caya na-aalaman, sapagca masaquit ang tiyan, at tila nauunat. Cun
hipuin, ay lalo pang sungmasaquit. Bucod doon mayroong naquiquitang
manchang mapulapula, na nangagaling sa ilalim nang pos-on, at
ungmaabot hangang pusod. Cun ang may cataua,i, lungmulubha ay
ungmiitim yaong mancha, na yao,i, masama at mamamatay ang maysaquit.
Ang isa pa roon ang may cataua,i, totoong hina, at ang muc-ha,i,
nag-iiba. Tila nasisira-sira ang bait niya; hindi siya nauaual-ang
parati nang lagnat; ang pulso,i, mahina,t, matigas; cun minsan
sungmusuca siya, ó nagsisin-oc; parating ibig niyang manabi, at cun
minsan hindi ungmiihi. Doon sa punong catauan niya mayroong
lungmalabas na tubig na mabaho, mapulapula,t, mahapdi, itong ganitong
lagay ay masama,t, mapan~ganib ang buhay nang babayi. Ang magaling
doon ay gayon: Ang maysaquit ay sasangrahan; saca susumpitin nang
malimit nang malacucong tubig. Susumpitin naman sa loob nang caniyang
punong catauan nang tubig na malacuco rin, ó nang tubig na may
casamang gatas. Sa ibabao nang tiyan ay lalag-yang parati nang tubig
na pinaglagaan nang _cebada ó palay,_ na hinulugan nang _salitre,_
timbang saicaualo sa isang botella, at siya rin ang caniyang iinumin.
Totoong buti namang doonan sa tiyan nang gatas na malacucong
tinubigan.
486. Cun hindi lungmalabas ang dating lungmalabas na dugo sa man~ga
babaying nan~gan~ganac, na yao,i, nacacahila nang maraming saquit na
malalaqui, para nang pamamaga nang tiyan; ang gagauin sa maysaquit ay
yaon ding man~ga bilin sa párrafo 485, na sinundan nito. Ang man~ga
mainit na gamot na sinabi co sa párrafo 480, ay totoong sama doon, at
parang lason sa maysaquit.
487. Ang babaying nan~gan~ganac, ay linalagnat cun minsan nang
malaqui, cun bagong nagcacagatas ang caniyang suso; at ang maigui sa
caniya, nang houag siyang lagnatin ay pasusuhin ang bata pagdaca, mula
sa arao nang caniyang pan~gan~ganac; at nang mauala ang lagnat na
malaqui na dala nang gatas, ay magaling ang pag-inom nang tubig na
pinaglagaan nang _cebada_ ó _palay_ na may salitreng casama, ayon sa
turo sa párrafo 485, at ang pagsumpit nang tubig na malacuco.
488. Yaong man~ga babaying mahina na di inaalagaang maigui, capag
sila,i, nacapan~ganac, ó cun nagsasaoli agad sa canilang dating
guinagaua, ay nagcacasaquit, sila cun minsan nang sari saring saquit,
na ang dahilan noon ay ang di paglabas nang ugaling lungmalabas na
dugo sa man~ga nan~gan~ganac. Caya sapagca nagugulo, at hindi husay
ang pagbucod nang gatas sa suso,i, sinisibulan ang may catauan cun
minsan nang man~ga sibol, na ang tauag nang man~ga medicong castila
doo,i, _depósitos lácteos._ Itong man~ga ganitong sibol ay totoong
sama at lalo pa cun tungmutubo sa loob nang catauan; n~guni marahil
sumibol sa man~ga hita. Ang gagauin agad doo,i, paiinumin ang
maysaquit nang bilin sa número 58, at tapalan ang sibol nang bilin sa
número 59. Itong man~ga gamot na ito ay nacacauala nang sibol sa
calauonan; datapoua cun baga nagnanana, ay cailan~gang hiuain nang
marunong, at gagamutin para nang _baga_ sa párrafo 253.
