Mangyayaring macatanan si Rizal sa Dapitan cung inibig, sa pagca't may

sarili siyang isáng malaking "baroto" na canyang sinásacyan, at walo

walong araw na siya'y naglalayag sa m~ga pampan~gin n~g dagat, ¿di

baga maluag niyang magagawang magpatuloy siya n~g pag-alís at tumun~go

sa isang malakíng sasakyang taga ibang nación at pahatíd sa ibang

lupaíng dî sacop n~g capangyarihan n~g España? Magaang na magaang na

magagawâ niya itó, n~guni't hindî niya ibig na masabi nino mang hindî

siya natutong gumanap sa canyang pan~gacong hindî tatanan.

Hindî nilimot ni Rizal ang paglilingcod sa carnun~gan at paglilibang

sa tulâ. Nagpapadala siya sa m~ga pantás sa Europa n~g m~ga bagay na

dî kilala roong nacucuha sa Dapitan. Sumulat siya n~g isáng "Gramática

tagala comparada," at iba't iba pang ucol sa dunong at cumathâ siyá

n~g maraming tuláng wicang castílà. Sa Dapitan niyá kinathâ ang m~ga

tuláng "Mi retiro" (Ang aking kinaliligpitan) at ang "Canto del

Viajero" (Awit n~g naglalacbay) at iba pa, bucod sa hindî siya

naglílicat n~g pakikipagsulatan cay Herr Ferdinand Blumentritt.

Nang buwan n~g Noviembre n~g 1895 ay sumulat siya sa Gobernador

General Blanco at hinihin~gî niyang siya'y ipadalang Médico sa hucbó

n~g m~ga castílà sa Cuba.

* * * * *

Sampo n~g pag-ibig n~g sariling puso'y ipinagpáhuli ni Rizal sa

pagsinta sa kinamulatang lúpà. Cung inibig niya'y nacapagasawa sana

siyá, sa lalong mayaman at sa lalong maganda dito sa Filipinas, at sa

Europa ma'y nacakita sana siyá n~g lalong tan~ging dalaga; n~guni't

minagalíng niya ang howag magasawa't n~g hindî magcaroon n~g ano mang

sagabal sa paglilingcod sa Inang Filipinas.

Dumatíng sa Dagupan n~g Febrero n~g 1895 ang isáng mayamang inglés, na

nagn~gan~galang Mr. Stopper, may catandaan na ang gulang, bahagyâ na

macakita at sa Hongkong tumítira, casama n~g isáng dalagang ang

pan~gala'y Josefina Bracken, taga Irlanda at may m~ga labingsiyam na

taón ang gulang. Ang sadyâ n~g inglés na iyón cay Rizal ay ang

pagpapagamót n~g matá, sa pagca't bantóg itó sa cagalin~gang gumamót

sa ganitóng sakít. Tumirá ang inglés at ang dalagang irlandesa sa

isáng bahay na malapit sa bahay ni Rizal. Casama n~g dalawang iyón ang

isáng filipinang catoto raw n~g isáng canónigo sa Catedral n~g

Maynílà. Doña Manuela Orlac ang pan~galan n~g filipinang iyón. N~g

calaghatîan n~g bowan n~g Marzo'y omowî sa Maynílà ang tatlóng

magcacasama: nagtulóy sa Hongkong si Mr. Stopper, nátira na sa Maynílà

si Doña Manuela Orlac at bumalíc sa Dapitan si Bb. Josefina, sa

pagca't totoong naibigan niyá si Rizal.

N~g m~ga panahóng iyo'y may pananim na si Rizal na anim na libong púnò

n~g abacá, m~ga nióg at iba pang halaman.

N~g Abril n~g 1896 ay inutusan ni Andrés Bonifacio si Doctor Pío

Valenzuela upang sabihin cay Rizal na pinagcaisahan n~g m~ga capanig

sa "Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak-Bayan", na

pagpilitang tamuhín ang Casarinlán n~g Filipinas sa pamamag-itan n~g

pakikihamoc sa m~ga castílà. Sumagót si Rizal na sa acalà niya'y dapat

maghintay n~g isáng dalawang taón pa bago itulóy ang munacalà, at n~g

macapaghandang magalíng ang bayan.

