_talamponay_ ó _cabuti,_ ó bun~ga nang _tuba, camaisa_ ó _pepita_ ni
san Ignacio, ó iba cayang damong masama, ang gagauin doo,i, gayon. Ang
maysaquit ay paiinumin nang maraming malacucong _tubig_ na sinamahan
nang caunting _asin_ ó _azucar_, at pagcaraca,i, pasucahin nang
maraming tubig at lan~gis, ó nang bilin sa numero 34 ó 35. Pag
nacasuca na ang may catauan, saca painomin pa nang maraming tubig na
linahucan nang _pulot_ ó _azucar;_ itong tubig na ito,i, lalag-yan din
nang maraming suca; bucod dito,i, susumpiting parati ang maysaquit
nang gatas na may casamang lan~gis. Cun minsan ang maysaquit ay
nahihilim na parati, na dahil doo,i, cailan~gang parapitan sa paa at
camay nang bilin sa numero 36, lalo pa cun ang caniyang linon-oc ay
ang _opio_ ó ang _talampunay_ na yao,i, catulad nang _opio;_ cun gayon
ay cailan~gan namang sangrahan agad ang maysaquit, at gauin doon ang
man~ga turo sa párrafo 101, gaya nang sa nagcacasaquit nang
_apoplegía._ Cun baga caya nagcacasaquit ang tauo,i, dahilan sa
siya,i, pinurga ó pinasuca nang purgang matapang ó pasuca ay gagamutin
para nang turo sa párrafo 445.
=CAPÍTULO 72.=
_Ang saquit na_ pasmo _na yao,i, catulad nang_ perlesía.
432. Pinan~gan~ganlang _pasmo_ ó _perlesía_ yaong saquit na yaon, na
marahil dumaan sa nagtatahan dito sa Filipinas. Yaong saquit capag
tumama sa _puso_, ó sa _baga_ ay mamamatay ang may catauan; cun sa
sicmura, sa man~ga _bituca_ ó sa pantog nang ihi, ay mapan~ganib din
ang buhay nang tauo; at cun ang muc-ha ang napasma, ay masama ring
saquit, sapagca yaong gayo,i, sa man~ga utac nang ulo nangagaling, at
cun ang muc-ha,i, lungmalamig at cungmucupis, ó cun ang maysaquit ay
nacacalimot-limot na, ay maliuag mauala yaong saquit. Itong saquit na
ito cun minsan sungmusunod naman sa tama nang han~gin _ó mal de
viento_.
433. Yaong casangcapan nang catauan na tinatamaan nang _perlesia_ ó
_pasmo_ ay hindi nacararamdam at cun minsan hindi maiquibo. Ang
pinagmumul-an nitong saquit, ay iba,t, ibang dahilan. Ang pag-inom
nang maraming _alac_ hangan nalalasing ang may catauan, ang man~ga
sugat sa ulo at sa loob nang gulugod, ang han~ging malamig cun
ungmuulan, ang pagliban nang ugaling pag-ihi ó pananabi; ang pagtahang
parati na ualang gaua, ang pag-inom nang malimit nang _cha, ó cafe
etc.,_ ang man~ga sugat sa litid, ang sin~gao na masama na nangagaling
sa lupa, at ang iba pa.
434. Cun baga batang tauo ang nagcacasaquit noong saquit na _pasmo_,
at ang catauan noon ay magaling, at siya,i, mataba, gamutin para nang
dinaraanan nang _apoplegíang dala nang cainitan nang dugo_, parrafo
101; sa macatouid, sasangrahan, susumpitin, at pupurgahin para nang
turo doon.
435. Datapoua ang man~ga mahihinang tauo, ó ang man~ga matatanda na,
cun dinaraanan nitong saquit na _pasmo,_ ay houag gamutin nang gayon,
cundi para nang isusunod co dito. Cuscusin, ó hilutin nang camay ang
casangcapang masaquit nang catauan. Ang parapit número 36, ay maigui
rin. Datapoua cun hindi pungmapayag ang may catauan doon, ó cun ang
saquit ay nadoroon sa muc-ha, ay hilutin arao-arao yaong masaquit nang
_alac_ na pinag-tunauan nang caunting _ingo_, ayon sa turo nang P.
