capuriháng dalisay at wagás n~g DALAWANG BAYAN! ¡Ipinagdiriwang co ang
m~ga táong sa canila'y tumulong upang sila'y macatagál sa lubháng
mahirap na pagsalun~ga sa landás n~g Arte! ¡Ipinagdiriwang co, at n~g
uliranin n~g cabataang filipino, na "inaasahang mahál n~g AKING
SARILING BAYAN[30] ang gayóng m~ga cagandagandahang m~ga halimbáwà at
n~g ang _ináng España_[31], na mapagsicap at mapagmalasákit sa
icagágaling n~g canyáng m~ga lalawigan, "pagdaca'y gawín ang m~ga
pagbabagong utos na malaon n~g panahóng pinag-íisip"; may daan na n~g
araro at ang lupa'y hindî cutad. ¡At îpinagdíriwang co, sa cawacasán,
ang ililigaya niyong m~ga magulang na sa canilang pan~gun~gulila sa
guiliw niláng m~ga anác, mulâ sa lubhang malayong lupaing caniláng
tinátahana'y sinusundan n~g titig, na basâ n~g lúhà at n~g púsong
tumítibóc na naglálagos sa m~ga dagat at sa calayuan, at "inihahayin
sa altar n~g icagagalîng n~g lahát ang m~ga matimyas na caaliwang
totoong nagsasalat pagdating sa dacong calunuran n~g buhay",
mahahalagá't m~ga bugtóng na bulaclác sa panahóng tagguináw na
sumisilang sa m~ga pampan~gin n~g libin~gan!--(Masilacbóng m~ga
pacpacan; masigabong m~ga pagpupuri sa nagtalumpatî.)
Sumunod na nan~gag talumpatì si López Jaena [na pinintasán n~g dî
cawásà ang m~ga fraile], si Govantes, Cárdenas, Del Val, iláng m~ga
filipino, si Nin y Tudo, Más, Azcárraga, Luna (nagpasalamat), Regìdor,
Fernández Labrador, Labra, Azcárraga (muling pagtatalumpatì), Morayta,
Rodriguez Correa at Moret. Natapos ang piguíng n~g ica 12 n~g gabî.
Pakingan natin n~gayón ang salítà n~g castilang si D. Wenceslao E.
Retana tungcol sa talumpatî ni Rizal.
Ganitó ang canyang sinabi:
"Hindî n~g n~gâ macahihin~gî n~g higuít pa sa ritong cagandahan n~g
pagcacatalumpatî: nagsalitâ si Rizal sa n~galan n~g Filipinas, na dî
tagláy ang pagpapacumbabang hiníhin~gì n~g m~ga castílà sa m~ga anác
n~g bayang iyon, cung dî parang isáng "caanib" na cusâ n~g caniláng
calooban: "tayo'y dalawang bayan, tayo'y dalawang láhì, cung anó
cayo'y ganoon din camí, at yamang gayo'y ibig namin ang inyong ibig.
¿Ipinagcacait bagá sa amin ang inaacálà naming carapatdapat na aming
tamuhin?... ¡Dilidilihin ninyo ang panahóng sasapit!... Hindî
mangyayaring manatili magpacailán man ang casalucuyang calagayan
n~gayon "Walâ pang isá man lamang filipino, lalonglalô na cung gayong
na sa haráp n~g m~ga castilang may matatáas na catungculan, na
nacapan~gan~gahas magsalitâ n~g gayón. Ibig ni Rizal na manatili ang
pagsasama n~g España at Filipinas, n~guni't "hinihin~gî niya", upang
mangyari ang pagsasamang itó, na magcaroon ang m~ga filipino n~g m~ga
catowiran at m~ga catan~gîang kinacamtán n~g m~ga castílà.
Ipinalálagay niyang malakíng caapihán n~g canyang láhì cung dî gayón
ang mangyayari, at hindî n~gâ mangyayaring tiisin niya ang gayóng
caalimurahan. Hangang dito ang sabi ni Retana. Nang panahóng yao'y
kinacathâ na ni Rizal ang novelang _Noli me tangere_, na sa canya'y
magpuputong n~g walang hangang capurihán.
