Maria.--¡Solédad! ¿Bakit nalulungkot?
Soledad.--Si Ludovico'y umalis.
Maria.--Bayaan mo't babalik.
Soledad.--¡Oh María! Ako'y mayroong nais n~gayong ipagtatapat.
Maria.--Turan mo Soledad n~g aking matatap.
Soledad.--Ang lilong si Agong magdaraya't sukab ay sa gabing ito'y ga
ibig man~gahas. Ibig pan~gahasan ang pagka babai ilublub sa lusak sa
asawang puri mahigpit na bantâ mamayang alas once gagahisin ako.
Maria.--¿Ano ang sinabi? ¿Bakit di sinabi sa iyong asawa ang
masamang nasa n~g kanyang kasama.
Soledad.--¡Hindi ko maatim! maniwala Maria ang bigyang
damdamin asawa kong sinta.
Maria.--Diwa'y ibig mo, eh?
Soledad.--¡Oh Maria! ako'y iyong turuan n~g makaligtas sa
kamay n~g halimaw.
Maria.--Kung gayon tayo na sa loob at lihim nating pag-usapan
_aalis ang dalawa lalabas si Agong, Bakokoy at Pedro waring
nagbubulun~gan_.