camuc-ha ay ood ó ahas; na dahilan dito sa ganitong pagquiyao ang
lahat na quinacain ay natutulac sa dacong pouit. Datapoua cun
nagcasala ó nagulo itong pagquiyao nang bituca, ay hindi na mangyaring
mapatun~go sa pouit ang man~ga quinacain, cundi sa bibig napaparoon.
Yaong saquit ay totoong samang saquit, na ang tunay, na pan~galan
doo,i, _miserere ó pasión iliaca._ Yao,i, dungmaraan cun minsan sa
lungmilibang ilang arao nang pananabi; datapoua cun minsan ay biglang
sumungpong sa tauo yaong saquit, at pagcaraca ang tiyan, ó ang man~ga
dacong tabi nang pusod ay yaon ang caunaunahang sungmasaquit na totoo.
Ang may cataua,i, hindi mapalagay; cun minsan mayroong nahihipong
matigas na mahaba doon sa tiyan; ang maysaquit ay dungmuroual muna;
hung mahalili doon ang pagsuca; cun malauon ay ang lahat isinusuca
niya, hindi lamang ang quinacain cundi pati nang iniinom, at bucod
doon ay mayroong lungmalabas sa bibig na mabaho pa sa dumi. Ang
maysaquit hindi manabi minsan man; ang tiyan niya ay nauunat; hindi
ungmiihi, at cun baga ungmiihi, ay malabo,t, mabaho. Ang pulso ay
matigas muna; cun malauo,i, madalas at munti; ang maysaquit ay
nanghihina; nasisira ang bait, at nagsisin-oc; ang boong cataoan
niya,i, cungmiquinal, ó ga nanlulucso ang laman. Ang man~ga paa,t,
camay ay lungmalamig; nauauala ang pulso, pati nang saquit nang tiyan;
sampon nang pagsuca, at totoong daling namamatay ang maysaquit.
373. Sapagca malaqui ang pan~ganib nang buhay nang tauo sa saquit na
ito, ay cailan~gang gamutin pagcaraca, capag naquilalang magaling ang
saquit; at cun hindi gamuting agad ay mamamatay na ualang sala. Ang
pag-gamot n~ga dito ay para nang sa _cólico inflamatorio_, párrafo
362. Caya cun bagong-bago ang saquit, at malacas pa ang may catauan;
ay sasangrahang agad, at cucunan nang maraming dugo. Susumpiting
parati nang tubig na pinaglagaan nang _cebada_ ó palay, na dinoroonan
nang isa ó dalauang tazang _lan~gis_ nang _niyog ó lana_ man. Touing
icalauang oras, ay painumin nang bilin sa número 48; painumin namang
parati nang turo sa número 49, ó cun uala yaon ay na-aari ang tubig na
pinaglagaan nang _cebada (palay) ó_ ang _suero_ na linahucan nang
pulot. Ang maysaquit ay paliliguan sa malacucong tubig na maquiilan
maghapon. Cun hindi rin gungmagaling ang maysaquit ay sumpitin nang
usoc nang tabaco para nang turo sa párrafo 457. Ang isang maysaquit,
ani Tissot, ay guinamot co n~g gayon: sinangrahan co muna (aniya) at
pinainom co nang purga; saca ibinabad cong tuloy sa malacucong tubig,
at gungmaling. Ang isip nang man~ga tauong hindi maalam; na sa saquit
na ito ang bituca nang may cataua,i, nagugulo, at nagcacabuhol;
datapoua hindi totoo yaon. Sapagca ang isang dulo nang bituca ay
carugtong nang sicmura, at yaong isang dulo ay ang pouit na
cungmacapit sa man~ga pig-yi, na dahil doo,i, hindi mangyaring
magcabuhol.
=CAPÍTULO 62.=
_Ang gamot sa_ inaanayo, _na iyo,i, pagsuca,t, pag-iilaguin nang
malacas na tinuturan nang catilang_ cólera morbo.
