_Nang napanaginip ni Kadilimang siya'y kausap_ n~g isang makata._
Si Kadiliman ay nakahigâ sa isang katren pinamutihan n~g maraming
hiyás, may mesang mabilog sa tabi nito, ilawan n~g mayaman sa pagtulog
at lubhang matahimik ang anyo n~g gabi na halos inaagaw n~g umaga ang
pagbubukang liwayway, n~g si Kadiliman ay nanaginip n~g gayari:
Lumayo ka, ang sigaw ni Kadiliman na halos binabatak ang
paghin~ga.--Hindi kitá malalayuan, ang sagot n~g makatâ, ayon sa
kanyang nanaginip, sa dahilang ito ang aking panata, at sinalaksak si
kadiliman n~g pluma ó panitik sa mukhang matagihawat; dinugtun~gan n~g
wikang:--Huag mong wikain Kadiliman na ang aking panitik ay padadalá
sa sulsol, gaya n~g iyong akala; ah; alibughang asal, sinaksak na
naman n~g panitik sa mapulang puti n~g matá si Kadiliman, siyang
pagkagising ni Lolay at ginising ang Kadiliman nating binaban~gun~got
sa kasamaan niyang taglay.--Asawa ko, ang palambing na pag-gising ni
Lolay.--¡Kaunting tubig, ang binuka sa bibig ni Kadiliman, karaybay na
n~g pagtakbo si Lolay upang kumuha n~g tubig at pinainom si
Kadiliman--¡Ah Asawa ko! iganti ninyo ako kung sakaling ako'y
mamatay--¡Nakú! ang pagigil na wika ni Lolay na lumagaslás sa matá ang
luha, ¿Bakit?--¡Ay asawa ko! ang banayad na tugon ni Kadiliman; ako'y
nanaginip, ako'y binan~gun~got, ang aking napanagimpan sinalaksak daw
ang aking mukha n~g isang makatâ--Mulî na namang bumalong sa m~ga mata
ni Lolay ang luha't nan~gusap n~g ... ilayô mo na sa loob mo ang
pakikipagtung-galî sa m~ga ganyan; n~g marinig ni Kadiliman ang
salitang ito n~g kanyang asawa napaban~gon kahit gumugulapay at
nan~gusap n~g pasigaw--Hindi mangyayari, sapagka't ¿paano ang aking
nasa sa pagcoconsejal? ¿Hindi mo ba tanto't kung kayâ ko
pinagpipilitang maalis si Dr. noon 905 sa tungkol na pagka _consejal_,
n~g ako ang mahalili? ¿Hindi mo ba alam na kung kaya ako
nagnasyonalista n~g ako'y magkaroon n~g katun~gkulan? ¿Hindi mo ba
natatalós na kung kayâ ako naghimasok sa kapisanan n~g m~ga panday;
n~g ako ang maihalal na Consejal kung maaprobahan ang _Bill
Adriático_ at....? ¿Hindi mo ba natatatap na kahit ako'y
magkahirap-hirap n~g mapataas lamang sa mataas na tungkol kung
mangyayari? ibig kong maging Presidente sa América kung maaarî lang at
n~gayo'y ibig mong ihiwalay ko, ang bagay na iyan sa aking panaginip,
kaya't bukas ay mamilí ka sa palenke n~g marami at maghahanda ako,
siya magpahin~galay ka, ang sagot ni Lolay.