n~galan, na sa saquit na pamamaga nang boong catauan, pati sa pamamaga
nang tiyan (bilbil), at sa pamamaga nang man~ga paa, na totoong galing
nang _lan~gis sa castila, ó aceite de olivas_ ayon sa hatol nang
maraming mabantog na médico. Binabasa nang lan~gis ang camay, at
linalahiran nang malauon lauon ang boong catauan nang maysaquit, na
yao,i, gagauing macalaua ó macaitlo arao-arao. Cun ang tiyan ang
namamaga,i, siya lamang ang linalahiran; at cun ang paa lamang ang
namamaga, ay gayon din siya lamang ang lalamasin nang lan~gis, at ang
lacad nang camay ay paitaas. Itong gamot ay nacagaling sa marami; lalo
pa cun ang saquit hindi pa nalalauon. Hindi co ma-aalaman cun ang
_lan~gis sa niyog ó_ ang sa _lin~ga_ ó ang sa _lin~gansina_ ay
macacagaling naman Datapoua cun mayroong sungmisibol na anomang bagay
sa paang namamaga,i, houag lahiran nang lan~gis.
=CAPÍTULO 56.=
_Ang gamot sa namamaga ang tiyan, na yaon ang pinan~gan~ganlang_
belbel ó berbén.
349. Cun minsan mayroong naiipong tubig sa tiyan nang tauo, na yaon
ang dahilang iquinapamamaga noon, at ang pan~galan sa saquit na yao,i,
_bilbil_. Ang tubig ay gungmagala at nagbabago nang lugar, cun ang may
catauan ay nagbabago naman nang lagay; ang pulso ay munti, madalas at
matigas tigas; caunti ang inaiihi nang maysaquit; nauuhao siyang
parati, yungmayayat, at ang paghin~ga ay mahirap; ang maysaquit ay
nanhihina pa mandin cun malauon, nag-uubo siya, at may lagnat na
caunti. Ang pinagmumul-an nitong saquit ay yaong man~ga sinabi co sa
párrafo 344.
350. Cun ang saquit ay bago pa, cun minsan gagaling ang may catauan,
painumin lamang nang biling sa número 8, ó sa número 72, ayon sa turo
co sa párrafo 346. Cun hindi rin ungmuunti ang pamamaga nang tiyan,
pag nacacaraan ang ilang arao, at hindi ungmiihi nang marami ang
maysaquit, ay painumin nang bilin sa número 71, at touing arao bago
cumain cun umaga, ay paiinumin din nang timbang saicapat nang bilin sa
número 24; cun gab-i bago humiga ay paiinumin uli noon ding painom sa
número 24. Cun nacalalo ang isang anim na arao, ay bibig-yan nang
purgang turo sa número 73. Datapoua cun ang maysaquit ay hindi
gung-magaling-galing, ang ipupurga doo,i, ang sa número 21; cun
nacaraan ang anim na arao, ay capupurgahing uli; susundin naman ang
lahat na sinabi co sa párrafo 345. Cun baga nacalabas na ang man~ga
tubig sa tiyan, at nauala ang pamamaga, ay painumin arao-arao ang
maysaquit nang alac na itinuro co sa número 74, ga isang taza carami,
nang lumacas ang sicmura, at ang man~ga bituca.
351. Cun hindi rin nauauala ang pamamaga nang tiyan, ay tutudluquin
nang carayom nang isang marunong na médico, ga apat na daliri sa
ilalim nang pusod, at houag sa guitna, cundi sa dacong taguiliran.
Yaong carayom na yao,i, mayroong sadiyang sootan, na ang magcabila ay
butas, at casabay rin nang carayom, cun ibaon sa laman. Cun inaalis
ang carayom, ay natitira doon sa tiyan ang pinaca bahay na
quinasosootan nang carayom; at palibhasa,i, may butas ang magcabila,
ay doon lungmalabas ang tubig parang sa alolod. Ang tubig ay
palalabasing minsan, datapoua marahan dahan, nang houag malio ang
maysaquit; at nang mapalabas na maigui ang tubig, ay binibigquisan ang
tiyan nang man~ga malalapad na bigquis, na cun bago,i, louag, at cun
lungmabas na ang tubig, ay higpithigpitang marahan dahan. Saca
painumin ang maysaquit nang bilin sa número 74, at susundin ang
man~ga turo sa párrafo 345. Cun baga namamagang uli ang tiyan, ay
catudloquin pa nang marunong sa ilalim nang unang tudloc. Basahin mo
ang _nota_ nang párrafo 348.
