ó sungmusuca nang totoong daming lubha, ó nahihirapan siyang totoo
nang pagsuca, ó nang pag-iilaguin, ó cun siya,i, _nadedesmayo,_ ó
dinaraanan nang _convulsión_ ó pagquinal nang catauan gaua nang pasuca
ó purga, ang magaling ay painumin nang malacucong _tubig ó gatas_ ó
azúcar, ó pulot, ó nang tubig, na pinaglagaan nang _cebada._ Saca
susumpitin nang tubig na may casamang _gatas_ at pula nang _itlog._
Magaling ding tapalan ang maysaquit sa tiyan nang man~ga basahang
babad sa mainit na tubig, na sinamahan nang caunting _triaca._ Cun
napapacarami ang pag-iilaguin nang maysaquit, at hindi siya
nalalagnat, at hindi rin mainit ang pagcaramdam niya, ang isumsumpit
sa caniya na itinuro co sa itaas, ay malalahocan nang caunting
_triaca._ Cun ang maysaquit, ay sungmusuca nang totoong lacas at hindi
siya nag-iilaguin, ay lilimitan ang pagsumpit na may casamang _lana,_
n~guni houag lagyan nang pula nang _itlog._ Maigui namang basain ang
camay at ang paa, pati nang pouit at tiyan nang maysaquit nang tubig
na malacuco.
518. Cun minsan masama sama man ang pagcaramdam nang tauo,i, hindi
cailan~gan siyang purgahin ó pasucahin. Sucat na roon cun minsan ang
siya,i, uminom nang maraming malamig na tubig, at lumiban siya sa
isang pagcain arao-arao, at houag siyang cumain nang man~ga maliliuag
matunao sa sicmura niya.
519. Cun mayroong tauong pasusucahin, ay doon sa man~ga número 34 at
sa 35, maquiquita nang mangagamot ang ugaling pasucang guinagamit sa
man~ga castila, sa macatouid, ang _tártaro emético_ at ang
_ipecacuana._ Ang ibang man~ga pasucang bilin doon sa número 34 at sa
35, ay paraparang magaling din, at ualang liuag. Ang mangagamot ay
macapipili doon nang balang caniyang ibig. Cun mayroong pupurgahing
tauo, ang bilin sa número 21, sa macatouid, ang _jalapa, sen_ at
_crémor_ ay totoong buti. Datapoua cun ang pupurgahin ay babaying
buntis, sucat na roon ang _maná ó cañafistula_ timbang cahati.
Magaling din sa man~ga babaying buntis, cun cailan~gang purgahin ang
timbang sa icaualong ruibarbo na ibababad na magdamag sa isang tazang
tubig, bago inumin nang babayi cun umaga yaon ding tubig na
pinagbabaran noon, na ito,i, gagauing ilang arao. Sa man~ga babaying
nan~ganac ay sucat na roon yaon ding purga nang _maná_ ó _cañafistula_
timbang cahati, cun baga cailan~gang purgahin ayon sa turo sa párrafo
513 at 514, at capag nacalalo na ang isa ó dalauang arao nang caniyang
pan~gan~ganac. Datapoua bago purgahin nang _maná ó cañafistula_ ay
mabuti sumpitin muna nang tubig na pinaglagaan nang culutan na ualang
_asin,_ at cun baga gunmagaling ang caniyang pagcaramdam, ay houag
nang ituloy ang purga. Gayon din ang gaua sa babaying buntis, bago
ituloy ang pagpupurga sa caniya. N~guni ang maiguing isumpit doon ay
ang _sabao_ nang _sisiu_ na ualang asin, ó atoleng canin na sinamahan
nang dalauang pula nang itlog at caunting _azúcar._ Ang casucatang
isumpit doon, touin susumpitin ang babaying buntis ay calahating
tagayan carami; at cun hindi nauauala ang casaman nang caniyang
pagcaramdam, ay purgahin n~g _maná ó cañafistula_ para nang uica co sa
itaas. Ang pasuca ó purgang dapat sa tauong nagcacasaquit nang anomang
bagay na saquit ay doon hahanapin nang mangagamot sa man~ga
capítulong quinasusulatan nang saquit nang may catauan.