Ang m~ga hulíng bowan n~g pagcátirá niya sa España'y guinamit niya sa
pag-aaral n~g carunun~gang nauucol sa pag-gawâ n~g m~ga cútà
(fortificaciones) sa panahóng pagbabaca, na ang guinamit na salita'y
ang wicang inglés, at may m~ga dibujong nagpapaliwanag n~g canyang
m~ga isinulat. Pinamagatán niyá ang m~ga dibujong itó n~g "Parapeto
Simple."[32] "Caballo de frisa."[33] "Trampas de lobo."[34]
"Estacada."[35] "Estacada de perfil."[36] "Reglas para determinar las
dimensiones de los parapetos."[37]
Sinabi n~g castilang si Sr. Amador de los Rios, na naguing profesor ni
Rizal sa Universidad n~g Madrid sa wicang árabe, na cailán man daw ay
hindî pa siya nagcacaroon n~g alagád na macasing tálas n~g isip ni
Rizal.
Bago umalís sa España'y nilibot muna ni Rizal ang Andalucía at
Valencia, at pinagsicapan nìyang maunáwà ang anyô n~g m~ga lupaíng
iyón at ang caugalian n~g m~ga taga roon.
* * * * *
Nang calaghatian na n~g taòng 1885, at n~g macuha na niya ang pagca
licenciado sa Filosofía at Letras, at bilang calahátì na ang nacacathâ
niya sa _Noli me tangere_, siya'y na pa sa París, sa udyóc n~g
manin~gas na han~gad na macapaglibot sa mundo, upang macapag-aral n~g
lahat n~g bagay at n~g mabihasa siyang magaling sa pagwiwicang
francés.
Nakisama siya, pagdating sa París, sa bantog na oftalmólogo[38] na si
M. Wecker, upang matutuhan niyáng lubós ang panggagamót sa matá.
Nagsanay rin siya roon sa m~ga wicang inglés at alemán. Ipinagpatuloy
niya sa París ang pagcathâ n~g _Noli me tangere_.
* * * * *
Nang m~ga unang araw n~g taóng 1886 ay lumipat si Rizal sa Alemania.
Nagtumirá siya sa ciudad n~g Heildelberg, na kinalalagyan n~g ilog
Néckar, na sumasabang sa ilog Rhin. Buhat diya'y nakipagsulatan siya
sa Profesor Ferdinand Blumentritt, sa Leitmeritz, (Bohemia).
Nacaibigan niya sa Heildelberg ang profesor Dr. Galezowsky.
Hindî nalimutan ni Rizal susumandalî man ang Filipinas, at
nagpapatotoo n~g bagay na itó ang canyáng tuláng sinulat sa
Heildelberg n~g ica 22 n~g Abril n~g 1886, na pinamagatán niya n~g: "A
las Flores de Heildelberg."[39]
N~g macatira siyang ilang bowan sa Heildelberg at sa Wilhelmsdorf, ay
napa sa Leipzig naman at doo'y pumasoc n~g pagcacajista upang macakita
n~g pagcabuhay.
Nang m~ga unang araw n~g taóng 1887 ay siya'y napa sa Berlin at doo'y
canyáng na caibigan ang m~ga bantog na pantás na si Doctor Virchow, na
sa canya'y nagpakilala upang siya'y maguing capanig n~g "Sociedad
Antropólogica Berlinesa"; si Dr. F. Jagor, dakilang "naturalista" at
maglalacbay na sumulat n~g librong "Reisen in den Philippinen", na
ipinalimbag sa Berlin n~g 1873; si Dr. Joest, marilag na "geógrafo" at
si Dr. Schiilzer, pantás na mangagamot.
Nang taóng 1886 ay natapos ni Rizal ang pagcathâ n~g _Noli me
Tangere_, at n~g m~ga unang bowan n~g 1887 ay ipinalimbag sa Berlín
ang sinabi n~g libro.
