_Ang gamot sa nag-iilaguin nang darag-is, na yao,i, pinan~gan~ganlan

nang castilang_ pujos.

399. Ang pag-iilaguin nang darag-is ay cun minsan dala ang ibang

man~ga bagay na pag iilaguin na sinaysay co sa man~ga capítulong

natalicdan. Cun minsan naman ay dala nang bulati, na nadoroon sa loob

nang bituca, ó gaua nang pagsusugat nang pouit, ó sapagca ang may

cataua,i, quiniquilmos. Caya pagca nacuha,t, nauala itong man~ga

saquit, ay nauauala pati nang pag-iilaguin nang darag-is. Datapoua cun

minsan itong saquit ay ualang casamang iba, at cun gayon ay cailan~gan

sumpitin ang maysaquit arao-arao n~g maquiilan nang bilin sa número 5,

ó magaling sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang _bituca_ nang _baca

ó manoc._ Saca tapalan ang tiyan at ang pouit nang basahang babad sa

_gatas_; ó cun ualang gatas ang tubig na pinaglagaan nang culutan ó

bulaclac nang _alagao_ ay mabuti rin. Ang iinumin n~g maysaquit ay ang

tubig na pinaglagaan nang isang dacot na _bigas ó palay;_ at

pupurgahin nang bilin sa número 11 ó sa número 23.

=CAPÍTULO 68.=

_Ang gamot sa nagcasaquit dahil sa siya,i, natacot._

400. Ang man~ga sangol at ang man~ga babaying nan~ganac, ay marahil

magcasaquit dahilan sa pagca sila,i, natacot. Ang sungmusunod sa

tacot, ay ang pan~gin~ginig nang catauan at ang pagca balisa nang

maysaquit, lalo pa cun ang puso at ang baga ay napacapuno nang dugo.

Cun minsan nama,i, sinusubaan, at nasisira ang bait. Cun baga ang may

catauan inuurun~gan nang dating pauis dahilan sa siya,i, natacot, cun

minsa,i, dinaraanan n~g malauong pag-iilaguin. Ang man~ga babaying

nan~ganac ay namamatay cun minsan capag sila,i, natacot.

401. Ang dating ipaiinom sa natacot ay ang malamig na tubig; datapoua

hindi magaling yaon, sapagca lungmalaqui ang saquit. Ang mabuti doo,i,

patahanin sa piling nang maysaquit ang man~ga tauong caquilala niyang

dati; painumin nang mainit na tubig; ibabad nang isang oras ang

caniyang man~ga paa hangan tuhod sa malacucong tubig; at maminsan

minsan ay cuscusin ang caniya ring paa nang isang tuyong basahan. Cun

ang maysaquit ay naghinahon na, at ang balat ay mainit na, ay

cucumuta,t, patutuluguin; at sapagca maiguing mapauisan, ay painumin

muna nang ga dalaua ó tatlong cucharang alac sa misa ó nang caunting

_triaca._

402. Cun baga mahirap na totoo ang paghin~ga nang maysaquit, ay

cailan~gang sangrahan sa camay. Itong man~ga turo co sa dalauang

párrafong itong magcasumunod ay yaon ang totoong sucat gauin pati sa

nan~ganac na sinumpong nang tacot, pati sa man~ga bata.

=CAPÍTULO 69.=

_Ang gagauin sa dinaraanan nang anomang bagay na_ convulsión, _para

nang_ alferecía, sauan,_ etc, pati nang gagauin sa babaying

sinusubaan._

403. Iba,t, iba ang inaasal nang man~ga dinaraanan nang _convulsión._

Cun minsan nan~gin~ginig ang boong catauan: cun minsan tila nalulucso

ang man~ga laman, ó cungmiquinal ang muc-ha, ó nan~gin~giui ang

bibig; ang man~ga paa,t, camay naninigas; ang bibig ay hindi mabuca,

ang camay cun minsa,i, quimquim. Mayroon namang ibang maysaquit na

cungmiquisay at parating balisa, na hindi mapalagay; pati nang dila

cun minsa,i, nacacagat at napuputol. Itong man~ga sinabi co n~gayon,

di man ang lahat, ang iba ay marahil maquita doon sa man~ga maysaquit

na _tinatamaan_ nang _han~gin,_ ó nang _frenesi,_ ó sa _sinasauan,_ na

yaong lahat na saquit ay paraparang _convulsión_ din. Ang idirito cong

isusulat n~gayon sa dalauang párrafong magcasunod, ay mabuting gauin

sa anomang bagay na _convulsión;_ datapoua ang mabuti ay hanapin sa

caniyang párrafo yaong man~ga saquit na yaon.