374. Ang pan~galan nang ibang man~ga tauo sa saquit na ito,i,
_miserere,_ n~guni hindi ito ang _miserere,_ cundi yaong isang saquit
na sinaysay co sa capítulo 61, na sinundan nito. Ang inaanayo, ay
nagsusuca,t, nag-iilaguin nang malacas. Ang maysaquit ay natatamlay
muna; sungmasaquit nang caunti ang caniyang tiyan; sungmusunod dito
ang pagsuca, at ang pag-iilaguin. Ang color nang lungmalabas, ay
_dilao ó verde, ó maputi_ caya, ó _maitim_ cun minsan; saca
sungmasaquit na totoo ang tiyan; ang pulso ay tila pulso nang
nalalagnat; cun malauo,i, mahina. Mayroong maysaquit na sa loob nang
sang oras ay maquisandaang mag-ilaguin; ang muc-ha ay madaling
nag-iiba cun malaqui ang saquit. Gayon din cun mapacarami ang
pag-iilaguin, ay tila namamanhid, ó nan~gan~gauit ó naninigas ang
man~ga paa,t, camay nang maysaquit, na yao,i, isa pang nacacahirap sa
caniya. Cun ang saquit hindi natatalo nang gamot, ay sungmusunod doon
pagcaraca ang pagsisin-oc, ang pagquinal (convulsión) at ang paglamig
nang man~ga paa,t, camay, ang maysaquit ay nalilio, sinusubaan, at
napapatid tuloy ang hinin~ga. Itong saquit ay marahil dumaan pag
nacalampas ang tag-arao, sapagca ung-miinit at lungmalapot ang _apdo_
nang tauo sa panahong yaon; at lalo pa cun ang may cataua,i, hindi
cungmacain nang man~ga bun~gang hinog nang cahoy, na yaon ang totoong
nacacahusay sa _apdo._ Datapoua,t, halos pinapansin itong saquit na
ito, liban lamang cun pinararaan nang Pan~ginoong Dios, na guinagaua
niyang hampas sa man~ga bayan dahilan sa man~ga casalanan, na cun
magcagayo,i, pinan~gan~ganlang _salot._
375. Itong saquit ay mahirap mang gamutin, n~guni,t, hindi para nang
ibang man~ga saquit na sinaysay na sa man~ga capítulong natalicdan.
Ang caramihan nang man~ga namamatay sa saquit ay hindi dahil sa
cabigatan nang saquit, cundi sa capabayaan at caculan~gan nang
pag-gamot nang paaniyo. Ang cauna-unahang dapat pagpilitan nang sino
man ang houag magpabaya, lalo pa cun panahong casalucuyang dumaraan
ang _salot;_ capag naramdaman, na masaquit-saquit ang tiyan at
cungmuculog ang man~ga bituca; cun mabigat ang dinaramdam sa sicmura,
lalo na cun ga ibig: dumual ó nag-iilaguin caya; pagcaramdam nito,i,
dapat na siyang mag-in~gat sa man~ga pagcain at pag-inom, na houag
bagang cumain nang cun ano-ano cundi sabao lamang, at ang chá na
mainit, na cun mapatacan nang sampuong patac na _gotas amargas,_ ó
mahaluan nang isang cucharang _coñac, ajenjo aguardiente ó anisado,_
ay lalo pang mabuti. Bucod dito,i, cun nararamdamang masama ang
catauan ay magculong agad, cumutang mabuti,t, culubin ang maysaquit at
nang pauisan sana nang mainit na pauis; at ito,i, itutuloy na gagauin
hangan di gumaa,t, guminhaua ang catauan. Cun itong man~ga biling
ito,i, sunding pagpilitan ay marahil hindi tutuloy ang pagcacasaquit
na totoo; at cun tutuloy ma,i, hindi lulubha,t, hindi ica-aano nang
maysaquit. Bihirang-bihira ang dinadatnang bigla nang calubhaan nang
saquit na ito; cun caya binibigla cun minsan nang calubhaan, sa pagca
pinabayaan di pansin ang man~ga unang sumpong nang saquit.
