Itóng pamumulá n~g lán~git sa sínag
N~g minimithî cong araw na sisicat,
Halíli sa dilím na cagulatgulat.
Cung "grana" ang iyong kinacailan~gan
N~g lalong gumandá núnucang liwaywáy,
¡Dugô co'y ibúbó't n~g isá man lámang
N~g dakilang sinag iyong mapakináng!
Ang m~ga mithî co muláng magcaísip
Magpahanggá n~gayóng maganáp ang baít,
Ang mapanood cang ¡hìyas na marikít
n~g dágat Silán~gang dito'y lumiliguid!
Matá mong marikít ay lumiligaya,
Waláng bacás luha't saganâ sa siglá,
Noo'y nacatungháy na waláng balísa,
Waláng báhid poot, muntî mang pan~gamba.
Galác niríng búhay, marubdob cong nais,
¡Lumigaya ikaw! ... sigáw n~g pagibig
N~g calolowa cong gayác n~g aalis.
¡Guinháwa camtán mo! ... ¡Anóng pagcárikît!
¡Mátimbuang upang mátaas ca lamang,
Mamatáy at upang mabigyán cang buhay,
Mamatáy sa sílong n~g lan~git mong mahál,
Málibing sa lupang puspós n~g carictán!
Cung sa ibáng âraw icáw'y may mápansin
Bulaclac na abâ sa dukhâ cong libíng,
Sumílang sa guitnâ n~g damóng masinsín,
Hagcá't ang halíc mo'y itaós sa akin.
Sa samyó n~g iyong pagsuyong matamís,
Dalisay na guiliw n~g may sintang dibdib,
Bayâang tumanggap noo co n~g ínit
Sa pagcápalibing sa lúpang malamíg.
Bayâan mong acó'y malásin n~g buwán
Sa liwanag niyang hináho't malamlám,
Bayâang ihatíd sa aking baunan
Madalíng mapáwing sínag n~g liwaywáy.
Bayâang humibík ang símoy n~g hán~gin,
At cung may dumápo sa Cruz n~g libing
Na anó mang ibo'y bayâang awitin
Sa húning masayá ang payapang aliw.
Bayâang ang áraw na lubháng manin~gas
Ulán ay tuyui't sin~gaw ay itaás,
Maguíng pan~ganuring dalisay at wagás,
Calangcap ang áking hibíc n~g pagliyag.
Bayâang ang áking maágang pagpánaw
Itan~gis n~g isáng cototong sino man,
Cung may magpatungcòl sa akin n~g dasál
Acó'y iyo sanang idalan~gin namán.
Idalán~gin mo rin ang kinapós pálad
Na nan~gamatáy na't yaóng nan~gaghírap
Sa daming pasakit, at ang lumálan~gap
Naming m~ga iná n~g luhang masacláp.
Iyong idalán~gin ang bao't ulíla,
Ang nan~gapipiit na pinagdurusa;
Iyong idalán~ging icaw'y matubós na
Sa pagca alíping láong binabata.
Cung nababalot na ang m~ga libin~gan
N~g sápot na itím n~g gabíng mapangláw,
At cung walang tanod cung di pawang patáy,
Howág gambalàin ang catahimican.
Pagpitaganan mo ang hiwagang líhim.
At mapapakinggan ang tinig marahil
N~g isang salterio[65], ito n~ga'y aco ring
Ina-awitan ca n~g aking pag-guiliw.
Cung ang libin~gan co'y limót na n~g madlâ
At walâ n~g Cruz at bató mang tandâ,
Sa nan~gagbubukid ay ipaubayang
Bungcalí't isabog ang natipíng lúpà
Ang m~ga abó co'y cung ipailanglang,
Maowi sa walâ na pinanggalin~gan,
At macalat na n~gang parang capupunán
N~g iyong alabóc sa lupang tungtun~gan.
Sa gayo'y wala n~g anó man sa aking
Aco'y limútin na't aking lilibutin
Yaong impapawid, caparanga't han~gin,
At aco sa iyo'y maguiguing taguingtíng.