404. Ang tauong dinaraanan nang convulsión, ay masamang gamutin doon

sa oras na yaon nang caniyang paghihirap. Ang gagauin lamang ay

alagaan nang ilan catauo nang houag masactan. Magaling namang isoot sa

caniyang bibig ang isang pinaca cigarrong damit, nang houag macagat

ang caniyang dila. Cun baga malaqui ang pamamaga nang liig, at mataba

ang may catauan, at ang muc-ha,i, mapula, ay mabuti sangrahan sa

camay.

405. Ang maysaquit ay paiinumin nang caunting tubig na pinaglagaan

nang bulaclac nang _alagao._ Ang maigui sa lahat ay ang paglalaga nang

isang dacot nang dahon nang _cahel_ sa dalauang tagayang tubig, at

capag naiga na ang calahati, ay inaalis sa apoy, at yao,i, minsanang

ipainom sa maysaquit sa umagang-umaga. Cun hindi macaguinhaua sa

caniya yaon, ay atuhin ang dahon nang _sintoris_ (narangitas,) na

ilalaga rin para nang guinaua sa dahon nang _cahel._ Cun baga bata ang

dinaraanan nang _convulsión,_ nang _suba, sauan, ó alferecía,_ ay

babasahin mo ang capítulo 86.

_Ang saquit na alferecía, na ang tauag sa Maynila doo,i, taon._

406. Ang saquit na pinan~gan~ganlang _taon,_ ay marahil dumaan sa

man~ga lalaqui, sa man~ga babayi; marahil namang dumaan sa man~ga bata

pa sa man~ga matatanda na: Ang tauag nang castila sa saquit na ito,i,

_alferecía._

407. Ang may cataua,i, cun biglang tamaan noong saquit na yaon, ay

sungmisigao at naboboual, na pagcaraca hindi siya nacacaalam tauo. Ang

boong catauan niya, ó ang ibang man~ga casangcapan lamang nang

cataua,i, malacas cuminal; na yao,i, _convulsión,_ cun tauaguin nang

castila. Ang maysaquit ay pagulong-gulong sa banig; quinig ang

caniyang paa,t, camay pati nang ulo. Ang camay ay quimquim, pinupucpoc

niya ang caniya ring dibdib at tiyan, at parati siyang napapahampas sa

sahig. Ang balat nang ulo, ang boong muc-ha ang quilay pati nang pilic

mata ay cungmiquibo; ang mata,i, gayon din; ang buhoc ay naninigas;

ang sihang cun minsa,i, bungmababa, hangan sa lungmilingsad. Ang dila

ay lungmalaqui at hungmahaba, at cun minsa,i, na-aabot nang n~gipin,

at napuputol. Ang man~ga n~gipin ay nan~gan~galitn~git; ang ulo cun

minsa,i, touid, cun minsa,i, papihit pihit sa magcabicabila. Bucod

dito,i, hungmahaloyhoy ang may catauan, ó sungmusuca siya, at

napapaihi at napapailaguin. Ang man~ga bituca ay ungmuugong; ang lauay

ay cungmacayat; ang puso cunmacaba nang malacas, at ang paghin~ga ay

main~gay. Ang lahat na ugat ay lungmalaqui, lalo pa ang sa liig, sa

dila,t, noo. Ang mucha,i, namamaga, at pungmupula, ó ungmiitim caya;

mayroong lungmalabas na bulang maagquit; at capag lungmalabas na ang

bula ay yaon ang pagtahan nang saquit; saca ang may cataua,i,

nahihilim, at pag naguising ay hindi na-aalaman niya ang nangyari. Ang

pulso,i, madalas, at munti cun bago; saca lungmalacas, at sa catapusan

n~g hirap, ay madalang at mahina. Itong m~ga sinabi co n~gayon cun

minsan ay hindi dunmaraan ang lahat sa man~ga inaalferecía, ó

tinataon, cundi ang iba lamang. Ang gamot doo,i, gayon.