Clain, at sumpitin tuloy ang maysaquit. Ang pag-inom nang tubig na
linag-yan nang polvos nang ugat nang _Malungay_, ay mabuti sa saquit
na yaon. Ang ugat ay pinatutuyo muna sa arao ó sa apoy man, bago
bayuhin. Ang pasuca número 35 (ani Buchan) ay totoong buti cun
nacacayanan nang catauan nang maysaquit at cun ang canyang _pasmo_, ay
para nang sinabi co dito rin sa párrafong ito. Cun hindi pumayag ang
maysaquit doon sa pasuca nang número 35 ay na-aari ang pasuca nang
malacucong tubig na sinamahan nang lan~gis, azúcar at suca. Maigui
naman doon ang man~ga bagay na nagpapabahin para nang polvos nang
_tabaco_, etc. Bucod dito ang maysaquit ay mag-iin~gat sa _ulan_ sa
_hamog_, at sa calamigan nang _panahon._
_Nota._ Sa saquit na _pasmo_ ang totoong galing na gamot, ay ang
talbos ó ang dahon isang _cahel_ na ilalaga sa tubig, at itong tubig
na ito ay ipaiinom touing umaga sa maysaquit ayon sa turo sa párrafo
405. Magaling din ang pag-inom na maminsan-minsan nang calahating
tazang tubig na hinulugan nang calahating cucharang buto nang mostaza.
=CAPÍTULO 73.=
_Ang saquit na_ ictericia _na iquinapaninilao nang mata nang tauo._
436. Itong saquit na ito,i, dala nang _apdo_, na hindi husay na para
nang dati, ó cun sungmusucal ang man~ga dinaraanan noon. Sa saquit na
_ictericia_ ang puti nang mata at ang boong catauan cun minsan ay
dungmidilao, pati nang ihi madilao rin, at nacacamancha sa man~ga
damit na maputi. Ang maysaquit ay nananab-ang nang pagcain at mapait
ang caniyang bibig. Ang iniilaguin niya ay maputi ó maitim, at cun
minsa,i, sungmusuca siya naman nang madilao. Ang man~ga _sangol_ capag
hindi iniilaguin nila yaong unang duming ugaling ilaguin nang man~ga
batang bagong pan~ganac, ay marahil magcasaquit nitong ganitong
saquit. Ang man~ga babaying buntis ay gayon din. Ang man~ga dalaga,i,
dinaraanan naman noon ding saquit na yao; pati ang quinagat nang ahas
ó asong ol-ol.
437. Cun ang saquit nang _ictericia_ ay sungmusunod sa pagsintac sa
_atay, ó_ sa purga ó pasucang matapang ó sa paglon-oc nang lason, sa
pamamanglao, ó sa tacot ó galit na malaqui, ó sa _cólico bilioso_
párrafo 364, ang maysaquit ay _ilagay sa husay_ nang maysaquit na
magaling-galing na capítulo 5, at macaapat maghapon paiinumin nang
bilin sa número 20. Susumpitin siya nang malimit nang bilin sa número
5. Ang iinumin niyang parati ay ang turo sa número 1 ó 2; at touing
icatlong arao pupurgahin nang bilin sa número 47. Datapoua cun yaong
saquit ay sungmusunod sa lagnat na _pan~giqui,_ ó sa ibang saquit na
malaqui, ang may cataua,i, pupurgahin nang malimit nang bilin sa
número 47, at paiinumin nang sa número 3. Cun babayi ang nagcacasaquit
nang-saquit na _ictericia_ ó _opilación_ dahilan sa hindi husay ang
pagpanaog nang sa _bouan,_ at hindi siya buntis, ay basahin mo ang
capítulo 76, at sundin ang man~ga turo doon.