Nang calaghatían n~g taóng 1887 ay dumating sa Maynila ang iláng _Noli
me Tangere_; datapwa't pinacaiin~gatang lubhâ n~g bawa't pinalad
magcaroon, sa tacot na bacâ dumating sa balítà n~g pinúnò, ó n~g m~ga
fraile, ó n~g m~ga guardia civil ó n~g m~ga castílà ay pagbintan~gan
siyang "filibustero"[40] at pagusiguin n~g cakilakilabot.
Bawa't macabasa n~g "_Noli me Tangere_" ni Rizal ay nan~gagsasabing
ang librong ito'y siyang bagong _Biblia_ n~g bayang filipino; sa
macatowid baga'y sa m~ga aral na nababasa sa _Noli me Tangere_ ni
Rizal naroroon ang catubusan n~g bayang filipino.
¡Laking pagcacagulo n~g m~ga fraile at n~g lahát n~g m~ga castílà n~g
matalastas nila ang napapalamang m~ga casaysayan sa libro ni Rizal!
Pagdaca'y gumawâ ang m~ga fraile n~g isá at waláng higcát na
pagpupulong. "¡Laking capusun~gan! ¡Isáng "indio" isang "macacong
indio", isang "matsing na indio"--ang sabihan nila--ang nan~gan~gahas
pumintas n~g ating m~ga cagagawan!"
May nasumpun~gan si párì Pedro Payo, fraileng dominico at casalucuyang
arzobispo dito n~g panahóng iyón, na isáng _Noli me Tangere_;
dinalidaling binasa itó at pagcatapos ay agád ipinadalá n~g ica 18 n~g
Agosto n~g 1887 cay párì Gregorio Echevarría, na fraileng dominicong
gaya rin niya, at rector n~g cung tawaguin nila'y _Real y Pontificia
Universidad de Santo Tomás de Manila_, upang siya namán ang sumiyasat.
Dalîdálì namáng binása nitó at pagcatapos ay nagtatág n~g isáng
capulun~gang naboboo n~g tatlóng fraileng m~ga dominico, na ito'y si
párì Matías Gómez, si párì Norberto del Prado at si párì Evaristo
Fernández Arias, upang silá ang humatol cung ano n~gà cayâ ang
nan~gapapalamán sa novelang sinulat ni Rizal.
Nang ica 30 n~g Agosto n~g 1887 ay nagpadalá n~g sulat sa Arzobispo na
si párì Payo ang rector sa Universidad na si párì Gregorio
Echevarria, at doo'y sinasabing binasa at pinagsiyasat n~g isáng
capulun~gan ang _Noli me Tangere_ na ilinathalâ ni J. Rizal, at
caniláng lubos napagtantong ang librong iyo'y totoong isáng malakíng
heregía, capusun~gán at nacasisirang púri sa Religión at isáng ganáp
na paglabág at pag-alimura sa Gobierno n~g España at sa lahát n~g m~ga
mahál na capisanang castílà rito, at pangguguló n~g catahimican n~g
púsô at n~g budhî n~g bayan at n~g m~ga namamayan dito, at
mangyayaring pangalin~gan n~g m~ga casacunaang totoong cahapishapis sa
España. Sa maiclíng sabi, alinsunod sa capulun~gan n~g m~ga fraile,
ang librong iyon ni Rizal ay casamasamaang panglabág sa Religión,
panglait sa España at pangguguló sa calooban at damdamin n~g tagarito.
Ipinadalá namán nì párì Payo ang sulat na iyón sa capitán general na
si D. Emilio Terrero.
Sa magcabicabilang panig n~g Maynilâ, n~g boong Filipinas ay
pinag-uusapan n~g lihim n~g m~ga castílà, n~g m~ga filipino, n~g m~ga
taga ibang lupaín ang pasiyá tungcol sa _Noli me Tangere_, ¡n~guni't
waláng nacatatalós, waláng nacacabasa pa n~g _Noli me Tangere_! At
lumálakí n~g lumálakí ang bulung-bulun~gan, ang sabihana'y ang librong
iyó'y cakilakilabot, calaguimlaguim, waláng cahalintulad n~g samâ ...
