Ang pag-gamit nitong gamot na ito,i, ualang liuag. Ang isang pelotilla

noon ilagay mo sa isang cucharang tubig na malamig, at ipalon-oc mo sa

maysaquit; houag lamang palonoquin nang marami noon ang maysaquit,

sapagca itong damong ito,i, matapang pa sa _cicuta. _Ang cagalin~gang

ipalon-oc sa maysaquit sa unang arao ay ang timbang ualong butil na

palay. Cun hindi nacacaano sa caniya yaon ay big-yan nang timbang

labingdalauang butil; at cun hindi rin masama sa caniya yaon ay

damihan arao-arao, para nang guinagaua _sa cicuta, _hangang sa siya,i,

macalon-oc maghapon nang timbang saicapat, ó nang caniyang macayanan.

Datapoua pagca ang maysaquit ay pinalon-oc nang talampunay, sa loob

nang isang lingo, ay itinatahan muna itong gamot na ito, at cun

nacalalo ang ualong arao ay itinutuloy para nang dati. Caya guinagaua

ito nang houag mamihasa ang sicmura, doon sa gamot na yaon. Ang

_talampunay _hindi nacacaano sa sicmura, at hindi rin nacacaibay;

houag lamang n~guyain, cundi boo cun lonoquin. Itong gamot ay aquing

guinagamit na parati sa aquin ding catauan, sapagca namasdan cong

magaling sa binabalingtamad.

_Nota. _Itong gamot hindi sucat gamitin nang babaying buntis.

=NÚMERO 58.=

Ang timbang pisong ugat nang _grama_ (cauacauayan) at ang timbang piso

rin n~g ugat nang _chicoria_ (dilang usa) lulutuing sumandaling oras

calauon sa isang tagayang tubig. Itong tubig na ito,i, huhulugan n~g

timbang isang salaping _sal de sedlitz,_ sampon nang timbang dalauang

pisong _maná._ Pagca tunao na,i, sasalain, at touing dalauang oras

iinumin nang maysaquit ang isang taza. Cun nacarang ang dalaua ó

tatlong arao, ay inuuling guinagaua yaon din.

=NÚMERO 59.=

Ang laman nang tinapay at ang bulaclac nang _manzanilla,_ ay babayuhin

mong may casamang _gatas,_ bago lag-yan nang timbang saicapat na

_sabón_ sa castila sa baua,t, isang tapal. Yaong tapal na yao,i,

papaltang macaapat maghapon nang ibang bago.

_Nota._ Maigui rin ang tapal nang _cicuta,_ na cun bibilhin sa

botica, ang hihin~gin doo,i, _emplasto de cicuta._ N~guni madali

namang itapal ang isang caputol na dahon nang talampunay na yaon ay

casing galing nang cicuta, ayon sa turo ni Linneo.

=NÚMERO 60.=

Ang cicutang tuyo ay isisilid sa isang unan, ó supot na munti; saca

lulutuing sumandaling oras calauon sa tubig, bago pigain at itapal.

Touing icalauang oras inaiinit uli doon din sa tubig na yaon.

_Nota._ Sapagca dito sa Filipinas ualang _cicuta,_ ay iyong gamitin

ang dahon nang talampunay, at sundin ang lahat na bilin sa númerong

ito.

=NÚMERO 61.=

Ang timbang cahati nang taquip nang _sihi,_ na ang pan~galan doo,i,

_bouanbouanan,_ at ang timbang apat na butil na palay nang _canela,_

ay gagauing ualong bahagui. Ang isang bahagui noon ay inihuhulog sa

isang cucharang may lamang gatas ó tubig, at ipinaiinom sa bata bago

sumoso.

_Nota._ Ang taquip nang _sihi_ ibinababad muna nang malauon sa tubig

sa ulan, na arao-arao pinapaltan nang ibang bago; saca binabayong

maiguing maigui sa babay-ang bato, at inaag-ag sa sinamay na masinsin.

=NÚMERO 62.=

Ang pag-gaua nang ungüeento nang _hagonoy_ ay gayon: Bumayo ca nang

dahon nang _hagonoy,_ na maminsan minsan papatacan mo nang _lan~gis ó

lana;_ saca magtunao ca nang caunting pagquit, at pagca tunao na,i,

ihuhulog mo roon yaong binayo mong _hagonoy,_ at yari na ang ungüento.

