liig sa alin man sa dalauang ugat na pinan~gan~ganlang _yugular,_ na
doroon sa man~ga taguiliran nang liig, na macaapat man sa loob nang
tatlong oras cun hindi nagcacasiya ang isang pagsasangra. Cun baga
nang masangrahan na,t, masaol-an, nahihilim ang may cataua,i,
casasangrahan pa, hangang lumacas na magaling ang pulso, at siya,i,
masaol ang lubos. Ang hiniua nang lanceta, ay houag bigquisan, cundi
sapauan lamang nang isang mabilog na capirasong damit, ganga piso
calaqui, na linatagan nang caunting sahing, nang cumapit sa laman, at
umampat ang dugo. Ang lugar na tinahacan nang lubid, ay maigui basain
nang _suca_ ó tubig na may _asin._ Bucod dito,i, cailan~gang hipan sa
bibig pagcaraca ang tila patay, ayon sa turo sa párrafo 457. Pag
hungmihin~ga na, ay painumin nang maraming malamig na tubig, at
paypayang parati. Masamang ipahiga ang gayong tila patay; magaling
ipalocloc sa sahig, at alagaan ang ulo, nang houag tumun~go sa ilalim.
N~guni cun baga lungmingsad ang unang buto nang liig, ay ualang
magagauang gamot doon.
_Ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,i, nahulog sa mataas, ó
pinalo nang malacas, at sa dinaanan nang_ apoplegía _ó_ epilepsia, _at
tila natutuluyang mamatay._
462. Ang nahulog sa mataas, at ang pinalo nang malacas, capag nasactan
ang utac nang ulo niya, ay nahihilim na tambing, at ang magaling sa
gayo,i, sangrahan nang maquiilan sa paa. Ang lugar na nasactan, ay
doroonan nang isang basahang babad sa aguardiente ó alac na matapang
sa niyog. Ang ilong pati nang quibutquibutan, ay babasain nang _suca;_
sa bibig ay huhulugan naman ang tila patay nang ilang capatac na
_suca_ rin. Cun nasasaol-an ang may catauan, ay painumin nang isang
vasong tubig na malamig; ang muc-ha sampon nang dibdib niya,i, bubusan
nang tubig na malamig din.
463. Ang tauong _nanhihimatay,_ ó ang dinaraanan nang apoplegía, ó
epilepsia, cun minsa,i, tila natutuluyang namamatay, bago,i, hindi
patay. Caya yaong man~ga gayong maysaquit, ay hindi sucat ilibing
muna, cundi maramdamang mabaho baho na. Ang mabuti doon ay hubdan at
sangrahan sa camay, at ilagay sa maaliualas na lugar, na bucas ang
lahat na don~gauan. Ang isa pang magaling doon, ay ang pagsumpit nang
usoc nang tabaco ayon sa turo sa párrafo 457.
_Ang gagauin sa man~ga sangol na tila patay cun bagong ipan~ganac,
dahil sa napisa ang canilang pusod, ó sapagca nasicpang totoo nang
lungmabas sa tiyan, at sa man~ga batang tila patay dahil sa pagsigao ó
sa pagsibol nang n~gipin, ó sapagca inugoy sila nang malacas sa
duyan._
464. Cun mayroong batang ipinan~ganac na ualang pulso, at hindi
cungmacabacaba ang puso niya, cundi anaqui patay, bago talian at
putulin ang pusod, ay cailan~gang usisain cun baquin gayon ang
caniyang lagay; cun dahil sapagca mataba,t, marugo ang bata, ó dahil
sa siya,i, yayat at mahina.
465. Caya na-aalamang marugo ang bata sapagca ang color nang cataua,i,
mapula, ó maitim-itim, na yao,i, ugali nang man~ga batang mahirap
ipan~ganac; lalo pa cun nasicpang totoo nang siya,i, ipan~ganac, ó
nalauong napatahan sa pinacaaran ó pinacaliig nang bahay tauo, ó cun
binago nang hilot sapagca sala ang paglabas, ó cun nacabicti sa caniya
ang pusod. Cun gayon, ang maiguing gauin, ay ituturo co n~gayon. Ang
pusod ay putulin; datapoua houag talian yaong natitirang caputol na
patun~go sa catauan nang bata, cundi sipsiping agad yaon ding dulo
nang pusod, nang lumabas ang dugo, hangan sa masaol-an nang buhay ang
bata. Cailan~gan namang tacpan ang ilong niya, at hipan nang malacas
sa bibig. Ang isa pang totoong cailan~gang gauin, ay sipsipin ang
caliuang suso nang bata, bucod dito,i, dadalhin sa maaliualas na lugar
ang sangol, at cucuscusin ang boong catauan niya nang mahinang
pagcuscos, lalo pa ang palad at ang talampacan nang damit na iniinit
init sa apoy. Cun ang bata,i, nasaol-an na nang buhay, ay talian na
ang pusod.