Nahalinhan si Sitges at ang nahaliling Gobernador sa Dapitan ay si Don

Rafael Morales, at sa pagca't ito'y tumaás sa pagca Comandante ay

nahalinhan naman, at ang naparoong Gobernador ay si G. Ricardo

Carnicero, bagay na ikinagalac ni Rizal, sa pagca't dati na niyang

cakilala.

N~g unang araw n~g Agosto n~g 1896 ay tumanggap si Rizal n~g isáng

sulat, fecha 1.o n~g Julio n~g 1896, ni General Blanco, na doo'y

sinasabing alang-alang sa canyang cahin~gia'y macacapasa Cuba siya,

upang maguíng médico n~g hucbó n~g castilang naroroong casalucuyan.

N~g dumatíng siya sa Maynila'y nacaalís na ang vapor-correo "Isla de

Luzón". N~g magcágayo'y ipinadalá si Rizal sasasacyáng--pang-digmáng

"Crucero de Castilla", at doon nátira hanggang sa ica 3 n~g Septiembre

n~g 1896, na siya'y lumulan sa "Isla de Panay", na umalís dito sa

Maynilang patun~go sa España, n~g araw na iyon. Binigyán si Rizal n~g

General Blanco n~g dalawang sulat; ang isa'y cay D. Marcelo Azcárraga,

na tagarito sa Filipinas at casalucuyang Ministro de la Guerra sa

España, at ang isa'y sa Ministro de Ultramar. Sa sulat na iyo'y

ipinagtatagubilin si Rizal, sa pagca't ito'y nagpakita n~g maganda't

ulirang caasalan sa loob n~g apat na taóng pagcápatapon sa Dapitan, at

tunay na hindî cainalám sa caguluhang munacalà n~g isáng lihim na

capisanan.

Talastas n~g nagpasimulâ ang "revolución" n~g m~ga filipino n~g ica 24

n~g Agosto n~g 1896 at n~g umalís dito si Rizal ay casalucuyang maalab

na totoo ang labanán sa lalawigang Tan~guay n~g m~ga hucbó n~g m~ga

castílà at n~g m~ga, tagalog. Inilalaban n~g m~ga tagalog ang guloc na

pan~gál at sibát na bucawe sa baril na mausser at magagalíng na cañon

n~g m~ga castílà. At dito naman sa Maynila'y dinirakíp, binábalitì,

ibinibitin, binubugbog n~g cakilakilabot, iniinís sa m~ga cútà at

pinápatay ang bawa't filipinong kilaláng mayaman ó marunong, ó

pinaghihinalaang maruhong sumintá sa tinubuang bayan, ó cainalám cayâ

ó caanib "sa Katipunan" ó sa "masonería", ó caaway n~g m~ga fraile, ó

hindî gumagalang n~g lubos sa m~ga "cahilili n~g Dios" na itó. Ang

gulantáng, tacot, panghihilacbot, laguím na waláng cabagay ang siyang

naghaharî sa bawa't lahing caymangui. Nagpapahirap at namumucsa n~g

catacottacot ang m~ga militar at ang m~ga voluntariong castílà at

lahing castílà. Madalás umalís sa Maynílà ang m~ga vapor na tiguíb n~g

lulang m~ga filipinong ipinatatapon sa malalayong lupaín pagcatapos na

maibitin at mabugbóg n~g walang awà. Ang sumusulat nito'y isá sa m~ga

pinahirapan at ipinatapon sa Ceuta, dahil sa "dakilang casalanang"

pagsagot n~g hayagan sa pamamagitan n~g isáng "awit" na aking cathâ,

na ang pamagat ay "Ulirán n~g cabaitan ó buhay ni Patricio Horacio",

sa librong ang pan~gala'y "Tanda Baciong Macunat", na sinulat ni párì

Miguel Lucio Bustamante, fraileng franciscano at cura-párroco sa

Tanay, lalawigang Morong noon, at n~gayo'y Rizal. Sinasabi sa librong

iyong "Tanda Baciong Macunat", na ang tagalog daw "na inihihiwalay ó

pinahihiwalay cayâ sa calabaw ay naguiguing palamarang tao sa Dios at

sa Harì": Ang pag-alimurang ito'y sinagot co sa aking "awit" n~g:

"¿Anong sinasabi sa gayong pag-iríng

cungdî hayop camíng parang calabaw rin?

¡pagmurang cung tunay na pag-uurîin,

dusta'y bumábalic sa imbíng may turing!!"

