_Ang pag-owi sa bahay ni Kadiliman._
Dumadagundong n~g pag akyat sa bahay niyang sarili si Kadiliman, at
siyang dahil n~g ikinagulat n~g kanyang asawa na waring na
aalinpun~gatan, si Kadiliman ay ku-kumpas-kumpas, lakad n~g lakad sa
loob n~g bahay, at manakâ nakang nagbubuntong hinin~ga kasabay ang
salitang ¡gaganti ako! at sasabayan n~g upo sa mésa at pipigilan ang
pluma, isasaw-saw sa tintero, si Lolay namang kanyang asawa ay
nakasubok at namamanghâ n~g labis sa kay Kadiliman, at sa kanyang
sarili ay binuka sa bibig ang salitang: ¡na u-ulol yata itong aking
asawa! tutop na ni Agong Kadiliman ang kanyang makitid na noó; biglang
lumabas sa silid si Lolay niyang asawa at tinanong n~g ganito:
--¿Ano ang nangyayari sa iyo? n~gasab n~g n~gasab si Kadiliman at
hindi pansin ang asawang nagugulumihanan sa kanyang ayos, at biglang
naghimutok si Kadiliman natín, sinabayan pa n~g sabing _¡Pater Filus
Patris!_ ang kahulugan ama, anak ko't m~ga kapatid ang hinin~ga ko'y
nagkakasabid-sabid, muli na namang tumanong si Lolay:
--¿Anong nangyayari sa iyo?
--¡Ay! ... ang mabanayad na tugon ni Kadiliman maputlang maputla.
--¿Bakit?
--Natatanto mo ang sagot ni Kadiliman si Autor. Hito'y gumawa n~g
retrato ko sa teatro, kaya't kung aking pakiramdaman ang m~ga mata n~g
nag sisipanood sa akin ang tin~gin, kaya't hindi ang hindi ko
sasagutin, dahil sa talos mong malapit n~g mag eleccion ó mag halálan
para concejál, ibig kong magprisinta n~g candidatura. Kung paniwalaan
n~g taong kalahatan ang pagpapaliwanag na iyan ni Hitô pehong-pehong
hindi ako ang lalabas kaya't kahit pabalubaluktot mag iisip ako n~g
paraan upang pagulapan ang m~ga matá n~g m~ga maghahalal.
--Katwá kang tawo ang pakli ni Lolay, dapat mong isipin tayo'y may
labis na kaya sa kabuhayan na minana, ko sa aking amang si Pirong
Botete ¿Bakit mo pá hahan~garin ang panunungkulan?
--Ulol na tawo ito, ang pa-an~gil na sagot ni Kadiliman, hindi iyan
lamang ang mangyayari kundi mawawalan sa akin n~g pagkakatiwalâ ang
lahat.
--¿Bakit, ang sagot ni Lolay na nan~gan~galigid sa dalawang mata ang
luha?
--Magtahan ka, ang sagot ni Kadiliman, at hindi mo dapat maalaman ang
kalihimang ito, sulong, matulog kana, muli na namang nagbububulong;
hindi maubos madili ni Lolay ang ligálig na ito n~g asawa niyang irog
kaya't napilitang nan~gusap n~g: Hito pala lamang ang may sulat niyan,
di bayaan moná baká ka pa matibô, at sinabayan n~g hatak sa kamay na
may pluma tayo na asawa ko; batak-batak hangang sa kanyang hihigan at
saka lamang na tahimik si Lolay, bakit mag-uumaga na; anopa't nang
nakahiga na si Kadiliman, ay satuina't magigiling ang matá sa paghiga,
bigláng nagugulantang na tila na wawari ni Kadiliman na siya'y
binabatak nang m~ga kaluluwa sa Purgatorio na nagsipagbayad sa kanya
bago málibing, at ang isa sa m~ga kaluluwang ito'y nan~gusap n~g
malumanay na waring nangagaling ang voces sa ilalim n~g lupa ganitô
ang sabi n~g kalulwa: Kadiliman, Kadiliman, magsisi ka n~g iyong sala
¿saan mo dinádalá ang kwalta n~g m~ga patay bago ibaon? Hwag kang
mang-ulol sa kababayan mo, liwanagin mo sa iyong m~ga kasáma ang bagay
na nasaiyo, n~g matapós masabi n~g kalulwa ang bagay na ito,
napabalikwas si Agong Kadiliman ang isa pa'y umaga na; nagbihis na
madaling madali at tinun~go ang bahay nila Bakokoy,