408. Ang maysaquit ay ipatitihaya; sa ilalim nang licod at ulo ay

lalag-yan nang damit nang tumaastaas; alagaan nang ilang catauo n~g

houag siyang masactan. Sa bibig ay sosootan nang isang caputol na

damit na marami ang suson, nang houag macagat ang dila; boong

cataua,i, cucuscusin nang damit na tuyo; mabuti sumpitin nang tubig na

dinoonan nang asin; bibigquisan ang man~ga paa sa ibabao nang tuhod;

at ang man~ga camay sa ibabao nang sico; paamoyin nang man~ga mabaho,

para n~g pacpac nang _manoc,_ ó balat nang _baca,_ ó suca man. Cun ang

muc-ha nang maysaquit ay ungmiitim, ó ga siya,i, quinacaposcapos na

nang paghin~ga, ay cailan~gang sangrahang minsan ó macalaua sa paa.

Bucod dito ay painumin nang tubig na malacuco, na pinaglagaan nang

dahon nang _cahel,_ ó sintoris (narangitas) para nang turo co sa

párrafo 405. Pag ang maysaquit nasaol-an, ay painumin nang caunting

_alac_ sa misa cun baga siya,i, mahina, at paamoyin naman nang _suca._

Saca siya,i, tumanong sa marunong na médico, na siya,i, gamutin at

nang houag daanan uli noong saquit na masama.

_Ang gamot sa sinasauan, na yaong saquit na yao,i, isa rin nang

pinan~gan~ganlan nang castilang_ epilepsia, ó mal caduco ó mal de

corazón._ Ang pan~galan cun minsan nang tagalog dito,i, suba; ang

tauag cun minsan doon nama,i, panhihimatay, capítulo 11._

409. Ang man~ga batang mahihina (ani Buchan) ay marahil daanan nitong

saquit na ito. N~guni sila,i, cun lumaqui ó tumanda, cun minsa,i,

gagaling; datapoua pag lumalo sa dalauang pouong taon ang edad nang

maysaquit, ay maliuag gumaling. Itong saquit na ito,i, isa pang bagay

na convulsión. Cun itong saquit malimit dumaan sa may catauan, at saca

hindi malauon cundi madali, ay lalo pang maliuag gamutin; at cun

dungmaraan cun natutulog ang maysaquit, ay masama pa mandin.

410. Ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay natatamlay muna,t,

nalilio; sungmasaquit ang ulo; ungmuugong ang tayin~ga. Lungmalabo ang

pagtin~gin; malacas ang cabacaba nang puso, ang pagtulog ay hindi

mahimbing, at ang paghin~ga ay mahirap; ang man~ga bituca ay napupuno

nang han~gin; ang muc-ha ay pungmuputla, ang man~ga paa,t, camay

nanglalamig. Pag ang may catauan dinaraanan nang hirap ay doon sa oras

na yaon mayroong lungmalabas na bula sa bibig, napapaihi, at

napapailaguin ang maysaquit di man cusa nang caniyang loob; ang man~ga

hinlaqui nang camay ay pungmipihit; ang maysaquit ay hindi nacacaalam

tauo, at cun nasasaol-an ay uala siyang namamalayang anoman sa lahat

na nangyari.

411. Itong saquit na ito,i, dala cun minsan nang gutom, ó nang

pag-gauang parati nang mahalay, ó nang pag-inom nang alac na marami, ó

dahil sapagca ang maysaquit ay mayroong bulati sa tiyan, ó sinisibulan

nang n~gipin, ó sapagca siya,i, pinalo sa ulo, ó natacot, ó nahulog sa

mataas, ó dahil sa siya,i, sinisibulan nang bucol sa bun~go nang uló,

ó nag-iisip nang man~ga maliliuag ó sapagca biglang sinumpong nang

malaquing tacot ó toua ó galit caya; cun minsan naman ay dahil sapagca

ang may cataua,i, nalalinan nang bulutong ó tigdas, ó sapagca sala ang

pagdaan nang sa panahon, cun baga babayi. Caya maliuag maalaman cun

minsan ang dahilang pinan~gagalin~gan nitong saquit na ito. Cun minsan

minamana yaong saquit.