Datapoua,t, cun dahil sa capabayaan cun sa cabiglaan caya, ay sumama
ang saquit, na ang maysaquit ay nagsusuca,t, nag-iilaguin, at marahil
pinupulicat at nanglalamig na totoo, na pati nang pauis ay malamig,
ang gagauin ay gayon: yaong am nang linugao ga calahating vaso carami
ay siyang isusumpit agad sa maysaquit, at cun may _láudano,_ ang ualo
cun sampuong patac noon ay ihahalo sa isusumpit; cun ang unang sumpit
ay hindi napiguil sa loob, dalauang oras man lamang, ay uulitin nang
uuliting isusumpit yaon ding am hangan sa mapiguil na malauon ang
isang isinumpit, at tumiguil ang pag-iilaguin. Sabay naman nang
pagsumpit ay painumin ang maysaquit nang isang taza ó isang mangcoc na
chá na mainit, na napatacan din nang anim cun ualong patac na
_láudano;_ at cun ualang láundano,i, haloan ang chá nang isang
cucharang _aguardiente, anisado, coñac,_ ó ano mang alac na matapang.
Cun nagaua na itong lahat at hindi dumalang man, pagsuca,t,
pag-iiliguin, at cun dumalang man, ay sa isang tazang chá, lusauin mo
ang asin na isang cucharitang café ó calahating cucharang carami, at
siya mong ipagcucharang unti-unti sa maysaquit hangan di tumahan lubos
ang pag-iilaguin. Cun tumahan man ang pag-iilaguin, ay sungmusuca rin
at dungmudual ang maysaquit, ay mabuting parapitan sa ibabao nang
sicmura n~g sinapismong matapang. Ito na lamang ang man~ga gamot na
gagamitin sa loob nang catauan nang dinatnan nang saquit nang
_cólera_; na cun tauaguin nang iba,i, _arriba y abajo_.
Ang man~ga gamot naman sa labas, na di dapat lisanin cailan man, cahit
tila namamatay na ang maysaquit, at malamig man totoo, at cahit uala
nang pulso,i, hindi rin dapat lisanin, ay gayon: Cucumutang mabuti ang
maysaquit, at sa catauan niyang palibot ay idadaiti ang maraming
boteng may tubig na totoong mainit, at cun malamig-lamig na,i,
hahalinhan naman nang bagong sinid-lan nang tubig na mainit; saca
yaong iba noong man~ga bote ay siyang ihahagod na ididiin sa ibabao
nang damit sa ibang man~ga lugar nang catauan, lalong-lalo na sa
licod. Cun ito,i, hindi pa magcasiya, at ang cataua,i, hindi pa
pinagsasaolan nang init at nang pulso, at hindi pa pinapauisan nang
mainit ang gagauin, ay doon sa gologod, doon baga sa licod mula sa
batoc hangang sa bayauang ay tapalan nang sinapismo ga apat na dali
calapad, at sa ibabao niyong sinapismo ay ihahagod pa ang isang boteng
may tubig na mainit; at cahit ualang sinapismo ay totoong maigui
itong paghagod dito sa licod. At cun hindi rin pinagsasaolan n~g
pulso, at hindi pinapauisan nang mainit, ang isang cepillo ay ibabad
mo sa aguardiente at icuscos sanang mahigpit sa boong catauan. Cun
ualang cepillo,i, na-aari rin ang isang basahang magaspang; at cun
ualang aguardiente ay na-aaring icuscos ang darac man lamang na
totoong mainit, at balot sa isang basahan. Itong pagcucuscos ay
pagtitiyagaang gauin cahit sa loob nang ilang oras, maghapon ma,t,
magdamag, at bihirang-bihira ang di pagsasaolan nang init, at di
gagaling.
Ito ring man~ga gamot na ito,i, icatitiguil nang pulicat; datapoua,t,
mabuti naman sa pulicat ang daitihan ang laman n~g casang-capang
pinamumulicatan nang m~ga pirasong malapad nang oropel sa tindahan,
n~g bacal man, tangso ma,t pilac, houag lamang di manipis at malapad,
at n~g lumapad at dumating mabuti sa catauan; na cun saan namumulicat
ay doon idadaiti naman ang oropel.