¡at lumálakí namán n~g lumálakí ang pagmimithî n~g bawa't macahiguing
n~g balitang iyóng mabasa ang _Noli me Tangere_! caya't pinagpilitan
n~g lahát at n~g bawa't isá ang magcaroon; n~guni't hindî macakita,
mahirap macakita cung dî sa pamamag-itan n~g lalong matatalinong
paraan. N~g m~ga unang araw ay nacabibili n~g tatlóng piso bawa't
libro, hindî nalao't dumating n~g sampong piso, labingdalawáng piso,
labinglimang piso, dalawampong piso ... Nang malao'y hindî na
dalawampong piso ang halagá n~g bawa't "Noli", lalô pang malakí, at
cahi man malakí ang ìbayad, cung castílà ó mestizong castílà ang
humahanap ay hindî macakita; caya't napilitan ang m~ga castílà at ang
m~ga punong castílà na magpabilí sa Europa, at sapagca't mainam na
pang-udyóc sa anò man ang pakikinabang n~g limá, anim hangang
macasampong ibayo, ang m~ga castílà rin ang namilí sa Europa n~g _Noli
me Tangere_ sa halagang manalapî, at sacá dinalá rito n~g lihim at
ipinagbilí rito n~g lihim sa capowâ castílà rin, sa m~ga fraile, sa
m~ga filipino at sa m~ga taga ibáng lupaín sa halagang camalácmalác na
dalawampô hangang dalawampo't limang piso ang isá.
Sa sulsol ni párì Payo ay ipinadalá naman n~g capitan general na si
Terrero ang _Noli me Tangere_ sa "Comisión Permanente de Censura"[41]
upang ito'y maglagáy namán n~g canyáng pasiya. Si párì Salvador Font,
fraileng agustino ang siyang naglagda n~g pasiyá, na doo'y
pinacacalaitlait si Rizal hangang sa tawaguing isáng "han~gal" daw na
waláng pagpalagyan sa catacsilán at samá. Ang _Noli me Tangere_, aní
párì Font, ay isang paglabág at pamumusóng sa Religión n~g España;
isang paglabág at pamumusóng sa Pan~gasiwaan, sa m~ga castilang
cagawad n~g Gobierno at sa m~ga Tribunal n~g justicia; isang paglabág
at pamumusóng sa hucbó n~g Guardia Civil, isang paglabág at pamumusóng
sa icapapanatili n~g m~ga nasasacop n~g España, at pagcatapos n~g
ganitong bugsô n~g "paglabag at pamumusóng" ay sinabi niyang sa canya
raw pasya at acálà, ay dapat ipagbawal n~g capangyarihan n~g capitán
general ang pagdadala rito, paglilimbag ulî rito at paglalaganap dito
n~g librong _Noli me Tangere_, na totoong nacacapahamac.
Bucod sa lalong m~ga casakitsákit na m~ga pag-alimura cay Rizal at
m~ga pagpaparatang n~g m~ga gawang hindî man lamang napapanaguinip n~g
ating capatid na Martir, ay idinugtong pa ni párì Font ang ganitong
m~ga salitâ: "ANG TANGING HANGAD ni Rizal ANG CASARINLAN NG LUPAING
ITO, at ang adhica niya'y iwalat ang mahal na catibayan n~g Bayang
sarili[42], niyang Bayang sariling sa canya'y nagbigay n~g pagcatáo,
na sa canya'y nag-arúgà at nagpasúso sa m~ga dibdib na maran~gal, na
sa canya'y nagpacain n~g tinapay at n~g m~ga aral n~g magagandang
asal; at ang Filipinas na dating sumasamba sa di totoong Dios,
mangmang at mahahalay ang caugalian ay guinawang ganap na bayang
católico, bayang lalong may calayaan at marunong sa lahát n~g m~ga
bayang nabubuhay sa ilalim n~g pagtatangkilic n~g m~ga nación sa
Europa, at ang lahing lalong sumasaligaya sa ilalim n~g nacapagbibigay
guinhawang lilim n~g mapagcalin~gang m~ga cautusan sa India"; ... at
iba't iba pang m~ga salitang nagpapakilala n~g masilacbó niyang poot
cay Rizal. At winawacasan niya n~g ganitong saysay: "Itó n~gâ ang
pasiya n~g napifirma sa ibabâ nitó, upang ipagbawal n~g mahigpít ang
dito'y paglaganap n~g librong itó ... Maynilà, ica 29 n~g Diciembre
n~g 1887.--_Fr. Salvador Font_, agustino calzado."