489. Cun minsan naman ang man~ga suso, ay yaon ang sinisibulan,
sapagca ang gatas ay napapataha,t, ga natutulog doon; at cun hindi
gamutin pagcaraca itong ganitong man~ga pamamaga nang suso, ang sibol
ay tungmitigas na cun malauon naguiguing cáncro, na sa lahat na
saquit yaon ang lalong masama,t, mahirap. Ang gagauin doon ay tapalan
macalaua maghapon nang tinapay at gatas hangan sa pumutoc at magnana,
ayon sa turo ni Buchan. Ito,i, gagauin cun baga nahahalatang puputoc
at magnanana. Datapoua cun ang bucol sa suso ay lauon nang tungmubo,
at hindi masaquit, ay houag tapalan nang anoman. Ang man~ga tapal na
mayroong taba ay masama roon. Cun baga ang sibol ay naguing _cáncro_
na, ang magaling lamang doon ay ang turo sa número 60; at ang may
catauan ay palolonoquin nang bilin sa número 57, na nacacagaling cun
minsan sa calauouan. Itong lahat ay uica ni Tissot.
490. Ang man~ga babaying nagpapasuso, nahihirapan cun minsan dahil sa
napapacnos ang man~ga utong nang suso nila. Ang pag-gamot doo,i,
ualang liuag. Magtunao ca sa isang taza nang caunting pagquit, at
isang gayon ding lan~gis na bago nang niyog, at yaon ang ilahid doon.
Ang bilin sa número 66 ay mabuti rin. Cun hindi nauauala yaong saquit
na yaon, ay purgahin nang caunting maná ó ruibarbo.
491. Cun baga mayroong babaying nacapan~ganac na, at hindi lungmabas
ang inunan, ang mabuti doo,i, sangrahan sa camay cun baga malacas ang
babayi, at gauin ang ibang man~ga bilin sa párrafo 481. Ang gaua nang
iba,i, ang isang sariuang taying cabayo tinutunao sa alac sa misa at
ipinaiinom sa maysaquit. Ang guinagamit nang iba,i, ang taying tuyo.
Cun hindi rin lungmalabas ang inunan, at mayroong marunong na tauo,i,
lahiran muna ang caniyang camay n~g mainit na lana, at ipasoc niya sa
loob na marahan-dahan, at caniyang hilahin mayamaya. Datapoua ang uica
nang ibang maaga médico, na bihirang babayi ang nabubuhay cun hilahin
ang inunan.
_Nota._ Cun minsan ang babaying bagong nan~ganac ay linalagnat siya
nang lagnat na may casamang butil na marami sa catauan, na yao,i,
pinan~gan~ganlang _lagnat na daua,_ na sinaysay na sa capítulo 59.
=CAPÍTULO 81.=
_Ang gamot sa sangol cun hindi iniilaguin niya ang caunaunahang
ugaling ilaguin nang man~ga bagong pan~ganac na bata._
492. Ang man~ga batang bagong pan~ganac ay puno ang canilang sicmura
sampon nang man~ga bituca nang duming maitim na malapot at malagquit,
na cundi iilaguin agad nang sangol, ay mapan~ganib ang caniyang buhay.
Caya nang lumabas yaong duming yaon sa catauan nang bata, ang gagauin
doo,i, gayon: Houag munang pasusuhin ang bata hangang di macalalo ang
isang boong arao. Painumin ang bata nang _tubig_ na sinamahan nang
caunting _azúcar ó pulot._ Bucod dito,i, mapaiinom ang bata touing
icapat na oras n~g _jarabe de chicorias_ (dilang usa) na sinamahan
nang caunting _maná_. N~guni, ang uica ni Buchan, na ang lalong
magaling sa lahat na gamot, ay pasusuhin ang bata capag naiibig niyang
sumuso, sapagca ang unang gatas nang babayi ay nacacapurga sa man~ga
sangol.
