napagkilalang nagcacapantay-pantay ang caya n~g pag-iísip n~g lahát
n~g m~ga láhì: putî, caymangui, mariláw, abo-abó ó itím, at yayamang
gayó'y mangyayaring ipagcaloob sa isá't isá ang lahát n~g bágay na
pamamahálang magalíng sa báyan, ó m~ga cautusán bagáng nagbíbigay n~g
lálong malalakíng calayàan; at sa ganitóng pananálig niyá'y guinugol
ang boóng lacás upang camtán n~g caniyáng m~ga cababayan ang m~ga
calayàang totoong kinacailan~gan, at n~g dito'y lumagô ang
caguinhawahan at lumucloc ang Ináng Filipinas sa trono nang
caran~galan.
Nang may isáng bowan n~g nagsasama ang magcaibiga'y nagpaalam si Rizal
cay Blumentritt, at canyáng nilibot ang m~ga ciudad n~g Praga, Bruna,
Viena, Nuremberg at Munich. Dumating sa Ginebra n~g m~ga unang araw
n~g Junio, doo'y nátirang sandalî, lumipat sa Losana at doo'y tumiguil
na iláng araw, sacá nilibot ang m~ga pan~gulong bayan n~g Suiza at
pagcatapos ay naglacbay sa Italia, nilibot namán niyá ang boong
caharìang iyón; n~guni't malaon ang canyang itiniguil sa Milan,
Venecia, Florencia, Roma at Génova. Mulâ sa Génova'y na pasa Marsella,
at buhat dito'y lumulan siya sa vapor "Diemnah" na patun~go sa Saigon
n~g bowan n~g Julio n~g 1887, at pagdating sa Saigon ay lumulan namán
siyá sa vapor "Haiphong" na patun~go sa Filipinas na ang conciencia'y
tahimic, samantalang nan~gagcácagulo namán ang m~ga fraile't castílà
sa Maynilâ, na ang pinacamagaang na cahilin~gan ay putulin ang canyáng
ulo, bilang caparusahang magaang sa dakilang casalanang pagcasulat
niyá n~g _Noli me tangere_.
* * * * *
Nang dumating si Rizal dito'y casalucuyang Presidente n~g Consejo n~g
m~ga Ministro sa España si D. Práxedes Mateo Sagasta, Ministro n~g
Ultramar si Don Victor Balaguer, Gobernador at Capitán General n~g
Filipinas si D. Emilio Terrero, Gobernador Civil n~g Maynílà, si D.
José Centeno, Director General n~g Administración Civil si D. Benigno
Quiroga-López Ballesteros at Secretario n~g Gobierno General si D.
José Sáinz de Baranda, m~ga guinoong pawang mairuguín sa calayàan; at
cung hindî ang dirito'y ang m~ga guinoong sinabi na, noon pa sana'y
napahamac na si Rizal.
Tumangáp siyá n~g siya'y bagong cararating dito sa Maynílà, n~g
lubhang maraming sulat na waláng firma, at doo'y ipinagtagubilin sa
canyang siya'y magpacain~gat, sa pagca't totoong nan~gan~ganib ang
canyang buhay, at gayon din namán ang sabi sa canyá n~g canyáng ama't
iná, m~ga capatíd, m~ga camag-anac at m~ga caibigan. Nan~gagtátaca ang
lahát cung bakit hindî agád siya napapahamac pa, palibhasa'y hindî
cailâ ang calakilakihang capangyarihan n~g canyang m~ga caaway.
Sa utos n~g matátaas na puno'y halos hindî humíhiwalay cay Rizal ang
teniente n~g guardia civil na si D. José Taviel de Andrade.
Isáng umaga'y napasá Ateneo Municipal siyá upang makipagkita at bumátì
sa m~ga jesuitang si párì Pablo Ramón at si párì Federico Faura;
sinalubong siyá nitó, at sinábi sa canyáng yámang nagbago siyá nang
pananampalataya'y huwag n~g túlungtong na mulî sa Ateneo; at hindî na
n~gá namán siyá nagbalíc doón hangang sa siyá'y binaríl.
