nasasacop n~g República at dito ipagsasaysay ang bilang n~g m~ga
Hucumang itatayó gayon din ang m~ga capangyarihan n~g isa't isa at n~g
bauat Capulun~gan ayon sa patuntun~gan nabibilin dito sa Panucala.
104.--Sino mang nalalagay sa pan~gan~gatungculang-hocom ay di
macahihin~gi n~g ano mang upa sa m~ga usap-sala at usap-catuiran at
iba't iba pang pag gamit n~g catungculan. Pagcatapos n~g m~ga usap ay
babayaran ang costas n~g mahatulang magbabayad nito at ang cabooa'y
guguling lahat sa m~ga papel-multá na itatahi sa m~ga sulat-usap.
105.--Sa baua't bahay-bayan ay magcacaroon n~g isang silid na
parusahan, sa bauat Hucuman ay isang bilangoan at sa baua't
Capulun~gan ay isang Presidio.
Ang pasunod na icacana sa m~ga parusahang itó ay ang lalong nauucol sa
pagcaaua sa tauo at sa pagbabalicloob n~g may m~ga sala.
106.--Ang m~ga Cahalili at Hocom pati naman n~g m~ga Pintacasi ay di
mapaquiquialaman sa pag gamit n~g canilang capangyarihan at paris din
n~g may m~ga catungculang bayan at sandatahan na di maaalisan n~g
catungculan cun ualang usap at hindi maililipat sa ibang lugal cundi
nila hin~gin ó dumating caya ang panahon n~g canilang pag taas, ayon
sa ipinaguutos.
ICAUALONG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa man~ga ambagan_.
107.--Ang Capisanan ang magpapasiya n~g gugugulin sa taontaon sa lahat
n~g san~ga nang pamamahala sa bayan alinsunod sa Curuang (Presupuesto)
iharap sa caniya n~g Kagauad sa Yaman, at siya ring mag aatas n~g m~ga
ambagang macayang ibayad n~g isa't isa ayon sa panucalang (plan)
iharap nito ring Kagauad. Sa pagbabayad n~g ambaga'y ualang maliligtas
cundi ang m~ga Apo na hindi mahalal na Presidente, Pan~galauang
Presidente at m~ga Kagauad n~g Tanun~gan; ang m~ga Punong-bayan, ang
m~ga kasanguning bunot sa cabilugan n~g m~ga Catiuala at Matandá at
ang m~ga Pan~gulo, na hindi magbabayad n~g anomang ambagan habang
gumugusad n~g catungculan.
Hindi rin magbabayad ang m~ga tauong napapasoc sa sandatahan n~g
República at ang pangcat n~g m~ga caual sa Hocbong dagat at Hocbong
cati.
108.--Pipilitin na ang m~ga ambaga'y tapatan at huag pailalim, bucod
sa magaan.
Ang ulohang ambagan (contribución ó capitación personal) ay babayaran
n~g lahat n~g tauo na hindi magcacalaman~gan mula sa edad na
labingualong taong singcad hangan sa di na macacaya sa gaua sa
halagang maluag pasanin n~g m~ga duc-ha.
Ang ambagan sa hanap-buhay (contribución de rentas ó industrial) ay
babayaran n~g m~ga sinasampahan n~g halagang lumalabis sa pagaagdon sa
buhay na catamtaman, dahil sa hinahauacang pagaari ó hanap-buhay.
Ang ambagang bahay (contribucion urbana) ay dadalhin n~g may m~ga ari
n~g bahay na inuupahan ó talagang paupahan.
109.--Macagagamit lamang n~g ambagang pailalim upang macupcup ang m~ga
calacal nitong bayan ó di caya'y cun ang bigay na cabigatan ay may
cauyang paquinabang, ó cun di ma'y upang mapiguil ang malabis na
pagsusunodsunod sa catauan.
Caya't ang m~ga Aransel n~g m~ga pamahalaan sa lalauigan (Aduana) ay
isusunod at ibabagay sa guinagamit sa m~ga capit lalauigan (puertos
vecinos) at n~g marami sa m~ga ibang sacupan.
Ang papel na may tatac ay gagamitin lamang sa man~ga catibayan
(títulos), sa m~ga multá at sa m~ga casundong itititic n~g ualang
bayad n~g man~ga Pintacasi sa Pan~gulong Hucuman (Juzgados mayores),
at ang papel na pangdigquit ó pangdiquit (timbre móvil) ay gagamitin
lamang sa m~ga padalahan sa coreo, sa cauad (telégrafo) at suclian
(giro).