=CAPÍTULO 57.=
_Ang gamot sa namamaga ang man~ga paa._
352. Ang pamamaga nang paa ay marahil humalili sa lagnat na pan~giqui,
sa saquit na hica, sa culebra, sa pag-iilaguin nang malacas, sa man~ga
lagnat na ualang hibas, sa cabuntisan, at sa pag-urong nang sa bouan
sa man~ga babayi.
353. Itong pamamaga nang paa, ay nauauala siyang cusa cun malauon,
capag nacuha ang totoong saquit na pinangali-n~gan noong pamamagang
yaon. Datapoua cun ang may catauan ay lauon nang ualang saquit, at
hindi mauala ang pamamaga nang paa, ay maigui ang siya,i, lumacad na
parati. Cuscusin ang paa nang isang basahang tuyo,t, mainit, at
bigquisan nang damit na maigting-igting. Mabuti rin libutin ang paa
nang gaboc na tuyo na mainit init, na may casamang asin; houag siyang
uminom nang maraming tubig; uminom siya n~g caunting alac. Cun
umaga,t, cun hapon, ay paiunumin ang maysaquit nang bilin sa número
20, timbang saicaualo, na tutunauin sa isang tazang tubig na
pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao._ Cun masama ang sicmura, ay
painumin arao-arao nang timbang saicapat nang bilin sa número 14; at
cun hindi naniniya yao,i, big-yan nang dalaua ó tatlong cuchara
maghapon nang turo sa número 8. Basahin mo ang _nota_ nang párrafo
348.
354. Mayroong tauo na cailan man ay namamaga ang caniyang paa. Ang
gayong maysaquit ay masamang gamutin at caalamalam lulubha.
355. Cun minsan ang man~ga paang namamaga, ay pungmuputoc cun malauon
at nagsusugat, na hindi masama yaon; datapoua sapagca ang ganoong
sugat ay malauon bago mabahao, at cun minsa,i, nabubuloc, ang maigui
ay tacpan nang damit ang paa, nang houag mahan~ginan; tatapalan naman
nang bilin sa número 64. Ang maysaquit ay _ilalagay sa husay_ nang
maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at houag palacarin.
Maminsan minsan ay pupurgahin nang bilin sa número 21, at arao-arao
paiinumin nang bilin sa número 14, timbang saicapat.
=CAPÍTULO 58.=
_Ang gamot sa nabiquig ó sa naloogan, nang anomang bagay sa lalamunan,
na hindi macatuloy sa ilalim._
356. Cun ang tauo,i, mayroong linon-oc na anomang bagay, na hindi
macatuloy sa sicmura, cundi napatahan sa lalamunan, ang maigui ay
itulac na pailalim, cun ang nadoroon ay tinapay, carne, gulay, bun~ga
nang cahoy, ó botó nang man~ga bun~ga. Cun ang nadoroon ay tinic at
nasisilip nang mata, ay mabuti han~guin nang sipit na cauayan. Itong
sipit ay doroonan nang munting sangcal na tataliang maigui; at pag
ang sipit ay pinaabot na sa tinic, ay hihilahin nang camay ang
sangcal, nang maipit ang tinic. Totoong buti naman ang isang cauad na
tanso, na ang isang dulo ay baluctutin nang caunti parang binuit;
yaong isang cabilang dulo ay binabaluctot din nang mahauacang maigui
sa camay ang pagca baluctot nang magcabilang dulo ay patatamain
capoua sa isang taguiliran, nang maalaman ang calagayan nang cauad cun
nadoroon sa lalamunan. Itong ganitong cauad ay ipapasoc sa lalamunan
nang palapad at pag nacalalo na sa tinic, ay pipihitin nang caunti
nang macuha,t, masungquit yaong nacacahirap sa maysaquit.
