At sa cailan pa ma'y hindi na macasasansala n~g iba pang cat

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG

Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by

University of Michigan.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is

marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa

upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon

ay hindi na ginagamit.]

PANUKALA SA PAGKAKANA

NANG

REPÚBLIKA NANG PILIPINAS

MEY PAHINTULOT ANG GOBIERNO.

=KAVITE=

Limbagan, sa kapamahalaan ni M.Z. Fajardo

1898.

_Sa M. Presidente nang Gobierno Revolucionario ó Pamunoang

Tagapagbañgong puri_,

_Si Apolinario Mabini, taglay ang puspos na galang, ay dumudulog po sa

inyo at nagsasaysay_:

_Sa pagka't di nalilin~gid sa kaniya na sa ganitong kapiitan nang

bayan ay may katungkulan ang sino mang taga Pilipinas na umabuloy sa

boong makakaya sa pagtatayo n~g lubhang malaking gawa n~g ating

pagbabagong buhay, at natatanto din ang pagkakailan~gang magcaroon ang

bayan n~g kamunti man lamang pagkaaninaw tungcol sa katatayoan at

pagkabuhay n~g isang bayang nagsasarilí, upang macapamili n~g lalong

maigui, ay sumulat n~g isang munting libro na ang Pamagát ay «PANUKALA

SA PAGKAKANA NANG REPÚBLIKA NANG PILIPINAS»_.

_Sa pagka't walang nakahihila sa kaniya kundi ang nakaisaisang han~gad

na paquinaban~gan n~g kaniyang m~ga kababayan ang kamunti pa niyang

lakas, ay namamanhik sa inyo na mangyaring ipalimbag at ipakalat ang

nasabing libro at magpasin~gil sa kan~gino mang magcailan~gan nito n~g

halagang maaabot n~g lahat na hanap-buhay, upang magamit yaon sa m~ga

kailan~gan sa Pagbaban~gong puri (Revolución) gaano man ang halagá_.

_In~gatan po kayo n~g Dios na mahabang panahon. Tan~gway ikalima n~g

Julio n~g taong isang libo walong daan at siyam na pu't walo_.

[Lagda]_Apo Mabini_

GOBIERNO REVOLUCIONARIO N~G PILIPINAS 6 NANG JULIO NANG TAONG 1898.

Ayon sa kahin~giang nan~gun~guna, ay limbaguin at ikalat ang librong

sinasabi, na ang halaga ay _isang peseta_ bawat isa, na iuukol sa mg~a

kailan~gang sinasabi n~g gumawa.

E. AGUINALDO.

SA BAYANG PILIPINAS

Sa pagca't talastas co na ang pagbaban~gon ay isa lamang paghahalili ó

pagiiba caya, ay quinusá cong yao'y siyang maguing dahil nang iyong

ganap na pagbabagong buhay at pagbabalat cayó.

Sa bagay na ito'y idinulot co sa iyo ang tunay na sampong utos nang

Dios, upang mataroc mo na ang bait, ang iyong sariling calooban ang

nacaisaisang matibay at uagás na patungtun~gan nang pagaalaga sa iyong

ugali, at gayon din naman ang casipagan ang siya lamang lalong matibay

na haligui nang pagpapalaqui sa iyong catauan. Dahil dito'y

mapaquiquilala mo na ang tunay na capurihan, ang uagás na camahalan ay

di naquiquita sa dugó; cundi sa ugali nang tauo na linalang sa hin~ga

nang bait at sa himas nang malinis na gaua.

Kinusa co rin namang iguhit doon ang simuláng mapagcucunan mo nang

dapat asalin sa iyong bayan, na hindi pa na-aabot nang iyong

pagiisip, alang-alang sa pan~gan~galaga at pagpupuyat nang

nagpapangap mong ina na malapit pang di palac sa inang pan~gaman ó

inali; ibig cong ipaquilala sa iyo na ang cagalin~gan nang isa ay di

macacatumbas nang cagalin~gan nang lahat, na ang isang tauo ay ualang

halaga cun ititimbang sa isang bayan hari nan~gang iuacsí iyang

caraycotan at di tantong paghahan~gad nang iyo lamang na

pagcapadasaling na siyang dumadagan at umiinis sa iyo, iyang

capanaghilian at pagmamapuri na nacaduduahagui sa iyo at ang

cahambugan at catabilang iquinahahalay mo. Kinacailan~gang tunay na

butasan mo ang iyong man~ga ugat nang lumabas na paminsanan iyang

buloc at masamang dugong isinilid nang iyong ina-inahan, upang yao'y

quilanlin mong utang sa caniya magpacailan man.

Ito n~ga't di iba ang pagbabagong ugali na hinaha~gad co: and

pagbabalat cayó ay maquiquita mo dito sa Panucala sa panahong sasapit.

¿Nataosan co caya ang aquing hinaha~gad?

Icao na ang magsabi, yayamang dahil lamang dito caya aco cumucuhang

tanong sa iyo; n~guni't ang masasabi co lamang ay cung pagninilayin mo

ang aquin man~ga gaua, ay, maquiquilalang pilit na uala acong ibang

pacay cundi ito: una ay turuan ang man~ga tauo; saca biguian sila nang

lalong malalaquing caluagan at calayaan, nang pagsaquitan nang baua't

isa sa boó niyang caya ang lalo niyang minamabuti sa daan nang

magaling at nang catouiran; bago co ibubucas ang pintó nang pamamahalá

sa bayan sa ma~ga marurunong, nang canilang usiguin at lipulin nang

ualang saua at humpay ang masamang gaui na binanguit co sa itaas,

upang ang man~ga quilos nang naturang pamamahalá ay sumunod sa atas

nang bait, maquisama sa gauang magaling at tumun~go lamang sa

catouiran; tuloy namang aanyayahan nang pacundan~gan ang man~ga

tumutulong nang lalong malaqui sa man~ga dadalhin nang bayan, nang

pagtatangquilic nang lahat na gumagaua nang magaling at nang pitagan

ang man~ga babaying may puri; at catapustapusa'y sa capupunan nang

lahat nang ito ay uala acong quiquilin~gan at uala namang cacabiguin

sa pamamahagui nang man~ga paquinabang at dadalhin sa bayan, upang

maitayó co ang casamahan nang man~ga tauong mahal, hindi sa dugó at

hindi rin sa man~ga caran~galang paquitang tauo, cundi sa puso at

tunay na carapatan nang bauat isa.

Naquita mo na't itong pacay ay mahirap at malaqui; n~guni't sa iyo aco

umaasa, palibhasa'y icao ay malaqui rin at malacas pa.

Naualan ca nang man~ga anac na daquila at hindi mapapalitán, n~guni't

ualang cailan~gan: gumaua tayo at umasa at ang Dios ay laong malaqui

sa lahat.

Mayo nang 1898.

ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS NANG DIOS

Una. Ibiguin mo ang Dios at ang iyong puri n~g lalo sa lahat n~g

bagay: ang Dios na siyang bucal n~g boong catotohanan, n~g boong

catuiran at boong lacás; ang paghahan~gad n~g puri ang siya lamang

macaaaquit sa iyo na huag magbulaan, cundi laguing manuto sa catuiran

at magtaglay n~g casipagan.

Icalaua. Sambahin mo ang Dios sa paraang lalong minamatuid at

minamarapat n~g iyong bait at sariling calooban, na cun tauagui'y

consiensia; sa pagca't sa iyong consiensia na sumisisi sa gaua mong

masama at pumupuri sa magaling ay doon nan~gun~gusap ang iyong Dios.