Ipinalimbag ni párî Font at inilaganap sa boong Filipinas at sa boong
España ang canyang pasiyang itó, at sa ganitong nangyari ay lalô
namang lumakí ang pagmimithî n~g maraming mabasa ang cathâ ni RizaL,
caya't ang guinawang iyon ni párì Font ay siyang nacatulong n~g dî
cawasa n~g pagcalat n~g _Noli me Tangere_ sa boong daigdig.
¿At ano ang sinasabi sa librong iyon upang macaligalig n~g dî ano
lamang sa m~ga fraile at m~ga castila, macabagbag n~g loob n~g m~ga
filipino at bigyan n~g dî ugaling cahulugan n~g m~ga taga ibang
lupaín? Man~ga bagay na hindî himalâ, m~ga bagay na hindi dapat
pagtakhan; walang sinasaysay cung dî ang cactotohanan; nagcámalî aco,
walang sinasaysay roon cung dî ang culabóng anino n~g catotohanan n~g
m~ga nangyayari rito sa Filipinas na pananampalasan, pag-amis,
paglapastan~gan, paninirang puri at walang licat na pan~gun~gulimbat
sa m~ga filipino n~g m~ga fraile; ang m~ga pag-iríng at pagpapahirap
n~g guardia civil dito, at ang m~ga hidwang cagagawan n~g ilan sa m~ga
empleado[43] at hindi empleadong castila. Walang sinasabi sa librong
iyon cung dî ang m~ga hidwang caasalán at ang m~ga malíng
pananampalataya n~g halos lahat n~g m~ga filipino, at ang canilang
labis na pagca mapaniwalain sa lahat n~g sa canila'y pasampalatayanan
n~g m~ga nagpapangap na cahalili n~g Dios, niyang Dios na totoong
mahabaguin, dakila sa pagca masintahin sa canyang kinapal, walang
han~ggan ang pagca mairuguin sa catowiran; niyang nan~gagpapangap na
corderong ma-amo, nagsipanumpang mananatili sa carukhaan, sa
pagpapacalinis n~g budhî at calolowa, sa paglayô sa cahalayan at sa
maruruming layaw n~g catawan, sa tunay na pagpapacumbaba at pagca
masunurin, bago'y ang guinagawa'y lihis na lihis sa canilang m~ga
catungculang banal, sa canilang m~ga sumpâ, sa m~ga damdamin n~g
bawa't taong may dalisay na calooban....
Mulâ niyo'y nagcalayong lalo ang dating nagcacahiwalay n~g
pagtitin~ginan n~g m~ga castila't n~g m~ga filipino, baga man sa
hayagan, sa paimbabaw ay hindî nagbabago. Napopoot n~g dî cawasà ang
m~ga fraile't ang m~ga castílà na ang isang "indiong" gaya ni Rizal ay
magsalitâ n~g catotohanan, at nalulugod namán ang m~ga filipino sa
pagcacasalitâ n~g catotohanang iyan. Pakinggan natin ang sabi n~g
castilang si Wenceslao E. Retana tungcol sa bagay na ito:
"¡At anó! anang m~ga filipino--¿diyata't ipinalalagay na dî
capaslan~gan ang sa araw araw at sa boong panahón ay sumulat n~g
sari-saring m~ga paglait at m~ga pagpaparatang na laban sa amin, at
n~gayo'y mamasamain nilang ang isáng filipino'y "minsang" macasulat
n~g boong catotohanan?"
"Filibustera" ang novela ni Rizal, sa pagca't isang filipino ang
sinasabing cumathâ; cung ang nalagay na cumatha'y isang castílà--at
marami n~ga sa m~ga castílà ang dî mag-aalinlan~gang magsabing yao'y
gawâ niya--hindî n~ga nila pan~gan~galanan n~g gayon."