438. Cun minsan iba ang punong pinagmumul-an nang _ictericia;_ sa
macatouid cun sungmusucal ang man~ga dinaraanan nang _apdo_ nang tauo.
Cun gayo,i, ang atay tungmitigas, ó tila may sungmasaquit doon, lalo
pa cun bagong nacacain, ó cun siya,i, napagal nang pag-gaua nang
anomang mabig-at na gaua; ang isa pa roon ay hindi maihiga niya ang
canang taguiliran; nananab-ang siya nang pagcain, at mapait ang bibig.
Cun gayon ang _icterecia_, ay maliuag mauala. N~guni ang gagauin sa
ganoong maysaquit, ay gayon: Sasangrahang minsan ang maysaquit, ó
macalaua, cun siya,i, mataba,t, marugo. Paiinumin siya namang parati
nang suero número 17, Palolonoquin nang _píldoras_ número 18, at
paiinumin naman nang sa número 24. Bucod dito,i, pupurgahin siya nang
turo sa número 47. Maigui rin doon ang bilin sa número 71.
=CAPÍTULO 74.=
_Ang gagauin sa tauong sinusubaan na ang pan~galan nang castila sa
gayong saquit ay_ desmayo.
439. Ang man~ga tauong sinusubaan, ó _nadedesmayo_, ay iba,t, iba ang
inaasal nila. Mayroong nacacaalam tauo, hindi lamang macapag-uica, na
yao,i, marahil dumaan sa man~ga babayi. Ang pulso doon ay hindi
lubhang nag-iiba; ang pan~galan nang castila doo,i, _deliquio._ Cun
ang may catauan hindi nacacaramdam at hindi rin nacacaalam tauo, at
totoong hina nang pulso, ang tauag nang castila doo,i, _síncope,_ na
yaon ang icalauang pinaca grado nang _desmayo._ Datapoua cun ang
maysaquit ay tila bangcay, na malamig ang caniyang catauan, at hindi
nararamdaman ang pulso pati nang hinin~ga, ang pan~galan doon nang
castila ay _asfxia,_ na yao,i, ang icatlong grado nang _desmayo._ Ang
tauag nang tagalog dito cun minsan ay _panhihimatay._ Ang man~ga
punong pinagmumul-an nang man~ga _desmayo_ ay anim. Ang isa,i, ang
dugong marami. Ang icalaua,i, ang cahinaan nang may catauan, na siya
ang ugaling dahilan. Ang icatlo,i, ang sicmura cun marumi. Ang icapat
ang man~ga litid. Ang icalima ang galit, ó tacot, ó ang pamamanglao na
malaqui. Ang icanim, ay ang ibang man~ga saquit, na cun minsan ay
magcasama nang desmayo.
_Ang gagauin sa sinusubaan, ó nadedesmayo dahil sa siya,i, marugo._
440. Caya nahahalata, na ang maraming dugo ang nagdadala nang desmayo,
sapagca ang may cataua,i, malacas at mataba. Ang pagtama nang saquit
ay pagca siya,i, nacacain nang man~ga maiinit, ó nacainom nang _alac,
aguardiente, café,_ ó mainit na _chá;_ ó sapagca siya,i, inarauan, ó
napatahan sa mainit na lugar, ó cun siya,i, nagsaquit gumaua ó
nag-iisip nang maliuag, at bucod doon, ay namumula ó namamantal ang
caniyang muc-ha. Ito ring man~ga dahilan ay pinagmumul-an naman nang
_pagquinal_ nang catauan nang tauo, na cun minsan sungmusunod ó cun
minsan sinusundan nang suba ó desmayo.
441. Ang gamot sa sinusubaan dahilan doon, ay ang _suca,_ na ang
calahating bahagui ay _tubig_ na malacuco, na ipa-aamoy sa maysaquit;
ang noo, ang quibotquibotan, at ang galang-galan~gan nang camay niya,
ay babasain noon ding sucang tinubigan; at painumin siya naman nang
dalaua, ó tatlong lag-oc nang suca rin, na ang tubig ay marami sa
calahati. Cun hindi nasasaol-an pa ang maysaquit, nang macalalo ang
saicapat na bahagui nang isang oras, ay sasangrahan sa camay. Pagca
sangra na, ay maigui sumpiting minsan, at touing calahating oras
paiinumin nang isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang
_alagao,_ na sinasamahan nang caunting _azúcar_ at _suca_.