Hindî nagluwat sa Maynila si Rizal; na pa sa Calambâ siyá, at iníbig
niyang doó'y manahímic; n~guni't hindî nangyári. Sa ákit n~g
pagmamahál sa m~ga cababáyan, siyá'y gumawâ nang isáng casulátang
wícang castilà at wícang tagalog, na doo'y idinaraing sa Gobernador
General na mangyáring tangkilikin ang m~ga catowiran n~g m~ga taga
Calambang maláon n~g totoong niyuyurac n~g m~ga fraile. Sa casulatang
iyo'y sinasaysay ang lihís sa matuwíd na pagpapabuwís n~g m~ga
fraileng dominico sa m~ga lupang linílinang n~g m~ga taga Calambâ, ang
pagdaragdag sa taon-taón n~g buwis, ang sa m~ga pagtataním n~g m~ga
halaman, ang sa m~ga lansan~gan, m~ga bahay at m~ga escuelahan: waláng
sinásaysay doon cung di dalisay at wagás na catotohanan. Tumawag si
Rizal n~g isang pulong n~g m~ga namamayan sa Calambâ, dumaló sa pulong
na iyón ang m~ga caibigan at ang m~ga caaway n~g m~ga fraile;
ipinabasa niyá sa lahát ang casulatang wícang castila't wícang tagalog
na iyón, at walâ, isá mang tumanguí sa pagfirmá. Pumirmá sa casulátang
iyón si Rizal, ang caguînoohan, ang m~ga naghaháwac n~g lupa't ang
m~ga nan~gin~gisama, ang m~ga babae, ang m~ga alilà, ang m~ga insíc,
ang boong báyan, sampo n~g m~ga caibígan n~g m~ga fraile. Ipinadalá
ang carain~gang iyon sa Gobernador General, at ang gayong carain~ga'y
hindî pinansín; at sapagca't nag acalang manghigantí ang m~ga fraile,
mulíng nagpadalá ulî n~g isá pang casulatang ipinamamanhíc na
mangyaring makialám ang Gobernador General sa pag-amís na guinágawâ
n~g m~ga fraile; n~guni't ang gobierno'y hindî umimíc.
Nagpasimulâ ang m~ga taga Calambâ n~g pagtanguí sa pagbabayad,
samantalang hindî ipinaliliwanag n~g m~ga fraileng dominico ang cung
bakit silá ang tan~ging may-árì n~g boong Calambâ, na waláng nátira,
cácarangcal mang lúpà sa m~ga táong túbò roon; sinagót n~g m~ga fraile
ang gayong cahin~gìan, n~g pagpapalakí n~g bowís at n~g paghihigpít
n~g paninin~gil, at sa cawacasa'y nagpadalá silá sa Calambâ, n~g
Septiembre n~g 1888, sa pamamag-itan n~g capangyarihan n~g Capitán
General Weyler, n~g isáng hucbó n~g m~ga sundalo, at ipinaguibâ at
ipinasunog ang m~ga bahay n~g nagsisitanguing magbayad n~g buwís, at
isá sa m~ga ipinaguibâ ang bahay n~g m~ga magulang ni Rizal.
Baga man totoong ligalíg ang canyang calooban sa m~ga pag-apíng
nangyayari sa canyang cababayan at sa mahigpít na pag-uusig na sa
canya'y guinágawâ n~g m~ga fraile, hindî rin siyá naglilicat n~g
pagsulat; inihulog niyá sa wicang tagalog ang iláng maiinam na tuláng
wicang alemán, at sacâ ang bantóg na drama ni Schiller na _Guillermo
Tell_ ang pamagát, na wicang alemán din, at bukod sa roo'y nanggágamot
pa siyá sa m~ga may sakít sa canyang bayan.
