[55] Inaanyayahan co ang lahat n~g m~ga cababayang cami'y magtayô n~g

isáng capisanang ang pamagát di'y _Liga Filipina_. Ang súsunding

palatuntunan sa capisanang ito'y ang Estatutos ó Palatuntunan n~g

_Liga Filipinang_ itinayô ni Rizal na isinatagalog co n~gayon. Bawa't

sang-ayon dito sa aking anyaya'y macasusulat sa akin dito sa daang

Misericordia blg. 123, bayang Sta. Cruz, Maynílà. Cung marami, ang

tanggapin cong pagsang-ayon tatawag acó n~g malakíng pulong at n~g

macapaghalal n~g m~ga púnò at iba pang kinacailan~gang gawin. Totoong

mahalagá ang magcaroon ang m~ga filipino n~g ganitong capisanan

..._Pascual H. Poblete_.

[56] Ang sabing "hotel" ay ipinan~gun~gusap na Otel. Wicang francés na

ang cahulugan ay tahanang sarili, at cung minsan nama'y bahay na

tumatangap na tumúloy at magpacain sa canino mang nagbabayad. Sa

wicang castila'y "hostería" ú "hospedería".

[57] Ang m~ga caisipang nauucol sa pamamahalà n~g bayan.

[58] Ang cahulugan n~g sabing Pilato ay "lalaking may sandatang

palasô." Ang pan~galan niya'y Poncio at apellido ang Pilato. Nang

panahong yao'y siya'y Presidente ó Procurador sa Judea, catungculang

guinanap niya n~g sampong taon, n~g panahong harì si Tiberio. Nang

magpasimulâ si Juan Bautista n~g pan~gan~garal, ang gobernador sa

Judea ay si Pilato. Sinasabi ni San Lúcas, na ang isá sa m~ga guinawâ

ni Pilato ay ang pagpatay sa iláng m~ga taga Galilea, at inihalò ang

canilang dugô sa m~ga hayin niya sa canyang kinikilalang m~ga dios. Sa

isá sa m~ga fiestang maraming m~ga judío ang napasasa Jerusalem,

nagpasimulâ ang iláng m~ga galileo n~g panghihimagsic na laban sa

pamunuan, sa loob n~g templo, cagagawang pinutol sa pagpapatay sa m~ga

namiminunò sa gawang iyon.

Talastas na n~g lahát cung ano ang m~ga cagagawan ni Pilato tungcol

cay Jesús, cayâ hindî co na sasabihin dito.

Nang makaraan ang isang taón mulâ nang mamatay si Cristo, ang m~ga

judio'y nang himagsic cay Pilato, dahil sa pagcagamit nito sa m~ga

cayamanan nang templo, upang may maipagpagawa nang isang páagusan nang

tubig. Napilitan si Pilatong payapain ang panghihimagsic na iyon sa

pamamag-itan nang m~ga sandata. Ang m~ga catampalasanan ni Pilato sa

m~ga samaritano ay siyang pumilit sa m~ga tawong ito na magsacdal cay

Vitelio, prefecto sa Syria. Ang naguing hatol nito'y alisan si Pilato

n~g catungculan at ipadala sa Roma, at doon nama'y pinarusahan siya

nang hatol na ipatapon, Lucas III. 1; XIII. 1; Mateo XXVII; Marcos XV;

Lucas XIII; Juan XVIII. 28; IX; Tingnan "Ang gawa n~g m~ga apostol"

III. 13; IV. 27; XIII. 28. 1.a Timoteo VI. 13; Flav, Josefo, Antig.

lib, XVIII, c. II-IV.

[59] Si Anan ó Anas ay anac ni Seth, Sumo Pontífice nang m~ga judío,

at bianan ni Cayfas, na siyang caacbay niya sa pagcapapa. Nang hulihin

si Jesús ay dinalá muna ito sa bahay ni Anas.--Lucas III. 2; Juan

XVIII; 13.

Sa pagca't siya ang pan~gulong punò n~g m~ga sacerdote, siya ang

nan~gulo sa pulong na pinagdalhan sa m~ga apóstol ni Jesús, upang sa

canila'y ipagbawal ang pagpapatuloy n~g pan~gan~garal.--Hechos IV. 6.

Sinasabi ni Josefo, na si Anas ay inihalal na Sumo Pontífice ni

Cyrenio, gobernador sa Judea, at siya ang inihalili cay Joaron na

binawian nang mataas na catungculang iyon. Si Anás naman ay inalisàn

nang catungculan ni Valerio Grato, procurador nang Judea, na inihalal

ni Tiberio Neron, at ang inihalili sa caniya'y si Ismael, na anac ni

Phabi.--Joseph. Antiquit lib. XXVIII cap. II.

[60] Si Caiphas na ang apellido'y Joseph ay manugang ni Anás at Sumo

Pontífice ring gaya nito. Sa bahay ni Caiphas linibac, siniphayò,

sinampal at hinatulang mamatay si Jesús. Sinasabi ni Josefo na si

Caiphas ay inalis sa pagcapontífice ni Vitelio. Lib. XXVIII Cap. IV.

[61] Man~ga pantàs na tagalagda ó tagasulat nang man~ga cautusan.