Ang ungüento nang _llanten_ (lantin,) ay gayon din ang pag-gaua.

_Nota,_ Cun baga sugat ang tatapalan ay hindi cailan~gang doonan nang

pagquit ang _hagonoy._

=NÚMERO 63.=

Gumaua ca nang isang tazang jarabe nang _chicoria_ (dilang usa) bago

samahan mo nang timbang calahating _maná._ Ang bata,i, pinaiinom na

maminsan minsan nang calahating cuchara noon. Cun ang bata,i,

mayroong dalauang taon, ay dinarami damihan ang ipinaiinom doon.

=NÚMERO 64.=

Bumayo ca nang timbang cahating _albayaldeng_ casabay nang timbang

isang salaping _suca,_ sampon nang tatlong cucharang _lan~gis ó lana._

Ang pan~galan dito ay _nutrido;_ at ang timbang piso noon ay isasama

mo sa _pula_ nang isang _itlog,_ at cun malaqui ang _itlog,_ ay sa

calahati lamang.

=NÚMERO 65.=

Magtunao ca sa apoy nang timbang apat na pisong pagquit na maputi;

pagca tunao na,i, hulugan mo nang isang cucharang lan~gis. Dito sa

guinaua mong _ungüento,_ ay magbabad ca nang ilang caputol na lienzong

luma, at patuyuin mo, na yaon ang itatapal sa may saquit.

_Nota._ Sa saquit na almorranas, capítulo 41, ay bagay naman itong

isang pinaca ungüento. Maghulog ca sa isang botella nang isang tazang

_lana_ at bun~gang hinog nang _apaliya_ (amargoso) na aalisan mo muna

nang bot-o; ibilad mo sa arao ang botella nang isang lingo calauon,

bago salain at itago sa botellang may taquip.

=NÚMERO 66.=

Ang pinan~gan~galang _ungüento blanco_ ay gayon ang paggaua: Ang

timbang dalauang pisong _lan~gis,_ at ang timbang cahating _pagquit_

na maputi, tutunauin sa apoy. Pagca tunao na, ay budburan mo nang

timbang pisong _albayalde,_ at haloing parati, bago doonan mo naman

nang timbang cahating _suca_ ó timbang cahati pa nang gata nang

_dayap,_ cun ibig mo. Pagca halo nang maigui, ay itago mo sa botellang

may taquip na daluro, ó ibubu mo sa papel.

=NÚMERO 67.=

Cun magaling ang panahon ay hanapin mo yaong _colatcolat,_ ó tila

cabuting tungmutubo sa _alibangbang,_ ó sa ibang man~ga cahoy. Ang

unang balat noong tila cabuti, ay inaalis nang matalas na sundang.

Yaong ibang natitira,i, binubugbug ó pinapalo nang cahoy, hangan

lumambot. Ang isang caputol nito, ay yaon ang itatapal sa man~ga sugat

nang maampat ang dugo.

=NÚMERO 68.=

Ang timbang apat na pisong laman n~g tinapay, at ang dalauang dacot

nang bulaclac nang _alagao_ sampon nang isang dacot na _manzanilla,_

ay lulutuin hangang lumapot sa tubig, na ang calahati ay suca.

_Nota_ Na-aari namang tapalan ang casangcapang masaquit nang man~ga

basahang babad doon sa tubig na pinaglagaan noong man~ga gamot na

yaon.

_Nota._ Sa saquit na sinaysay sa párrafo 272, ay magaling ang dalauang

dacot na _ruda,_ ang isang dacot at calahati nang bulaclac ó dahon

nang _romero,_ at ang isang gayon ding bulaclac nang _gumamela,_ na

lulutuing maigui nang sumandaling oras calauon sa tatlong tagayang

alac sa misa sa palioc na may taquip; bago pigain nang malacas. Dito

sa alac na ito ay ibabad mo ang man~ga damit na basahan na itatapal sa

maysaquit. Cun baga mayroong nasactan na casucasuan, yaong iniluluto

mong _ruda, romero_ at _gumamela_ ay samahan mo nang caunting cicuta ó

_ talampunay._

=NÚMERO 69.=

Ang emplasto _diapalma,_ na bibilhin sa botica.