=CAPÍTULO 82.=
_Ang gamot sa man~ga sangol cun ungmaasim ang nadoroon sa canilang
sicmura._
493. Ang gatas na sinususo n~g man~ga bata ay marahil umasim sa man~ga
sicmura nila, na doon nangagaling ang m~ga _cólico,_ ang man~ga
_convulsión,_ ang pag-iilaguin ó ang pagsuca nila. Ang magaling doon
ay ang _jarabe de chicorias_ (dilang usa); at nang houag daanang uli
ang bata noong saquit na yaon, ay paiinumin arao-arao macaitlo nang
timbang calahating saicaualo ang isang inom, nang bilin sa número 61,
cun malaqui ang saquit; datapoua cun munti ang saquit, ay sucat na sa
caniya ang isang inom ó dalaua arao-arao. Ang _aceite de almendras_ ay
masama roon.
494. Ang man~ga sangol ay malimit daanan nang _cólico_ sa man~ga unang
bouan nang canilang buhay. Ang magaling doon ay sumpitin nang tubig na
pinaglagaan nang _manzanilla,_ na hinulugan nang caunting sabón, ganga
bot-o nang pimienta calaqui. Cun minsan masamang sumpitin ang bata; at
cun gayon ay na-aari ang man~ga calillang _sabón ó pulot._
Nacaguiguinahaua sa man~ga batang dinaraanan nang _cólico_ ó nang
pagsaquit nang tiyan nang isang basahang babad sa mainit na tubig na
pinaglagaan nang _manzanilla_ at caunting _triaca,_ na itatapal sa
tiyan.
=CAPÍTULO 83.=
_Ang pagpambo sa man~ga sangol._
495. Ang boong catauan nang batang bagong pan~ganac ay puno nang
libag, na gaua nang caniyang linan~guyang tubig sa loob nang _bahay
tauo._ Nang macuhang madali yaong libag na yaon sa catauan niya, ang
magaling sa lahat, ay pambohan nang dalauang bahaguing tubig at nang
isang bahaguing alac, na yao,i, itutuloy nang ilang arao. Cun baga
malapot at malagquit yaong libag na yaon, na cungmacapit sa catauan
nang bata, ay ma-aalis nang tubig na pinaglagaan nang _manzanilla_ na
may casamang _sabón_ na ganga _patani_ calaqui.
496. Ang man~ga bata,i, maigui pambohan pag nacalalo na ang
labingdalaua, ó labinlimang arao nang pan~gan~ganac sa canila. Ang
ipapambo roo,i, ang malamig na tubig na ualang calahoc na anoman.
Itong gauang ito,i, magaling gauin arao-arao, sa panahon man nang
tag-guinao ó tag-sigua, sapagca totoong nacacapagpalacas sa catauan
nang bata. Ang hindi lamang babasain ay ang tuctoc nang ulo, yaon
bagang nahihipong malata sa itaas nang ulo nang man~ga bata. Pagca
napambohan na ang bata,i, masamang paramtan n~g maraming damit. Ang
man~ga batang maysaquit ay houag pambohan.
=CAPÍTULO 84.=
_Ang gagauin sa batang nagcacasaquit cun sinisibulan nang n~gipin._
497. Ang ugaling panahon nang pagsibol nang n~gipin sa man~ga bata,i,
sa icaanim ó sa icapitong bouan nang canilang buhay. Ang unang
sungmisibol ay ang sa harap; sungmusunod ang man~ga pinacapan~gil, at
ang catapusang sungmisibol ay ang man~ga bag-ang. Sa dacong
icadalauang puong taon nang buhay n~g tauo, mayroon namang sungmisibol
na apat na bag-ang din, na ang pan~galan nang man~ga tauo doo,i, ang
bag-ang nang _bait_.