Datapowa't waláng salitâ, waláng pagkilos, waláng anó mang hakbáng si
Rizal na hindî ipinalálagay n~g m~ga fraileng hakbáng, kilos at
salitáng "filibustero", at dahil sa gayong nangyayari'y napilitan si
Rizal, na mulíng panawan ang canyang pinacasísintang bayang Filipinas,
at papan~gulilahin ang canyang m~ga magulang, capatíd, kinamaganacan,
caibigan at m~ga cababayan, n~g unang araw n~g Febrero n~g 1888,
cahi't may dinaramdam pa siyáng sakít noon. Umalís sa Filipinas si
Rizal na nanglulupaypáy ang loob; siyáng cailan ma'y di nag-ibig na
magbubò n~g cahi't capatác dugô n~g canyáng capowâ tao'y napagkilala
niyang hindî cacaratan ang casarinlán n~g Filipinas cung dî sa
pamamag-itan n~g pagpapabahâ n~g dugô.
Hindî pa nalalaong nanaw si Rizal sa Maynila'y guinawà na n~g m~ga
caguinoohang tagalog sa pan~gulong bayang ito n~g sangcapuluang
Filipinas, n~g unang araw n~g Marzo n~g 1888, ang isáng payapang
"procesión cívica" n~g lubhang maraming filipino, na nagdaan sa
Escolta, tinun~go ang loob n~g Maynilà at ibinigay cay Don José
Centeno, Gobernador Civil dito n~g panahóng iyón, ang isáng casulatang
nacafirma ang marami, na doo'y hinihin~ging papanawin dito ang
Arzobispo at paalisín ang m~ga fraile, dahil sa m~ga cadahilanang
nálalagdâ sa casulatang iyón. Sinalubong ang m~ga guinoong iyón n~g
Gobernador Civil n~g boong cagandahan n~g loob, at sa canila'y
ipinan~gacong gagawin ang na sa catwiran, bagay na matútupad n~gâ
marahil cung dî sana macapangyarihan ang m~ga fraile cay sa Gobierno
n~g España. Ang nangyari'y nan~gábilanggò sa Bilibid na mahabâ ring
panahón ang m~ga pan~gulong pumifirma sa casulatang iyón, at walang
nagawâ upang sila'y maligtas si Terrero, Centeno at
Quirroga--López--Ballesteros na sa canila'y tumatangkilic.
Dumatíng si Rizal sa Emuy. Nalúlà siyang mainam sa pagdaragát, dahil
sa tinátaglay niyáng sakít. Hindî siya lumunsád sa Emuy, dahil sa
malacas na ulán at sa caguinawán, at dahil namán sa sinabi sa canyáng
doo'y totoong marumí. Nagtulóy siya sa Hongkong at doo'y nacakilala
niya ang ilang m~ga castílà at si G. Balbino Mauricio, na malaóng
taóng nabilangò dahil sa gulóng nangyari sa Tan~guay n~g taóng 1872.
Doon siya nátira sa bahay ni G. José María Basa, na napatapon sa
Marianas, dahil din sa gulóng sinabi na. Nag-aral siya sa Hongkong n~g
wicang insíc. Napag-unawâ ni Rizal doong ang m~ga fraileng dominico'y
sila halos ang may ari n~g Arsenal sa Hongkong. Sinamahan si Rizal ni
Basa sa pagpasa Macao, upang dalawin si G. Lecaroz, at sa bahay nito'y
natirá, silang ilang araw, at pagcatapos ay nan~gagbalic ulì sa
Hongkong, at mulâ roo'y lumulan siya sa vapor "Oceanic" n~g ica 22 n~g
Febrero n~g 1888, na ang tun~go'y sa Japón. Damatíng siya sa Yokohama
n~g ica 28 n~g buwan ding iyon. Carárating pa lamang niya sa Hotel ay
tumanggáp na siya n~g pasabi n~g "Encargado n~g Legación n~g Negocios
n~g España" sa ciudad na iyong sa canya'y makikipagkita. Hindî n~ga
nalaon at dumatíng sa tinatahanan ni Rizal ang iláng castílà, binati
siya n~g boong pitagan, inihandóg sa canya ang boong paglilingcod at
tuloy inanyayahan siya n~g boong guiliw na doon na matira sa Legación.
