_¿Anong laya n~g isang tawo?_
Sa pág-uwi ni Kadiliman, natagpô nito si Goring na pinakamaganda sa
bayang yaon, at ganito ang unang bati ni Goring: Tio Agong.
--Hindi ako ang si tio Agong, kundi ako ang si Agong Kadiliman ang
naging tugon.
--¿Bakit ka bulong n~g bulong? ang pamanghang tanong.
--¡Ay Goring! ... ang pahinagpis na lantak ni Kadiliman; alang-alang sa
ganda mong taglay, sa buti mong pag-uugali, sa karunun~gan mong
magwikang inglés, sa kanipisan n~g iyong labi at pagkamairugin mo sa
kababayan, ako'y iyong tulun~gan.
--¿Sa ano? ang tanong ni Goring.
--Nang pagpatay kay Hitô.
--Kung huli mo na madali kong patain.
--Hindi ko n~ga madakip, napakadulas.
--¿Ano bang samâ ang ginawâ sa iyo?
--Sumulat n~g zarzuelang tulad na tulad sa aking pag-uugalî.
--Sa makatwid tawong, ang pan~galan ay Hito. ¿Bakit naman natin
papatain, at papaanong gagawin nating pagpatây? kababayan pa naman
yata natin.
--Ow ... Goring, bayaan mo na n~ga ang kababayan kung siya namang
magiging dahil n~g hindi ko pagkaluklok sa pagka _consejal,_ kung
maaprobahan na ang _Bill_ Adriático; at ang pagpatay na ating gagawin
ay ganito: ipananabi mo sa lahat na ang obrang yaon ay masama huwag
mong sabihing sa akin patama, sumulat ka sa periódicong «Manila Times»
at «The American» pagka't magaling ka rin lamang sa wikang inglés, pag
ito'y hindi mo ginawa, tatampuhan kita, talos mo na.... at pag aco'y
naging _consejal,_ ako ang bahala sa iyo upang ikaw ay......
Nang marinig ni Goring ang ganitong saysay ni Kadiliman; umalimpuyó sa
kanyang dibdib ang n~gitn~git, galit, yamot na halos kuyumusin ni
Goring ang dila't labi ni Kadiliman at nag wika n~g gayari: tantoin mo
Agong Kadiliman n~gayon ay hindi tagdilim, kundi tagliwanag; kaya't
kahit maging kahulihulihan, cargador, bankero, sakatero at magbubukid
ay nakatatanto na n~g kahulugan n~g tinatawag na _libertades
individuales_ ó layâ n~g bawa't tawo; hindi n~gan~gayon lamang
isinisigaw n~g bayang _filipino_ na nais namin ang magsarili, ó _Ang
Independencia_ kaya't tandaan mo itong ipagtuturing: magkaroon man
tayo n~g _Independencia_ ó pagsasarili, at buháy ang _casiquismo_ ó
pag Aapô-apôan, wala din tayong kahihinatnan.
--¿Bakit? ang papaós na tanong ni Kadiliman.
--Mangyari, kailan ma't may Apô-Apôan na sa pagluha ang matwid, sa
dahilang ang Apô-Apôan, ay walang tinutumpang landasin n~g matwid,
kaya't ito, ang kalaban n~g katwiran, ikaw ay maglin~gon lin~gon sa
lahat n~g sulok nitong Filipinas: maging sa Kapisanan n~g m~ga obrero,
maging sa Kapisanan n~g politico, maging sa Kapisanan n~g religioso,
maging sa Kapisanan n~g man~gán~galakal at iba't iba pa, kailan ma't
may Apo-Apoan, pakaasahan mong ang kapisanang iyan ay hindi susupang;
gayon din ang nangyayari sa isang bayan, ganyan din ang nangyayari sá
isang nasyong mayroon niyan; kailan ma't may Apô-Apô ang lahat n~g
matwid ay palikô. Iyan at iyan din ang naging dahil n~g pagkayukayok
sa sala n~g sangkataohan na hindi kumilala sa utos n~g Diyos, iyan din
naman ang naging sala ni Caín sa kanyang m~ga magulang at sa Diyos, sa
kaibigan ni Caíng siya'y mátampok sa kapurihan, siya ang pumatay kay
Abel na tunay niyang kapatid; itó ang iyong katulad na hindi mo ibig
na ikaw ay tanawin sa mababang ayos; kaya't iwalay mo na sa isip mo
ang pag-uugaling iyan at iyan ang mainam na gamot sa iyong bugók na
utak, sa dahilang n~gayon ay nanaog na ang mesias na tumubos sa sala
n~g sangkataohan taglay ang ilaw n~g kaliwagan, upang ang nadidilimang
pag-iisip na gaya ni Caíng pumatay sa tunay na kapatid at kawan~gis
n~g man~ga kapatid ni José _Vendidong_ nagtakal sa tunay na kapatid ay
pagliwanagan; at sa Filipinas nama'y nanaog na ang mesías na Rizal na
tumubos sa sala n~g kadiliman, taglay ang m~ga aral niya upang
magliwanag ang kapilipinuhan, na napakukuyumos sa mapag Apô-Apô;
kaya't ang mapagpalang Gobierno Americano ay naglagdâ n~g kautusan;
_Bill_ na ang bawa't tawo'y makagágawa n~g kanyang maiibigan kailan
ma't hindi sisinsay sa talatang utos, ang sino man suminsay ay may
katapat na parusa; kaya't huag mong pagnasaang patayin sa gutom si
Autor Hitô, sa dahilang iyan ang ipinagpapatid uhaw n~g iyong
kababayan sa kanyang m~ga anak; layuan mo na ang asal Caín na ... sa
nasâ mong ikaw ay magíng _Consejal_ ay ipápahamak ang isang mag-anak;
n~g masabi ni Goring ang m~ga huling salitáng ito ay nahilo si
Kadiliman, siya namang pagdatal nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang
Susô na siyang kumalga kay Kadiliman at naghatid sa kanyang bahay.