Maghulog ca nang timbang pisong pulot sa isang tagayang _suerong

_malinao nang gatas nang _cambing, ó baca, _ó _tupa._

=NÚMERO 18.=

Ang timbang anim na saicapat nang maputing sabóng castila (jabón), ang

timbang saicaualo nang _extracto nang chicoria_ (dilang usa) ó

_tagulinao, _at cun mayroong _goma armoniaco _ang timbang saicaualo

noon, sampon nang jarabe nang _culantrillo _ang timbang na iyong

mamagalin~gin n~g macagaua ca nang _pildoras, ó pelotillas,_ na ang

timbang n~g baua,t, isa ay tatlong butil na trigo.

_Nota. _Ang pag-gaua nang man~ga _extracto_ doon ituturo co sa número

29.

=NÚMERO 19.=

Maglaga ca nang _rosas na mapula, ó culutan _cun ualang rosas sa isang

tagayang tubig, bago lahucan mo nang timbang dalauang pisong suca at

isang gayon ding pulot; at cun mainit pa ay yaon ang ipagmumumog nang

maysaquit.

_Nota. _Ang ipagmumumog nang nagcacasaquit nang saquit na sinaysay co

sa párrafo 70, ay hindi culutan, cundi m~ga talbos nang _sambong _ang

ilalaga sa isang tagayang tubig, bago lag-yan nang timbang dalauang

pisong pulot.

=NÚMERO 20.=

Ang timbang pisong _pasalitre,_ gagauing labing anim na bahagui; ang

isang bahagui, _ó_ ang timbang saicaualo ay isang inom.

=NÚMERO 21.=

Ang timbang saicaualong _jalapa_ at ang timbang saicaualong _crémor_

ay babayuhi,t, hahaluin mong maigui capoua, bago ihulog mo sa isang

tazang tubig na mainit-init, na pinaglagaan nang timbang saicaualong

_hojas de sen_. Itong purga,i, caiguihan sa malacas na tauo. Datapoua

cun mahina ang maysaquit ó cun bata pa siya,i, binabauasan ang timbang

nang purga, at ibinabagay sa caniyang edad at sa caniyang calagayan.

Cun baga napacatapang ang purga, at ang maysaquit ay lungmulubha

dahilan doon, ay gagamutin ayon sa turo sa párrafo 445.

Cun baga sungmasaquit ang tiyan, nang mapurga siya, at hindi

nag-iilaguin, ay sumpitin nang tubig na mainit-init na pinaglagaan

nang culutan.

Ang isa pang tandaan nang mangagamot, na hindi sucat tapan~gan

pagcaraca ang purga doon sa bagong pinupurgang tauo, sapagca hindi pa

na-aalaman ang nacacayanan nang caniyang catauan.

_Nota. 1._ Cun ualang mapagquitaan nang man~ga bilin sa itaas, itong

ibang man~ga sasabihin co n~gayon ay siya ang gagamitin, sapagca

totoong igui naman, at ang isa pa,i, dito rin sa lupang ito

naquiquita. Datapoua houag mong isasangcap sa purga ang hindi tuyong

tuyong damo, sapagca cun sariua,i, hindi natatalastas ang cabagsican.

Cun icao,i, masipag sipag na tauo, ay dapat mong itanim sa iyong bahay

ang man~ga cailan~gan sa purga, nang houag cang maliuagan nang

paghanap cun talagang gagamitin. Ang purgang gagauin mo ay gayon:

Pagca gabi ay mag-init ca nang dalauang tazang tubig sa munting palioc

na may taquip. Pagtalagang cuculo na,i, ihulog mo roon ang timbang

cahating dahon nang _acapulco,_ na iyong gagayatin muna, at tuloy

pacuculuin mo nang sumangdaling oras calauon. Saca babauasan mo ang

apoy, at bayaan mo roon ang palioc na may taquip sa mahinang mahinang

apoy nang dalauang oras calauon, at hangan sa maighan nang calahati

nang tubig, bago ahunin mo, at houag mong quiquiboing magdamag.

Quinabucasan nang umaga,i, salain mo, sa damit, at pigain nang

malacas, at cun ibig mo,i, doonan nang caunting azúcar. Initin mong

tuloy sa apoy itong tubig nang _acapulco,_ at pag mainit-init na,i,

hulugan mo nang timbang saicapat na san~ga nang _bulacan sa Cebú,_ na

didicdiquin mo nang pinong pino, at siya ang ipaiinom sa maysaquit.