Aayaw sanang pahinuhod si Rizal sa anyayang iyón, n~guni sa pagca't
namasid niya ang malabis na pagpupumilit, at palibhasa'y nais niya ang
lubos pakilala sa m~ga castílà, sumang-ayon siya sa capamanhican.
Nátira n~gâ si Rizal sa Legación n~g Españang may mahiguit na isáng
buwan. Nilibot niya ang ilang lalawigan n~g Japón, na cung minsa'y
casama niya ang "Encargado n~g Legación" at cung minsa'y ang
"intérprete" nito: Doo'y nag-aral si Rizal n~g japonés at pinagsiyasat
ang canilang teatro. Samantala'y inaakit si Rizal n~g sinabi n~g
"Encargado" na tumanggap n~g isang catungculang mataas na sa canya'y
ipinagcacaloob n~g Gobierno n~g castílà, datapwa't hindì pumayag si
Rizal. Nang macalampás ang isáng bowa'y napasalamat siya sa magandang
caloobang sa canya'y ipinakita, napaalam at lumulan sa isáng vapor na
ang tun~go'y sa Estados Unidos n~g América. Nácasacay niyá sa vapor
ang isáng mag-anac na ang ama'y inglés na nagn~gan~galang Jakson, ang
ina'y filipina at ang m~ga anac ay ipinan~ganac sa Filipinas, at sacà
isáng japonés. Itinanong sa canya n~g isá sa m~ga anac n~g inglés cung
nakikila niya ang isáng nagn~gan~galang "Richal" na cumathâ n~g _Noli
me Tangere_; sumagot si Rizal na nacan~gitî, na nakikilala niya, tulad
sa pagcakilala ni Aladin cay _Florante_; at sa pagca't nagsasalitâ n~g
m~ga pagpupuri sa cumathâ n~g librong yaon, siya'y napakilala na, sa
pagca't cahi't ilihim man niyá ang canyang pan~galan ay maaalaman din
sa capitán at m~ga oficial n~g vapor. At sapagca't ang japonés ay
walang nalalaman cung dî ang canyang kinaguisnáng wícà, siya ang
naguíng "intérprete" sa pakikipagsalitaan sa ibáng m~ga casacáy sa
vapor.
Dumatíng si Rizal sa San Francisco de California n~g ica 28 n~g Abril
n~g 1888. Hindî siya nacalunsád agád, dahil sa pinapag "cuarentena"
ang vapor, bagá man tumelégrama ang Cónsul americano sa Hong-kong, na
n~g umalís ang vapor na iyo'y waláng cólera roon, at gayon ang guinawâ
dahil lamang sa may casacáy na walong daang insìc, at sapagca't
nagcátaong n~g m~ga araw na iyo'y casalucuyang halhalan, n~g mawicâ
n~g m~ga táongbayang ang Gobierno'y tumitin~gin sa canilá at
naghihigpít sa m~ga insíc, cayâ guinawâ ang gayong pagbimbín. Gayon
ma'y cumacain sa vapor ang maraming m~ga empleado sa Aduana roon at
ang Médicong americano na galing sa Hospital n~g m~ga may sakít na
cólera. Nang macaraan ang labingdalawang araw ay pinalunsád si Rizal
at iba pang m~ga "pasajerong de primera", n~guni't nan~gatirá sa vapor
ang m~ga insíc at m~ga japonés na pawang pasajerong "de 2.a" at "de
3.a" hangang sa namatáy na untiuntì, ayon sa balitâ ni Rizal, ang may
tatlongdaang insíc.
Linibot ni Rizal ang lalong malalakíng ciudad n~g Estados Unidos, at
canyáng hiniwatigan ang calagaya't m~ga caugalian n~g m~ga tagaroon.
