316. Ang maysaquit ay doroonan nang maigting (mahigpit) na tali sa

bias nang camay, sa ibabao nang sico, pati sa paa sa ibabao nang

tuhod. Babañusan nang malauon ang paa at ang camay nang tubig na

malacuco, sapagca ang tubig na malacuco ay nagpapalouag sa man~ga

dinaraanan nang dugo, at palibhasa,i, lungmolouag ay malaquing lugar

ang mapapaaronan n~g dugo sa paa at sa camay. Cun ang tubig ay malamig

ay masama, at magsisiquip bagcus ang man~ga ugat na dinaraanan nang

dugo. Cun mainit ang tubig ay masama rin, sapagca yao,i,

nacacapagpalacad nang matulin sa dugo; caya bagay doon ang malacuco.

Pag naampat na ang dugo ay palolouaguin n~g caunti ang m~ga tali houag

lamang minsanan, ó alisin na ang isa, at bayaan doon ang iba hangan di

macaraan ang isa ó dalauang oras. Cun mayroong _salitre_ ay ang isang

dampot nang dalauang daliri at ang isang cucharang _suca,_ ay isama sa

isang tazang tubig, at ipaiinom sa binabalin~gon~goy; ito,i, gagauin

touing calahating oras. Bihirang maysaquit ang hindi gunggmaling, ani

Buchan, pagca ibabad, ó basain nang basain nang malamig na tubig ang

caniyang punong catauan. Magaling naman ang isang sigarrong hilas;

itong pinaca cigarro ay ibabad mo sa aguardiente na ang sa icatlong

bahagui ay _suca,_ at isoot mo sa ilong n~g maysaquit, at paabutin

mong magaling sa itaas. Totoong igui dito naman ang matigas na

colatcolat, ó yaong tila cabuti número 67, na sungmisibol sa

alibangbang, ó sa palsahin~gin ó sa ibang cahoy; ang unang balat sa

ibabao ay inaalis nang sundang; ang icalaua,i, quinacayod, at ang

pinaca cigaroong hilas, ay pinagugulong doon sa pinagcayoran nang

colatcolat, nang maniquit sa hilas at saca isinosoot sa ilong; at

houag ogcain doon maampat man ang dugo, cundi pabayan doon; at siyang

cusang malalaglag, pag nacalalo ang ilang arao. Ang binabalin~goyn~goy

ay hindi sucat quibuin ang caniyang catauan, at cun siya,i, malimit

magcasaquit nang gayon, masamang cumain n~g marami cun gabi; hindi

sucat uminom nang _alac,_ ó cumain nang man~ga mahahanghang ó maiinit.

Bagay sa caniya ang pag-inom nang malimit nang bilin sa número 2, ó

nang timbang sa icaualong _salitre_ touing hapon. Masama namang tacpan

nang damit ang caniyang ulo, at cun siya,i, nahihiga masama ang

mababang unan.

=CAPÍTULO 43.=

_Ang gamot sa lungmulura nang dugo._

317. Cun ang dugong inilulura nang may catauan nangagaling sa baga,

ang color nang dugo ay mapulang mariquit, at may bula cun minsan; tila

may sungmisintac sa loob nang dibdib, ang paghin~ga ay mahirap hirap,

at cun minsan may ubo pa. Cun maraming dugo ang inilulura nang

maysaquit ay cailan~gang gamutin agad.

318. Itong paglura nang dugo, cun minsan ay dala nang caramihang dugo

nang may catauan, ó sapagca mahina, ó sala caya ang ibang casangcapan

nang dibdib. Ang pagtacbo nang matulin, ang pag-inom nang alac, ang

paghabi, ang pagsigao ó ang pagcacanta, ay parapara cun minsan yaon

ang pinangagalin~gan noong saquit na yaon. Gayon din ang pag-urong

nang panahon sa man~ga babayi, ó ang pagtahan sa totoong init, ó ang

lauong pag-uubo, cun minsan ay sinusundan nang paglura nang dugo.