Ang ugat nang _bulacan_ caalam-alam ay matapang pa sa san~ga; n~guni

hindi co pa inaatong guinagaua. Tandaan nang mangagamot, na hindi

sucat gamitin ang _bulacan sa tagalog_ cundi ang sa Cebú na may

dalauang manchang munting morado sa dulong itaas nang tangcay nang

dahon. Ang man~ga bulaclac naman ay nag-iisa isa sa pinacaquiliquili

nang dahon. Ang bot-o nang bun~ga,i, apat. Ang bulacan sa Cebú

maquiquita sa Maynila at sa Batan~gan.

_Nota 2._ Ang purgang guinagamit nang ibang man~ga tauo,i, ang dalaua

ó tatlong dahon na ganga dahon nang yerbabuena calaqui, nang

pinan~gan~ganlang _salago,_ na yao,i, canilang isinasama sa _hicho_ at

n~ginan~gan~ga. Datapoua ang ibang tauo,i, naiibay noon. Caya

malaquing galing dito ang turo co sa itaas nota 1.

=NÚMERO 22.=

Ang timbang tatlong salaping ugat nang china (obat) na gagayatin muna,

sampon nang timbang dalauang saicapat balat nang _cayutana_ ay bubusan

sa palioc nang apat na tagayang tubig na mainit. Saca pinacuculo nang

isang oras calauon sa apoy na mahina hina, bago salain. Maiinom ang

dalauang tagayang maghapon. Itatapon ang unang lagang tubig.

_Nota._ Cun hindi nacagagaling sa maysaquit ang obat ay atuhin ang

catauan nang _macabuhay_ na mapait timbang cahati. Cun ualang

_cayutana,i,_ naari ang dahon nang _saga_ na ang timbang ay isang

salapi.

=NÚMERO 23.=

Ang timbang piso nang laman nang bun~ga nang _sampaloc_ (tamarindo)

pati nang timbang saicaualong _salitre,_ pinacuculo muna capoua sa

isang tazang tubig, bago samahan nang timbang dalauang pisong _maná_

at salain.

_Nota._ Cun hindi macabili ang maysaquit nitong m~ga bagay na ito,i,

ang turo sa nota n~g número 11, yaon ang gauin; at cun ualang _hojas

de sen_ ang timbang cahating dahon nang acapulco na patutuyoin muna sa

arao ay magaling din; datapoua pag napainom ang maysaquit nitong m~ga

bilin dito sa nota, ay cailan~gang painumin pa n~g tubig na

pinaglagaan n~g culutan.

=NÚMERO 24.=

Ang timbang pisong _crémor,_ gagauing ualong bahagui; ang isang

bahagui isang inom.

_Nota._ Ang crémor ay na-aaring ipainom sa babaying buntis, pati sa

nan~ganac, cun macalalo na ang isang arao n~g caniyang pan~gan~ganac,

at bucod dito cun totoong cailan~gang gamutin cun baga malaqui ang

caniyang saquit.

=NÚMERO 25.=

Ang timbang isang butil na palay nang _kermes mineral,_ na bibilhin sa

botica. Itong gamot na ito,i, totoong tapang. Caya hindi sucat ibigay

sa man~ga mahihinang tauo.

=NÚMERO 26.=

Ang timbang pisong ugat nang _contrayerba (dusu,_ ó _dusug,_ ó

_guisol)_ at ang timbang saicaualong _salitre,_ ay lutuin nang

halagang calahating oras sa tatlong tagayang tubig bago salain.

=NÚMERO 27.=

Ang calahating dacot nang baua,t, isang damo, na aquing sinabi na sa

número 9, at ang timbang isang salaping _sabón_ sa castila, na

cacayurin muna nang sundang, ay ibababad sa dalauang tagayang tubig na

mainit na may casamang alac sa misa, ga isang taza carami. Saca

sinasala sa sinamay at pinipiga nang malacas.

_Nota._ Cun ang jabón sa castila,i, hindi maputi, hindi sucat

gamitin; ang jabóng mapula ó ang may iba,t, ibang color ay masama.

