"Hindî malimutan niyá, ang sariling lúpà:--"Naroroon [ang sa

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online

Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Special

thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for

this project. Para sa pagpapahalaga ng Panitikang Pilipino.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is

marked as ~g. This work forms part of the Tagalog translation of Noli

Me Tangere (1909) by Pascual Poblete which is being presented

separately in this edition.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa

upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon

ay hindi na ginagamit. Ang kathang ito ni Pascual Poblete ay pasimula

sa isinalin na Noli Me Tangere (1909) sa Tagalog na ibinukod sa

edisyong ito.]

BUHAY AT M~GA GINAWÂ

NI

DR. JOSÉ RIZAL

NA SINULAT

NI

PASCUAL H. POBLETE

José Protasio Rizal Mercado

Maicling casaysan nang canyang buhay

Ipinan~ganac si Gat Jose Protasio Rizal Mercado, sa báyan n~g Calambâ,

sacóp n~g lalawigang Laguna, n~g ikalabing siyam n~g Junio n~g taóng

sanglibo walóng dáan animnapo't isá.

Si G. Francisco Rizal Mercado ang canyáng amá at si G. Teodora Alonso

at Quintos ang canyáng iná.

Ipinan~ganac si G. Francisco Rizal Mercado at Alejandra n~g taóng

1811, sa Binyáng, Laguna, at namatáy sa Maynila n~g ica 5 n~g Enero

n~g 1898, at si G. Teodora Alonso ay ipinan~ganac sa Meisic, sacóp n~g

Tundó, Maynila, n~g taóng 1825 at nabubuhay hanga n~gayón (8 n~g Junio

n~g 1909). Si G. Francisco Mercado ay nag-aral at marunong n~g wicang

castila at wicang latín, at si G. Teodora Alonso ay nag-aral sa

colegio n~g Santa Rosa at marunong n~g wicang castila.

Ang naguíng m~ga anác n~g mag-asawang ito'y si na guinoong Saturnina,

Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucía, María, Concepción, Jose, Josefa,

Trinidad at Soledad.

Bininyagan si Jose Rizal n~g araw n~g sábado, icadalawampo't dalawa

n~g Junio n~g 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo at

cura-párroco sa bayang Calambâ ang sa canyá'y nagbinyag, at si G.

Pedro Casañas, páring clérigo at tubô sa Calambâ, ang sa canyá'y

nag-anác sa binyág. Capowa namatáy na ang dalawang páring itó.

Pinan~galanang Jose, dahil sa ang iná n~g Doctor Rizal ay

namimintacasi sa Patriarca San José, at ang pan~galawang pan~galang

Protasio ay dahil sa caarawán n~g Santong itó, alinsunod sa

calendario, n~g siyá'y ipan~ganác.

Hindi dating tagláy n~g amá at n~g m~ga capatíd n~g amá n~g ating

Doctor ang apellidong Rizal. Pinasimulaang guinamit ang apellidong

Rizal n~g mag-aral ang batang si Jose, upang siyá'y macaligtas sa

mahigpit na pag uusig n~g m~ga fraile sa m~ga nag-aapellidong Mercado.

Wicang castila ang apellidong Rizal, na ang cahulugán sa wicang

tagalog ay ang muling pag-supang ó pag-ulbós n~g pinutol na halaman ó

damó. May isá pang cahulugán; ang lupang may pananím na anó mang

damóng pacain sa m~ga háyop.

Pagdatíng sa icatlóng taón n~g gulang n~g musmós na si Jose Rizal ay

tinuruan na siyá n~g canyáng amá't iná n~g pagbasa. Napagkilala n~g

madla ang cagalin~gan niyáng tumulâ n~g wawalóng taón pa lamang ang

canyáng gulang, dahil sa isáng marikít na tuláng canyáng kinat-hà, na

tinakhán n~g lahát n~g m~ga manunulang tagalog sa lalawigang

Silan~gan.[1]

[Larawan: =G. Francisco Rizal Mercado= Ama ng Dr. Jose Rizal. Imp de

M. Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]

Sa pagcakilala n~g amá't iná ni Jose Rizal n~g catalasan n~g isip at

malaking hilig n~g caniláng anác na itó sa pag-aaral, caniláng dinalá

siya sa Maynila, itinirá sa isang bahay sa daang Cabildo, loob n~g

Maynila; at ipinasoc n~g taóng 1871 sa Ateneo Municipal, na

pinan~gangasiwaan n~g m~ga páring jesuita.

Nakilala ni Jose Rizal sa bahay ni pari Burgos si na pare Dandan, Lara

at Mendoza na pawang dinakip at ipinatapon sa Marianas n~g gobierno

n~g España, at gayon din si parì Gomez at si pari Zamora, na

ipinabitay n~g Gobierno ring iyong casama si párì Burgos, na ang

naguing sangcala'y ang panghihimagsic n~g m~ga manggagawâ sa Arsenal

n~g Tan~guay n~g 1872. Sumasabudhì n~g madlâ ang m~ga calupitáng

dito'y guinágawâ n~g m~ga panahóng iyón. Ipinabilángo, ipinatapon ó

ipinabitay bawa't filipinong numiningning dahil sa tálas n~g isip at

sa pagsasangalang sa m~ga catwiran n~g lupang kináguisnan. Ang m~ga

nangyaring itó'y nalimbag sa damdamin n~g batang si Jose Rizal.

Lumipat itó n~g pagtirá sa Ateneo Municipal at n~g naroon na'y tila

mandín lálo pang náragdagan ang canyáng sipag sa pag-aaral at

cabaitang puspós n~g ugalì. Ang naguing maestro niyá'y ang m~ga

jesuitang si parì Cándido Bech at si parì Francisco Sánchez.

Cung ipinamamanglaw n~g batang si Jose Rizal ang nakita niyáng

pag-amis sa catwiran n~g canyang m~ga caláhì ay lalo n~g dinaramdam

niyá, ang m~ga sabihanan n~g m~ga fraileng madalás niyang marinig sa

Ateneo Municipal na di umano'y mataas ang caisipan n~g táong culay

maputi cay sa táong culay caymanguí, madiláw, abóabó ó maitím, bagay

na pinagpilitan niyáng siyasatin mulâ noon, cung totoo n~gâ, sapagca't

inaacála niyáng lihís sa catowiran ang gayóng pagpapalagáy.

Napagtalastas n~g madlâ ang ganitóng paghahacahácà ni Jose Rizal,

dahil sa isáng casulatang inilathalà n~g pantás na si Herr Ferdinand

Blumentritt sa icasampung tomo n~g _Internationales Archiv fiur

Ethnographie_, n~g 1897, na ganitó ang saysay:

"Sinabi ni Rizal, na maliit pa siya'y malaki n~g totoo ang canyang

pagdaramdam, dahil sa nakikita niyang sa canya'y pagpapawalang halagá

n~g m~ga castilà, dáhil lámang sa siya'y _indio_[2] Magbuhat niyao'y

pinagsicapan niyang pacasiyasatin cung alín ang catwíran ó

cadahilanang pinagsasandigan n~g m~ga castila at n~g lahat n~g m~ga

táong may mapuputing balát upang ipalagáy nilang sila'y matatáas ang

ísip cay sa m~ga táong cawan~gis din nila ang anyô, at taglay ang cáya

upang dumúnong at magtamó n~g capangyarihang gaya rin nilá.