466. Datapoua cun baga caya tila patay ang bata dahil sapagca siya,i,
mahina, ay houag putulin ang pusod; cundi pabayaan munang cacabit nang
caniyang _ina,_ nang halagang calahating oras ó isang oras caya,
hangan sa ang bata,i, ga gumamit nang buhay sa caniyang _ina;_
cuscusin naman nang mahinang pagcuscos ang catauan nang bata, nang
damit na manipis, na babad sa mainit na alac sa misa; at cun hindi rin
nasasaol-an nang buhay, ay sipsipin ang caliuang suso nang bata, at
hipan nang malacas sa caniyang bibig, para nang turo co sa párrafo 405
na sinundan nito.
467. N~guni cun baga dahilan sapagca hindi marunong ang hilot,
napacaaga ang pagputol nang pusod, at ang bata,i, hindi hungmihin~ga,
at uala siyang pulso cundi tila patay, ay uusisain ang totoong dahilan
noong ganoong caniyang lagay, ayon sa turo sa párrafo 465 at sa 466;
at cun baga caya tila patay ang bata, sapagca siya,i, maraming dugo,
ay cacalaguin pagcaraca ang tali nang pusod, at gagauin ang ibang
man~ga bilin sa párrafo 465. Datapoua cun baga ang bata caya tila
patay dahil sa cahinaan nang caniyang catauan, ay ang man~ga turo sa
párrafo 466 siya ang sundin; at bucod doo,i, ilalapit lapit sa apoy
ang bata.
468. Ang man~ga batang tila patay, cun sila,i, sinisibulan nang
n~gipin, ó cun dinaraanan nang _convulsión,_ ó sapagca iniugoy ang
malacas sa duyan ó naraganan nang canilang _ina_ ó nang sugo noon, cun
natutulog, ay hihipang agad sa bibig para nang uica co sa párrafo 465.
Sususuhin, ó sisipsipin ang caliuang suso nang bata; cucuscusin naman
ang boong catauan nang magaang pagcuscos nang damit na iniinit init sa
apoy; ilalapit lapit naman sa apoy ang gayong batang tila patay, ó
ibabaon sa gaboc na iniinit init sa cauali. Ang ilong patí nang
quibutquibutan nang bata,i, babasain nang tubig na maban~gong totoo.
Bagay rin doon ang sumpitin nang sumandaling oras calauon nang usoc
nang tabaco, para nang turo sa párrafo 457; houag lamang lacasan ang
paghihip maca masactan ó mapaso ang bituca.
_Ang gagauin sa man~ga babaying tila patay cun nan~gan~ganac, ó cun
macapan~ganac na_.
