ESCENA X.

Soledad.--Irog kong asawa kabiyak nang dibdib mangyaring

dinguin mo ang ipagsusulit kung ako ay tunay iyong ini-ibig sa araw na

ito huag kang umalis.

Vico.--Hindi mangyayari; asawa kong sinta ang lakad kong

ito'y iyong maantala na sa pagbalik ko ay nakahanda na akong humiwalay

sa aking kasamá.

Sa gayon ay paalam.

Soledad.--Huag mo akong iwan.

Vico.--Magtiis asawa ko.

Soledad.--Tanto mo n~g dati

kung ikaw'y málayo

n~g dalawang oras,

nasikdo ang puso

kung na sa tabi ka'y

biglang bumubugso

ang tanang ligaya.

Vico.--Aking natatanto

Kaya n~ga't sa tui nang

ikaw'y malálapit

sa aking panin~gin

ang asa ko'y lan~git

kung na sa tabi ka'y

masaya ang dibdib

kahit nalulunos

pilit nabibihis.

Soledad.--Alin pa ang lan~git

na di na sa akin

kung sa bawat oras

ikaw ay kapiling

kapiling ka lamang

kahi ma't malibing

bangkay mang mistula'y

bilang sa buhay rin.

Vico.--Anong sarap mong magmahal.

Soledad.--Ako'y iyong ipagsama _lambing_.

Vico.--Huag na asawa ko paalam _aalis malungkot si Soledad_.

Soledad.--Hindi ko napiguil ang asawang irog _Lalabas si

María_.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 29 / 50 题