412. Ang bagay sa sinasauan, ay ang pagtahan sa maaliualas na lugar,

na hindi natacpan nang bahay ó cahoy na marami: masama sa caniya ang

pag-inom nang _alac,_ ang pagcain nang baboy, ó man~ga bun~ga ó gulay

na may han~gin para nang _saguing, patani,_ etc. masama rin ang

siya,i, magalit, ó matacot nang malaqui. Houag siyang tumin~gin sa

man~ga malalim na lupa ó sa man~ga ilog na matulin ang agos, na yao,i,

nacacalio at nacacapagdala uli nang saquit. Ang gagauin doon sa oras

nang pagcacasaquit nang tauo, ay ang turo sa párrafo 404 at sa 405.

Mabuti sa saquit na ito capag nasaol-an na ang may catauan ang polvos

número 81, na iinumin niya sa isang tazang tubig na malacuco cun

umaga, ayon sa turo ni Linneo.

413. Saca cailan~gang pacausisain ang totoong dahilan nang saquit, at

cun nahahalatang nadoroon sa bun~go ó sa utac nang ulo, cun marugo ang

may catauan, ay cailan~gang sangrahan pag siya,i, nasaol-an; at cun

nagcacasaquit dahil sa nauala,t, inurun~gan siya nang _pauis ó galis_

ay gagamutin para nang turo sa capítulo 54.

414. Cun ang saquit ay dala nang siya,i, inurun~gan nang bouan, cun

baga babayi, gagauin ang bilin sa capítulo 76, cun baga dahil sa

pagsibol nang n~gipin, ay cailan~gan doon ang pagsumpit at ang baños

hangan tuhod sa malacucong tubig; cun hindi pa natatalo ang saquit, ay

parapitan ang bata nang bilin sa número 36, sa ibabao nang licod sa

pag-itan nang dalauang balicat; basahin mo ang capítulo 84 at 86.

Gayon din ang gagauin pag ang tauo,i, sinasauan dahil sa siya,i,

bubulutun~gin ó titicdasin.

415. Cun baga caya sinasauan ang may catauan sapagca siya,i, mayroong

bulati sa tiyan, ay gagamutin para nang turo sa capítulo 85.

416. Cun ang saquit ay dala nang cahinaan nang litid nang may catauan

ay magaling doon ang _quina (dita)_ at ang bacal número 54.

_Ang gagauin sa babaying sinusubaan na yaong saquit na yao,i,

pinan~gan~ganlan nang castilang_ mal de madre.

417. Itong saquit na ito,i, maliuag matapatan nang gamot. Ang man~ga

babayi malimit daanan nitong hirap na ito, at lalo pa ang man~ga

mahihina. Sarisaring dahilan ang pinan~gagalin~gan nang ganitong

saquit. Ang man~ga litid nang catauan, ang sicmura, ang man~ga bituca,

ang dugong may calahoc na masama, ang pag-urong nang sa panahon, ó ang

di pagpanaog para nang dati, ó cun minsan naman ang malaquing tacot ó

galit, ó ang pagdadalamhati nang may catauan.

418. Bagay-bagay ang inaasal nang man~ga babaying sinusubaan. Mayroong

tila nalilio lamang, ó anaqui natutulog; datapoua ang hinin~ga ay

bahagya na nararamdaman. Mayroong iba, na ualang tahan ang pagquibo,

na hindi mapiguil nang ilang catauo. Bago daanan noong saquit na yaon

ang babayi, ay nanglalamig muna cun minsan ang caniyang man~ga paa,t,

camay, naghihicab siya,t, namamanglao. Cun minsan naman mayroon siyang

nararamdamang matigas sa dacong puson, na ungmaaquiat cun malauon

lauon sa itaas sa sicmura; na dahil doo,i, sungmusuca siya cun minsan.

Saca nagpapatuloy yaong matigas sa lalamunan, at ang maysaquit ay ga

quinacapos nang paghin~ga, ó dungmadalas caya sa dati ang paghin~ga

niya; ang puso,i, cungmacabacaba nang malacas, lungmalabo ang

pagtin~gin, nalilio ang may catauan at hindi macarin~gig; bucod doon

ay cungmiquinal cun minsan ang man~ga casangcapan nang catauan.