319. Ang gagauin sa nagcacasaquit nang gayon ay untian ang caniyang

cain; houag painumin nang alac: painuming parati nang bilin sa número

2; bagay sa maysaquit ang pagcain nang bun~ga nang sampaloc, ó nang

ibang man~ga bun~gang hinog nang cahoy. Cun maraming dugo ang

inilulura nang maysaquit ay cailan~gan doonan nang tali sa ilalim nang

tuhod at sa ibabao nang man~ga sico. Ang isa pang totoong galing dito

ay bañusan nang malacucong tubig hangan tuhod. Magaling din ang

painumin ang maysaquit, na macalaua maghapon, nang isang tagayang

tubig na hinulugan nang dalauang cucharang jarabe nang _suca_ ó nang

_verdolagas_ (olas man). Datapoua cun baga ang maysaquit ay mataba at

magaling ang catauan, ó cun totoong init nang caniyang pagcaramdam, ó

nalalagnat caya, ay sasangrahan muna minsan ó maquiilan sa camay, bago

gauin ang ibang man~ga turo co sa párrafong ito. Ang lungmulura nang

dugo,i, masamang humiga; masama naman sa caniya ang pagsigao, at ang

siya,i, cumibo. Bucod dito hangan hindi gumaling na totoo, ay masama

sa caniya ang paghabi, ang pananahi, at ang pagdurugtong nang abacá.

_Nota_ Ang lungmulura nang dugo, ay magaling uminom nang catauan nang

_pacpac lauin_ na ilalaga sa tubig ga isang dacot carami. Yaong damo

ay sungmisibol sa catauan nang _cauong_. Itong gamot totoong buti.

=CAPÍTULO 44.=

_Ang gamot sa sungmusuca nang dugo._

320. Ang pagsuca nang dugo ay masamang saquit, sapagca bucod doon sa

dugong isinusuca, ay mayroong ibang dugo, na napapahulog sa man~ga

bituca, at yaon ang iquinapag-iilaguin nang may catauan nang masamang

pag-iilaguin.

321. Ang gagauin sa ganitong saquit, ay ang man~ga tali sa paa,t,

camay, at ang baños sa malacucong tubig hangan tuhod. Saca sumpiting

parati ang may catauan. Ang caniyang cacanin ay caunti; ang tubig na

malamig ay totoong bagay doon, at lalo pa cun lahucan nang _suca,_ ó

nang caunting _espíritu de azufre, na bilin sa número 10. Pag

napatahan ang dugo, ay cailan~gang purgahin maminsan-minsan ang

maysaquit nang purgang mahina, para nang turo sa número 32. Cun babayi

ang sungmusuca n~g dugo dahilan sa inurun~gan nang panahon, ay

sangrahan muna, bago gauin ang ibang man~ga bilin co dito sa párrafong

ito._

=CAPÍTULO 45.=

_Ang gagauin sa ungmiihi nang dugo._

322. Cun ang inaiihi nang tauo, ay tunay na dugo, at cun patuloy na

hindi mahirap iihi, ay yaong dugong yaon, ay sa manga _bato_

nangagaling. Datapoua cun ang dugo ay caunti, maitim-itim at masaquit

iihi, at saca mainit at masama ang pagcaramdam nang may catauan sa

tiyan, ay yaong dugong lungmalabas ay nangagaling sa pantog. Ang

pag-ihi nang dugo cun minsan ay dala nang pag-urong nang panahon sa

man~ga babayi, ó gaua nang pagsacay sa cabayo, ó sa pagcahulog sa

mataas, ó sa pagbuhat nang mabig-at, ó sapagca mayroong bato sa

pantog, ó cun minsan gaua naman nang man~ga purgang matapang ó man~ga

parapit caya. Datapoua mayroong pag-ihi n~g dugo, na yao,i, dala nang

caramihang dugo nang may catauan, na cun hindi maraming totoo ang

inaihing dugo, ay hindi masama yaon sa caniya; cun minsan doon sa

dugong inaiihi mayroong casamang nana.