Ban~gó, tin~gig, higuing, awit na masayá,
Liwanag at culay na lugon n~g mata'y
Uulit-ulitin sa towi towi na
Ang cataimtiman n~g aking pag asa.
Sintang FILIPINAS, lupa cong hinirang,
Dusa n~g dusa co n~gayon ay pakin~gan:
Bilang habilin cong sa iyo'y iiwan
Ang lahat n~g lalong inirog sa búhay.
Aco'y yayao na sa bayang payápà
Na walang alipi't púnong mapang-abâ,
Doo'y di nanatay sa paniniwálà
At ang naghahari'y Dios na dakílà.
¡Paalam na aco magulang, capatid,
Bahagui n~g puso't unang nácaniig,
Ipagpasalamat ang aking pag-alis
Sa buhay na itong lagui n~g ligalig!
¡Paalam na liyag tan~ging caulayaw
Taga ibang lupang aking catowaan!
¡Paalam sa inyo m~ga minamahal,
Mamatay ay ganap na catahimican!
Jose Rizal.
"¡Walâ isa man lamang salitâ n~g pagtatanim sa m~ga pumatay sa
canya!... ¡Pawang pag-ibig na lahát sa caniyang tinubuang bayan at sa
canyang m~ga capanig!" ani Don Wenceslaw E. Retana.
* * * * *
Dinamdam n~g Europa, n~g América, n~g lahat n~g bayang civilizado,
lalo na n~g m~ga pantás sa lahat n~g làhi ang cakilakilabot na
pagcápatay sa "Dakilang Tagalog" n~g m~ga castílà.
Si Guinoong Fernando Blumentrit, ang pantás na profesor etnógrafo, ang
pan~gulong nagdamdam, ang isa sa m~ga pan~gulong nagpighati n~g dî
cawásà.
Pakinggan n~g írog na bumabasa ang isinulat cay Guinong Mariano Ponce
ni G. Fernando Blumentritt, pagcaalam nitò n~g calupitang guinawâ sa
capatíd na hírang n~g canyang calolowa:
"May sugat ang aking púsô!... Natatalastas mo ang calakháng dî ano
lamang n~g sa caniya'y aking pag-irog!... Nan~gagsumakit ang lalong
m~ga bantòg na tao sa Europa upang siya'y iligtás, datapowa't hindî
nan~gagtagumpáy: ang cálolowang mahal na iyo'y naakyat sa lan~git,
Macasasamáng totoo sa capangyarihan n~g castílà ang pagcàpabaril sa
caniya: sa macatuwíd ay hindî lamang naguíng waláng cabuluhán ang
boong caban~gisáng iyòn, cung dî isa namang cahalin~gáng calakilakihan
sa pamamanihálà n~g bayan."
Naglathálà ang marunong na si Blumentritt n~g mahahalagang casulatan
tungcol sa buhay at pagcamatáy ni Rizal sa "Archivos Internacionales
de Etnografía", sa Leida, sa "Almanaque de Praga n~g 1898" at sa halos
dî mabilang na m~ga pámahayagan.
Nagsaysay rin naman n~g malaki't taimtim na m~ga pagdaramdam:
Ang Profesor Dr. Renward Braustetter, pantás na malayólogo sa Lucerna.
Ang Dr. Fedor Jagor, aleman, sumulat n~g isáng librong ang pamagát ay
"Viajes por Filipinas" na isinawicang inglés at castilà.
Ang Dr. Friedrich Ratzel, alemán, marilág na geógrafo at etnógrafo,
bantóg sa boong daigdig sa carunun~gan. Sinabi n~g pantás na itó sa
isáng mahabang casulatang inilathalà sa dahong dagdág, tungcol sa
dunong, sa "Allegemeine Zeitung" sa Munich, na mataas ang dunong at
matálas ang ísip ni Rizal cay sa m~ga umusig sa canyá.
