.................................................... "Halos ang boong

casalanan n~g lubhang casakitsakit at hindî na magágamot na

pagcacámali ay na sa Arzobispo at na sa m~ga fraile. Cung hinin~gì

sana ni pàrì Nozaleda at n~g m~ga fraile ang "indulto" ni Rizal, hindî

lamang sa catuparan n~g isáng catungculang lubhang nauucol sa

nan~gagpápanggap (¡lakíng capusun~gan!) na m~ga "kinàcatawan ni

Jesucristo sa ibabaw n~g m~ga lúpà" (ni Jesucristong bucál n~g

cabaitan at n~g pagcacaawang-gawâ); cung dî naman n~g canilang

maisu-at sa m~ga mapupusoc na dibdib ang pagcapamag-itan nilà at n~g

huwag mábaril si Rizal, bagay na cung guinawâ nila'y maaasahan halos

na humilig disin ang calooban ni Polavieja sa pagcaawâ. Datapuwa't sa

gayòng patacbó n~g ísip n~g m~ga fraile, na "¡WALIS!" at "¡GAPAS!"

silá n~ga ang lalong totoong nangagdaramdam n~g pagcauhaw sa dugô silà

n~ga ang lalong nagtataglay n~g lubháng malakíng pagtatanim n~g galit

(¡ganyan ang canilang pagtupad sa "ibiguin mo ang capuwa mo tawo na

gaya n~g pag ibig mo sa iyong sarili!") laban sa marilág na tagalog,

at hindî n~ga ang paghin~gì n~g "indulto" ang canilang guinawà, cung

dî ang pagparoon sa Bagumbayan, puspos n~g hindî nila maicailang

ligaya, upang mapanood n~g canilang sariling m~ga matá, na tunay

n~gang natimbuwang si Rizal at hindî na muling macababan~gon pa ...

¡Pagcalakilaking capan~gitan n~g asal na íyan cung panonoorin sa

talárò n~g caisipan! ¡Hindî n~ga mangyayaring dî caririmariman n~g

talárò n~g caisipan ang ganyang casamasamaang cagagawán n~g m~ga taong

sinasabing m~ga apóstol n~g religión n~g pagsisintahan n~g lahat n~g

m~ga inianac! ¡At caya ganyan n~ga ang nangyari, na samantalang

natutuclasan ni Rizal na siya'y huwag malimot n~g sangcataohan

magpasawalang hanggan, ibinubuhos naman n~g m~ga ganid na fraileng

iyang tunay na caalit n~g wagás na budhíng binyagan, sa canilang

talagang hindî nagcalinis na "historia" ang calakilakiha't macapál na

dun~gis, na ano pa't magpacaílan ma'y walang macalilinis na ano mang

lejía, m~ga panalan~gin ó m~ga himalâ man"....

* * * * *

"Tíniis ni Rizal--anáng pantás na castílang si Don Miguel de Unamuno

ang mahambóg na cagaspan~gan n~g asal n~g (lahing) putî, asal na

magaspang na walang maiuucol cung dî ang salitang griego: "authadía."

Ang cahulugan nito'y ang pagcalugod n~g isáng tao sa canyang sarili,

ang canyang pagcagalác na siya'y naguing siya, ang mag alíw sa canyang

sarilí, at sa cawacasan, ang caraniwang cahulugan, ay ang pagmamalakí,

pagwawalang pitagan sa ibá "authádico," at nagmamalaki, sa hindî

pagcaunáwà n~g cálolowa n~g iba, samacatuwid baga'y sa casalatan n~g

canyang cayang másoc sa m~ga calolowa n~g m~ga iba at makita at

damdamín ang daigdig na gaya n~g canilang pagcakita at pagdaramdam."