"Inulit-ulit ni Costa[44] hangang sa nagsawa ang sabing: "bayan (ang
España) n~g m~ga eunuco"[45]; at sinabi naman ni Unamuno[46] ang
ganito: "bayan (ang España) n~g m~ga dowag." Datapwa't si Costa at si
Unamuno'y hindî ipinan~ganac sa Filipinas."
Dumating sa Senado n~g España n~g Junio n~g 1888 ang ligalig dahil sa
_Noli me Tangere_. Ipinagcanulô n~g senador Vila sa canyáng m~ga
casamahang, sa Filipinas daw ay may ipinasoc na isang libro na cung
tawaguin ay "novela" at ang pamagát ay _Noli me Tangere_, na kinathâ
n~g isang "indio" na canyáng alám ang pan~galan, doctor sa Medicina
n~g Universidad sa Madrid, caibigang matalic n~g Principe de Bismarck
at sa canyáng dunong ay nahalal na catedrático n~g Medicina sa isang
Universidad n~g Alemania. Ang "novelang" yaon ... anang senador Vila
... isang pangcalat n~g aral na laban sa religión católica, pang-akit
sa protestantismo, tagapaglaganap n~g aral ni Proudhon, at iba't iba
pang gaya nitong pawang hindi catotohanan.
Sa Congreso naman n~g España ay pinagcaligaligan din ang _Noli me
Tangere_. Nagsalitâ naman doon ang general na si D. Luis M. de Pando,
n~g ica 12 n~g Abril n~g 1889, n~g sari-saring paratang sa librong
iyón. Datapowa't hindî nababasa n~g senador Vila at n~g general Pando
ang _Noli me Tangere_; walà silang nabasa cung di ang pasiya lamang ni
párì Font. Ang guinawang ito n~g m~ga pantas na castílà at ang walang
licat na pag-uusig n~g m~ga fraile sa librong iyon, sacá ang matamáng
pagbabalitâ naman ni Blumentritt sa m~ga pan~gulong pamahayagan sa
sangdaigdigan, sa carikitan n~g kinathâ ni Rizal, ang siyang lubhang
ikinabantóg nitó sa lahát n~g m~ga nación.
* * * * *
Mulâ sa Marzo hangang Mayo n~g 1887 sinulat ni Rizal ang iba't ibang
bagay. Isinatagalog niya ang ilang m~ga tulâ ni Goethe; kinathâ sa
wicang francés ang m~ga librong "Histoire d'une clef", ang "La
Pécheuse et le poison," isang maiclíng casaysayan tungcol sa linggo
n~g palaspas, ang "Tartarín sur les Alpes," ang "Unter den Linden,"
ang "Le pistolet de la petite Baronne" at saca ang wicang inglés na:
"Are account of the Life and Writings of Mister James. By Patrick
Murdock, D. D. F. R. S."
Nang magtatapós na ang Abril n~g 1887, si Rizal ay nanaw sa Berlin at
na pasa Dresde, at doo'y nakilala niya at naguing caibigan si Dr. A.
B. Meyer, marunong na filipinólogo[47] at tagapamatnugot n~g _Museo
Etnográfico_ roon, na siyang pan~gulo sa galíng sa lahát n~g kilala sa
boong daigdíg tungcol sa bagay na iyon. Nagalác n~g dî sapálà ang Dr.
Meyer n~g makilala niya si Rizal, at pinagpakitaan niya itó n~g ganáp
na magandang calooban. Pumaparoon si Rizal sa Museong iyon sa
araw-araw at canyang pinagsusumag ang anyo at calagayan tungcol sa
baít at hilig n~g lahát at bawa't isá sa m~ga láhì.