Icatlo. Sanayin mo at dagdagan ang catutubong alam at talas n~g isip

na ipinagcaloob n~g Dios sa iyo sa pamamagitan n~g pagaaral, at

pagsaquitan mo sa boong macacaya ang gauang quinahihiligan n~g iyong

loob, na huag cang sisinsay cailan man sa daan n~g magaling at n~g

catuiran, n~g mapasa iyo ang lahat na bagay na dapat mong cailan~ganin

at sa paraang ito'y macatulong ca sa icasusulong n~g calahatan: cun

gayo'y magaganap mo ang ipinatutungcol sa iyo n~g Dios sa buhay na

ito, at cun ito'y maganap mo'y magcacapuri ca at cun maypuri ca na'y

ipatatanghal mo ang calualhatian n~g iyong Dios.

Icapat. Ibiguin mo ang iyong bayan ó Inang bayan na ca-icalaua n~g

Dios at n~g iyong puri at higuit sa iyong sarili, sa pagca't siya ang

nacaisa-isang Paraisong pinaglaguian sa iyo n~g Dios sa buhay na itó;

bugtong na pasunod sa iyong lahi; nacaisa-isang mamamana mo sa iyong

m~ga pinagnuno; at siya lamang pagasa n~g iyong inanac; dahil sa

caniya'y humahauac ca n~g buhay, pagibig at pagaari; natatamo mo ang

caguinhauahan, capurihan at ang Dios.

Icalima. Pagsaquitan mo ang caguinhauahan n~g iyong bayan n~g higuit

sa iyong sarili at pagpilitan mong siya'y pagharian n~g cabaitan, n~g

catuiran at n~g casipagan: sa pagca't cun maguinhaua siya'y pilit ding

guiguinhaua icao at ang iyong casambahay at camaganacan.

Icaanim. Pagpilitan mo ang casarinlán n~g iyong bayan. Sa pagca't icao

lamang ang tunay na macapagmamasaquit sa caniyang icadadaquila at

icatatanghal, palibhasa'y ang caniyang casarinlan ang siya mong

sariling caluagan at calayaan, ang caniyang pagca daquila ang

magdadala sa iyo n~g lahat mong cailan~gan at ang caniyang

pagcatanghal ang siya mong cabantugan at cabuhayang ualang hangan.

Icapitó. Sa iyong baya'y huag cang cumilala sa capangyarihan nino mang

tauo na hindi palagay ninyong magcacababayan, sa pagca't ang boong

capangyariha'y sa Dios ang mumula at ang Dios ay sa consiensia n~g

bauat tauo nan~gun~gusap; caya't ang sino mang ituro at ihalal n~g

man~ga consiensia n~g lahat na mamamayan ang siya lamang

macapagtataglay n~g uagas na capangyarihan.

Icaualó. Ihanap mo ang iyong bayan n~g República, yaon bagang ang

lahat na nagpupuno ay palagay n~g man~ga namamayan, at huag mong

payagan cailan man ang Monarquía ang pagcacaroon baga nang hari; sa

pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan cundi ang isa ó ilan

lamang na maganac upang maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na

siyang pangagalin~gan nang lahat na maghahari; hindi ganito ang

República na nagbibigay n~g camahalan at carapatan sa lahat ayon sa

bait n~g bauat isa, nang pagcadaquila alangalang sa caluagan at

calayaan at n~g casaganaan at cadilagang tinataglay n~g casipagan.

Icasiam. Ibiguin mo ang iyong capua tauo paris n~g pag ibig mo sa

iyong sarili, pagca't biniguian siya n~g Dios at gayon din naman icao

n~g catungculang tulun~gan ca at huag gauin sa iyo ang di niya ibig na

gauin mo sa caniya; n~guni't cun ang iyong capua ay nagcuculang dito

sa camahalmahalang catungculan at nagtatangca n~g masama sa iyong

buhay at calayaan at pag aari, ay dapat mong ibual at lipulin siya

pagca't ang mananaig n~gayo'y ang cauna-unahang utos n~g Dios na mag

in~gat ca at ini-in~gatan quitá.

Icapú. Laguing itatan~gi mo sa iyong capua ang iyong cababayan at

lagui namang aariin mo siyang tunay na caibigan at capatid ó cundi

ma'y casama, palibhasa'y iisa ang inyong capalaran, iisa rin naman ang

inyong casayahan at cadalamhatian, at gayon ding nagcacaayon ang

inyong m~ga hinahan~gad at pag-aari.

Caya't habang tumutulay ang m~ga patuto n~g m~ga bayan na ibinan~gon

at inaalagaan n~g pagcacanicaniya n~g m~ga lahi at angcan, ay sa

caniya lamang dapat cang macuisama at tunay na maquipagisa sa

hinahan~gad at pagaari, upang magcalacas ca sa paquiquibaca sa caauay

ninyong dalaua at sa paghanap nang lahat na quinacailan~gan sa

cabuhayan n~g tauo.

* * * * *

Unang tagobilin.--Tayo ay tinuruan at binihasa n~g Pamunoang castila

at m~ga Paring religioso sa laguing pagtataas nang ating man~ga mata

at ating pag-iisip sa isang balobalong lan~git, upang bayaan natin

sila sa pagtatamong hinusay n~g m~ga cagalin~gan dito sa lupa. Caya't

lason sa canila ang macaquita at macabasa tayo n~g m~ga librong

macapagtuturo sa atin n~g m~ga catotohanang ito, na cung maganap natin

ay matatamong ualang sala ang caguinhauahan sa buhay na ito at sa

cabila'y ang calualhatian at cabuhayang ualang hangan.

Icaluang tagobilin.--Ang inang bayan ay hindi lamang ang cabayanan

provincial, hindi lamang ang bayan (pueblo) at lalong hindi ang lugal

na pinan~ganacan sa baua't isa; ang lahat na cabayanan, ang lahat na

bayan at ang lahat na lugal na tinubuan nino mang taga Pilipinas,

cahit ano ang caniyang sinasamba at ano man ang caniyang salita, ang

siyang tunay na Bayang Pilipinas na ina nating lahat.

PANUKALA SA PAGBABAN~GON

NANG

REPÚBLICA NANG PILIPINAS

UNANG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa man~ga taga Pilipinas_.

I.--Man~ga taga Pilipinas: una ang man~ga tubo sa lupang nasasacop n~g

República n~g Pilipinas; icalaua ang man~ga anac n~g ama ó inang taga

Pilipinas, cahi ma't tubo sa ibang lupa; icatlo ang man~ga taga ibang

lupa na nagcaroon n~g catibayan n~g pamamayan dito; icapat ang man~ga

cahit ualang catibayan ay nabilang na sa man~ga mamamayan sa alin mang

bayang sacop n~g República.

Naaalis ang pagca taga Pilipinas cung lumipat n~g pamamayan sa ibang

lupa ó tumangap caya n~g catungculan sa ibang Pamunoan n~g ualang

pahintulot ang sa República.

Nabibilang sa man~ga taga ibang lupa: una ang man~ga tubo dito sa

República, cung ang magugulang ay man~ga taga ibang lupang hindi

nalipat dito n~g pamamayan; icalaua ang man~ga anac n~g amang taga

ibang lupa, cahit ang ina'y taga rito, cailan ma't quinilala n~g ama

ang anac upang masunod sa caniyang pinamamayanan.