323. Ang gamot sa saquit na ito ay gayon. Cun baga matabang totoo ang

may catauan, ay sasangrahan, susumpitin nang malimit, at pupurgahin

nang man~ga mahihinang purga, para nang _maná, ruibarbo, crémor

tártaro:_ ó cun uala yaon, ang sa número 32 ay magaling din. Cun

ang maysaquit ay nanlalatang totoo nang caiihi nang dugo, ay painuming

macaitlo maghapon n~g bilin sa número 40.

324. Cun ang pag-ihi nang dugo ay casama nang bulutong ó nang man~ga

lagnat na malaqui, ang lagnat ó ang bulutong ay guinagamot muna para

nang turo sa man~ga capítulong nacaraan, at ang pag-ihi nang dugo ay

siyang cusang mauauala.

325. Cun ang dugo,i, may casamang nana, at nahahalatang may sugat doon

sa man~ga bato ó sa pantog, ang maigui roon ay maglaga sa isang

tagayang tubig nang dahon nang saga (oruzuz) at ugat nang colotan;

doonan yaong tubig nang timbang cahating goma (dagta) nang dalandan ó

goma nang _lucban,_ at nang timbang isang saicapat na _salitre,_ at

ang maysaquit ay paiinuming maminsan-minsan nang isang taza noong

tubig na yaon. Maigui roon naman ang suero nang gatas, cun hindi pa

maasim; n~guni,t, iinumin nang malauong panahon.

=CAPÍTULO 46.=

_Ang gamot sa mayroong bato sa pantog, pati sa tauong binabalisaosao,

ó sa mahirap umihi._

326. Caya nahahalatang may bato sa pantog ang may catauan, sapagca cun

umihi, ay sungmasaquit ang dinaraanan nang ihi, na patuloy ang

pagsaquit hangan sa dulo nang punong catauan. Ang isa pa roon ay

macati yaong casangcapang yaon, na dahil doo,i, parating quinacamot,

at pinipisil nang may catauan; ang pos-on ay mabigat, at cun malaqui

ang batong nadoroon sa loob, ay bahag-ya na macaihi ang maysaquit, at

cun umihi ay patac patac.

327. Ang bagay dito sa binabalisaosao ay ang pagsasangra sa maysaquit,

lalo pa cun ang saquit ay bago, at mataba ang may catauan; gayon din

mabuti pacapitan sa linta ang pouitan nang maysaquit. Saca susumpitin

nang malimit; babasaing parati ang bayauang at ang punong catauan nang

tubig na malacuco, ó nang tubig na pinaglagaan nang culutan, ó nang

tubig na ang sa icatlong bahagui ay gatas. Ang iinuming parati nang

maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang timbang tatlong pisong

catauan nang maiz na sariua ó tuyo man sa apat na botellang tubig

hangan sa maiga ang isang botella. Gayon din ang tubig na pinaglagaan

nang _hagunoy_ ay totoong buti, ó ang tubig na pinaglagaan nang talbos

nang _cahel._ Mabuti rin ang pag-inom touing umaga nang café, ayon sa

turo ni Linneo Maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang ugat at dahon