520. Ang timbang nang ipinupurga ó ipinasusuca sa tauo, na nabibilin
dito sa librong ito, ay sucat, ó bagay sa lalaquing matanda,t,
malacas; cun hindi naniniya yao,i, mararagdagan pa nang sa icapat ó sa
icatlong bahagui noong timbang na yaon; at cun hindi pa mandin
magcasiya ang gayong carami, ay houag nang daragdagan, macacamatay sa
tauo yaon. Ang gagauin lamang doon pagca binibig-yan nang purga ó
pasuca, at hindi siya nag-iilaguin ó sungmusuca ay painumin nang isang
tazang malacucong tubig, na sinamahan nang asin, timbang tatlong
saicaualo sa anim na tazang tubig, at palacarin siya sa bahay.
521. Ang tauong pupurgahin ó pasusucahin, ay hindi sucat cumain muna
nang marami sa loob nan~g isang arao, cun quinabucasang talagang
bibig-yan siya nang purga ó pasuca; magaling naman ang siya,i, uminom
nang ilan tazang tubig na malacuco doon din sa arao na yaon, bago
magpurga nang quinabucasan. Cun pinainom na nang pasuca ang may
catauan, ay houag siyang iinom muna hangang hindi maramdaman niyang
magsusuca na; at pagca siya,i, sungmusuca na, ay cailan~gang uminom
siyang parati nang malacucong tubig, ó tubig na pinaglagaan nang
caunting _manzanilla._ Ang tauong pinurga, ay mabuting painumin nang
sabao ó nang tubig na malacuco, na may _azúcar_ ó pulot na casama,
hangang siya,i, nag-iilaguin. Masama namang magpahan~gin ó lumabas sa
bahay, cun hindi pa nacacalalo ang isang arao at ang isang gab-i, cun
baga _sampaloc ó cañafístula_ ang ipinurga sa caniya; n~guni cun ibang
bagay ang ipinurga doo,i, houag siyang lumabas sa bahay han~gang di
macaraan ang dalauang arao at ang dalauang gab-i.
522. Cung cailan~gang purgahin, ó pasucahin ang tauo, ay cailan mang
panahon mapupurga ó mapapasuca siya; at hindi sucat bacayan ang arao ó
ang bagong bouan, para nang guinagaua nang man~ga mangagamot na
mangmang, na maraming totoong tauong caauaaua ang inaalsan nila nang
buhay, sapagca hinihintay ang gayong arao nang bouan sa pag-gamot sa
m~ga maysaquit. Cun minsan cun nacalalo ang carampatang panahon, na
gagaling siya sana cun pinurga ó pinasuca, ay hindi na maari ang
siya,i, gumaling, at ang arao pati nang bouan na guinaua nang ating
Pan~ginoong Dios dahilan sa tauo, yao,i, guinagauang paraan nang
man~ga man~gagamot na hunghang, nang pananampalasan sa buhay n~g tauo.
Gayon din cun malaqui ang saquit nang babayi at cailan~gang purgahin,
bagaman siya,i, dinatnan nang sa panahon ay capilitang purgahin.