Ang profesor M. Buchner, Director n~g Museo Etnográfico sa Munich,
hirang na totoong malayólogo. Sumulat ang pantás na itó cay G. Ponce
at sinabing: "si Dr. Rizal ay ang tagapakiharáp na mahal n~g lahing
mahál n~g m~ga tagalog, at ang larawan niya'y na sa lalong mahál na
pinaglalagyán sa aming Museo."
Si Monsieur Edmont Plauchut, kilalang orientalista francés, na
nacatatalos na magalíng sa Filipinas, na may sinulat na ilang m~ga
libro at manunulat sa m~ga pahayagang "Le Temps" at "Revue des Deux
Mondes." Pagca alam niyang ipinabaríl si Rizal ay naglathálà n~g
pagpapapuri sa ating marilág na capatíd at pagcatapos ay sinabi: "¿Ang
gayong caraming dugo'y magbun~ga cayâ n~g icapagsásarilí n~g
sangcapuluan? Minimithî co n~g boong púsò."
Ang Dr. W. Joest, profesor sa Universidad n~g Berlín, marilág na
geógrafo. Naglathálâ n~g pagtatacá at pagpapaunlác cay Rizal.
Ang Dr. H. Kern, profesor n~g Sánscrito sa Universidad n~g Leida at
pan~gulong malayista sa daigdig. Pinuri niyá ang m~ga librong cathâ ni
Rizal.
Ang Dr. J. Montano, francés, bayaning maglalacbay, marunong n~g
sarisaring wicà at pantás na antropólogo; nagparan~gal cay Rizal.
Ang Dr. F. Muller, profesor sa Universidad n~g Viena, dakilang
filólogo; naghayag n~g canyang panghihinayang cay Rizal. At gayon din
ang m~ga marurunong at maririlag sa taong sumusunod.
Ang pantás at bantog na literatang holandesa na nagpapamagat n~g "H.
D. Teenk Willink."
Si Mr. Manfred Wittich, manunulat na taga Leipzig.
Si Dr Betances, político cubano.
Si Dr. Boettger, bantóg na naturalista alemán.
Si Dr. A. B. Meyer, Director n~g Museo Etnográfico sa Dresde,
cárilagdilagang filipinólogo at isa sa lalong totoong nagmamahal cay
Rizal.
Si Monsieur Odekerchen, Director n~g páhayagang "L'Express", sa Lieja.
Si Dr. Ed Seler, na naghulog sa wicang aleman n~g _Huling Caisipán_ ni
Rizal.
Si Mr. H. W. Bray marunong na manunulat na inglés.
Si Mr. John Foreman, na sumulat n~g iláng libro tungcol sa Filipinas.
Si Herr C. M. Heller, naturalista aleman.
Si Dr. Stolpe, pantás na taga Suecia.
Si Herr Armand Lehinaut, ingeniero at literato austriaco.
Si Dr. J. M. Podhovsky, balitang manunulat na teheque, at iba pang
lubhang marami.
At cung dito'y ilalagda ang talaan n~g m~ga libro, n~g m~ga "revista"
at n~g m~ga "periódico" na nan~gagbigay dan~gal cay Rizal ay hindî
matatapos. Tatatlompong araw pa lamang ang nacararâan mulâ n~g barilín
si Rizal ay nacatipon na ang pantás na si Blumentritt n~g pitompo at
tatlong "periódico" sa Europa na pumupuri cay Rizal at nagsasaysay n~g
malaking pagdaramdam n~g sa canya'y pagcápatay; isipin n~g bumabasa
cung gaanong dami cayâ ang m~ga isinulat tungcol sa canya n~g macaraan
na ang ilang bwan. Carapatdapat bangguitin ang m~ga páhayagang
"Leipsinger Illustrirte Zeitung", "Allgemeine Zeitung", "National
Zeitung", "Berliner", "Tageblatt", "Frendenblats", "Hamburger",
"Nachrichten", "Globus", "Kolnische Zeitung", ang "Ost Asien" na
pinamamatnugutan n~g pantás na japonés na si Kisak Tamai, at iba pang
maraming páhayagan sa Alemania, ang "Boletin" n~g m~ga Orientalista sa
Austria; ang "De Indische Gids", sa Amsterdam; "New Yorker",
"Staatszeitung", "Patria", "New York Herald", "The San Francisco
Chronicle", sa Estados Unidos; Le Temps", "L'Eclair", "La République
Cubaine", sa Paris; "L'Express" at "La Réforme" sa Bélgica; "Opden
Uitkijk", sa Holanda; "London Ilustrated News" at "National Review" sa
Inglaterra; iláng m~ga páhayagan sa Austria-Hungría, sa Suecia, at iba
pa; ang lahát n~g m~ga páhayagan sa Singapore, sa Hongkong, sa Macao,
Shanghai, sa Japon, sa América Latina at iba pa.