Macahihin~gi sa Kapisanan (Congreso) n~g catibayan sa paglipat dito

n~g pamamayan ang man~ga taga ibang lupang natitira dito alang alang

sa alin man sa man~ga cadahilanang ito: una sa pagca't nacapagasaua

sila sa babaying taga rito; icalaua sa pagca't may natatayo silang

hanap-buhay dito sa capuluan ó nacatuclas caya n~g ano mang

mapagquiquitaan na malaquing halaga, ó may lupain caya ó bahay na

ipinagbabayad n~g malaquing ambagan, ó may calacal cayang

pinamumuhunanan nila n~g sarili at malaquing halagá ayon sa acala n~g

Capisanan: at icatlo sa pagca't nacagaua n~g malalaquing paglilincod

sa icagagaling at icatitimaua n~g República.

Mabibilang sa man~ga mamamayan dito sa Pilipinas ang man~ga anac nang

man~ga taga ibang lupang natitira dito, cun pagsapit sa dalauangpu at

isang taong ganap ay mamayan dito at humauac nang ano mang hanap-buhay

na may casaysayan at tumalicod sa pinamamayanan n~g caniyang

magugulang sa harap nang catampatan may capangyarihan.

2.--Ang man~ga taga ibang lupa ay macatatayo cailan ma't ibig nila sa

lupang nasasacop nitong Capuluan, at macapaghahauac n~g hanap-buhay ó

ano mang catungculan na hindi hinihin~gan nang man~ga cautusan n~g

catibayang galing sa may man~ga capangyarihan dito sa Pilipinas.

Ang hindi nalipat dito n~g pamamayan ay hindi macahahauac n~g

catungculang may taglay na capangyarihan sa bayan ó macapagpaparusa

caya sa tauong bayan.

3.--Ang sino mang taga Pilipinas ay may catungculang manandata at

magtangol sa bayan cun siya'y cailan~ganin ayon sa cautusan, at

umambag naman n~g nauucol sa caniyang pagaari sa man~ga cailan~gan n~g

bayan.

Hindi ipahihintulot sa alin mang cautusan na mabayaran nang salapi ang

paglilincod sa sandatahan; n~guni't hindi gagamit sa hocbong pangdigma

nang tauong dinaan sa pilit haban mayroong maquitang maglincod n~g

kusa.

Sino may hindi mapipilit magbayad n~g ambagang hindi ipinacacana at

tinatangap n~g Capisanan.

4.--Ang sino mang taga Pilipinas at taga ibang lupa ay hindi mapipiit

cundi siya pagbuntuhan nang man~ga hinalang may caliuanagan at

catuiran na siya ang may sala, ó cun siya caya'y nasuboc sa pag gaua

nang casalanan.

Ang sino mang piitin ay ibibigay pagdaca sa Hucom na may

capangyarihan, at ito'y siyang magmamacaalam sa ilalim nang boo niyang

pananagot na huag gamitan ang napipiit n~g ano mang gauing

pagpapasigao at pagpapahirap at agad-agad susugpuin ang ano mang

maquitang paglabag sa capurihan at mabuting pinagaralan. Capag

tinangap n~g naturang may capangyarihan ang alin mang napipiit ay

uusisaing agad-agad cun ito'y dinala sa ibang lugal ó cun pinahirapan,

at alin man dito ang nagaua ay gagamitin capagdaca ang paguusig na

catampatan laban sa man~ga nagculang.

Ang alin mang pagpiit ay pauaualang bagsic ó isusulong sa pagcabilango

sa loob nang pitongpu at dalauang oras mulang isulit ang napiit sa

Hucom na may capangyarihan. Ang pasiyang isadya sa alin man sa

cabagayang yaon ay ipatatanto sa may han~gad sa loob n~g nasabing

panahon ó tacdá.

5.--Hindi mabibilango ang sino mang taga Pilipinas cun ualang utos ang

Hucom na may capangyarihan.

Ang pasiyang capalamnan nitong utos ay pagtitibayin ó pauaualang

bagsic, capag nadin~gig ang tinuturang may sala sa loob n~g pitongpu

at dalauang oras na susunod mulang magaua ang pagbibilango.

Ang sino mang tauong mapiit ó mabilango sa caparaanang nasisinsay sa

ipinaguutos ó sa man~ga gauang di nabibilin sa cautusan ay pauaualan

agad sa cahin~gian niya ó nino mang mamamayan. Ibibilin nang cautusan

ang paraan nang madaling paggaua n~g pagpapaluag na ito at gayon din

naman ang man~ga quinacailan~gan upang lapatan n~g mabilis na parusa

ang man~ga nagsigaua nang di nadadapat na pagpiit ó pagbibilango.

6.--Ualang macapapasoc sino man sa pamamahay nino mang taga Pilipinas

ó taga ibang lupang natitira dito, nang ualang pahintulot ang

maybahay, liban na lamang cun acalain n~g Hucom na di maipagpapaliban

ang paguusisang ito, at cun magcaganito'y idadaos yaon sa paraang

nabibilin sa cautusan.

Ang paghahalughug n~g man~ga casulatan at casangcapan ay gagauin

palagui sa harap n~g mayari ó nang isang casambahay nito, at cun uala

ay sa harap nang dalauang sacsing cahangan ó cababayan.

7.--Hindi mapipiguil at hindi rin mabubucsan nang Punongbayang hindi

Hucom ang man~ga sulat na inihulog sa coreo.

8.--Ang lahat nang pasiya tungcol sa pagbibilango, sa paghahalughug

nang bahay ó sa pagpiguil nang sulat ay magcacaroon nang cadahilanan.

9.--Sino mang taga Pilipnas ay di mapipilit magbago nang bahay ó n~g

lupang tahanan, cun hindi ito ipagutos sa hatol na ilinagdá nang

catampatang may capangyarihan, capagnadin~gig ang may usap, sa man~ga

bagay na nabibilin sa cautusan.

10.--Hindi maicacapit cailan man ang parusang samsamin ang man~ga

pagaari at sino ma'y hindi maaalisan nang caniyang pamumuhay, cundi

yaon iutos nang may capangyarihan sa napagquiquilalang icagagaling

nang lahat; n~guni't cun magcagayon ma'y papalitan nang nauucol sa

halagá.

Cun hindi magcacaganito'y aamponin n~g man~ga Hucom at ibabalic ang

pagaari sa inalisan.

11.--Hindi rin maicacapit cailan man ang parusang patayin, sapagca't

ang tapat na parusang nauucol sa catouiran ay di dapat tumun~go sa

ibang bagay cundi sa pagbabago at pagbabalic loob n~g may sala, cailan

ma't ito-y itutulot n~g hayag na pagbabayad sa nagauang sala.

Natatan~gi lamang dito ang paglabag n~g man~ga sandatahan sa harap

nang caauay, sa pagca't cun magcacaganito'y maaalisan n~g buhay ang

tunay na may sala, cun mahihila ang boong hocbo sa gauang masama pag

hindi ito guinaua.

12.--Ang República palibhasa'y isang Katipunan ay di nagtalaglay n~g

ano mang religion, cundi ipinauubaya sa consiensia nang baua't catauo

ang boong capangyarihan sa pagpili nang inaacala niyang lalong marapat

at matouid.

Caya't sa loob nang bacuran nitong Pilipinas ay di maliligalig ang

sino man dahil sa man~ga caisipang tinataglay niya tungcol sa religión

at sa pag gamit nang pagsambang minamagaling niya, at ang hindi lamang

ipahihintulot ay ang hayag na pagsalansang sa ugaling minamabuti nang

lahat nang tauo.

