XI.

_Ang pagsasalo-salo sa bahay ni Kadiliman._

Si Kadiliman ay malungkot may taling panyong puti sa ulo, palaging

napaghihiló dahil sa sakit na taglay, na ayon sa sabi n~g m~ga medico

ang sakit na itó ay, nabubúlok ang pusô, kaya nanghihina, kung kaya

naman napaghihiló nabúbugok diumanó ang utak; nakahilig sa isang

mainam na luklukan si Kadiliman, palaging nakatin~gala't pinag-iisip

ang kahapis-hapis na buhay na kanilang napagsasapit na mag-anak;

nakasanglâ halos ang boong kabuhayan sanhî sa pag-gugol at

pagkakándido, at sa taglay na karamdaman. Siyang pagdating ni Lolay na

galing sa bahay sanglaan at nagsanglâ, inabot-abot ni Lolay ang salitâ

ni Kadilimang: «Pag hindi ako nagkaroon n~g katungkulan sa taóng itó

magpapakamatay na ako.»--Iyan ang masasapit n~g isang gaya mong ibig

Apoin n~g lahat, malasin mo itong ating sinasapit na mag-anak,

isinangla ko na n~gayon pati n~g naiwang lupa ni ama, n~gayon handá na

naman itong iyong gagawin, ¡gastos na katakot takot!--Ulol na tawo

ito, ang pahikayat na sabi ni Kadiliman. ¿Mayroon bang namuhunan na di

nakinabang? pag ako'y naging Diputado, pag ako'y naging Concejal, pag

ako'y naging Presidente, sa kanila ko din kukunin ang m~ga nagugol

kong iyan, ¡siya ineng! iayos mo ang ating handa, malapit n~g dumating

sila Bakokoy na ating kapanalig, ang pahimok na sabi ni Kadiliman;

pumasok si Lolay sa kálanan upang ayusin ang pagpakaináng gagawin;

siyang pagdating ni Bakokoy at Tenteng, dinatnan nila si Kadiliman sa

gayong kalungkutan, n~g makita ni Bokokoy ang ayos n~g kanyang maestro

na nakahilig, dahil sa sakit na taglay, nan~galigid sa kanyang

namumugtong balintatáw n~g matá ang luha at sinabayan n~g sabing:

Maestro kong mahal.--Bakokoy ang palambing na tugon ni Kadiliman, hwag

mong babayaan ang ating Kapisanan, hwag kayong makikinig sa masasaráp

na sabing madalás magbulid n~g aking kapurihan, kahit pabalubaluktok

ang aking sasabihin paniwalaan ninyo, n~g ako'y guminhawa, kahit gawin

kong tulay kayo sa aking Kadiliman, ako din ang inyong ibigin; nadinig

ni Kamagong ang m~ga salitang itó na halos nagpupuyos ang kanyang

dibdib; n~guni't di binubuka ang kanyang bibig. Datapwa't si Bakokoy

palibhasa'y isang taong binabatak nang sawing palad, halos nahihimlay

ang dibdib sa habág sa kanyang Apô-Apông si Kadiliman, lalô na nang

mawika ni Kadilimang tatampuhan n~g bayan ang taong hindi makinig sa

akin at tuturang makafrayle.