Maraming m~ga dakilang "Velada" ang inihandog sa pag-aalaala cay Rizal
sa m~ga ciudad n~g sangsinucob. Ang isa m~ga Veladang iya'y ang
idinaos n~g ica 20 n~g Noviembre n~g 1897 n~g "Sociedad Antropológica"
sa Berlin, sa ilalim n~g pamamatnugot n~g pan~gulong antropólogo sa
boong tinacpang si Virchow. Binasa sa Veladang iyon ang "Huling
Caisipan" ni Rizal sa tuláng aleman n~g Dr. Ed. Seler.
Naghandog din ang m~ga norteamericano n~g pagbibigay-dan~gal cay
Rizal, n~g ica 19 n~g Junio n~g 1902 sa bahay n~g m~ga Representante,
sa Washington, na ipinakilala nilang si Rizal ay cawan~gis din ni
Washington, na may carapatáng igalang at alayan n~g ganáp na pagpupuri
n~g sangcataohan. Umuugong, tunay na umuugong ang dakila't
cagandagandahang bahay n~g m~ga Representante sa Washington sa
pagbibigay-dan~gal sa walang cahulílip nating capatíd.
Naghandog din n~g manin~gas at cágalingalin~gang pagbibigay dan~gal
cay Rizal, sa pamamag-itan n~g isáng talumpatì si Theodore Roosevelt,
presidente n~g Estados Unidos: sinabi niyang carapatdapat uliranín ang
buhay ni Rizal at ang m~ga librong kinathâ niya'y Evangeliong
pumapatnugot sa landás n~g icasusulong, iguiguinhawa at icaririlág n~g
m~ga bayan.
Pakingan naman natin n~gayón ang salitâ n~g pahám na manunulat na
castilang si D. Wenceslao E. Retana:
"Pagcatapos--anya--nang maiclíng casaysayang ito, na nagpapakilala n~g
isáng culabóng sinag n~g malakíng pangguiguilalás n~g gayong caraming
lubhang maririlag na m~ga tao, man~gan~gahás camíng isumag ang
pasiyang sinabi sa Gobierno tungcól cay Rizal n~g Excelentísimo Señor
Don Nicolás Peña, Auditor n~g Ejército n~g Filipinas. Alinsunod sa
sinabi n~g guinoo, si Rizal ay isáng pan~gahás na hindî man lamang
marunong sumulat at hindî maalam mag-isíp ísip.... ¡Lakíng
kahapishapis na caibhán ang namamasdan sa pasiya n~g Guinoong Peña, na
caya lamang kilalá ay salamat sa "Anuario Militar n~g España", sa m~ga
pasya n~g m~ga Virchou, n~g m~ga A. B. Meyer, n~g m~ga Kern, n~g m~ga
Blumentritt at n~g lubhang maraming m~ga pantás na hinahan~gaan at
bantog sa boong sinucob! Datapuwa't lalo n~g kahapishapis ang isa pang
pagcacaiba: ang sinasalitâ n~g "La Independencia"[66] sa canyang
pagsasaysay n~g malaking pagdaramdam n~g boong sancataohang may
magandang asal n~g maalaman nila ang pagcamatay ni Rizal ... "Laking
kaibhang-anang "La Independencia"--n~g ganitong pagpapakita n~g
sancataohan n~g canyang pagpipighatî sa pagpatáy cay Rizal, at yaong
"sayáw sa m~ga patay" na guinawâ n~g m~ga castílà sa canilang
pagcacatowâ n~g pagcápatay sa canilang tinampalasan, sayaw sa m~ga
patáy na canilang idinaos sa ibabaw n~g bagong catatabong baunan ni
Rizal na ano pa't canilang guiniic at minunglaymunglay ang m~ga corona
at m~ga bulaclac na inilagay sa ibabaw n~g libin~gang iyon n~g
masintahing m~ga camay n~g m~ga catoto!"