_Nota._ Itong ungüento,i, tutunauin muna sa caunting lana, bago ilatag

sa sugat na sinasabi sa párrafo 297.

=NÚMERO 70.=

Ang dalauang babaguing tubig at ang isang bahaguing _vinagre_ de

_litargirio_ na bibilhin sa botica.

=NÚMERO 71.=

Ang timbang pisong ugat nang _grama_ (cauacauayan) at ang timbang

isang salaping ugat nang _chicoria_ (dilang usa) lulutuin sa tatlong

tagayang tubig, hangan sa maiga ang isang tagayan; saca sasalain at

doroonan nang timbang cahating _salitre._

=NÚMERO 72.=

Ang timbang isang salaping _cebolla albarrana_ (bacong) ibabad sa

dalauang tagayang alac sa misa.

=NÚMERO 73.=

Ang isang dacot nang talbos nang _alagao,_ ay samahan mo nang lasona,

bago lutuin at ipacain sa maysaquit cun gab-i. Ito,i, gagauing ilang

arao. Ito,i, turo ni P. Santa María. Datapoua mayroong maysaquit na

hindi napupurga noon.

=NÚMERO 74.=

Ang timbang dalauang pisong _ajenjos,_ at ang timbang pisong ugat nang

_tagbac,_ (cálamo aromático) sampon nang timbang pisong bot-o nang

_damoro_ (anís de la tierra) ibabad na maghapon at magdamag sa tatlong

tagayang alac sa misa, sa palioc na may taquip sa gaboc na mainit.

=NÚMERO 75.=

Ang timbang dalauang pisong ugat nang chicoria (dilang usa) na

tatadtarin muna, ay lulutuin sa tatlong tagayang tubig hangan maiga

ang isang tagayan. Saca sasalain, at doroonan nang timbang cahati nang

_sal de Glaubero,_ na bibilhin sa botica.

=NÚMERO 76.=

Ang timbang pisong balat nang _quina_ ó cun ualang quina, ang timbang

isang salaping _dita_ na babayuhin muna, at ang timbang cahati nang

ugat nang _malaubi_ ó _timbangtimban~gan_ ay lulutuin sa tatlong

tagayang tubig, hangang sa maiga ang isang tagayan. Saca sasalai,t,

doroonan nang timbang saicapat na salitre.

=NÚMERO 77.=

Ang timbang saicapat nang ugat nang _cebolla, albarrana_ (bacong) ay

patutuyoin muna, ayon sa turo sa número 8, bago bayuhing maiguing

maigui, at ang timbang sa icaualo nang ugat nang _timbangtimban~gan_

na babayuhin ding maigui, ay hahaluin capoua, at ang maysaquit

palolonoquing macaapat maghapon nang timbang anim na butil na palay

noon sa isang cuchara, na may alac sa misa.

=NÚMERO 78.=

Ang timbang isang salaping sabóng maputi sa castila, at ang timbang

saicapat nang ugat nang _bacong,_ (cebolla albarrana) na pinatuyo muna

at binayong maigui, ay sasamahan nang caunting jarabe n~g

_culantrillo,_ at gagaua ca nang pelotillas ó píldoras na ang timbang

nang baua,t, isa ay sampong butil na palay.

=NÚMERO 79.=

Ang timbang labing anim na pisong _apog_ sa bato ó sa cabebe, na

bagong yari ay bubusan nang labing anim na tagayang tubig. Saca

hahaluin mong magaling at papagtinin~gin bago salain sa papel sangley.

Maiinom maghapon ang isa ó dalauang tagayan noon tubig na yaon.

_Nota._ Itong _tubig_ nang _apog_ cun pagbabaran nang timbang dalauang

pisong dahon nang _saga,_ ay mabuti ring lalo cun minsan.