* * * * *

"Carapatdapat pagsiyasating magalíng-ani Guinoong Javier Gómez de la

Serna naman--ang cataohan ni Rizal. Nabuhay na tatlompo at limang

taón: naliguid na niya ang daigdig pagganap niya n~g icadalawampo't

pitong taón; siya'y médico, novelista, poeta, político, filólogo,

pedagogo, magsasacá, tipógrafo, políglota, (mahiguit na sampong wicâ

n~g iba't ibang bayan ang nasásalità), escultor, pintor, naturalista,

caanib sa m~ga bantóg na m~ga Capisanang tungcol sa dunong, sa Europa;

ibininyag ang canyang pan~galan sa m~ga bagong bagay na canyang na

tuclasan; nanahán at nag-aral sa m~ga malalaking pan~gulong bayan sa

Europa at América; hindî cacaunti ang bilang n~g dahon n~g librong ito

ang kinatatalaan n~g canyang m~ga libro at m~ga casulatan.

Nan~gag-alay dahil sa canyang pagcamatay n~g m~ga "velada" at m~ga

patungcol na alaala ang ilang m~ga capisanan n~g m~ga pantás, at ang

m~ga páhayagan sa boong tinacpan. Iyan ang taong ating binaril."

* * * * *

Niyayo'y buwan n~g Agosto n~g 1882.

Nalilipos n~g laguím ang boong Maynila; cakilakilabot ang pagcacamatay

n~g tao dahil sa sakit na "cólera". Casalucuyang inilalathalâ niyon

ang "Diariong Tagalog"; dalawa caming mánunulat sa wícâ natin sa

páhayagang iyon, ang tan~ging macabayan at cárilagdilagan filipinong

si Gat Marcelo Hilario del Pilar Gatmaitan at acó. Datapuwa't ¡ay! n~g

panahong iyo'y natatanicalaan ang calayaan n~g m~ga panitic, walang

nasasaysay cung dî ang papaguingdapating itulot n~g macapangyarihang

dito'y nagmamay-arí n~g buhay, dan~gal at pamumuhay n~g m~ga culang

palad na filipino. Sa guitnâ n~g gayong cahapishapis na calagaya'y

siyang pagdating sa amin n~g isang sulat na galing Barcelona, liham ni

Rizal na may calakip na isang mababang casulatang wicang castilà, na

"Amor Patrio" ang nababasa sa unang talatà, at ang firma'y

"Laong-Laan". Walang cahulilip na lugod ang aming tinamó n~g basahin

naming dalawa ang casulatang iyon. Maalab at dalisay na pagsinta sa

tinubuang lúpà ang doo'y nálalamang sinasaysay sa calugod-lugod na

pagcacahanay, m~ga hiwagang pananalitang sacdal cagandahang tumátaos

sa púsò n~g bumabasa. Nagpan~gagaw caming dalawa ni Gat Marcelo sa

paghuhulog sa wícang tagalog n~g casulatang iyon, at sa cawacasa'y

pinagcayarían naming ang calahating dacong una'y siya ang tatagalog,

at acó naman ang calahating dacong hulí. Palibhasa'y numanamnam n~g

timyas n~g pananalitâ ni "Laong Laan", hindî cami nagdamdam pagod n~g

paghuhulog sa sariling wicang dukhâ n~g casulatang na sa mayamang wicà

ni Cervantes, at pagdaca'y inilathálà namin sa páhayagang iyon. Mulâ

niyo'y kinaguiliwan co na n~g lubos ang calahing sa pagsulat ay aking

napagkilalang may pusong wagás na macabayan, ano pa't laguing

sumunodsunod sa canya ang aking calolowa sa walang licat na canyang

pagsusumicap sa icaririlag n~g bayang minamahal, at towi na'y

nakipanig sa canyang towâ ó hapis......

Napipiit acó sa bilanguan n~g Cádiz, España, casama n~g lubhang

maramíng gaya co ring ipinatapong m~ga filipino at ilang filipina n~g

Gobierno n~g castilà, n~g aking mabasa ang "telegrama" sa m~ga

páhayagan doon, tungcol sa pagcápabaril n~g m~ga halimaw na ganid sa

Dakilang Anak n~g linuluhuran cong Inang Bayan. Nanghilacbót aco't

lalong pinaglahuan n~g pighatî ang calolowa cong gapós na n~g hapis sa

pagcapalayô sa kinamulatang lúpà, sa magulang, asawa't m~ga anác, na

pawang sinusuyuan n~g maalab na pagsinta.....

