286. Cun hindi malaquing lugar nang catauan ang napaso, at hindi

naglintog, sucat na roon ang tapalan nang damit na babad sa malamig na

tubig; yao,i, gagauing parati. Cun mayroong dagta nang aroma, (goma de

aroma) ay lahucan nang pula nang itlog, at ilahid doon nang houag

maglintog. Ang madali at ang ualang liuag sa lahat na gamot, maglintog

man ang laman, ay ito. Ang isang itlog nang manuc ay hinahalong maigui

sa pingan; sinasamahan nang dalauang cucharang lan~gis na bago nang

niyog ó lana man; hinahalo pang magaling capoua, at itinatapal. N~guni

ang magaling sa lahat na gamot ay ang lan~gis nang _cacao,_ na gayon

ang pag-gaua. Ang isang gatang na cacao, iyong isan~gag, bago

dicdiquin mo nang maliit. Saca ihulog mo sa palioc na may tubig, at

ilagay mo sa mahinang apoy. Hahaluin mong parati nang patpat ang

cacao, at yaong lan~gis na lungmulutang sa ibabao nang tubig, iyong

ipunin nang isang pacpac nang manoc at ihulog mo sa taza. Ilapit mo sa

apoy ang taza nang maiga ang tubig na casama nang lan~gis, at pag

naiga na ang lan~gis na natitira ay itago mo sa garrafa. Itong lan~gis

nang cacao siya ang mabuting ilahid sa lugar na napaso, ó nabanlian

nang anomang mainit na tubig. Magaling din ang bumayo ca nang _uling_

nang langca, at doonan mo nang _lana_ bago itapal, at mauauala pati

pilat. Cun baga pólvora ang nacapaso, ay mabuti lahiran ang napaso

nang dugo nang manoc na munti, at saca tacpan nang damit; ang gatas

nang babayi ay maigui ring ibasa doong parati; ganoon din ang maputing

_gabi_ cun calusin, at samahan nang _lana,_ at itapal sa masaquit, ay

nacaguiguinhaua sa may catauan. Na-aari namang tapalan nang camatis

na hiniua, na pinapaltang maminsan-minsan, nang mahan~ginan ang lugar

na masaquit. Ang isa pang totoong buting itaquip sa gayong sugat, ay

yaong tila bulac nang bun~ga nang boboi.

287. Datapoua cun ang lugar na napaso ay malaqui, at ang pamamaga ay

totoong laqui naman, ang cailan~gang gauin (ani Tissot) ay sangrahan

ang maysaquit, minsan ó maquiilan yaon sa caniyang calagayan.

288. Ang maysaquit ay ilagay sa _husay_ (capítulo 4). Houag ipaiinom

sa caniya cundi ang bilin sa número 2 at 4; bucod dito ay susumpitin

arao-arao.

=CAPÍTULO 35.=

_Ang gamot sa tauong naguitguitan ó nagalusan, at sa nasugatan, pati

sa nahiua ó sa tinaga nang ibang tauo._

_Nota._ Ang mabuti sa nagalusang tauo,i, ang laman nang bun~ga nang

_boboy_ yaon bagang tila bulac, na itataquip na magaling doon sa

lugar na masaquit. Maigui rin ang abo nang papel sangley sa sinunog.

Gayon din ang gamot sa nagasgasan ó naguitguitan nang lubid ó nang

ibang bagay, na yao,i, _rozadura_ cun tauaguin nang castila.

289. Cun mayroong tauong sinugatan, ó tinaga ó inulos nang sundang, ó

cun siya,i, nahiua, cun baga ang sugat ay munti at hindi lubhang

maraming dugo ang lungmalabas, ay maghanda cang madali nang _hilas_

nang lienzong luma, at ilatag mo sa sugat at houag mong idiriing

lubha. Saca sa ibabao nang hilas ay doonan mo nang isang caputol na

lienzong babad sa lana, ó lan~gis na bago nang niyog, bigquisan mo

nang hindi louag at hindi maigting, at houag mong quiquibuin yaon sa

isang arao at isang gab-i. Saca cun tatatapin ang sugat, ay aalisin

ang hilas na hindi totoong naniniquit doon, sapagca ang hilas na

totoong cungmacapit sa sugat, ay hindi cailan~gang ugcain; doonan

lamang nang iba pang bago at sucat. Ito lamang gauang itong itinuro co

n~gayon ay nacabababao sa maraming sugat, at hindi nagnanana; at cun

baga nagnanana, ay tapalan nang caunting ungüentong madilao número 46.