=NÚMERO 80.=

Ang timbang isang salaping balat nang _dita_ (ó cun mayroong _quina_

ang timbang piso noon) na babayuhin muna, at ang timbang cahati nang

ugat nang _timbangtim-ban~gan,_ lulutuin sa tatlong vasong tubig

hangang sa maiga ang isang vaso. Saca sasalain bago hulugan nang

calahating tazang suca, ó gata nang _dayap_ ó _cahel._ Itong gamot na

ito,i, uubusing iinumin nang maysaquit sa loob nang isang arao.

=NÚMERO 81.=

Ang ugat nang valeriana pati nang catauan ay ibilad mo sa arauan.

Pagca tuyo, iyong bayuhin at paraanin sa sinamay. Maiinom maghapon

nang maysaquit ang timbang cahati; datapoua ang hindi pa bihasa doon

houag painumin n~g ganoon carami; sucat na roon muna ang timbang

saicaualo ó saicapat. Itong polvos ay isinasama sa tubig na malacuco.

Cailan~gang ituloy gauin itong ganitong gamot nang mababang panahon.

Ang pan~galan nang tagalog doon sa damong yaon ay _anisanisan_,

sapagca ang bot-o noon ay tila bot-o nang _anis._ Ang damo,i,

cungmacalat sa lupa, at ang puno,i, mapulapula.

=NÚMERO 82.=

Ang man~ga isusunod co dito n~gayon ay maipupurga rin sa man~ga

maysaquit. Ang _cañafístula_ na inaalisan muna nang laman ang bun~ga.

Yaong laman niyon ay pinararaan sa sinamay, at ang timbang dalauang

piso, ó limang salapi noon, ay ipinaiinom sa maysaquit. Itong purga

nang _cañafístula_ bagay sa babaying nacapan~ganac; ang timbang cahati

ó tatlong bahagui noon. Ang timbang cahating _hojas de sen_ ay ibabad

mong magdamag sa tubig, na siya ang iinumin cun umaga.

Ang dahon nang _acapulco_ (timbang cahati) ay ilaga mo sa dalauang

tazang tubig sa mahinang apoy; pag naiga ang calahati, salai,t, pigain

nang malacas, at yaon ang iinumin nang maysaquit.

Ang isang tazang tubig na pinagbabaran nang timbang saicapat na

_ruibarbo._

Ang timbang dalauang pisong _maná,i,_ tunauin sa isang vasong suero

nang gatas.

_Ang man~ga purgang sinabi co n~gayon ay gagauin lamang pagca

nabibilin dito sa libro._

* * * * *

_Man~ga, ilang tagobiling patungcol sa man~ga gamot na ipinagbibilin

dito._

1. Tungcol sa pagsasangra, sa pagpupurga at sa pagpapasuca sa man~ga

maysaquit, ay babauasan nang caunti ang man~ga nauutos doon sa libro,

dahil sa cahinaan nang catauan nang tagalog.

2. Caya ang timbang saicaualong _hojas de sen,_ na bilin sa número 21,

ay houag nang bayuhin; cundi ihulog mo lamang sa isang tazang tubig na

cunmuculo pa; at pag malamig lamig na,i, doon sa tubig na yaon ihulog

mo ang _jalapa_ at ang _crémor._

3. Gayon din ang _salagsalag,_ na nadoroon sa número 34 ay sucat ang

ibabad sa tubig hangang nagdarasal ca nang isang _Aba Guinoong Maria_.

Ang _iguio_ sa número 35 naman ay sucat na sa maysaquit na malacas ang

timbang _saicaualong mahiguit higuit_ noon. Datapoua mayroong tauo, na

nacainom nang timbang saicapat, cun siya totoong lacas nang catauan.

Ang _sampaloc_ número 47 ay houag palaloin sa timbang dalauang piso,

cundi maliuag mapurga ang maysaquit.

4. Ang extracto nang _talampunay_ na bilin sa número 57 ay sucat na

ang timbang dalauang butil na palay noon sa caunaunahang inom saca cun

malauon at ualang nararamdamang masama ang maysaquit, ay bago painumin

siya nang marami rami noon. Datapoua cun hindi _extracto_ cundi ang

dahon ang babayuhin pagcaraca ay maiinom nang maysaquit ang timbang

ualong butil na palay noon. Ang talampunay hindi sucat igamot sa

babaying buntis.