Cun tumahan na ang pagsuca at pag-iilaguin; at mainit na,t, mahusay
ang catauan, ay hindi rin dapat magpabaya, lalong-lalo na sa man~ga
pagcain, puspas, basabasa at sabao ang siyang cacanin niya hangan di
gumagaling na totoo.
Marahil pagcaraan na ang calubhaan nang saquit, ay datnan naman ang
maysaquit nang di pagcaihi; cun gayon ang gagauin ay itapal doon sa
pos-on nang isang cataplasma nang harina nang linaza, ó nang galapong
man lamang, na mainit-init cun itapal; at cun uala nito,i, lag-yan ang
pos-on nang man~ga basahan babad sa tubig na mainit.
Marahil din datnan ang nagcasaquit nang cólera nang _apoplegía,_ nang
_lagnat na sucab_ at nang iba,t, ibang sugat na sinaysay na sa librong
ito, at cun magcagayo,i, ang dapat gauin ay babasahin sa canicaniyang
capítulo.
_Nota._ Ang lahat na sinaysay dito sa número 375, ay turo ang lahat
nang marunong na Doctor D. Joaquin Gonzalez; at sa m~ga guinamot n~g
paaniyo, ayon sa man~ga ipinagbilin dito, noong epidemiang nacaraan sa
1882, ay bihirang-bihira ang namatay.
=CAPÍTULO 63.=
_Ang saquit na pag-iilaguin, cun hindi sungmasamang totoo ang damdam
nang may catuan na pinan~gang~anlan nang castilang_ diarrea.
376. Ang pag-iilaguin na ualang casamang lagnat, ó saquit na malaqui
nang tiyan ay pinan~gan~galan nang castilang _diarrea._ Ang maysaquit
ay nananab-ang muna nang pagcain: ang caniyang bay-auang pati nang
tuhod, ay idinaraying na mabig-at. Hindi siya nalalagnat at hindi
sungmasaquit na totoo ang tiyan. Ang gayong pag-iilaguin ay hindi
masama sa may catauan, bagcus cun macalalo na yaong munting hirap na
yao,i, lungmalacas pa sa dati.
377. Ang gayong pag-iilaguin ay siyang cusang tungmatahan na hindi
cailan~gan ang gamot doon; ang gagauin lamang nang maysaquit, ay houag
siyang cumain nang marami; ang _carne,_ ang _alac,_ at ang itlog ay
hindi magaling; ang man~ga gulay at man~ga hinog na bun~ga nang cahoy
ay macacain niya; mabuti naman ang siya,i, uminom nang marami rami sa
dati. Ang tubig na pinaglagaan nang _culantrillo_ ay maiguing inumin.
378. Cun sa loob nang lima, ó anim na arao, hindi nauauala ang
pag-iilaguin, at ang may cataua,i, nahihina at dinaraanan nang malimit
na pagca ibig niyang manabi, ay ilalagay siya _sa husay_ (capítulo 4).
Bucod dito,i, paiinumin nang bilin sa número 35 cun baga marumi ang
dila, at masama ang lasa nang bibig, ó cun dungmorual ó nananab-ang
nang pagcain; datapoua cun hindi nararamdaman nang maysaquit yaong
man~ga bagay na yao,i, purgahin lamang nang isang purgang mahina
numero 82, ó nang _ruibarbo_ número 51, cun baga hindi mainit ang
tiyan. Cun _ruibarbo_ ang ipupurga doo,i, paiinumin touing calahating
oras nang isang tazang sabao. N~guni cun ang pag-iilaguin ay nauala na
dahil sa pag-inom nang _ruibarbo,_ at baga man nauala,i, ungmuuli rin
capag nacaraan ang ilang arao, ay caalam-alam mayroong malagquit sa
loob, na hindi pa nacucuha; ang gagauin cun gayon ay pupurgahin nang
bilin sa número 21, ó noon ding bilin sa número 51, para nang turo co
can~gina; magaling din ang sa número 23 ó 47. Saca iinumin niya cun
umaga sa dalauang arao ang calahati noon ding bilin sa número 51.