Cun baga ang sugat ay totoong unti, ay siya na roon ang anlalaua;

n~guni cun malalim ang sugat at munti ang butas ay cailan~gang lac-han

nang caunti ang butas bago gamutin.

290. Cun ang sugat ay malaqui, caalamalam mamamaga muna, bago

magnacnac; ang maysaquit ay lalagnatin, at cun minsan ay tila

masisirasira ang bait. Ang magaling gauin pagca gayon ang lagay nang

nasugatan, ay ang hilas muna ang itapal sa sugat, at sa ibabao lag-yan

nang tinapay na durog na dinoroonan nang gatas at caunting _lana_ nang

houag maniquit ang tinapay, at yao,i, ang ilalagay sa ibabao nang

hilas bago bigquisan para nang dati; na-aari naman ang tinapay lamang

at ang tubig na ualang iba, datapoua cailan~gang paltan macaapat

maghapon.

291. Bucod dito ang may sugat, cun nalalagnat ay sasangrahan, cun baga

hindi linabasan nang maraming dugo ang sugat; saca ilagay _sa husay_

(capítulo 4), at susumpitin touing arao na ualang liban. Ang isa

namang cailan~gan sa ganoong maysaquit na ang sugat ay malaqui, ó cun

nadoroon sa masamang lugar (sa dibdib baga, sa tiyan, ó sa bay-auang,)

ay houag pacanin nang anoman, cundi tubig na pinaglagaan nang palay ó

basabasa; gayon din totoong sama sa nasugatan ang pag-gaua nang

mahalay, at caalamalam mamamatay.

292. Cun baga ang sugat ay nadoroon sa ulo, ay hindi magaling doon ang

lan~gis, ó _lana_ cundi ang hilas muna, at saca ang isang tapal n~g

_betonicang_ binayo (cabling), ó cun ualang cabling, ay ibabad sa

mainit na _alac_ sa misa ang lienzong idoroon sa ibabao nang hilas;

saca sundin ang bilin sa párrafo 291.

293. Cun mayroong naputol na ugat ca malaqui, at malacas lumahoy ang

dugo, ay maigui roon ang _agárico de roble_ número 67; at sapagca dito

sa Filipinas ualang _agárico,_ ay na-aari ang _colatcolat_ número 67,

yaon bagang tila cabuting matigas na sungmisibol sa man~ga cahoy, _sa

alibangbang_ baga; ang unang balat nang _colatcolat_ ay itinatapon,

ang ibang natitira ay babayuhin, ó bubugbuguin nang cahoy nang

lumambot, at yaon ang itinatapal sa sugat; saca doroonan sa ibabao

nang maraming hilas, at isang lienzo, at bibigquisan tuloy. Cun hindi

rin ungmaampat ang dugo, at ang sugat ay nadoroon sa camay ó paa, ay

cailan~gang bigquisan ang casangcapang nasactan sa itaas nang sugat

nang isang bigquis na ang lapad ay tatlong daliri man lamang, na

pinipitpit nang isang caputol na cahoy nang umigting; houag lamang

pacalulubhain, at maca mabuloc ang laman; maminsan-minsan ay lolouagan

ang bigquis.

294. Cun baga ang sugat ay nadoroon sa tiyan at hindi lungmalabas ang

bituca ay gagamutin ang may catauan para nang turo sa capítulong ito;

datapoua cun malalim ang sugat at ang bituca ay lungmalabas, uusisaing

maigui cun nabutas ang bituca, at cun baga nabutas, na caya na-aalaman

sapagca linalabasan nang dumi doon din sa butas, ay houag anomanahin

cun munti ang sugat; datapoua cun malaqui, ay tatahiin nang sangpouong

bilong _abaca_ na pinagquitan nang houag lumabas ang dumi, at ang dulo

nang itinahing _abaca,_ ay pababayaang lumauit sa labas nang tiyan

nang mahila cun malauon, at pagca siyang cusang sumunod sa camay nang

humihila. Bucod dito ang bituca ay cailan~gang hugasan muna at linisin

nang alac na pinaglagaan nang romero, bago ipasoc uli sa tiyan nang

marahan-dahan; saca tinatahi pati nang sugat nang tiyan para nang

sinabi cong una, at pagca yari na yaon, ay guinagamot ang sugat para

nang turo sa capítulong ito.