nang _salay ó tanglad._

328. Sa ungmiihi nang buhan~gin ó bato, magaling naman ang tubig nang

apog na bago sa cabebe número 79; hinahalo ang apog at ang tubig, at

pag malinao na ay isinasaling marahan dahan sa ibang sisidlan, ay

yaong tubig na yaon ang iinuming parati nang maysaquit, ga pito ó

ualong taza sa isang arao. Mabuti rin ang maputing _sabón castila_

timbang piso arao-arao, na tinutunao muna sa tubig na inaiinit sa

apoy; pag tunao na ang sabon at malamig na ang tubig, ay uubusin nang

maysaquit sa isang arao yaong lahat na tubig na pinagtunauan nang

sabón. Cun hindi matiis nang caniyang _sicmura_ ang ganoong caraming

sabón, ay houag uminom pagcaraca nang marami hangang hindi namimihasa

pa. Cun ualang bato sa pantog cundi binabalisaosao lamang, ó mahirap

umihi ang maysaquit, ay gagauin lamang ang lahat na bilin sa párrafo

327. Ang isa pang gamot na totoong galing ay gayon. Ang timbang

tatlong bahagui, ó ang timbang piso caya nang ugat nang damong

pinan~gan~ganlang _sansaosansauan_ (at sa Batan~gan calacalamayan) ay

ilalaga sa dalauang botellang tubig, at cun mayroong _sal amoniaco_

dinoroonan nang timbang isang butil na palay noon. Cun ualang sal

amoniaco ay bayaan. Pagca laga nang malauon-lauon at malamig na ay

sasalain, at ang maysaquit ay binibig-yang macaapat maghapon nang

isang taza. Itong damo,i, quilala nang man~ga bata, sapagca ang dahon

ay canilang pinipirot sa tubig; at ang gatas noon ay lungmalapot sa

arauan parang calamay. Ang catauan noon ay gan~ga tingting nang ualis,

at namumulupot sa cahoy. Ang bulaclac ay totoong unti at ualang color.

Ang ibang puno ay bungmubun~ga, at ang iba,i, hindi. Cun mahinog ang

bun~ga ay mapula, at mayroong isang boto sa loob. Marahil maquita sa

man~ga _bayabasan._ Itong gamot ay magaling pati sa ungmiihi nang

nana; houag lamang lag-yan nang sal amoniaco. Magaling namang totoo sa

quinagat nang ahas, pati sa masiquip ang dibdib, nang siya,i, lumura

nang maloualhati.

=CAPÍTULO 47.=

_Ang gamot sa ungmiihing parati di man cusa nang caniyang loob._

329. Ang man~ga sangol, ang man~ga matatanda, at ang man~ga babaying

buntis, lalo pa ang nahirapan sa pan~gan~ganac, ay marahil daanan

nitong ganitong saquit. Cun baga nagcacasaquit ang tauo nang ganoon,

sapagca nagambol, at lungmubay ang dinaraanan nang ihi ay ualang

magauang gamot doon.

330. Datapoua cun ang inaiihi nang maysaquit ay marami pa sa caniyang

iniinom, cun ang ihi ay catulad n~g iniinom, at mainit ang pagcaramdam

nang may catauan, at nalalagnat-lagnat nang caonti, ay mabuti purgahin

nang bilin sa número 11, ó sa número 38 Magaling din cun minsan ang

painumin ang maysaquit nang tubig nang _apog sa cabebe_ número 79 na

pinagbabaran nang balat nang _camachiles,_ ó balat nang bayabas, ayon

sa turo ni Buchan. Maigui rito naman ang _dita_ número 14, timbang

tatlong bahagui arao-arao, na isinasama sa _alac_ at ipaiinom sa

maysaquit. Magaling sa caniya ang pagcain nang yuro, hipon at man~ga

talaba.

=CAPÍTULO 48.=

_Ang gamot sa hindi nananabi._

331. Masama sa saquit na ito ang paglocloc na parati, ang pagdaramit

nang marami, ang pagtahan sa hihig-an ang malauon, at ang pag-iisip na

parati nang man~ga maliliuag.

332. Ang hindi manabi para nang dati, ay magaling cumain nang lutong

bun~ga nan~g cahoy; bagay naman sa caniya ang _mantica,_ ang _pulot,_

ang azúcar, ang _suero,_ at ang gatas; cun itong man~ga bagay na ito

ay hindi macauala noong saquit na yao,i, magaling uminom ang maysaquit

nang caunting _ruibarbo,_ na macaitlo touing lingo. Maigui roon naman

ang tubig na dinoonan nang gata nang _cahel,_ na ualang _azúcar,_ na

yao,i, sa umagang umaga,i, iinumin; magalin din ang pagcain nang cahel

cun umaga. Ang tubig na pinaglagaan nang ugat nang _hagunoy_ ay mabuti

naman doon sa hindi manabi. Cun ang maysaquit nahihirapan nang

pananabi dahil sa matigas ang dumi ay magaling sumpitin nang tubig na

pinaglagaan nang _lantin_ (llantén) timbang piso.