_Nota._ Cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,i, marugo, ganito rin
ang pag-gamot doon.
_Nota._ Ang bagay sa tauong marahil madesmayo dahil sa siya,i, marugo
nang houag umoli ang saquit, ay ang pag-inom cun umaga,t, cun hapon
nang bilin sa número 20, pati nang sa número 1; ang pagcain nang
canin, gulay at tubig lamang; at maminsan minsan ang baños hangan
tuhod sa tubig na malacuco; bucod dito,i, magaling ang siya,i, lumacad
na parati at houag habaan ang tulog. Ito,i, gagauin niya capag
nararamdamang dungmarami uli ang caniyang dugo.
_Ang gagauin sa tauong sinusubaan, lalaqui ma,t, babayi man, dahil sa
cahinaan nang catauan, para nang man~ga babaying nan~gan~ganac, ó
dahil sa nahanaan nang gutom, ó nang pagbabalin~goyn~goy, ó
pag-iilaguin nang malacas, ó dahil sa pinurga ó pinasuca nang matapang
na pamurga ó pasuca, ó dahilan sa man~ga maruming nadoroon sa
sicmura._
442. Ang saquit na suba dahil sa cahinaan nang catauan nang tauo, ay
hung mahalili, ó sungmasabay cun minsan sa pag-iilaguin nang malacas,
sa pagbabalin~goyn~goy, ó sa pagpauis, sa malimit na pag-gaua nang
mahalay, sa pagcapuyat, ó sa malauong pananab-ang nang pagcain;
sapagca ang man~ga ganito,i, paraparang totoong nacacahina sa catauan.
443. Ang gagauin sa _nadedesmayo_ ó nahanaan dahil sa siya,i,
linabasan nang maraming dugo sa ilong, ay aquing sinabi na sa capítulo
42; siya ang sundin. Datapoua cun ang dahilan nang saquit na _suba_ ay
ang ibang man~ga sinaysay co sa párrafong sinundan nito, ay ganoon ang
paraan nang pag-gamot. Ang maysaquit ay quinucumutan; quinucuscos nang
mainit na damit ang boong catauan niya, at cun mayroong tali sa
catauan ay quinacalag; pina-aamoy nang _ruda, sambong romero, ó yerba
buena;_ pinalolon-oc nang ilang capatac nang _aguardiente,_ ó _alac_
na linahucan nang caunting _tubig_. Ang _alac_ sa misa na sinamahan
nang _azúcar_ at _canela,_ cun paculuin sa apoy, at saca ipainom sa
maysaquit, ay totoong galing na cordial doon; lalag-yan naman sa
sicmura nang isang damit na babad sa _alac_ sa misa na pinaglagaan
nang _romero,_ ó sambong, ó sa ibang damong maban~go. Pagca ang
maysaquit ay nacacalon-oc na, ay big-yan nang sabao na hinulugan nang
isang pula nang itlog, ó pacanin caya nang isang _sopas_ na tinapay, ó
broas na babad sa _alac_ na binudburan din nang caunting _azúcar_ at
_canela_.
444. Ang sinusubaan dahil sa siya,i, nasangrahan, ay hindi cailan~gang
gamutin, at mauauala pagcaraca yaon, capag siya,i, humiga, ó cun
paamuyin nan _suca_, at painumin nang caunting suca rin, na may
calahoc na tubig.