Gayon ma'y di magagaui nang ualang pahintulot ang may capangyarihan

ang ano mang hayag na pagbibigay puri sa isang religión.

13.--Ang sino ma'y macapipili at macapagaaral nang gauang lalo niyang

minamabuting tunculin sa paghahanap-buhay.

Ang sino mang mamamayan dito ay macapagtatayo at macapaglalagay nang

bahay na talagang pagtuturuan ó pagaaralan ayon sa man~ga cautusan.

Ang Pamunoan ang magbibigay nang man~ga catibayan tungcol sa ano mang

catungculan at siyang magsasabi nang man~ga casangcapang dapat

taglayin nang lahat na magsipaghan~gad noon at nang paraang dapat

pagcaquilanlan nang canilang carapatan.

Isang tan~ging cautusan ang magsasabi n~g man~ga catungculan nang

man~gagsisipagturo at n~g man~ga patungtun~gang dapat sundin sa

pagtuturo sa man~ga bahay na palagay nang bayan.

14.--Ang sino mang mamamayan ay may catouirang:

Macapagpahayag nang caniyang man~ga caisipa't inaacala, maguing sa

bibig maguing sa sulat, at macagagamit nang limbagan ó nang iba pang

ganitong paraan na hindi mapaquiquialaman at mababago nino man.

Magcatipon n~g tahimic at hinusay.

Man~gagsama at man~gaglamita sa anomang cabuhayan n~g tauo.

Macapagharap na isa-isa ó pisan-pisan n~g ano mang cahin~gian sa

Kapisanan (Congreso), sa Tanun~gan (Senado), sa Presidente n~g

República at sa iba't ibang may capangyarihan.

Gayon ma'y hindi pahihintulutan cailan man sa loob n~g lupain n~g

República na matira ang man~ga Kapisanan n~g man~ga paring religioso

na may sinusunod na Puno sa Roma sa piling n~g Papa. Ang malalabi

lamang dito ay ang man~ga Katipunan (Congregaciones) ó Kapatiran

(Hermandades, Cofradías) na lubos na nasasacupan n~g Obispo.

Hindi pahihintulutan ang ano man Katipunan ó casamahan tungcol sa

magaling, cun ang casulatang pinagcayarian sa pagtatayo noon ay di

naquiquita at minamagaling n~g tunay na may capangyarihan, bucod

lamang ang m~ga samahan ó lamitahan sa pan~gan~galacal at ano mang

hanap buhay.

Ang capangyarihan sa paghaharap n~g ano mang cahin~gian ay di

magagamit n~g alin mang casamahan n~g sandatahan. Hindi rin

macagagamit noon ang sino mang tauong nabibilang sa m~ga sandatahan,

cundi alinsunod sa ipinag-uutos sa caniyang casamahan at cung

natutungcol dito.

15.--Ualang maca pag bibigay usap at macahahatol sa sino mang

namamayan cundi ang Hucom ó Tribunal na may catampatan, alinsunod sa

cautusang nan~gun~guna sa, pag gaua n~g casalanan at sa paraang

nabibilin sa cautusang itó.

16.--Ang m~ga namamayang sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad

at hindi hampas lupa at hindi rin binibiguiang usap at nahatulan sa

ano mang casalanan, ay macapipili at macapaghahalal sa ano mang

catungculan sa bayan; n~guni't upang mapili sila ay quinacailan~gan

bucod dito na matutong bumasa't sumulat at mag taglay n~g iba pang

casangcapang hinihin~gi n~g cautusan sa baua't catungculan.

Tatauaguing hampas lupa ang m~ga ualang napagquiquilalang hanap-buhay,

ó di caya'y ualang pinagcacaquitaan cundi ang laro.

17.--Ang m~ga babaying taga Pilipinas ay di macahahauac n~g ano mang

catungculang may capangyarihang maca pag parusa sa tauong bayan;

n~guni't macahahauac n~g m~ga di nag tataglay n~g capangyarihang ito,

cun nacacapit sa canilang catayuan at cailan ma't sila'y di namumuhay

n~g halaghag at mag taglay n~g m~ga casangcapang hinihin~gi nang

cautusan.

Ang calaman~gan nila'y hindi papasoc sa sandatahan at di mag babayad

n~g ambagang iatac ó iayao sa baua't catauo ó ulohang ambagan;

n~guni't mag babayad n~g nauucol sa catungculan ó hanap-buhay na

canilang hauacan. Ang m~ga nag babayad n~g ambagan na sumapit sa

dalauangpu at isang taong sincad, at di nasusucuban n~g capangyarihan

n~g magulang ó nang asaua, ay magcacaroon nang catuirang macapaghalal

sa ano mang catungculan sa bayan, liban na lamang cun iuala nila ang

capangyarihang ito sa pamumuhay na halaghag ó sa pagca't sila'y

binibiguiang usap ó nahatulan sa ano mang casalanan.

Ang m~ga babayi ay macapag-aaral n~g ano mang san~ga n~g carunun~gan

maguing sa isip maguing sa quimotin ó talas n~g camay sa m~ga sanayang

palagay n~g bayan at macahahauac n~g ano mang catungculang na uucol sa

m~ga catibayang canilang macuha.

18.--Itititic n~g m~ga cautusan ang m~ga patuntun~gang quinacailan~gan

upang quilalanin sa man~ga mamamayan at houag mapuing nino man ang

m~ga catuirang quiniquilala sa canila n~g casaysayang itó sa paraang

hindi maca aapi sa calahatan at sa may m~ga capangyarihan.

Pasisiyahin din naman ang pananagot na aacoin n~g m~ga Hucom at iba

pang may capangyarihan na sumalansang sa m~ga catuirang itó, pati nang

parusang lalapat sa canilang catauan ó nang casiraang sasapit sa

canilang pag aari.

At gayon din ihahanay ang m~ga patuntun~gang naaayos sa cabaitan at

matuid upang mapag tibay sa m~ga babaying may puri ang galang at

pacundan~gang dapat ibigay sa canila n~g m~ga lalaqui at ang

calaman~gang dapat iparaya sa canila n~g bayan sa boong panahon, dala

n~g mabuting aral at magaling na ugali.

19.--Ang m~ga catuirang nabibilin sa una, icalaua at icatlong pangcat

n~g núm. 14 ay di masasansala muna, at ang m~ga taning na natatalá sa

m~ga bilang na 4 at 5 ay di mapaglalaonlaon sa cabooan ó isang bahagui

n~g nasasacupan n~g República, cundi may cahanganan at sa pamamag-itan

n~g isang cautusang buhat sa Kapisanan, capag yao'y quinacailan~gan

n~g catibayan n~g bayan sa panahon n~g caguipitan.

Liban na lamang cun ang Kapisana'y nasasará at totoong mahigpit ang

pagcacailan~gan, at cun magcaganito'y maipacacana n~g Pamunoan sa

ilalim n~g boo niyang pananagot at pag naicuhang sanguni sa Tanu~gan

ang pagsansala n~g catuiran at pagpapahaba n~g taning na nababanguit

sa itaas; n~guni gayon ma'y caracaraca'y ipagbibigay alam sa Kapisanan

cailan ma't ito'y mangyayari.

At sa cailan pa ma'y hindi na macasasansala n~g iba pang catuiran at

macagagaua n~g iba pang pagbago, liban sa nasabi na, at cun cahi ma't

pairalin ang gaui n~g digma ay ang may m~ga capangyarihan sa

sandatahan ay pilit yuyuco sa m~ga catuirang quiniquilala dito at di

macagagamit n~g parusang di nabibilin sa utos.