Hinan~gaan niya ang m~ga caguilaguilalas na bahay roon, ang m~ga ilaw
eléctrico, ang cahimahimalang Niágara, ang m~ga dakilang bun~ga n~g
caisipán n~g m~ga americano; dinalaw niyá ang m~ga nagpapaalaala cay
Washington, ang carilagdilagang táong walang cahulilip sa sanglibutan
n~g siglong yaon; n~guni't namasid niyang doo'y walang tunay na
calayâan sa pamamayan. Sa maraming m~ga Estado'y hindî nacapag-aasawa
ang isang lalaking negro (itím) sa isang babaeng maputî, at ang isang
babaeng maitím, ay hindî nacapagaasawa sa isang lalaking maputî. At
doo'y totoong kinagagalitan ang m~ga insíc, hangang sa pagcamal-an ang
m~ga japonés na isinasama nilá sa pagcasusot sa m~ga insíc.
N~g ica 16 n~g Mayo n~g 1883 ay lumulan si Rizal sa vapor "City of
Roma" at tumun~go sa Europa. Dumatíng siya sa Liverpool n~g ica 24 n~g
Mayo n~g 1883, at hindî nalao't siya'y na pa sa Lóndres n~g
calaghatían n~g taón ding iyón, at sa araw-araw ay naparoroon siya sa
bahay n~g filipino ring si G. Antonio María Regidor.
Samantalang linilibot ni Rizal ang m~ga iba't ibang nación upang
mahiwatigan at mapagcúrô niya ang sarisaring dunong at m~ga caugalian
n~g iba't ibang lahì, itinátayô namán sa Madrid n~g m~ga filipinong
naroroon, n~g ica 12 n~g Julio n~g 1888, ang "Asociaciòn
Hispano-Filipina," na caayon nilà ang pantás na castilang si D. Miguel
Morayta.
Sa pagca't inaacálà n~g m~ga filipinong yaong kinacailan~gan ang isang
pamahayagang maglathalà n~g canilang m~ga mithî at damdamin, nagtatag
ang filipinong si G. Graciano López Jaena n~g isang pamahayagang
pinalalabas towing icalabinglimang araw, na ang pamagat ay _La
Solidaridad_. Nagsisulat sa pamahayagang ito si na Guinoong Marcelo
Hilario del Pilar, José Rizal, Ferdinand Blumentritt, Mariano Ponce,
Eduardo Lete, Antonio Luna, Graciano López Jaena, Dominador Gómez at
iba pa.
Nagtayô n~g m~ga panahong iyon n~g isang "logia" n~g m~ga filipino, na
pinamagatang _Solidaridad_, at mulâ noo'y sumilang ang adhicang
palaganapin sa m~ga filipino ang masonería.
Guinawâ n~g 25 n~g Noviembre n~g 1889 ang Junta general n~g capisanang
"Asociación Hispano-Filipina at nangahalal na bumuô n~g Junta
Directiva ang m~ga sumusunod:
_Presidente_: D. Miguel Morayta, Gran Oriente Español n~g
francmasonería.
_Vicepresidentes_: D. Antonio Balbin de Unquera, católico at manunulat
na balita; D. Felipe de la Córte, general brigadier n~g ingenieros, at
D. Luis Vidart, jefe n~g artillería, académico n~g Historia at
manunulat.
_Tesorero_: D. Teodoro Sandiko.
_Secretario_: D. Dominador Gómez.
Ang bumubuô naman n~g Comisión Ejecutiva'y ang sumusunod:
_Presidente_: D. Miguel Morayta.
_Vocales_: D. Marcelo Hilario del Pilar, D. José Hernández Crame at D.
Simplicio Jugo.
_Secretario_: D. Manuel Labra.