=NÚMERO 28.=

Ang timbang pisong _mercurio_ ó _azogueng_ malinis na ualang calahoc,

pati nang timbang dalauang pisong _manticang _bago nang _baboy,

_sampon nang timbang saicaualong trementina de Venecia. Itong tatlong

bagay babayuhin nang babayuhin nang mahabang panahon hangan sa maguing

ungüento, at hangan di maaninao muntiman ang mercurio.

_Nota. _Itong gamot na ito ay bibilhin sa botica. N~guni sapagca cun

minsan, ualang masugo sa botica, ay marali itong isang ungüento na isa

rin ang cabagsican. Ang timbang pisong _mercurio ó azogue,_ at ang

timbang tatlong salaping manticang bago nang baboy, sampon nang

timbang isang salaping _sebo _nang _baca ó tupa, ó_ sa _calabao _man,

bayuhing maigui hangan sa di maaninao ang mercurio. Itong isang

ungüento,i, magagaua mo sa bahay, cun icao mayroon nang in~gat na

mercurio, na yao,i, mura cun bilhin sa botica.

=NÚMERO 29.=

Cun gagaua ca nang _extracto_ nang anomang damo, ó balat nang cahoy,

etc. ay gayon ang paraan: Yaong damong yaon, ó ang balat nang cahoy na

cucunan nang _extracto_ (ang balat nang _dita_ sa halimbaua) lulutuin

mo sa palioc sa tubig, bago han~guin doon ang balat, capag naluto nang

maigui. Saca huhulugan mo uli yaong ding tubig nang ibang balat nang

_dita_ rin, na lulutuin para noong una. Hahan~guin mo naman itong

ibang balat, at iba pa ang iyong lulutuin doon din sa dating tubig

Saca pababayaan mo sa mahinang apoy ang palioc, hangan sa maiga ang

lahat na tubig. Pagca yari na yaon, at malamig na ang palioc, ay iyong

alisin ang natira sa ilalim, at itago mo sa botellang may taquip na

daluro, sapagca yaon ang _extracto._

_Nota._ Cun baga ang iyong cucunan nang _extracto_ ay damong malata,t,

matubig ay bayuhin mo muna,t, pigain, at ang gata noon ay isama mo sa

tubig, at lutuin sa palioc sa mahinang apoy, hangan maiga ang tubig

para nang uica cong una.

=NÚMERO 30.=

Cun gagaua ca nang pinan~gan~ganlang _piedra de culebra,_ ay ang isang

sun~gay nang _usa_ idoon mo sa horno nang tinapay, hangan sa masunog

at umitim; at cun yao,i, napuputol na nang camay, magaling ang

pagcasunog. Cun ibig mo naman, ay tabunan mo nang maraming ipa nang

palay ang sun~gay nang _usa,_ at pagca namatay ang apoy at malamig na

ang lahat, alisin mo ang sun~gay, at iyong basaguin. Saca gagauin mong

man~ga caputol na mumunting ganga saicapat ó cahati calaqui, na

quiquiquilin mo, ó papaguihin mo, nang pumantay ang isang muc-ha, at

nang luminis at magca hichura.

=NÚMERO 31.=

Ang timbang saicaualong ugat nang _contrayerba_ (dusu ó dusug ó

guisol) at ang timbang labingdalauang butil na palay nang _ingo_

(asafétida) sampon nang ualo capatac nang gata nang _dayap,_ ay

dicdiquin mong casama nang timbang saicaualong _bulaclac nang alagao_

at caunting _azúcar,_ yaon bagang inaacala mong maniniya, nang maboo

ang lahat na binayo. Itong gamot na ito,i, minsanang lonoquin nang

maysaquit.

=NÚMERO 32.=

Ang timbang dalauang piso nang laman nang bun~ga nang _sampaloc_

ilalahoc sa isang tagayang tubig na cungmuculo pa, at pag malamig

lamig na ang tubig, ay sasalain. Cun ualang bun~ga nang _sampaloc,_

ang isang dacot na malaqui nang man~ga dahon nang cahoy na-aari rin,

cun lutuin sa dalauang tagayang tubig hangan sa maiga ang calahati.

=NÚMERO 33.=

Ang pag-gaua nang pinan~gan~ganlan dito sa Filipinas na _limonada ó

cajelada_ ay gayon: Ang gata nang dalaua ó tatlong dayap isinasama sa

isa ó sa dalauang tagayang tubig, at dinoroonan nang _azúcar_ (ó pulot

man cun ualang azúcar) nang tumamis. Gayon din ang pag-gaua nang

_cajelada;_ dalandan lamang ang gagamitin.