ICALAUANG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa República nang Pilipinas._

20.--Ang República n~g Pilipinas ay ang Katipunan n~g m~ga namamayan

dito, na natatayó sa lupaing nasasaclao n~g m~ga Puló n~g Luzong, n~g

m~ga Bisaya at Mindanao, n~g capuluan n~g Joló at n~g iba pang m~ga

pulopuloang nacacapit sa m~ga sinabing itó at nasasa loob n~g

calauacang tinatauag n~g una pa na capuluan n~g Pilipinas.

Ang Marianas, ang Carolinas at iba pang nasasacop n~g Pamunoang

castila dito sa Oceania ay malalaquip sa República cun sila'y talagang

maquipag-isá sa m~ga taga Pilipinas sa gauang pagbaban~gon n~g

casarinlan ó sariling basaysay.

21.--Ang lupain n~g República ay pagtatan~gitan~giin sa man~ga nayon,

at baua't isa nito'y pamamahayan n~g ilang maganac na napopooc sa

isang lugal.

Ang pooc n~g man~ga nayon ay tatauaguing bayan at ang pooc n~g man~ga

bayan ay pan~gan~ganlang cabayanan. Ang Kapisanan n~g man~ga cabayanan

ay siyang Katipunang tinatauag na República n~g Pilipinas.

22.--Ang República n~g Pilipinas ay namumuhay n~g sarili at ang

pamahalaan niya ay ang nababagay sa caniyang pan~galan, sa macatuid ay

ang pamamahala n~g isang República.

Caya n~ga't mula sa Presidente hangang sa lalong maliit na may

capangyarihan ay sa tauong bayan huhugutin at ualang ibang gagaoing

patungtun~gan sa pagpili cundi ang uagas na carapatan at lubos na

caran~galan at capurihan at iba pang cahusayan n~g ugali na ipaquita

n~g isa't isa.

Ang lahat na catungculang hindi ihalal n~g bayan, cahit ano ang uri

at gaano man ang halaga ay dadaaning lahat sa sungcaran, upang

mahirang ang lalong marapat, at ang matayó doon ay di mapupuing n~g

pagayon lamang.

Ang matatan~gi lamang dito ay ang m~ga Kagauad nang Pamunoan at ang

m~ga Punongcabayanan at Punongbayan na ipalalagay n~g Presidente,

n~guni't sa paraang nabibilin sa Panucalang itó.

23.--Ang capangyarihan sa pagcat-ha n~g cautusan ay tataglayin n~g

Kapisanan, casama ang Presidente n~g República na inaalalayan n~g

Tanun~gan.

Ang nan~gan~gasiua sa pagpapatupad n~g m~ga cautusan ay ang Presidente

nang República na tinutulun~gan nang m~ga Kagauad nang Pamunoan at

inaalalayan n~g Tanun~gan.

At ang capangyarihan sa paghatol ay tataglayin nang m~ga Tribunal ó

Kapulun~gan nang catuiran at nang m~ga Hucoman.

ICATLONG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa Kapisanan (Congreso_).

24.--Ang Kapisanan ay isang Katipunan nang man~ga Tagatayong inihalal

n~g m~ga umaambag na may carapatán, upang man~gatauan sa canila at

magtangcacal sa m~ga catuiran at pagaaring nasasaclau nang canilang

Cabayanan at nang boong República.

Umaambag na may carapatán ang m~ga lalaquing may taglay nang m~ga

casangcapang nabibilin sa núm. 16 at ang m~ga babaying nasasaclau sa

icalauang pangcat nang núm. 17.

25.--Upang mahalal na Tagatayo ay quinacailan~gan, bucod sa m~ga

casangcapang naulit na nang núm. 16, na ang mahalal ay magtaglay nang

dalauangpu at limang taong singcad at nagtutumirá sa bayan ó cundi

ma'y sa cabayanang quinalalagyan n~g m~ga pumipili; sampahan n~g isang

hanap na malinis at maliuag na maparam na maguing pang agdon sa buhay

na catamtaman at di naguiguing utang sa iba; huag magtan~gan sa bayan

ó sa cabayanan nang capangyarihang macapagparusa sa tauong bayan; at

quilanlin siyang isa sa man~ga namamayang lalong marunong at may

sinimpang sariling dan~gal nang caramihang tauo.

26.--Hindi macapaghahalal at gayon ding hindi mahahalal na Tagatayo

ang sino mang humanap nang botos ó man~gaco nito sa can~gino mang

tauo.

Ang sino mang may capangyarihan na magcupcup at tumulong sa alin mang

naghahan~gad ay hahalan~gan sa catungculan at cacapitan nang usap na

nababagay sa caniyang masamang quilos.

27.--Ang catungculan nang Tagatayo ay siyang lalong maran~gal sa lahat

na mahahan~gad n~g taga rito sa Pilipinas, sa pagca't ang caniyang

capangyarihan ay lubhang mataas at pinaquiquinang n~g di mayabang na

urian n~g suyo sa bayan.

Sucat na lamang ang naturang catungculan na maguing tactac na di

mapapaui n~g capurihan sa maguin dapat sa caniya alang-alang sa

cahusayan n~g paquitang ugali at calaquihan n~g na aalaman at

casipagan; siya ang catibayan; di mapupuing n~g sariling dan~gal at

pag ibig sa bayan.

28.--Ang patungtun~gang dapat alinsunurin sa paglalagay n~g Tagatayo

sa bayan ay ang dami n~g man~ga umaambag na may carapatan, at n~g

matanto ito ay ipacacana n~g Pamunoang Tagapagban~gon, caracaracang

matamó ang tagumpay at quilanlin ang casarinlan n~g Pilipinas, ang

paggaua sa madaling panahon n~g isang Censo ó Talaan n~g man~ga

mamamayan, at tuloy ipahahayag ang man~ga tagubiling quinacailan~gan

n~g huag magculang at mamali.

--Sa Talaang ito maquiquita ang dami nang tauo at n~g man~ga umaambag

na may carapatán at gayon din naman ang bilang n~g man~ga catiualang

matun~god sa baua't bayan at n~g m~ga Tagatayó n~g baua't cabayanan,

ayon sa man~ga susunod.

29.--Ang man~ga cabayanang bumilang n~g dalauang pu at limang libong

mamamayang may carapatán ay magcacaroon n~g isang Tagatayó.

Cun humiguit sa dalauang pu at limang libo hangan limangpung libo ay

dalaua; paglampas n~g limangpu hangan pitongpu at limang libo ay

tatlo; cun lumampas pa dito hangan isang daang libo ay apat; at lima

cun lumabis pa n~g paacyat.

Ang calabisan sa man~ga naturang bilang ay di macadadagdag n~g

Tagatayo cundi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may

carapatan.

30.--Ang man~ga bayang di macaabot sa isang libong mamamayan na may

carapatan ay pipili n~g isang catiuala lamang; cun lumabis sa isa

hangan limang libo dalaua; tatlo cun lumampas hangan sampung libo;

apat cun lumampas pa hangan labinglimang libo: at lima cun lumabis pa

nang paacyat.

Ang calabisan sa man~ga bilang na ito ay di macadadagdag pag hindi

umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.

31.--Bauat nayong bumilang n~g limangpung mamamayang may carapatan ay

pipili n~g isang matanda; paglabis sa limampu hangan isang daan ay

dalaua; mahiguit sa isang daan hangan isang daan at limampu, tatlo;

mahiguit na isang daan at limampu hangan dalauang daan, apat; at lima

pag labis sa dalauang daan na paacyat.