N~g macaowî acó rito sa Filipinas n~g taóng 1899, ang unang minithî

co'y macapagtayô ang lahing caymanguí n~g isáng marikít na "monumento"

na cailan ma'y magpapaalaala sa boong sinucob cay Dr. Jose Rizal, at

n~g mabigyang caganapán ang gayong nais, inísip cong yumárì n~g isáng

mahalagang "Album", na ang bawa't daho'y gawâ n~g isáng matalinong

filipino. Nang masabi co ang gayong panucalà sa macabayang si G.

Eulalio Carmelo, pagdaca'y binigyan acó n~g bilang ambág niyang limang

daang cartulinang catatagang dahon n~g sinabi n~g Album: ipinamahagui

co ang m~ga cartulinang iyon sa m~ga paham, sa m~ga literato, poeta,

escritor, periodista, músico, pintor, dibujante at iba pa, upang

bawa't isa'y magtitic doon n~g acalain niláng pintura, música,

caisipan, dibujo ó ano mang macapagpapahalaga sa "Album." Gumanáp ang

lahat at ibinigay n~g bawa't isá ang canicanilang gawâ sa itinayóng

"Capisanan sa pagpapaunlac cay Rizal", upang ipaencuaderna ang "Album"

at pagcatapos ay parifahan, at ang mapapagbilhán sa m~ga billete n~g

rifa'y mapagpatuunan n~g gugugulin sa Monumento cay Rizal. Naggayac

naman acó n~g isáng mainam na "Velada lírica, literaria at

instrumental," na guinanáp n~g ica 30 n~g Diciembre n~g 1899 sa teatro

Libertad. Agawán at hinanakitan pa ang pagbilí n~g billete. Maraming

m~ga palco ang naipagbilí n~g tigsasandaang piso at m~ga butacang

naipagbilí hangang tigdadalawampo't limang piso, m~ga salapíng

tinanggap na lahat n~g sinabi n~g pan~gulo n~g Capisanang gaya rin

naman n~g "Album". Nang macaraang iláng linggo mulâ n~g gawin ang

velada'y inacalà cong mauusisà co na cung gaano ang kinálabasan,

pagcatapos maawas ang gugol, n~guni't nasayang ang aking pagál sa

pag-uusisà: salapî at "album" ay capowa nan~galigpit sa lihim n~g dî

co mataroc, n~g dî co mawataswatasang "lalim n~g catalinuhan at

dunong" n~g m~ga "maririlag na macabayang" sa "talinghaga'y"

nan~gag-iin~gat n~g lubhang mahalagáng salapíng ambag n~g bayan sa

Revolucion ... N~g waláng caratnan ang maulit n~guni't mapitagan cong

pag-uusisa'y iniwan co ang gayóng gawang hindî abot n~g aking caya, at

nag isip acong magtatag n~g isáng hayág na ambagang hindî lamang hubad

sa m~ga "hiwagang" di cayang saliksikin n~g cutad cong baít, cung dî

lubos na lantaran at malayo sa camay n~g m~ga "cababalaghan": madalás

n~g nangyari sa akin yaong casabihan n~g m~ga castílàng: "unos tienen

la fama y otros cardan la lana"[73] "iba ang nabúbusog at aco ang

napapagbintan~gan", caya't humanap aco n~g paraang mailagan ang gayong

cahidwâan, Nakiusap aco cay general McArthur, na n~g panahong iyo'y

siyáng Gobernador Militar dito sa Filipinas, at cay Mr. William H.