=NÚMERO 34.=

Ang timbang anim na butil na palay nang _tártaro emético _tutunauin sa

sangpouong tazang tubig. Ang maysaquit ay paiinumin muna nang isang

taza lamang; at cun hindi sungmuca siya cun malauon lauon, ay saca

big-yan pa sìya nang isa pang taza, at atuhin cun susuca na caya. Cun

hindi rin sungmusuca, ay isa pang taza ang ibibigay hangan sumuca. Cun

ang maysaquit ay sungmuca nang macaapat ó macalima, ay houag nang

ipainom sa caniya ang ibang tubig na natira. Bucod dito,i, cailan~gang

pacatandaan nang mangagamot, na pag ang maysaquit ay sungmusuca na, ay

capilitang totoo na big-yan nang tubig na malacuco, nang houag

mahirapan siya nang pagsuca; maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang

manzanilla.

_Nota. _Itong pasucang ito,i, bibilhin sa botica datapoua hindi

lubhang bagay sa tagalog. Hindi sucat pasucahin ang lungmulura nang

dugo, ang linuluslusan, ang mahina ang dibdib, ó ang totoong mataba

ang catauan, ang binubusan nang dugo, ang napainom na nang pasuca at

hindi sungmuca, ang babaying pinananaugan n~g bouan, ang buntis, at

ang bagong nacapan~ganac. Yaong man~ga maysaquit na yaon ay magaling

purgahin sa pasucahin.

_Nota._ Cun ualang mapagquitaan nang _tártaro emético,_ na-aari ang

pinan~gan~ganlang _pacupis, ó taboboc, ó salagsalag, ó pocotpocot,_

(coloquíntida, ó pepinillo de san Gregorio.)

Ang timbang ualong butil na trigo, ó palay noong tila _pocot_ nang

damong yaon, ay ibinababad sa apat na tazang tubig hangan sa matapos

ang pagdarasal nang isang _Ama namin,_ at saca itinatapon yaon ding

ibinabad; ang maysaquit ay paiinumin nang isa nang isang taza, at

hindi ipinauubos doong minsanan ang apat na taza, maca hindi

cailan~gan sa caniya ang gayong carami. Ang gaua nang iba,i, sa isa

lamang tazang tubig ibinababad ang _salagsalag;_ saca dalaua nang

dalauang cuchara cun inumin.

Ang mangagamot ay mag-iin~gat sa caniyang bahay noong tila pacot nang

pacupis, nang may magamit, cun mayroong pasusucahing tauo; sapagca

yao,i, totoong galing na pasuca.

_Nota._ Cun baga napacatapang ang pasuca, at ang maysaquit ay

lumulubha dahilan doon, ay gagamutin para nang turo sa párrafo 445.

=NÚMERO 35.=

Ang timbang tatlong pouo at limang butil na trigo nang _ipecacuana ó

bejuquillo,_ ay ilalagay sa calahating tazang tubig, at ipaiinom sa

maysaquit.

_Nota._ Cun ualang _ipecacuana,_ ang ituturo co n~gayo,i, na-aari, at

totoong buti.

Ang balat nang cahoy na pinan~gan~ganlang _iguio_ ó _aguio_ timbang

saicaualo. Ang balat nang _iguio,_ ay ibinibilad muna sa arauan, bago

bayuhing maigui, at paraanin sa sinamay na pino. Itong pasuca,i, bagay

sa lalaquing matanda,t, malacas. Cun uala pang labing ualong taong

edad ang maysaquit, ay binabauasan nang caunti ang saicaualo; at cun

uala pang sangpouong taon, ang timbang calahating saicaualo,i,

babauasan pa mandin nang caunti. Sa batang may tatlong taon sucat na

roon ang sa icalabing-anim na bahagui nang isang saicapat, ó ang

halagang isang cuarta.

_Nota._ Cun baga napacatapang ang pasuca, at ang maysaquit ay

lungmulubha gaua noon, ay gagamutin agad para nang turo sa párrafo

445.