379. Cun minsan ay nalalauo,t, di inaanomana nang maysaquit ang
pag-iilaguin, na yaong pagpapabayang yao,i, nacacahina sa caniya. Ang
gamot doon cun gayon ay ang bilin sa número 35. Saca touing icatlong
arao bibig-yan ang maysaquit nang turo sa número 51. Capag pinurga na
siya nang macaapat, ay itinatahan na. Cun pinupurga ay houag pacanin
nang _carne,isda, ó itlog._ cundi canin lamang, ó tubig na pinaglutuan
nang tinapay. Maigui doonan sa sicmura nang basahang babad sa _alac_
na pinaglagaan nang _romero_ at _canela._ Masama sa gayong maysaquit
ang siya,i, malamigan lalo pa cun gab-i, sapagca ang saquit ay
mag-uuli.
=CAPÍTULO 64.=
_Ang icalauang bagay na pag-iilaguin na may casamang saquit na malaqui
sa tiyan na yao,i,_ disentería _cun turan nang castila._
380. Itong isang bagay na pag-iilaguin ay may casamang saquit nang
tiyan. Ang may cataua,i, parating ibig manabi; at bucod doon, ay
masama ang caniyang damdam. Sa inaiilaguin nang maysaquit ay mayroong
dugong casama; n~guni cun minsan uala naman.
381. Itong saquit ay dala nang cainitan nang panahon; sapagca ang apdo
at ang dugo nang tauo ungmiinit, at lungmalapot cun tag-alis-is.
Magaling din ang damdam nang tauo, hangan di nag-iiba ang cainitan n~g
panahon, sapagca siya,i, pinapauisan at ang cataua,i, sumisin~gao na
maigui. Caya lamang nagcacasaquit ay cun ungmuunti ang cainitan nang
panahon; na dahil doo,i, marahil dumaan ang saquit nang pag-iilaguin
sa bagong ulan, na sungmusunod sa tagarao.
382. Bago magcasaquit nang gayon ang tauo ay guiniguinao siya muna;
sungmasaquit na totoo ang tiyan; nalilio siya at namumutla. Ang pulso
ay munti at husay; sungmusunod ang malimit na pagiilaguin na
bagay-bagay ang color, at mayroong bulati at dugong casama; cun minsan
ang tumbong ay lungmalabas pati. Cun baga lungmulubha pa ang maysaquit
ay namamaga,t, nabubuloc ang bituca, at ang iniilaguin niya ay nana, ó
man~ga maitim na tubig, at mabaho; saca nagsisin-oc, nasisira ang
bait, ang pulso,i, hungmihina, pinapauisan ang maysaquit nang
malimit,sinusubaan at namamatay; datapoua cun hindi lulubha ang
maysaquit, ay hungmihina-hina ang pag-iilaguin, ang dugo ay nauauala,
lungmalacas-lacas ang may catauan at nacacatulog.
383. Ang gamot na totoo sa saquit na ito, ay ang _tártaro emético_
número 34; magaling din ang sa 35. Cun hindi nauauala ang pag-iilaguin
nang mapainom na ang maysaquit nang turo co n~gayon, ay hahaba ang
saquit, at ang gagauin doo,i, gayon. Ang maysaquit ay ilalagay _sa
husay_ (capítulo 4) at houag pacacanin nang carne, hangan di gumaling
na totoo. Ang iinumin niya ay ang bilin sa número 3. Capag napainom na
siya nang bilin sa número 34, ay quinabucasan paiinumin nang bilin sa
número 51 sa dalauang inom; sa icatlong arao ipaiinom doon ang bilin
sa número 3 lamang; sa icapat na arao inuulit ipinaiinom doon ang
bilin sa número 51; saca ilalagay ang may catauan _sa husay_ nang
maysaquit na magaling-galing sa capítulo 5.