Taft, na niyo'y Presidente n~g Comisión Civil, na mangyaring abuluyan

nila aco sa adhicang macapanghin~gî n~g ambag sa lahat n~g filipino

upang macapagpatayô n~g isáng monumento cay Rizal, sa pamamag-itan n~g

paraang magtatayo n~g isàng Comité (capisanan) na ang bubu-o'y m~ga

guinoong filipino na siyang mamamahalà n~g nauucol sa paglalaganap n~g

paghin~gî n~g ambag at makikipag-alam sa m~ga municipio at iba pang

pagcacatiwalaang manghin~gî n~g ambag, at ang lahat n~g untiunting

matitipong ambag ay doon ilalagac sa Tesorero Insular n~g Gobierno, at

n~g mangyaring magawâ ang lahát n~g ito'y aco'y namanhic na maglagdâ

n~g isáng ucol na Ley ang Comisión Civil. Capowa napahinuhod sa akin.

Inilagda n~g sinàbi n~g Comisión Civil ang ipinakiusap cong Ley at

inihalal na bubuô n~g Comité ang m~ga tagaritong aking ipinalagay, na

dî iba cung dî si na guinoong Tomás G. del Rosario, Ponciano Rizal,

Teodoro Rafael Yangco, Juan Tuason, Dr. Aristón Bautista Lim, Mariano

Limjap, Ramón Genato at Maximino Paterno. Hindî nawalan n~g m~ga

calahì at n~g pamahayagang filipinong sumalangsang sa aking panucalà,

na dî umano'y sa pagca't na sa mahigpít na carukhaan ang bayan ay

hindî marapat isipin ang m~ga gayong pagcacagugol cung dî ang marapat

pagsicapa'y ang mapapagcunan n~g macacain; pan~gan~gatuwirang hayag

cong sinagot sa aking pinamamatnugutang sariling páhayagang "El Grito

del Pueblo" at "Ang Kapatíd n~g Bayan" na hindî icababawas n~g yaman ó

icáraragdag n~g paghihirap na ang pitong millóng filipino'y umambag

n~g tigagalawang céntimo bawa't isa, upang macapagtayo sa

kinatimbuwan~gang lúpà n~g naghayin n~g dugô at buhay at n~g ang

bayang ito'y magcamit calayâan at dan~gal; na ang dalawang céntimong

ibibigay n~g bawa't filipino'y maguiguing isang maliwanag na

tagapagpatotoo sa boong cataohang ang lahing caymangui'y marunong

magmahal sa capatíd na may mahal at bayaning pusong natutong

magtanghal n~g capurihan n~g bayang kinaguisnan, bucod sa

macapagpapasulong n~g calooban sa m~ga cababayan upang panghinularan

ang m~ga dakilang gawang cagalin~gan n~g pinaghahandugan n~g gayong

bagay, at ang "monumento'y" magpapagunitâ sa maghahalihaliling tao sa

panahóng hinaharap, sa natutong pumucaw sa m~ga carugong náhihimbing

sa caalipnan at nagban~gong puri ... Naraos ang panghihin~gî n~g ambág

at n~gayo'y casalucuyang iniin~gatan n~g Tesorero Insular ang may m~ga

isáng daan at labing anim na libong piso (P. 116000) na siyang

gugugulin sa hindî malalao't matatayong monumento cay Rizal, sa paseo

n~g Luneta, na sa canya'y pinagbarilan. Cung magalíng ó masamâ ang

aking guinawâ sa pagcapanucalà n~g monumentong iyón, ang m~ga

cababayang may damdamin ang siyang magpasiya.

Sa pagpapaunlac din sa ating capatíd na _Martir_ ay naglathalà acó n~g

linguhang páhayagang Rizal, na sa casawîang palad ay hindî tumagal ang

buhay.

Ang m~ga guinawâ cong ito'y sa pagtupad sa aking catungculang

pagcafilipino.