469. Ang man~ga babaying nan~gan~ganac, ó ang bagong nacapan~ganac,
cun minsan namamatay nang biglang pagcamatay, n~guni cun minsan hindi
totoong patay. Caya yaong man~ga caauaauang babaying gayon, ay hindi
sucat pabayaan, cahima,t, camuc-ha nang bangcay cun tingnan, cundi
atohing gauin itong man~ga sasabihin co n~gayon, upan ding masaol-an
nang buhay, cun baga sacaling hindi totoong patay. Ang gagauin n~ga
roon ay gayon: Hihipang agad sa bibig nang totoong lacas na paghihip,
nang magpatuloy ang han~gin sa _baga_ nang tila bangcay. Datapoua ang
ilong ay tatacpan, ó cun hipan sa ilong ay cailan~gang tacpan ang
bibig. Ang babayi ay ipahihiga nang pataguilid na mataas taas ang
ulo, at cacalaguin ang lahat na tali sa catauan niya. Saca mabuti
cuscusin nang damit na malaqui,t, magaspang ang palad, pati nang
talampacan sampon nang catauan niya, houag lamang ang tiyan, cun hindi
pa nacapan~gan~ganac siya; ó ibaon sa gaboc na mainit init, houag
lamang ang muc-ha,t, liig, sapagca cun lumamig ang cataua,i, maliuag
liuag (ani Buchan) ang masaol-an nang buhay ang tila patay. Ang
pagsasangra doon sa camay cun minsa,i, maigui cun hindi yayat at
mahina ang babayi, ó cun hindi siya pinanaogan nang maraming dugo
Bucod dito ang isa pang totoong cailan~gang atuhing gauin ay ang
pagsumpit nang usoc nang tabaco nang ilang oras calauon, ayon sa turo
sa párrafo 457. Datapoua cun ualang asa, na yaon ay magasaol-ao nang
buhay, sapagca ang man~ga itinuro co n~gayo,i, itinuloy nang anim ó
pitong oras calauon, at hindi rin nabubuhay, at bucod doo,i, naalaman
nang patay na totoo ang babayi, cun baga hindi pa siya
nacapan~gan~ganac, ay hihiuain ang tiyan para nang ituturo co n~gayon
nang mabinyagan ang bata. N~guni cun baga nasaol-an nang buhay ang
babayi, ay alagaan para nang turo sa capítulo 79 at sa capítulo 80.
_Ang gagauin sa babaying buntis na namatay, nang mahan~go ang bata sa
tiyan at mabinyagan._
470. Cun mayroong namatay na babaying buntis, ay cailan~gang litasin
ang caniyang tiyan at han~goin ang bata doon. Ang paghiua doo,i, mula
sa itaas na pailalim sa taguiliran nang pusod, ga isa, ó dalauang
daliri lamang calayo doon. Ang unang hinihiua,i, ang balat, na yao,i,
macapal; ang sungmusunod doo,i, ang bahay tauo, na yao,i, manipis
nipis. Ang bata,i, hahan~guin doong marahan dahan, bubusan sa ulo nang
tubig na totoo para nang sa bucal ó sa ilog, ó sa laua, ó sa ulan, ó
sa dagat man; cun binubusan ang bata nang tubig, yaon ding tauong
bungmubuhos ay mag-uiuica namang sabay nang gayon: aco,i, nagbabautizo
sa iyo sa n~galan nang Ama,t, nang Anac at nang Espíritu Santo; ó cun
ibig niya,i, ang sa uicang castila, ay ganito ang caniyang uiuicaing
casabay nang pagbubuhos nang tubig: YO TE BAUTIZO EN EL Nombre del
Padre, y del Hijo, y del Espírtu Santo. Itong man~ga uicang
guinagamit sa pagbibinyag, ay hindi sucat dugtun~gan ó dagdagan nang
ibang uica, at hindi rin sucat culan~gan, ó bauasan nang anoman. Bucod
dito,i, ang aahain nang tauong bungmubuhos doon sa caniyang guinaua sa
bata ay ang dating guinagaua nang man~ga cristiano sa santa Iglesia ni
Jesucristo.
=CAPÍTULO 76.=
_Ang gagauin sa babaye cun hindi husay ang pagdaan sa caniya nang sa
panahon._
471. Ang man~ga babayi cun gungmagamit sa icalabing apat na taong,
hangang sa icalimang pouo, ay dinaraanan bouan-bouan (cun hindi
buntis) nang saquit nang tiyan, na ang pan~galan nang castila doo,i,
regla. Cun yaong pagdaan nang sa bouan, ó sa panahon, ay sungmasala
dahilan sa cauntian ó caramihan nang dugong nananaog, ay nagcacasaquit
ang may catauan, lalo pa cun nauaualang lubos yaong ugaling saquit na
yaon. Ang babaying masipag at masaya ang loob, ay maliuag di siyang
panaugang maigui; datapoua ang babaying matamaring cumibo, ang
mapanglauin, ang cungmacain nang cun ano ano, ay siya ang malimit
urun~gan nang sa panahon, ó panaugan nang sala, at cun minsan yaon din
ang di icapagcaanac niya.