5. Touing nabibilin doon ang alac sa castila yao,i, _alac sa Misa_ ang

cahulugan, at hindi aguardiente.

6. Ang _sabong_ castila (jabón) na cun minsan nauntos sa libro, yao,i,

ang sabóng maputi, sapagca ang may ibang color, ay masama.

7. Sa m~ga párrafo 445 at sa 517 yaon lamang nabibilin sa pinurga nang

malacas ay ang _lan~gis sa castila._

=TABLA=

_Nang man~ga saquit na sinaysay dito sa librong ito._

_Pag._

=Capítulo 1.= Ang man~ga dahilang

iquinapagcacasaquit nang tauo.............................35

=Cap. 2.= Ang man~ga dahilang iquinalalaqui

nang man~ga saquit nang tauo..............................39

=Cap. 3.= Ang gagauin n~g tauo capag

nararamdaman na siya,i, magcacasaquit na..................43

=Cap. 4.= Ang mahusay na gaua sa may

man~ga malalaquing saquit.................................44

=Cap. 5.= Ang gagauin nang maysaquit na

magaling-galing na........................................47

=Cap. 6.= Ang saquit na pulmoníang totoo,

na ang _baga_ sa loob nang dibdib nang

tauo siya ang nasasaquitan, at yaon din

cun minsan ang pinangagalin~gan nang

_ética_...................................................48

Ang gagauin sa may saquit, na may

sibol doon sa caniyang baga...............................56

Ang pulmonía nang apdo....................................63

Ang pulmonía falsa........................................64

Ang gagauin sa natutuyo ang catauan.......................66

=Cap. 7.= Ang sintac sa dibdib, na pinan~gan~ganlan

nang castilang _pleuresía ó dolor

de costado_................................................72

=Cap. 8.= Ang saquit na ang pan~gala,i, _garrotillo,_

at ang ibang man~ga saquit sa

lalamunan nang tauo........................................76

Ang gamot sa bucol na ang pan~galan

nang tagalog doo,i, bayiqui ó bayicqui.....................83

=Cap. 9.= Ang _romadizo._ sa uicang tagalog

ay sipon...................................................84

=Cap. 10.= Ang saquit nang n~gipin at bagang

pati nang cabiac nang ulo ó muc-ha, sa

uicang castila ay _jaqueca,_ sampon nang

escorbuto na yao,i, pagdurugo nang n~gipin

nang tauo..................................................89

=Cap. 11.= Ang gamot sa _apoplegia._ ó sa

himatayin..................................................96

=Cap. 12.= Ang gamot sa inarauan, sa uicang

castila ay _insolación_....................................102

=Cap. 13.= Ang _reuma,_ sa uicang tagalog

_balingtamad,_ yaon bagang pagsaquit nang

man~ga casucasuan nang catauan nang

tauo.......................................................105

Ang saquit na balingtamad na lauon.........................111

=Cap. 14.= Ang saquit na pinan~gan~ganlang

_piyo_ nang tagalog sa uicang castila,i, _gota._.115

=Cap. 15.= Ang gamot sa quinagat nang

asong ban~gao..............................................117

Ang gagauin sa quinagat nang asong

ol-ol cun ualang mercurio..................................125

=Cap. 16.= Ang gamot sa quinagat nang

man~ga hayop na may camandag...............................127

=Cap. 17.= Ang saquit na bulutong sa uicang

castila,i, _viruelas_......................................137

=Cap. 18.= Ang saquit na ticdas, sa provincia

nang Batan~gan ay toco, sa uicang

castila,i, _sarampión_.....................................149

=Cap. 19.= Ang lagnat na malaqui na ualang

hibas, na pinan~gan~ganlang _lagnat na

manin~gas,_ na yao,i, isang bagay na tabardillong

dala nang cainitan nang dugo...............................154

=Cap. 20.= Ang lagnat na malaqui na dala

nang _apdo,_ na ang tauag nang castila

doo,i, _calentura pútrida, lagnat na buloc,_

na yao,i, ang icalauang bagay na tabardillo................159

=Cap. 21.= Ang _lagnat_ na _sucab_ na ang

tauag nang castila doo,i, _calentura maligna_

na yao,i, ang icatlong bagay na

tabardillong _may mancha_..................................167

