Agong.--Pumilma ka dito't akong ilagay mo

Totong.--Ang laya n~g tawo dapat mong igalang pumili n~g ibig

kanyang maibigan ang isang pilma ko'y mahalagang tunay at sa mapag

apo'y hindi gumagalang.

Agong.--¿Diyata't ikaw ang tatangui sa ako ang ibig n~g

bayan?

Totong.--¿Ito'y hindi ko masabi?

Agong.--Sukat mong tantoin ako'y siyang puno

laging ginagalang siyang apo-apo

kahima't gawin ko'y ang paliko-liko

susuko kang pilit n~gayon ay yuyuko.

Totong.--Ang katuwiran ko'y hindi matatan~gay

tan~gain n~g agos n~g apo-apoan

yaong _casiquismo'y_ dapat mong ilagan

pagka't itong siyag sa iyo'y papatay.

Sa awa at tulong mabuting Gobierno

binibiguiang laya ang lahat n~g tawo

tumupad sa matuid.....

Agong.--Sukat ka na lilo. at masusunod din bawat maibig ko.

Totong.--Masusunod mo n~ga bawat mahagap

n~guni't huag gawin sa nan~gadidila

kung ang palagay mo ang bayan ay bulag

itan~gi ang ila't di mo malalahat.

Agong.--Ako'y siyang hari.

Totong.--Noong m~ga pipe.

Agong.--Siyang masusunod.

Totong.--N~g bulag at bin~gi,

itan~gi ang iba't di mo mabibili

marunong magtangol sa sariling puri.

Agong.--M~ga kapatid sumpain natin ito _walang kikibo kahi't

isa paliliitin ang voces ni Bakokoy_.

Bakokoy.--Ikaw ang dapat sumpain.

Agong.--M~ga kapatid mamatay ang ayaw pumilma sa aking nais

_Hindi kikibo ang lahat si Bakokoy lalong paliliitin ang voces_.

Bakokoy.--Ikaw ang dapat mamatay.

Agong.--¿Hindi ba ninyo ako nakikilala? _Hindi kikibo ang

lahat nakatitig lamang si Bakokoy paliliit ang voces_.

Bakokoy.--Kilalá na kita ikaw ang apô-apô kapatid n~g

lapo-lapo.

Agong.--Tayo na _Hindi kikibo ang lahat_ tayo na kayo.

Bakokoy.--Sumulong ka n~g mag-isa.

Agong.--Diyan na kayo kung ayaw kayo.

Bakokoy.--Adios tio Agong. _Aalis si Agong padabog_.

Pedro.--Umalis na parang hilong banak si Tio

Agong; ako sa inyo'y may sasabihin, tayong

lahat ay m~ga mangagawa ni tio

Agong, kung ang isa ba sa atin ay apihin

niyan, ¿anong mabuti nating gawin?

Lahat.--Pag-isahan nating iwan.

Totong.--Pagka't panahon n~g ating ipamalas

ang kahalagahan mangagawang lahat

n~g huag apihin tanang mahihirap

na anak n~g pawis, sadlakan n~g saklap.

Ang magtatrabaho'y palagui n~g yukô

samantalang siyang laguing bumuboô

sunodsunuran na sa pamimintuhô

siya pang lakpakan n~g pakasiphayô.

Kaya't panahon n~g kanyang makilala

yaong kalayaan n~g isa at isa

bawa't ipag-utos tayo'y tumalima.

sakali't lalabis, suman~gín pagdaka.

Pedro.--Kung gayon humanda kayong lahat, mamayang á las once

n~g gabi ay walang salang di pan~gan~gahasan ni Tio Agong, ang asawa

n~g ating minamahal na si Ludovico nauukol ang ating ipagsangalang

¿conforme kayong lahat?

Lahat.--Oo.

Pedro.--Kung gayon tayo na kayo _mag-aalisan ang lahat

lalabas si Ludovico_.

Vico.--Puso ko'y kumakaba, dibdib ko'y tumatahip, kaya't

paparoon ako n~g matanto ang kahulugan. _Aalis mutación Sala rica

nacahiga sa cama si Soledad madilim ang escena mayroong Quingque may

ilaw, lalabas si Pedro at Bacocoy may m~ga garrote_.

Pedro.--Bakokoy dito ka _iuupo sa tabi n~g escena_, ka pag

ang babaye ay pumayag sa bakan mo n~g alis, sakaling hindi pumayag at

pipilitin, lambanuguin mo na, at babalugbugang ko naman.

_uupo sa isang tabi dadating si Agong magdaraan sa bintana nacasun~gaw

lamang bababang marahan lalapitan ni Bakokoy tampalin sa balicat

magugulat si Agong magcucumpasan iuupo ni Agong sa isang tabi at

lalapit cay Soledad marahang marahan lalapitan naman ni Bakokoy at

babatukan si Agong magugulat matatacot pagcakitang si Bakokoy ang

bumatoc sa canya magagalit_.

Agong.--Mabuti igapos ko ito, _lalapitan si Bakokoy at

tatalian pag catali icucubli sa loob n~g bastidor biglang baban~gon si

Soledad tahimik mahihiga ulî_.

Agong.--N~gayon hindi kana makalapit sa akin _Lalapitan si

Soledad dahan dahan lalapitan ni Pedro at babatukan magugulat si Agong

ititiric ang mata ni Pedro babatukan sa cabilang tabi pabulong_.

¿Sinong bumatok sa akin?

Pedro.--_Pasigao_. Akoy hindi makababatok sa iyo pagka't ako

ay komang.

Agong.--Huag kang sumigaw dito ka _itatabi sa tabi ng

bastidor pagcaladcad tatan~gnan sa tain~ga lalapit na dahan dahan cay

Pedro_ Pakiram-daman mo kung sino ang darating.

Pedro.--_Pasigao_. Ooooo _mahaba magigising si Soledad waring

magugulantang uupo sa silla malungkot._

Soledad.--Oh panaguinip kong

nag bigay bagabag

sa pananahimik

n~g pusong may sindak,

kahit mananawari

huag n~g matupad

ang tanang sinabi

ni Agong na Judas.

_Tutugtog n~g las doce_.

Soledad.--¡Oh! Labin dalawang umpog n~g tanso sa bákal Labis

na n~g isa sa kapan~gakuan n~g Agong na taksil....

Agong.--Soledad kong hirang _yayacapin_.

Soledad.--Oh, ganid, halimao, lilo at lanuang.

Agong.--Huag kang maguitla sa pananahimik pagka't ito'y nukál

sa ating pag-ibig pag-ibig na hindi

Soledad.--Ah, lahing alamid.

Agong.--Hindi magagatol ang aking nais.

Soledad.--Sumasamo akong iyo n~g talikdan ang lahat n~g nasa.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 32 / 50 题