445. Cun baga caya sinusubaan ang tauo,i, sapagca siya,i, pinurga, ó
pinasuca nang totoong tapang na pamurga, ó pasuca, ay paiinumin siya
nang lan~gis sa castila, ó big-yan nang azúcar; maigui rin, ang gatas
ó ang tubig na pinaglagaan nang palay, para nang guinaua sa nacalon-oc
nang lason, capítulo 71. Bucod doo,i, susumpitin nang tubig na
pinaglagaan nang culutan, na sinamahan nang lan~gis at pula nang itlog
nang manoc. Cun bago malubha, ó mahirap ang lagay nang maysaquit, ay
mabuti sangrahan. Datapoua cun ang maysaquit hindi nag-iilaguin, cundi
sungmusuca lamang, ay lilimitan ang pagsumpit houag lamang lag-yan
nang pula nang itlog. Magaling ding pambohan ang maysaquit sa
malacucong tubig. Basahin mo ang párrafo 517.
446. Ang man~ga babayi marahil subaan ó madesmayo pagca sila,i,
nacapan~ganac, at lalo pa cun binusan nang maraming dugo. Ang gagauin
doon ay sundin ang aral sa capítulo 79, at sa capítulo 80, at cun
gayon bihirang babayi ang magcacasaquit noong gayong saquit. Maigui
ring paamuyin nang _suca._
447. Ang tauong sinusubaan dahilan sa man~ga maruruming nadoroon sa
caniyang sicmura, mabuti paamuyin nang anomang matapang na amoy, at
painumin n~g tubig na malacuco, na pinaglagaan nang manzanilla ó
sambong ó bulaclac nang alagao. Pag nasaol-an ang maysaquit ay big-yan
ilang arao cun umaga nang bilin sa número 38.
_Ang gagauin sa tauong sinusubaan ó nadedesmayo dahilan sa mayroong
saquit sa caniyang man~ga litid._
448. Ang saquit na suba dahilan sapagca mayroong saquit sa man~ga
litid, ay siyang cusang nauauala, capag pinapaypayan ang may catauan
at pina-aamoy nang m~ga mabaho. Mabuti ring atuhing basain n~g tubig
na malamig na sinucaan ang noo, pati nang quibotquibotan nang
maysaquit. Dito rin nauucol ang saquit na marahil dumaan sa man~ga
babayi, na pinan~gan~ganlan namang _suba _na sinaysay co na sa párrafo
417.
449. Ang _nadedesmayo_ dahil sa mayroong saquit sa caniyang litid, ay
cailan~gang lumacad na parati ó magpasial, lalo pa cun umaga. Ang
purga, ang pagsasangra, ang mahabang tulog, at ang di pagpanaog sa
bahay ay pauang masama sa caniya.
_Nota._ Cun babayi, ang sinusubaan dahil sa mayroon siyang saquit sa
caniyang man~ga litid ay gagamutin para nang turo doon sa párrafo 419
at sa 420.
_Ang gamot sa tauong sinusubaan ó nadedesmayo dahil sa siya,i,
natacot, ó namanglao, ó nagalit._
450. Ang nagcacasaquit dahil sa siya,i, natacot, ay gagamutin para
nang turo co sa capítulo 68.
451. Ang tauong sinumpong n~g galit, ó nang pamamanglao, at nadesmayo
dahilan doon, ay paamoyin siya nang _suca,_ at paiinumin n~g malimit
nang _tubig_ na malacuco, na pinaglagaan n~g balat nang _dalandan ó
dayap._ Pag nasaol-an ang maysaquit ay painumin nang _limonada_ número
33, at sumpitin nang bilin sa número 5. Cun ang maysaquit ay
dungmoroual na parati, at mapait ang bibig niya, at yaong man~ga bagay
na yaon ay hindi iuala nang limonada,t, nang pagsumpit, ay big-yan
nang sa número 23 ó nang sa 24. Masama roon ang pasuca.
_Nota._ Cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,i, natacot, ay
gagamutin ayon sa turo sa párrafo 419 at sa 420, ó para nang turo sa
párrafo 401.