=CAPÍTULO 89.=
_Casaysayan na nauucol sa pulso nang tauo._
523. Ang pulso nang tauong matanda, na ualang saquit ay tungmitiboc
n~g macaanim na pouo, hangan sa macapitong pouo sa loob nang isang
_minuto._ Ang isang oras mayroong anim na pouong _minuto_. Cun ang
tauo,i, nacalalo na sa anim na pouong taon n~g caniyang edad, ay
dungmadalang dalang sa rati ang pagtiboc n~g pulso niya. Cun ang tauo
ay bata pa, na hindi ungmaabot sa labing ualo, ó dalauang puong taon
nang caniyang edad, ay matulin ó madalas ang pagtiboc nang pulso; ang
sa man~ga sangol lalo pang matulin. Manaa ang isa pang
pinagcacaquilalanan n~g cahusayan ó caguluhan n~g pulso, ayon sa aral
ni _Solano_ na médicong castilang marunong na totoo sa una. Cun mula
sa isang paghin~ga nang tauong ualang saquit at tahimic ang lagay
hangan sa ungmuuli yaong isang paghin~ga, tunmitiboc ang pulso nang
macaapat; ay totoong galing at husay. Ang macalimang tumiboc sa loob
n~g isang boong paghin~ga,i, masama sama na nang caunti. Cun macaanim
tumiboc ay masama na, at may lagnat na malaqui ang may catauan; at cun
sa isang paghin~ga ay tumiboc nang macapito ó macaualo ay malubhang
totoo ang maysaquit. Sa macatouid, sa loob n~g isang boong paghin~ga
n~g tauong ualang saquit, ang pulso n~g matandang tauo,t, malacas, at
tungmitiboc na macaapat ó mahiguit higuit doon; sa loob nang dalauang
paghin~ga ay macaualo, ó macasiyam tumiboc. etc.
524. Nang matalastas nang man~gagamot ang man~ga nauucol sa casaysayan
n~g pulso, ay tatandaan niya ang aquing sasabihin dito n~gayon: Ang
pinan~gan~ganlang _pulso_ (yaon bagang nararamdamang tungmitiboc sa
catauan n~g tauo) yao,i, _dugô_ lamang, na napaparaan sa caniyang
pinaca alulod ó canal. Ang canal na dinaraanan nang dugo ay dalauang
bagay; ang isa,i, pinan~gan~ganlan nang castilang _arterias,_ na yaon
ang tungmitiboc na hindi rin naquiquita nang mata, sapagca malalim
lalim sa laman ang quinalalag-yan. Ang icalauang bagay na pinaca
alulod na dinaraanan nang dugo ay hindi tungmitiboc, at naquiquita
nang mata, na yaon ang pinan~gan~ganlang _ugat_ nang tagalog, sa
uicang castila,i, _venas;_ na yaon din ang hinihiua nang lanceta, cun
ang tauo,i, sinasangrahan. Ang dugo naman nang tauo ay parati nang
parating lungmalabas, at ga tinatapon nang puso nang malacas na pagca
tapon, na pinaaabot hangan sa man~ga caduluduluhan nang catauan. Itong
pagtulac ó pagtapon nang puso nang dugo hangan sa man~ga catapusan
nang catauan ay yaon ang pulso, at ang nahihipo doon ay ang dugong
nangagaling sa puso, na napapatun~go sa man~ga casangcapan nang
catauan. Cun ang dugong nangagaling sa puso ay dungmaraan sa
pina~gan~ganlang _arterias,_ ay nararamdaman doon ang pagtiboc nang
pulso Datapoua cun ang dugo ay ungmooui ó nagsasaoli sa puso, ay hindi
dungmaraan sa _arterias,_ cundi sa venas ó sa ugat na nadoroon sa
dacong ibabao nang laman nang catauan. Caya cun mahina ó hindi husay
ang pagtapon nang puso nang dugo, ay mahina rin at hindi husay ang
pulso, na dahil doon naquiquilalang maysaquit ang tauo.
525. Caya n~ga yata touing sabihin sa librong ito, na ang pulso,i,
malacas, ó mataas, ó puno, ang cahologan noon ay ma-aalaman na nang
mangagamot ayon sa turo cong una. Gayon din ang mahinang tumiboc, ó
_mababa_ ó _munti_ sucat maquilala nang alin mang tauo. Ang pulsong
lungmiliban, ay na-aalaman ding nang lahat, sa macatouid: na yao,i,
cun tungmitiboc nang macailan, saca napapatahan ó _lungmiliban_ nang
isang pagtiboc. Mahahalatang malacas pa ang maysaquit, cun idiin nang
malacas lacas nang man~ga daliri nang camay ang canyang pulso, at cun
baga idiin man nararamdaman din ang pulso, ang may cataua,i, malacas
pa. Ang isa pang totoong cailan~gang maalaman nang man~ga mangagamot,
ay ang pinan~gan~galang pulsong _matigas,_ na caya gayon ang tauag
doo,i, sapagca cun tumiboc, ay anaqui cahoy, ó tangso, ó cuerdas nang
guitarra ang nararamdaman, ó ang hungmahampas sa daliri nang
pungmupulso doon. Caya cun ang pulso,i, matigas, cailan~gang sangrahan
ang maysaquit. Ang pulsong _malambot_ magaling pa sa matigas; cun ang
pulso,i, _munti,_ madalas, at matigas pa, ay malaqui ang pan~ganib
nang maysaquit. Mayroon namang pulsong hindi _husay ó gulo;_ sa
macatouid, cun mula sa isang pagtiboc hangan doon sa isa, ay hindi
magcasinglauon ang man~ga pag-itan.