=NÚMERO 36.=

Ang parapit na guinagamit sa castila ay gayon: Ang timbang pisong

_lebadura,i,_ sinasamahan nang caunting _suca,_ sampon nang timbang

isang salaping _cantáridas_ na yao,i, catulad nang lan~gao na malaqui

na pinan~gan~ganlang ban~giao. N~guni ang ugaling gamitin nang man~ga

mangagamot dito sa Filipinas, ay ang bot-o nang _mostaza_ na canilang

binabayo muna bago samahan nang _bauang at asin,_ sampon nang caunting

_tinapay._ Sa man~ga bata, sapagca manipis ang balat, ay sucat na roon

ang _lebadurang_ panis at ang caunting _suca._

_Nota._ Magagaua namang parapit ang dahon nang _zapote prieto,_ ang

ugat nang malungay, ang ugat nang sangdicquit, ang dahon nang

_apoyapoyan,_ ang dagta nang _havili_ at ang iba pa.

=NÚMERO 37.=

Ang dalauang dacot nang talbos nang _ajenjos_ at ang isa pang gayon

nang talbos nang _manzanilla,i,_ ihuhulog sa tatlong tagayang tubig na

cungmuculo pa; saca pinababayaang lumamig bago salain.

=NÚMERO 38.=

Ang timbang saicaualong ruibarbo at ang isang gayon ding _crémor._

=NÚMERO 39.=

Ang timbang tatlong bahaguing _crémor_ at ang timbang saicapat na

_ipecacuana, ó bejuquillo,_ ay hahaluin capoua, at gagauing anim na

bahagui.

_Nota._ Cun ualang _ipecacuana,i,_ magagamit ang balat nang _iguio ó

aguio_ timbang saicapat, na isasama sa tatlong bahaguing _crémor,_ at

gagauing anim na inom. Basahin mo ang aquing sinabi sa número 35, na

bagay sa balat nang _iguio._

=NÚMERO 40.=

Ang timbang tatlo ó apat na pisong tubig nang _apog_ (ayon sa turo sa

número 79) ay sasamahan nang timbang isang salaping tubig na

pinaglagaan nang _quina_ (Dita.)

_Nota._ Sa saquit na lagnat na _sucab,_ ang tubig sa dita sasamahan

nang dalauang cucharang alac sa misa. Hindi casangcapan dito ang tubig

sa apog.

=NÚMERO 41.=

Ang timbang saicaualo nang ugat nang _contrayerba_ (dusu, ó dusog, ó

guisol) at ang ga sangpouo capatac nang gata nang _dayap,_ ay

babayuhin mong casama nang timbang saicaualong bulaclac nang _alagao_

at caunting _azúcar;_ saca bobooin mo ang lahat, at minsanang ipacain

sa maysaquit.

_Nota._ Cun mayroong _alcanfor_ ang timbang sangpouong butil na palay

noon, ay ihahalili sa gata nang _dayap,_ sapagca maigui pa sa roon.

=NÚMERO 42.=

Ang balat nang ugat nang _timban~gan, ó malaube ó timbangtimban~gan_

(aristoloquia) babayuhin nang babayuhin, at sasamahan nang caunting

jarabe nang balat nang _dalandan ó cahel._ Ang timbang calahati noon

ay isang inom. Ito,i, isang _pinaca triaca._

=NÚMERO 43.=

Ang timbang isang salaping _mercuriong_ tunay, at ang timbang isang

salapi ring pulot ay babayuhin capoua, hangan di maaninao ang

mercurio, bago lag-yan pa nang timbang cahating _sabón castila_ at

tinapay. Saca maghuhulog ca pa mandin doon nang timbang pisong

_ruibarbong_ binayo, at caunting _jarabe_ nang _azúcar_ lamang at

tubig, bago yaong lahat na bagay na magcalahoc ay gauin mong man~ga

_píldoras_ ó pelotillas, na ang timbang nang baua,t, isa,i, limang

butil na palay. Cun ibig mo ang matapang pa sa roo,i, damihan mo ang

_mercurio_ hangan maguing piso ang timbang. Ito,i, turo ni Buchan.

_Nota._ Hindi sucat gamitin ang jabón sa castila na hindi maputi.

=NÚMERO 44.=

Ang ungüento sa galis ay gayon ang paggaua: ang isang dacot na malaqui

nang dahon nang _manquit,_ at ang isa pang dacot nang talbos nang

_papaya_ sampon nang isa pa namang dacot nang dahon nang _apaliya,_ ay

lulutuin mong maigui sa calahating gatang na _lan~gis ó lana._ Saca

sasalain at lalag-yan mo nang timbang pisong pagquit, bago isaoli mo

sa apoy, at pagcatunao na ang pagquit ay huhulugan mong mamaya-maya

nang timbang apat na pisong _azufreng binayo._ Itong ungüentong ito,i,

madaling macauala nang galis.