"Ihalimbáwà n~g di ca rito anác

at icaw'y tumubò sa cabilang dagat,

hindî rin n~ga wastong dustáing marahás

ang lubhang payapang taga Filipinas."

"¿Saan kinucuha iyang kinacain,

itinatabà mo't ikinagagalíng,

iguiniguinhawa't nagbibigay alíw

cung dî sa masamang ìyong iníiring?"

At iba't iba pa.

* * * * *

Sa pagca't hindî acalaing magtatagumpay ang m~ga filipino sa m~ga

castílà, marami ang dahil sa laguím ay cusang nan~gagsiharap sa m~ga

pinúnó, catulad ni Doctor Pío Valenzuela at iba pang lubhang macapal,

at ang m~ga iba'y nahuli.

Ang m~ga nahuli at cusang humarap sa m~ga púnô'y ibinitin at binugbog

n~g cakilakilabot, at pinilit na pinasigaw upang maramay ang m~ga

táong alinsunod sa m~ga fraile ay caaway n~g Religión at n~g España,

at salamat sa udyóc n~g m~ga fraile ay halos di mabilang ang

ipinabaríl, ipinatapon, hinatulang mabilangò hangang nabubuhay at

sinamsamán n~g lahat n~g pag-aarì. At sa pagca't si Rizal ay siyang

lalong kinagagalitan n~g m~ga fraile, isáng himalâ na n~gâ lamang ang

macapagliligtas sa canya; at ang himala'y hindî dumating ...

* * * * *

Mulâ n~g sumacay si Rizal sa vapor "Isla de Panay", hindî tumátantan

ang m~ga castilang casacay niya roon n~g sa canya'y pagpapasaring n~g

masasaclap, pag-irap at pagpapakitang galit. Dalawang castílà lamang

ang sa canya'y nagpakita n~g cagandahang calooban: si D. Juan Utor y

Fernández at si D. Federico Brú. Pagdatíng sa Singapore ay lumunsad sa

vapor na casama ni D. Pedro Roxas, na hindî na nanumbalic sa vapor.

Hindî nalilin~gid cay Rizal na hanggang nananatili siya sa loob n~g

capangyarihan n~g Españang pinaghaharian n~g m~ga fraile, saan man

siya pumatun~go'y nan~gan~ganib na lubhâ ang canyang buhay; talastas

din naman niyang cung mátira na siya sa Singapore ay hindî na siya

mapanghihimasucan n~g caniyang m~ga caaway; datapuwa't ¿paanong

pagtaliwacás niya sa tungculing atang n~g capurihan? Cung mátira siya

sa Singapore, tunay n~ga't siya'y tátahimic, n~guni't marurun~gisan

namán ang canyáng dan~gal n~g capintasang siya'y tumanan, tumalicod sa

pakikitunggali sa icatutubos n~g canyang bayan sa caalipnan.

N~g ipakiusap niya sa General Blanco na siya'y ipadalá sa Cuba, ay itó

ang sinabi niya sa canyang pinacasintang Ina:

"--Nanay: Walâ pong daang magcaroon acó n~g calayaan sa paglilingcod

sa tinubuang lúpà, cung narito rin lamang acó sa bayang sacóp n~g

capangyarihan n~g m~ga fraile. Tunay n~ga't dito sa Dapitan ay

nacapagtatanim acó n~g m~ga abacá, niyóg at ibá pang halamang sa

capanahuna'y magbubun~ga n~g icapapanatag n~g aking catandaan,

n~guni't capan~gitang budhing totoo ang walang adhicaín cung dî ang

sariling cagalin~gan! Sa ganito'y hinin~gî co pô sa Gobernador General

na gawán acó n~g magalíng na maguíng médico n~g hucbó n~g m~ga castílà

sa Cuba, at cung magcagayo'y másusunduan co ang aking mithing cailan

ma'y macagawâ n~g cagalin~gan sa capowa tao. Cung tamuhin co pô ang

han~gad cung itó, hindî lamang manggagamot acó sa m~ga nasusugatan at

nagcacasakít na m~ga castilang cawal, cung dî macapanggagamot din acó

sa m~ga nagcacasakit at nasusugatang m~ga cubano. Walang tungcol na

makipagpatayan ang médico, cung dî ang magligtas sa camatayan. Inuusig

n~g m~ga cubano ang maran~gal na pitang magcamít n~g Casarinlan at

m~ga calayaan, at sa pagca't siya co rin namang han~gad sa ating

kinamulatang bayan, ¿sino ang nacacaalam cung cahi't babahagya'y

macatutulong acó sa canila, hindî sa pamamag-itan n~g anomang

paglililo, na totoong aking kinamumuhîan, cung dî sa m~ga caparaanang

hatol n~g wagas na catuwiran. Ano man ang caratnan n~g casalucuyang

pagbabaca n~g castila't cubano cung camtan co ang catungculang aking

hinihin~gî ay mapapagaling acó. Cung matalo ang m~ga cubano'y macaoowî

acó sa Europa, at cung manalo nama'y gayon din at cung nasa Europa na

aco'y maipagpapatuloy co ang aking paglilingcod sa Filipinas at sa

inyó naman."

--"Talastas mo anac co--ang sagot n~g Ina ni Rizal na tumutulò ang

saganang lúhâ sa m~ga matá,--na ang bawa't magalin~gín mo'y minamabuti

co naman. Ipinagpipighatî co n~g labis ang pan~gun~gulila sa iyo;

datapuwa't huwag mong pansinin ang aking ililigaya, cung dî ang

icararan~gal n~g ating láhì at n~g tinubuan nating lúpà."

Casagutan itóng nagbíbigay dan~gal, hindî lamang sa mahál na iná ni

Rizal, cung dî sa lahát n~g m~ga babaeng filipina, at macatuwirang

tutol naman sa m~ga walang pusong nagsasabing sucat na sa babae ang

matutong mamahay, maglingcod at sumintá sa asawa't m~ga anác, at hindî

kinacailan~gang matuto n~g m~ga dunong. Cung han~gál ang iná ni Rizal,

hindî n~gâ marahil mapag-aabot na marapat mahalín ang kinaguisnang

lúpà cay sa sariling buhay at sa buhay n~g lalong pinacamúmutyang

anác. Hindî dapat limuting sa calooban n~g ina lalong tumutulad ang

calooban n~g bun~ga n~g canyang pagsinta, palibhasa'y ang iná ang

unang maestra n~g m~ga anác buhat sa camusmusán. Cung hinadlan~gán n~g

iná ni Rizal ang hilig nitó sa pagsusumakit sa icagagalíng n~g

Filipinas, mulâ pa sa canyang pagcabátà, ¿hidwâ bagá sa catuwirang

sapantahing marahil hindî natin pangguiguilasan n~gayon ang pagca

macabayan n~g Mártir nating capatíd?

Hindî camalîan ang capaniwalaang bawa't tao'y nagpápalagay, na ang

lahát n~g capowa niya tao'y tulad sa canya ang damdamin at panucálà.

Palibhasa'y hindî namugad cailan man sa dibdib ni Rizal ang dayà,

bintang at catacsilan, hindî naman niya naisip na bacá gamitin n~g

canyang marami't macapangyarihang m~ga caaway ang tacsíl at

capan~gitpan~gitang sandatang paratang, na guinamit cay Cristo n~g

m~ga judío, ni Bobadilla cay Colón, n~g m~ga caaway n~g caliwanagan

cay Galileo, n~g m~ga caaway n~g calayâan cay Mariana Pinedas ...

Nagbalíc siya sa vapor "Isla de Panay", baga man naguguniguni na niya

ang sa canya'y calaguimlaguim na mangyayari.

Nalís sa Singapore ang "Isla de Panay." N~g magdaan sa Port Said ang

vapor na itó, ay tumanggap ang capitan n~g utos na piitin at hwag

papakipagusapin canino man si Rizal. N~g na sa dagat Mediterráneo na

ang "Isla de Panay," n~g maulap na hapon n~g ica 27 n~g Septiembre n~g

1896, sinabi ni Don Juan Utor y Fernández cay Rizal, na canyang casama

sa paglalacbay-dagat na iyon, sa pakiusap n~g capitán n~g vapor, ang

cautusáng sinabi na, at n~g maalaman ni Rizal ay n~gumitî at

nagsalitâ:--Pinipilit co sanang paniwalâan ang cadalisayan n~g loob

n~g Gobierno n~g España; n~guni't pinasisinun~galin~gan ang aking

pananalig n~g canyang m~ga dî wastong gawâ.