Ang di bumilang nang limampu man lamang ay lalaquip sa man~ga capit

nayon sa pag pili nang matandá.

Ang calabisan na di umabot sa tatlong pu man lamang ay di macadadagdag

n~g bilang n~g man~ga matandá.

Ang loob n~g bayan ay isang tunay na nayon.

32.--Hindi mahahalal na matandá at catiuala ang hindi maaaring mahalal

sa ano mang catungculan sa bayan ayon sa bilin n~g núm. 16 nitong

Panucala, at ang ualang sariling basaysay at pamumuhay.

Hindi rin mahahalal ang man~ga tumatan~gan n~g capangyarihang

magparusa sa tauong bayan, at gayon ding hindi magagauang matandá ang

nagtutumirá sa ibang bayan ni catiuala ang taga ibang cabayanan, at

bucod pa'y itong catiuala ay cailan~gang matuto n~g salitang bayan

(idioma oficial).

33.--Ang paghahalal sa man~ga matandá ay gagauin sa buan n~g

Septiembre n~g taong nan~gun~guna sa pagbubucas n~g Kapisanan. Sa pag

gaua nito ay magsasadya ang Punong bayan sa baua't nayon, upang ang

paghahalal ay maidaos ayon sa ipinaguutos.

Ang pag hahalal sa m~ga Katiuala ay gagauin sa buan n~g Octubreng

susunod at dahil dito'y lalacbayin nang Punong cabayanan ang baua't

bayan.

34.--Sa arao na tadhana n~g m~ga nasabing Puno ay mag titipon ang m~ga

may carapatán sa baua't nayon at ang m~ga matandá sa baua't bayan at

pasisimulan ang pulong, pag papauna n~g Puno sa m~ga caharap na ang

tunay na mag sasangalang sa capurihan at cagalin~gan n~g lahat ay

hindi iba cundi ang man~ga tauong tuga at may puring inin~gat,

marunong cumilala at sumunod sa catuiran at masipag; caya't ang

macapagsanla nitong tatlong hiyas ang siya lamang dapat macahiram n~g

pananalig n~g bayan.

Isusunod dito ang paghahalal n~g dalauang tagapagsiyasat na

maquiqui-agapay sa Puno at nang isang Kagauad na lulucluc sa harap

nito at siyang mag tititic sa casulatan n~g lahat na mangyari sa

pulong, at itong tatlo catauo ay ituturo at huhugutin n~g m~ga caharap

sa canila ring nan~gagcacapisan at siyang maquiqui-umpoc sa Puno sa

Tribunal nang paghahalal.

Saca itatanong n~g Puno sa m~ga caharap cun may ibig mag saysay n~g

pagsusuhulan sa paglicom n~g botos, at cun mayroon ay sa oras ding

yao'y palalaguian n~g ganap na caliuanagan at catotohanan, na hindi na

isusulat ang ano mang pag uusisa. Cun totoo ang hablá ay aalisan n~g

capangyarihang macapag halal at mahalal naman ang sino pamulpugan n~g

casalanan, at ito rin ang gagauin sa sino mang mag ban~gon n~g

paratang; at ang maguing hatol dito ay di mababago nino man.

Cun magcaroon nang usapan tungcol sa tinataglay na carapatan nang alin

man sa manga caharap ay ang Tribunal ang magpapasiya nang lalong

matouid at sa maihatol sa oras ding yaon ay ualang macasasalangsang at

macasusuay.

Pagtutuluyan ang pagpili sa man~ga matanda ó catiuala, at sa bagay na

ito ay lalapit na isá-isá sa Tribunal, nan~gun~guna ang man~ga

marunong bumasa at sumulat at sasambitin ang pan~galan nang man~ga

tauong napipili na isusulat nang cagauad sa harap nang napili sa isang

talaang natatalaga. Cun ang napili ay di maalam bumasa ay

macapagsasama nang isang marunong sa man~ga caharap, upang maquilala

niya na ang pan~galang caniyang sinambit ang siyang isinulat. Dito at

sa alin mang paghahalal ay ang bumutos sa caniyang sarili ay

maaalisan nang botos.

Cun matapos ang pilian ay bibilan~gin nang Puno at n~g man~ga

tagapagsiyasat ang man~ga botos at itititic n~g Cagauad sa casulatan

ang ano mang mangyari. At cun mayari na ang casulatan ay babasahin n~g

malacas nito ring cagauad at cun ualang bumati at tumotol ó pag

naititic ang ano mang ipacli, ay pagpipirmahanan nang man~ga caharap

cun ang pinili ay man~ga catiuala, at cun matandá ang man~ga nahalal

ay ang pipilma ay ang man~ga casangcap sa Tribunal lamang.

At lulutasin ang pulong pag nabiguian ang m~ga nahalal n~g tig-isang

salin n~g casulatang guinaua, sa may pilma nang Tribunal sa bauat

salin, at matitira ang sinalinan sa Archibo ó Tagoan nang man~ga

casulatan nang bayan.

35.--Upang mahalal ang sino man namamayan quinacailan~gang malicom

niya ang mahiguit sa calahati n~g man~ga botos.

Ang m~ga may carapatan cahit ano ang catungculang hinahauacan ay di

macapagtataglay nang lalabis sa isang botos, at ang m~ga taga pag

usisa at cagauad ang huling pipili sa lahat.

Ang Punong nan~gu~guna sa paghahalal ay di bobotos; n~guni't pagnagca

patas ay maiquiquiling niya ang caniyang pasiya upang macahiguit ang

caniyang magalin~gin.

Hindi maaaring maquisalamuha sa pulong ang sino mang magbitbit nang

sandata.

36.--Sa unang lingo n~g buan n~g Noviembre ay man~gagtitipon sa loob

n~g cabayanan ang m~ga catiuala n~g baua't bayan na dala ang m~ga

saling magpapaquilala nang canilang hauac na capangyarihan, upang

maihalal ang m~ga Tagatayong nauucol sa cabayanan.

37.--Ang pulong ay pan~gu~gunahan n~g Punong cabayanan sa bahay na

itinalagà nito at gagauin itong man~ga paghahandá: ipaquiquita n~g

baua't catiualá ang saling dala niya; ihahalal at huhugutin sa

nan~gagcacapisan ang pagcacaisahan nang marami na tatlong taga

pagsiyasat at isang Kagauad na siyang magnonoynoy sa m~ga saling

iniharap, at n~g tatlong sugó na magsisiyasat sa salin nitong apat na

nahugot; at bago babasahin ang man~ga Pangcat nitong Panucala na

nagsasabi n~g paghahalal.

Sa quinabucasa'y magtitipon oli at dito'y pagnaipagpauna n~g Puno ang

nabibilin sa unang pangcat n~g núm. 34 ay ipababasa n~g malacas ang

pinagcatoosan n~g man~ga tagapagsiyasat at Kagauad gayon din ang sa

man~ga sugó, at ang pasiyahin n~g caramihan sa man~ga bating ipaclí sa

man~ga salin ó catiuala ay siyang susundin n~g ualang tutol sa

pangyayaring yaon lamang.

Bago gagauin nang Puno ang tanong na nasasabi sa icalauang pangcat

nang naturang número 34 at gagauin din naman ang iba pang nabibilin sa

pangcat ding ito. Sacá idadaos ang paghahalal nang man~ga Tagatayó sa

paraang sinasaysay nang icapat na pangcat nang naulit na número.