"Ipinalálagay n~g m~ga tagá Europang silá ang pan~ginoon n~g bóong

daigdig: sa acalà nila'y silá ang tan~ging nagtâtaglay n~g pagsúlong

sa dúnong at sa m~ga magagandang caugalian, at silá lamang ang tán~gì

at dalisay na liping _homo sapiens,_[3] samantalang ipinalálagay

nilang ang m~ga ibang lahi ay mababa ang pagiísip, ang guinagamit na

wica'y dukhâ at walang caya upang macuha ang dunong n~g m~ga taga

Europa, ano pa't ang m~ga lahing may culay caymangui, itím, diláw ó

abo-abó ay isá sa pascacaiba't ibang anyô n~g _homo brutus._[4]

"Nang magcágayo'y itinátanong ni Rizal sa sarili; ¿totoo n~ga cayâ ang

m~ga pinatitibayan nilang ito? Ang tanóng na ito ang totoong laguing

sumasaísip niya mulâ pa sa panahong siya'y nag-aaral, at di lamang sa

canya cung di naman sa m~ga cápowà niyáng nag-aaral na m~ga taga

Europa. Hindi nalao't canyang nápagmasid sa colegio na walang

pinagcacaibhan n~g pag-iisip n~g isa't isá, [sa macatowid baga'y n~g

pag-iisip n~g táong maputi ang balát at n~g táong caymangui.]

Caraniwang lubha ang pagcacápantay n~g m~ga puti at n~g m~ga _indio:_

sa isa't isang panig ay may nakikitang m~ga tamád at masisipag,

mápag-sákit sa pag-aaral at matamarin sa pag-aaral, matálas ang

pag-iísip at mapuról ang pag-iísip; sa cawacasan ... wala siyang

nakikitang ikinahíhiguit n~g m~ga mapuputíng nag-aaral at gayon din

n~g m~ga may cúlay caymangui. Pinagsiyasat niya ang m~ga dunong na

nauucol sa m~ga láhi; natotowa siyá pagca nangyayaring dahil sa isang

paláisipang may cahirapang ibiníbigay n~g profesor ay hindî

mátuclasang gawín n~g canyang m~ga casamahang mapuputî, at sila'y

nan~gagsisilapit sa canyá upang canyáng gawín cung papaano. Canyang

pinagdidilidili at itinututol ang lahat n~g itó, hindi dáhil sa isáng

pagtatagumpay niyang sarili, cung di dahil sa isáng pagtatagumpay n~g

canyáng m~ga cababayan. Dahil dito'y sa colegio n~ga nagpasimulâ ang

canyáng paniniwálang nagcácapantay ang ísip at cáya n~g m~ga europeo

at n~g m~ga _indio_ sa paggawa n~g ano mang bagay. At sa lahat n~g

ito'y napagtalacayan niyang magcacapantay ang catutubong isip n~g

europeo at n~g indio.

"Ang unang pinacabún~ga n~g napagtalacayang itó ay ang pagcapagbalac

ni Rizal, na cung mapag-unawa sana n~g canyang m~ga cababayan, na

cawan~gis n~g canyáng pagcaunawa, ang pagcacapantaypantay na iyan,

ito'y maguiguing isang paraan upang maipailanglang ang dunong n~g m~ga

filipino. Dumatíng siya sa paniniwalang matáas ang pag-iisip sa

pag-aaral n~g m~ga tagalog cay sa m~ga castila (ang iláng m~ga

castilang n~g panahóng yao'y canyáng nakilala;) at canyáng sinsasabi

n~g boong galác ang cadahilana't dumatíng siyá sa ganitong paniniwalâ.

Sa ganito'y canyáng sinasabi:--Sa m~ga colegio sa amin ay isinásaysay

na lahát sa wicang castila, catutubong wica n~g m~ga castila, at

wicang hindi namin kilalá; cayâ n~ga't dahil dito'y kinakailan~gan

naming magpumilit n~g higuit cay sa canilá sa pagpiga n~g pag-iísip,

upang maunawà at maisaysáy ang isang bágay: at sa pagca't gaya n~ga

n~g sinabi co na, na walang nakikitang ipinagcacaibang anó man n~g

m~ga castilà at n~g m~ga indio sa m~ga colegio, at yamang gayo'y

matáas ang pag-iísip namin cay sa canilá.--May pagmamasid pa siyáng

guinawa, na sa canyá'y nagdagdag n~g pag-aalinlan~gan sa dating tagláy

na niyá, tungcol sa cataasan n~g pag-iísip n~g m~ga castila. Guinawâ

niya ang pagmamasíd, tungcol sa inaacála n~g m~ga castilang silá'y may

carapatán sa lalong malalakíng paggalang at pagpapacumbaba n~g m~ga

_indio_, sapagca't naniniwála ang m~ga itóng ang m~ga mapuputì, dahil

lamang sa sila'y maputi, ay pawang ipinan~ganác sa isáng lúpang lalong

magalíng cay sa lúpa n~g m~ga _indio_. Napagtanto n~g panahóng iyón ni

Rizal, na ang paggalang at pagpapacumbabang iyón n~g m~ga _indio_ sa

castila--sa pagca't siyang itinuro n~g m~ga castila sa m~ga

_indio_--ay hindi lamang dahil sa ipinalálagay na pawang galing sila

sa láhing matáas, cung di sa pagca't isang paraan upang maicublí ang

tacot at ang malabis na pag-ibig sa sariling catawán. Ang tacot, sa

pagca't sa tikís na pagamís na sa canila'y guinágawâ, ipinalálagay

nilang ang m~ga mapuputî ay pan~ginoon nilá at siyáng sa canila'y

nagmamay-ári; at ang malabis na sa canilang sarili'y pag-ibig,

palibhasa'y caniláng napagkilala ang caugalian n~g m~ga europeo at

napag-unawang dahil sa capalaluang taglay n~g m~ga ito, ay

makikinabang sila cung sila'y magpakita n~g paimbabáw na

pagpapacumbabâ, at gayon n~gâ ang canilang guinágawâ. Caya n~ga't

hindi kinalulugdan cahi't camunti man n~g m~ga indio ang m~ga europeo:

nan~gagpapacumbaba cung naháharap sa canila, n~guni't pinagtatawanán

silá cung nan~gátatalicod, linílibac ang caniláng pan~gun~gusap, at

hindi nagpapakita n~g cahit munting tandâ n~g paimbabáw na sa canila'y

paggálang. Dahil sa hindi nataróc n~g m~ga castila ang túnay na

caisipán n~g m~ga _indio_, samantalang napagtantong lubós n~g m~ga

_indio_ ang tunay na caisipan n~g m~ga castila, ipinalálagay ni Rizal

na mahina ang pag-iísip n~g m~ga mapuputi cay sa canyang m~ga

cababayan..... Nang siya'y panahong bata pa, cailan mang marírinig ó

mababasa niya ang pagpapalagay n~g m~ga mapuputi sa canyáng láhi ay

napopoot, napúpunô ang canyang púso n~g gálit; n~gayo'y hindi na

nangyayari sa canya itó; sa pagca't cung nárirín~gig niyá ang gayón

ding m~ga pagpapalagáy, nagcacasiyá na lámang siyá sa pagn~giti at

isinasaalaala niya ang casabiháng francés: "_tout comprendre, c'est

tout pardonner._[5]"

Ang maílab na mithî ni Rizal na mapaunlacán ang canyáng láhî ang

siyáng totoong nacapag-udyóc sa canyá sa pagsusumakit sa pag-aaral

hangáng sa canyáng tamuhín ang lubháng maningníng at maraming m~ga

pangulong ganting pálà n~g colegio, na sino ma'y waláng nacahiguít.

Dinalá si Rizal n~g canyáng casipagan hangáng sa magsanay sa

_escultura_[6] n~g waláng nagtutúrò.

N~g panahóng iyó'y gumawâ siyá n~g isáng magandáng larawan n~g Virgeng

María, na ang guinamit niyá'y ang matigás na cahoy na baticulíng at

ang ipinag-ukit niya'y isang caraniwang _cortaplumas_ lámang. Nang

makita n~g canyáng m~ga maestrong párì ang cahan~gahan~gang larawang

iyán ay tinanóng nilá siyá cung macagagawâ namán n~g isáng larawan n~g

mahál na púsò ni Jesús; napaoo siyá, at hindî nalaon at canyang niyárì

at ibinigáy sa nagpagawâ sa canyá, na totoong kinalugdan ding gaya n~g

una.

