XII.

_Nang naglulubha si Kadiliman._

Si Kadiliman ay nakahiga sa isang gulanit na banig, at halos walang

makain, taglay n~g pagdadálitang kanyang sinasayod, mula n~g makaraan

ang may dalawang buan n~g paghahalalan, na sanhi sa pag-gugugol nitó

sa kanyang kandidatura ay naipagbiling lahat ang kanyang ari-arian at

hindi siya ang lumabás, kaya't siyang naging mula n~g sakit niyang

pagka hibang at pinaglalaruang palagi siya n~g m~ga demonyo at kalulwa

ayon sa kanyang panaginip, pagka't nililibon-libon sa lagnat, si Lolay

na kanyang asawa ay nakapan~galumbaba sa palababahan n~g bintana at

binabantayan ang kahapis-hapis na may sakít.

Nang nag-aagaw gising sa pagtulog si Kadiliman ay nanaginip na siya'y

linapitan n~g Kaluluwa n~g isang Frayleng may taglay na lubid na

kabo-negro, at nagsalita n~g: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! magsisi ka na

n~g iyong m~ga kasalanan, ako ang biyenan mong iyong

ipinan~gan~galandakan n~g sama, kaya't ang mamanahin mo na lamang ay

ang aking solar at bahay, huwag na ang aking kasamaan; tinatalian sa

paa si Kadiliman n~g kabo-negro, samantalang sinasabi ang salitang

ito; sumagot si Kadiliman n~g binabatak ang hinin~ga, nagsisisi na po

ako _Papá,_ lumayo ka na lamang sa akin at siyang paglapit n~g m~ga

kalulwa ni Rizal, Burgos at Zamora, taglay ang tig-isang ilaw, lumapit

sa kanang dako n~g kinahihiligan ni Kadiliman, ayon sa kanyang

panaginip at nan~gagsabing: ¿Hindi ba iniwan namin sa Pilipinas ang

iba't ibang tanglaw upang pagliwanagan ang napadadalá pa sa ulap n~g

kasamaan? ¿Bakit ipinaghahanap buhay mong palagi ang aming n~galan?

magsisi ka at malapit n~g pumanaw ang buhay mo Kadiliman; siyang

pagdating n~g tatlong demonyong naglalakihan ang sun~gay na may m~ga

taglay na sibát at inaasintá ang puso ni Kadiliman, saka nan~gagsalita

n~g ... sapagka't masamang budhî ka sa iyong m~ga kababayan at madalas

mong ululin, ang puso mo ang aming sisibatín, inakmaan n~g sibát,

hindi pa halos umaabót sa dibdib ni Kadiliman ang saksak ay napasigaw

n~g: patawarin ninyo ako't di ko nalalaman ang aking ginawa; siyang

pagkagising ni Kadiliman at humin~gî n~g tubig sa asawang nalulunos,

kumuha kapagdaka si Lolay at pinainom ang kaawa-awang maysakit, n~g

matapos makainom, tinanong ni Lolay n~g: ¿Anong nangyayari sa iyo't ga

ikaw ay naghihinagpós?--¡Oh asawa ko! ang naitugon, kakila-kilabot na

bun~gang tulog ang sa aki'y dumalaw, panaginip na nagbigay gambala sa

ating sinasaad n~gayong pagdaralita.--Salitin mo sa akin, asawa ko,

ang palambing na usisa ni Lolay.--Ayon sa aking panagimpan, ang

pasimulang pagsasalita ni Kadiliman, ako'y dinalaw n~g m~ga kalulwa

nila Burgos, Zamora at Rizal at ako'y pinan~garalan at ganitó ang

pan~garal na sa akin ay sinabi: ¿Bakit mo tinatakpan ang matá n~g

ating m~ga kababayan, n~g ikaw lamang ay maluklok sa trono n~g

panunungkol? ¿Hindi ba nan~gan~galisag ang iyong m~ga balahibo, na sa

tatlong daang taong mahigit, na pinagharian n~g kadiliman ang ating

bayan, na siyang dahil n~g pagkakalupasáy sa hirap n~g m~ga bálo't

ulila n~g dahil sa kanya'y pag-ibig, at n~gayo'y siya mo pang uululin?