Hangang guinágawâ n~g m~ga filipinong na sa Madrid ang m~ga sinabi co
na'y sinisiyasat naman ni Rizal ang lahát n~g m~ga casulata't m~ga
librong nauucol sa Filipinas, upang malagyan niya n~g m~ga paliwanag
ang librong _Sucesos de las Islas Filipinas_ (M~ga nangyari sa
Sangcapuluang Filipinas) na sinulat n~g Dr. Antonio Morga na
ipinalimbag nito sa México n~g taóng 1609.
Dito naman sa Filipinas ay hindî naglilicat ang m~ga fraile n~g
pagsirang puri sa _Noli me tangere_.
Palibhasa'y hindî marami sa m~ga lupaíng itó ang marunong n~g wicang
castílà, ang m~ga sinulat ni Rizal at ibá pang m~ga filipino, tungcol
sa pagmamalasakit sa atin, ay bahagyâ, na lamang napagkikilala rito,
datapowa't sa malakíng pagcacámalî n~g m~ga fraile ay silá rin ang
naglaganap n~g bagay na caniláng linilipol.
Pagca ang tao'y naparaig sa silacbó n~g manin~gas na galit, ang
madalás na naguiguing bun~ga n~g guinagawà ay siyá rin ang nagpahamac
sa sarili. Itó rin n~gâ ang nangyari sa m~ga fraile.
Kinapopootang totoo n~g m~ga fraile ang m~ga sinusulat ni Rizal, dahil
sa pawang pumupucao n~g pagsinta sa kinamulatang lúpâ, nagpapaliwanag
n~g catowiran, nagpapakilala n~g sariling dan~gal at camahalan,
nagtuturô n~g m~ga catungculan at carapatán at ipinauunáwâ ang m~ga
pagdaraya at pan~gan~galacal na guinagawâ sa Religión ni Cristo n~g
m~ga nagpapangáp na "cahalili n~g Dios," at napopoot sila n~g di
cawasà cay Rizal at sa caniyang m~ga sinusulat, palibhasa'y talós
nilang si Rizal ay lubhang pahám at masintahing totoo sa tinubuang
lúpâ, at cung ang m~ga titic na iya'y lumaganap sa sangcapuluan, ang
caniláng capangyariha'y málulugsô at masisirâ ang caniláng hanap buhay
na pan~gan~galacal n~g Religión.
Sa guitnâ n~g caniláng pagn~gin~gitn~git ay humanap silá n~g paraang
sucat macasirang puri sa filipinong nagtatan~gol sa canyang
kinamulatang bayan.
Totoo't na sa caniláng camáy ang capangyarihang magbawal n~g
pagpapadalá rito n~g m~ga casulatan ni Rizal, at na sa camay rin namán
nilá ang capangyarihang umusig at magparusa n~g cabigatbigatan sa sino
mang man~gahás tumanggap, mag in~gat ó bumasa n~g m~ga casulatang
yaon; n~guni't caniláng nakitang linalabag lamang at pinaglalaruan n~g
ilang m~ga filipinong tunay na sumisinta sa tinubuang bayan ang
canilang mahigpít na utos, ang canilang m~ga pagbábalà n~g caparusahán
sa catawán at sa calolowa, at winawalang cabuluhan ang canilang m~ga
pan~gan~garal sa púlpito at sa confesionario, at sa gayong calagaya'y
pinagcaisahan n~g m~ga fraile na sagutin ang m~ga casulatan ni Rizal
n~g sulat din. Inihalál nila sa pagganap n~g ganitong tungcol si Fr.
José Rodriguez, na n~g panahóng yao'y prior at púnò n~g "Asilo de
Huérfanos" (Ampunang-bahay sa m~ga ulilang lalaki) sa convento n~g
Guadalupe, sacop n~g bayang San Pedro Macatí, na n~gayo'y napapanig sa
lalawigang Rizal.