=CAPÍTULO 90.=
_Ang man~ga uusisain nang mangagamot cun siya,i, tinatauag nang
maysaquit._
526. Bago gamutin ang maysaquit, ay cailan~gang maalaman, at usisain
munang maigui, cun ano caya ang saquit niya. Ang lalong maliuag sa
lahat ay ang pagquilala nang man~ga saquit; n~guni sa man~ga isusunod
cong sasabihin dito, ay mahahalata cun minsan cun anong bagay na
saquit ang nadoroon sa may catauan. Caya nang mausisa yaon, at nang
matapatan nang gamot ang saquit, ay ito at ito ang itatanong sa
maysaquit. Gaano catanda ang maysaquit. Cun hindi siya dating
masasactin. Alin ang oficio niya, ó ang caniyang guinagauang dati.
Anong quinacain niya. Cun ungminom nang alac. Cun siya,i, lungmalacad
ó nananaog sa lupa. Cun lauon nang siya,i, maysaquit. Cun anong
nararamdaman niya noong hindi pa nagcacasaquit, at nang bagong
magcasaquit siya. Cun napacarami ang caniyang cain ó ang caniyang inom
nang malapit nang magcasaquit siya. Cun napagal siyang totoo nang
pag-gaua ó paglacad. Cun nacacatulog siya. Cun namanglao ó nagalit.
Anong nararamdaman niya arao-arao, hangang siya,i, maysaquit na. Cun
siya,i, nalalagnat. Cun ang pulso,i, _matigas ó malambot_. Cun siya,i,
malacas ó cun mahina na. Cun siya,i, parating higa, ó cun
nacacaban~gon. Cun nag-iibang parati ang caniyang pagcaramdam. Cun
siya,i, tahimic ó cun hindi mapalagay. Cun siya,i, naguiguinao ó
hindi. Cun ang balat ay tuyo,t, mainit. Cun ang balat nang cataua,i,
namumula, ó namumutla, ó dilao, ó morado. Cun mayroong tila mancha sa
balat ó cun sinisibulan nang man~ga tila butil. Anong color niyong
man~ga pinacabutil, at cailan ang paglitao sa balat. Anong
nararamdaman niya nang macasibol yaong man~ga butil na yaon. Cun
mabaho ang catauan nang maysaquit. Cun mabaho ang hinin~ga. Cun
dinaraanan nang _desmayo._ Cun sungmasaquit ang ulo, ang lalamunan,
ang dibdib, ang sicmura, ang tiyan, ang bay-auang, ó cun alin ang
masaquit, at alin ang lalong masaquit. Cun sungmasaquit pa mandin cun
hipoan. Cun ang dila nang maysaquit ay maputi, ó marumi, ó tuyo. Cun
nauuhao siya. Cun mapait ang bibig. Cun dungmuroual, ó sungmusuca, ó
nananab-ang nang pagcain ó cun ibig niyang cumain. Cun nauunat ang
tiyan. Cun ugali ang caniyang pananabi. Anong color nang ihi. Cun
mayroong namamaga sa caniyang catauan. Cun siya,i, pinapauisan. Cun
lungmulura, ó cun anong inilulura niya. Cun nasisira ang bait. Cun
guinhaua ang paghin~ga. Cun maquintab ang mata. Cun anong iguinagamot
sa caniya, cun pinurga siya, ó pinasuca, ó sinangrahan caya. Maano
caya siya nang siya,i, magamot nang gayon. Cun dati nang saquit niya
yaon. Cun siya,i, binabalin~goyn~goy na dati. Cun dati siyang
guinagalis, ó binubuni etc. Cun siya,i, linuluslusan. Cun ang saquit
niya ay saquit nang caniyang camag-anacan.