Nalís si Rizal sa Dresde at na pa sa Leitmeritz (Bohemia) at doon
tumuloy sa bahay n~g cakilala na niyang dati sa pagsusulatan lamang na
si Profesor Ferdinand Blumentritt, na namamatnugot n~g Ateneo
Municipal sa ciudad na iyon at marilag na pantas na umiibig sa
Filipinas n~g dî paimbabaw, na gaya n~g dî mamacailang ipinakita na
niya at ipinakikita pa sa gawâ. Bagaman hindî nacararating dito sa
Filipinas ay malaki pa marahil ang pagcakilala niya sa lupaing ito at
sa m~ga tagarito cay sa maraming nagpapangap na nacacakilalang lubos
sa sangcapuluang itó[48]. Sinasabi ni Blumentritt na nagtamo siya n~g
isa sa m~ga casayahang lalong malakí, n~g makita at mayacáp niya si
Rizal. Nag-ibigan siláng tulad sa tunay na magcapatid, at hindi sila
nagpupupuan. Iniin~gatan niya hanga n~gayon n~g boong pagmamahal ang
isang larauan niyang guinawa ni Rizal sa sandalíng pagguguhit n~g
lápiz.
Hindî maalis sa ala-ala ni Rizal ang m~ga pag-alipusta n~g m~ga fraile
sa m~ga filipino, caya n~ga't sa canyang m~ga pakikipag-usap sa
canyang matalic na caibigang si Profesor Blumentritt ay canyang
nasalità ang ganito:
"Na ang lahat n~g m~ga lahi n~g m~ga tao ay nagcacaibaiba lamáng sa
canicanilang anyô at caugalian sa dacong labas, n~guni't alinsunod sa
Psicología[49] ang maputi, ang abo-abo, ang marilaw, ang caymangui at
ang maitim ay nagcacaisa ang naramdaman, nagcacawan~gis ang m~ga
umuudyok na budhî at hilig, na nagpapatibóc n~g púsò: at ang
pinagcacaibahan lamang ay ang paraan n~g pagsasaysay ó paggawâ.
"Na walang napagkikilala ang m~ga antropólogo[50] cung dî ang m~ga
lahi; na ang napagmamalas lamang n~g m~ga mapagmasid n~g m~ga
pamumuhay n~g bawa't nación ay ang pagcacaiba't iba n~g calagayan n~g
mayaman at mahirap, n~g mahal at timawa; na sa m~ga nacióng lalong
m~ga paham, na gaya baga n~g Francia at Alemania, ang lalong marami sa
m~ga nananahan doo'y casing pantay rin n~g calagayan n~g pag-iisip n~g
m~ga tagalog, at ang culay n~g balat, pananamit at wicang guinagamit
ang bilang caibhan lamang."
"Na ang pag-íisip ay tulad sa m~ga cayamanan at cung may m~ga nacióng
mayaman at mahirap, ay may m~ga tao ring mahirap at mayaman; cung may
nagbabalac na táong siya'y ipinan~ganac na pagdaca'y mayaman, ang
gayong tao'y namamali, sa pagca't siya'y sumilang sa sandaigdigang
dukhâ at hubád na cawan~gis n~g alipin; minamana ang catalasan n~g
isip na tulad naman sa cayamanang naipamamana. Pawang mayayaman sa
pag-íisip ang m~ga nación sa Europa; datapwa't ang m~ga tao roon
n~gayo'y hindî mangyayaring macapagsalitâ, cung di ring lamamg
maghahambog, na pagdaca'y mayaman na sila sa pag-íisip mulâ n~g mátayô
ang canilang m~ga nación; nagcailan~gan silang gumugol n~g maraming
siglo[51] sa pagpupumilit sa pamamag-itan n~g pagbabaca upang camtán
ang m~ga calayâan, magagaling na m~ga cautusan at iba pang sarisaring
paraan, at n~g masundoan ang m~ga cayamanan n~g pag-iisip na canilang
ipinamana pagcatapos sa m~ga táo n~gayon; ang m~ga nagpapakinang n~g
isip n~gayon, ang catowid baga'y ang nagtuturo n~gayon sa m~ga
cabataan, di n~ga nila magagawâ ang gayong m~ga bagay cung hindî sana
nila sinamantala ang salinsaling natutuhan n~g m~ga táong sinundan
nila, at cung hindî naman sila lubos na nagsumakit; ang bagay na ito'y
sinasacsihan n~g Historia[52] n~g panahong una'y hindî higuit ang
cagalin~gan n~g pagpapalagay n~g m~ga romano sa m~ga alemán, sa
pagpapalagay n~g m~ga castílà sa m~ga tagalog."
