ESCENA XII.

Agong.--Talastas na ninyo ang inyong gagawin ang magdadala

n~g tampipe, ikaw; ang maleta, ikaw; ihahatid ninyo sa tren huag

kayong aalis sa estacion hangang hindi umaalis ang tren niyang

sinasakian, at walang sala mamiyang gabing mag aalas once, kayo din

ang aking katulong.

Pedro.--N~gunit.....

Agong.--Walang n~gunit, ang malalaking bagay na aking na isip

ay nasusunod, ¿ito ba lamang ang hindi? kapag kayo'y hindi sumunod sa

nais ko, susumpain kayo n~g Bayan? ¿Hindi ba ninyo alam pág hindi

ninyo tinupad ang bilin ko ipa _boboycotage_ ko kayo at ako ang inyong

punô? kung ang sambayanang tawo sumusunod sa bawat maibig ko ay kayo

pa bang susuay, hindi mangyayari at saka natin tignan.

Bakokoy.--Naku parang kung ito'y magalit sa akin ay

natatakot ako.

Agong.--Gayon din sabihin sa ating kapanalig, na sa lahat n~g

botohang ating gagawin ako ang inyong iboto, gayon din na inyong

papilmahan sa lahat ang papel na ito sa pan~galan ko.

Pedro.--¿Ano ba iyan?

Agong.--Huag n~g ipabasa, ang nakatalata diyan ating

paa-alisin sa tungkol si Doctor dahil sa siya'y _bubulong_.

Pedro.--¿Baka ikaw ay namamali?

Agong.--¡Tío Pedro! ¡Tio Pedro! huag ninyo akong

pagsusuman~gin ako ang ilagay ninyo sa tungkol niyang taglay,

sapagka't akó ang inyong puno. _Lalabas si Vico_.

Vico.--M~ga kasama ako'y nahuli sa primer viahe kaya't sa

segundo na ako sasakay.

Agong.--Sa bagay pala'y ikaw ay naparoon na.

Vico.--Oo katoto.

Agong.--_Yayakapin_ ¡Oh! napakasíkap na aking kasama; kasama,

kong magandang puso, _sa bawat koma ay wun~gol si Pedro at si Bakokoy_

kasama kong mapagtapat.

Pedro.--N~g ipagbili ni Judas si Jesus ay niyakap muna.

Agong.--Kasama kong pinaglagakan n~g aking pagkakatiwala, at

kasamá kong ...

Pedro.--Kasamá.

Vico.--¿Baka tanghaliin ako kasamá.

Agong.--Bueno Bakokoy ang tampipe, Pedro, ang maleta samahan

ninyo ang aking kasamá.

Vico.--Bueno kasama adios _aalis ang tatlo urong n~g urong si

Agong hangang sa matihaya sa Palihan at puro adios ang sinasabi_.

Agong.--Adios, adios, adios, adios. _Pagkatihaya mutación

calle Lalabas si Ludovico, Pedro at Bakokoy_.

Bakokoy.--Ludovico kung sa hanga po n~g akin ay hindi co po

ibig ang ikaw ay umalis sa gabing ito: dahil nabalitaan ko po sa isang

kaibigan na lolooban ang inyong oficina kapag kayo'y umalis.

Vico.--Nariyan naman ang aking kasama upang magtangol.

Pedro.--Inaakala mo bang inaaring tawo n~g lahat ang iyong

kasama? kilala na n~g lahat ang pagka apô-apô niyan, ang sabihin mo'y

dahil pa sa tawong iyan kaya lolooban ang oficina; kaya't akong may

sabing huag kang magtuloy; manubok ka n~gayong alas once n~g gabí at

walang salang di may saka mangyayari; sa kali't wala kang makita

magpatuloy ka bukas n~g pag-alis.

Vico.--Bahala na at aking iisipin paalam m~ga kapatid

_aalis_.

Bakokoy.--Hindi rin tayo pinakingan.

Pedro.--Paanong ating gagawin kung gagahisin na si Soledad?

Bakokoy.--Babalugbugan ko. ¿Ikaw paano pong nasa sa loob mo?

Pedro.--Nasa sa loob ko kapag pinagpahamakan niya ang puri

n~g ating kasamahan ay hambalusin ko _lalabas si Agong kasama ang

m~ga panday._

Agong.--Tio Pedro ¿Ano napilmahan na ba ang pinapipilmahan ko

sa inyo?

Pedro.--Mayroon n~g man~gisan~gisang nakapilma.

Agong.--Tinamaan n~g bagkat na, ¿Hindi ba sinasabi ko sa

inyong sa ayaw at sa ibig ay pilitin mo?

Bakokoy.--Napakahigpit n~g orden.

Agong.--Malapit n~g halinhan ang Presidente pag hindi akong

nalagay patay kayong lahat, pag hindi ako naguing consejal, patay

kayong lahat, pag hindi akong naguing punô ninyo, patay kayong lahat,

pag hindi akong nahalili kay Doctor ... sa masarap niyang tungkol,

kayong bahala; at ma-aari bang hindi akong malalagay pag kayong lahat

ang naglagay sa akin? kaya Bakokoy pilma na _Pipilma si Bakokoy_ ikaw;

ikaw _papipilmahin ang lahat ikaw, ikaw n~g ikaw ang sasabihin_.

Bakokoy.--Naku linsiok Apô-Apoan n~ga pala, makago san

Quinton. _Lalabas si Totong_.

Pedro.--Naito si Totong at dumaratin ito ang ayaw pumilma.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 31 / 50 题