527. Ang cailan~gang itanong naman sa m~ga babaying maysaquit, ay ang
man~ga ito pa. Cun siya,i, dinaraanan na nang sa panahon. Cun marami,
ó caunti, ó para nang dati. Cun may panahon n~ga siya. Cun siya,i,
buntis, at gaano calauon ang caniyang cabuntisan. Cun siya,i, bagong
galing sa pan~gan~ganac. Cun magaling ang caniyang pan~gan~ganac. Cun
lungmabas ang ugaling lungmalabas na dugo sa nan~gan~ganac. Cun
mayroon siyang gatas. Cun siya rin ang nagpapasuso sa bata. Cun
mayroong sungmunod na saquit doon sa caniyang pan~gan~ganac.
428. Ang cailan~gan usisain nang man~gagamot na bagay sa man~ga bata,
ay gayon: Gaano ang edad nang bata. Ilan ang caniyang n~gipin. Cun ang
bata,i, nagcacasaquit na gaua niyong pagsibol nang n~gipin. Cun ang
bata,i, binubulutong. Cun nag-iilaguin nang bulati. Cun lungmalaqui
ang tiyan. Cun mahimbing ang tulog. Cun nahulog, ó cun inihulog nang
nag-aalaga doon.
=CAPÍTULO 91.=
_Casaysayan nang timbang nang man~ga iguinagamot nang man~ga médico sa
man~ga maysaquit._
Ang isang libra mayroong labing anim na onza, ó labing pitong piso.
Ang isang piso,i, mayroong ualong saicapat. Ang isang saicapat ay
dalauang saicaualo naman. Ang isang saicapat ay ga sandaang butil na
trigo ó palay na hindi pili. Ang isang piso ay dalauang salapi. Ang
isang piso at saicaualo ay isang _onza._ Ang isang piso naman ay
catimbang nang labing pitong saicaualo.
Ang laman nang isang botellang ugali, ay mahiguit sa isang tagayan, ó
apat na malaquing tazang chocolatihan mahiguit pa, na yao,i, isang
libra rin. Ang laman nang isang ugaling _cuchara_ ay ang saicaualong
bahagui nang isang tazang malaquing chocolatihan.
Dito sa librong ito cailan man itinuturo co ang timbang nang gamot, ay
ang ibibigay sa lalaquing maysaquit na matanda, mula sa labin ualong
taon edad hangan sa limang pouang taon. Mula sa labing dalauang taon,
hangan labing ualo, ay sucat doon ang dalauang sa icatlong bahagui
nang nabibilin doon; at cun uala pang labing dalauang taon, ang bata,
ay binabauasan pa mandin ang timbang; sa man~ga sangol na iilan lamang
bouan ang edad, ay casiyahan doon ang isang sa icalabing anim na
bahagui nang gamot na itinuturo dito sa librong ito.
=LISTA NANG MAN~GA IGAGAMOT=
sa man~ga maysaquit, na yaon ang nabibilin sa man~ga párrafo
nitong libro.
=NÚMERO 1.=
Ang isang dacot nang bulaclac nang _alagao,_ at ang timbang dalauang
pisong _pulot,_ sampon nang tatlong salaping _sucang_ matapang ay
ilalagay sa palioc na malinis (houag sa cauali ó tacho.) Saca bubusan
nang apat na tagayan tubig na cungmuculo; hahaluin yaong lahat nang
isang cuchara ó patpat, nang mapalahoc ang pulot sa tubig; saca
tatacpan ang palioc, at cun malamig na,i, sasalain sa sinamay.
