayag n~g Kapisanan na

sila'y may casalanan.

Icalaua. Sa m~ga Tagatayó at Apo, cun maipahayag na sila'y may

casalanan n~g isang Paniualaang ipalagay n~g canicanilang casamahan.

Icatló. At sa m~ga cahalili nito ring Kapulun~gan at n~g m~ga natatayo

sa calauacan at sa m~ga Pintacasing capantay n~g m~ga cahalili at sa

m~ga Punong cabayanan.

Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas · 第 2 / 3 段