Limbagan nina Fajardo at Kasama

_Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz_

=1908.=

=Sa aking Bayan=

Sa dawag n~g pait, noong kadiliman

pinilit pinigâ sa papel makintal

tanáng pag-ibig kong, di bun~gán~gâ lamang

pag-giliw sa dibdib, doon bumubukal.

Bagá man at kapós sa dunong ay sahól

kapahatáng ito'y hindi iu-urong

kahi ma't sa dugo'y piliting luman~goy

pagsisikapan ding ipatanto n~gayon.

Panahon naman din n~g pagsisiwálat

n~g matandang sakit na sa pusong sugat.

¡Gaya n~g pagtakip! mapanglaw na ulap

sa m~ga bituin, anak n~g liwanag.

¡Ilaw ang hin~gî ko! upang matanglawan

ang napatatan~gay, sa apô-apôan

at kung hindi ito ang gawing tuntunan

ilagay sa limot yaong Kasarinlan.

Ang alin mang bayan, ang alin mang hulô,

ang alin mang pook, pag may Apô-apô

ay hindi uunlad, may magandang pusô,

ang santong matuid palagi n~g likô.

Pagkathâ ko nito bumabasang giliw,

hindi ko na náis ang ako'y purihin

kapamanhikan ko't mataos na lambing

kung babasahin mo, ikaw'y magsalamin.

Dahil sa alám kong panitik ay básal

kung isulat ko pa'y sumasalagalsál

kaya't balang letra'y mayrong kalabûan:

bahálang puntero n~g babasang pahám.

¡Bayan ko'y malasin! ang pagsusumakit

n~g bawâ at pahat sa iyo'y ninibig

sukdang salsal, pulpól ang aking panitik

di nag-alinlan~gang sa pula'y mabulid.

=Pantaleon S. Lopez.=

_Calle Narciso No. 59 (Pandacan.)_

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 38 / 50 题