_Ang gagauin sa lalaqui ó na babayi cun nagcacasaquit nang malaquing
saquit, at tuloy sinusubaan ó nadedesmayo._
452. Ang _desmayo_ cun sungmasama sa ibang man~ga saquit, ay masama.
Ang nagcacasaquit nang lagnat na _buloc,_ caya siya _nadedesmayo ó_
sinusubaan, sapagca marumi ang sicmura, at capag siya,i,
nacapag-ilaguin ó nacasuca, ay nauauala ang _desmayo._ Ang
nagcacasaquit nang lagnat na sucab cun baga dinaraanan nang desmayo
ay masama rin. Ang bagay doon sa oras na yaon ay ang suca na
ipalolon-oc sa maysaquit, at cun masaol-an ay mabuti painomin nang
maraming limonada, número 33.
453. Ang man~ga desmayong sungmusunod sa pag-iilaguin, ó sa pagsuca
nang marami, ó sa paglabas n~g maraming dugo ay isa rin nang desmayong
dala nang cahinaan nang catauan, na sinaysay co na sa párrafo 442; at
sa apat na magcasumonod doon.
454. Ang mayroong sibol sa loob nang catauan ay malimit subaan. Ang
suca,i, maigui roon; datapoua marahil mamatay sa oras na yaon.
455. Ang tauong sinusubaan pagca nacaraan ó ungmunti ang lagnat, ay
magaling painumin nang isang cucharang alac sa castila na linahocan
nang isang gayong tubig. Ang matandang tauo na dinaraanan nang desmayo
na hindi naalaman ang dahilan, ay masama, at caalamalam mamamatay.
_Nota._ Bucod dito sa man~ga saquit na suba ó desmayong sinaysay co sa
loob nitong boong capítulong ito,i, mayroong isa pang bagay na
pinan~gan~ganlan ding _suba_ nang tagalog (sa uicang castila,i,
epilepsia); ang gamot doon iyong hanapin sa párrafo 409 at sa man~ga
sungmosunod doon.
=CAPÍTULO 75.=
_Ang man~ga gagauin sa maysaquit na ualang pulso, at hindi rin
hungmihin~ga, na cun tingnan, anaqui bangcay._
456. Mayroong tauo cun minsan, na cun tingnan ay tila patay, sapagca
ang pulso at ang hinin~ga ay nauauala, at hindi rin nacacaramdam. Caya
cun mapalibing cun minsa,i, buhay. Ang namamatay nang biglang
pagcamatay, na hindi na-aalaman ang dahilan, ang nalunod sa tubig, ang
natamaan nang culog, ang babaying sinusubaan, pati nang namamatay nang
biglang pagcamatay nang macapan~ganac siya, ang nagbicti ó ang
binitay, at ang iba pang sasabihin co sa man~ga párrafong isusunod
dito, ay hindi sucat ilibing hangan di maramdamang mabaho baho na ang
catauan. Yaong man~ga caauaauang tauong gayon, cun minsan ay
nasasaol-an nang buhay, (cun baga hindi totoong patay) capag masipag
at hindi pabaya ang caniyang man~ga casama sa bahay. Ang man~ga
guinagaua sa man~ga gayon ay ualang liuag. Itutuloy lamang nang
malauong panahon (ga apat, lima, ó anim na oras calauon); at cun hindi
rin nasasaol-an nang buhay ang tauo, ay pabayaan na. Alin mang tauo,
babayi man, cun marunong dunong magpaanyo ay macacagamot doon sa tila
patay. Ang man~ga gagauin doon ay ituturo co sa man~ga isusunod ditong
párrafo.