419. Nang masaol-an ang babaying sinusubaan, ay magaling paamoyin nang

man~ga mabaho gaya nang sunog na pacpac nang manoc, _asafetida (ingo)

ó espíritu de cuerno de ciervo._ Ang pagcasangra sa maysaquit ay

maigui rin cun siya,i, malacas ó matabang totoo; n~guni cun mahina ó

maramdamin ang babayi, ó lauon nang panahong siya,i, marahil daanan

nang _suba,_ ay hindi sucat sangrahan. Magaling namang doonan sa

talampacan nang tig-isang bato ó ladrillong mainit, at cuscusin nang

malacas nang mainit na damit ang caniyang paa hangan tuhod, ang camay,

sampon nang tiyan. Datapoua ang mabuti sa lahat ay ibabad ang

caniyang paa hangan tuhod sa mainit na tubig, at lalo pang sucat gauin

ito, cun ang pagdaan nang pagsuba, ay cun malapit nang panaugan nang

bouan ang may catauan. Cun baga ang maysaquit ay ilan nang arao na

hindi nananabi para nang dati, ay maigui sumpitin nang tubig na

pinaglagaan nang _culutan_ na linag-yan nang caunting _asafétida_

(ingo); at pag siya,i, nacacalon-on na, ay painumin nang dalauang

chucharang tubig na pinagtunauan nang caunting _ingo_ rin. At cun

hindi natatalo pa ang saquit, ay palonoquin ang may catauan nang tubig

na pinaglagaan nang dahon nang _cahel_ ó sintoris para nang turo sa

párrafo 405. Maigui ring painumin nang _café,_ na sinamahan nang isang

cucharang aguardiente, na yaon ay gagauin pagca inato nang guinaua ang

ibang man~ga turo co n~gayon, at hindi rin natatalo ang saquit. Itong

man~ga bagay na sinabi co n~gayon ay gagauin sa oras nang paghihirap

nang babaying sinusubaan. Cun baga hindi nasaol-an ang babayi, cundi

namamatay, ay gagauin ang bilin sa párrafo 460, maca hindi patay ca

totoo ang maysaquit. Datapoua nang houag umoli ang saquit, gagauin ang

isusunod co dito n~gayon.

420. Pag ang babaying sinusubaan ay nasaol-an na, ay hindi sucat

itahan ang pag gamot doon, at ang saquit ay uuli rin caalamalám, cundi

alisin ang pinacaugat na pinan~gagalin~gan noong hirap na yaon. Caya

ang gagauin sa may cataua,i, gayon: Houag pacanin siya n~g marami,

lalo pa cun gab-i. Ang pagpambo sa malamig na tubig ay totoong buti

doon; ang pagtahan nang malauon nasa hihigan ay masama. Ang _bacal_

para nang bilin sa número 54, at ang _quina_ (dita) número 14, ay

totoong galing sa man~ga mahihinang babayi, ó sa man~ga sicmurain. Cun

yaong saquit ay dala nang cainitan nang litid, palonoquin ang babayi

nang isa ó dalauang pelotillang _talamponay_ na ganga balatong calaqui

sa isang cucharang tubig, ayon sa bilin sa número 57, at cun minsan

siya,i, macacatulog. Na-aari namang isama sa sumpit ang isa ó dalauang

pelotillang _talamponay,_ cun aayao inumin yaon nang babayi. Datapoua

cun ang may catauan ay totoong nagsasaquit nang pag-gaua, lalo pa cun

hindi tungmatahan nang pananahi, ó paghabi, ó pagdurugtong nang

_abacá,_ at saca sungmasala siya sa oras nang pagcain, at nagugutom,

ay houag siyang umasang gagaling. Cun hindi mangyaring tumahan nang

pag-gaua, ang bagay sa may catauan ay manaog siya sa lupa nang

caunting oras cun umaga at cun hapon, at siya i, magtanim nang anomang

damo doon, na caniyang aalagaan, at yaon lamang gauang yao,i,

macacaualauala nang caniyang masamang damdam nang catauan.

421. Cun baga marumi ang sicmura nang maysaquit, ay cailan~gang

pasucahin nang mahinang pasuca, número 35; at cun hindi manabi para

nang dati, ay houag pacanin nang marami; at painumin siyang

maminsan-minsan nang caunting _ruibarbo ó maná,_ número 82.