Tumupad si Fr. José Rodriguez n~g boong casipagan sa canyang mahigpit
na catungculan, at sinabi naming mahigpit, sa pagca't walâ n~g mahirap
gawing gaya n~g piliting hadlan~gan ang mahinusay na lacad n~g
pagsulong n~g m~ga carunun~gan at n~g pagcakilala n~g tawo sa canyang
sariling camahalan; tulad naman sa halíng na mag-acalang masasalaan
niya ang ilog Pasig, at n~g ang tubig na umaagos doo'y howag
macarating sa dagat.
Nagpalimbag si Fr. José Rodriguez n~g sunodsunod na m~ga libritong
wicang castílà at wicang tagalog. Pinamagatán niya ang m~ga wicang
castílà n~g CUESTIONES DE SUMO INTERES, at ang tagalog nama'y CAIINGAT
CAYO.
Hindî sagot ang m~ga libritong yaon sa m~ga pan~gan~gatowiran ni
Rizal, cung di licawlicaw na paglait, pag alipusta at m~ga
pagpaparatang sa tinatawag nilang han~gal at imbíng Doctor Calambenyo.
Hindî kilala n~g panahóng iyón n~g halos n~g lahat n~g filipino ang
Doctor José Rizal, at bihirangbihirâ ang nacauunáwà n~g canyang
pan~galan at m~ga sinusulat, datapowa't n~g mabasa n~g m~ga tagalog
ang m~ga librito ni Fr. José Rodriguez, na ipinan~galat na walang
bayad n~g boong casaganaan, ay napucaw ang canilang pagmimithing
basahin ang NOLI ME TANGERE, na bagong calalabas, at sa pagca't ang
pagsinta sa Inang Baya'y siyang lalong malacás na pangpatapang sa
paglulong sa pan~ganib, hindî nawalan n~g nagpilit na dito'y
macapagpasapit n~g lihim n~g lalong marami n~g librong iyon, at marami
naman ang lihim na naglacô, at lalong marami ang m~ga lihim na bumili,
"sa anim at pitong piso bawa't libro." Walâ na yatang totoong masarap
sa aliping gaya n~g lumasáp n~g ibinabawal; ito ang cadahilana't
nanaig sa tacot sa capahamacan ang maalab na adhicang sumírà, n~g utos
n~g m~ga tampalasang pinapan~ginoon.
Hindî nalaon at sinagot n~g m~ga tagalog ang m~ga libritong CAIINGAT
CAYO ni fray José Rodriguez n~g m~ga librito ring pinamagatan naman
n~g CAIIGAT CAYO, sa macatowid baga'y magpacaigat, tumulad sa igat, na
sa cadulasan n~g catawan ay nacahahagpos sa camay n~g humuhuli. Cung
minsa'y Dolores Manapat at cung minsa'y Salvadora Liwanag ang
nacafirma sa m~ga libritong iyon. Isa sa m~ga libritong tagalog na
sagot sa m~ga librito ni Fr. José Rodriguez ay ang nacafirma'y si
Dimas Alang, pamagat ni Rizal, na siyang sumulat n~g libritong iyon.
Sa m~ga libritong Caiigat cayo'y ipinakikilala ang m~ga malulupit at
m~ga cahalayhalay na asal n~g m~ga fraile at ang canilang m~ga
pagdaraya sa m~ga filipino, at bucod sa rito'y linilibac ang m~ga
maling aral, ang m~ga licong itinuturo, at ang m~ga cung dî sana
catampalasana'y catawatawang m~ga aral n~g Iglesia Católica Apostólica
Romana, at ang m~ga libritong yaon ang caunaunahang limbag na sa
wicang tagalog ay nag-alís n~g piríng n~g m~ga nalalabuang isip n~g
tagarito.
Bucod sa m~ga libritong Caiigat ay may isinabog din dito sa Maynilang
m~ga dahong papel na limbag, na ang pamagat ay ¡Alerta Paisanos! at
iba pa, na pawang laban din sa m~ga fraile at sa m~ga macafraile.