472. Ang dahilan noong pagsala nang pagpanaog nang sa bouan, ay ang
cahinaan nang may catauan, sapagca cun minsan hindi siya lungmalacad,
ó hindi nananaog man sa lupa, nang malibang ang caniyang loob, at uala
rin gaua doon sa bahay na bagay sa catauan niya, sapagca ang datihang
gaua nang man~ga babaying marami, ay ang pananahi, ang paghabi, ó ang
pagdurugtong nang _abaca_, na yao,i, paraparang masamang totoo,
sapagca ang gungmagaua noon, ay parating tun~go ang caniyang ulo, pati
nang licod, na dahil doon ay nasisicpan ang dibdib niya Bucod dito
palibhasa,i, ualang quibo cundi parating locloc, ay nanhihina nang
nanhihina ang may catauan; na cun malauon ay nananab-ang nang pagcain
na-tatamad siyang lumacad, ang sicmura niya,i, nagugulo, sungmasaquit
ang n~gipin pati nang paa; sinusubaan pa cun minsan; hindi
pinananaogang maigui; lungmulura nang dugo, at ang isa pa,i,
sungmasama at nasisira (ani Buchan) ang magaling na hichura nang
catauan. Caya ang nagsasaquit gumaua noong man~ga gauang yaon, cun
baga hindi siya pinananaogang mabuti nang bouan; ay maliuag
gungmaling, cundi sundin niya ang man~ga ituturo co n~gayon sa man~ga
párrafong isusunod dito. N~guni cailan~gan pacatalastasin nang man~ga
mangagamot, na ang guinagaua sa babaying masasactin at mahina na hindi
dinaraanan nang bouan, iba sa iguinagamot sa babaying mataba,t, hindi
mahina.
473. Ang babaying mataba,t, magaling ang catauan, na biglang
dinaraanan nang hindi siya panaugan nang bouan, ó sala ang pagpanaog,
ay cailan~gang lumacad arao arao. Cun nacacaya ang maysaquit ay maigui
sa lahat ang pagsacay sa _forlon_ ó sa _cabayo_. Bucod dito houag
siyang hihipo nang anomang gaua pagca bagong nacacain. Capilitan
namang sangrahan yaong gayong maysaquit; sapagca ang pagsasangra ay
madalas macagaling pagcaraca sa hindi dinaraanan nang panahon, lalo pa
cun ang may cataua,i, malacas at mataba, at datihang hindi siya
nagcacasaquit nang gayong pagcacasaquit. Datapoua ang pagsasangra, ay
hindi sucat gauin sa man~ga babaying mahina,t, masasactin. Ang isa
pang magaling doon ay ibabad sa malacucong tubig ang paa nang
maysaquit, at painumin nang bilin sa número 20. Ang _suero_ nang gatas
ay maigui doon naman. Gayon ding mabuti purgahing maminsan minsan ang
maysaquit nang bilin sa número 21.
474. N~guni ang babaying dati nang mahina,t, masasactin, na marahil
urun~gan nang sa panahon, ay gagamutin para nang ituturo co n~gayon;
sa macatouid, ang maysaquit ay capilitang lumacad arao-arao, at
magpasial, ó sumacay sa cabayo, na yaon ang lalong magaling sa lahat.
Cun hindi maari sa caniya yaon, cailan~gang manaog siya sa lupa touing
arao, (ayon sa turo ni Buchan) at mag-alaga siya doon nang munting
halamanan. Houag siyang cacain nang sala, ó nang man~ga cun ano ano.