_Nota_ 1. Cun ualang _azufre,_ ang iyong gagauin ay itong isa. Maglaga

ca sa palioc nang dahon nang _limalima ó galamay amo:_ at yaong tubig

na yaon cun malamig na, ay saluquin mo nang tabo, ay iyong ibuhos sa

galis, at pabayaang mabubo, nang houag mong ibuhos uli ang minsang

umanod doon. Ang galis ay bubucal nang malacas; datapoua mauauala, cun

gauin mo yaong ilang arao, ayon sa turo ni Clain.

_Nota._ 2. Ang isang gamot naman, na totoong galing sa galis, ay

gayon: Ang timbang apat na pisong dahon at san~ga nang damong

pinan~gan~ganlang _sangdicquit_ ay ilaga mo nang isang oras calauon sa

apat na botella at calahating tubig, sampon nang timbang apat na piso

rin dahon nang _culutan,_ at siya ang ibabasa mong mainit-init sa

galis, na macalaua maghapon, pag pinurga muna ang maysaquit, at sa

loob nang ilang arao ay mauauala ang galis.

=NÚMERO 45.=

Ang ungüento sa buni gagauin mo nang gayon: Magtunao ca sa cauali nang

_pagquit at sahing,_ at pagca tunao na,i, hulugan mo nang azufreng

binayo.

_Nota._ Magaling din ang _sahing na maputi_ na sinamahan nang pulot.

Itong lahat ay turo ni Clain. N~guni ang ungüentong turo ni Tissot ay

ito. Magtunao ca sa cauali nang timbang pisong pagquit; pagcatunao ay

hulugan mo nang ilang capatac na lan~gis, at yari na ang ungüento. Ang

isang caputol na damit na lienzo,i, ibabad mo dito, at yaon ang

itatapal mo sa buni.

=NÚMERO 46.=

Ang pag-gaua nang pinan~gan~ganlang ungüento _amarillo_ ay gayon:

Magtunao ca sa apoy nang _sahing na maputi, pagquit na dilao, sebo

nang baca, lana at mantica_ na magcasingdami ang lahat. Pagca tunao na

yao,i, hulugan mo nang binayong ugat nang _dilao_ na ang timbang noon

ay ang sa icapouong bahagui nang ibang man~ga bagay. Ito,i, turo ni

Clain.

=NÚMERO 47.=

Ang timbang pisong _sal de sedlitz,_ at ang timbang dalauang pisong

laman n~g bun~ga nang _sampaloc,_ ay ilalaga sa calahating tagayang

tubig; pagca tunao na ang _sampaloc,_ sasalain. Ito,i, dalauang inom,

na ang pag-itan nang isa,t, isa,i, calahating oras.

_Nota._ Cun ualang _sal de sedlitz_ ang _sampaloc_ lamang ang

gagamitin.

=NÚMERO 48.=

Ang ualong pouong patac nang _láudano líquido de Sindenham,_ at ang

timbang limang salaping tubig sa _torongil_ (maliana ó mayana). Itong

gamot ay bibilhin sa botica. Ang isang cuchara,i, isang inom.

_Nota._ Cun baga nauauala ó hungmihina na ang pagsuca nang maysaquit

nang mapainom siya noong minsan ó macalaua, ó macaitlo, ay itahan na

ang pagpapainom noon.

=NÚMERO 49.=

Ang timbang tatlong pisong _maná,_ sampon n~g timbang dalauang puong

butil na palay na _salitre,_ tutunauin sa isang tagayang _suero_ nang

gatas.

=NÚMERO 50.=

Ang paraan nang pag-gaua nang _suero_ nang gatas ay gayon: Ang

dalauang tagayang gatas nang vaca, ó cambing ó tupa, ilagay sa palioc

sa mahinang apoy at huhulugan n~g isa ó dalaua, ó tatlong cucharang

sucang matapang, ó gata nang _dayap_ cun ualang _suca;_ pagca

hungmiualay na ang lalong mabigat, at napailalim, sasalain ang lahat

sa sinamay at yaong tubig na malinao linao, dungmaraan sa sinamay yaon

ang pinan~gan~ganlang _suero._

=NÚMERO 51.=

Ang timbang saicapat na _ruibarbong_ binayo.