_Ang gagauin sa nalunod sa tubig, na tila bangcay cun tingnan._
457. Ang tauong nalunod sa tubig, maitim nang totoo, ó namamaga man
ang caniyang muc-ha, cun minsan masasaol-an nang buhay, capag ang
pagtahan niya sa tubig ay hindi lumalo sa anim ó pitong oras. Sa hindi
lubhang nalauon sa tubig ay bihira ang di nasasaol-an nang buhay. Ang
gagauin doo,i, gayon: Pagca nahan~go na sa tubig ang nalunod na tauo,
ay dadalhin sa lugar na tuyo; huhuboan doon nang damit; ipahihiga doon
nang pataguilid, at doroonan nang unan sa ilalim nang ulo, cucuscusin
ang boong catauan niya nang malacas nang man~ga damit na tuyo, na
idinadarang sa apoy, upan din masaol-an nang init ang catauan. Cun
mayroong _aguardiente ó alac_ na matapang sa niyog ay maigui ibabad
doon ang man~ga damit na pan~guscos. Mabuti namang ilapit lapit sa
apoy ang tila patay cun guinagaua itong man~ga turo co n~gayon.
Magaling ding ibaon hangan liig sa buhan~gin cun baga mainit ang arao.
Pagcayari na itong man~ga sinabi co n~gayon, ay cailan~gang baguhin
ang lagay nang catauan nang nalunod, houag lamang ilagay nang
patihaya. Saca hihipang parati nang malacas sa ilong ó sa bibig. Ang
isang munting caputol na caua-yan, ay magagauang panhihip; n~guni cun
hihipan sa ilong ay cailan~gang tacpan nang camay yaong cabilang butas
nang ilong, pati nang bibig; cun sa bibig hihipan ay tatacpan naman
ang ilong. Caya guinagaua ito,i, nang magpatuloy ang han~gin sa baga
nang nalunod. Bucod dito ang isa pang totoong cailan~gang gauin sa
tila patay, ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco; ang paraan nang
pagsumpit doo,i, ualang liuag. Magpatay capagcaraca nang isang manoc
na malaqui, at ang caniyang _buche,_ ay linising maigui. Maghanda ca
naman nang dalauang cauayang mumunti, na isosoot doon sa dalauang
butas nang _buche_ nang manoc. Ang dulo nang isang _cauayan_ ay
ipapasoc sa pouit nang nalunod; pagcayari na ito,i, omip-ip ca nang
tabaco, at ang usoc ay iyong paraanin doon sa _cauayan_ patuloy sa
pantog ó _buche_ nang manoc, na pipisilin mo nang mapatun~go sa loob
nang catauan nang tauo. Itong ganitong pagsumpit nang usoc nang tabaco
ay gagauin nang mahabang panahon hangan sa masaol-an nang buhay ang
tila patay. Cung yaong man~ga sinabi co ay itinuloy na han~gan sa
apat, lima, ó anim na oras, at hindi nasasaol-an nang buhay ang tauo,
ay maitatahan na ang pag-gamot, at caalamalam patay na totoo ang tauo.
Datapoua cun baga siya,i, nasaol-an nang buhay at hungmihin~ga na, ay
maigui palonoquin nang ilang capatac na aguardiente, ó _alac_ na
matapang na tinubigan, at cun baga nacacasagui na yaon sa lalamunan,
ay big-yan pa nang isang cucharang ualang calahoc Itong lahat na
itinuro co n~gayon ay totoong buti. Ang gaua nang iba doon sa nalunod
sa tubig ay canilang ibinibitin nang pataob; datapoua,i, masama yaon
at macacamatay bagcus sa nalunod.
_Ang gagauin sa tila patay, dahil sa siya,i, natamaan nang lintic, ó
inarauan, ó nainitan nang apoy, ó nausucan, ó sapagca mayroon siyang
inamoy na may amoy na, matapang para nang_ alcanfór, luya, pimienta,
almizcle etc.