498. Ang batang nagcacasaquit, cun sinisibulan nang n~gipin, ay
cailan~gang sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang _culutan_ lamang,
ó purgahin caya n~g mahinang purga, parang _magnesia ó ruibarbo, ó
hojas de sen._ N~guni cun dinaraanan nang pagiilaguin ang bata, ay
hindi cailan~gan ang sumpit at ang purga. Masama naman pacanin nang
marami. Datapoua mabuti painumin nang maramirami sa dati. Ang m~ga
n~gidn~gid ay lalahiran nang macaitlo ó macaapat arao-arao nang _pulot
puquiotan._ Magaling na totoo sa man~ga batang nagcacasaquit, at sa
nag-uubong parati cun sinisibulan nang n~gipin, ang sahing na
tutunauin sa apoy bago ilatag sa basahan, at itapal sa licod nang bata
sa pag-itan nang dalauang balicat.
=CAPÍTULO 85.=
_Ang gamot sa batang may bulati sa tiyan._
499. Caya nahahalatang mayroong bulati sa tiyan nang bata, sapagca
siya,i, dinaraanang parati nang _cólico._ Cun umaga mayroong maraming
lauay sa caniyang bibig, at ang hinin~ga ay iba sa rati ang amoy na
tila maasim; ang ilong ay parating quinacamot at macati. Cun minsan
nananab-ang nang pagcain; cun minsan malacas cumain; idinaraying ang
sicmura, ó sunmusuca caya cun minsan; hindi manabi siya; datapoua ang
marahil dumaan sa man~ga batang gayon ang sila,i, nag-iilaguin nang
tila hilao; ang tiyan ay malaqui, at ang ibang cataua,i, yayat; ang
maysaquit ay mahina, at ga namamanglao; ang palibot sa mata,i, tila
morado ang color; ang muc-hâ,i, nag-iibang parati; ang may catauan
nauuhao at cun natutulog, tila naguiguicla; bucod dito,i,
nan~gan~galitngit. Mayroong batang hindi lumagay cun mayroong bulati;
dinaraanan cun minsan ang gayong maysaquit nang _síncope ó
convulsión_. Cun minsan nahihilim, ó pinapauisan nang malamig;
lungmalabo ang pagtin~gin nang may catauan, pati nang voces niya,i,
hungmihina. Ang man~ga n~gidn~gid ay tila nabubuloc. Cun minsan
nagsisin-oc na parati ang may catauan; ang pulso ay munti at hindi
husay; cun minsan may ubong caunti na ualang inilulura. Cun doon sa
iniilaguin nang may catauan mayroong naquiquitang tila boto nang
_melón ó calabaza,i,_ caalam-alam mayroon sa caniyang tiyan na
bulating mahaba na may casucasuan malapad at maputi, na
pinan~gan~ganlang _tenia ó solitaria._
500. Maraming totoong bagay ang iguinagamot sa saquit na ito. Ang
isang totoong galing sa saquit na yao,i, ang bun~ga nang
_niyogniyogan._ Ang tatlong bun~ga ay sucat na sa batang mayroon
tatlong taon; ang apat na bun~ga sa mayroong apat na taon, at ang lima
sa ang edad niya ay limang taon. Itong bun~gang ito ipinacacain sa
batang maysaquit cun umaga bago siya cumain; n~guni cun baga may
lagnat, hindi sucat pacanin noon. Ang maysaquit na pinacain nang
_niyogniyogan_ cun umaga, ay pupurgahin nang bilin sa número 63. Itong
man~ga sinabi co, siya ang gamot sa man~ga bulating mabibilog. Itong
man~ga batang malimit magcabulati sa tiyan ay masamang pacanin nang
man~ga maliuag matunao sa sicmura, para nang man~ga hilao na bun~ga
nang cahoy, ó man~ga gulay na hindi lutong maigui.