Ang lotería ripa at ang m~ga patente sa juego at ang hulugan sa sabong
ay maguiguing pan~git, na anino lamang n~g Pamunuang castila, sa
pagca't sa haharapin ay ang lahat na laro ó ripang may tayaan ó
pustahan ay maguiguing salang paguusiguin n~g may m~ga Kapanyarihan.
Ang m~ga sabun~gan ay mapaparis sa man~ga pareha n~g cabayo, at
ipauubaya sa may ibig ang pagcacaná noon; n~guni't babahagui sa
paquinabang ang Pamunoan. Kalaquihan na ang pahintulutan ang sabong sa
catapusang lingó n~g baua't buan at sa capistahan n~g pagtatayó n~g
República, at di na mangyayari sa ibang arao pa.
Sa lugal nito'y ang paiiralin ay ang m~ga Mangharan at peria
(Esposiciones y férias), ang m~ga palabas at aliuang macapagsusulong
sa m~ga hanap-buhay ó di caya'y macababago sa masasamang gaui ó cundi
ma'y macapagtuturo n~g pagquilala tungcol gauang carictan (bellas
artes.)
110.--Ang icatlong bahagui n~g man~gasin~gil sa bauat bayan ay
iin~gatan sa Tagoan n~g cabayanan na pan~gan~galagaan n~g isang
nan~gan~gatungculan sa yaman sa ilalim n~g pamamahala n~g
Punong-cabayanan na siyang magaatas n~g pagcacagugulan at n~g m~ga
Casanguning-cabayanan na mag hahalihalili sa catungculang umayon sa
pagpapabayad.
Ang dalauang icatlong bahagui ay dadalhin sa Caloobang tagoan (Tesoro
Central), na paaalagaan sa Banco n~g Pilipinas na uuyanan n~g m~ga
tan~ging pagcacaloob, at ang maguiguing catibayan n~g salaping ito ay
ang malinis na puhunan n~g nasabing Banco at cun culang pa ay ang m~ga
pag aari n~g m~ga calamitang nan~gan~gasiua dito.
111.--Baua't Punong bayan ay tutulun~gan nang m~ga Pan~gulo sa
paninin~gil bauat icatlong buan n~g m~ga ambagan, at ang masin~gil ay
aalagaan n~g Kasanguning may pagaaring casiyang ipanagot, na siyang
pipilma pagtangap sa m~ga tandaan n~g paninin~gil, hangan maisulong
ang masin~gil sa Tagoan n~g cabayanan.
112.--Ang Sanguniang-bayan ang gagaua sa taon-taon n~g Curuan n~g
pagcacagugulan sa bayan pati n~g panucala n~g m~ga ambagang dapat
ipalagay sa caniyang nasasacupan cun may pagcucunan, at ipadadala yaon
sa Sanguniang cabayanan na siyang magboboo sa m~ga Curuan sa
bayan-bayan upang magcapisanpisan sa Curuan n~g boong cailan~gan n~g
cabayanan.
Itong Curuan n~g cabayanan pati n~g panucala n~g m~ga ambagan sa boong
Kabayanan at bauat bayan ay ipadadala sa Kagauad sa Yaman, upang
mapalagay sa Curuan at Panucala n~g calahatan at mapagsiyasat at
mapagnoynoy n~g Kapisanan.
Ang m~ga cailan~gan sa baua't bayan ay tatacpan n~g salapi sa
cabayanan, caya't ipaguutos n~g Punong cabayanan n~g macapagpacuha sa
Tagoan n~g halagang nasasabi sa Curuang napagtibay na ang bauat
Punong-bayan na pipilma sa sulat-bayad (Carta ú orden de pago) ó
recibo casama n~g Kasanguni sa Yaman.
Ang m~ga cailan~gan n~g Kabayanan ay tatacpan n~g salapi ding itó at
cun magculang ay pupunan sa iniuucol sa calahatan.
113.--Ang m~ga olat (cuentas) ay magcacaroon n~g dalauang hanayan, isá
sa pumasoc at isá sa lumabas, at dadalahin n~g m~ga Kagauad n~g
Sanguniang bayan at may tungcol nito sa Pamunoang cabayanan: at sa
taontaon ay ipadadala n~g m~ga Punong cabayanan sa Kagauad sa Yaman,
upang mapag isá ang m~ga olat sa iba't ibang san~ga at maiharap sa
Kapisanan.