Matibay na n~gang totoo ang hindî pagcalimot cay Rizal. Sa taon-tao'y

guinagawâ, sa sangcapuluang itó, sa icatatlompô n~g Diciembre, ang

pag-aalaala n~g sa canya'y pagbaril, na nalalao'y lalò namang

naguiguing dakilà. Sa Maynilà at sa m~ga bayanbayan ay may m~ga

itinayong Escuela Rizal, Instituto Rizal, Colegio Rizal, Liceo Rizal,

Ateneo Rizal, Restaurant Dimas Alang, Cinematógrafo Rizal, Orquesta

Rizal, Club Rizal, at may man~ga nagbibilí naman n~g Relój Rizal, Tela

Rizal, Cronómetro Rizal, Botones Rizal, Tabaco Rizal, Zapatos Rizal,

Fósforos Rizal; Papel Rizal, sa lahat n~g bahay n~g bawa't may

damdaming filipino'y may larawan ni Rizal; pinan~galanang Rizal n~g

Gobierno ang isá sa m~ga lalong malalaking lalawigan dito Filipinas,

ang lalong caraniwang gamiting sello n~g Correong dalawang céntimo ang

halagá ay larawan ni Rizal ang naroroon; ang cay Rizal ding larawan

ang na sa billete ó papel na gastahing dalawang piso ang halagá, na

siyang lalong laganap; ano pa't masasabing saan man sa lupaíng itó'y

walang naririn~gíg at walang namamasdan cung dî si Rizal ... Ang m~ga

cuhiláng sa canya'y nagpapatay at cahi't patay na'y canilang

pinagtataniman pa, baga man lihim at dî maihayag, napipilitang gamitin

ang sello n~g Correo ni Rizal, in~gatan ang billeteng dalawang piso ni

Rizal ... Iyan ang waláng catapusáng n~gitn~gít na parusa sa may

pusaling budhî!...

Inilagdâ co ang maiclíng casaysayan n~g buhay ni Rizal, sa pagca't

uliráng maningning na mapanghihinularan n~g lahát sa pagsinta sa

kinaguisnang bayan at sa capowâ tao, sa pagsisicap sa pag-aaral at sa

calinisan n~g asal. Ang nagawâ niya'y ¿bakit hindî magagawâ n~g bawa't

filipino?

Pinagsicapan cong isinawicà natin ang canyang m~ga kinathang _Noli me

tangere_ at _Filibusterismo_, at isasatagalog co rin ang canyang m~ga

tulâ at iba pang canyang m~ga sinulat sa pagca't ang lahat n~g iya'y

siyang matibay na haligui n~g cagalanggalang na sambahan n~g ating

m~ga calayaan at casarinlang canyang pinagpilitang itayô sa

catigastigasang bató n~g pagsintang maalab at dalisay sa kinaguisnang

lúpà, sa pamamag-itan n~g canyang macapangyarihang ísip.