Pinabantayán n~g Excelentísimo Señor Don Camilo Palavîeja, Teniente
General n~g Ejército n~g España at Gobernador at Capitan general n~g
Sangcapuluang Filipinas ang libin~gan ni Dr. Jose Rizal sa loob n~g
labing limang araw at labing limang gabi. Limampong sundalong castílà,
isáng capitan, isáng teniente, isáng sargento segundo at dalawang cabo
ang nan~gagbantay. Pínabantayan sa pan~gan~ganib na bacâ nacawin n~g
m~ga tagalog ang bangcay ni Rizal, at bago ipamalitang ito'y muling
nabuhay. Walang pinag-ibhan cay Jesucristo.
N~g macalampas na ang labinglimang araw, mulâ n~g ibaón sa lupà, si
Rizal na walang cabaong at waláng balot man lamang, na baníg, iniwan
na n~g m~ga, nagbábantáy.
Tinandaan na lamang n~g m~ga capatíd ni Rizal ang pinaglíbin~gan nito
n~g isáng cruz.
N~g buwan n~g Agosto n~g 1898, n~g magtagumpay na n~g lubos ang m~ga
filipinong revolucionario at n~g maibabâ na sa Filipinas ang bandera
n~g España, hinucay n~g ating m~ga caláhì ang libin~gan ni Rizal,
kinuha nila ang m~ga butó at bun~gô nito, inilagay nila sa isáng
mahalagang urnang gawâ n~g bantog na escultor na si Guinoong Romualdo
Teodoro de Jesús, at pagcatapos ay inihatid n~g di mabilang na tao n~g
boong galang sa bahay n~g canyang ina. Buongbuo ang bun~gô n~g úlo ni
Rizal, na ano pa't napagkikilalang hindî nasugatan n~g bala.
Datapuwa't n~g hanapin sa zapatos ang casulatang bilin n~g nasirà, ang
papel ay naguing pulbos na't wala n~g mabasa cahi't isáng letra man
lamang. ¡Cahapishapis!...
* * * * *
Ang m~ga sinaysay co sa m~ga talatang natalikdan ay m~ga balitang
bigay sa akin ni G. Saturnina Rizal, n~g canyang esposong si G. Manuel
Hidalgo, n~g m~ga caibiga't cakilala ni Rizal at ang iba'y aking
nabasa naman sa librong "Vida y escritos del Dr. Rizal," na sinulat at
inihayag ni Don Wenceslao E. Retana.
Sa libro ring "Vida y escritos del Dr. Rizal" ay aking sisipiín ang
m~ga saysay ni Don Francisco Pi y Margall, n~g sinabi n~g si Don
Wenceslao E. Retana, ni Don Miguel de Unamuno at ni Guinoong Javier
Gómez de la Serna, ang tatlong nauna'y castílà at itong hulí ay
cababayan natin, sa pagca't dito siya inianâc, tungcol sa España, sa
Filipinas, cay Rizal at sa m~ga fraile.