357. Cun hindi rin nacucuha yaong nadoroon sa lalamunan nang
maysaquit, ay mabuting sumpiting bigla sa lalamunan nang isang sumpit
na munti; sapagca cun minsan ay mag-uubo ang may catauan, at lalabas
ang nacabibiquig sa caniya. Maigui ring painumin n~g pasuca número 34,
ó número 35; cun baga hindi naniniya yao,i, sumpitin nang usoc nang
tabaco párrafo 457. Cun minsan cailan~gang sangrahan ang maysaquit,
lalo pa cun hindi siya macahin~ga nang maloualhati. Mabuti namang
pucpuquin nang camay ang licod pagca inato na ang ibang man~ga paraan
at hindi macucuha ang nadoroon sa lalamunan.
358. Cun ang napatahan sa lalamunan ay carayom, paco, man~ga bot-ong
matilos, ó singsing, ó caputol na pingan, ay aatuhin muna ang
paghan~go noon, ayon sa turo co sa párrafo 356 at sa 357, at cun
hindi mangyaring macuha, ay itutulac nang pailalim niyong cauad na
baluctot, na itinuro co sa párrafo 356, ó pucpuquin nang camay ang
licod nang maysaquit.
=CAPÍTULO 59.=
_Ang lagnat na_ daua _na may casamang pauis na tinuturan nang
castilang_ calentura miliar sudatoria.
359. Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, ay nalalagnat cun gab-i,
ang camay ay quinig at mainit ang palad; pag-guising nang may catauan
ay may pauis na malaqui, at totoo siyang nanghihina; masaquit ang ulo,
mahirap ang paghin~ga, hungma-halinghing, at nauuhao siya; macati ang
balat nang catauan; ang caniyang dila ay maputi, ang caniyang pulso ay
madalas, puno at matigas; cun babayi ang maysaquit cun minsan
inuurun~gan siya nang gatas. Sa icatlo ó sa icapat na arao ay
lungmalaqui ang lagnat; nasisira sira ang bait nang maysaquit, at
linalabasan tuloy ang caniyang catauan nang maraming butil na ang
camuc-ha ay butil nang _daua;_ cun minsan ang lungmalabas na man~ga
manchang mapula, na anaqui ay _culebra._ Cun malauon na ang saquit,
mayroong lungmalabas na man~ga manchang mapulang mapula, para nang
quinagat nang pulgas, cun minsan naman sinisibulan sa liig, sa dibdib,
at sa tiyan nang man~ga butil na puno nang tubig, na yao,i, masama.
Ang maysaquit ay namamatay cun minsan sa icapat, ó icalimang arao.
Masama sa saquit na ito ang man~ga bagay na mainit. Ang maysaquit
_ilalagay sa husay_ (capítulo 4.) Sasangrahang maquiilan hangang
umunti ang lagnat at lumambot ang pulso; datapoua, ang uica ni Buchan,
na hindi magaling dito ang pagsasangra. Susumpiting macaapat
arao-arao; touing calahating oras ay paiinumin nang isang vasong
_suero_, na huhulugan nang polvos na bilin sa número 24, natimbang
isang salapi ang uubusin niya maghapon. Cun magaling-galing na ang
maysaquit, at cun ang maysaquit hindi babaying nan~ganac, ay paiinumin
nang bilin sa número 34; at ang turo sa número 32 ay iinumin niya
touing arao. Cun baga ang maysaquit ay babaying nan~ganac, ay
pupurgahin nang mahinang purga. Cun gayon ang pag-gamot sa maysaquit,
ay bihira ang di gungmagaling. Itong saquit na ito ay marahil dumaan
sa man~ga babaying nan~gan~ganac, gaua nang man~ga _luya_, man~ga
tubig na mainit, apoy ó alac na guinagamit nang tagalog. Cun minsan
sungmusunod sa bulutong, at sa ticdas, ó sa man~ga lagnat. Cun minsan
dinaraanan nitong saquit ang man~ga matamaring cumibo, ang
mapanglauin, at ang inuurun~gan nang galis, buni, pauis, ó nang sa
panahon cun baga babayi ang maysaquit.
=CAPÍTULO 60.=
_Ang man~ga saquit nang sicmura,t, tiyan na doon nauucol ang
pinan~gan~ganlang_ cólico ahito, _at ang iba pa_.