Nang mapakingan ni Kamagong ang huling binigkas sa bibig ni Kadiliman,

umalimpuyó ang galit sa dibdib at sinabing: ¿Ang bayan kaya'y na sa sa

lawak pa n~g Kadiliman? mulî na namang nan~gusap si Kadiliman natin

n~g: ¿Ano po ba ang palagay mo sa pilipino, hindi na bagá kayâ maging

mabuting pilipino kundi patun~go sa landás n~g Kadiliman? siyang

pagdating nila Giday Lasenga at sina Posotsoy, masasayang nagbigay

galang kay Kadiliman; si Giday dahil sa may kalasin~gang dumating,

siyang sumigaw n~g: ¡mabuhay! ang tugon nang lahat at napaban~gon si

Kadiliman n~g madinig ang papuri't sinabayan n~g wikang Lolay, ilabas

mo ang parol.--Oo, ang sigaw naman ni Lolay at maghahain na tuloy ako,

inilabás ang parol, nag-inuman, n~g nan~gagmamalainibay na silang

lahat naghain na si Lolay, tinadtad na ang mainit na litsón,

pinaghiwahiwa na ang inihaw na pabo at nagsidulog ang m~ga panauhín,

lumagay na si Kadiliman sa kanyang lugal na pinakapangulo, saka

nagsalita: ¿Anong kahulugan nitong ating piging? si Tengteng Kamagong

hindi kumikibô, datapwa't sa kanyang sarili ang nawika: ¿Mayroon bang

dapat na makaalam n~g lahat nang bagay na nangyayari kundi ikaw?

umulit na namang tumanong si Kadiliman: ¿Bakit walang makasagot sa

inyo? yayamang hindi ninyo masagot, sasabihin ko na: kaya ako

pinan~gan~ganlang Apô-Apô, dahil sa kabutihan ko, sapagka't

ipinagsasálo ko kayo sa aking dulang; pagka sabi nito, tumalikod si

Kadiliman at sa sarili'y sinabing. (kayâ ko lamang kayo ipinagsasalo,

dahil sa nais kong ako'y inyong ibotos sa anomang katungkulan) muli na

namang hinarap ang m~ga kaawá awa, siya simulan na natin ang

pagkakainan. Tinawag ang kanyang anak na si Arkelaw at binulun~gan, na

ganitó ang ibinulong: Arkelaw na anak ko: ang m~ga kasalo nating iyan,

marami ang bin~gi, bulag at pipe, ang m~ga iba niyan ay m~ga hindi

ganoon, huag mong lubhang pakikisamahan pagka't hindi mo mau-ulol, sa

makatuwid wala kang mapapakinabang, ang m~ga paraang ito'y dapat mong

mahahin sa akin at sa iyong nunong namatay na si Pirong Botete, kung

ibíg mo din lamang guminhawa sa ibabaw n~g mundo, hwag kang makisama

sa kasingtaas mo, n~g iyong mapagharian. Akong si Kadilimang iyong ama

talastas mong na sa karamdaman, hindi natin mahulaan sa n~gayon kung

kailan mapapatid ang tan~gan kong hinin~ga; n~g mamasdan ni Tengteng

Kamagong ang bulun~gang itó nang mag-ama kinalabit si Bakokoy at

pabulóng na sinabing: Matagal ang bulun~gan n~g mag-ama ni Kadiliman

at Arkelaw.--Lantakán mo n~g lantakán ang litsón hindi kung anong

pinagmamasdan mo, ang sagot ni Bakokoy; siyang pagdatal ni Tarorang

Susô at humahan~gos, pakingan ninyo anyá ang aking balita: Ang lahat

ay napatan~ga sa kanya, pumigura si Tarorang Susô at saka nagsalitâ:

Ako anya'y galing sa Sampalok, doon ay nabalitaan kong hindi

naaprobahan ang kalahat lahatang hiling n~g _Bill_ Adriático na ang

bawa't pook ó _distrito_ ay magkakaroon n~g isang _Concejal,_ hindi

ganito ang kinahinatnan kundi dalawa lamang sa boong Kamaynilaan isa

sa Katimugan at isa naman sa Kahilagaan (isa sa N. at isa sa S.) n~g

madinig ni Kadiliman ang balitang itó ni Tarora, naghimatay si

Kadiliman at nabwal sa kinauupang luklukan, siyang pagkakaguló n~g

gibikan n~g lahat sa ating Kadiliman, ang iba'y humihin~gi n~g tubig

ang iba'y Eter, ang kalahatan naman ay ilaw nang tayo anya'y

magliwanag dahil sa laganap sa boong bahay ang Kadiliman, ipinasok sa

silid si Kadiliman, si Bakokoy at Kamagong hindi tumitinag sa

kinauupan, kaya't sila lamang ang naiwan, at nasok sa silid ang

lahat.--Hinampás ni Kamagong sa n~gusô si Bakokoy n~g hità n~g manók

niyang pinapan~gal at saka tinanong n~g ganitó: Hulaan mo Bakokoy kung

bakit nabaligtad si Kadiliman sa pagkaupô?--Ang palagay ko'y lasing

kung kaya nahilo, ito ang naging tugon ni Bakokoy.--Musmós ka n~ga

palang tawo ang paagad na pakli ni Kamagong--Nagalit si Bakokoy at

sumigaw n~g boong lakás; pag ako'y ganitong may kalasin~gan hwag mong

aalipustain si Kadiliman at babasagin ko sa ulo mo itong bote.--Hwag

mo bang initan ang ulo mo, sapagka't ang malamig kailanman ay siyang

magaling ¿di mo ba tanto na ang pamatay sa apoy ay tubig? Kaya't

dumin~gig ka: Haya't nahilo si Kadiliman sa dahilang kaya siya

naggugol n~g pagpapakain upang siyang ihalal natin kung napagtibay ang

_Bill Adriático,_ n~gayo't hindi, kaya't sumubó ang dugô; kaya magmula

n~gayon itong aral ko'y siya mong sundin n~g di ka mabalahô, sa

panahong itó hwag kang lubhang magtitiwala sa masasayang mukha, dahil

sa ang kadalasan nito'y mag-ani n~g mapait na luhâ, hwag kang

padadakip sa gaya ni Kadiliman na sa kasabikan sa tungkol, lahat n~g

buti ang ipinakikita, n~guni't pakitang tawo lamang, diyan ay marami

pang nalisaw na ... Kahit ang laman n~g Lan~git ay ipan~gan~gako

masunod lamang nila ang nais, ¿ayaw ka pa ba sa m~ga n~giting ginamit

kahapon, sa m~ga yakap na ginawa kamakalawa, sa m~ga pan~gakong napako

kanina, sa m~ga tamis n~g dilang ipinalasap kani-kaniná at sa

masasarap na bukang bibig na ginawang sagisag kahapon? ¿Anong

ibinun~ga?--Aywan ang sagot ni Bakokoy.--Ang ibinun~ga: ¿alam mo? ang

sabi ni Kamagong: pawang hapis, pawang dalamhati at lubang walang

lagot. Kahapon ako nakadinig sa bibig n~g gaya ni Kadiliman na ...

bibihisan ang aking iná, tuturuan ang aking kapatid, hangang sa

kukunin ang independencia, kapag siyang malalagay sa tungkol; ang

lahat n~g ito'y naging bun~gan~gâ lamang. Kaya ang kahuli-hulihang

ipagbibilin ko sa iyo'y ito: «ang tunay na pag-ibig hindi bumubukal sa

bibig, kundi sa pusô; ang lahat n~g mabuting nasa hindi nakukuha n~g

bun~gan~ga, kundi sa gawa.»--¿Bakit ipinan~gan~gako ni Kadiliman, na

makukuha ang independencia, pag siya ang nagkaroon n~g tungkol?--Ulol,

ang pasalág na sabi ni Kamagong, ang dapat mo anyang asahan, iyong

inasahan n~g ating mananakop na Rizal, nang siya'y na sa Madrid na

sinabi sa kanya n~g m~ga _republicano_ doon n~g taong 1882[1] _Ang

Kalayaan ó pagsasarili, na hihin~gi n~g tala at hindi n~g

pamamalingkahod._ Kaya kailan man makadidinig ka n~g salitang

hihin~gin n~g bibig ang _independencia_ umun~gol ka, saka ikaw ay

sumagot n~g baka n~ga sakali. Sapagka't si Moisés nang bigyan n~g

Diyos n~g Kasarinlan upang siyang magtanghal n~g sampung utos n~g

Diyos ay nakaupo sa likod n~g kalabaw, baka sakaling ganito din ang

mangyari kay Kadiliman, siya tayo na, umalis ang dalawa sa bahay ni

Kadiliman nang walang paalam.

[Talababa 1: Revista internacional en Barcelona.]

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 49 / 50 题