Cun matapos na ang paghahalal ay tutuusin nang Puno pati nang man~ga

tagapagsiyasat at nang cagauad ang man~ga botos at mahahalal ang

macalicom nang mahiguit sa calahati. Cun ualang macatipon nang ganito

carami ay pagbobotosang muli ang man~ga nagcaroon nang lalong maraming

botos hangan matagpoan ang bilang na hinahanap.

At catapustapusa'y ititic nang Kagauad ang casulatan at pagcayari

babasahin nang malacas at pag napalagay ang man~ga bating itutol ay

pipilma ang lahat na caharap, at lulutasin ang pulong capag nabiguian

nang tig-isang salin ang man~ga nahalal, na pipilmahan nang Puno, nang

man~ga tagapagsiyasat at n~g Kagauad.

Sa Kapulun~gan nang m~ga matandá cun ihalal ang m~ga catiuala ay ang

pagsisiyasat n~g m~ga salin ay gagauin sa oras ding yaon n~g Tribunal,

capag naipabasa ang m~ga salin n~g tagapagsiyasat at Kagauad na

nahugot. Cun batiin at paualang halagá ang salin n~g alin man sa

nahugot na ito ay hahalan~gan n~g ibang pagcaisahan n~g caramihan.

38.--Cun mamatay ó di macacaya ang alin man sa m~ga Tagatayó ay dadayo

at haharap sa Kapisanan ang m~ga nagcaroon n~g mababang bilang n~g

botos sa m~ga napili, cun umabot sa mahiguit sa calahati at cun hindi

ay mas gagaua n~g bagong paghahalal sa paraang nasabi na.

39.--Ang catungculan n~g Tagatayó ay di malalangcapan n~g iba pang

catungculan ano man ang uri at bagay, at hindi macahahauac noon ang

maytan~gang capangyarihang magparusa sa tauong bayan sa loob n~g

cabayanang pinag gauan n~g paghahalal.

Ang m~ga Tagatayo'y hindi muling mahahalal cundi mahalinhan muna at

macaraan ang caniyang capanahunan.

40.--Ang baua't Tagatayo'y may catungculang man~galaga sa m~ga

catuirang quiniquilala nitong Panucala sa m~ga namamayan at magsigasig

n~g icaguiguinhaua n~g República at n~g cabayanang caniyang

tinatayuan.

41.--Upang matambin~gan ang capagalan n~g m~ga Tagatayó ay tatalagahan

sila n~g canicanilang cabayanan nang catampatang upa sa caniyang

Presupuesto ó Tandaan nang magugugol at nang pagcucunan nang

gugugulin.

42.--Sino ma'y di macatatangui sa catungculang Tagatayô, Catiuala ó

matanda man, sa pagca't ito'y isang suyong dapat gugulin n~g sino man

sa caniyang bayan, cun may puri at dan~gal na sinimpan at may

pagtin~gin sa sariling cagalin~gan.

43.--Sa unang arao n~g baua't taon ay man~gagtitipon ang man~ga

Tagatayó sa calooban (capital) n~g República at gagauin ang hayag na

pagbubucas nang Kapisanan, tuloy babasahin ang taonang calatas n~g

Presidente n~g República nito ring Presidente, ó di caya'y n~g

Presidente n~g Kapisanan cundi taon n~g pagbabago.

Ang man~ga abala at pagpupulong n~g Kapisanan ay mumulan sa nasabing

arao hangang catapusan n~g buan n~g Marzo sa taontaon. Ang man~ga

pulong ay hayagan at hindi macapagpupulong nang lihim cundi

mapagquilalang yao'y cailan~gan.

Ang panahon nang pagcacabucas ay mapalalaon n~guni't catagalán na ang

isa pang buan, una cung yao'y hin~gin nang Presidente nang República

at icalaua cung yao'y mapagquilalang cailan~gan nang dalauang icatlong

bahagui nang m~ga Tagatayó.

44.--Ang capanahunan n~g nan~gagcacapisan ay tatagal n~g apat na taon,

at cung ito'y macaraan ay papalitan ang man~ga datihan n~g bagong

Tagatayo.

45.--Sa unang taon n~g pagcacatayo n~g Kapisanan at sa pagpapalit ay

ang pagbubucas ay gagauin nang Presidente nang República na cun

macatapos n~g pagbasa nang Calatas ay man~gan~gasiua nang pagtatayó

nang dalauang Paniualaan na pagcaisahan n~g marami, isa ay lima catauo

ang sangcap na siyang magsisiyasat nang lahat nang salin nang iba

nilang casama at ang isa'y lalaguian nang tatlo catauo na sisiyasat

nang man~ga salin nitong limang nauna.

Ang m~ga Paniualaang ito ay siyang magbibigay saysay quinabucasan

tungcol sa cayarian ó caculan~gan nang naturang m~ga salin at siyang

magmamacaalam na ualang pucnat sa m~ga paghahandang gagauin, han~gan

mapasiya at pagcaisahan nang marami ang m~ga iban~gong usapan tungcol

sa cayarian nang m~ga salin at calagayan nang m~ga Tagatayó. bago

lumampás ang sampong arao. Sa susunod nang taon gagauin, pagcatapos

nang pagbubucas, ang m~ga quinacailan~gan sa pagpapasiya sa m~ga salin

at calagayan nang m~ga Tagatayóng maharap na bago.

Caracaraca'y huhugot dito rin sa nan~gagcacapisan at sa butusang lihim

nang pagcaisahan nang mahiguit sa calahati na isang Presidente, isang

Pan~galauang Presidente at tatlong Kagauad, at lulutasin ang

paghahanda capag naisulat sa Presidente n~g República ang man~ga

paghahalal na itó.

46.--Ang man~ga Tagatayo'y hindi mapaquiquialaman tungcol sa canilang

man~ga caisipan at di sila masisisi dahil dito nino mang may

capangyarihan sa ano mang paraan.

Habang bucás ang Kapisanan ay di mabibigyang usap ang sino mang

magcasala hangan di naquiquilala ang casalanan nang isang Paniualaang

ipalagay nito ring Kapisanan. Ang m~ga habla sa ano mang casalanan

habang nasasará ay mabibigyang usap na di na magdadaan sa alin mang

Paniualaan, n~guni't ang kapulun~gang hahatol ay magpapasabi sa

laguing Paniualaan at dadali-daliin ang usap upang matapos agad.

Samantalang ganito'y ang may usap ay di macahaharap sa m~ga pulong

nang Kapisanan hangan di maquilalang siya'y ualang sala.

47.--Ang man~ga capangyarihan nang Kapisanan ay ito:

Una. Cupcupin at itangcacal ang man~ga catuirang quiniquilala sa

mamamayan nitong Panucalá at pan~galagaan ang ganap na catuparan nang

cautusan sa pagbaban~gon at iba pá.

Icalaua. Kumathá n~g m~ga cautusan, magpaliuanag sa m~ga cahulugan

nito at paualan n~g bagsic ang m~ga naquiquilalang lipás na.

Icatlo. Ilagay sa catungculan ang mahalal na Presidente nang República

capag nadin~gig ang unang Calatas nito sa pagbati.

Icapat. Aminin bago pagtibayin ang ano mang cayaring gauin sa m~ga

taga ibang lupa at quilanlin muna ang pagcacailan~gan bago pairalin

ang ano mang digma.