Masama doon ang maymanticang marami, ang m~ga maasim, at ang may
harina para nang _patani, balatong,_ etc. Masama rin doon ang
pagsasangra at ang purga. Ang totoong bagay na gamot sa gayon, ay ang
pinagquiquilan nang _bacal;_ yaon bagang _bacal_ na totoo, na hindi
_acero_ ó ang ualang patalim. Masama naman ang _bacal_ na may
_calauang._ Cun ang saquit ay bago, ó cun bata pa ang babayi, ang
bacal na sucat doon, ay timbang labinglima, ó dalauang puong butil na
palay arao-arao; cun minsan siya na ang timbang apat ó limang butil na
palay. Datapoua cun ang saquit ay malaqui at matanda ang babayi, ay
mabibig-yan siya n~g marami sa roong bacal na quiniquil, hangang sa
timbang cahati. Mabuti samahan ang bacal n~g _dita ó anis_ Ang man~ga
bilin sa número 54, 55 at sa 56, totoong mabubuting gamot sa saquit
nang pag-urong n~g sa panahon; ang mangagamot ay pipili doon sa tatlo,
nang lalong bagay sa calooban nang maysaquit. Cun ang ibig lamang ay
ang panaugan n~g sa bouan ang babayi, ang _alac_ na bilin sa número
55, ay nacacagaling agad sa may saquit. Datapoua cailan~gang
pacatalastasin nang man~ga mangagamot na cun baga ang babayi na hindi
dinaraanan nang bouan, ay may lagnat pang casama, ó nag-uubo, ó
binabalin~goyn~goy, ó payat ang catauan niya, ay capilitang alisin ó
paual-in muna itong man~ga saquit na ito, bago gauin ang m~ga itinuro
co sa párrafong ito nang panaugan siya n~g bouan. Caalamalam capag
nauala ang man~ga saquit na yaon ay pananaugan ang maysaquit di man
gamitin. Ang iquinauurong nang panahon sa man~ga babayi, ay ang
lamig, ang sip-on, ang tacot, ang pagcain nang manteca, bun~ga nang
cahoy, gatas, ó isda ó nang man~ga malalamig, ó man~ga mainit na totoo
para nang luya, bauang at pimienta, ó m~ga ma-aasim, ang pagsasaquit
nang pag-gaua at ang pagcapuyat. Caya cailan~gan ang houag iuala n~g
man~ga mangagamot sa canilang loob ang bilin co nang una, sa
macatouid; na ang pag-urong nang panahon cun minsa,i, hindi saquit,
cundi dala nang ibang saquit, na yaon ang cailan~gang alisin muna. Cun
baga mauala man yaong saquit, at malacas lacas man ang may catauan, ay
hindi pa dungmarating na cusa sa caniya ang ugaling pagdaan nang sa
panahon, ay gamutin, nang panaugan siya, ayon sa turo sa capítulong
ito.
475. Cun ang babayi hindi na dinaraanan nang panahon sapagca siya,i,
matanda na, cun baga bigla ang pagtahan, ó ang pag-urong nang bouan,
at dati siyang pinananaugan nang malacas, ay gagamutin nang gayon: Ang
maysaquit ay sasangrahan, at cun macalalo ang anim, apat ó tatlong
bouan, ay sasangrahang uli. Houag pacanin nang maraming carne ó itlog,
at houag painumin n~g _alac._ Cun umaga bago cumain ang maysaquit ay
pinaiinom siya nang bilin sa número 24, na yaon ang totoong buti doon,
na cailan~gang gauin touing icalaua ó icatlong arao. Cun minsan naman
bago tumahan ang pagdaan nang sa panahon sa babaying matanda na, ay
pinananaugan siya muna nang maraming dugo; at cun gayo,i, houag
sangrahan. Datapoua cailan~gan ang husay na pagcain pati nang
pag-inom, at bucod dito,i, paiinumin nang bilin sa número 24, at
maminsan minsang pupurgahin nang bilin sa número 23. Masama roon ang
man~ga masaclap, at ang guinagamot nang gayon, ay sinisibulan cun
minsan nang _cancro_ sa _bahay tauo._ Maraming babaying matanda ang
namamatay cun bagong tungmatahan ang pagdaan nang panahon sa canila;
datapoua mayroong ibang gungmagaling sa rati ang canilang catauan,
nauauala ang ibang man~ga saquit, at cun minsan ang dating
nananalamin, sapagca malabo ang mata, ay nacaquiquita nang magaling,
at iniiuan ang salamin.
_Nota._ Ang man~ga painom nang man~ga gamot na hindi maalam doon sa
babaying inurun~gan nang sa panahon, sa halimbaua ang alac na
matapang, ang _suma_ at ang iba pang gayon ay totoong sama.
=CAPÍTULO 77.=
_Ang gamot sa babaying pinananaugan, ó_ _linalabasan nang maraming
dugo, na ang_ _tauag nang castila doo,i,_ flujo de sangre.
476. Ang gagauin sa babaying linalabasan ó pinananaugan nang maraming
dugo ay gayon. Cun baga dating saquit niya yaon at malimit siyang
daanan noong hirap na yaon, ang unang cailan~gan doon, ay ang husayin
ang pagcain at ang pag-inom. Saca bibig-yan ang maysaquit nang bilin
sa número 24 at nang sa número 32.