* * * * *
M~ga saysay ni Don Francisco Pi y Margall:--"Sawíng palad n~gâ ang
m~ga nasásacop n~g ating capangyarihan sa dacong Oceanía: hindî
ipinagcacaloob sa canila ang m~ga "derechos políticos", ang m~ga
carapatán ò catuwiran bagáng ucol sa táong namamayan, ayaw ipagcaloob
sa canilá ang catuwirang magcaroon n~g m~ga tagapakiharáp sa
Capulun~gang-Bayan, ayaw alsín sa canilá ang pamatoc na sa canila'y
isinacláy n~g m~ga fraile, at pagca nauucol sa iguiguinhawa n~g
canilang catawan sila'y nililimot na parang hindî m~ga caanib n~g
España. ¿Papaanong iirog sa atin ang m~ga taong doo'y nananahan?
¿Papaanong hindî magdaramdam n~g malaking pagcainíp upang sila'y
macaligtás sa cahariang sa canila'y namamahalang tulad sa m~ga unang
panahon n~g pagcalupig sa canila? Cung dumating ang araw na sila'y
manghimagsíc, ¿anong cacatuwiranin natin upang tayo'y dumaíng?"
* * * * *
Ganito naman ang m~ga pananalita ni Don Wenceslao E. Retana:
"Si Jose Rizal ang siyang buháy na nagpapakilala n~g ating
cahapishapis na pamamahala sa ating sacop na ibáng lupaín. Hindî
mangyayaring mapapanatili ang pagcasacóp n~g isáng caharìan sa ibáng
lupaín cung dì sa pamamag-itan lamang n~g dalawang paraan: O sa cusang
calooban n~g m~ga tubò sa ibáng lupaíng iyon, ó sa sápilitan.
Carapatdapat sabihing cailan ma'y walang ano mang guinawâ ang España
upang manatiling cusà ang m~ga nasasacop na taga ibàng lupain sa
pagkilala sa canyang capangyarihan; salun~gat na salun~gát ang gayón
sa patacbó n~g caisipán n~g ating láhì: sa tuwi na'y ipinalagay n~g
dalisáy na castílà, na hindî tunay na guinagamit ang capangyarihan sa
nasasacop na ibáng lupaín, cung hindî sinusupil ang m~ga tagaroon
upang sumunód sa bawa't maisipan n~g nacapangyayari. (At unawaing
tinatawag na nacapangyayari, hindî ang Estado[67], at hindî rin ang
Púnò n~g Estado, cung dî ang castílà). Pinapanatili n~g España sa
pagkilala sa canyang capangyarihan ang nasasacop na m~ga taga ibang
lúpà sa pamamag-itan n~g lacás. Datapuwa't palibhasa'y hindî sumásapat
ang nacucuhang salapî sa Filipinas upang doo'y mapapanatili ang isáng
malakíng hucbó n~g m~ga castilang tunay, minagalíng n~g España--cahi't
kinikilalang isáng "casam-ang kinacailan~gang gawín"--ang
papamalaguîin sa walang taning na panahón ang calacaráng mulâ sa lacás
n~g "hicayat" n~g fraile, na ano pa't hinan~gad n~g España ang magawâ
ang hindî mangyayaring bagay, na magcásabay ang pamamahalà n~g fraile
at sacâ ang paglagô n~g m~ga carunun~gan ayon sa bagong caisipán.
Datapuwa't hindî macagaganáp ang fraile sa canyang tungculing
"pagcafraile", cung hindî niya gagamitin, ano mang cáratnan, ang
canyang "tinutuntong landás", na ito'y dî iba cung dî ang paraang
papanatilihin ang bayan sa carilimán n~g isip at sa hindî pagcatantô
nang magagandang caasalán, at ang naguing bun~ga n~g gayong hidwang
palacad (papamalaguiin bagang "indio"[68] ang filipino hanggang
nabubuhay) na laban sa mapilit na cahin~gîan n~g lacad n~g panahón
(cahin~gîang hindî macataliwacás at ayaw namang tumaliwacás ang
caramihan sa m~ga filipino) ay ang pagsilang n~g paláisipang-bayang
talastas na n~g lahát cung paano ang kináwacasan.
