VI.

_N~g si Kadiliman ay nahihiga dahil sa sakit na taglay._

Payat na payat si Kadiliman dahil sa siya'y nagkaroon n~g sakit

magmula n~g mapagkaalaman ang kabulukan n~g kanyang pusô, hindi

napagkakatulog ang kahabag-habag dahil sa ubo, kaya't ang palaging

ta~gurî niya ay ganito: ¡Ay! sasasalin n~g ubo; ubo, ubo, ub ... ¡ay!

pag hindi ako ang naging _Consejal_ mabuti pang ako'y namamatay na,

sasasalin na naman n~g ubo; ubo, ubo ... ub ... mananaghoy na naman

n~g ... bulok na ang aking puso sa kinakakain n~g hindi ko dugo, ¡m~ga

ingitero! ang pan~gapós na buntong hinin~ga kung hindi ninyo

sinulsulan pehong pehong ako ang _Consejal_; n~gayon hindi ko maalaman

ang mangyayari; hindi pa halos natatapos ang m~ga salitang ito ay

siyang pagdating nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô na

nagpapanan~gisan, niyakap ni Bakokoy si Kadiliman at ganitó ang wika:

kahabag-habag ka Kadiliman, hindi ikaw ang lumabás na _Consejal_

naháhalata na pala n~g tanan, na inuulol mo kami; hagulgulang

umaatikabo n~g iyák ang tatlo nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô,

n~g marinig ni Kadiliman ang pananambitan n~g kanyang m~ga inuulol,

nagnin~gas ang matá na waring nanunulig, sinasal n~g sunodsunod na

ubo; ubo ... ubo ... ubo ... ub ... biglang napahiga at nawalan n~g

diwa na waring naghimatay; sigaw doon sigaw dito ang m~ga kampon

niya, asawa't m~ga anak, walang isinisigaw kundi: ilaw, ilaw, ilaw

upang magliwanag.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 44 / 50 题