* * * * *
May m~ga bagay na nangyari n~g m~ga panahóng yaóng hindî dapat
calimutan, sapagca't nagpapakilala n~g casiglahán n~g loob n~g m~ga
táong bayan, n~g caniláng tunay na pag-ibig sa kinamulatang lúpà at
n~g caniláng malakíng galit sa m~ga fraile na dito'y pawang
nag-uugaling maban~gis na hárì bawa't isá.
Niyo'y icapat na araw n~g Octubre n~g 1888, casalucuyang
ipinagpifiesta ang San Francisco de Asis, na hindî magcasiya sa
simbahan n~g m~ga franciscano sa Maynilâ ang dami n~g taong nagsimbá
sa misa mayor; n~g matapos na ito'y may apat ó limang batang lalaki na
namamahagui, sa nagsisilabás sa simbahan, n~g m~ga libritong waláng
pinag-ibhan ang culay n~g takíp sa m~ga librito ni Fr. José Rodriguez,
at ang pamagát ay Caiingat cayo. Nang matatapos na ang paglabás n~g
m~ga tao'y nátanawan n~g isáng fraileng franciscano, buhat sa bintánà
n~g convento n~g simbahan n~g "Tercera Orden", na caniyang
pinanunun~gawan, ang pamimigáy n~g m~ga librito n~g m~ga batang yaón.
Ipinatawag agad-agád n~g fraile ang uldóg na portero at pinagutusang
cumuha n~g isá sa m~ga libritong ipinamímigay. Sumunód naman ang
uldóg. Humin~gî sa m~ga batâ n~g isá sa m~ga libritong iyon at
ipinanhic sa fraile, at n~g buclatín nitó ay nakitang ang m~ga
libritong yaon ay hindî palá ang Caiingat cayo ni Fr. José Rodriguez,
cung di ang Caiigat n~g m~ga tagalog, at sa gayo'y nalipós n~g galit
ang fraile, at sinabi n~g pasigáw sa uldóg, na pagdaca'y iparakíp sa
m~ga guardia civil veterana ang m~ga batang iyón. Patacbóng nanaog ang
uldóg, tumawag n~g m~ga veterana at iniutos niyang dacpín ang m~ga
batang namímigay n~g m~ga librito sa m~ga táong lumálabas sa simbahan
n~guni't n~g caniláng hanapin ay walâ na cahi't isá man, nacatacas n~g
lahát, at cahi't pinagpilitang maalaman cung sino sino ang m~ga batang
iyon, at cung sino sino ang sumusulat, nagpapalimbag, lumilimbag at
nagpapacalat n~g Caiigat cayo, ay hindî nangyaring maalaman, at
nasayang lamang ang di cacaunting nagugol na salapî n~g m~ga fraile sa
pagpapahanap na iyón.
* * * * *
Caugalian, buhat sa caunaunahang mulâ, na sa simbahan n~g Santa Cruz,
nayong malakí nitong Maynílà, ay wicang tagalog ang guinagamit sa
pagsesermón, at sa pagca't si Fr. José Rodriguez ay balitang magaling
managalog, inanyayahan siya n~g cura párroco sa nasabing nayon n~g
Santa Cruz, na si párì Eustaquio Moreno, fraileng recotelano, na siya
na ang magsermón sa ica 12 n~g Octubre n~g sinabi n~g taóng 1888,
fiesta n~g Nuestra Señora del Pilar, pintacasi n~g bayan. Punóngpunô
n~g táo ang simbahan, n~guni't pagcakita nilá na si Fr. Rodriguez ang
pumanhíc sa púlpito at siya ang magsesermón, umugong ang isáng
alin~gawn~gáw na salisalitaan n~g isa't isá:--¡Tayo na!--anilá,--ang
magsesermón pala'y ang maestro n~g Dios! At nan~gaglabasan n~gâ, sa
simbahan, na ano pa't iilán ilán lamang ang nanirá, na siyang nakiníg
n~g pag-alimura ni Fr. José Rodriguez cay Rizal at sa boong
catagalugan.