I.

_Kung sinong Apô-Apô._

Nang unang sábado n~g Mayo taón 1908 mayroong nangyaring nakalalagim

sa pusong dalisay, sa isá sa m~ga bayang sakop n~g Kamaynilaan. May

pinalabás na dulâ na di iba't ito'y ang: «Apô-Apô» pamagat n~g

zarzuelang iyon. Alay n~g may kathâ sa sariling bayan, obrang walang

tinutukoy kundi lumiwanag ang punô n~g dilím na pinaguulapan, dito'y

may Apô-Apôang nanood sa nasabing palabás; ito'y isáng tawong

pinakahari n~g kadiliman kaya't ang kanyang pan~galan ay: Agong

kadiliman; isáng tawong kalaban n~g liwanag, isang tawong kalaban n~g

kanyang pinakikinaban~gan, isang malimit gumahasâ n~g katwiran, hindi

matangkad, hindi pandak ay kulang sa sukat: hindi katandâan n~guni't

maputî an~g anit n~g ulo. Sa ganito'y bahalang magkurô ang irog na

bumabasa, kung gaano ang buti't sama ni Kadiliman. Ating pagmasdan ang

nangyari sa loob n~g dulaan samantalang itinatanghal ang «Apô-Apô:»

N~g sumapit ang _escena_ na pinipilit papilmáhan ang isang kasulatan

upang ito'y ihalal sa pagpupunô dahil sa itong laging panaginip ni

Agong na siya ang punô sa lahat, na ayaw pilmahan ni Totong n~galan

n~g ayaw pumilma sa obra, walang isinásagot kundi ganitó:

«Ang laya n~g tawo'y dapat mong igalang

pumili n~g ibig kanyang maibigan

yaong _casiquismo'y_ dapat mong ilagan

sa pagka at siyang sa iyo'y papatay.»

Nang ito'y madinig ni Kadiliman na binangit ni Totong ang kanyang

sugat, waring nag dilim ang m~ga panin~gin, na alinsan~ganan at

sinabayan nang tindig na waring sumusuling na banak, siya'y napuná n~g

isang _filosopito_ na sa kanya'y nakapansin, kaya't tinanong n~g

ganito:--¿Bakit namumula ka?--Naiinitan ako ang sagot.--¿Sa daming

tawong nandito n~gayon, ikaw lamang ang naiinitan?--Masamang obra

iyan, ang pagigíl na sabad ni Agong Kadiliman, anyong pa-alis na

hinihimas ang anít niyang tuktok.--Hintay ka muna ang paampat na sabi

n~g kausap.--Hwag mo akong pigilin at ako ang pinatatamaan n~g obrang

iyan, ang paan~gíl na sagot ni Kadiliman.--Halika ang pabanayad na

salita n~g _filosopito_; ipalilinaw ko sa iyo ang _Teatro_, Dulaan

diumano, anáng m~ga manánagalog; ang Teatro. Ayon sa sabi nang bantog

na poetang si _Ciceron_ «salamin anyang mapaná-nalaminan n~g

pag-uugali» kung ikaw ay talagang pan~git at kung talaga kang ganoon.

¿Bakit ang salamin ang kagagalitan mo? gayon din naman. Kung itong

talaga mong gawa: ¿Bakit ang obrang iyo ang kagagalitan, at hindi ang

sarili mo? Kaya't kung ipinalagay mong ikaw ang namimilit paboto, at

ibig gumahis sa layâ n~g tawo, bagohin mo na't kahabag-habag ka

lamang. Sa madinig ni Kadiliman ang salitang ito ni _filosopito_

umin~gos at sinabayan n~g alis, kahit hindi pa natatapos ang palabás,

natawa n~g lihim si _filosopito_, sinabi sa sariling marahil ikaw ang

_Casique_ sa bayang itó.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 39 / 50 题