X.

_Ang Pagkikita ní Tenteng Kamagong at Bakokoy._

Komparé! ang patawang bati ni Tenteng Kamagong kay Bakokoy.--Mahal na

Kamagong binabati kita n~g boong galang, tumun~go si Bakokoy na

umiimbol ang tiyan, ¿Saan ang tun~go n~g kompare ko?--Sa bahay n~g

ating Apô-Apông si Kadiliman ang tugón ni Tenteng--Ako man kompare ang

lantak ni Bakokoy--Bubulun~gan kita kompare; ang batikos ni Tenteng.

--Ikaw ang bahala, ang paagaw na sabad ni Bakokoy, binatak n~g banayad

ni Tenteng si Bakokoy at saka binulun~gan n~g wikang:--Masama ang

pakiramdam ko sa ating Apô-Apông si Kadiliman ginagawâ tayong

sangkalan n~g kanyang pagka talipandás, n~g maantilo ni Bakokoy ang

salitang ito ni Tenteng, nagalit si Bakokoy, at pagalit na itinanong

kay Tenteng kung matutunayan ang gayon; tinanong pa n~g: ¿Patotohánan

mo ang iyong sinasabi? na pinag surot-surot ni Bakokoy sa mukha ni

Tenteng.--Oh, tingnan na n~ga lamang ang asal n~g Bakokoy na itó ang

pailág na wika ni Kamagong at sinundan n~g salitang: Bago ka

magagalit, makapito kang iisip; bago ka matutuá, lilin~gon ka muna sa

kana't kaliwâ. at bago ka magkakatiwala tumin~gala ka muna sa

lan~git, lin~gonin mo ang iyong tinalikdan, malasin mo ang iyong

hinaharap at tumun~gó ka sa lupa't n~g hindi ka magsisi sa

huli.--Hindi ko maintindihan ang sinabi mo ang paismíd na sabi ni

Bakokoy--Tuligsain mo ang lantak ni Kamagong: N~g panahon n~g

tinalikdang kastila ang Frayle ang hari-harian at m~ga _fiscalillo_

ang Apó-Apó.--_Bien_: ang batikos ni Bakokoy, nagulat si Tenteng

Kamagong na nasabi tuloy na: Ahá ¿Biglá mo akong kinastila, há? Hindi

kailâ sa iyo ang nangyari na siyang ikinalupasay sa hapis n~g ating

inang Filipinas.--_Bravo_, ang pabiglá namang sabad ni Bakokoy, mulî

na namang nagulat si Kamagong at sinabi sa kabiglaanan: ¿Lumálalâ ka?

n~gayon tatanon~gin kita ¿nasa katuiran ba ang m~ga iyan? wala,

mangyari m~ga _romano_ ang sagot ni Bakokoy, biglang inagaw ni Tenteng

Kamagong ang salitang ito--Hwag natin anyang, dalhin sa _Roma_, ang

salitaan ani Kamagong, at tayo'y nandito sa _Filipinas_, ang ating

pinag uusapan sa m~ga oras na ito'y ang tungkulin n~g mamamáyang tawo

dito sa Filipinas, sinasabi n~g kautusan n~g Diyos; piliin ang bawa't

maibigan; sinasabi naman n~g _Bill_, kautusan sa Filipinas: Ang bawa't

tawo'y may láyang gumawa n~g kanyang maiisipan, kaya't ang aking

masasabi'y ganito: Natanto nating masama ang gawá n~g _Frayle_, masama

din naman ang gawa n~g _fiscalillo_ n~g panahong iyon, ¿natatalastas

mo kung bakit? sa dahilang ang _fiscalillong_ iyan ay _amén_ n~g

_amén_ sa kanyang Apô-Apô; gaya din naman n~g pag amén mo sa ating

Apô-Apô na si Kadiliman, na kapag sinabi sa iyo itatayo niya ang

_torre_ ni _Babel_ n~g walang kilatis, dudukutin mona ang iyong

pesetas para maiambag, kapag sinabi sa iyong igagagapák niya sa loob

n~g tatlong araw ang templo n~g _Jerusalem_ dudukutin mo na ang iyong

kahati't walo't ibibigay kaagad, halos iyong inaagaw sa bibig n~g

asawa mo't anak nang walang kinaoowian. ¿Sino n~gayon sa inyó ni

Kadiliman ang may sála? Tila ako ang sagót ni Bakokoy.--Hindi lamang

tila, kundi ikaw na n~ga; sa dahilang kung walang _consentidor_ walang

magnanakaw, ito ang kasabihan n~g m~ga matatanda, hindi ko salita ito,

ang pabalík na wika ni Kamagong. Gayon din naman pag winika sa iyo

pumilma ka, pipilma kaagad, pag sinabi sa iyong makipag-away,

makipag-away ka naman, samantalang ikaw ay may sariling kalayaan. ¿Ang

boto ba n~g isang mámamayang tawo'y gaanong halaga?--Halagang isang

copang sorbetes,--Ah, gungong, iyang pagka Bakokoy mo na malapit-lapit

kang maging bakoko, pang-ulam sa mahal na araw; piniral ni Kamagong sa

tain~ga't sinabing dingin mo itong sasabihin: ¿Iniibig mo ba ang iyong

bayan?--Hangang huling tibok n~g aking hinin~ga, ang tugón ni Bakokoy

na waring nagmamalaki.--Kung iniibig mong gaya n~g iyong sabi, ani

Tenteng, palilinawan kitá. Ang halaga n~g isang botos n~g mamamáyang

tawo, kahalaga n~g inang bayan, sapagka't kung makaladkad ang boto mo

n~g isang basong sorbetes at tatlong tanghalian na gaya n~g ugali ni

Kadiliman, hindi ikaw ang papatain niyan kundi ang bayang sangkalan,

na nalulugami sa madlang hirap; kaya muli't mulî ang bilin ko sa iyo

na bago ka boboto titingnan mo ang ugali n~g iyong iboboto, ang m~ga

gawâ nito, ang m~ga ginawâ nito at kung mangyayari, pati pa nang

gagawin niyan kailan~gan mong pag-aralan bago ka bumoto:--Bayaan mo

kompare at ganyan ang aking gagawin, ang pakli ni Bakokoy.--Kung gayon

kompare tayo na, magpatuloy sa piging ni Kadiliman, tayo na ang sagot

ni Kamagong at n~g maini-init pa ang litsón na ating madatnan, lumakad

ang dalawa na nagn~gin~gisn~gisan.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 48 / 50 题