_N~g hin~gan n~g liwanag si Kadiliman ni Giday Lasenga._
Masayang-masaya si Giday Lasengang lumalapit sa kinahihigan ni
Kadiliman, taglay sa kanang kamay ang parascó n~g Hiniebra at sa
kaliwa'y isang látigong panghampás sa kabayo't ganito ang sabi ni
Giday: Lintik! Lintik! Lintik! sigaw na halos magiba ang bahay ni
Kadiliman at sinabayan ito n~g hampas n~g latigo, parol anyá ang
taglay ko n~g tayo'y magliwanag. ¿Bakit ka nang-uulol Kadiliman?
--Marahang sumagot si Kadiliman n~g ¡¡¡ay!!!
Nan~gan~gapos ang hinin~ga mo, ¿ha? at biglang pinilantik n~g látigo
ni Giday.
--¡Ay Giday! ang pabuntong hinin~ga ni Kadiliman, n~gayon lamang
nagsipanaw dito ang m~ga demonyo at m~ga kaluluwa n~g m~ga ibinabaon
na nag bayad sa akin bago ilibing, at ang kalulua nang bienan kong
frayle na inubos ko na ang kanyang kayamanan, tanto mo na ang aking
ugali daig ko pa ang kurang tunay, dahil sa akin nagbabayad ang bawa't
ilibing. Ahá nahuli din kita, ikaw palá ay nagkukurakurahan pa, ang
pasigaw na lantak ni Giday Lasenga; at sinabayan n~g píral sa tain~ga,
samantalang dinadaklot ni Giday ang pin~gol n~g tain~ga ni Kadiliman
sinabayan n~g salitang: isaulî mo ang iniambag ko pagka't kundi
ipagsusuplong ko sa may kapangyarihan ang asal mong iyan; dahil na si
Agong Kadiliman, ay isang taong sadyang may ugalî noon pang hindi
nagkakaramdam na manghin~gî n~g contribución, sa kanyang m~ga
kasamahan at sinasangkalang laguî sa nais niyang ito, ang n~galang n~g
Kapisanan; kaya't dinagdagan ni Giday n~g sabing kahabág-habág sa iyo
ang taong magtiwalâ, kawâ-awâ ang Kapilipinuhan kung patatan~gay na
lagî sa gaya n~g iyong masamang nasa, at kahapis-hapis ang isang
bayang sipután n~g gaya mong taksil, kaya't isaulî mo n~gayon din ang
m~ga nai-ambag ko; n~g kasalukuyang sinasalita ni Giday ang
kakilakilabot na ugali ni Kadiliman ay sinasal n~g ubo't nan~gin~ginig
ang boong katawan na animo'y isang nádakip sa pang-uumit n~g masarap
na pagkain, at siyang dahil n~g ikinabulagta n~g ating Kadiliman.