=CAPÍTULO 49.=

_Ang gamot sa sinisin~gauan, ó sa namumula ang mata._

333. Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito ay ang han~ging malamig na

casama nang ulan, ang pagbasa, ang pagtin~gin nang malauon sa maputi,

ang pagcapuyat, ang pagsulat, ang pananahi, ang pagdurugtong nang

_abacá_ cun gab-i, ang biglang pag-urong nang pauis, ang pag-inom nang

_alac_ na marami, ang mahabang pag-ulan, ang calimitan nang pag-gaua

nang mahalay, at ang pagtahan sa man~ga mababang lupa. Cun minsan ay

sungmusunod yaong saquit sa bulutong at sa ticdas.

334. Ang nagcacasaquit nang gayon ay hindi macatin~gin sa liuanag; ang

mata ay masaquit na totoo at namumula; ang pulso ay madalas at

matigas, at cun minsan nalalagnat ang may catauan.

335. Ang maysaquit ilalagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing

nasa capítulo 5. Cailan~gan namang sangrahan, lalo pa cun magaling

ang catauan ó cun mayroong maraming dugo; cun ualang maraming dugo, ay

cailan~gang purgahin nang bilin sa número 24, ó sa número 32. Ang

iinumin niyang parati ay ang turo sa número 1 ó 2 Maigui ring bañusan

nang malacucong tubig hangan tuhod, at cun mahirap ang pagcaramdam

niya ay ahitin ang ulo touing lingo. Cun hindi rin nauauala ang saquit

nang mata, ay lag-yan ang maysaquit nang parapit número 36 sa batoc ó

sa licod nang tayin~ga, at pabayaang sumago nang ilang lingo. Cun ang

saquit nang mata ay malaqui, ay tapalan cun gabi nang tinapay na durog

at _gatas_ na pinatacan nang caunting lana, at cun umaga,i, hugasan

n~g gatas na malacucong tinubigan. Pagca nauala na ang saquit, cun

minsan ang mata ay hindi pa gungmagaling na totoo; cun gayo,i, maigui

hugasan cun umaga at cun gabi nang tubig na sinucaan. Ang tauong

malimit magcasaquit nang gayon, ay mabuti magfuente sa isa ó sa

dalauang camay. Ang isa pang gamot nang taga África sa man~ga

sarisaring saquit nang mata, ay tinatapalan cun gabi nang atay na

hilao nang sisiu.

=CAPÍTULO 50.=

_Ang gamot sa may colaba, ó sa, may bilig sa mata_

336. Cun mayroong tauong may colaba ó bilig sa mata, ang isang

capiraso na _azúcar piedra_ ay bayuhin mo nang maliit, at ibudbod mo

sa matang maminsan minsan; ó bumunot ca nang pacpac ó plumang mura

nang sisiu na maputi, at ang dugong nadoroon sa dulo nang pluma ay

iyong pigain at ilahid sa colaba nang mata. Maigui rin patacan ang

mata nang dagta nang dahon nang _pandacaqui._ Ang gata nang

aligban~gon ay mabuti naman doon. Itong láhat ay aral ni P. Clain;

datapoua hindi co na-aalaman cun macagagaling yaon. Dapat atohing

gauin ang píldoras número 57; ó cun ibig mo ay basain ang mata nang

alac sa misang pinagbabaran n~g cataua,t, dahon nang _argémone_, yaon

bagang damong itinuturo co sa párrafo 338.