114.--Ang Pamunoan ay di macauutang sa loob ó labas n~g República
cundi quilanlin n~g Kapisanang yao'y cailan~gan at pasiyahin tuloy ang
cahalagahan at ang paraang gagauin upang mabayaran n~g unti-unti.
115.--Ang m~ga Sanguniang bayan ang magtutungcol n~g m~ga Talaan n~g
tauo at yaman ó pagaari (Centro, Estadística y Catastro), tan~gi ang
Talaan n~g hayop, lupa at bahay (Registro de la propiedad) at n~g m~ga
paglilipatlipat n~g m~ga bagay na ito, upang tumibay.
Dito sa m~ga huling gagauin ay macasisin~gil n~g camunting upa na
siyang pagcucunan n~g magugol sa lahat n~g gagamitin at sa
quinacailan~gang catulong at alagad sa Sanayang bayan, pati nang upa
n~g Kagauad at n~g Comisario cun maaabot pa.
116.--Ang m~ga Hocom na tagapamaguitan ang magdadalá n~g Talaang
bayan (Registro civil) na siyang pagtatandaan n~g pan~gan~ganac,
pagcacasal at pagcamatay, at sa m~ga capagalang ito ay macasisin~gil
n~g camunting upa na pagcucunan nang gagamitin at ibabayad sa Kagauad
at iba pang; catulong sa Hucuman (Juzgado).
ICASIYAM NA CASAYSAYAN.--_Tungcol sa Lacas n~g Bayan (Fuerza
militar._)
117.--Sino mang mamamaya'y di macatatangui sa pananandata cun siya'y
cailan~ganin ayon sa cautusan, n~guni't di mapipilit ang alin man
hangan may magcusang pumasoc.
Ang Kapisanan ang magpapasiya sa taon-taon n~g dami n~g lacas sa dagat
at cati na dapat in~gatan sa cahusayan sa loob at capanatagan sa labas
n~g República.
118.--Magtatayó n~g m~ga aralán sa pananandata ayon sa m~ga houarang
lalong mabuti na maquita sa iba't ibang lupa, na pagtuturuan n~g lahat
nang paraan sa paquiquidigmá sa dagat at cati, at pipilitin na ang
pangcat n~g m~ga caual ay matuto n~g m~ga bagay na nasasaclao n~g
simulang aral (instrucción elemental).
Ang sino mang maghan~gad mula sa pangcat n~g m~ga caual hangan sa
baitang n~g Sargento ay pahihintulutan sa panahong payapa na macapasoc
sa m~ga aralan sa pananandata, upang macaaquiat sa pangcat n~g m~ga
Puno (clase de Jefes).
Ang pagtaas ay manununton lamang sa catagalan ó sa malaquing
paglilincod na napaglinao at natunayan sa pamamag-itan n~g isang
hatulan.
119.--Ihahanay n~g Kapisanan sa pamamag-itan n~g nauucol na cautusan
ang lahat na quinacailan~gan sa pagtatayó, paghuhusay at pamamahala na
lalong mabuti n~g Hocbong dagat at Hocbong cati.
120.--Sa bauat baya'y ang m~ga bagong-tauong sumapit sa dalauangpung
taong singcad ay papasoc sa sandatahan n~g República, bucod lamang ang
man~ga nagaaral sa m~ga Colegio, Alulod nang carunun~gan (Universidad)
ó Bucal n~g carunun~gan (Universidad central), na natatayó sa ibang
bayan at ang m~ga hindi macacaya na may tunay na cadahilanan.
Sino ma'y ualang macatatangui sa pag gusad na itó at sa m~ga
bagongtauo ring itó huhugutin ang macailan~gan sa m~ga alagang Hocbo
(fuerza permanente) cun ualang mag cusa.
Ang m~ga naturang bagongtauo'y magbubucod sa dalauang puctó na
maghahaliling gumusad sa bauat anim na buan, cun ang bauat puctó ay di
nagcuculang sa dalauang pu catauo; n~guni't cun magculang ay gugusad
na lahat sa loob n~g isang taon.
Sila'y pagpupunuan n~g Comisario n~g Pan~galagaan (Policía) at sila
rin ang maguiguing lacas na taga pagalaga sa bayanbayan, upang maganap
ang m~ga atas n~g Punong bayan at Hocom na tagapamaguitan na siyang
malapit nilang Puno at n~g Punong-cabayanan na siyang lalong Puno.