384. N~guni cun baga noong talagang magcacasaquit ang tauo, linalagnat
siya muna nang malaqui, at ang caniyang pulso ay matigas at puno, at
bucod doo,i, malaqui ang saquit nang ulo,t, bay-auang, at ang tiyan ay
nauunat, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit; susumpitin naman
arao-arao nang macaitlo, ó macaapat nang bilin sa número 6, ó cun uala
yao,i, na-aari ang gatas na tinubigan. Paiinumin nang marami nang
bilin sa número 3. Cun ang pulso,i, malambot na, ang gagauin sa
maysaquit ang man~ga turo sa párrafo 383, na sinundan nito. Datapoua
cun minsan ay dili cailan~gang pasucahin ang maysaquit. Cun baga
malaqui ang catigasan nang pulso, nang bago siyang magcasaquit, ay
mabuti purgahin nang bilin sa número 11, capag sinangrahan na. Ang
ruibarbo, na bilin sa número 51, ay houag ibigay doon cundi sa
catapusan nang saquit. Maraming maysaquit (ani Tissot) ang guinagamot
co, na ualang ibang ibinigay sa canila cundi tubig na malacuco ga
isang taza carami, touing sa icapat na bahagui nang isang oras.
385. Cun minsan ang pag-iilaguin ay casama nang _lagnat na buloc,_ na
sinaysay co sa capítulo 20 at ang gamot doon cun gayo,i, ang pasuca
número 34, bago purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 23 ó sa
47. Saca painumin naman siyang macalaua ó macaitlo arao-arao nang
bilin sa número 24, timbang saicapat ang isang inom. Totoong galing
dito ang sa número 32, cun uala yaong isang turo sa número 24, at iisa
rin ang cabagsican nitong dalauang bagay. Cun ang saquit ay ungmu-unti
na, ang bilin sa número 51, ay yaon ang ipupurga sa maysaquit.
386. Ang nagcacasaquit nitong ganitong saquit ay nababaynat cun
minsan, gaua nang pagcain nang sala, sapagca ang may cataua,i,
nalamigan, ó napagal nang paggaua. Cun gayon ay ilalagay _sa husay_
(capítulo 4) ang maysaquit, at paiinuming minsan nang bilin sa número
51.
387. Cun minsan naman ang pag-iilaguin ay casama nang _pan~giqui_. Cun
gayo,i, pauaual-in muna ang pag-iilaguin bago gamutin ang pan~giqui,
at cun malaqui ang lagnat ay big-yan ang maysaquit nang _quina_ (dita)
ayon sa turo sa párrafo 216.
388. Sa saquit na pag-iilaguin ay magaling ang pagcain nang man~ga
bun~gang hinog nang cahoy, ang _manga_ baga, ang _saguing_, ang
_alpay,_ ang _ates._ etc. Caya ang nan~gan~gain nang maraming bun~gang
magulang nang cahoy cun tag-arao, maliuag daanan siya nang gayon
saquit.
=CAPÍTULO 65.=
_Ang icatlong bagay na pag-iilaguin, na mahirap ang damdam nang may
catauan sa sicmura, at pati nang paghinga cun minsa,i, mahirap din, na
yao,i, pinan~gan~ganlan nang castilang_ disentería maligna.
389. Ang nagcacasaquit nitong masamang bagay na pag-iilaguin, ay
nanghihina agad; guiniguinao siya cun minsan; ang marahil idinaraying
nang man~ga maysaquit ay ang sicmura, na di man masaquit, ay tila
siquip na bahag-ya na sila macahin~ga; marahil nasisira ang canilang
ulo. Ang tiyan cun minsan ay sungmasaquit, cun minsan hindi; ang
isinusuca nila ay verde ang color. Ang inaiilaguin nang may cataua,i,
dugong totoo cun minsan; at cun gayo,i, namamatay sa icatlong arao;
n~guni cun minsan ay iba,t, iba ang color nang inaiilaguin; ang ihi,
ang lauay, ang pauis, pati nang hinin~ga ay mabaho. Cun maliuag
macalon-oc ang maysaquit ay mapan~ganib ang caniyang buhay. Cun minsan
gagaling ang maysaquit pag linabasan sa catauan nang man~ga butil na
marami na puno nang tubig. Ang pulso ay munti. Cun natutuyo ang dila
at nauunat ang tiyan nang maysaquit, ó cun nalilio, ó nagsisin-oc, ay
namamatay na ualang magaua. Datapoua cun baga ungmuunti ang casiquipan
nang sicmura at lungmalambot-lambot ang tiyan, ó cun nacacatulog-tulog
na ang maysaquit, caalam-alam ay gungmagaling.