"Hindî lamang ang dî malilagang batás n~g panahón ang calaban n~g
lumang palacad; calaban din naman ang m~ga castilang anác sa España,
na sa cawacasa'y ipinalagay niláng bawa't fraile ay canilang
capan~gagáw; at sa ganito'y sa canilang cahapishapis na pag-uunahan sa
pagsisirâan, silasilá ring m~ga castilang may "hábito" ó walang
"hábito", may ahit sa ulo ó walang ahit ang siyang nan~gaglugsôan n~g
canicanilang puri, hanggang sa mapagkilala tulóy n~g m~ga túbò sa
Filipinas ang taglay niláng budhî. Sa isáng bagay lamang
nan~gagcacaisa ang m~ga ganap na castilà, may ahit sa ulo ó walâ; ang
papanatilihin sa pagca-"indio" ang m~ga pinamamagatang "indio"; bagay
na udyóc n~g capalaluan n~g m~ga castilâ, capalaluang lalong
lumúlubhâ, samantalang lalong mahigpít; ang pag-ibig n~g castílà sa
canyang kinamulatang bayan (!)
".....................................................Untiunting
guinágawang "guinoo" n~g Gobierno n~g España ang m~ga filipino;
n~guni't sa pagca't nananatili ang fraile, ang cototohana'y nananatìli
naman ang filipino sa "pagca-alipin", at ang nangyayari'y samantalang
lumalaganap ang pagbibigay catuwiran, lumulaganap naman ang pagyurac
sa catuwiran. Nananatili ang pan~gulong púnò sa Colonia[69] sa
pagtataglay n~g capangyarihang magawâ ang bawa't maibigan, at
nananatili naman ang fraile sa pagca siyang namamag-itan sa Bayan at
sa Gobierno, at sa ganitong calagaya'y walâ n~gang kinácamtang
masasabing ligaya ang "indio", liban na lamang sa ligayang papaguing
dapatin n~g fraileng sa canya'y ipagcaloob.
Lubós n~gang naguing magcaaway na totoo ang "Fraile" at ang
"Progreso"[70]: calabisán ang alín man sa dalawa. Minamagalíng n~g
m~ga filipino ang "Progreso." Datapowa't cung alisín ang fraile; ¿alín
ang "lacás" na icapipiguil sa paghiwalay n~g colonia? At sa ganito'y
¿di baga dapat na ipalagáy na "sospechoso"[71] ang filipinong
magmunacalang magwacsì n~g "lacás" n~g fraile? Nariyan ang ugát n~g dî
magaping capangyarihan n~g fraile: hindî n~gâ mangyayaring mahalinhan
silá. Nalalaman n~g m~ga fraile ang bagay na itó, caya't guinágawâ
nilá bawa't maisipan. At ang Gobierno n~g castilang nagpapacapagal n~g
dî ano lamang sa _iguiguinhawa_ n~g m~ga filipino, gayon ma'y hindî
mangyaring dî niya gamitin ang fraileng magpacailan ma'y siyang bucál
n~g _ipinaghihirap_ n~g canyang m~ga sacóp na iyang pinagsisicapan
niya ang pagtatamó n~g "magandang palad."
..................................................
"Samantalang nananatili sa alaala n~g bayang Filipinas ang hindî pag
limot cay Rizal, mananatili naman sa bayang iyon ang pagmimithing
magcaroon n~g isáng Bayan puspós sa carapatán at may magandáng
caasalán. ¡Sa abâ n~g Filipinas cung sa canya'y lumípas ang
pag-aalaalang iyan! ¡Hihibic siya sa caalipnang atang n~g m~ga taga
ibang lupaín! At lalò pa n~gang magalíng sa matandang España na
mamuhay ang canyang naguíng anác sa marilág na casarinlán cahi't na sa
carukhâan, at huwag pawîin sa dibdib ang catibayan n~g dating
pagguiguiliwán, cay sa magtiis ang naguíng anác na iyan sa pagcasacóp
n~g isáng áli, na cahi't magpacayamanyaman ay hindî magtátaglay cailan
man niyang talinghagà at di mapagwaring pagsintang catutubò n~g tunay
na iná.................................."