Ang Comisario n~g Pan~galagaan ay bubunutin sa m~ga nahiualay sa
sandatahan mula sa baitang n~g Sargento na paitaas, cailan ma't di
naquitaan n~g ipipintas na ugali; siya'y babayaran at quiquilanling
parang isang Teniente n~g Hocbo at siyang magtatayó at magtuturo sa
caniyang acay na lacás na parang tunay na sandatahan sa Hocbo.
Ang nan~gapapasoc sa sandatahan n~g República ay di magbabayad n~g ano
mang ambagan at pararamtan at pacacainin n~g Pamunoan sa bayan habang
gumugusad n~g catungculan.
121.--Sa calooban n~g República at sa m~ga bayang malalaqui at
daldalan n~g sarisaring tauo ay maglalagay n~g isang casamahan n~g
m~ga Polisonte, at ang macapapasoc dito ay ang m~ga tauong may
pinagaralan at quilalang may inin~gat na dan~gal at tuga ang
pamumuhay, na mauauan~gis sa Comisario sa caupahan at catayuan.
Ang m~ga nasabing Polisonte ang siyang man~gan~galaga sa bayan at
tutulun~gan n~g lacás na ibigay sa canila n~g Comisario sa paghuhusay,
at malalagay para rin nitong Comisario sa ilalim n~g capangyarihan n~g
isang Prepecto na babayaran at quiquilanling parang isang Capitan n~g
Hocbo.
122.--Pipilitin na sa Hocbong cati at Hocbong dagat at sa m~ga
Pan~galagaan ay tingnan n~g m~ga Puno ang canilang nasasacop na parang
tunay na anac, cayá susugpuin n~g ualang aua hindi lamang ang paglabag
sa Puno cundi naman ang masamang pasunod sa m~ga sacop.
123.--Sa panahon n~g digma ay papapagsandatahin ang m~ga lalaquing
ualang asaua mula sa dalauangpu at isang taon hangan limangpu, at cun
di pa magcasiya ito ay tatauaguin ang m~ga uala ring asaua mula sa
labing ualo.
ICASAMPUNG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa pagtuturo sa bayan_.
124.--Ang pagtuturo sa bayan ay magcacaroon n~g tatlong pagtang: una
simulang aral; icalaua mataas na aral; icatló m~ga carunun~gan.
Sa simulang aral ay ituturo ang pagbasa, pagsasalitá at pagsulat n~g
mahusay nang uicang tagalog na siyang uicang bayan (idioma oficial),
at camunting pagcaaninao n~g uicang inglés, pagbilang at n~g m~ga
quinauuculan n~g sarisaring bagay na naquiquita sa ibabao n~g lupa
(Ciencias exactas, fisicas y naturales), at pupunan n~g camunting
pagcaquilala n~g catungculan n~g tauo at n~g namamayan.
Sa mataas na aral ituturo ang dalauang sunduan (curso) n~g uicang
inglés at dalaua ring sunduan n~g uicang francés na isasalit sa m~ga
iba't ibang sunduan n~g m~ga sipi n~g nabanguit na carunun~gan at iba
pang nauucol sa caugalian at pamamahala sa bayan (Ciencias morales y
politicas), at n~g m~ga pasimulá n~g pag gauâ n~g m~ga libro at
pagsulat sa m~ga limbagan at n~g m~ga gauang carictan (principios de
literatura y bellas artes).
Sa m~ga carunun~gan ituturo ang malaqui at ganap na pagcaquilala n~g
iba't ibang san~gá na nasasaclao n~g talas n~g isip at talas n~g
camay. Sa carunun~gan n~g pilosopia at panunulat ay malalaquip ang
pagtuturo n~g uicang latin at griego.
125.--Sa bauat baya'y magcacaroon n~g isang aralán n~g bayan, at
dito'y nacapapasoc n~g ualang upa ang m~ga batang lalaqui at babayi na
ibig macataroc n~g simulang aral, at ito'y pan~gan~gasiuaan n~g
Sanguniang bayan na siya ring magpapalagay n~g m~ga Maestrong catulong
sa baua't náyon.
Sa bauat cabayanan na may calaquihan ay pipiliting macapaglagay n~g
isang Colegio na pagtuturuan n~g mataas na aral, at sa bauat bayang
pinacamalaqui at mainam sa lahat ay magtatayó n~g isang Alulod n~g
carunungan (Universidad).