477. Datapoua cun hindi dating saquit niya yaon, cundi dinaraanan cun
minsan lamang nang siya,i, pinanaugan nang maraming dugo, ay gagamutin
para nang pag-gamot sa babaying buntis na talagang ma-cucunan, na
yao,i, aquing ituturo sa párrafo 479.
=CAPÍTULO 78.=
_Ang gagauin sa babaying buntis na nagcacasaquit saquit, at sa tila
macucunan._
478. Ang man~ga babaying buntis ay dinaraanan nang pagsaquit nang
n~gipin at ulo, at cun minsa'i, dungmuroual, at ga ibig nilang sumuca
cun umaga. Ang totoong gamot dito,i, ang pagsasangra.
479. Cun minsan naman, cun nahuhulog ó lungmulucso ang babaying buntis
ó cun lungmacad nang matulin, ó nahirapan nang pag-gaua, ó cun
inarauan, ó cun sungmusuca, ó nagalit, ó natacot, ó cun nacainom nang
maraming alac ó _cha,_ ay sungmasaquit ang caniyang bay-auang na yaong
saquit ay ungmaabot hangang hita, bago sumunod doon ang pagsaquit nang
tiyan, na dahil doo'i, nahahalatang macucunan siya. Ang gagauin doo'i,
gayon: Pinahihiga capagcaraca ang maysaquit, pinipilit siyang
tungmahang ilang arao doon sa hihigan, na mababa ang ulo, na ualang
quibo, at ualang imic man; sasangrahan agad sa camay hangang sa macuha
ang timbang ualo ó siyam na pisong dugo. Houag pacanin nang _carne,
itlog,_ ó sabao nang _carne,_ cundi canin, gatas, etc. na malamig cun
canin. Touing icalauang oras, ay iinumin niya ang timbang isang
salaping _salitre ó nitro_ número 20. Bucod doon ay iinuming parati
niya ang bilin sa número 2. Mayroong babaying mataba,t, marugo na
datihang nacucunan sa tacdang panahon. Ang maigui sa caniya, ay
magsangra cun malapit lapit na ang arao n~g pagdaan sa caniya niyong
hirap na yaon. Maigui rin sa caniya ang man~ga turo co dito rin sa
párrafong ito.
=CAPÍTULO 79.=
_Ang gagauin cun mahirap ang pan~gan~ganac nang babayi._
480. Maraming totoong babayi, ang namamatay dahil sapagca ualang
naalamang anoman ang man~ga hilot, at ang man~ga nagsisitulong sa
babaying nan~gan~ganac. Ano mang bagay na naririn~gig nilang magaling
sa nan~gan~ganac guinagaua pagcaraca, lalo pa cun turo nang matanda, ó
nang man~ga man~gagamot na mangmang, na hindi man marunong bumasa. Ang
marahil gauin nang man~ga hilot na hindi maalam doon sa babaying
nan~gan~ganac, ay pinaiinomin ang catauan nang _castor, luya,_
sambong, _ruda,_ lan~gis nang _ambar, alac, triaca, café, aguardiente_
ó tubig nang _anis ó hinojo._ Itong lahat na bagay pauang masama (ani
Tissot) at parang lasong totoo, sapagca nacalalauo,t, nacaliliuag sa
pan~gan~ganac, dahil sa cainitan nang man~ga gamot na yaon, at yaon
din naman ang nagpapainit, at ang ga nagpapatigas ó nagpapaunat sa
bahay tauo; pati nang man~ga daraanan nang bata cun ipan~gan~ganac, ay
namamaga rin dahilan doon at cungmiquipot. Bucod doon ang babaying
pinaiinom noong man~ga maiinit na yao,i, ang caniyang marahil masapit,
ay ang siya,i, panaugan nang maraming totoong dugo, at matutuluyang
mamatay sa loob nang ilang oras.
481. Ang totoong sucat gauin sa babaying nan~gan~ganac, ay ang
sasabihin co n~gayon, na yao,i, pauang aral ni Tissot at ni Buchan, na
sila ang totoong dapat paniualaan, sapagca bihasang totoo sila doon sa
man~ga bagay na yaon Cun mayroong babaying nan~gan~ganac na dating
malacas siya,t, hindi masasactin at hindi rin sala ang hichura nang
caniyang catauan, cun baga mahirap ang caniyang pan~gan~ganac, ay
houag siyang dumag-is cun hindi panahon at siya,i, bagcus hihina.