=CAPÍTULO 51.=

_Ang gamot sa hindi macaquita, magaling man ang caniyang mata, na ang

tauag nang castila doo,i,_ gota serena.

337. Mayroong tauo, na cun tingnan ang caniyang mata, ay anaqui para

nang mata nang ibang tauo, datapoua,i, hindi siya macacaquita; cun

baga caya hindi siya macaquita, ay sapagca nalubay, ó ga namatay ang

cabagsican nang litid nang mata, ay ualang magauang gamot doon.

Datapoua cun dala nang masamang sin~gao nang catauan, ay cailan~gang

sangrahan muna ang may catauan cun maraming dugo siya, ó cun bata pa.

Bucod dito ay palonoquin ang maysaquit arao-arao nang dalaua ó tatlong

píldoras ó pelotilla na bilin sa numero 43; saca doonan nang parapit

número 36 sa batoc ó sa licod nang tayin~ga, na pababayaang sumago

doon nang malauong panahon, at cun minsan macacaquita na ang

maysaquit.

=CAPÍTULO 52.=

_Ang gamot sa may sugat sa suloc nang mata, ó sa liran._

338. Ang gagauin sa may sugat sa suloc nang mata ay ang man~ga turo sa

capítulo 49. Ang sugat nang mata ay maiguing lahiran nang tubig na

pinagtunauan nang laman nang bun~ga nang _aroma_ na linahucan nang

caunting asin. Mabuti rin doon ang sucang pinagbabaran nang caputol na

tanso, para nang man~ga cuartang malinis. Magui ring lahiran nang

dagta nang _argémone_ na yao,i, damong sungmisibol sa man~ga patio

nang simbahan nang Maalat pati sa Tondo; ang bulaclac noon ay

malaqui,t, madilao; ang catauan pati nang bun~ga sampon nang dahon ay

matinic; ang dagta noon ay madilao. Ito,i, turo ni Linneo.

[Design]

=CAPÍTULO 53.=

_Ang gamot sa masaquit ang tayin~ga._

339. Cun baga masaquit ang tayin~ga, ay mabuti patacan nang gata nang

_lasona,_ na may calahoc na gatas nang babayi; mabuti rin ang gata

nang _calabasa._ Cun baga caya lamang sungmasaquit ang tayin~ga,

sapagca nalamigan, ay magluto ca n~g isang _daga_ sa _alac,_ hangan sa

matunao, salain mo yaong alac, at maminsan-minsan mong patacan ang

tayin~gang masaquit noong ding alac na mainit-init, at mauauala ang

saquit.

340. Cun namamaga ang tayin~ga ay maglaga ca n~g balat nang granada sa

ihi nang tauo na may ilang arao na ang ihi, at yao,i, ibasa mo sa

tayin~ga at mamamatay ang man~ga ood, cun baga mayroon; cun ibig mo

ang gata nang _romerong_ binayo ay isa rin. Itong lahat ay uica ni

Clain. Datapoua mayroong isa pang gamot na totoong buti, na yao,i,

gayon. Magihao ca sa apoy nang isa ó dalauang dahon nang _sorosoro_ na

ang tauag sa Maynila doo,i, _lengua de perro,_ at ang gata noon iyong

isoot sa tayin~ga nang isang pacpac na munti nang sisiu. Yaon ay

gagauin mong macalaua ó macaitlo maghapon.

341. Cun hindi macarin~gig ang may catauan ay magaling doon sa

tayin~ga ang gata nang _coles_ na may casamang _alac_ sa misa. Maigui

rin sootan ang tayin~ga nang caunting bulac na ibinabad, sa alac na

pinagtunauan nang ga dalauang butil na _almizcle;_ bucod dito ang ulo

ay tatacpan nang paño, at masamang mahan~ginan. Ang uica ni P. Santa

Maria, ay totoong galing sa masaquit na tayin~ga ang patacan nang

_taba_ nang buaya, at cun minsan mauauala ang pagca bin~gi. Na-aari

rin ang taba nang baboy. Mabuti doon naman sa hindi macarin~gig ang

gata nang _yerbabuena_. Ang uica nang iba, ay magaling din ang gata

nang _ruda._

_Nota._ Cun minsan ang tayin~ga caya masaquit; ay may _erisipela_

(culebra) sa loob. Cun gayon ay gagamutin para nang turo sa capítulo

23.

