ESCENA III.

_Lalabas si Pedro, may dalang sulat._

Pedro.--Soledad pag masdan.

Soledad.--Tio Pedro, ikaw po,i, manain~ga: natatanto ko po

na ikaw ay may dan~gal na taglay, kung ako po ba'y may ipag tapat sa

iyo, ikubli mo po kaya.

Pedro.--Ah, Soledad puputok sa lupa, n~gunit sa aking dila ay

hindi; turan mo.

Soledad.--¿Ano po ba ang pagkakilala mo kay tio Agong?

Pedro.--ha, ha, ha. Isang tawong lasengo, ang sinabi sa umaga

na lilimutan sa hapon, isang ugaling muy _ordinario_, baga man mauban,

ang laman n~g utak ay kamangman~gan, isang tawong mapag-ulol sa

kababayan, isang tawong madalas sangkalanin ang bayan, isang tawong

mapag apôapôan, isang tawong hantik pa sa limatik, isang tawong

mapagpasamba sa tanto niyang han~gal, isang tawong tumandâ sa

pagkabusabos, at isang tawong....

Soledad.--Hintay ka po muna.

Pedro.--Ah, hindi mona maa-awat, isang tawong kung hindi mo

alintanahin ang kanyang....

Soledad.--Tapusin mo na po.

Pedro.--Aba ay tapos na n~ga, ¿ano naman ang ipagtatapat mo

sa akin?

Soledad.--Marahil po'y tanto mo, na kung hindi dahil kay

Ludovico, ay hindi uusbong ang kaniyang kabuhayan.

Pedro.--Oo n~ga, tanto ko, kaya't ang pamarali ni tio Agong,

si Ludovico daw ay _socio industrial_ sa pandayang ito.

Soledad.--Madalumat mo po bang ialay sa akin ang kanyang

pag-ibig, madalumat mo po bang nasain n~g Agong na iyan, na ihapay ang

puri n~g kanyang pinakikinaban~gan.

Pedro.--Ito'y hindi ko n~ga madadalumat at dapat ko namang

dalumatin, na baka kaya naman ang ibig niyang mangyari, sapagka't si

Ludovico ay _socio industrial_ niya sa pandayan, siya nama'y maging

_socio industrial_ ni Ludovico sa iyo ha, ha, ha ... ito'y hindi natin

masusukat.

Soledad.--Kaya't yayamang sa aking asawa'y wala akong sukat

magagawang paraan upang ipamalay sa kanya ang m~ga bagay na ito ikaw

na po ang magsabi sa kanya.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 12 / 50 题