360. Bagaybagay ang cólico ó ang saquit nang sicmura,t, tiyan, na
paraparang sasaysayin co sa man~ga párrafong isusunod dito. Datapoua
sapagca cun minsang hindi maquilala pagcaraca nang hindi marunong na
médico cun anong bagay na _cólico_ ang tungmama sa maysaquit, caya
n~ga yata, nang houag macamatay sa tauong caauaaua ang man~ga pag
gamot, ay itong tatlong bagay na ituturo co n~gayon, ay siya ang
maiguing gauin doon, sapagca hindi masama sa anomang bagay na
_cólico_. Susumpitin ang maysaquit na maquiilan arao-arao. Paiinumin
nang maraming tubig na malacuco, ó nang tubig na malacuco rin na
pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Doon sa tiyan nang man~ga
basahang babad sa malacucong tubig. Houag painumin nang _alac ó
triaca_, ó nang ibang man~ga maiinit. Datapoua capag naquiquilala ang
totoong saquit nang may catauan, at cun anong bagay na cólico ang
nacacahirap sa caniya, ay gagamutin para nang turo sa man~ga párrafong
ihahalili dito.
_Ang gamot sa saquit na malaqui nang sicmura,t, tian, na may casamang
lagnat na malaqui, na yaon ang tinuturan nang castilang_ cólico
inflamatorio.
361. Itong saquit na ito,i, dala nang pamamaga nang sicmura ó nang
bituca dahilan sa cainitan nang dugo. Ang tiyan ay sungmasaquit muna
nang malaqui, at cun malauon ay lalo pa manding sungmasaquit; ang
pulso ay madalas at matigas. Ang maysaquit ay dungmaraying, na mainit
na totoo ang caniyang tiyan; cun minsan ang inaiilaguin niya ay
malabnao, cun minsan hindi manabi; at cun baga bucod dito siya,i,
sungmusuca pa, ay mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang muc-ha,i,
pungmupula; ang tiyan ay namamaga, at salang hipoin, ay sungmisigao
ang may catauan; bucod dito ay nauuhao na parati. Ang saquit ay
ungmaabot cun minsan hangan bayauang; caunti ang inaiihi nang
maysaquit at cun umihi, ay mainit ang caniyang pagcaramdam. Hindi siya
macatulog, cun minsan may pagcasira ang ulo. Cun hindi gamutin agad
ang maysaquit, ay hindi lubhang dungmaraying cun malauon, na yao,i,
masama. Ang pulso ay hindi catigasan; datapoua,t, madalas sa dati.
Namumutla ang maysaquit, at nanlalata; ang boong catauan niya,i,
lungmalamig, hindi lamang ang tiyan; saca sinusubaan, at namamatay
tuloy. Cun minsan bago mamatay ay nag-iilaguin nang totoong baho
dalan~g pagca buloc nang man~ga bituca. Cun ang saquit ay naroroon sa
sicmura anomang canin ó inumin n~g maysaquit ay isinusuca niya; hindi
siya mapalagay; nasisira ang bait, at sa loob nang ilang arao ay
namamatay. Itong cólico ay dala cun minsan nang cainitan nang dugo.