=NÚMERO 52.=

Ang timbang pisong _azufreng_ binayo, ang timbang saicapat na _sal

amoniaco_ sampon nang timbang dalauang pisong manticang bago nang

baboy babayuhin maiguing maigui sa babay-an ó sa luzong.

=NÚMERO 53.=

Cun mayroong maysaquit na pasisipsipin nang sin~gao nang mainit na

_tubig ó suca,_ ang casangcapang gagamitin doon sa gauang yaon, ay

gayon: Cun mayroong sisidlang may suso, para nang _ticuan ó charera,_

ay yaon ang maigui sa lahat. Cun uala,i, na-aari ang isang _tabong

cauayan,_ na binubutasan sa taguiliran sa dacong itaas, nang masootan

doon isang caputol na cauayang munti, na munti rin ang butas, na, yaon

ang ipapasoc nang maysaquit sa caniyang bibig, nang macasipsip siya

nang sin~gao nang mainit na tubig na isisilid sa tabo.

Ang tubig ay hindi pina-aabot doon sa butas nang taguiliran, maca

magpatuloy sa bibig nang maysaquit ang mainit na tubig.

Ang tabo,i, tinatacpan naman nang isang sinamay na madalang. Ang

pagsipsip nang mainit na tubig, ay sucat pagpilitang gauin, sapagca

malaqui ang cabagsican noong gamot na yaon, at ang isa pa ay ualang

liuag gauin.

=NÚMERO 54.=

Ang timbang pisong _libao,_ ó nang pinagquiquilan nang _bacal_ na

ualang patalim na inag-ag sa sinamay na masinsin, at ang timbang piso

ring _azúcar,_ sampon nang timbang isang salaping _anís_ na bayong

maigui, ay gagauing dalauang pouo at apat na bahagui; ang isang

bahagui ay minsang lonoquin. Ang maysaquit isang oras bago cumain cun

umaga, cun tanghali, at cun gab-i, binibig-yan nang isang bahagui.

=NÚMERO 55.=

Ang timbang isang salaping pinagquiquilan nang _bacal_ na ualang

calauang; ang isang calahating dacot nang _ruda_ at ang isa namang

calahating dacot nang _matricaria_ (rosas del Japón) sampon nang

timbang cahating _jalapa (bulacan sa Cebú)_ ibabad na maghapon at

magdamag sa isang tagayang _alac_ sa misa, bago salain. Iinomin nang

maysaquit ang calahating tazang mahiguit, isang oras bago cumain cun

umaga, cun tanghali, at cun gab-i.

=NÚMERO 56.=

Ang timbang dalauang pisong pinagquiquilan nang bacal, at ang timbang

isang salaping _rudang_ tuyo, sampon nang timbang isang salapi ring

_anís,_ na binayong maigui, ay isasama sa caunting _pulot_; ang

timbang tatlong bahagui noon ay lolonoquin nang maysaquit maghapon.

Ang timbang saicapat minsang lonoquin.

=NÚMERO 57.=

Ang timbang pisong píldoras nang _extracto_ nang _cicuta_ na bibilhin

sa botica. Ang maysaquit ay pinalolon-oc muna nang timbang tatlong

butil na palay noon; quinabucasan nang umaga, ay binibig-yan nang

timbang tatlong butil; saca arao-arao, cun hindi nacacasama sa caniya

yaong gamot na yao,i, dinaramihan nang caunti, hangan sa siya,i,

macalon-oc nang malaqui sa loob nang isang arao.

_Nota._ Sapagca dito sa Filipinas ualang cicuta, ay magaling gamitin

ang pinan~gan~galang _talampunay_ (metel) sapagca ang uica nang man~ga

marurunong, na totoong galing yaon sa man~ga _cancro._ Caya n~ga

yata,i, maiguing gauin ang isusunod co dito n~gayon: Ang dahon nang

talampunay na maputi, (yaon bagang talampunay na hindi morado)

babayohing maigui, at gagauing pelotillas ó píldoras na malaqui pa sa

balatong (mongo.)

Cun aayao cang tumimbang nang ibibigay sa maysaquit, ang isang

_cahating pilac_ idoon mo sa ibabao nang isang dahon, nang talampunay

at putulin mong palibot. Ang lapad nang isang cahati ay ualong butil

na palay ang timbang.

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit · 第 19 / 21 段