VII.

_N~g Pagsaulan na n~g hinin~ga si Kadiliman._

Si Kadiliman; ay nakahimpil sa isang sulok n~g kanyang bahay at na

tatanikalaan, dahil sa nananakit, pagka't na wala sa lugal ang

_tornillo_ n~g isip, sa makatwid ay na ulól, sa m~ga oras na ito'y

pinaglalaroan n~g m~ga demonio, ang sabi ni Lucifer na hari sa

infierno'y ganito: ¡Kadiliman! magbawa ka na n~g iyong ugali; sa

tuina't ibubulong ito ni Lucifer sa kay Kadiliman; kinakagát ni

Kadiliman ang tanikalang nakatali sa paa't kamay, bubulun~gang naman

n~g isang kalulua't ganito ang sasabihin: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! huag

mong sisirain ang ibinayad ko n~g ako'y bago ilibing; sa dahilang ang

Kadiliman nating ito, ay may ugaling sumin~gil sa kanyang m~ga kasapi

bago ipalibing kung sakaling mamatay. Samantalang si Kadiliman ay

pinaghihilahanan at binubulun~gan n~g m~ga demonio't kalulwa; ay

nanduduling ang dalawang mata't ibig man~gagat, pasag doon paság dito

na parang León ni Charini at saka sisigaw nang: n~gayo't ako'y

nang-uulol sa aking kababayan naiingit kayo sa akin, bubulun~gan naman

n~g kalulwa n~g isang frayle at ganito ang ibinubulong kay Kadiliman;

_¡mal agradecido!_ ¿Hindi ba ikaw ang nagpasasa sa aking káyamanan?

¿Bakit ako pa ang iyong mamasamain? _¡Mal agradecido!_ sapagka't si

Kadiliman ay manugang nitong Frayleng nagdurusa sa infierno ang

kalulwa, dahil sa m~ga kayamanang yaon na pinakikinaban~gan ni

Kadiliman, n~guni't si Kadiliman ay madalás magalit sa frayle noong

hindi pa nau-ulol, at talaga n~ga namang masama ang m~ga ginawa n~g

frayleng itó noong siya'y nabubuhay, ito'y hindi kaila sa madla.

¿Bakit ga ibig mong tularan Kadiliman? Itó naman ang tanong n~g ating

Lucifer--Ang frayle pala'y masama kaya't huag mong tularan ang gawa

niyang pamimilipit n~g bulsa n~g iyong kababayan, at ang guinawa nila

sa atin noong una, gaya n~g guinawa mo kahapon sa kaibigan mong ikaw

ay igalang n~g boong mundo, nanakál ka n~g mahihina, sinangkalan mo

ang iyong bayan; kung ibig mong maligo, «ikaw ang mag handa n~g iyong

gugô,» samantalang ibinubulong n~g Demonyo kay Kadiliman ang m~ga

salitang ito, nana-nalas ang matá ni Kadiliman na animo'y pusang

bagong pan~ganak, kaya't sumigaw n~g ubos lakas na: Lumayô na lamang

kayó sa harap ko babagohin ko na ang pan~git kong pag-uugali,

nag-inugong na biglang biglá, siyang naging dahil n~g panu-numbalik

n~g isip ni Kadiliman na parang naalinpun~gatan.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 45 / 50 题