Nang ica 5 n~g Diciembre n~g taóng 1875 ay kinathà niya at binasa sa

isáng malakíng cafiestahan sa Ateneo ang isang tulâ, na pinuri n~g

lahát, na ang pamagat ay El Embarque (_Himno á la flota de

Magallanes_.)[7]

Nag-aaral siyá n~g icalimáng taón n~g bachillerato sa Ateneo Municipal

n~g cathain niyá ang isang tulâ na canyáng pinamagatáng: _Por la

educación recibe lustre la Pátria_.[8]

N~g bahagyà pa lamang tumutuntong siya sa icalabíng anim na taóng

gulang ay nagtamó siyá n~g títulong _Bachiller en Artes_.

Nárito ang talaan n~g canyáng m~ga pinag-aralan mulâ n~g taóng 1877,

at ang m~ga tinamó niyang _calificación_:

1871-1872. Aritmética................ Sobresaliente

1872-1873. Latín unang taón.......... Sobresaliente

1872-1873. Castellano................ Sobresaliente

1872-1873. Griego.................... Sobresaliente

1873-1874. Latín, unang taón......... Sobresaliente

1873-1874. Castellano................ Sobresaliente

1873-1874. Griego.................... Sobresaliente

1873-1874. Geografía Universal....... Sobresaliente

1874-1875. Latín, tercer curso....... Sobresaliente

1874-1875. Castellano................ Sobresaliente

1874-1875. Griego.................... Sobresaliente

1874-1875. Historia Universal........ Sobresaliente

1874-1875. Historia n~g España at

Filipinas............................ Sobresaliente

1874-1875. Aritmética at Algebra..... Sobresaliente

1875-1876. Retórica at Poética....... Sobresaliente

1875-1876. Francés................... Sobresaliente

1875-1876. Geometría at

Trigonometría........................ Sobresaliente

1875-1876. Filosofía, unang taón..... Sobresaliente

1876-1877. Filosofía, icalawang

taón................................. Sobresaliente

1876-1877. Mineralogía at

Química.............................. Sobresaliente

1876-1877. Física.................... Sobresaliente

1876-1877. Botánica at Zoología...... Sobresaliente

Bachiller en Artes n~g 14 n~g

Marzo n~g 1877....................... Sobresaliente

* * * * *

Lumipat si Rizal sa Universidad n~g Santo Tomás n~g Junio n~g 1877, at

doo'y pinag-aralan ang Cosmología metafísica, Teodicea at Historia n~g

Filosofía. Pinasimulan ang pag-aaral n~g Medicina (pangagamót) n~g

taóng 1878. Canyáng pinag-aralan sa Universidad ang Física, Química,

Historia Natural, Anatomía, Disección, Fisiología, Higiene privada,

Higiene pública, Patología general terapeútica, Operaciones, Patología

médica, Patología quirúrgica, Obstetricia.

N~g taóng 1879 ay nagtatag ang _Liceo Artístico-Literario_ sa Maynila

n~g isáng certamen upang bigyáng unlác ang sino mang macapagharáp n~g

lalong magandáng catháng _prosa_ ó tulâ. Ang bumuboò n~g Jurado[9] ay

pawang m~ga castílà. Nagharáp si Rizal n~g isáng tuláng _Oda_, na ang

pamagát ay A la Juventud Filipina, at bagá man maraming m~ga castílà

at tagalog ang nan~gagsipagharáp n~g canicanilang gawâ, si Rizal ang

nagcamít n~g pan~gulong ganting-pálà.

Nang taóng sumunod, 1880, nagtatag na mulî ang _Liceo

Artístico-Literario_ ring yaón n~g isa pang _certamen_, bilang alaala

sa caarawán n~g pagcamatáy ni Cervantes. Pawang m~ga castílà ang

bumubóò n~g Jurado. Si Rizal ang nagtamó n~g pan~gulong gantíng-pálà,

sapagca't ang cathâ niya'y siyang lalong magandá at mainam sa lahat

n~g m~ga catháng iniharáp sa certameng iyón n~g maraming m~ga

periodistang castílà at m~ga bantóg na fraile sa carunun~gang pawang

m~ga castila rin. El Consejo de los Dioses[10] ang cathang iniharáp ni

Rizal, at ang tinangáp niyang pan~gulong ganting-pálà'y isang sinsíng

na guintô, na larawan ni Cervantes ang tampóc. Ang castilang si Don N.

del Puzo, pantás na catúlong n~g m~ga mánunulat sa _Diario de Manila_,

ang nacacuha n~g pan~galawang ganting-pálà.

N~g taón ding iyóng 1880, bago pa lamang catatangap ni Rizal n~g

sinabi n~g ganting-pálà ay náparoon siya sa palacio n~g Malacanyang,

at talagang magsasacdal sana cay Primo de Rivera, Gobernador at

Capitán General nitong Filipinas, dahil sa n~g isang gabing n~gitn~git

n~g dilím ay siya'y tinampalasan at sinugatan n~g Guardia Civil,

sapagca't nagdaan siyá sa tabí n~g isáng _bulto_ ay hindî siyá

nacapagpugay, at ang _bulto_ paláng iyón, na hindi niya nakilala,

dahil sa cadilimán n~g gabí, ay ang tenienteng namiminúnó sa isang

_destacamento_; sinugatan siya n~g waláng anó-anó, na dî man lamang

siyá, pinagsabihan n~g anó man. Hindî niyá nácausap ang Capitán

general at hindî siyá nagtamó n~g minímithing pagwawaguí n~g

catowiran.

Nang ica 6 n~g hapon, icawaló n~g Diciembre n~g taóng 1880, ay

pinalabás sa Ateneo Municipal n~g Maynila ang isang melodramang wícang

castílà, na ang pamagát ay Junto al Pasig[11], cathâ ni Rizal, na

presidente n~g _Academia de la Literatura Castellana_ sa Maynílà n~g

panahóng iyón, at música ni Don Blás Echegoyen.

Ang m~ga nagsilabás sa melodramang iyón ay ang m~ga sumusunod:

_Leónido_........Isidro Perez.

_Cándido_........Antonio Fuentes.

_Pascual_........Aquiles R. de Luzuriaga.

_Satán_..........Julio Llorente.

_Angel_..........Pedro Carranceja.

_Coro n~g m~ga diablo_ Caramihang estudiante at

ang isa sa canila'y si

Vicente Elio.

Di maulatang m~ga pagpupuri ang inihandog cay Rizal n~g lubháng

maraming guinoong nanood n~g melodramang iyón.

Sapagca't sa araw-araw ay nilílibac at nilalait n~g isang fraileng

profesor sa Universidad ang m~ga estudiante, hindî nacatiís si Rizal,

ipinagsangaláng niyá ang canyáng m~ga casamahán sa isáng mahigpít

n~guni't mapitagang pan~gan~gatwiran, at ang naguing casaguta'y ang

panunumpâ n~g canyáng catedrático, na cailán ma'y hindi niya

palálabasin si Rizal sa alín mang exámen.

Dahil sa nangyaring iyo'y minagalíng ni Rizal ang pasá España at doón

magpatuloy n~g pag-aaral, at sapagca't sumang-ayon ang canyáng ama't

iná, siya'y lumulan sa vapor na ang tun~go'y sa Barcelona, n~g ica 3

n~g Mayo n~g 1882, na puspós n~g pighatî ang cálolwa. ¡Sa Calambâ

[Laguna] ay nilisan niya ang canyang m~ga pinacamumutyang amá, iná at

m~ga capatíd; sa Camilíng ay ang maalab na sinisintang si Leonor

Rivera, magandang dalagang ang larawa'y háwig na háwig sa matimyás na

si Maria Clara sa Noli me Tangere, at saca napalayô siyá sa

pinacaiibig na Bayang Filipinas!