Ang _Noli me tangere_ at ang _Filibusterismo'y_ ilaw na maliwanag na

pumapatnugot sa m~ga filipino sa lacbaying cahiraphirapan at

mapan~ganig na pagtatamó n~g casarinlang minimithî. Cay Ibarra-Simoun

at cay Elías ay mamamalas natin ang pagsintang tunay sa cagandaganhang

lupang kinakitaan natin n~g unang liwanag; cay Don Rafael Ibarra at sa

canyang anác na Crisóstomo'y ang pag-uusig n~g m~ga tacsíl sa bawa't

may magandang cálolowa; cay Cápitán Tiago'y ang taong walang malay

nalulugso ang puri dahil sa pagca mapaniwalaín sa hiduwang

pinasasampalatayanan n~g m~ga gumagamit n~g religión ni Cristo upang

madayà ang sangcataohan; sa ina ni María Clara'y ang babaeng ibinulid

sa ban~gin n~g carumaldumal na cahalayan n~g nanumpang magpapacalinis

n~g calolowa't catawan hanggang nabubuhay; cay María Clara'y ang

dalagang pinagmunglaymunglay ang púsò n~g tunay na amáng nagpapangap

na "cahalili n~g Dios" at ang kinasapitang calaguimlaguim n~g

cahabaghabag n~g kinúculong hangang nabubuhay sa dì umano'y ligpitan

n~g m~ga esposa n~g Dios; sa m~ga fraileng si párì Dámaso, si párì

Sibyla at si párì Salví, ang malulupít at casuclamsuclam na caugalîan

n~g m~ga táong may catungculang mahigpít na magpacabaít at

magpacalinis n~g asal; cay filósofo Tasio'y mapaguunawà ang

casakitsakit na cahan~galáng naghaharì sa m~ga filipino; cay cabesang

Talés ay ang táong ipinahamac n~g malupít na pag-uusig n~g magpacailan

ma'y caaway n~g m~ga filipino; cay Dr. Pasta ay ang larawan n~g m~ga

pantás na walang pinagsisicapan cung di ang canyang sariling

cagalin~gan at iyayaman; cay Doña Consolación at cay Doña Victorina'y

ang m~ga babaeng han~gal at halíng na siyang unaunang nagpapahirap ó

cumucutyà sa m~ga calahì, dahil sa sila'y kinasama ó naguing asawa

nang líping dito'y nacapangyayari; cay Sisa'y ang cahabaghabag na

babaeng pinahirapan hangang sa masirà ang ísip at mamatay n~g m~ga

tampalasang may budhing halimaw; sa isáng salita'y bawa't talata n~g

_Noli me tangere_ at _Filibusterismo'y_ palatuntunang maningníng sa

pamumuhay dito sa Filipinas, palibhasa'y casaysayan nang catotohanang

m~ga nangyari at nangyayari pa sa m~ga lupaíng ito. Sa alin mang bahay

n~g tunay na filipino'y hindî dapat mawalâ ang dalawang librong iyon

at salaminíng laguì ang buhay ni Rizal, at sa araw na gawíng patnubay

n~g cafilipinuhan ang buhay ni Rizal, at gamiting palatuntunan ang

_Noli me tangere_, ang _Filibusterismo_ at iba pang m~ga casulatan n~g

"Martir sa Luneta", sa araw na iyo'y macahihiyaw na tayong lahat, na

ang Filipinas ay ligtas na sa lahat n~g caalipnan, at ang lupaíng

ito'y siyâng pangulo sa dan~gal sa boong casilan~ganan, lowalhating sa

sancapuluang ito'y mithî ni Rizal, Andres Bonifacio, Marcelo Hilario

Del Pilar, n~g yutayutang m~ga filipino at n~g abang si

PASCUAL H. POBLETE.

[Larawan: G. Saturnina Rizal ni Hidalgo ó Neneng Rizal Capatíd na

matandâ n~g Dr. Jose Rizal, at casalucuyang nagpapalimbag n~g "_NOLI

ME TANGERE_" at "_FILIBUSTERISMO_." SA WICANG TAGALOG, Imp. de M

Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]

MGA TALABABA:

[1] Marami ang tumatawag n~g _Silan~gan_ sa Laguna.

[2] _Indio_ ang tawag n~g m~ga castilà at n~g m~ga mestizong castila

sa tunay na lahing malayo.

[3] Táong may dunong.

[4] Táong-hayop.

[5] Ang catumbas n~g casabihang ito sa wicâ natin ay yaong: _Ang

naghahanáp sa wala, ay baliw ang cahalimbawa._

[6] Escultura: ang paggawâ n~g ano mang larawang bató ó cahoy.

[7] Ang paglúlan. (Pagpupuri sa m~ga sasacyángdagat ni Magallanes.)

[8] Nagtátamo n~g dilág ang Inang Bayan sa pamamag-itan n~g dunong.

[9] Capisanang humahatol ó nagpápasiya.

[10] Ang pagpupulong n~g m~ga dios.

[11] Sa tabi n~g Pasig.

[12] Casulatang inilalathálà sa pamahayagan.

[13] Pag-ibig sa tinubuang lúpà.