390. Ang gamot na bagay sa saquit na ito,i, ang timbang calahating
saicaualo nang bilin sa número 35, na cailan~gang gauin agad; at nang
tumapang pa yaong gamot na yaon, ay mabuting ihulog yaong bilin sa
número 35 sa isang tagayang tubig, na pinaglagaan nang _manzanilla._
Pag nacalalo ang pito ó ualong oras nang macasuca na ang maysaquit, ay
pupurgahin nang _ruibarbo_ número 51, at, pagca pinurga na,i,
cabibig-yan uli n~g caunting _bejuquillo_ número 35, ga dalaua, ó
tatlong butil na _palay_ ang timbang, na ihuhulog sa caunting sabao
nang _sisiu,_ na linutong casama nang ugat nang _chicoria (dilang
usa)_ at cun malaqui ang cahinaan nang maysaquit, ang tubig na
pinaglutuan n~g _sisiu,_ ay doroonan naman nang balat nang _tinapay._
Itong sabao na itinuro co n~gayon ay yaon ang iinumin n~g maysaquit
touing icalauang oras ga calahating taza carami; mabuti ring painuming
macaapat arao-arao n~g isang cucharang _alac_ sa misa, na hindi
lubhang matapang. Maiguing-maigui dito ang _dalandan ó cahel_ na
guinayat munang boo pati nang balat, na ang pag-gayat ay manipis; saca
binubudburan nang caunting azúcar, bago busan nang mainit na tubig, na
yao,i, ang ipaiinom sa maysaquit. Ang pagsumpit ay masama sa saquit na
ito. Ang isa pang mabuting totoo sa ganitong saquit, ay ang parapit na
matapang na turo sa número 36, sa m~ga binti. Anomang ipainom sa
maysaquit ay hindi sucat damihan, at lulubha siya.
391. Cun minsan hindi rin nacagagaling sa maysaquit itong lahat na
sinabi cong gamot sa párrafong tinalicdan. Cun gayon ay mabuti ang
tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _cahel_ na hinulugan nang
caunting _quina (dita),_ bago paculuin nang caunting oras calauon sa
apoy at salain sa damit na masinsin. Itong tubig na ito ay maisasama
sa bilin sa número 35, cun pinaiinom noon ang maysaquit; datapoua
masamang painuming minsanan n~g marami.
392. Cun ang pag-iilaguin ay malacas na totoo at ang may catauan
nanhihina pagcaraca, ay magaling tapalan sa sicmura,t, tiyan nang
basahan babad sa tubig na pinaglagaan nang dita na dinoroonan nang
_triacang_ marami.
=CAPÍTULO 66.=
_Ang gamot sa_ hinihica, _na ang tauag nang castila sa saquit na
yao,i,_ asma.
393. Itong saquit na _hica_ na cun minsan minamana, ay doon namamahay
sa _baga_ nang tauo. Ang nagcacasaquit nang gayon, ay hindi macahin~ga
nang maloualhati ang caniyang dibdib ay tila siquip; cungmucumbo ang
sicmura, ang tiyan, ang dibdib pati nang balicat. Ang may cataua,i,
nauuhao,t, napupuyat, at ang paghin~ga niya,i main~gay; ang paghiga
nang tihaya ay mahirap sa caniya; sungmusunod doon ang init, ang
lagnat, at ang pagquinal nang puso; ang ihi ay malinao at hindi husay.
Itong saquit ay lungmalaqui pag ang panahon ay malamig at maulan.
