Pedro.--_No puede ser hija de Dios._

Soledad.--¿Hindi ka po ba nahahabag sa aking asawa?

Pedro.--_No puede ser hija de Dios._ takot na takot ako sa

basagulo, kung iyan ay sabihin ko kay Ludovico at paputukin naman ni

Ludovico ang ulo niyan, di pati ako'y hila-hila sa _Juzgado_.

Soledad.--¿Ano po itong sulat na ibinigay mo sa akin?

Pedro.--Si tio Agong ang nagpapadala sa iyo niyan, huag ko

daw pagpapahamakang buksan.

Soledad.--N~g iyo pong matanto babasahin ko sa iyo _bubuksan

ang sulat_.

Guiliw kong Soledad: Gaáno kayang pagtataká ang tatamuhin n~g iyong

mapayapang dibdib na kung sa kalatas kung ito'y matantô ang laki n~g

aking pag-ibig.

Pedro.--Samantalang binabasa mo, dadasalin ko naman ang

sampung utos n~g Dios, _Luluhod_. Ang una ibigin ang Dios na lalô sa

lahat.

Soledad.--Ini-ibig kita hangang huling tibok n~g aking

paghin~ga kahi't dios man ang humadlang.

Pedro.--Ang ikalawa huag kang manumpa sa sa n~galan n~g Dios.

Soledad.--Ikaw ang pan~gin~gilinan ko't igagalang.

Pedro.--Ang ikatlo sa lahat lamang n~g lingo at pista ka

man~gin~gilin.

Soledad.--Soledad igagalang kita.

Pedro.--Ang ikaapat igalang mo lamang ang ina mo't ama gayon

din ang katwiran.

Soledad.--Mamahalin kita n~g higit sa buhay.

Pedro.--Ang ikalima huag pumatay n~g tawo.

Soledad.--¡Ay Soledad! ikaw ang buhay ko.

Pedro.--Ika anim huag kang makiapid sa di mo asáwa.

Soledad.--Ikaw Soledad ang tan~ging numakaw n~g aking puso.

Pedro.--Ang ikapito huag mong nanakawin ang ipinagkakatiwala

sa iyo.

Soledad.--Soledad n~g aking buhay ang ninasâ kong ito'y hindi

mahahadlan~gan kahit ang Dios.

Pedro.--Ikawalo, huag kang mapagbintang sa kapua mo, bago

bago ikaw ang lilo.

Soledad.--Soledad ko, ikaw ang pinagnasaang pagkamatayan n~g

aking pag-ibig.

Pedro.--Ikasiam huag pagnasaan ang asawa n~g kapua mo.

Soledad.--Guiliw kong Soledad ikaw ang aariin kong kaisang

puso.

Pedro.--Ikasampu huag mong pagnasaan ang ari n~g iba, lalo na

kung iguinagalang ka.

Soledad.--Hahanganan kona ang takbo nang pluma sapagka't ikaw

din ang iibiguin ko kahit anong karatnan.

Pedro.--Ang sampung utos n~g Dios dalawa ang kinauuwian:

ibiguin mong iyong kapua gayon din ang Dios, at bayaan mong mamili

sila kung alin ang kanilang ibig _titindig_. Pues iha ikaw ang

makapamimili n~g iyong ibig.

Soledad.--Kaya n~ga po tio Pedro, gawan mo po n~g paraan

walin sa kanyang loob ang kanyang nina-nais sa kayo din po ang

kaututang dila niyan.

Pedro.--Bueno, pabayaan mo,t, akong bahala.

Soledad.--Siya diyan napo kayo _aalis_.

Pedro.--Saragating tawo itong si Agong Maria, Maria _lalabas

si Maria_.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 13 / 50 题