[14] Ang Diariong Tagalog ang caunaunahang pámahayagang wicang castílà

at wicang tagalog na inilathálà sa araw-araw. Sapagca't n~g panahóng

iyo'y inuusig ang sino mang filipinong nagpapakita n~g pagcamalulugdín

sa m~ga calayaan; inilagáy na ang namamatnugot sa _Diariong Tagalog_

ay ang castilang si Don Francisco Calvo Muñoz, na Administrador n~g

Rentas Estancadas; n~guni't ang tunay na sumusulat ay si G. Marcelo

Hilario del Pilar at si G. Pascual H. Poblete. Tumutulong ding madalás

si G. José Cuaderno.

[15] Hucóm na humahatol n~g m~ga nauucol sa sinasampalatayanan.

[16] _Hada_: Hiwagang babae na n~g panahong una'y pinaniniwalaan n~g

m~ga europeo.

[17] Ang hindi tulâ, ang tuloytuloy na pananalitâ.

[18] Si Codro ang hulíng hárì sa Atenas at inihayin sa kinamulatang

bayan ang canyáng buhay.--Leonidas, hárì sa Esparta na nagsangaláng

n~g daang Termópilas, sa pamamag-itan n~g tatlong daang tao, laban cay

Jerjes.

[19] Panghihimagsic ang itinagalog n~g ibá sa salitáng _revolución_,

na tila hindî angcáp, sa pagca't dito'y ang sinasabing _revolución_ ay

ang bagong pagpapalacad n~g isang bayan ô nación.

[20] Calacaráng tadhánà n~g May-Capal sa lahat n~g canyáng linikhâ.

[21] Malayang mag-ísip, na ano pa't hindî sumasampalataya cung dî sa

masasabing parang nakikita at nahihípo.

[22] Ang ayaw sumampalatayang may Dios.

[23] Ang napapanig sa "partido políticong ang sinusunod na

palatuntuna'y ang pagsasangalang at paglalaganap n~g lahat n~g m~ga

calayaan.

[24] Tinatawag sa políticang "clerical" ang "partido" ó ang taong ang

sinusunod na palatuntuna'y ang pagsasangalang sa lahat n~g m~ga

sacerdote, sa pinasasampalatayanan n~g m~ga sacerdote at sa

icaguiguinhawa at icauunlac n~g m~ga sacerdote.

[25] Ang napapanig sa "partido republicano" na ang sinusunod na

palatuntuna'y ang m~ga naucol sa pagtatayo n~g "república" at sa m~ga

pamamahala n~g bayan sa bayan sa icagagaling n~g bayan din.

[26] Ang m~ga capanig sa partidong nagpupumilit na si Don Cárlos de

Borbón, na caíbigan n~g m~ga fraile at n~g lahat n~g m~ga sacerdote,

ang siyang maguing hari sa España.

[27] Ang cabooan n~g isang samahan n~g m~ga táong nagcacaisa n~g

pasiya tungcol sa inaacala nilang lalong magalíng na pamamahala at

pamiminuno sa bayan.

[28] Ang halos na sa calaguitnaan n~g sangcalupaan.

[29] _Brindo_ ang na sa, wicang castílà; galing sa wicang _brindar_,

na ang cahuluga'y ang pag-inóm n~g alac na tandâ n~g paghahan~gád n~g

icagagalíng n~g pinag-aalayan.

[30] Walang tunay na catumbás sa wicang tagalog ang wicang castilang

_Patria_, na ang cahuluga'y tinubuang bayan, tinubuang lúpà, sariling

bayan, sariling lúpà, kinaguisnang bayan at iba pa.--Paunáwà n~g

tumagalog.

[31] Hiwatigan n~g bumabasang hindî tinatawag ni Rizal na

"Inang-Bayan." Catutubong pan~galan ang "Inang Bayan:" ang sabing

"Inang España'y" pan~galang kinaugalian lamang, (gaya n~g pagtawag n~g

m~ga musmós sa hindî tunay na iná: Nanay Andang, nanay Liling at iba

pa). Paunawâ ni W.E. Retana.

[32] Caraniwang cublihan.