=Cap. 22.= Ang saquit na pan~giqui.........................175

=Cap. 23.= Ang saquit na _erisipela_ na cun

turan nang tagalog ay culebra..............................184

=Cap. 24.= Ang gamot sa galis sa uicang

castila,i, _sarna_.........................................190

=Cap. 25.= Ang gamot sa _buni,_ sa uicang castila,i,

_empeines_ ó _herpes_......................................192

=Cap. 26.= Ang gamot sa may mancha sa

muc-ha, at may man~ga pilat................................193

=Cap. 27.= Ang gagauin sa sinisibulan nang

anomang bagay na sibol para nang _bagá,

pigsa taguihauat, tiboc, cancro,_ pati sa

nasisira ang ilong.........................................194

=Cap. 28.= Ang gamot sa bicat pati sa lumalaqui

ang liig...................................................206

=Cap. 29.= Ang gamot sa sinisin~gauan ang

bibig, ang tauag nang castila sa saquit

na yao,i. _aflas_..........................................212

=Cap. 30.= Ang gagauin sa nahulog sa mataas,

sa pinalo, sa naipit, sa nahulog sa

cabayo ó sinicaran.........................................215

=Cap. 31.= Ang gagauin sa recalcadura ó relajación,

pati sa lungminsad ang boto................................219

=Cap. 32.= Ang gagauin sa tauo, na may

bot-ong nabali, ó sa nabasag ang ulo.......................226

=Cap. 33.= Ang gamot sa natinic, ó sa tinamaan

nang pana ó nabaril........................................228

=Cap. 34.= Ang gamot sa napaso nang baga

ó pólvora, ó sa nabanlian nang anomang

mainit.....................................................230

=Cap. 35.= Ang gamot sa tauong naguitguitan

nang lubid ó nang ibang bagay, pati

sa nagalusan, sa nasugatan, sa nahiua

ó sa tinaga nang ibang tauo.................................232

=Cap. 36.= Ang gagauin sa mayroong sugat

na lauon na hindi mabahao...................................237

=Cap. 37.= Ang gamot sa linuluslusan........................242

=Cap. 38.= Ang gagauin sa lungmalabas ang

tumbong, at sa babaying lungmalabas

ang caniyang punong catauan.................................249

=Cap. 39.= Ang gamot sa lalaqui cun ungmuurong

ang caniyang punong catauan,

at sa namamaga ang bayag, ó ungmiihi

nang nana, ó cun macati ang punong catauan

nang lalaqui ó nang babayi..................................247

=Cap. 40.= Ang gagauin sa man~ga batang

ipinan~gan~ganac, na ualang butas sa pouit

ó may sara ang tayin~ga, ó ang punong

catauan, ó cun mayroong pinacatali

sa ilalim nang dila.........................................249

=Cap. 41.= Ang gamot sa quilmosin, sa uicang

castila,i, _almorranas,_ na yao,i, pamamaga

nang pouit nang tauo........................................251

=Cap. 42.= Ang gamot sa binabalin~goyn~goy..................253

=Cap. 43.= Ang gamot sa lungmulura nang

dugo........................................................255

=Cap. 44.= Ang gamot sa nagsusuca nang

dugo........................................................258

=Cap. 45.= Ang gamot sa ungmiihi nang

dugo........................................................259

=Cap. 46.= Ang gamot sa mayroong bato sa

pantog, pati sa tauong balisausauin, ó

sa mahirap ungmiihi.........................................261

=Cap. 47.= Ang gamot sa ungmiihing parati

di man cusa nang caniyang loob..............................264

=Cap. 48.= Ang gamot sa hindi manabi........................265

=Cap. 49.= Ang gamot sa sinisin~gauan ó sa

namumula ang mata...........................................266

=Cap. 50.= Ang gamot sa may culaba ó

sa namumula ang mata........................................268

=Cap. 51.= Ang gamot sa hindi macaquita,

magaling man ang caniyang mata, na

ang tauag nang castila sa saquit na

yao,i, _gota sirena_.........................................269

=Cap. 52.= Ang gamot sa may sugat sa

suloc nang mata, ó sa lirain.................................270