Masama ring lamasin, ó iriin nang man~ga tauo ang caniyang tiyan,
sapagca yao,i, macacamatay sa bata, at ang isa pa,i, ualang
paquinabang doon sa gauang yaon. Ang man~ga maiinit na gamot na aquing
tinuran sa párrafo 480, na sinundan nito ay masama naman. Ang bagay na
bagay sa caniya ay gayon: Sasangrahan agad siya sa camay, sapagca yaon
ang nacacaualang madali nang man~ga pagsaquit nang catauan, at
nacacalubay sa man~ga casangcapan nang nan~gan~ganac. Hangang di
lumabas ang bata,i, houag pacanin ang may catauan; datapoua
mabibig-yan siya nang durog na tinapay na luto sa tubig. Toui siyang
iinom, ang ipaiinom ay ang tubig na pinaglutuan nang caunting tinapay
rin. Susumpitin naman siyang macaitlo cun arao, at macaitlo cun gabi,
nang tubig na pinaglagaan nang _culutan,_ na may casamang caunting
_lana,_ ó lan~gis na bago nang _niyog_. Saca pinalulucloc na parati
ang babayi sa tapat nang isang palioc na puno nang tubig na mainit, at
pinasisin~gauan siya roon, sapagca ang sin~gao nang mainit na tubig ay
nacacalambot agad sa catauan. Bucod dito,i, lalahiran nang mantica
ang loob nang caniyang punong catauan. Doroonan naman sa ibabao n~g
tiyan nang man~ga basahang babad sa mainit na tubig, na ito,i, totoong
buti rin. Ang man~ga itinuturo co n~gayon na pauang ualang liuag, ay
hindi mahirap gauin, at hindi rin nacacaano sa bata at sa babayi, at
maraming totoong babayi ang nacacapan~ganac na maigui capag sinusunod
nila yaon.
482. N~guni cun sala ang lagay nang bata sa tiyan ó cun sala ang
catauan nang babayi, ay hindi magcacasiya ang man~ga itinuro co sa
párrafong sinundan nito. Cun masama ang lagay nang bata sa tiyan ó cun
sala ang paglabas, ay cailan~gang hanapin ang isang marunong na hilot,
at ang gagauin niya ay gayon: Ang tiyan nang babaying nan~gan~ganac
idiriin nang camay sa man~ga taguiliran, at sa ibabao n~g tiyan din na
paitaas, nang mahina hinang pagdiriin, nang umurong ang bata, cun sala
ang paglabas. Pag napasauli na ang bata sa loob, ay ipinaanyo roon n~g
hilot n~g lumabas na mahusay. Cun baga patay ang bata sa tiyan ang
gagauin sa babayi, ay yaon ding man~ga bilin sa párrafo 481.
=CAPÍTULO 80.=
_Ang man~ga saquit na marahil sumunod sa pan~gan~ganac nang babayi._
483. Ang man~ga saquit na marahil humalili sa pan~gan~ganac n~g babayi
ay lima. Ang nauuna ay cun siya,i, binubusan n~g maraming dugo. Ang
icalaua,i, ang pamamaga nang _bahay tauo._ Ang icatlo,i, cun hindi
lungmalabas yaong ugaling lungmalabas na dugo sa man~ga babaying
nan~gan~ganac. Ang icapat ay ang gatas, cun hindi husay ang
pagpatun~go sa man~ga suso nang babaying. Ang icalima,i, cun hindi
lungmalabas ang inunan.
484. Cun baga nang macapan~ganac ang babayi, binubusan siya nang
maraming totoong dugo, ang gagauin doo,i, sasangrahan, at susundin ang
ibang m~ga bilin sa párrafo 479. Bucod dito,i, lalag-yan siya sa tiyan
at sa bay-auang, pati sa m~ga hita nang man~ga basahang babad sa
_tubig_ at sa sucang matapang na magcasingdami, na yaon ay papalitang
parati pagca tuyo tuyo na, at inaalis tuloy pag ungmuunti na ang
paglabas nang dugo.