_Nota._ Cun minsan ang babayi, at gayon din ang lalaqui, sinusubaan

dahilan sa man~ga sinasaysay sa capítulo 74. Caya cailan~gang basahin

yaon, pati nang man~ga párrafong magcasumunod doon.

_Ang gamot sa babaying namamanghid ang caniyang paa, ó camay ó ang

ibang casangcapan nang catauan, na ang tauag nang castila sa gayong

saquit ay_ calambre histérico.

422. Ang man~ga babaying maramdamin ó mahina, ay malimit daanan nang

pamamanghid nang paa, ó camay ó nang ibang casangcapan nang catauan,

lalo pa cun sila,i, nahihiga. Ang magaling sa gayong saquit ay ang

parapit número 36. Cun minsan mauauala rin ang saquit, pag bañusan

arao-arao ang may catauan hangan tuhod sa malacucong tubig. Mayroon

namang pamamanghid nang paa, na siyang cusang nauauala capag

binigquisan yaong maysaquit na casangcapan. Cun baga yaong maysaquit

na yao,i, dala nang man~ga maruruming nadoroon sa sicmura ó bituca, ay

mabuti doon ang _quina_ (dita).

_Ang gamot sa biglang dinaraanan nang hindi macahin~ga, ó sa

quinacapos nang paghin~ga, na ang tauag nang castila sa gayong saquit

ay_ sofocación.

423. Tatlong dahilan ang pinagmumulan nitong saquit na ito. Ang isa,i,

ang man~ga litid nang _baga_ cun ungmiinit ó cungmiquinal. Ang

icalaua,i, cun mayroong maraming dugo, doon din sa _baga_ nang may

catauan. Ang icatlo ay ang man~ga malagquit na tungmatahan sa _baga_

rin.

424. Cun ungmiinit, ó ga nan~gun~gurong ang man~ga litid nang _baga,_

na dahil doo,i, hindi macahin~ga ang may catauan, ay mauaualang cusa

ang caniyang saquit di man siya gamutin, ó cun paamuyin nang mabaho,

para nang sinunog na pacpac nang _manoc ó ingo._

425. Cun minsan dinaraanan ang maysaquit nang hindi macahin~ga dahil

sa napacapuno nang dugo ang caniyang _baga,_ na caya na-aalaman yaon,

ay sapagca ang pagdaan nang saquit ay capag siya,i, nahihirapan nang

pag-gaua nang anoman, ó sapagca siya,i, mataba,t, malacas cumain, ó

marami ang iniinom na _alac,_ at ang pulso doon sa oras nang saquit,

ay matigas at malacas, at mapula ang muc-ha. Ang gagauin doon sa

gayon, ay sasangragan sa camay; sumpitin n~g malimit at painuming

parati nang bilin sa número 1; itong painom ay sasamahan nang

_salitre,_ timbang saicapat sa tatlong tagayan. Magaling doon naman

ang pagsipsip nang sin~gao nang _suca,_ para nang turo sa número 53.

426. Cun baga caya hindi macahin~ga ang maysaquit, ay dahil sa

mayroong naninicquit na man~ga malalagquit doon sa caniyang _baga,_ na

caya nahahalatang gayon, ay sapagca siya,i, dating masasactin, ó

mahina, ó hicain siya, ó nananab-ang ang pagcain, ó ang quinacain

niya ay ang man~ga ualang sustancia, ó siya,i, ungmiinom na parati

nang mainit na tubig, at bucod dito ang caniyang pulso,i, munti

malambot, at siya,i, namumutla; ang gagauin doo,i, gayon.

427. Touing calahating oras ay painumin ang maysaquit nang bilin sa

número 8, ga isang cuchara carami ang isang inom. Painumin din nang

marami nang turo sa número 12. Parapitan sa man~ga binti nang bilin sa

número 36. Ang pagsasangra doon cun minsan ay cailan~gan, cun ang

maysaquit ay mataba niyong hindi pa siya dinaraanan nang hindi

macahin~ga, at cun ang pulso,i, malacas at puno. Magaling namang

sumpitin. Cun baga yaong bilin sa número 8 ay uala, ang gagauin ay

gayon: Bumayo ca nang isang _lasona_ ó dalaua caya sa isang babay-ang

hindi tangso; pagcabayo na ay iyong bus-an nang mainit na _suca,_ bago

salain, at pigain sa sinamay ó lienzo; pagca yari na yao,i, samahan mo

nang isang gayon ding _pulot,_ at yaon ang ipainom sa maysaquit, ga

isang cuchara carami touing calahating oras. Itong gamot ay totoong

buti; at ang isa pa,i, ualang liuag gauin.