* * * * *

Dumatíng si Rizal sa Barcelona, (España) n~g m~ga unang araw n~g Junio

n~g 1882, at hindî pa halos nacapagpapahin~gá sa gayóng matagál na

pagdaragat, sinulat na niyá ang unang _artículo_[12], na pinaglagdaan

niya n~g canyáng m~ga damdamin. Pinan~galanan niya ang _artículong_

yaón n~g El Amor Patrio[13], may taglay na fechang _Junio n~g 1882_,

at finirmahán niyá n~g pamagát na Laong-Laan, saca ipinadalá niyá sa

Diariong Tagalog[14], at inilathálà sa pámahayagang itó n~g icá 20 n~g

Agosto n~g 1882.

Pakinggan natin cung anó ang pasiyá n~g isáng castílà, ni D. Wenceslao

E. Retana, na nagpamagát si canyáng m~ga ilinalathálà sa m~ga

pámahayagan, n~g _Desengaños_, tungcól sa kasulatang sinasabi co:

"Marahil ay nacainís ca canyá (cay Rizal) ang Barcelona; marahil ay

nacapamanglaw at nakapágpalungcot sa canyá ang malakíng pan~gulong

bayan n~g Cataluña, n~g canyáng mámasid na doo'y may lubós na calayâan

ang cálahatlahátang m~ga mithî, sa pagdidilidiling doo'y waláng m~ga

_inquisidor_[15] ang ísip; datapwa't sa Maynila'y mayroon. Bagá man

talastás niyáng totoong caraniwang gamit na, gayón ma'y guinawâ rin ni

Rizal sa isáng pananalitáng malungcót, at may hawig na isipín,

n~guni't halos laguing mabanayad, palibhasa'y _mithi ang macatulong

n~g cahi't dukha n~guni't maalab na pag-anib_. "Tulad sa m~ga hebreo

n~g una ani Rizal--na inihahandog sa templo ang m~ga unang bun~ga n~g

caniláng pag-ibig, camí, dito sa lupa ng iba, iaálay namin ang m~ga

unang pananalitâ sa áming báyang nababalot n~g _m~ga alapáap_ at _n~g

m~ga ulap n~g umaga_, na hindî nagmamaliw ang cagandaha't hiwagang

anyô at kaligaligaya; n~guni't lálò n~g pinacasísinta, samantalang sa

canya'y pumapanaw at lumálayô," Sa ganáng cay RizaL--ani Retana--ang

España'y lupa ng iba; sa ganáng kanyá'y walâ n~g _bayang sarili_

(pátria) cung dì ang Filipinas. Hindî sumasaísip niyà ang _maliit na

bayang sarili_ ("pátria chica") at ang _malaking báyang sarili_

("pátria grande") na totoong caraniwan na nitong m~ga hulíng nagdaang

taón; ang _maliit_ ay ang báyan, ang lalawigan ó cung dilî cayá'y ang

isáng panig: at ang _malaki_ ay ang boong nación, sampô n~g m~ga ibáng

lupaíng nasásacop, cahi't anóng pagcalayô-láyò ang kinálalagyan. Ang

_malakíng bayang sarili_, kung sa isáng filipinong tunay na nakikianib

sa España ay walâ n~g iba kung dî ang lupaíng España, na calakíp ang

canyáng m~ga nasasacop sa cabilang ibayo n~g dagat, at ang _maliit_ ay

ang panig. N~guni't cay Rizal ay waláng _maliit_ ó _malaking bayang

sarili_, cung dî Bayang sarili; na sa ganáng canyá'y hindî ang

Calambâ, hindî ang m~ga bayang ang salita'y wikang tagalog, hindî man

lamang ang pulô n~g Lusóng, cung dî ang capisanan n~g m~ga pulóng

nátuclasan ni Magallanes. Hindî lamang ito: sa ganáng cay Rizal, ang

España'y hindî _inang bayan_; ito'y marahil ay sa mestizong castílà,

sa m~ga may dugóng castílà; datapwa't hindî sa táong may dugóng

dalisay n~g tagá casilan~ganan ...

"Hindî malimutan niyá, ang sariling lúpà:--"Naroroon [ang sabi ni

Rizal] ang m~ga unang gunitaing nangyari n~g panahong camusmusan,

masayáng _hadang_[16] kilalá lamang n~g cabataan sapagca't doo'y

natutulog ang boong isang panahong nacaraan na [_ang bayang may

casarinlan_] at na-aaninagnagan ang panahóng dárating [_ang catubusan

n~g lahi sa pamamag-itan n~g pag-aaral_]; sapagca't sa canyáng m~ga

cagubátan at sa canyáng m~ga damuhán, sa bawa't cáhoy, sa bawa't

bulaclac, namamasdán ninyóng naúukit ang alaala sa alín man táong

inyóng guiniguiliw, na gaya rin n~g canyáng hinin~gá sa han~ging may

taglay na ban~gó, na gaya n~g canyáng awit sa lagaslás n~g m~ga batis,

na gaya n~g canyáng n~gitî sa bahaghari n~g lan~git ó n~g canyang m~ga

buntóng-hinin~gá sa hindî mapagwáring daíng n~g han~gin sa gabí

..."--Ang ganitóng m~ga pananalita'y talagang cay Rizal; ilála sa

macahulugán, sa may tinutucoy ang m~ga pananalitáng may hímig n~g

hiwágà, ito n~gâ ang anyô n~g canyáng pagsulat, ang canyáng caugalian,

at halos waláng makikitang bagay na prosa[17] ó tulâ na canyáng

kinathâ na hindî itó ang námamasid; na ang bawa't may ísip, cahi't

caraniwan lámang ang tálas ay agád mapagwawárì sa m~ga súlat ni Rizal,

ang m~ga caisipán sa pamamayang naghaharì sa budhî n~g lubhang

mairuguíng yaón sa kinaguisnang lúpà--"¡Hindî nacácatcat cailán man

(aní Rizal) ang pagsintá sa kinamulatang lúpà, pagcâ ang pagsintáng

ito'y nacapasoc sa pusò: sapagca't talagang tagláy na niyá ang tatác

n~g Lan~git na siyáng ikinapaguiguing waláng catapusán at pagcawaláng

pagcasírà."--At isinunod pagdaca ang ganitóng m~ga sabi, na anaki ibig

niyang palacsín ang loob at itaimtím sa púsò n~g m~ga táong

pinagtatalaghán n~g casulatang iyón ang pag-íbig sa kinamulatang

lúpà:--"Cailán ma'y casabiháng ang pagsinta ang siyáng lalong

macapangyarihang nag-uudyoc n~g m~ga cagagawang lalong dakilà; cung

gayo'y talastasíng sa lahát n~g m~ga pagsinta, ang sa kinaguisnang

bayan ang siyang nagbun~ga n~g m~ga gawáng lalong malalakí, lalong

m~ga bayani at lalong waláng casíng dalisay. Basahin ninyó ang

Historia" ... Pagcatapos na maisaysay sa iláng pangcát na totoong

mataós at macatwiran ang pananalitâ, upang patotohanang sa buhay na

ito'y pawang madalíng lumípas ang lahát: sinabi naman niyá, ang

nangyayari pag laganap n~g sigáw na _¡ang kinamulatang lupa'y

sumasapan~ganib!_ ang sarisaring pagpapacahirap at paghahayin n~g

buhay na kinacailan~gang gawín.... Datapwa't _¡hindi cailan~gan!