_Nota._ Nang mapalabas ang bulating maputi na mayroong ulo, at man~ga
casucasuan na tinatauag na _tenia ó solitaria,_ ay painumin ang
maysaquit na matanda nang tubig na pinaglagaan nang balat nang ugat
nang _granada._ Datapoua houag painumin pagdaca nang marami macacasama
sa caniya. Ang isa pang totoong malacas na gamot sa lahat na bagay na
bulati ay ang dagta nang _papaya,_ yaon bagang nangagaling sa
bun~gang mura na sinusugatan nang tumulo. Ang man~ga bata,i,
binibig-yan nang timbang saicapat hangan sa timbang cahati noon, at
linalahucan nang gatas nang calabao ó cambing; ang matandang tauo,i,
binibig-yan nang marami. Cun ualang gatas na calahoc ang dagta,i,
hindi maiinom nang tauo.
=CAPÍTULO 86.=
_Ang gagauin sa man~ga batang dinaraanan nang_ convulsión _para nang_
suba, sauan, taon, ó alferecía, _at ang iba pa, pati nang gamot sa
batang tila_ hinihica _na main~gay ang paghin~ga, na ang pan~galan sa
gayong saquit ay_ croup.
501. Cun mayroong batang dinaraanan nang _suba, sauan_ ó ibang bagay
na _convulsión,_ caalamalam ang totoong pinan~gagalin~gan noong man~ga
saquit na yao,i, ang maasim sa sicmura, ó ang pagsibol nang n~gipin, ó
ang bulati, ó ang hindi paglabas nang unang iniilaguin nang batang
bagong pan~ga-nac. Cun gayon ay susundin ang man~ga turo sa párrafo
414 at 415, at gagauin ang man~ga bilin sa man~ga capítulo 81, sa 82,
sa 84 at 85. N~guni bucod doon sa man~ga dahilang yaon, mayroong
tatlo pa mandin na cun minsan nacacapagdala nang _convulsión_ sa
man~ga bata, sa macatouid: cun mayroong man~ga bagay na nabubuloc sa
sicmura,t, tiyan nang bata, na yaon ang isang dahilan. Ang icalaua cun
ang gatas nang nagpapasuso ay masama; at ang icatlo, cun ang bata,i,
nalalagnat, lalo pa cun tiniticdas ó binubulutong.
502. Caya nahahalatang mayroong nabubuloc sa sicmura nang bata,
sapagca pinacain ó pinasuso nang marami na hindi macayanan nang
caniyang sicmura, ó sapagca pinacain nang sarisaring bagay na hindi
nagcacaayon. Bucod dito ang gayong bata,i, nananab-ang nang pagcain;
natatamlay siya, at hindi natutulog nang mahimbing. Ang dila niya,i,
marumi; ang color nang balat ay masama, at lungmalaqui ang tiyan. Cun
baga caya _quinoconvulsión_ ó cungmiquinal ang catauan nang bata ay
dahil dito, ang magaling doo,i, houag pacanin nang marami; sumpitin
nang malacucong tubig at purgahin nang jarabe nang _chicoria_ (dilang
usa) ó nang caunting _maná._
503. Cun minsan naman caya sinasauan, ó sinusubaan ang bata, sapagca
ang gatas nang nagpapasuso sa caniya ay masama; sa macatouid, cun ang
nagpasuso ay nagagalit nang malaquing pagcagalit, ó namanglao, ó
natacot, ó napagod nang paggaua, ó nainitan, ó nacacain nang man~ga
cun ano ano, ó nagcasaquit, ó nacainom nang alac, ó cun pinananaugan
nang panahon, cun datidating sungmasama ang caniyang pagcaramdam, cun
pinananaugan siya nang sa panahon. Cun ang babaying nagpapasuso sa
bata dinaanan noong man~ga bagay na yaon, ang gatas niya,i, sungmasamá
at nacacapagcasaquit sa sungmususo, na cun minsa,i, iquinamamatay niya
agad. Ang mabuti doo,i, gayon: Ang bata houag pasusuhin nang babaying
maysaquit, hangan di mauala ang caniyang masamang pagcaramdam; ang
bata,i, susumpitin naman, at paiinumin nang maraming tubig na malamig;
ang ipacacain sa bata sa dalaua ó tatlong arao ay _atole ó tinapay_ na
durog sa tubig, na ualang gatas. Cun hindi pa nauauala ang saquit nang
bata, ay painumin nang timbang piso, ó tatlong salapi nang _jarabe_
nang _chicorias_ (dilang usa). Magaling din ang _maná,_ na cahati ang
timbang. Ang babaying nagpapasuso,i, maigui magsumpit siya, at ang
gatas na masama palabasin sa suso.