Caya marahil magcasaquit nang gayon ang nahirapang totoo nang
pag-gaua nang mabig-at na gaua; ang nainitan nang malaqui, ang
cungmacain nang man~ga mainit ó man~ga bun~ga nang cahoy na hindi
magulang, at ang ungmiinom nang tubang maasim. Cun minsan naman ay
dala nang masamang pag-gamot sa ibang bagay na _cólico._
362. Ang gamot sa ganitong saquit ay gayon: ang maysaquit ay
sasangraha,t, cucunan nang maraming dugo sa camay, cun minsan ay
cailan~gang sangrahan uli sa loob nang dalauang oras. Touing icalauang
oras din, mag-ilaguin man ang maysaquit at di man, ay susumpitin nang
tubig na pinaglagaan nang culutan na dinoonan nang _lana_ ó lan~gis
nang niyog. Painumin nang maraming tubig na malacuco na pinaglagaan
nang culutan ó palay. Ang pasuca at ang purgang matapang capoua masama
sa caniya. Sa tiyan ay lalag-yan nang man~ga basahang babad sa
malacucong tubig, at pagca tuyo ay doroonan nang iba. Cun hindi
nauauala ang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, ang maysaquit papambohan
sa tubig na mainit-init. Ang uica ni Buchan, na totoong buting
parapitan ang lugar na masaquit. Pag nauala na ang _cólico,_ pati nang
lagnat, at nacacatulog tulog na ang may cataua,i, purgahin nang isang
mahinang pamurga, para nang _maná_ timbang dalauang piso, na may
casamang _sal de Epsom _timbang saicapat, na yaong dalauang bagay ay
tutunauin sa isang vasong _suero._ Cun baga mahina ang maysaquit, ay
sucat na sa caniya ang _maná lamang._ Cun ualang _maná_ ay pumili nang
isang mahinang purga doon sa man~ga bilin sa número 82. Cun baga
magaling man ang may catauan, may natitira pang caunting masaquit sa
tiyan ó sa sicmura, ay hindi sucat hamaquing pabayaan, at caalamalam
ay sisibulan nang bucol sa loob; caya ang gagauin doo,i, itutuloy yaon
ding man~ga turo cong gamot sa párrafong ito, hangang sa uala nang
maramdamang ano man ang maysaquit.
363. Cun minsan dahil sa pamamaga nang _sicmura ó tiyan, _ay
sinisibulan doon ang may catauan nang masama. Caya nahahalatang may
sungmisibol sa sicmura ó sa bituca, sapagca parating mayroon doong
caunting masaquit; ang may catauan ay nananab-ang nang pagcain
pinagquiquilabutan siya nang guinao nang malimit, at hindi siya
lungmalacas. Ang bagay dito ay ang man~ga painom na itinuro co sa
párrafo 362 na sinusundan nito. Cun pungmuputoc ang sibol, ang
maysaquit ay nalilio doon sa oras na yaon, at naramdaman niyang may
nauaualang mabigat doon sa loob. Cun ang nana,i, napapabobo sa loob
nang bituca, ay lungmalabas na casama n~g inailaguin, at ang maysaquit
ay dungmoroual na parati; ang maigui doo,i, painumin lamang nang gatas
na inalsan nang pinaca taba muna, bago samahan n~g isang sa icatlong
bahaguing tubig; touing icatlong arao, ay sumpitin nang _gatas_ na
tinubigan, na may casamang pulot na caunti. Cun ganoon ang pag-gamot
doon, ay cun minsan mababahao ang sugat nang sibol na nacaputoc sa
loob nang bituca. Datapoua cun ang nana nang sibol, ay nabububo sa
labas nang bituca, ay maliuag ang pag-gamot sa maysaquit.
_Ang gamot sa icalauang bagay na saquit_ _nang sicmura ó tiyan, na
dala nang apdo_ _na tinuturan nang castilang _cólico bilioso, ó cólico
nang apdo.
364. Ang nagcacasaquit nang gayon mahirap man ang caniyang pagcaramdam
ay hindi nalalagnat, cun hindi pa nacalalo ang isa ó dalauang arao
nang caniyang pagcacasaquit; at lagnatin man ang maysaquit ang
pulso,i, hindi totoong tigas; at hindi rin malacas; ang tiyan ay
hindi namamaga, at hindi mainit para nang sa isang cólicong sinaysay
co sa pàrrafo 361; ang ihi ay hindi lubhang mapula; ang maysaquit ay
nauuhao, at mapait ang caniyang bibig, cun baga sungmusuca ó
nag-iilaguin, ang lungmalabas ay madilao; cun minsan nasisira ang ulo
nang maysaquit. Ang masaquit dito ay ang dacong pusod; datapoua ang
dacong pusod ay sungmasaquit din doon sa saquit na _miserere_ sa
capítulo 61.