¡Ipinagsangaláng ang nagbigáy búhay; ¡gumanáp n~g isang catungculan!

Si Codro ó si Leónidas,_[18], _ang cahi't sino man, ¡ang kinaguisnang

baya'y matututong sa canyá'y mag-alaala!_

"At parang naguguniguni na niya ang sa kanya'y mangyayari, isinulat ni

Rizal ang ganito: "_Magháyin ang ibá n~g canyáng cabatáan; ibinigay

namán n~g ibá sa sariling bayan ang m~ga ningning n~g canyang mataas

na pag-iísip_ at ang ibá namá'y _nagbúhos n~g canyáng dugo_; namatáy

ang lahàt at nagpamana sa kinaguisnang bayan n~g lubháng malakíng

cayamanan: ang _calayaan_ at ang _caran~galan_. ¿At anó naman ang

guinawâ sa canilá n~g tinubuang lúpà? Tinatan~gisan silá at

_inihaharap n~g boong_ calakhán n~g loob sa sangcataohan; sa panahóng

sasapit at sa canyáng m~ga anác, upang _mapagcunang uliran_".--Si

Rizal ay isang manunulat na sa anyó'y hindî tumutucoy, n~guni't cung

wawarîing magalíng ay lubháng mapagpatungcol n~g sinásalitâ; at cung

ilalim pa ang pagsisiyasat sa lahat n~g canyáng m~ga sinulat, hindî

lamang náaaninag ang canyang tan~ging budhî, cung dî hinuhulàan namán

niyá ang canyáng gágawin at ang sa canyá'y mangyayari. At para manding

tagláy niyá ang isang catungculang sa canyá'y ipinagcatiwalà n~g Dios

upang ganapín sa ibabaw n~g lúpâ, cayá't pagca tiguíb ang calolowa

niya n~g caisipán ni Tolstoi ay nang-aakit siya sa capayapàan, at cung

nag-aalab naman sa canyá ang m~ga mithîin ni Napoleón ay iniuudyóc

namán niyá sa canyáng m~ga cababayan ang pakikibaca, at wináwacasán

n~g ganitóng pananalitâ:

"¡Oh kinaguisnang lúpà!... Mulâ cay Jesucristong puspós n~g ganap na

pagsintá, na naparito sa mundo sa icagagaling n~g sangcataohan, at

_nagpacamatay dahil sa sangcataohang iyan, sa pan~galan n~g cautusan

n~g canyáng tinubuang bayan_, magpahangang sa lálong m~ga hindî

kilaláng nan~gamatáy dahil sa m~ga _revolución_[19] n~g m~ga panahong

ito, gaáno carami, ¡ay! ang m~ga nagcahirap at namatay sa iyong

pan~galang kinamcám n~g m~ga ibá! ¡Gaano carami ang _ipinahámac_ "n~g

pagtataním n~g galit", n~g casakimán ó n~g cahan~galan, na _n~g

nalalagot na ang hinin~ga'y hinandugán ca n~g pagpupuri at sa iyo'y

minithi ang lahát n~g bagay na cagandahang palad_.

Magandá at dakílà n~gâ ang tinubuang lúpà, pagcâ ang canyáng m~ga anác

_sa sigaw n~g pagbabaca ay nan~gagdudumali sa pagsasanggalang, sa

dating lupain n~g caniláng magugulang; mabangis_ at palálò pagca mulà

sa carurucan n~g canyáng trono'y _napapanood na tumatacas ang

tagaibang lúpa sa udyóc n~g malakíng tácot sa pagcakita sa bayáning

hucbó n~g canyáng m~ga anác_, n~guni't _pagca nagpapatayan_ ang

canyáng m~ga anác, palibhasa'y nan~gagcacabahabahagui sa

nagcacalabánlabáng m~ga pulutóng; pagca ipinagwawasacan ang m~ga

halamanan, ang m~ga bayan at ang m~ga ciudad n~g poot at pagtataniman;

pagcacágayo'y sa canyáng cahihiyan ay pinupunit ang balabal at

itinatapon ang cetro at nagdaramit n~g maitim na lucsâ sa canyáng m~ga

anác na namatáy.

Pacasintahín n~ga natin siyá magpacailán man, anó man ang ating

cahinatnan, at howag tayong human~gad n~g ibang bagay cung dî ang

canyang _icágagaling_. Cung magcagayo'y macatutupad tayo n~g alinsunod

sa tacdâ n~g Dios na dapat na cauculan n~g sangcataohan, na dî ibá

cung dî ang cahusayan at capayapaan n~g lahát n~g canyáng m~ga

kinapál.

¡Cayóng páwang nawalán na n~g mithîin ang calolowa; cayóng

nan~gasugatan sa púso't isa-isang nakita ninyóng nanglagas ang m~ga

pag-asang caaliw-aliw, at cawan~gis n~g m~ga cahoy cung panahong

tagguináw, n~gayóng salát cayó sa bulaclác at gayón din sa m~ga dáhon,

at bagá man nais ninyó ang umibig, n~guni't walâ, cayóng másumpong na

sa inyo'y carápatdápat; nariyan ang tinubuang lúpà! ¡Siya'y inyóng

sintahín!

Siya'y inyóng sintahín, ¡oh, siyá n~gâ! datapwa't hindî na cawan~gis

sa pagsintá sa tinubuang lúpà n~g unang panahóng gumáganap n~g m~ga

mababan~gís na pagbabanál, na ipinagbabawal at minámasama n~g tunay at

dalisay na magandáng caugalian at n~g inang Naturaleza[20]; na howag

ipagmagalíng ang malíng sigábo n~g budhî, n~g pagwawasác at n~g

calupitán; hindî, "lálong caayaáyang pagbubucáng liway-wáy ang

sumisilang sa abót n~g tanáw", masasanghayâ at m~ga payapang ilaw, na

súgò n~g buhay at capayapaan; sa cawacasa'y ang liwayway na tunay n~g

cacristianuhan, tagapagbalitang pan~gunahin n~g maliligaya at panátag

na m~ga áraw. Catungculan n~ga natin ang manuntón sa mahirap lacaran,

n~guni't tahimic at mapagbigay pakinabang sa landas n~g Dunong na

patun~go sa "Pagcasulong" at mulà riya'y "sa pagcacaisang mithî at

hinihin~gî ni Jesucristo sa gabí n~g canyang pagcacasákit."

"Gumawa n~g sariling bayan n~g sariling bayan cahi't gaano man ang

maguing cahalagahan ang siyang lalong masilacbóng nais ni Rizal,

n~gunit carapatdapat na sariling bayan...."

At siyang catotohanan ayon sa canyang, m~ga guinawâ.

Hindî nag tagal si "Rizal" sa Barcelona. Sumasa Madrid na siya n~g

unang araw n~g Octubre n~g sinabi n~g taóng 1882. Sabay niyáng

pinag-aralan ang _Medicina_ at saca ang _Filosofía_ at _Letras_.

Natapos ang pag-aaral niya n~g panggagamot at nagtamó siya n~g

títulong Licenciado sa Medicina n~g ica 21 n~g Junio n~g 1884, at n~g

19 n~g Junio n~g 1885, araw n~g capan~ganacan sa canya ay canyang

tinamó namán ang títulong pagca Licenciado sa Filosofía at Letras at

gayon din ang pagca Doctor sa Medicina. Natutuhan ni Rizal ang m~ga

wicang sumusunod: tagalog, castílà, latin, francés, italiano, inglés,

alemán, ruso, japonés, holandés, griego, hebreo, àrabe, sanskrito,

portugués, catalán, sueco at insíc.