Pagdatíng sa Barcelona, España, n~g "Isla de Luzón" ay inilunsád na

bilangô si Rizal, at itinuloy agad-agad sa bilangguang cakilakilabot

n~g Montjuich. Hindî nalao't kinuha sa bilangguang iyón si Rizal at

isinacay sa vapor "Colón" upang ibalíc sa Maynílà.

N~g mabalitaan sa Europa ang gayong nangyari cay Rizal, pagdaca'y

nagsigalaw ang canyang m~ga caibigan, lalonglalo na ang ating

cababayang na sa Lóndres, na si Dr. Antonio María Regidor; cayâ n~ga't

sila'y tumelegrama agad sa abogadong inglés na si Mr. Charles Burton

Buckley, na nasa Singapore, upang magharáp n~g isáng sulat sa Tribunal

Supremo doon at hin~gíng ilunsád si Rizal sa "Colón," sa pagca't

napipiit na walang utos ang sino mang hucóm. Tumelegrama rin naman sa

Banco Chartered, upang pagbayaran ang lahat n~g magugol sa pagliligtás

cay Rizal. Guinanap n~g abogado ang cahin~gian sa canya; n~guni't

walang nangyari. Nagpasiyá ang Tribunal Supremo sa Singapore, na sa

pagca't si Rizal ay táong sacop n~g España, at nalululan sa isáng

vapor n~g España ay dî n~gâ niya mapapakialaman.

Dumating ang "Colón" sa Maynílà n~g icá 3 n~g Noviembre n~g 1896, at

pagdaca'y inihatíd siya sa bilangguang "Fuerza de Santiago" upang

managót sa m~ga sumbóng, di umano, n~g canya ring m~ga cababayang

pinasigáw sa capapahirap na calaguimlaguím n~g m~ga verdugong

casapacat n~g m~ga fraile.

Ang m~ga casulatang pinagpapatacaran n~g m~ga sumbong ay ang

nasumpun~gan n~g m~ga guardia civil veterana sa Maynílà, sa bodega ni

Mr. Fressell, na ang nagligpít doon ay si Gat Andrés Bonifacio. Ang

m~ga casulatang yao'y pawang salin lamang n~g m~ga sumusunod:

1. Sulat ni G. Antonio Luna cay G. Mariano Ponce.--2. Sulat ni Rizal

sa canyang m~ga capatid.--3. Sulat ni G. Marcelo H. del Pilar cay G.

Deodato Arellano.--4. "Kundiman"; tulang cathâ ni Rizal.--5. Sulat ni

D. Cárlos Oliver.--6. Sulat ni "Panday Pira", (G. Pedro Serrano

Laktaw) na inihahalal si Rizal na Venerable de Honor n~g "Gran Logia

Central Nilad".--7. Sulat ni "Dimasalang" (Rizal) cay "Tenluz" (G.

Zulueta).--8. Sulat ni Dimasalang (Rizal) sa isáng Comité.--9. Sulat

na walang pan~galan at walang fecha, na doo'y tinututulan ang

pagpapatapon sa Dapitan cay Rizal.--10. Sulat ni Ildefonso Laurel cay

Rizal.--11. Sulat ni Rizal "Segundo."--12. Sulat ni Gat Marcelo H. del

Pilar cay G. "Juan A. Tenluz" (Juan Zulueta)--13. Talumpatì ni G.

Emilio Jacinto sa isáng pagpupulong n~g Katipunan, na winacasan n~g

m~ga ganitóng salitâ: "¡Mabuhay ang Filipinas! ¡Mabuhay ang Calayàan!

¡Mabuhay ang Doctor Rizal! ¡!Man~gagcáisa tayo!!"--14. Talumpatì ni G.

José Turiano Santiago, sa pulong ding iyón n~g Katipunan, na itó ang

m~ga catapusáng saysay: "¡Mabuhay ang Filipinas! ¡Mabuhay ang

Calayàan! ¡Mabuhay ang marilág na Doctor Rizal! ¡¡Mamatáy ang

mapagpahirap na nación!! Mayníla, 23 n~g Julio n~g

1893.--Tiktik".--15. Sa Talisay, tulâ ni Rizal:

Pinagpatuunan din n~g m~ga sacdal na laban cay Rizal ang m~ga

"declaración" n~g m~ga filipinong pinahirapan n~g catacot-tacot, na si

na guinoong Martín Constantino, Aguedo del Rosario, José Reyes, Moisés

Salvador, José Dizon, Domingo Franco, Deodato Arellano, Ambrosio

Salvador, Pedro Serrano, Pío Valenzuela, Antonio Salazar, Francisco

Guison at Timoteo Paez.