=Cap. 53.= Ang gamot sa masaquit ang tayin~ga................271

=Cap. 54.= Ang gamot sa inuurun~gan nang

pauis, galis, ó buni, ó cun nauauala

ang bucol, ó sibol sa catauan, at hindi

tungmutuloy..................................................273

=Cap. 55.= Ang sa namamaga ang boong

catauan na ang tauag nang castila

doo,i, _hidropesía_..........................................274

=Cap. 56.= Ang gamot sa namamaga ang

tiyan, na yao,i, pinan~gan~ganlang _belbel

ó berben_....................................................279

=Cap. 57.= Ang gamot sa namamaga ang paa.....................282

=Cap. 58.= Ang gamot sa nabiquig ó sa naloogan

nang anomang bagay sa lalamunan,

na hindi macatuloy sa ilalim.................................284

=Cap. 59.= Ang lagnat na _daua,_ na may

casamang pauis na ang tauag, nang castila

doo,i, _calentura miliar sudatoria_..........................286

=Cap. 60.= Ang man~ga saquit nang sicmura,t,

tiyan, na doon nauucol ang _cólico, ahito,_

at ang iba pa................................................288

Ang cólico inflamatorio....................................289

Ang cólico nang apdo.......................................293

Ang empacho ó ahito........................................295

Ang cólico flatulento......................................298

Ang cólico dahil sa nalamigan ang tauo.....................299

=Cap. 61.= Ang _miserere_ ó _pasión íliaca_, na

yao,i, pagsasara nang man~ga bituca, na

dahil doon ay hindi manabi ang maysaquit,

cundi isinusuca niya ang lahat...............................301

=Cap. 62.= Ang gamot sa inaanayo, na yao,i,

pagsuca,t, pag-iilaguin; ang tauag nang

castila doon, ay _cólera morbo_..............................304

=Cap. 63.= Ang saquit na pag-iilaguin, cun

hindi totoong sumasama ang damdam

nang may catauan, na ang tauag nang

castila doo,i, _diarrea_.....................................311

=Cap. 64.= Ang icalauang bagay na pag-iilaguin,

na may casamang saquit na malaqui

sa tiyan, na yao,i, _disenteria_ cun

turan nang castila...........................................313

=Cap. 65.= Ang icatlong bagay na pag-iilaguin,

na mahirap ang damdam nang may

catauan sa sicmura, at pati nang paghin~ga

ay mahirap din, na yaon ang pinan~gan~ganlan

nang castilang _disentería

maligna_.....................................................318

=Cap. 66.= Ang gamot sa hinihica.............................321

=Cap. 67.= Ang gamot sa nag-iilaguin nang

_darag-is_ na ang tauag nang castila

doo,i, _pujas_...............................................325

=Cap. 68.= Ang gamot sa nagcacasaquit dahil

sa siya,i, natacot...........................................326

=Cap. 69.= Ang gagauin sa dinaraanan nang

anomang bagay na convulsión ó pagquinal

nang catauan para nang tamang

han~gin sauan etc, pati nang gagauin sa

babaying sinusubaan..........................................327

Ang saquit na _alferecía,_ na ang tauag

sa Maynila doo,i, _taon_.....................................329

Ang gagauin sa sinasauan, na yaong

saquit na yao,i, isa rin ang pinan~gan~ganlan

nang castilang _epilepsia, ó mal caduco,

ó mal de corazón._ Ang pan~galan

cun minsan nang tagalog dito,i, suba;

cun minsan nama,i, panhihimatay..............................332

Ang gagauin sa babaying _sinusubaan,_

na yao,i, pinan~gan~ganlan nang castilang

_mal de madre_...............................................336

Ang gagauin sa babaying _namamanhid_

ang caniyang paa ó camay, ó ang

ibang casan~gcapan nang catauan, na ang

tauag nang castila doo,i, _calambre

histérico_...................................................340

Ang gamot sa biglang dinaaraanan

nang hindi _macahin~ga_, na ang tauag

nang castila doo,i, _sofocación_.............................341

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit · 第 20 / 21 段