Samantalang nag-aaral si Rizal ay pinagmámasid naman niya ang

caugalian at anyô n~g m~ga castílà. Nangaling si Rizal sa isáng bayang

linúluklucan n~g pagbabanalbanalan, n~g dî wastóng m~ga

pananampalataya, n~g m~ga paggugol n~g salapî upang yumaman at

macagumon sa lugód at layaw ang m~ga walang ibang gawâ cung dî ang

mangdayà sa m~ga han~gal ...; galing si Rizal sa isang bayang sa

calolwa't catawan ay may walang hangang capangyarihan ang m~ga fraile,

militar, empleado at castílà. Sa Madrid ay nakita niyáng hindî gayón:

linílibac n~g m~ga _librepensador_[21] at n~g m~ga _aleo_[22] n~g

boong calayàan ang canilang religióng católica apostólica romana at

ang canilang iglesia católica-apostólica romana; námasid niyáng maliit

na totoo ang capanyarihan doon n~g Gobierno; hindî niya napanood ang

acala niyang mangyayáring pagtatálotalo n~g m~ga "liberal"[23] at n~g

m~ga "clerical"[24]; bagcos pa n~ga niyang nákitang madalás na

naglalámbal at nagcacáisa ang m~ga "republicano"[25] at ang m~ga

"carlista"[26] upang canilang masunduan ang anó mang ninanais.

Nagdamdam si Rizal n~g malaking sacláp n~g loob n~g canyang

pagsumaguin ang walang hadlang na anó mang pagtatamasa n~g m~ga

calayàan sa España, at ang capanyarihang calakilakihan n~g m~ga fraile

sa Filipinas, na siyang bumíbigti sa lahing cáymangui. Pinagpilitan

niyang makilala ang anyô n~g m~ga iba't ibang "partido político"[27]

sa España at napag-unawa niyang hindî carapatdapat purihin ang m~ga

europeo tungcól sa bagay na ito. Nakita niyang ang bawa't partido, ang

lahat n~g partido ay may magaganda at cainam-inamang m~ga

palatuntunan; datapwa't nahiwatigan niyáng baga man may

man~gisan~gisang nagpapagal sa udyok n~g lalong wagás at dalisay na

han~gád, n~guni't hálos ang lahat ay walang pinagsisicapan cung dî ang

saríling cagalin~gan. Samantalang hindî pa nan~gapapahalál sa matataas

na catungculang minimithî, totoong sinusuyò ang m~ga táong

manghahalál, at sa canila'y ipinan~gan~gacò ang lubhang maraming

bagay, at cung macamtan na ang han~gád ay hindî guinaganap ang

pan~gacò at linilimot na tikís ang m~ga naghalal sa canila. Marami sa

m~ga manghahalal na ibinibigay ang caniláng voto, hindi sa táong tunay

na may carapatán, cung dî sa nakiusap sa canila n~g hindî nilá

mahiyáng canilang pinapan~ginoon; na hindî ang tunay na may m~ga

nagawang cagalin~gan n~g isang táo sa bayan ang canilang tinitingnan,

cung dî cung ang taong iya'y mainam magsasalitâ, marikít magtalumpatì,

magalíng sumúyo ó nacagaganting pálà n~g salapî ó iba pang

pagbibiyayâ; na ang siyam na po't siyam sa sandaang europeo'y

naniniwalà sa m~ga sinasabi sa canilá n~g m~ga pamahayagan, na hindî

man lamang sinisiyasat cung yao'y totoo ó hindî, cung na sa catwiran ó

walâ sa catowiran; sa isáng salitâ: nakita niyáng cawan~gis din n~g

m~ga táong báyan dito ang m~ga táong báyan doón.

Walang anó mang inilathalà si Rizal na anó mang casulatan, mula n~g

canyang lihamin n~g 1882 ang "El Amor Patrio," hangang sa taong 1884,

datapowa't hindî siya naglilicat n~g pakikipagsulatan sa canyang m~ga

cababayan, lalonglalò na sa m~ga nag-aaral, at ang m~ga sulat niya'y

binabasa n~g lahat n~g boong pag-ibig at pangguiguilalás, dahil sa

canyang bayaning pagbibigáy ulirán sa pagsintá sa tinubuang lúpá.

Nang 25 n~g Junio n~g taóng 1884 ay nagtalumpatì si Rizal sa isang

piguíng na guinawa sa Madrid, sa pagpapaunlác cay guinoong Juan Luna,

bantóg na pintor ilocano, dahil sa pagtatamó n~g pan~gulong "premio"

sa "Exposición" n~g canyang balitang "cuadro," na ang pamagat ay

"Spoliarium", at cay guinoong Felix Resurreccion Hidalgo, na taga

Filipinas din, at mabuti rin namang pintor. Guinawâ ang piguíng na

iyón sa Restaurant Inglés, pinasimulán n~g icasiyam na oras n~g gabî

at may m~ga anim na pong táo ang nagsalosalo. Nan~gulo sa

mesa--alinsnnod sa sabi n~g "El Imparcial", sa Madrid, n~g ica 26 n~g

Junio n~g 1881--si pintor Luna; nan~gagsiupô sa dacong canan niya si

na señor Labra, Correa, Nin y Tudó at sa caliwa niya'y si na señor

Moret, Aguilera at Mellado (D. Andrés). Nan~gagsiupô rin doon si na

señor Morayta, Regidor, Azcárraga (D. Manuel de), Araus, Fernández

Bremón, Paterno (Alejandro, Antonio at Máximo,) Vigil, del Val, Moya,

Cárdenas, Govantes, Rico, Gutiérrez, Abascal, Ansorena, García-Gómez,

López Jaena, Más (pintor valenciano), Fernández Labrador (cubano),

Rodriguez Correa at iba't iba pang maraming pintor, literato at

periodista.

Nagtindig si Rizal at siya ang náunang nanalitâ; minamasdan siyá n~g

lahát; sa caymanguing mukhâ niya'y umaalab ang nin~gas n~g masilacbóng

pagsinta sa tinubuang lúpà, at sacâ nagsaysay siyá n~g isáng

talumpating hindî mapagwari cung alin ang lalong maganda: cung ang

cahan~gahan~gang pagsintá sa tinubuang lupang numiningning sa

talumpating iyón, ó ang cagandagandahang pagcacaanyô-anyô n~g m~ga

salitâ. Pagsisicapan cong isatagalog ang talumpating iyón; bagaman

talastás cong dukhâ ang aking panític at cúlang ang wica natin sa

casaganaan n~g wicang castilàng guinamit ni Rizal sa gayóng

pananalitâ: n~guni't mamalakhín co na cung maipakilala sa bumabasang

irog ang cahi't culabóng anino n~g masilacbo't caligaligayang

pananalitâ n~g ating capatid na Martir sa Bagumbayan. Pasisimulan co:

"Mañga guinoo: Sa paggamit n~g pananalita'y hindî nacapag-aalinlan~gan

sa akin ang tacot na bacâ pakingán ninyo acó n~g boong pag-wawaláng

bahálà; naparito cayó't n~g inyóng ipanig sa sigabo n~g aming mithî

ang simbuyó n~g mithî ninyóng panghicayat sa cabatáan, cayâ n~ga't

waláng salang cayo'y matututong magpaumanhín. M~ga panghalinang simoy

n~g pag-iibigan ang siyáng lumalaganap sa aláng-álang; m~ga ágos n~g

pagcacapatiran ang siyang lumílipad na nagcacasalusalubong; m~ga

calolowang masintahin ang nakíkínig, at dahil dito'y hindî acó

nag-aalap-ap sa aking abáng cataohan at hindî namán acó nag-aalap-ap

sa cagandahan n~g inyong loob. Palibhasa'y m~ga táo cayóng may púsò,

walâ cayóng hinahanap cung dî m~ga púsò rin, at buhat sa caitaasang

iyang pinamamahayan n~g m~ga damdaming mahál, hindî ninyo hinahálatâ

ang m~ga walang cabuluháng pan~git na budhî; nalalaganapan n~g inyong

titig ang cabooan; pinasisiyahan niyá ang naguiguing dahil at

inilalatag ninyó ang camáy sa cawan~gis cong nagnanasang makipanig sa

inyó sa isá lamang adhicâ, sa isa lamang mithî: ang dan~gál n~g

dakílang ísip, ang ningning n~g tinubuang lúpà. ("Magaling, totoong

magaling; pacpacan.")