504. Cung baga ang _convulsión_ nang bata sungmasama sa bulutong, ó
ticdas, ó sa ibang bagay na lagnat, ay hindi cailan~gan ang ibang
gamot doon, cundi ang iguinagamot sa saquit na casama nang convulsión.
_Nota._ Mayroong batang dinaraanan nang mahirap siyang macahin~ga,
naanaqui _hinihica_; ang tauag nang man~ga medico sa gayong saquit ay
_croup._ Ang maigui doo,i, ibabad ang paa nang bata sa mainit na
tubig, at cunan nang dugo, bago sumpitin agad nang culutan na magaling
samahan nang timbang cahating _ingo,_ na yaon ang isusumpit doong
parati; maigui rin doon ang isang tapal na _sahing_ sa pag-itan nang
dalauang balicat, ayong sa turo co sa párrafo 498; mabuti namang
lag-yan nang isang fuente.
505. Ang _triaca_ ay masama sa man~ga batang dinaraanan nang
_convulsión._ Datapoua mabibig-yan din nang _triaca,_ pagca guinagaua
na ang man~ga itinuturo co sa capítulong ito, at hindi rin nauauala
ang _convulsión._ Gayon din cun mapan~ganib na totoo ang buhay nang
bata, ó cun ang pinagmul-an nang _convulsión_ ay ang siya,i, natacot
mabibig-yan din nang _triaca._
506. Mayroong malimit daanan nang _sauan, suba,_ ó nang ibang bagay na
_convulsión_. Ang pag-gamot sa gayong bata ay maliuag. Magaling doon
ang _quina_ (dita) número 14, at pambohan sa malamig na tubig.
=CAPÍTULO 87.=
_Aral na nauucol sa pangsasangra sa man~ga maysaquit, pati na
pagpapacapit sa linta._
507. Dalaua ang dahilan na sucat ipagsangra sa tauo: ang nauuna, cun
marugo ang may catauan; ang icalaua, cun ang dugo niya,i, _ungmiinit_
na yao,i, pinan~gan~ganlang _inflamación de sangre._
508. Sa man~ga sasabihin co n~gayon mahahalatang marugo ang may
catauan; sa macatuid: Cun siya,i, malacas cumain; cun siya,i,
cungmacain nang maraming _carne,_ ó ungmiinom nang alac; cun hindi
sungmasama ang damdam nang caniyang sicmura; cun mahaba ang caniyang
tulog, cun hindi siya binabalin~goyn~goy, ó hindi binubusan ó
pinananaugan nang maraming dugo. Cun gayo,i, marugo ang may catauan.
Gayon din, cun dati na siyang binabalin~goyn~goy, at saca nauala sa
caniya yaon; cun ang pulso,i, puno at malacas; cun ang color nang
balat niya ay mapula sa rati; cun ang caniyang pagcatulog ay mahaba sa
rati, at hindi lubhang mahimbing; cun ga hinahapo agad pagca siya,i,
gungmagaua nang anomang gaua, ó cung lungmalacad; cun baga siya,i,
nalilio, lalo pa cun ibinababa niya ang ulo, at biglang itinataas; ang
pagsaquit nang ulo cun hindi dating sungmasaquit; cun mainit ang
pagcaramdam nang may catauan; cun ang caniyang pagcaramdam ay ga
tinutudloc siya nang carayom sa boong catauan; lalo pa cun siya,i,
napagal nang pag-gaua nang anoman; cun gungmiguinhaua ang pagcaramdam
cun siya,i, binalin~goyn~goy. Cun nararamdaman nang may catauan ang
marami dito sa man~ga tinuran co n~gayon, ay mabuti sangrahan; n~guni
cun ang isa ó dalaua lamang sa man~ga sinabi co n~gayon ang caniyang
nararamdaman ay hindi sucat sangrahan.
