III.

_¡Ang pakikipagkita ni Kadiliman sa canyang m~ga casama!_

¡Ay Bakokoy! ganito ang unang taghoy ni Kadiliman, na akmang paiyak,

¡bigyan mo ako n~g kaunting Hiniébra! ¡hindi pa ako nag-aalmusal! si

Bakokoy naman tila n~ga ibig mahabag sa kanyang maestro n~g mapagmalas

ang anyo, na tulad sa corderong maamo, dahil na si Bakokoy baga man

hindi pipe, talagang may ugaling sacristan kahit tanto niyang likô ang

gawa n~g kanyang maestro, amén na lamang n~g amén, kaya't ganito ang

unang tanong n~g ating Bakokoy: ¿Bakit ano pong nangyari sa iyo? pag

hindi ko sila hinamon n~g away talo ako! sapagka't si Bakokoy ay

magaling daw na estocador natatalastas ninyo ang pasigaw na sabi ni

Agong pinatamaan kayo, ¿hermano mayor po ba sa kandila? ang sabad ni

Bakokoy sagot ako sa huli, limang piso pa ang aking contribución;

hindi, ang marahang sagot ni Agong kundi noong palabas n~g ikalawa n~g

Mayo n~g taong 1908 di umano'y m~ga han~gal daw kayo kaya n~gayon din

tawagin sila Tarorang Susô, Ponsa Kaligay, at Giday Lasenga n~g

matalos nila ang kanilang gagawin; kumaraykay naman n~g takbo si

Bakokoy na iimbol-imbol ang tiyan pinagtatawag ang kanyang m~ga

kasama; natawá n~g lihim si Agong Kadiliman at sinabi sa kanyang

sarili: Ako ang pinatama-an n~g obra ni Hitô sasabihin ko kina Bakokoy

na hindi ako, kundi silang aking m~ga kasama at sina Tarorang Susô;

oo, oo, ito n~ga ang mabuti, halos walang kalahating oras narito na

ang m~ga tinawag, lugay pa ang buhok ni Tarora at si Ponsa naman hindi

na nakuha ang magtapis, at si Giday naman ay may kalasin~gang humarap

sa pulong, ganito ang unang lantak ni Kadiliman: M~ga kapatid:

Isinasauli ko ang aking tungkol na pagka presidente n~g ating

kapisanan, ang pamagat n~g kanilang kapisanan ay «Pinag-uulapan»;

isinasauli ko ang aking tungkol na pagka secretario, isinasauli ko ang

tungkol kong pagka Tesorero, sa makatuid ang tatlong tungkuling aking

taglay isinasauli ko na dahil sa maraming naiingit; noon naman ay

nakasubok si Tenteng Kamagong na isa din sa m~ga kasapi n~g samahang,

Pinagu-ulapan, sapól ang sikmura at nag-iihit n~g tawa,

nalin~gon-lin~gunan siya ni Lasenga, kaya't tinanong n~g: ¿Bakit

nag-iihit ka n~g tawa? tumugon si Tenteng Kamagong n~g: niloloko tayo

at sinabayan n~g kaskas n~g takbo pagka't alam niyang Lasengo't

Lasenga ang kanyang kausap, ipinatuloy ni Kadiliman ang kanyang sermón

na waring namamaos ang voces n~g pagsasalita; kagabi anya nanood ako

n~g teatro; ay pinalabas doon ang buhay ninyo at hindi ang buhay ko,

hindi ko na sasaysayin ang kalahatlahatan, kundi lahat na lamang n~g

makailan~gan; kayo di umano'y pipe, bulag, kimaw, pilay at bin~gi, si

Hitô anya'y kaibigan ko, kaya't hindi niya ginawa iyón para sa akin

kundi udyok lamang nang m~ga naiingit sa akin; (tumalikod ang

Kadiliman natin at n~gumitî n~g lihim, sinabi sa kanyang sariling:

Hindi ko sasabihin sa inyong ako ang pinatatamaan n~g di ninyo wikaing

ako n~ga'y talagang ganoon), hinarap na naman ang m~ga kausap at

ipinatuloy ang pagsasalita kaya't ang marapat lahat n~g palabas na

gagawin ni Hitô huag ninyong papasukin, sa á diez y seis may palabas

na naman, sabihin sa ating m~ga kapanalig na huwag pasukin; ang

panabay na sagot n~g m~ga kausap, lalakad na kami n~g maibansag sa

lahat na huwag pasukin at boycotage ang gawin sa sa palabas na iyan,

naghiwahiwalay na patumba-tumba ang laseng at lan~go.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 41 / 50 题