=NÚMERO 2.=
Ang timbang dalauang pisong _cebada_ (palay cun ualang cebada)
huhugasan muna nang tubig, bago ilaga sa limang tagayang tubig, hangan
sa pumotoc ang man~ga butil; pagcalaga na, ay huhulugan nang timbang
saicapat at sa icaualong _salitre_; saca sasalain sa sinamay at
lalag-yan nang timbang tatlong salaping _pulot,_ at timbang pisong
_suca._
=NÚMERO 3.=
Ang timbang dalauang pisong _cebada_ (ó palay cun ualang _cebada)_ ay
huhugasan muna nang tubig, bago ilaga sa limang tagayang tubig,
hangang sa pumutoc ang butil. Ang timbang cahati ó dalauang saicapat
na _cremor tártaro_ (na cun tauaguin nang tagalog ay _crémor_ lamang)
ay isasama doon sa ibang inilalaga; pagca laga na,i, saca salain sa
sinamay.
_Nota_ Sa saquit nang _lagnat_ nang _apdo_ párrafo 196, sa lagnat na
_pan~giqui_ na camuc-ha nang _lagnat na buloc_ párrafo 218, pati sa
saquit na _culebra_ párrafo 231, magaling pa sa _cebada_ ang timbang
apat na pisong ugat nang _grama_ (hincacauayan ó quinacauayan) na
yao,i, ilalagang casama nang _crémor,_ para nang itinuro co na.
=NÚMERO 4.=
Ang timbang apat na pisong bot-o nang _melón, calabasa, ó pacuan_
(sandía) babayohing maigui sa babay-ang bató, ó sa lusong man, at
huhulugang mamayamaya nang isang tagayang tubig, bago salain sa
sinamay; saca babayohing uli yaong natira sa sinamay, na pinagsalaan
noong una, at doroonan din nang isang tagayang tubig, bago salain para
noong isa. Uul-in pa manding babayuhin ang natirang latac, at
huhulugan naman nang isang tagayang tubig; saca sinasala rin sa
sinamay, at yaong tatlong tagayang tubig ay lalag-yan nang timbang
isang salaping _azúcar._
=NÚMERO 5.=
Ang dalauang dacot na _culutan_ didicdiquin nang sumandaling oras
calauon bago ilaga sa isang tagayang tubig; pagca laga,i, sasalain at
sasamahan ang tubig nang timbang pisong _pulot._
_Nota._ Mayroong tauo na hindi manabi, sumpitin man nang may culutan,
cundi sumpitin nang tubig na malacuco lamang. Masama namang isumpit sa
tauo ang mainit, cundi malacuco cailan man ang isusumpit doon.
=NÚMERO 6.=
Ang isang tagayang tubig na pinaglagaan nang _cebada_ (ó palay)
huhulugan nang isang dacot na _bulaclac_ nang _culutan,_ at ilalaga sa
apoy.
=NÚMERO 7.=
Bumayo ca sa babay-ang bato ó sa lusong man nang dahon nang _tagolinao
ó_ dahon nang _sigandagat_ (borraja), bago pigain mo sa sinamay; ang
gatang tungmutulo ay pabayaan munang luminao, at pagca malinao na, ay
isinasaling marahang-marahan sa isang tagayan; at ang timbang tatlong
piso nitong gatang nacuha _sa tagolinao ó sigandagat_ ay isasama sa
tatlong tagayang tubig, na pinaglagaan nang _cebada_ (ó palay).
_Nota._ Ang _sigandagat_ ay damong mabolo. Ang taas ay tatlo ó apat na
dangcal. Ang bulaclac ay tila azul, at apat ang bot-o, na yao,i,
matigas, maitim, malandas at maquintab.
=NÚMERO 8.=
Ang timbang pisong _ojimiel_ at ang timbang limang-pisong tubig na
pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao,_ ay huhulugan mo nang timbang
isang saicaualong ugat nang _bacong_ na catulad nang lasona, (escila):
at pabayaang babad doon nang halagang calahating arao, ó ilapit sa
apoy na ga isang oras calauon, nang mayaring madali. Cun hindi
minamatapang mo ito, ay atuhin mo ang bilin sa número 77.