¡Ay asawa ko! ang pabuntong hini~ngang sabi ni Kadiliman, samantálang

ito'y itinatanong sa akin n~g m~ga kalulwa ay tinatalian ang aking

m~ga paa't kamay, at siyang pagdatal n~g m~ga demonyo na buhat yata sa

Infierno at ako'y kinakalawit at pinapandilat ang m~ga matá

nabinubukalán n~g mistulang apoy, at gayari ang sa akin na

ipinagturing: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! sasama ka sa amin n~gayon din,

sapagka't ang kalulwa mo'y na sa amin n~g kaharian, dahil sa sala mong

magsisisúnod: Una. ikaw ang nan~gakong kukunin mo ang independencia

pag ikaw ang naging punô; ikalawa, madalas kang bumili n~g botos,

ito'y nalalaban sa kautusan n~g Diyos at kautusan n~g tawo; ikatlo,

ikaw ang nangagahis sa layâ n~g tawo, ikaapat at huli, ikaw ang

nagnanais na kung ikaw ang naluluk-lok sa panungkol, daragdagan mo pa

n~g lalong hirap ang iyong kababayan, kaya't ang kahariang ito'y

hinatulan ka n~g kahit ang katawan mo'y buhay, dapat ang kalulwa mo'y

kunin namin at dalhin sa bayang Infierno, kilanlin mo: LUCIPER HARI SA

INFIERNO, matapos na sa aki'y masabi ang m~ga kahatulang ito,

kinalawit ako n~g dalawa at sasaksakin ni Luciper naman ang aking

puso, dahil sa siya daw ay may kabulukan, ako'y napasigaw n~g ...

patawarin ninyo ako't hindi ko nalalaman ang aking ginawa, siya kong

pagkagising; kaya asawa ko, yayamang wala na din lamang akong sukat

ikaguinhawa dito sa lupa at doon man sa lan~git, ako sa iyo'y

nagpapaalam, niyakap ni Kadiliman si Lolay at sakâ sinungaban ang

sundang na nasa kanyang lapit, at saka nagsalita: Ang kalulwa ko'y

nasa infierno na, ang katawan ko'y nandito pa sa lupa; n~guni't naubos

na ang aking man~ga kaibigan mulâ n~g ako'y maghirap, ¡mabuti!

¡¡¡magpatiwakal!!! umakmang sasaksakin ang kanyang dibdib, napasigaw

si Lolay n~g: ¡Asáwa ko! at pinigilan ang kamay na may sungdang, hwag

ka anyang gumawa n~g ganyan dahil sa walang ibang gumawa niyan kungdî

si Judas lamang, na nagtakal kay Cristo sa halagang tatlong pung.....

salapi kaya't walâ kang mabuting gawin, yamang nakilala mo na ang hari

sa infierno at ang gawa ni Judas, dapat layuan ang m~ga bagay na

iyong ninanasa, dahil sa ito'y hindi mabuti; at walang mainam gawin

tayo kundi ang magtrabajo, magpapatak n~g pawis, umibig n~g tunay na

pag-ibig sa bayan kinamulatan, yayamang ang bin~ging kaliwanagan na

ibininhî n~g m~ga mártir sa sarili, ay siyang mapan~gan~gatigang

tanglaw na maliwanag, upang tumun~go sa landas n~g ligaya. Mulâ sa

n~gayon, asawa ko, ito ang aking gagawin, ang pakli ni

Kadiliman.--Kung gayon, ay tayo na ang sagót ni Lolay, paalam sa inyo

bumabasang guiliw.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 50 / 50 题