365. Ang gamot dito ay gayon: ang maysaquit ay susumpitin nang malimit
n~g bilin sa número 5; paiinumin n~g maraming tubig na pinaglagaan
nang ugat nang _grama (hincacauayan ó malacauayan)_ na dinoonan nang
caunting gata nang dayap. Touing oras ay paiinumin nang isang taza
nang turo sa número 32, ó cun ualang _sampaloc, _ay na-aari ang
timbang saicaualong _crémor._ Maigui ring bañusan ang maysaquit
hangang tuhod, at lag-yan sa tiyan nang basahang babad sa malacucong
tubig. Cun baga totoong laqui nang saquit nang sicmura ó tiyan, at ang
pulso ay malacas, at ga mabagting, ay cailan~gang sangrahan ang
maysaquit. Cun hindi nauala ang saquit at hindi nag-iilaguin nang
malacas ang may catauan, baga man pinainom na nang man~ga sinabi co
n~gayon, ay magaling big-yan nang caunting _maná_ na tutunauin sa
malabnao na sabao nang sisiu. Mayroon tauong marahil daanan nitong
ganitong _cólico,_ at ang bagay sa caniya ay ang bilin sa número 24,
na iinumin niyang maminsan minsan touing bouan. Hindi bagay sa caniya
ang pagcain n~g maraming _carne._ Masama rin ang man~ga maiinit, ang
man~ga may taba at ang gatas; ang suero ay mabuti sa caniya.
_Ang gamot sa icatlong bagay na saquit nang sicmura ó tiyan, na ang
tauag nang tagalog sa nagcacasaquit noo,i, hinihilaban ó inaahito, sa
uicang castila ay_ cólico de indigestión, ó ahito, ó empacho.
366. Cun napacarami ang quinain nang tauo bata ma,t, matanda man, ay
sungmasama ang pagcaramdam, at sungmasaquit ang caniyang sicmura ó
tiyan. Gayon din ang cungmacain arao-arao nang hindi macayanan nang
sicmura niya, cun malauon ay nagcacasaquit naman nito ring ganitong
saquit na _ahito._ Sapagca yaong man~ga cacaonti na hindi natutunao sa
sicmura touing arao, ay naiipon nang naiipon doon,na yao,i, ang
iquinapagcacasaquit nang may catauan sa calaunan. Nacacapagcasaquit
naman sa tauo ang pagcaing minsanan nang man~ga sarisaring bagay na
hindi magcaayon para nang _chocolate_ at saguing, etc. Dito sa
ganitong saquit ay ualang lagnat; ang may catauan ay hindi naiinitan,
at hindi nauuhao; ang saquit nang sicmura ó tiyan, ay gungmagala;
datapoua nalilio ang maysaquit, naiibig niyang sumuca, at cun minsan
ay namumutla ang muc-ha.
367. Itong ganitong _cólico_ ay hindi maliuag gamutin; painumin lamang
ang maysaquit nang maraming totoong malacucong tubig na malalahocan,
cun ibig, nang _azucar ó asin._ Maigui rin ang tubig na pinaglagaan
nang bulaclac nang _alagao._ Datapoua cailan~gan painumin ang
maysaquit nang marami, sapagca cun caunti ang inumin ay nalalauon ang
pag-galing. Ang pagsuca at ang pag-iilaguing yao,i, ang nacagagaling
sa maysaquit; at cun hindi manabi, ay cailan~gang sumpitin nang tubig
na may _asin;_ maigui ring cuscusin ang tiyan nang basahang tuyo, na
idinadarang sa apoy. Cun minsan magaling na ang maysaquit; datapoua
masama ang lasa nang bibig. Cun gayon, ay painuming maminsan minsan
nang bilin sa número 24; maigui rin ang pag-inom nang maraming malamig
na tubig; at ang cailan~gang totoo naman, ay ang houag cumain ang
maysaquit han~gang di gumaling. Masama sa ganoong saquit ang _triaca,_
ang tubig nang _anis,_ ang _enebro, ó_ ang _alac_.