509. Ang cainitan nang dugo na yao,i, isa pang dahilan na sucat
ipagsangra sa maysaquit, ay sungmasama sa man~ga saquit na sarisari,
na paraparang aquing nasaysay na, sa canicaniyang capítulo, na doon
babasahin ang gagauin.
510. Ang hindi sucat sangrahang hamac cundi utos nang marunong na
médico, ay ang man~ga sasabihin co n~gayon, sa macatouid: ang man~ga
matatanda na, na gungmagamit sa anim na puong taon, at ang man~ga
sangol; ang dati nang mahina ang catauan; cun ang pulso nang may
catauan ay munti, malambot at mahina, ó cun sa pagtiboc nang pulso
mayroong pagca liban; cun namumutla ang balat nang may catauan; ó cun
nanlalamig at namamaga (na malambot hipuin) ang man~ga paa,t, camay
niya; cun ang sicmura ay lauon nang panahong gulo; cun
binabalin~goyn~goy nang malacas; cun sinisibulan ang may catauan nang
maraming bucol. Ang pagsasangra n~ga sa tauo sa gayong man~ga lagay ay
masama, cun hindi batol nang maalam na médico, ó cun ualang sadyang
bilin dito sa librong ito.
511. Sa lupa nang castila, ang maysaquit na sinasangrahan, ay
nacucunan nang timbang ualo ó sangpouong pisong dugo sa isang
pagsasangra, sapagca ang castila ay marugo. Dito sa Filipinas ang
tagalog na hindi lubhang cungmacain nang carneng marami hindi sucat
cunan nang gayong caraming dugo. Sucat na roon, (ani P. Clain) ang
timbang tatlo ó apat na pisong dugo, ó ang ga isang taza carami. Ang
pagsasangra ay hindi maliuag matutuhan nang alin mang tauo, cun
naquitang minsan ang paraan. Ang tauo,i, masasangrahan sa alin mang
ugat nang caniyang catauan; houag lamang doon sa man~ga ugat na
nadoroon sa piling nang may tungmitiboc na pulso.
512. Cun ualang marunong sumangra, na-aari ang _linta_ ó ang
_ventosa._ Ang anim, ó ualo, ó sampouong _linta_ pinacacapit sa laman
nang tauong cucunan nang dugo; at nang cumapit ang _linta,_ ay maigui
basain ang laman nang mainit na tubig, ó lahiran nang dugo nang
_sisiu,_ ó azúcar; madali ring pigain ang dulo nang isang pacpac nang
_sisiu._ at basain ang laman niyong pinacatubig na lungmalabas doon
din sa dulo nang pacpac, na nababaon sa catauan nang manoc. Nang
bumutao ang _linta,_ cun baga hindi siya cusang bungmubutao, ay basain
ang ulo niya nang suca, ó lapitan nang isang baga. Yaong lugar na
quinapitan nang linta,i, maiguing hugasan nang tubig na sinucaan, nang
mauala ang pinaca camandag nang _linta._ Cun hindi ungmaampat ang dugo
ay tacpan ang sugat nang gaboc nang papel sangley na sinunog ó nang
quinayod na _culatculat,_ ó yaong tila cabuting sungmisibol sa man~ga
cahoy para nang turo sa párrafo 316 ó sa 293. Datapoua cun minsan
lalong madaling maampat ang dugo, pag hindi tinacpan ang sugat nang
anoman; sapagca ang dugong lungmalabas palibhasa,i, tungmitigas ay
siyang cusang nagpapaampat sa ibang dugo. Maigui rin ang bahay n~g
anlalaua. Cun ventosa ó tandoc ang gagamitin, ay cadlitan muna ang
maysaquit, bago tacluban nang _ventosa ó tandoc_ ang lugar na
quinadlitan. Datapoua ito,i, malauon at hindi totoong magaling.