=CAPÍTULO 54.=

_Ang gamot sa inuurun~gan nang pauis, galis, buni, ó cun nauauala ang

talagang bubucol, ó sisibol sa catauan; at hindi tungmutuloy._

342. Ang tauong binubuni, ó pinapauisan ó guinagalis na dati, na

biglang nauaual-an noong man~ga saquit na yaon, ó cun baga siya,i,

binubulutong ó tiniticdas, ó quinuculebra, ó cun tinutubuan nang

anomang masama, at hindi tungmoloy, cundi lungmulubog at napaiilalim,

cun minsan siya,i, maguiguing _ético,_ ó hihicain, ó daraanan caya

nang hindi macahin~ga, ó nang ibang saquit na masama. Cun ang may

catauan ay naghihirap dahil sapagca nauala yaong pinaca sin~gao nang

catauan; ay mabuti ang siya,i, magdamit nang maramirami ó magbalabal.

Saca uminom siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang

_alagao,_ na dinoroonan nang caunting _nitro, ó salitre,_ at macalaua

maghapon caniyang cacanin ang timbang cahati nang bilin sa número 42;

bucod dito ay magpupurga siyang parati. Cucuscusin nang tuyong damit

ang caniyang man~ga paa hangang tuhod, at babañusan naman cun umaga at

cun gab-i nang malacucong tubig. Ang caniyang iinuming parati ay ang

bilin sa número 71 ó ang sa 75. Houag siyang cumain, cundi gatas nang

_baca,_ ó cambing, ó _calabao._ Cun malubha ang maysaquit ay parapitan

sa batoc, ó sa guitna nang dalauang balicat, ó sa man~ga bias nang

man~ga camay, ó sa man~ga paa; saan man doon ay na-aari; cun baga

galis ang lungmubog ay maigui igaua nang capaanyoan ang maysaquit,

nang mangyaring siya,i, malalinan uli nang galis.

=CAPÍTULO 55.=

_Ang gamot sa namamaga ang boong catauan na ang tauag nang castila

doo,i,_ hidropesía.

343. Cun namamaga ang boong catauan nang tauo, ó hindi man ang boong

catauan, cun hinihipo nang camay ang laman ay malata at malamig; at

cun idiniriin nang daliri, ay bungmabaon sa laman ang daliri, at

nagcacahucay doon, na hindi nauauala pagcaraca; caya gayon ay sapagca

ang pinaca tubig na dating calahoc nang dugo, ay bungmubucod at

napapatahan sa ilalim nang balat nang catauan.

344. Ang unang namamaga ay ang paa at hita, at hungmahalili ang boong

catauan; sa bay-auang mayroong isang tila bucol; ang balat ay ga

maguintab, namumutla, at lungmalamig, at hindi lubhang nacacaramdam;

ang paghin~ga ay mahirap, at lalo pa cun gab-i, ó cun bagong nacacain;

ang maysaquit nag-uubo; hindi pinapauisan; ang pulso ay munti,

malalim, madalas at gulo; ang ihi ay hindi luto, at hindi rin marami;

