UKOL SA BILANG NA DALAWÁ Ó MARAMI

G. ¿Pano ang paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami ng̃ mg̃a salitâng

pangturing?

N. Kung mg̃a salitâng dalisay ó ugát ay pinang̃ung̃unahan ng̃ _mg̃a_

na siyáng ginágamit sa ganitóng bagay, hal.: pang̃it na tao, tamád

na lalaki, kung sa íisá, at kung sa dalawá ó marami’y ginagawâng

mg̃a pang̃it na tao, mg̃a tamád na lalaki.

Kung mg̃a salitâng mayhalò na nagbuhat sa _ma_ ay inúulit lamang ang

unang pantíg ng̃ ugát, hal.: malakíng aklát, mahabàng talumpatì,

magandáng dalaga kung sa íisá, at nagigíng malalakíng aklát,

mahahabàng talumpatì, mg̃a magagandáng dalaga kung sa dalawá ó

marami.[12] Ng̃unì’t kung ang salitâng pangdiwà ay siyáng náuuná kay

sa pangturing ay dapat lagyán ng̃ _mg̃a_ at itó’y kailang̃ang iuná

sa pangdiwà at ulitin ang unang pantíg ng̃ salitâng ugát, hal.: mg̃a

talumpatìng mahahabà, mg̃a dalagang magagandá.

G. Kung sa isáng kaisipán ay nagkakasamasama ang mg̃a salitâng

pangturing, ¿paano ang dapat gawín?

N. Sakalìng ang náuuná’y ang salitâng pangdiwà kay sa mg̃a pangturing,

doón dapat iuná ang _mg̃a_ at sa mg̃a itó (pangturing) ay dî dapat

lagyán ang bawà’t isá ng̃ _mg̃a_ kundî ulitin ang unang pantíg

ng̃ bawà’t ugát, hal.: Sa Sangtinakpá’y may mg̃a bayang malalakí,

madadakilà, magigitíng at mararang̃ál. Kung ang náuuná namá’y ang

isáng salitâng pangturing kay sa pangdiwà ay dapat iuná roón ang

_mg̃a_ at ang mg̃a kasamahán niyá’y dapat ulitin ang mg̃a unang

pantíg ng̃ ugát, hal.: Sa Sangsinukob ay may mg̃a masasamâng tao,

manglulupig, manggagagá at mamámatay sa kapuwà tao. Dapat alamíng

ang hulíng paraáng itó’y hindî lubhâng gamitin dî paris ng̃ una.

Balarilang Tagalog · 第 67 / 396 题