"Ito n~ga ang cadahilanan cayâ cayó'y nan~gagcacapisan n~gayón. May

m~ga pan~galan sa historia n~g m~ga bayang sila lamang ay

nagpapakilala na n~g isáng nangyari at nagpapaalaala n~g m~ga

pagguiguiliwan at n~g m~ga cadakilaan; m~ga pan~galang wan~gis sa

isáng cababalagháng hiwágà na nagháharap sa ating m~ga matá n~g m~ga

caisipáng caayaaya at caaliw-aliw; m~ga pan~galang ang kinaoowia'y

isang pagcacásundô, isang saguísag n~g capayapâan, isáng tálì n~g

pagsisintáhan n~g m~ga nación. Nauucol sa m~ga ganitó ang m~ga

pan~galan ni Luna at ni Hidalgo: nililiwanagan n~g caniláng m~ga

caran~galan ang dalawáng dúlo n~g daigdig: ang Casilan~ganan at ang

Calunuran: ang España at Filipinas. Sa pagsasalitâ co n~g dalawáng

pan~galang ito'y nakikinikinitá co ang dalawang nagníningning na

balantóc na nagmumula capowa sa magcabicábilang dacong iyon at

nagcacalicaw, pagdating sa caitaasan, sa udyóc n~g pagguiguiliwán n~g

iisáng pinangalin~gan, at buhat sa caitaasang iya'y papapag-isahín ang

"dalawang bayan" sa pamamag-itan n~g walang catapusáng pagcacáisa,

"dalawang bayang "magcacambal cahi't papaghiwalayin n~g m~ga dagat at

n~g calayuan; "dalawang báyang" hindî sibulán nang "m~ga binhî n~g

paghihiwalay na itinatanim n~g m~ga nabubulagang tao at n~g caniláng

calupitán." Capowa capurihán si Luna't si Hidalgo n~g España't n~g

Filipinas; sa pagcá't cung ipinan~ganác man silá sa Filipinas ay

mangyayari rin namáng maipan~ganác sa España. Waláng sariling bayan

ang cataasan n~g ísip; ang cataasan n~g isip ay tulad sa ilaw, sa

han~gin; pag-aari n~g lahát; walang sariling bayang gaya n~g

alang-alang, gaya n~g buhay at gaya n~g Dios. "(M~ga pacpacan)"

"Lumilipas na sa Filipinas ang matatandang caugalian; ang maririn~gal

na gawa n~g canyang m~ga anác ay hindî na nangyayari lamang sa loob

n~g sariling bahay; iniiwan na n~g paróparóng silan~gan ang sariling

bahay; sa m~ga lupaing yao'y ipinakikilala na ang paguumaga n~g isáng

mahabang araw, sa pamamag-itan n~g maniningning na cúlay at

namumulamulang pagbubucang liwayway, at ang láhing iyóng nagugulaylay

sa boong gabí n~g historia, samantalang lumiliuanag ang araw sa ibá't

ibáng lupaín, mulî n~gayóng gumiguising na kumíkinig sa untóg n~g

electricidad na sa canyá'y gumibíc sa pakikipanayám sa m~ga bayang

calunuran, at "hinihin~gî ang ilaw, ang buhay ang civilizacióng" n~g

una'y caniláng minana na pinapagtibay ang waláng catapusáng m~ga lagdâ

n~g hindî naglilicat na pag-gulong n~g panahón, n~g m~ga pagcacáiba't

iba, n~g di nagmamaliw na paghahalihali, n~g pagsúlong."

"Ito'y nalalaman ninyóng magalíng at ipinagdádan~gal na ninyó; cayó

ang may gawâ n~g cagandahan n~g m~ga brillante n~g coronang taglay sa

ulo n~g Filipinas; ang Filipinas ang nagbigay n~g m~ga bató, ang

Europa ang kumikil at n~g numingníng. At pinanonood nating lahát n~g

boong pagdiriwáng; cayo'y ang inyong yárì; cami'y ang nin~gas, ang

lacás, ang m~ga batóng aming bigay. "(Mainam na totoo.)"

"Ininóm nilá roón ang calugodlugod na talinghágà n~g Naturaleza;

Naturalezang dakílà at cakilakilabot sa canyang pagwawasác, sa canyang

paglacad na waláng humpáy, sa canyang hindî mapaglírip na lacás.

Naturalezang matimyás, payápà at malungcot sa canyang m~ga pagsasaysay

na hindî naglílicat at hindî nagbabago; inililimbag n~g Naturalezang

ito ang canyáng tatác sa lahát n~g canyáng linalalang at ibinun~ga.

Tagláy n~g canyáng m~ga anác ang tatac na iyán saán man silá pumaroón.

Cung hindî pacasiyasatin ninyó ang caniláng m~ga ásal, ang caniláng

m~ga gawâ, at cahi't babahagyâ man ang pagcakilala ninyó sa báyang

iyón, makikita ninyóng na sa lahát na parang siyang bumubuò n~g

canyáng dúnong, gaya n~g calolowang siyang namamatnugot sa lahát,

cawan~gis n~g nagpapagaláw sa isáng máquina, túlad sa anyóng pan~gúlo,

caparis n~g unang cagamitán. Hindî mangyayaring hindî sumilang ang

talagang canyang dinaramdam, hindî mangyayaring siya'y maguing isáng

bágay at ibáng bágay ang gawín; sa dacong ibabaw cung bagá man

nagcacáiba, malicmátà lámang. Sa "Spoliarium", sa licuran n~g

pinturang iyang hindî pipí ay naririn~gig ang caguluhan n~g maraming

tao, ang sigawan n~g m~ga alipin, ang taguintin~gan n~g m~ga baluti't

sandata n~g m~ga bangcáy, ang hagulhulan n~g pan~gun~gulila, ang m~ga

híguing n~g dalan~gin, na napagwawari ang anyô at catotohanang tulad

sa pagcarin~gíg sa dagundóng n~g culóg sa guitnâ n~g malacás na in~gay

n~g malaking agos n~g tubig na bumabagsác mulâ sa mataas, ó ang

pan~gin~giníg na nacalalaguim at cagulatgulat n~g lindól. Ang

Naturalezang namamaguitnà sa pagcacaroon n~g m~ga bagay na iyon ay

siya ríng namamaguitnà sa pincel na lumálagdâ n~g pintura. Bilang

capalít nito'y tumítiboc sa cuadro ni Hidalgo ang isang totoong

dalisay, pagpapakilalang lubós n~g calungcutan, n~g cagandahan at

cahinaang pawang ipinahamac n~g maban~gís na lacás; at gayón,

palibhasa'y inianác si Hidalgo sa silong n~g maningning na azúl n~g

lan~git sa Filipinas, sa pagpapalayaw n~g mahinhing hihip n~g amihang

galing sa m~ga caragatan doon, sa guitnâ n~g catahimican n~g doo'y

m~ga dagatan, sa hiwagang caaliw-aliw n~g canyang m~ga capatagang lúpà

at carikitdikitang pagcacaayos n~g canyang m~ga bundóc at n~g m~ga

bundóc na nagcacatanitanicalâ.