Sa calooban n~g República ay maglalagay n~g bucal n~g carunungan
(Universidad Central) at dito at sa malalaquing bayan ay maglalagay
din naman n~g m~ga Sanayán (Academias y Conservatorios) sa ibat ibang
san~gá n~g carunun~gan, gauang carictan at tálas sa hanap-buhay;
casiping naman dito ang m~ga bahay na itinatalaga sa pagcacaauang
gauá sa m~ga duc-ha at may m~ga saquit.
126.--Ang m~ga Propesor sa simulang aral ay cailan~gang mag taglay n~g
catibayan n~g pagcabatsilier sa mataas na aral, at ang m~ga Propesor
dito sa mataas ay magcacaroon naman n~g catibayang hauac n~g isang
Licenciado ó Doctor sa ano mang san~gá n~g carunun~gan. Ang m~ga
Propesor sa m~ga carunun~gan ay cailan~gang maguing Doctor sa san~gang
ituturo.
127.--Casapol nitong pan~gan~galaga sa isip nang bayan ang
pan~gan~galaga naman sa catauan, at dito'y sasanayin ang lacas n~g
m~ga nagsisipagaral n~g unti-unti hangang matayang totoo at magamit sa
pag aagao buhay (lucha por la existencia).
128.--Ang Tanun~gan, at sa capaniualaan nito'y ang m~ga Sanguniang
cabayanan, ang cadóroonan n~g mataas na pan~gan~gasiua sa pagtuturo sa
bayan, at dahil dito'y pag-aaralan at ihahamong sa Capisanan ang
lalong mabuting pagpapatayó n~g m~ga Aralan at ang paraang lalong
mabisa upang macapag aral ang lalong salát, at bucod pa'y
pan~gan~galagaan na magcaroon ang m~ga Propesor nang catamtamang upa
sa pagca't ang caalama'y isa sa malalaquing panulong sa icadadaquila
n~g bayan.
129.--Ang m~ga Colegiong iban~gon n~g m~ga mámamayan ay ibabagay sa
m~ga sinabi dito.
130.--Capag totoong nacalat na sa boong Capuluan ang uicang inglés ay
siyang gagauing uicang-bayan.
MAN~GA CAPUPUNAN.
Cailan ma't aminin n~g Capisanang Tagapagban~gon ang Panucalang ito ay
siyang maguiguing maliuanag na sigao at mistulang anino n~g m~ga
hinagap at pacay n~g Pagbaban~gon (Revolución); caya't alin mang
Tagapagban~gon na mag ibá n~g lacad at di tumulong sa paglalatag nitó
mulang maagao ang tagumpay ay tutucuying mag lililo sa caniyang bayan.
Habang umiiral ang Pagbaban~gon ay gagamitin itó n~g Pamunoang
Tagapagban~gon na parang pang dagdag na cautusan; caya't itó ang
ipupunó sa m~ga caculan~gan n~g m~ga umiiral na cautusan at gagauin
ang boo niyang macacaya upang maihandâ ang bayan, n~g pagsapit n~g
tagumpay ay caracaracang mapairal at maipasunod ang boong maisasalio
at papayagan n~g di ugaling cabagayan n~g digmá.
Capagcatayó n~g unang Capisanan n~g República ay mumulan ang pagcat-há
n~g tunay na cautusan sa pagtatayó (Ley constitucional), na huag
sisinsay sa m~ga patuntun~gang natititic dito sa Panucala at sa m~ga
Pagbabagong ihatol n~g caramihan sa bayan, pagca't ang cautusang yao'y
siyang bugtong na catibayan sa pagpasoc sa cabilugan n~g m~ga bayang
timaua.
=INDICE=
Sa bayang Pilipinas
Ang tunay na sampung utos n~g Dios,13
Unang casaysayan.--Tungcol sa m~ga taga Pilipinas,17
Icalauang casaysayan.--Tungcol sa República n~g Pilipinas,26
Icatlong casaysayan.--Tungcol sa Capisanan (Congreso),27
Icapat na casaysayan.--Tungcol sa Tanun~gan (Senado),39
Icalimang casaysayan.--Tungcol sa m~ga Sanguniang cabayanan at
Sanguniang bayan,43
Icaanim na casaysayan.--Tungcol sa Presidente n~g República at
caniyang Pamunoan,45
Icapitong casaysayan.--Tungcol sa panihala n~g catouiran,52
Icaualong casaysayan.--Tungcol sa m~ga ambagan,57
Icasiyam na casaysayan.--Tungcol sa lacas n~g bayan (Fuerza
militar),61
Icasampung casaysayan.--Tungcol sa pagtuturo sa bayan,63
M~ga capupunan,65