[33] May tiníc na cahoy na inilalagáy sa landás at n~g mahadlan~gán

ang lacad n~g nan~gagcacabayong sundalo.

[34] Patibóng na pang-húli sa caaway.

[35] Bacod na malakíng cahoy.

[36] Bacod na malalakíng cahoy na pataguilíd.

[37] Palatuntunang nagtatadhanâ n~g m~ga hábà n~g m~ga cublihan.

[38] Mangagamot sa matá.

[39] Isinatagalog co na ang tulang itó at gayón din ang _El embarque_,

_Por la educación_, _A la juventud filipina_, ang zarzuelang _Junto al

Pasig_, ang _El Consejo de los Dioses_, at iba pa at ipalilimbag cong

calakip n~g librong BUHAY NI RIZAL na aking sinulat. _Pascual H.

Poblete._

[40] "Tulisán sa dagat" ang tunay na cahulugan sa tagalog n~g wicang

castílang "filibustero", ayon sa "Diccionario de la lengua castellana"

na gawâ n~g "Real Academica Española"; n~guni't dito sa Filipinas ay

binigyan n~g m~ga castílà n~g ibang cahulugan. Tinatawag dito nilang

"filibustero" ang filipinong ayon sa m~ga sapantáhà nila'y

nag-aacalang lumabag at maglugso n~g capangyarihan n~g España sa

sangcapuluang ito at n~g macapagsarili. Pinag-uusig n~g gobierno n~g

castílà n~g catacottacot n~g panahong iyon ang bawa't filipinong

mapaghinalaang may budhíng "filibustero". Cung sabihin n~g m~ga di

marunong n~g wicang castila'y "plibastiero."

[41] Capulun~gang lagui n~g pagsisiyasat n~g lahat n~g m~ga limbag.

Cautusan dito n~g panahon n~g Gobierno n~g España, na ang lahat n~g

m~ga limbag at ipinalilimbag upang ilathálà, gaya n~g m~ga libro at

m~ga pamahayagan, ay paraanin muna sa "Comisión Permanente de

Censura." Pinarurusahan n~g mabigat ang sumuay sa cautusang ito.

Naboboo ang sinabi n~g Comisión n~g m~ga fraile at m~ga castílà.

[42] Ang tinatawag niya ritong Bayang sarili ay ang España.

[43] Ang m~ga cagawad ó cawaní n~g gobierno.

[44] Si Costa'y castílâ.

[45] Capón.

[46] Pantás na castílâ.

[47] Ang mairuguin sa lahát n~g bagay na nauucol sa Filipinas.

[48] Sa laking pag-guiliw ni Blumentritt sa Filipinas ay pinan~galanan

ang isang anac niyang babae n~g "Loleng" at ang inuugali niya at n~g

caniyang m~ga anac ay ang asal n~g m~ga filipinong may pinag-aralan.

Maraming di ano lamang ang m~ga librong sinulat ni Blumentritt tungcol

sa Filipinas at ang isa sa m~ga librong ito'y ang "Diccionario

Etnográfico de Filipinas."

[49] _Psicologia_: isang bahagui nang Filosofía na nagsasaysay n~g

nauucol sa calolowa at sa canyáng m~ga sancap at m~ga gawâ.

[50] _Antropólogo_: ang pantas na nacatatalos n~g carunun~gang

_Antropología_, na kinapapalamnan n~g m~ga nauucol sa catawan at

caasalan n~g tao.

[51] Bawat siglo'y may isang daang taon.

[52] Casaysayan n~g m~ga nangyari.

[53] Ang binábanguit dito'y ang pagsasan galang n~g m~ga filipino sa

capangyarihan n~g m~ga francés sa pakikibaca sa Conchinchina, sa utos

n~g España.

[54] Datìng sacóp n~g España ang Borneo, na n~gayo'y tinatawag ni

North British Borneo; n~guni't sa capabayâan n~g Gobierno n~g España'y

napalipat sa capangyarihan n~g Inglaterra.

Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal · 第 11 / 12 段