_Nota._ Ang _ojimiel_ ay gayon ang paggaua. Ang dalauang tagayang
_pulot_ ay hinuhulugan nang isang tagayang _suca,_ at yaon ang
pinan~gan~ganlang _ojimiel._
_Nota_ Ang ugat nang _bacong_ ay igagayac muna nang gayon: Ang ugat na
bagong nahucay sa lupa, ay hinuhubdan nang man~ga unang balat na tila
tuyo; ang malinis ipinapasoc sa horno, at iniluluto doon parang
tinapay; saca inaalis doon, bago hiuain nang matalim na patpat na
cauayan. Saca butasan ang man~ga caputol nang matilos na cahoy, nang
masootan nang bitbitan, at isinasabit na bucod bucod, nang houag
magcadaiti, at nang matuyo. Datapoua cun ualang bacong na handa para
nang uica co n~gayon, ay naari ang bagong hucay sa lupa, di man
magaling na totoo yaon.
_Nota._ Ang bacong ay dalauang bagay: Ang ugat nang isa ay boo, na
ualang baloc na maraming suson suson. Ito,i, hindi sucat gamitin at
masama. Ang ugat noong isang bagay na bacong ay catulad nang lasona
na may maraming balat na susong-suson. Ito ang magaling gamitin.
=NÚMERO 9.=
Bagaybagay ang man~ga tapal na nacacabauas nang pagsaquit nang man~ga
casangcapan nang catauan nang tauo. Alin man sa isusunod cong
sasabihin dito n~gayon ay magagamit nang mangagamot, sapagca isa rin
ang cabagsican nang lahat.
Ang man~ga basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang bulaclac ó
dahong mura nang culutan.
Ang man~ga supot na munti na sinisidlan nang bulaclac ó dahong mura
nang _culutan ó alagao ó manzanilla,_ na inilalaga muna _sa tubig ó
gatas._
Yaon ding man~ga bulaclac ó dahong murang yaon, na luto sa tubig ó
gatas, na inilalatag sa damit bago itapal.
Ang tinapay na durog, na binasa nang gatas, na minamasa muna nang
caunti, bago ilatag sa damit at itapal. Na-aari ang tapal na canin, na
lutong maiguing maigui.
=NÚMERO 10.=
Ang timbang pisong _espíritu de azufre,_ sasamahan nang jarabe nang
_olasiman_ timbang anim na piso. Ang pag-gaua nang man~ga jarabe,i,
doon nasasaysay sa número 15.
_Nota._ Cun ualang espíritu de azufre, ang timbang apat na pisong gata
nang dayap, ay samahan mo nang timbang anim na pisong jarabe nang
olasiman, at yaon ang pinaca _espíritu de azufre._ Cun ualang jarabe
nang olasiman ang iyong gagamitin ay ang pulot poquiotan, ó pulot sa
tubo, timbang anim na piso. Itong turo co sa nota,i, totoong galing,
at casingtapang nang espíritu de azufre.
=NÚMERO 11.=
Ang timbang dalauang pisong _maná_ at ang timbang isang salaping sal
de sedhtz ay tutunauin sa isang tazang tubig na mainit bago salain.
Cun ualang mapagquitaan noong man~ga gamot na yao,i, itong isa ang
gagauin.
_Nota._ Ang timbang cahati nang _hojas de sen,_ at ang timbang
saicaualong nitro ó _salitre,_ ibabad mo sa dalauang tazang tubig na
mainit na pinaglagaan nang _culutan,_ at pag malamig lamig na ang
tubig, ay salain. Cun ualang hojas de sen, ay na-aari ang dahong tuyo
nang _acapulco,_ timbang cahati. Ang acapulco cundi ilaga,i, mahina
ang cabagsican. Caya doon sa dalauang tazang tubig nang culutan ilaga
mo ang acapulco hangan sa maiga ang isang taza sa mahinang mahinang
apoy; saca ihulog ang salitre, at salain.