¡Cahabaghabag na España, na totoong ipinagsisigawan sa pagdiriwang n~g
m~ga líbolibong halíng, na conowa'y sumísinta sa kinaguisnang
bayan!... ¡Cahabaghabag na España!... ¡N~g umaga ring iyón, casabay
n~g tugtóg n~g "Marcha de Cádiz" na naalis na patuluyan ang paghahári
mo sa púsò n~g Filipinas! Ang púsong iyan ay ang cay Rizal na
pinaglagusan n~g bala, ¡oh culang palad na España! n~g iyong m~ga
mapagpaconwaring sumisinta sa kinamulatang lupa!... Hindî; hindî ikaw,
loob mahal na España, ang umamis n~g buhay n~g Dakilang Banál na iyón,
ang taong yaong itinutulad cay Jesucristo n~g boong catuwiran n~g
pitong an~gaw-an~gaw na pawang naguing m~ga anac mo: ang pumatay sa
canya'y ang budhing hílig sa cariliman n~g m~ga iniyanac sa iyong
lupaíng inudyucan n~g isang pulutong n~g m~ga fraile; iyang m~ga
fraileng cung hindî nan~gatutong gumanáp n~g canilang m~ga
catungcalang mahál, ang lalong m~ga mahal na catungculan sa m~ga
nagpapan~galang "Ministro n~g Dios", na man~gagsidalaw sa capilla
upang ihandog ang canilang m~ga abuloy sa calolowa n~g hinatulang
patayín, ay nan~gatuto namáng pumaroon sa capatagan n~g Bagumbayan
upang magcamít n~g lihim na galac sa panonood sa pagcapatimbuang n~g
Dakilang Mapaninta sa calayaan, na ang guinawang sangcala'y ang
balat-cayong pagsintá sa kinamulatang lúpà sa han~gad nilang patdín
ang sumusunog sa canilang cauhawan sa dugô n~g m~ga filipino ... At
samantalang sinasabi ni Rizal sa isang jesuita, sa calaguimlaguím na
sandalíng iyon:--"¡Amá: pinatatawad co ang lahát n~g boong púsò, sino
ma'y walâ acong kinasasam-an n~g loob!--ang m~ga fraile, at cung dî
sila'y ang canilang m~ga caanib, ay isinusulat naman nila sa "La Voz
Española" ang ganito:
"At sa ganyan lamang paraan, sa "PAGWALIS" n~g masamang binhî, sa
"PAGGAPAS" n~g m~ga tuyóng uhay sa halamanan, maiilagang magpahamac sa
canilang sarili ang m~ga mangmang at ang m~ga magdarayang tacsíl na
ipinagtumulac n~g lalong m~ga budhing tampalasan sa pananandata laban
sa Inang bayan, at ang m~ga itinulac n~g manggagamot na mestizong
insíc sa paglabág at sa pagtalicód sa pananampalataya."[72]
"¿Paanong hindî bábarilin si Dr. Jose Rizal ay ang pasiya n~g m~ga
namamatnugot sa caisipang bayan sa Filipinas, ang icaliligtas lamang
n~g España sa canyang colonia malaya ay ang "PAGWALIS" at "PAGGAPAS",
sa macatuwid baga'y ang "PAGLIPOL" (sa m~ga filipino)? ¿Sa
caculan~gang palad ay hindî pa nagaganap ang pagcatuto n~g m~ga
castílà: baga man sa alin mang lupaín at sa alin mang panaho'y pawang
capahamacán ang ibinun~ga n~g paraang "WALIS" at "GAPAS", ay siya ring
ipinagpatuloy na gawin sa Filipinas ... At sa "pagwawalìs" at sa
"paggagapas, na casabay ang pagtugtog n~g "Marcha de Cádiz" at ang
sigaw na "¡Viva España!" ay nawalâ sa atin ang magandang Capuluang
iyon, sa pagpapalag-ós n~g bála sa canyang púsò sa púsò n~g pan~gúlo
n~g m~ga táong doo'y inianac, ang maningning na tagalog na si Jose
Rizal."