"Na ang m~ga pagpintás na guinagawâ n~g m~ga taga Europa sa
nan~gagcacaiba't ibang m~ga lahing may culay (ang m~ga caymangui,
maitim, marilaw ó abo-abó) ay hindî mabigyang caliwanagan sa isáng
matibay na catowiran; cayâ silá nagcacagayo'y dahil sa talagang handâ
na ang caniláng calooban sa dî paniniwalâ, at dahil naman sa canilang
pagcaisip na sila ang nauucol macapangyari sa m~ga láhing hindî
mapuputî. Talastas n~g lahát na nan~gan~ganib ang m~ga lahing may
culay na baca sila'y pawaláng halaga n~g lahing putî, at sa ganitong
dahil, cung sila'y naglilingcod sa m~ga taga Europa ay malaki ang sa
canila'y ikinalalamang, at bucod sa rito'y sa pagca't pinagwawárì na
hindî magagamit ang lahing may culay sa m~ga linilimbag. Datapwa't
cung paglilinin~gin, ang m~ga lahing may culay na canilang tinutucoy
ay m~ga táong totoong timáwà at waláng pinag-aralan, masasabing ang
halaga n~g m~ga pasiya n~g m~ga lahing putî ay capantay lamang n~g sa
isang tagalog, na sa canyáng paglalacbay sa Francia at Alemania ay
ibig na ipalagay na ang lahát n~g m~ga tagaroo'y pawang catulad n~g
m~ga manggagatas, m~ga alílâ at m~ga cocherong francés at alemáng
canyáng nakita."
"Na ang dahil n~g caimbihan n~g m~ga túbò rito sa Filipinas ay
nagmumulâ lamang sa culay n~g balat. Maraming lalaki't babae sa Europa
na nagmulâ sa lalong carukharukhâang pamumuhay, na nangyaring
naca-akyat sa lalong cataastaasang calagayang lubhang mahahalagá, ang
iba'y nan~gatututong bumagay sa canilang bagong calagayan at hindî
ikinahihiyâ ang canilang abang pinanggalin~gan, cung dî bagcos pang
ipinalálagay nilang isang malaking capuriháng nangyaring nasunduan
nila, sa canilang sariling pagpupumilit, ang gayong pagcápaunlac; ang
iba nama'y pinagtutuyaanan at inaaring salát sa catalinuhan, dahil sa
canilang dî wastóng paghahambog. Ipinalálagay n~g m~ga táong may
culay, na sila'y ucol sa m~ga dapat uyatín at pawaláng halagá, baga
ma't sila'y m~ga táong mahal na lubós, palibhasa'y isáng sacsìng
nagpapatotoo n~g canilang pinangalin~gan ang canilang pagmumukhâ, at
ang bágay na ito'y siyáng sa canila'y nacapagbíbigay n~g cakimian,
dahil sa talastás niláng sa canila'y pagpapawaláng halagá n~g m~ga
taga Europa: masamâ ang pagtin~gîn n~g m~ga europeo sa m~ga tagalog;
anó máng waláng cabuluháng pagcacamalî nitó, na mangyayáring gawín din
namán n~g cahi't dalisay mang lahî n~g isáng tubò sa Montmorency, ay
linílibac n~g m~ga europeo, at isinisiwalat nila sa pananalitáng:
"¡anó n~gâ bagá ang maaasahang gawíng mahusay n~g isáng taong may
cúlay!" Mangyayáring datnin niyáng siyá'y maguing isáng magalíng na
Abogado, isáng dakilang Médico, datapowa't cailán may hindî nila
ipalalagay na itó'y isáng caraniwang bágay; ang pinaca malakíng
magagawâ lamang nilá'y isáng panguiguilalás, na hicayat n~g
pagpapalamáng, na gaya n~g pagtatacâ, sa isáng malakíng áso sa circo,
n~guni't hindî n~gâ nilá, matatangáp na magcacapantáy ang pag-iísip
n~g tagalog at n~g europeo".