=NÚMERO 12.=
Ang isang caracot na bulaclac nang _alagao_ at ang calahating dacot na
_yerbabuena_ ay ihulog mo sa tatlong tagayang tubig na cungmuculo pa;
at pagca malamig lamig na,i, sasalain mo, at sasamahan nang timbang
tatlong pisong _pulot._
=NÚMERO 13.=
Ang dalauang caracot nang bulaclac nang _alagao_ ihuhulog sa tatlong
tagayang tubig na mainit na totoo, at sasalain cun malamig lamig na.
=NÚMERO 14.=
Ang timbang pisong balat nan _guina_ babayuhin nang maliit, at
gagauing ualong bahagui; ang timbang sa icapat noon ay isang inom.
_Nota._ Sapagca dito sa Filipinas maliliuag at mahal ang _quina_ ay
magagamit ang balat nang cahoy na pinan~gan~ganlang _dita._ Ang
gagauin lamang doon ay cacayurin nang sundang ang ibabao nang balat.
Saca aalisin naman ang dagta, bago ibilad sa arauan nang ilang oras
calauon, at bayuhing para nang guinagaua sa quina. Ang timbang isang
salaping balat nang _dita_ gagauin ding ualong bahagui, at ang isang
bahagui ay isang inom.
=NÚMERO 15.=
Ang paraan nang pag-gaua nang man~ga jarabe ay gayon: Anomang bagay na
ibig mong gauing jarabe para nang _olasiman, tagulinao,_ etc.
babayuhin mong sariua, bago pigain, at capag malinao na ang gata,i,
dinoroonan nang isang gayon ding timbang na azúcar ó pulot man; saca
pinalalapot sa apoy. Cun gagaua ca nang jarabe nang _yerbabuena ó
camaria_ (artemisa), cun ibig mong bayuhin, para nang guinagaua sa
_olasiman,_ ay bayuhin mo; cun ibig mo naman, ay ilaga mo sa tubig
bago samahan nang isang gayon ding azúcar ó pulot, ó nang timbang
cahati noon, ó nang sa icatlong bahagui, ayon sa calapnauan ó
calaputan nang gata; saca pinalalapot sa apoy. Cun jarabe nang dayap ó
granada ang gagauin pinalalabas din muna ang gata, bago lahucan nang
azúcar. Ang jarabe nang _suca,_ pagcaraca,i, linalag-yan na nang
_azúcar._ Itong man~ga pagluluto nang m~ga maasim, ay hindi sucat
gauin cundi sa palioc, at masama roon ang bacal at tangso.
_Nota._ Cun ang maysaquit ay malubha at hindi na magaua ang jarabe, ay
ilaga mo, ó isama mo sa mainit na tubig yaong gagauing jarabe, sampon
nang _azúcar ó pulot,_ at yaon ang aariin mo munang parang jarabe.
=NÚMERO 16.=
Ang isang inom nang jarabe nang _adormideras rubras ó amapolas:_ (ang
isang inom ay ang timbang piso hangan sa dalauang piso). Datapoua sa
saquit na _anayo_ (capítulo 62) ang maysaquit ay binibig-yan touing
calahating oras nang dalauang cuchara nitong jarabeng ito. Pagca
pinainom na siya nang ualong cuchara, at hindi pa gungmagaling, ay
paiinumin nang ualong cuchara pa; datapoua houag limitan ang
pagpapainom, cundi touing oras ang isang cuchara lamang.
Itong gamot ay cailan~gang bilhin sa Maynila.
_Nota. _Cun ualang mapagquitaan nitong gamot na ito,i, gayon ang iyong
gauin. Ang maysaquit ay big-yan nang isa ó dalauang píldoras n~g
_talampunay _na bilin sa número 57, na ganga balatong calaqui sa isang
cucharang tubig. Sa saquit na _anayo, _na sinasaysay sa capítulo 62,
ang maysaquit ay bibig-yan touing calahating oras nang isang píldoras
lamang na malaqui pa sa balatong; at pagca nacalon-oc na nang apat ó
limang píldoras, ay itinatahan na.
=NÚMERO 17.=