Ang hucóm na nuha n~g sinabi n~g m~ga declamación at lubhang

nagpahirap sa m~ga filipino ay ang malupít at caban~gisban~gisang si

Coronel Olive.

N~g ica 26 n~g Noviembre n~g 1896 ay inihalal n~g General Blanco na

Juez especial ni Rizal si D. Rafael Dominguez, capitán n~g infantería,

at secretario si Juan González y Garcia, cabong castílà n~g regimiento

n~g infantería núm. 74.

N~g ica 5 n~g Diciembre n~g 1896 ay nagpasiyá si capitan Dominguez, na

ayon daw sa m~ga casulatang narakìp at sa m~ga "declaración" ni Martín

Constantino, Aguedo del Rosario, José Reyes at iba pa, si Rizal ay

siyang buháy na calolowa n~g panghihimagsic, pan~gulong púnò n~g m~ga

"filibustero", pan~gulong nagtatag n~g panghihimagsic, at iba pa.

Ipinadalá n~g General Blanco ang "causa" sa Auditor General de Guerra

na si Don Nicolás Peña, at nagpasiya itó n~g ica 7 n~g Diciembre n~g

1896 na "embargohin" cay Rizal ang halagang isáng "millong piso" ang

cauntian, papanatilihin itó sa pagcábilanggô, maghalál n~g isáng

fiscal (tagasumbong) at isáng defensor (tagapagsanggalang). Hindî

maihahalal na defensor cung dî isá ring oficial n~g Ejército,

alinsunod sa utos n~g Auditor Peña.

Náhalal na fiscal ang ganid na pusong si don Enrique de Alcocer.

Nagpadalá cay Rizal n~g isáng talàan n~g may mahiguít na sandaang

pan~galan n~g m~ga primero at segundo teniente n~g hucbó. Waláng

nakikilala sa alín man sa canilá si Rizal; n~guni't natitigan niya ang

pan~galang D. Luis Taviel de Andrade, na capatíd ni D. José Taviel de

Andrade, teniente n~g guardia civil na sa canya'y guinawang

tagapagbantay n~g 1887, at canyang lubos na naguing caibigan. At

inihalal ni Rizal na canyang "defensor" ang sinabi n~g don Luis, at

agad-agad tinanggap nito ang gayong catungculan.

Bagong cahahalili cay General Blanco n~g ica 13 n~g Diciembre n~g

1896. Ang nahalili sa canya'y isáng bagong Nerón; si Don Camilo

Polavieja, na nitóng m~ga hulíng panaho'y pinamagatán n~g m~ga

castilang "sacristan n~g m~ga fraile" at "bayaning capitan general sa

campanario n~g Palanyag."

N~g m~ga araw na iyo'y walang laguing naririn~gig sa m~ga bibíg n~g

m~ga fraileng agustino, dominico, recoletano at franciscano, cung dî

ang m~ga sigaw na _¡barilín! ¡patayin! ¡lipulin ang lahing

filipino!!!_

"Wala na n~gang totoong carimarimarim”--ani Don Wenceslao E. Retana,

na dating caibigang matalic n~g m~ga fraile--walâ n~g totoong

cakilakilabot masdang gaya n~g napapanood na nan~gagpapamagat na m~ga

_alagad ni Jesus_ (na ang cabaita't pagcamahabaguin ay puspós) na

nan~gag-aasal halimaw na máninilâ. ¿Kinacailan~gan pa bagáng bumanguit

n~g m~ga pan~galan? ¿Kinacailan~gan pa bagang dito'y ititic yaong m~ga

fraileng nagcucusang sumama sa m~ga hucbó, hindî n~g macapaglingcod sa

m~ga calolowa, cung dî nang macapagpasulong sa m~ga sundalo n~g

pagpatay sa m~ga filipino, at n~g magtamó naman silá n~g galác sa

panonood n~g pagpapaagos n~g dugô n~g m~ga filipino?"