ang inaiilaguin ay hindi rin luto, at may dugo pa cun minsan; ang

maysaquit ay mahina; nauuhao na parati, at hindi macacain; ang dila

cun minsan; ay tuyo. Cun malalauon-lauon, ay nalalagnat dahilan sa

tubig na nabubuloc sa man~ga laman, at pagca gayon ang caniyang

hinin~ga ang lauay at ang ihi ay mabaho. Maraming dahilan ang

iquinapagcacasaquit nang tauo noong gayong saquit. Cun minsan yaong

saquit ay minamana; cun minsan dala nang pag-inom nang alac na

matapang, ó dala nang pagpupurga ó pagsasangra nang totoong limit, ó

nang pag-inom nang tubig na malamig pag ang tauo,i, nainitan, ó

galing sa malaquing gaua; cun minsan dala nang pagtahan sa mababang

lugar ó nang pagcain nang man~ga ualang sustancia. Nagcacasaquit din

nang ganitong saquit ang matamaring cumibo, ang hinica, ang nan~giqui,

ang nag-ilaguin nang malacas, at ang inurun~gan nang galis, buni, ó

nang sa bouan bouan cun baga babayi. Caya ang pag-gamot doo,i,

maliuag; datapoua cun minsan ay gagaling ang maysaquit cun talaga

siyang gagaling capag sundin niya ang man~ga ituturo co n~gayon.

345. Ang maysaquit ay tatahan sa lugar na mainit at sa ualang maraming

ilog ó laua. Cun hindi na-aari sa caniya yaon ay maglagay siya nang

bagahan doon sa silid na tinatahanan niya ó magbago muna nang bayan;

mag-in~gat siya sa calamigan nang gab-i, ang caniyang cacanin ay

tinapay na matigas ó ihao sa baga; ang _carne_ at ang _isda_ na

caniyang cacanin ay ihao rin sa baga, at maigui sucaan, ó doonan nang

gata nang dayap. Ang maysaquit ay hindi sucat uminom nang tubig,

magmumumog siya lamang ó iinom nang caunti; magaling din ang _alac_ sa

misa na hindi maitim, na pinagbabaran nang ajenjos. Mabuti rin, ani

Buchan, ang pag-inom cun umaga,t, cun gab-i nang isang cucharang bot-o

nang _mostaza_ na hindi bayo na ihuhulog sa isang tazang tubig na

pinaglagaan nang _luya._ Bucod dito ang maysaquit ay lalacad na

parati, ó sasacay sa cabayo, maigui ring cuscusing parati ang caniyang

catauan nang basahang tuyo at mainit; ang damit na gagamitin nang

maysaquit ay ang tinina nang azul, na pasasayaring maigui sa catauan,

at masama ang louag.

346. Touing umaga paiinumin ang maysaquit nang isang cuchara nang

bilin sa número 72. Itong gamot na ito,i, itinutuloy hangang mauala

ang pamamaga nang catauan. Ang ungmiinom noon ay ungmiihi nang marami,

at yaon ang nacacauala nang pamamaga. Cun hindi ungmiihi nang marami

ang maysaquit, painumin man noong turo co n~gayon, ay damidamihan yaon

ding painom na bilin sa número 72; at cun baga ungmuunti-unti na ang

pamamaga, ay bigquisang maigui ang catauan, at painumin ang maysaquit

nang timbang dalauang piso nang bilin sa número 74, isang oras bago

cumain, cun tanghali at cun gab-i. Itong dalauang gamot na ito; ang

bilin baga sa número 72, at sa 74, ay itinutuloy, hangang sa gumaling

ang maysaquit.

347. Ang man~ga purga at man~ga papauis ay nacacagaling din sa

nagcacasaquit noong saquit na yaon. Datapoua sapagca cun minsan

nacacasama bagcus, caya magaling sa lahat ang man~ga itinuro co sa

man~ga párrafo 345 at sa 346. Maigui rin (ani Buchan) carlitan ang paa

nang maysaquit hangan sa binti, houag lamang palaliman ang carlit,

bago basain nang alac, ó aguardiente ang lugar na quinarlitan.

348. Mayroong isa pang pamamaga nang catauan, na hungmahalili sa

lagnat na pan~giqui na lauon; at ang bagay doon ay yaon ding man~ga

sinabi co sa párrafo 345 at sa 346. Cun ang paa lamang ang namamaga

susundin ang man~ga turo sa párrafo 352 at 353.

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit · 第 11 / 21 段