368. Cun minsan ay hindi sungmasaquit ang sicmura ó ang tiyan, cundi
nalilio lamang ang may catauan; pinapauisan nang malamig, dungmuroual
na parati at hindi lumalagay sa quinahihig-an. Cun minsan nama,i,
biglang nalilio ang maysaquit, at hindi nacacaalam tauo; nagsisin-oc
siya; ang caniyang muc-ha,i, nag-iiba; ang pulso ay munti; ang sicmura
ay nauunat. Datapoua ang maysaquit ay nacacahin~ga. Dahil dito sa
man~ga tandang ito,i, na-aalaman, na hindi _apoplegía ó_ panhihimatay
ang caniyang saquit, at lalo pa cun siya,i, dinaraanan noong m~ga
gayon damdam pag bagong nacacain. Cun ganoon ang lagay nang maysaquit,
ay namamatay sa loob nang ilang oras. Ang gamot doo,i, sumpitin nang
tubig na dinoonan nang _asin at sabón,_ palon ocquin nang maraming
tubig na _maalat;_ at cun hindi gungmagaling pa, ang polvos na bilin
sa número 34 at tutunauin sa tatlong tazang tubig, ay pagcaraca
ipaiinom doon ang isang taza; at cun hindi sumuca ang maysaquit sa
loob n~g sa icapat na bahagui nang isang oras, ay ipaubos sa caniya
ang isa pang taza, at cun hindi rin sumuca, ibigay doon ang icatlong
taza. Cun ang maysaquit ay sungmuca na, ay yaon ang pag-galing niya.
_Ang gamot sa icapat na bagay na saquit nang sicmura ó tiyan na dala
nang han~ging nacuculong doon, na yaon ang pinan~gan~ganlan nang
castilang_ cólico flatulento.
369. Itong ganitong _cólico_ ay hindi nag-iisa cun minsan, cundi
napapasama doon sa ibang bagay na _cólico,_ na aquing sinaysay na sa
párrafong natalicdan. Dito sa saquit na ito ay ualang lagnat; ang may
catauan ay hindi nauuhao; ang tiyan ay lungmalaqui, datapoua,i, hindi
tungmitigas; cun idiniriin ang tiyan, ó hinihilot, ay gungmagala sa
loob ang han~gin, at lungmalabas sa bibig ó sa ilalim. Itong saquit ay
dala nang pagcain nang man~ga bun~ga ó man~ga gulay na mahan~gin,
para nang _saguing,_ patani etc.
370. Cun itong saquit ay casama nang ibang _cólico,_ ay ualang sadyang
pag-gamot dito, sapagca cun gamutin ang totoong saquit; ay mauauala
pati itong isa. Datapoua cun ualang ibang casamang _cólico,_ ang gamot
doo,i, ganoon. Ang maysaquit ay sinusumpit, at quinucuscos ang
caniyang tiyan nang mainit na damit; magaling namang painumin nang
tubig na pinaglagaan nang manzanilla. Cun hindi na masaquit ang tiyan,
at ualang lagnat ang may catauan ay mapapaiinom nang caunting _alac_
na pinaglagaan nang caunting canela.
_Ang gamot sa icalimang bagay na saquit nang sicmura ó tiyan, na
marahil dumaan sa man~ga tauong nalamigan, na yao,i, cólico rin._
371. Cun ang tauo ay nalamigan, at pag nacaraan ang ilang oras; ay
dinaraanan nang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, lalo pa cun ang paa,i,
siya ang tinablan nang lamig. Itong saquit ay marahil dumaan sa
tagalog pag siya,i, nainitan ó napagod, at saca nabasa ang caniyang
paa. Sa gayong saquit ay masama ang alac, at ang man~ga purga, ó
yaong man~ga maiinit na gamot. Ang magaling doo,i, cuscusin ang man~ga
paa nang mainit na damit na idinadarang sa apoy. Saca maiguing ibabad
nang malauon ang man~ga paa sa malacucong tubig na pinaglagaan nang
_manzanilla,_ ó bulaclac nang _alagao._ Lalo pang madaling gagaling
ang maysaquit cun siya,i, humiga,t, gumaua nang capaanyo ang
mangyaring mapauisan ang caniyang paa. Cun malaquing totoo ang
caniyang saquit, ang pagsumpit ay bagay sa caniya. Cun hindi rin
nauauala yaong pagsaquit na malaqui, at bucod dito,i, magaling ang
catauan nang maysaquit, ay cailan~gang sangrahan. Ang man~ga paa niya
itatapat na malauon sa sin~gao nang tubig na mainit bago ibabad sa
malacucong tubig; at cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan
ang maysaquit sa man~ga binti.
=CAPÍTULO 61.=
_Ang saquit na pinan~gan~ganlang_ miserere, ó pasión iliaca, _na
yao,i, pagsasara nang man~ga bituca, na dahil doon, ay hindi manabi
ang maysaquit, cundi isinusuca niya ang lahat._