ESCENA IV.

Maria.--Ano.

Pedro.--Natatanto mo itong si Tio Agong; ibig palang lumigaw

dito kay Soledad, Jesus mariosep bakit ko ba naipagtapat dito.

Maria.--¿Si Soledad na asawa n~g kanyang kasamá?

Pedro.--Oo.

Maria.--Maniwala kana sasinasabi kona sa iyo,t, ang sinalibad

n~g isang laksang iyan e.

Pedro.--Ako pang guinawang taga dala nang sulat.

Maria.--Sinasabi ko sa iyo,t, iyang pagka meketrepe mo á

¿Hindi kaba na hihiâ sa tawo na iyang tandâ mong iyan ay pumasok kang

...ow _aambaan n~g suntok_ pag hindi ko pinaaguasa ang ilong mo á

¿Bakit ba sunod ka n~g sunod sa hayop na iyan?

Pedro.--Mangyari ako'y natatakot baka akoy maturang hindi

mabuting kababayan.

Maria.--Naku.....pag hindi ko binalibol ang bun~gan~ga mo á,

ang sukat mong akalain itong aking sasabihin: kung ang tawo bang iyan

ay mabuting cristiano, dapat bang pag nasaan ang asawa n~g kanyang

kasamá.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 14 / 50 题