Icalima. Magbigay ó tumangui sa capahintulutang quinacailan~gan upang

macapasoc ang m~ga sandatahang taga ibang lupa sa nasasacupan nang

República.

Icaanim. Pasiyahin taon taon cung maquita ang hamong n~g Presidente

n~g República ang Hocbong dagat at Hocbong cati na dapat gamitin sa

panahon n~g capayapaan at ang maguiguing caragdagan sa arao n~g digma,

at maglagay n~g man~ga cautusan tungcol sa cahusayan at paraang dapat

sundin n~g m~ga naturang hocbo.

Icapito. Ipacana taontaon ang m~ga ambagan at ang pagaayau-ayau noon.

Icaualo. Pasiyahin ang dami nang magugugol sa pamamahala sa bayan at

pagnoynoyin ang catoosan (cuenta) noon.

Icasiyam. Magtayo nang m~ga Aduana (pamahalaan sa m~ga lalauigan) at

maglagay n~g man~ga Aransel ó Tandaan nang m~ga opang dapat sin~gilin

sa m~ga calacal na idoong.

Icasampu. Magpasiya nang nauucol sa pamamahala, pagiin~gat at

pagaaluas n~g m~ga pag aari n~g República at humiram sa n~galan nito

n~g salapi cun baga't cailan~gan.

Icalabingisá. Magdagdag ó magbauas n~g m~ga Katungculang

quinacailan~gan n~g isang matipid na pamamahala.

Icalabingdalaua. Pasiyahin ang halaga, timbang, uri at n~galan nang

man~ga salapi, at gayon din ang huarang lalong madali at matuid n~g

man~ga timban~gan at panucat.

Icalabingtatlo. Guisin~gin at pasulon~gin ang lahat nang paraan nang

hanap-buhay at alisin ang man~ga nacahahadlang sa paglaqui.

Icalabingapat. Ilagay ang paraan n~g pagtuturo sa bayan sa boong

nasasacupan n~g República at ituro ang man~ga patungtun~gang susundin

sa paghuhusay sa man~ga malacas at sa man~ga maysaquit.

Icalabinglima. Magcaloob n~g man~ga Karan~galan at gantí, pati nang

capatauaran sa sála, na ihamong nang Pamunoan.

Icalabinganim. At catapustapusa'y pasiyahin muna ang capanagutan n~g

man~ga Kagauad n~g Pamunoan, at n~g Presidente n~g República cun ito'y

mahahalinhan na.

48.--Ang lugal na pinagpupulun~gan nang Kapisanan ay lubhang

cagalang-galang at di mapagpapahamacan at sino ma'y ualang macapapasoc

doon cun may bitbit na sandata cahima't ang Presidente n~g República.

At hindi rin macapapasoc dito ang m~ga sandatahan, liban na lamang cun

ipatauag nang Presidente nang Kapisanan upang maoli ang cahusayan sa

loob na guinambala nang man~ga di marunong magbigay puri sa sarili at

sa hinahauacang catungculan.

49.--Ang alin mang Tagatayó ay macapaghaharap sa Kapisanan nang ano

mang panucala nang cautusan, cailan ma't ito'y gauin sa sulat; at cun

ipahayag nang Kapisanan na yao'y marapat pagpulun~gan at pagnoynoyin

ay bibiguian n~g salin ang Tanun~gan upang paglini~gin nitó.

Hindi mapagbobotosan sa Kapisanan ang ano mang panucala, cun hindi

maquita muna ang man~ga pinag usapan sa Tanun~gan.

Ang man~ga pacaná nang Kapisanan ay may bagsic nang cautusan, n~guni't

hindi pa dapat sundin cun hindi pa ilinalat-hala yaon nang Presidente.

50.--Sa man~ga pagpupulong at iba pang nauucol sa panihala at

cahusayan sa loob nitong Kapisanan ay ang susundin ay ang man~ga

Tagobiling caniyang quinathá.

51.--Ang man~ga Tagatayó sa cabayanang calooban nang República pati

nang tigisang pili sa man~ga tumatayo sa man~ga capit cabayanan ang

naguiguing Laguing Paniualaan na, cun nasasara ang Kapisanan, ay

man~gan~galaga sa ganap na catuparán n~g m~ga Cautusan at siyang

tatauag sa man~ga capulong cun ito'y hin~gin n~g Presidente sa pagca't

dumaan ang caguipitan ó may pagpupulun~gang lubhang malaquing bagay.

ICAPAT NA CASAYSAYAN.--_Tungcol sa Tanun~gan (Senado)._

52.--Ang Tanun~gan ay isang cabilugang lubos na cagalang-galang, na

quinadoroonan n~g man~ga tauong lalong hirang dahil sa cahusayan n~g

paquitang ugali at sa calaquihan n~g naalaman sa ano mang san~gá n~g

carunun~gan at paghahanap-buhay.

Ito'y natatalagang magpaliuanag sa Kapisanan at sa Pamunoan sa

canicaniyang usap na hinahauacan, upang ang lahat na itadhana nilong

dalaua ay masamahang palagui n~g pagcatuga at catuiran; caya't ualang

macaaaquiat dito sa mataas na luclucan cundi yaong m~ga piling

mamamayan na nagpaquita n~g di caraniuang talas n~g isip at casipagan.

53.--Ang Tanun~gan ang una-unang magsisigasig sa icasusulong n~g

pagtuturo sa bayan at n~g gaua sa lupa, gauang camay at gauang

mag-calacal, pati n~g m~ga daong na calacalan at pangdigma; caya't

pag-aaralan ang malayong inabot n~g m~ga iba't ibang lupa tungcol sa

m~ga bagay na ito at iba pang icagagaling n~g República, ihahamong sa

Presidente ang pagpapasoc dito n~g man~ga cagagauang hindi pa

natatahacan n~guni't napagquilalang mabuti, cucupcupin ang m~ga tan~gi

sa caramihan dahil sa talas n~g isip at sa m~ga natuclasang

icagagaling n~g lahat at pasisiglahin ang loob n~g tauo sa pagtatayó

n~g m~ga samahan at pagpapaquitaan n~g canicanilang gauang carunun~gan

paris n~g m~ga peria at exposición at sa pagbubucas n~g mabibilis na

daan n~g pagcacaabutan n~g m~ga iba't ibang bayan sa pamamagitan n~g

man~ga limbagang marunong magpahatid tungcol cabaitan at catotohanan,

palibhasa'y di nasosopalpalan nang casaquiman at cadayaan.

54.--M~ga Apo na tatayó sa Tanun~gan (Senador) at magbibibig sa

canicanilang casamahan ang man~ga General at Almiranteng casalucuyang

naglilincod; ang Rector ó namamahala sa bucal n~g carunun~gan

(Universidad Central) at n~g m~ga Sanayang (Academia) itayó ucol sa

alin man san~gá n~g dunong at alám; ang m~ga Decano n~g m~ga

Sindicatong itayó n~g m~ga humahauac nang iisang hanap-buhay; at ang

m~ga Director n~g m~ga bahay na natatalaga sa pagcacaauang gaua sa

tauo, na pinan~gan~gasiuaan n~g Pamunoan.

Ang m~ga nasabing Rector n~g m~ga Sanayan gayon din ang m~ga Decano at

Director ay hindi macatatayong Apo, cundi nila hin~gin sa Kapisanan na

sila'y, biguian n~g capangyarihang itó sa pagca't ang canicanilang

pinamamahalaan ay nacatutulong n~g malaqui sa cagalin~gan n~g lahat.

Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas · 第 1 / 3 段