=CAPÍTULO 88.=
_Aral na nauucol sa pag purga at sa pagpapasuca sa man~ga maysaquit._
513. Cailan~gang purgahin ó pasucahin ang tauo, cun mapait ang
caniyang bibig; cun ang dila pati nang n~gipin ay marumi; cun mayroong
masaquit sa tiyan, ó sa sicmura, na yao,i, han~ging nacuculong doon,
na ang pan~galan nang castila sa gayo,i, _flatos:_ cun ang may catauan
ay nanab-ang nang pagcain, ó cun naiibig niyang sumuca; cun ang
isinusuca niya,i, mapait; cun tila may mabigat sa sicmura, sa bayauang
at sa tuhod; cun hindi malacas na para nang dati ang caniyang catauan;
cun sungmasaquit ang ulo, ó cun nalilio ang may catauan, ó cun siya,i,
nahihilim; cun hindi husay ang caniyang pananabi, na cun minsan
malabnao at marami cun minsan caunti at matigas ang inaiilaguin niya;
cun ang pulso ay mahina at hindi lubhang husay na para nang dati.
514. Cun nararamdaman nang may catauan ang marami dito sa man~ga
sinabi co n~gayo,i, maigui big-yan siya nang purga, ó pasuca; n~guni
cun minsan ang purga,i, magaling pa sa pasuca doon; at cun minsan ang
pasuca magaling na lalo sa purga. Caya n~ga yata nang maalaman n~g
mangagamot cun cailan bagay doon ang purga, cun cailan ang pasuca ay
tatandaan niyang maigui ang sasabihin co n~gayon: Cun ang bibig nang
may catauan ay mapait, at ga parating ibig niyang sumuca, ó siya,i,
sungmusuca n~ga, ay maigui pasucahin; sapagca ang masama ay ang
sicmura. Datapoua cun ang nararamdaman nang may cataua,i, hindi itong
man~ga bagay na ito, cundi ang ibang man~ga sinabi co sa párrafo 513,
magaling sa caniya ang purga sa pasuca, lalo pa cun mayroong han~gin
sa tiyan, ó sa sicmura, ó cun masaquit ang bayauang; at tila mayroon
siyang nararamdamang mabigat sa tuhod.
515. Masamang purgahin, ó pasucahin ang aquing sasabihin n~gayon, sa
macatouid: ang nalalagnat na tauo sa oras nang pagcalagnat niya, cun
baga siya,i, nalalagnat nang malaqui; ang tuyo ó payat na totoo ang
caniyang catauan; cun ang pinagmul-an nang saquit ay cahinaan nang
catauan; cun pinanaugan nang sa panahon ang babayi; cun ang may
cataua,i, nagcasaquit, at ang caniyang saquit ay nauauala na sa pauis,
ó sa pag-iilaguin, ó sa pag-ihi, ó sa pag-babalin~goyn~goy; ang tauong
piyohin, cun dinaraanan nang saquit na yaon; gayon din cun totoong
hina ang man~ga litid nang may catauan.
516. Mayroong tauo na mabibig-yan nang purga (cun baga cailan~gang
purgahin) bago masama roon ang pasuca, sa macatouid: ang tauong marugo
párrafo 508; ang binabalin~goyn~goy; ang lungmulura ó sungmusuca n~g
dugo; ang babaying pinanaugan nang maraming dugo, at ang man~ga
babaying buntis. Itong man~ga ganganito,i, hindi sucat pasucahin;
datapoua mabibig-yan sila nang purga.