Pedro.--Bokokoy _kukumpas lang si Bokokoy_ pag akong kausap
mo huag kang magpipipe at babasaguin ko ang bun~go mo, ¿anong narinig
mo?
Bokokoy.--jajaja. Saragati palang tawo iyang amo natin, dapat
ba namang.... _ibubulong_.
Pedro.--Sust, kuidado kahit anong makikita mo huag kang
magsasalita kung ibig mong ikaw mapamahai sa kanya, sapagka't kaya
iyan nag-uugali n~g ayaw makisama kung di sa pipe, bulag, bin~gi, at
pilay n~g upang masunod ang lahat niyang nais nalaman mong ibig niyan,
apoin siya kahit pabalubaluktok ang kanyang gawin.
Bokokoy.--Iyon pala lamang bayaan mo,t, akong bahala.
Pedro.--Ipinatatalastas ko naman sa iyo iyong isang dumating
dito ang asawang tunay noong babae at siyang segundo amo dito.
_Lalabas si Agong_ Huag kang main~gay at lumabas si Agong
magpipipipihan ka.
Bokokoy.--Oong......
Pedro.--Maniwala ka sa akin na labis n~g buti si tio Agong.
Agong.--Tio Pedro, _gahol_ ito'y huli n~g aking pagdaing sa
iyo sa naisip kong ito'y hindi siya sasala _tatawa makikitawa ang
dalawa_ nakitawa na naman ang sinalibad n~g ... ang sulat na ito ay
sasabihin kong telegrama sa akin n~g isang kaibigan ko sa Calasiao si
D. Ludovico ang aking uutusan ang sa sama sa tren kayong dalawa ni
Bokokoy, at sa alas onse n~g gabi kakausapin ko si Soledad, sa ibig
man at sa ayaw iibig siya sa akin naito siya't dumarating, _darating
si Ludovico_, magsi pormal kayo.
Vico.--Guiliw kong kapatid sa awa n~g Dios ay tapos ko n~g
naihatid ang m~ga gawa natin ibig kong sa lingong haharapin palakihan
na itong taller.
Agong.--Ako'y talima sa iyong bawat maibigan; kapatid:
basahin mo itong telegramang aking tinangap buhat sa Calasiao doon ay
may gawa na lubhang kailan~gang ikaw ay makarating.
Vico.--Talos mo nang dati na akoy nasa ilalim n~g iyong
kapangyarihan, tan~gi sa roon kailan man at sa ikagagaling, íka
uusbong n~g ating kapisanan kahit sa nag-u-umpugang bato paroroonan
ko.
Agong.--Kung gayon maghanda kana.
Vico.--Sa gayon ay paalam _aalis magtititigan ang tatlo at
saca maghahalakhakan n~g tawa_.
Agong.--¿Naniwala na kayo? sa sinasabi ko sa inyong wala
akong iisipin na di masusunod, n~gayon akin si Soledad, diyan na muna
kayo ja, ja ja ja Agong magsaya ka Agong _aalis mamaya sa anyong si
Agong ay tatalikod babanatan n~g tampal sa batok ni Pedro magugulat si
Agong itatagong bigla ang kamay ni Pedro_.
¿Sinong bumatok sa akin?
Pedro.--¿Nananaguinip ka ba tio Agong? ¿Hindi ba kayâ ibig na
ibig mong makisama sa m~ga inútil n~g walang makabatok sa iyo gumawa
kaman n~g hindi katuiran, at saka n~gayon ay tatanun~gin mo sa akin
kung sinong bumatok sa iyo e, ¿sinong babatok sa iyo ako ba?
¿mababatukan ba kita kimaw ako? Bokokoy: ¿Sinong bumatok kay tio
Agong?
Bakokoy.--Kung hindi lamang ako pipe sinabi kona _pakumpas_
ong......
Agong.--Adios tio Pedro _tutumbukin sa sikmura_ Adios Bakokoy
_aalis masaya_.
Bakokoy.--Tio Pedro _sundot sa sikmura_ pillo ka.
Pedro.--Jajaja Lalong pillo si tio Agong _papormal_ ating pag
isipan n~g lalong magaling ¿pa anong gagawin mo kung ikaw ay si
Ludovico?
Bakokoy.--Kung hindi ko nalalaman kahit ako lokohin; mag
papasencia ako lalabas _si Luduvico taglay ang isang maleta de viage
at tampipe_. Huag kang main~gay at dumarating si Ludovico.
Ludovico.--M~ga kaibigan: ako
sa inyo,i, nagpapa-alam
Pedro.--¿Kami bay iyong iiwan?
Ludovico.--Hindi m~ga kapatid
Talastasin ninyo akoy ini-anak
sa mundong sakdalan noong madlang hirap
at walang minana kundi mag papatak
malagkit na pawis.....
Pedro.--Iyan ang marapat.
Vico.--Sa pag tatrabaho,t, sa patak n~g pawis
doon ko kukunin ang ikabibihis
di gaya n~g iba ating na mamasid
na sapag a-apo nandoon ang nais.
Akoy handa n~gayon pasasa Calasiao
n~g upang tuparin aking katungkulan
katungkulang hindi, dapat kong tangihan
pagkat siyang usbong aming kabuhayan
Akoy sinalubong n~g aking kasamá
sa papel na taglay ako daw pumilma
ginawa ko naman ay aking binasa
n~g aking matanto inagaw pagdaka
Sa akin sinabi:
Huag mong basahin iyang kasulatan
kung hindi mo ibig kita'y kagalitan
subo n~g galit ko'y di ko napigilan
pagka't bawat tawo ay may kalayaan.
Aking isinigaw na ipinakalakas
¿bakit nanasaing malupig ang lahat?
tumugon sa akin; ¡ah! walang paglin~gap
sa bayang sarili ... bigla kong sinalag.
Sapagka't ang nais na nakatalatâ
sa papel na iyon pumilma ang madlâ
isang kababaya'y maalis na biglâ
sa luklukang trono siya ang itakdâ.
Aking hinandulong mataas na sabi
huag sangkalanin ang bayang sarili
na tulad kay Luzbel naghapay n~g puri
sa n~galan n~g Dios n~g siya'y bumuti.
Sapagka't ugali n~g apô-apôan
siya ay Diyosin tanang kababayan
kaya at si Luzbel ang pinagharian
lahat n~g demonio sa ka infiernohan.
Kaya m~ga guiliw irog co at sinta
kayo,i, kaiin~gat sa aking kasamá
n~gayon ko natatap ang ugali pala
siya ang poonin sambahin towina.
At sa pagbalik ko ako'y hihiwalay
hindi ko na nais ang pakisamahan
at pagkagaling ko doon sa Kalasiao
sa inyong lahat na, ay mag papaalam.
Bakokoy.--Ako'y hindi pipe n~g iyong matalos kung ikaw,i,
aalis ako poy susunod pagkat ang puso ko'y marunong umirog maalam
tumampal sa mapag dios dios.
Pedro.--Ng inyong matanto akoy hindi komang matigas tigas pa
ang aking balakang n~g iyong matatap aking binatukan ang mapagmapuri
na apô-apôan.
Agong.--_Sa loob._ Pedro, Bakokoy.
Ang Dalawa.--Tinatawag kami n~g hunghang.
_aalis patakbo ang dalawa lalabas si Soledad malungkot si Vico naman
sa dakong kanan._