"Cayâ na cay Luna ang m~ga lilim, ang m~ga pagcacalabánlaban, ang m~ga

naghihin~galong liwanag, ang talinghágà at ang cakilakilabot, bílang

alin~gawn~gáw n~g madidilím na sigwá sa lupaíng mainit, n~g m~ga

kidlát at n~g mauugong na pagbugá n~g canyáng m~ga volcán; cayâ cay

Hidalgo'y pawang liwanag, m~ga culay, pagcacabagay-bagay, damdamin,

aliwalas, cawan~gis n~g Filipinas sa m~ga gabíng may bwan, sa canyáng

m~ga araw na tahimic, sa m~ga naaabot doon n~g tanáw, na pawang

umaakit sa pagdidilidili at doo'y iníuugoy ang waláng catapusán. At

ang dalawá, cahi't lubháng nagcacáiba, sa anyô man lamang, ay

nagcacáisa cung ganáp na lilinin~gin; cawan~gis namán n~g pagcacaisá

n~g ating m~ga púsong lahát, bagá man totoong nan~gagcacáiba: ang

dalawáng itó, sa caniláng pagpapaaninaw, sa pamamag-itan n~g caniláng

"paleta," n~g carikitdikitang sicat n~g araw n~g trópico[28],

guinágawâ niláng m~ga sínag n~g dî maulátang capurihang canilang

inililiguid sa canilang sariling bayan; _isinasaysay n~g dalawa ang

tunay na calagayan n~g aming buhay sa pagsasamahan, sa asal na

guinagamit at sa natutungcol sa pamamahala n~g calacarán n~g bayan_;

ang cataohang pinapagtitiis n~g mabibigat na dalahin; ang cataohang

hindi natutubos, _ang catowiran at ang mithing nakikitungáli n~g

mahigpit sa m~ga di_ "wastong caisipán," _sa maling pananampalataya at

sa m~ga licong cagagawán_, "sa pagca't ang m~ga damdamin at ang m~ga

pasiya ay nacapaglalag-os sa lálong macacapal na cuta"; sa pagca't sa

lahát n~g m~ga hadláng ay may napumumulusán, pawang nan~gan~ganinag,

at cung hindî sila magcapluma, cung dî sila tulun~gan n~g limbagan,

hindî lamang maghahandog n~g panglibang sa panin~gin ang canilang

paleta at m~ga pincel, cung dî naman maguiguing mananalumpating

totoong marikit manalitâ."

Cung itinuturo n~g iná sa canyáng anác ang canyáng sariling wícà at

n~g maunáwà ang canyáng m~ga catowáan, ang canyáng m~ga kinacailan~gan

ó ang canyán~g m~ga pighatî; itinuturò namán n~g España sa Filipinas,

sa canyáng pagcainá ang canyáng sariling wícà; "cahi man

hinahádlan~gan niyáng m~ga bahagyâ na ang abo't n~g panin~gín at

napacapandác ang pag-íisip," na sa canilang malabis na pagsusumicap na

sumapanatag sila sa panahóng casalucuyang tinatawid, ay "_hindi nila

mátanaw ang panahóng darating_ at hindî pinagtitimbangtimbang ang

maguiguing bung~a n~g canilang guinagawâ;" m~ga sisiwang payát,

"masasamáng ásal at m~ga pang-akit sa casamâang ásal", na waláng ibáng

iniimbot cung dî ang inisín ang lahát n~g damdaming dalisay, at sa

caniláng pagpapasamâ n~g púsò n~g m~ga bayan, "ay itinatanim nilá sa

m~ga bayang iyán ang m~ga binhî n~g m~ga pagcacaalit at n~g sa

panahong darating ay anihin ang bun~ga, ang lasong haláman, ang

camatayan bagá n~g m~ga ipan~gán~ganác pang m~ga tao."

"N~guni't ¡limutin natin ang m~ga capan~gitang ásal na iyán!

¡Capayapaan sa m~ga patáy, sapagca't páwang m~ga patáy na n~gâ; hindî

na silá humihin~gâ, at sila'y kinacain na n~g m~ga u-od! ¡Howag nating

tawaguin ang pag-aalaala sa canilá; howag nating dalhin dito sa guitnâ

n~g ating m~ga casayahan ang canilang cabahúan! "Sa cagalin~gang palad

ay lalong marami ang m~ga capatid; ang cagandaha't camahalan n~g loob

ay pawang m~ga catutúbò sa sílong n~g lan~git n~g España: sa bagay na

ito'y cayóng lahát ay m~ga sacsíng maliliwanag." Nangagcaisa cayó sa

pagsagót; nan~gagsitulong cayó, at gumawâ cayó marahil n~g lalong

malakí cung mayroon pa sana cayong magagawâ. Umupô cayó sa

pakikisalamúhà sa aming pagsasalosalo, at sa inyòng pagbìbigay unlac

sa maririlag na m~ga anác n~g Filipinas ay pinauunlacan namán ninyo

ang España; sapagca't lubos na talastas ninyóng lahat, na hindî ang

dagat Atlántico ang hanggahan n~g España; hindî rin namán ang dagat

Cantábrico at ang dagat Mediterráneo--casirâang dan~gal n~gang tunay

cung macahadláng ang tubig sa canyáng cadakilâan, sa canyáng

isipan.--Narorooon ang España cung saan ipinararamdam ang canyáng

pangpaguinhawang akit, at cahi't maalís man sacálì ang canyáng

bandera, matitira rin ang sa canya'y pag-aalaalang hindî matatapos,

hindî magmamaliw, ANO ANG MAGAGAWA NG CAPIRASONG DAMIT NA MAPULÁ AT

MARILAW; ANONG MAGAGAWA NG MGA FUSIL AT NG MGA CAÑON SA BAYANG HINDI

SIBULAN NG PAGSINTA AT PAGGUILIW; SA BAYANG HINDI NANGAGCACAYACAP ANG

MGA MITHI, HINDI NANGAGCACAISA ANG PALATUNTUNAN NG ADHICA, HINDI

NANGAGCACASANG-AYON ANG MGA PASIYA NG ISIP..? (Mahabang m~ga

pacpacan.)

Si Luna't si Hidalgo'y tunay n~gang inyó at tunay rin namang amin;

sila'y inyóng sinisinta, at sa canila'y napapanood namin ang

magagandang m~ga pag-asa, m~ga mahahalagang ulirán. Ang m~ga cabataang

filipinong na sa Europa, na cailan may masigabo ang loob, at ilán pang

m~ga taong nananatili ang m~ga púsò sa pagcabátà, palibhasa'y laguing

gumagawâ n~g m~ga cagalin~gang dalisay sa udyóc n~g canilang malilinis

na budhî, nan~gaghandog cay Luna n~g isáng corona, mahinhing alay,

tunay n~gang maliit cung isusumag sa maalab naming nais, n~guni't

siyáng lalong cúsà at siya namang lalong maláyà sa lahát n~g pag-aalay

na guinawâ hanga n~gayón.

Datapwa't hindî pa nasisiyahan ang Filipinas n~g pagkilalang utang na

loob sa canyáng maririlág na m~ga anác, at sa pagcaibig niyáng

maipakilalang ganáp ang m~ga caisipang umuulic sa canyáng budhî, ang

m~ga damdaming sa puso'y umaawas, at ang m~ga salitáng tumatacas sa

m~ga lábì, naparito tayong lahát sa piguìng na itó upang papag-isahin

ang ating hán~gad, upang bigyang catuparan ang pagyayacapang iyán n~g

DALAWANG LAHING nan~gagsisintahan at nan~gagiibigan, na

nan~gagcacaisang may apat na raang taon na sa caasalan, sa

pagpapanayam, at sa pamamayan, UPANG MANGYARING SA PANAHONG DARATING

NA ANG DALAWANG LAHING IYA'Y MAGUING ISA LAMANG NACION SA BUDHI, sa

canícanilang m~ga catungculan, sa canicanilang pitháyà, sa

canicanilang m~ga taglay na biyáyà. (Pacpacan.)

Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal · 第 1 / 12 段