394. Ang gagauin sa maysaquit, pag dinaraanan nang hirap, ay gayon;
palulucluquin sa hihigan; houag tabilan, at houag patahanin sa silid
na siquip. Ang man~ga don~gaua,i, bubucsan; masama doon sa tinatahanan
nang maysaquit ang apoy; ó ang siya,i, libutin nang maraming tauo.
Saca, sangrahang agad, at cun malaqui ang hirap niya, ay uul-ing
sasangrahan. Ito lamang pagsasangra, ay macacaguinhaua sa caniya, cun
ang pinagmul-an nang saquit ay ang maraming dugo: caya hindi sucat
bayaan yaong pagsasangra, dahilan sapagca ang pulso ay mahina, at pag
nasangrahan ang may cataua,i, lalacas ang pulso. Bucod dito,i,
susumpitin nang bilin sa número 6; at cun hindi nagcacasiya yaon ay
gamitin ang sa número 5; n~guni houag damihan ang isusumpit doon,
cundi caunti lamang at parati, at saca gagauin ang man~ga ituturo co
n~gayon.
395. Cun ang maysaquit ay lungmulurang parati at tila main~gay ang
loob nang dibdib, at may masaquit saquit doon, ang iinumin niya,i, ang
bilin sa número 7 ó número 12. Touing oras iinumin niya naman ang
isang cuchara nang bilin sa número 77. Cun baga nahahalatang marami
ang sicmura ayon sa aral sa capítulo 88, ay magaling painumin nang
pasuca número 34, ó cun hindi ibig nang maysaquit yaon, ang turo sa
número 8, ay na-aari. Maigui, ani P. Clain, ang pagn~gan~ga nang
caunting tabaco, at lumura muna minsan bago lonoquin ang ibang lauay,
nang macatulog ang may catauan.
396. Cun ang maysaquit ay nag-uubo at ualang ilinulura; cun pungmupula
ang muc-ha, at ang ugat nang catauan ay lungmalaqui, at tila siquip
ang caniyang dibdib, pati nang lalamunan, ay paiinumin nang bilin sa
número 12, capag sinangrahan na. Doon sa oras nang pag-uubo, ay
iinumin niya ang isang cuchara nang turo sa número 10, ó nang sa
número 17. Bucod dito sisipsipin niya ang sin~gao nang mainit na tubig
para nang turo sa número 53, Magaling ding ibabad ang caniyang paa sa
malacucong tubig. Ang man~ga paa naman ay mabuti cuscusin nang
basahang tuyo. Cun baga nahahalatang _hinihica_ ang may catauan dahil
sa pag-urong nang ibang saquit para nang _galis, buni, ó piyo_, ay
magaling doon ang parapit número 36 sa binti ó sa talampacan ayon sa
aral sa capítulo 54.
397. Pag ang may catauan dinaraanan nang saquit na _hica, ay ilagay
siya sa husay capítulo_ 4, at houag pacanin nang _carne_ ó nang
anomang bagay na mabig-at sa sicmura; cun totoong hirap ang lagay nang
maysaquit, ay houag pacanin nang anoman. Magaling ipainom sa caniya
ang bilin sa número 1 ó 2.
398. Bucod sa man~ga sinabi cong gamot na bagay sa saquit na ito, ay
mabuti gauin ang man~ga isusunod co dito, nang houag daanan uli nang
hirap ang maysaquit. Caya cailan~gang pacahusayin ang caniyang pagcain
at ang pag-inom. Masama sa caniya ang lamig at ang guinao. Cun malimit
lumura ang maysaquit, ay isama sa quinacain niya ang timbang sa
icaualo nang bilin sa número 14. Touing umaga,i, palolonocquin nang
tatlong píldoras número 78; at pagca lon-oc noon, ay paiinumin tuloy
nang dalauang taza nang bilin sa número 12. Mabuti ring purgahing
maminsan-minsan nang turo sa número 21. N~guni cun ang maysaquit na
hinihica hindi lungmulura, ay cailan~gang sangrahan capag
nararamdamang lungmiliuag ang caniyang paghin~ga, at saca painuming
parati nang isang cuchara nang bilin sa número 10 ó nang _suero_
número 17.
=CAPÍTULO 67.=