=CAPÍTULO 70.=

_Ang saquit na_ frenesí, _na yao,i, saquit nang_ utac _nang ulo nang

tauo, na dahil doon ay nasisira ang bait ang maysaquit, na tila

bungmabagsic._

428. Itong saquit na ito, ay ang pagiinit ó ang pamamaga nang _utac_

nang ulo nang tauo, at marahil nacacasama nang man~ga _lagnat na

manin~gas ó buloc ó sucab;_ datapoua cun minsan ang _frenesí_ ay

ualang casamang saquit na iba. Ang dinaraanan nang frenesí ay

nalalagnat; nasisira ang bait; sungmasama ang loob niya, pati nang

pagtin~gin, na dahil doo,i, anaqui bungmabagsic; ang pulso,i, matigas,

mapula ang muc-ha, ang bibig ay tuyo; hindi macatulog siya nang

mahimbing; sa ilong mayroong tungmutulong tubig; mayroon namang

tungmitiboc nang malacas doon din sa quibotquibotan at sa liig; ang

maysaquit ay hindi nauuhao, baga man tuyo ang caniyang dila.

429. Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito,i, ang maraming dugo; ó

ang dugong malabnao na lubha, na yao,i, dala nang cabataan, ó sapagca

inaarauan ang may catauan, ó ungmiinom nang _alac,_ ó cun macacain

siya nang man~ga mainit, para nang _luya,_ pimienta, ó dahil sa

siya,i, inuurun~gan nang panahon, cun baga babayi, ó cun man~ganac at

hindi siya linabsan nang ugaling lungmalabas na dugo sa m~ga babaying

nan~gan~ganac, ó dahil sa napuyat ang may catauan, ó totoong nagsaquit

siyang gumaua, ó nag-isip nang man~ga maliuag; ó sapagca namamanglao,

ó nasactan siya sa ulo, at tinapalan nang malamig.

430. Ang gamót sa _frenesí_ ay gayon: Ang maysaquit ay houag lilibutin

n~g maraming tauo. Ang ipaiinom sa caniya ay ang bilin sa número 1, ó

sa número 10, ó sa número 17. Bucod dito,i, cailan~gang sangrahan sa

camay, at cunan nang maraming dugo, cun malacas ang may catauan;

n~guni cun mahina na siya, ang totoong buti doo,i, ang pacaptan sa

linta ang m~ga quibotquibotan; ang isa pang nacacaginhauang agad sa

maysaquit, ay ang pagbabalin~goyn~goy; caya cailan~gang sootan ang

ilong n~g maysaquit, nang ilang buhoc nang cabayo at guilaogauin,

hangan tumulo ang dugo; magaling namang pacapitan sa linta doon sa

pouitan. Bucod dito,i, susumpitin, at ang paa,i, babañusan sa

malacucong tubig at tatapalang parati (ang m~ga paa rin) nang

_tinapay_ nadurog na binasa nang _gatas._ Ang ulo ay cailan~gan namang

ahitin. Cun ang maysaquit ay inuurun~gan nang bouan, ó hindi siya

dinaraanan nang ugaling dungmaraan sa m~ga nan~gan~ganac na babayi, ó

biglang naual-an ang maysaquit nang _galis_ ó _buni_ ó hindi

sungmasago ang _fuente_ (cun baga may _fuente_), at dahil sa m~ga

ganito,i, nagcasaquit nang _frenesi_ ang may catauan, ay cailan~gang

basahin nang mangagamot dito sa librong ito ang cabagayang gagauin

doon sa gayong m~ga saquit, at siya ang susundin agad. Cun ang saquit

hindi nauauala, at hindi rin namamatay ang may catauan, caalamalam

boong buhay sira ang caniyang ulo.

=CAPÍTULO 71.=

_Ang gamot sa nacalon-oc nang lason._

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit · 第 14 / 21 段