[62] Isá sa man~ga secta nang man~ga judío. Ang man~ga napapanig sa

sectang ito'y humihiwalay sa abang tawo, sa pag-aacala nilang sila ang

lalong banál at marunong cay sa iba.

[63] Ang Joseph na ito ay tubò sa Arimathea, isáng maliit na bayang

n~g una'y tinatawag na Ramlet, na na sa lupaíng naguing pag-aarì n~g

tribu ni Dan, sa dacong hilagaan n~g Lydda. Nananahan si Joseph n~g

panahóng yaon sa Jerusalem, sa pagca't doo'y may m~ga lupà siya at

bahay, at siya'y lihim na alagad ni Jesucristo, na cawan~gis naman n~g

maraming mayayamang tagaroon. N~g mamatay si Jesús sa Cruz, humarap si

Joseph cay Pilato, sa pagasa niyang siya'y caaalang alan~ganan, dahil

sa siya'y Senador at tawong mayaman, at canyang hinin~gî ang bangcay

n~g Màrtir sa Gólgota, na canyang pinahiran n~g gamot at paban~gó, na

ang casama niya'y si Nicodemo, at ang bangcay ni Cristo'y inalibing

niya, na ang catulong niya'y ang sinabi n~g si Nicodemo, sa isang

yun~gib, na na sa lupaing canyang pag-aari, na hindi nálalayò sa

pinagpacuan cay Cristo. Hindì co masabi cung ano ang kinahinatnan nang

banal na si Joseph sa pagca't walang sinasabi tungcol sa canya ang

m~ga Evangelio at "Ang m~ga gawa n~g m~ga apostol."--Mateo XXVII. 75;

Marcos XV. 42 Lucas XXIII. 50; Juan XIX, 37.

Ang cahulugan nang pan~galang "Nicodemo" ay "dugong walang sala."

Capanig nang panahong iyon si Nicodemo sa secta nang m~ga fariseo,

siya'y príncipe nang m~ga judío at alagad na lihim ni Jesucristo.

Isang gabí ay nakipagkita siya cay Jesús at sila'y nagsalitaan n~g

m~ga bagay na mahahalagá. Itinuro sa canya nang dakilang Maestro ang

pan~gangaìlan~gang magbagong buhay ayon sa tacdâ nang Espíritu Santo,

sa pamamag-itan nang pananampalataya sa Anac nang Dios, na

ipinagcaloob sa sanglibutan at nang magtamó n~g walang hangang buhay

ang lahat n~g sa caniya'y sumampalataya. Ang naguing bun~ga n~g

pagsasalitaan nilang ito'y ang pagbabalic loob ni Nicodemo, na mulâ

niyao'y naguing alagad ni Jesús, cahit sa lihim, bagay na anaki'y

pinagcacakilalanan n~g cahinaan n~g canyang pananampalataya sa

Mananacop. Walang ibang sinasabi sa Evangelio tungcol sa canya cung di

ang canyang pagsasanggalang cay Jesús n~g ito'y ibig sanang dacpín n~g

m~ga fariseo isang araw. N~g mamatáy sa Cruz si Jesús, nagdalá si

Nicodemo n~g sandaang librang nagcacahalong "mirra" at "áloe" at n~g

siyang mailagay na paban~go sa catawan n~g Mananacop, bagay na guinawâ

niya sa tulong ni Joseph na taga Arimathea. ¿Ano ang naguing buhay ni

Nicodemo pagcatapos? Hindi co masabi, sapagca't walang sinasaysay sa

bagay na ito ang m~ga Santong Casulatan. Juan III. 1-21; VII. 500 at

XIX. 39.

[64] Matibay na carretóng may apat na gulóng, na guinagamit n~g m~ga

hucbó ó n~g m~ga ferrocarril.

[65] Isang instrumento n~g música na may m~ga cuerdang tansô na

guinagamit n~g unang panahon.

[66] "La Independencia" n~g ica 4 n~g Noviembre n~g 1898.

[67] Ang isáng Nación ó ang isáng caharîan.

[68] Tinatawag na "indio" ang inianác sa India, ayon sa "Diccionario

de la Lengua Castellana" na gawâ n~g Real Academia Española;

datapowa't ang cahulugang bigay n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing

castilà sa sabing "indio" ay ang táong dalisay na filipino, na

ipinalalagay nilang cutad ang isip, imbî at hindî marunong magmahál sa

sariling dan~gal.

[69] Isáng lupaíng maláyò sa nacasasacop na Nacióng nacalupig.

[70] Ang pagsulong sa ano mang cagalin~gan, sa halimbawà: ang

pagsulong sa dunong, sa gandá n~g caugalian, sa calayâan, sa

caguinhawahan at iba pa.

[71] Ang pinaghihinalâang gumawâ ó gumagawâ n~g ano mang casamâan: sa

maiclíng sabi, ang "hinalain".

[72] Sipì sa _La Voz Española_ na pinamamatnugutan n~g lubhang catoto

n~g m~ga fraileng castilang si Don Joaquín Pellicena y Camacho, n~g

ica 30 n~g Diciembre n~g 1896.

[73] Iba ang umaahit n~g balahibo n~g tupa, at iba ang nagtátamong

dan~gal, samacatuwid baga'y madalas na iba ang napapaghinalaan n~g

m~ga cagagawan n~g ibá.

Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal · 第 12 / 12 段