458. Ang tauong tila patay sapagca natamaan siya nang lintic, ó dahil
sa man~ga sinabi co n~gayon, ay huhubdan nang damit, at ipahihiga nang
pataguilid na mataas taas ang ulo sa lupa, at lalong magaling sa
muthaan. Pagcaraca,i, hihipan sa bibig, ó sa ilong para nang turo sa
párrafo 457. Bubusan siyang parati nang maraming ban~gang tubig na
malamig sa boong catauan, lalo pa sa muc-ha,t, dibdib. Cun ualang
tubig, ay ilalagay nang parapa ang tila patay doon sa muthaan; at sa
tapat nang muc-ha niya, ay maigui ang pag-gaua nang isang hucay na
munti, ganga bao calaqui, sapagca mabuti doon sa gayon ang sin~gao
nang lupa. Pagca nasaol-an na ang tila patay, ay babasain nang _suca_
ang caniyang quibotquibotan, ang mata, pati nang ilong; at
palolonoquin siya nang isang cucharang _suca_ rin. Saca dinadalang
malapit lapit sa may apoy, at bubusan pa mandin sa catauan nang
malamig na tubig, hangan sa masaol-an siyang totoo. Saca inilalapit
lapit pa sa apoy, at pinaiinom nang _sabao_ nang _carne,_ ó nang
caunting _aguardiente._ Cun itong man~ga sinabi co n~gayon ay hindi
maniya, ay sumpitin nang usoc nang tabaco para nang turo sa párrafo
457.
_Ang gagauin sa tila patay dahil sa masamang sin~gao nang man~ga
pusali, ó man~ga libin~gan, ó bilangoang quinadoroonan nang maraming
tauo, at sa tila namatay sa panahong tag-salot, ó cun siya,i, linagnat
nang lagnat na sucab, ó binilutong._
459. Ang gagauin sa anaqui patay dahil sa man~ga sinabi co n~gayon, ay
ang man~ga turo co sa párrafo 458 na sinundan nito. Datapoua ang tubig
na ibubuhos sa catauan nang tauo ay mabuti lahucan nang _suca_ cun
baga mayroon. Magaling namang pasucahin ang gayong tila patay nang ga
dalaua ó tatlong cucharang _ojimiel escilítico_ ú _ojimiel_ nang
_bacong_ na sinamahan nang isang cucharang _aguardiente_ ó _alac_ na
matapang. Ang pag-gaua nang _ojimiel_ ay aquing sasaysayin sa número
8. Yaong man~ga tauong inuupahan nang paglilinis nang man~ga pusalian
ó man~ga lugar na mabaho, ay maigui painumin muna nang caunting
aguardiente ó alac na matapang nang houag macapagcasaquit sa canila
ang sin~gao na masama n~g canilang linilinisan.
_Ang gagauin sa tila namatay dahil sa siya,i, sinumpong nang malaquing
galit, ó toua, ó sapagca nabalitaan nang masamang balita, ó dati na
siyang sinusubaan, ó dinaanan siya nang desmayo._
460. Ang dinaraanan nang malaquing galit, ó toua, ó nabalitaan nang
masamang balita, ó ang sinubaan, ó dati nang sinusubaan, ó nadesmayo,
at saca tila natuluyang namatay, ay hindi sucat pabayaan, at cun
minsa,i, hindi patay ang may catauan, at masasaol-an nang buhay. Caya
ang gagauin doon ay gayon: Ang tila patay idoroon sa maaliualas na
lugar; bubusan ang caniyang catauan nang maraming malamig na tubig;
hihipan agad sa ilong ó sa bibig, para nang turo sa párrafo 457;
lalapitan sa ilong nang man~ga mabaho para nang sunog na pacpac nang
manoc; ang galangalan~gan nang camay at ang quibotquibotan ay maigui
hilutin nang damit na maban~go; cuscusin ang catauan nang damit na
ininit sa apoy; daroonan sa talampacan nang man~ga bato ó ladrillong
mainit; uugain ang catauan at bubuhating maminsan-minsan; bubunutin
naman ang ilang buhoc, at tatauaguin nang caniyang pan~galan; pagca
humin~ga na nang caunti, ay palonoquin nang isang cucharang
agardiente. Ang gayong tila patay na tauo,i, mabuti hubdan, at
calaguing lubos ang lahat na tali nang damit, at masama ang may
maigting doon. Cun hindi rin nasasaol-an nang buhay ang tila patay, ay
mabuti sangrahan sa camay, at sumpitin nang usoc nang tabaco, para
nang turo sa párrafo 457.
_Ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,i, binitay._