At sa pagca't ayaw ipabaríl ni General Blanco ang bawa't sa canya'y

iudyoc, ang m~ga fraile't m~ga castila'y nagagalit n~g dî ano lamang

sa canya; ito ang dahila't nan~gagalác n~g mainam n~g mahalili si

General D. Camilo Polavieja, sa pagca't talastas nilang pasasasaân

silá nitó sa dugô n~g m~ga filipinong canilang totoong kinauuhawan.

Hindî n~gâ dapat ipagtacáng pagpilitan niláng mápatay si Rizal.

"¿Hindî baga si Rizal ang siyang lalong maran~gal sa m~ga

filipino?--ani Retana.--¡Kinacailan~gang barilín siya agad-agad! Ang

dugô nito'y hindî ang caraniwang tinto, hindî ang caraniwang

Valdepeñas: ¡ang dugô niya'y ang Chipre, ang lalong mahalagang

alac!..."

N~g ica 21 n~g Diciembre n~g 1896 ay ipinadala sa Consejo de Guerra

n~g teniente fiscal na si D. Enrique de Alcocer y R. de Vaamonde, anac

n~g isang meztisong castílà at dito ipinan~ganac sa Filipinas, ang

canyang sumbong, na doo'y hinihin~ging patayin si Rizal, pagcatapos na

maisaysay ang pinagtanitanicalang dî gagaanong m~ga paratang at

casinun~galin~gan.

Ipinadala n~g ica 22 n~g Diciembre sa defensor na si Don Luis Taviel

de Andrade ang "causa" ni Rizal, at pagdaca'y pinagsicapan naman n~g

defensor na iyong salicsiki't namnaming magalíng ang nalalaman sa

causang iyon, upang macatupad siya sa canyang mabigat na tungculin.

Nang dalawin si Dr. Rizal n~g canyang capatíd na pan~ganay na si G.

Neneng Rizal, at n~g canyang bayaw na si G. Manuel Hidalgo, ay

itinanong n~g bilanggô cung paano ang nangyayari sa pagbabaca n~g

castila't tagalog.

--Cahapishapis!--ang sagót ni G. Neneng--¡tatló ó apat na raang

tagalog ang namamatáy bawa't labanán, at sa castila'y cauntî lamang:

sampô ó labingdalawa ang nasusugatan ó namamatay; ayon sa sabi n~g

m~ga páhayagan! ¿Totoo cayâ iyon? ang tanóng pa ni G.

Neneng.--Hindî--ang tugón ni Rizal--cung ibig ninyong maalaman cung

alín ang catotohanan ay ganito ang inyong gagawin: cung baga sabihin

n~g m~ga páhayagang ang napatáy sa tagalog ay 200, at 10 ang namatáy

sa castílà; alisín ninyo ang isáng cero sa 200, at idagdag ninyo ang

cerong inalís sa 10, at ang makita ninyong maguing bilang ay siyang

catotohanan ó malapit sa catotohanan. Sa ganang akin ay hindî co na

dinaramdam ang aco'y ipapatáy man n~g aking m~ga caaway; natatanaw co

na sa silan~ganan ang pagbubucang liwayway n~g catubusan n~g tinubuan

cong lúpà.

Guinawâ ang Consejo de Guerra n~g ica 26 n~g Diciembre n~g 1896 sa

"cuarto de banderas" n~g "cuartel de España". Binubúò ang Consejo de

Guerrang iyon n~g teniente coronel n~g caballería na si D. José

Togores Arjona, pan~gulo; m~ga "vocal" si D. Ricardo Muñoz y Arias,

capitan sa artillería; si D. Manuel Reguera, capitan n~g caballería

número 31; si Don Santiago Izquierdo Osorio, capitan n~g cazadores n.°

8; si Don Braulio Rodriguez Nuñez, capitan n~g cazadores n.° 7; si D.

Manuel Diaz Escribano, capitan n~g batallón n~g ingenieros; at si Don

Fernando Pérez Rodriguez, capitan n~g Subinspección de las armas

generales. Caharap dín doon ang teniente auditor de segunda na si D.

Enrique de Alcocer y R. de Vaamonde, si Rizal, ang canyang defensor na

si D. Luis de Andrade, teniente n~g infantería, ang isáng capatíd na

babae ni Rizal, ang casintahan nitóng si G. Josefina Bracken at ang

lubhang maraming táong halos pawang m~ga castílà.

Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal · 第 8 / 12 段