295. Yaong man~ga paraan nang pag-gamot sa man~ga sugat na sinaysay

co sa capítulong ito ay sucat na sa anomang sugat; datapoua mayroon

pang ibang man~ga bagay na magaling ding maalaman n~g m~ga mangagamot,

maca cailan~gang gamitin nila cun ualang iba. Ang romerong n~ginoya,

ay mabuti doon sa sugat; ang man~ga dahon nang _hagonoy_ ay totoong

buting bayuhin munang maigui, at patacan nang caonting _lana,_ ó

bagong lan~gis nang niyog; saca balutin sa dahon nang saguing; at

ibaon sa mainit na abo, bago itapal sa sugat at tuloy gagaling, cun

gauin mong macalaua, malaqui man ang sugat. Maigui rin ang ugat nang

_baliti_ na babayuhin bago itapal. Ang isa pa manding magaling, ay

gayon; ang isang caputol na cahoy nang _molauin_ ay iyong lagariin, at

ang quinain nang lagari iyong ibudbud doon sa sugat. Ang tuyong tai

nang cabayo ay maigui rin sa sugat, pag hindi malaqui.

=CAPÍTULO 36.=

_Ang gamot sa sugat na lauon, na hindi mabahao._

296. Ang m~ga sugat na lauon ay hindi sucat bahauin pagcaraca, ani

Tissot, sapagca marami ang namamatay nang biglang pagcamatay dahil

doon. Ang man~ga sugat na lauon ay gaua cun minsan nang palo, ó nang

bucol ó sibol na hindi guinamot n~g paanyo. Cun minsan naman dala n~g

_escorbuto_ ó dala nang pagcabuloc nang catauan. Cun ang escorbuto ó

ang ibang dahilan ang pinagmul-an n~g sugat na lauon ay cailan~gang

alisin muna yaong isang saquit bago gamutin ang sugat. Ang pagbahao

noong man~ga sugat na yaon ay hindi lubhang maliuag; datapoua houag

bauahin pagcaraca nang mangagamot, cundi paraanin muna sa ibang lugar

nang catauan nang maysaquit yaong masamang lungmalabas na parati sa

sugat Caya ang unang gagauin sa tauong may saquit na lauon, ay

purgahin touing icalauang lingo nang bilin sa número 21; itong

ganitong purga ay itutuloy nang malauon, at pag pinurga nang macaitlo

man lamang ang maysaquit, ay gamutin na ang sugat para n~g sasabihin

co n~gayon sa m~ga párrafong isusunod dito Ang lungmalabas sa man~ga

sugat ay hindi nana, cundi anaqui tubig na maputi-puti,

malabnao-labnao, at totoong baho na cun mapasayad sa ibang m~ga laman,

ay nagpapalintog cun minsan. Pag nabahao na ang sugat, ay itinutuloy

ang pagpurga sa may catauan na maminsan-minsan. Yaong tauong may sugat

na ibig madaling gumaling, ay cailan~gan ang houag siyang cumain nang

man~ga maalat, ó man~ga mahanghang, ó mainit ó maraming carne, at

houag tumiquim siya nang isda at alac. Cun ang sugat ay nadoroon sa

paa, ay masama sa may catauan ang lumacad na parati, ang magpahan~gin

ang yumapac sa basá, at ang mahan~ginan ang caniyang sugat. Ang isa

pang magaling na totoo sa may sugat na lauon, ay lag-yan nang fuente

sa paa, ó camay bago bahauin ang sugat.

297. Cun minsan ang man~ga tabi nang sugat ay totoong tigas na

cailan~gang hiuain muna, bago gamutin; datapoua cun hindi matigas ang

man~ga tabi nang sugat ay tapalan pagdaca nang bilin sa número 69, at

sa ibabao lag-yan nang ilang lienzong babad sa turo sa número 70 na

macaitlong papaltan touing arao; at sa número 69 ay macalaua lamang.

Datapoua cun minsan ay hindi cailan~gan itong ganitong gamot sapagca

maraming sugat na lauon ay nababahao cun pahigain ang maysaquit, at

latagan nang hilas ang sugat, at doonan pa sa ibabao nang hilas nang

isang tapal na tinapay na durog, bulaclac nang alagao at tubig. Bucod

dito touing guinagamot, ay cailan~gang linisin ang sugat at hugasang

maigui nang tubig na malacuco na pinaglagaan nang caunting romero, ó

nang dahon nang macabuhay ó lin~gangsina ó hagunoy; ito,i, gagauin

bago tapalan.

298. Cun hindi mo ibig gamitin ang bilin sa número 69, at sa número

70, ay na-aari ang man~ga sasabihin co n~gayon sa man~ga párrafong

isusunod co dito, na yao,i, pauang aral ni P. Clain.

299. Ang man~ga sugat na ang man~ga tabi ay matigas, ay mabuti tapalan

nang apog na sinubhan; saca linisin at hugasan nang tubig na

pinaglagaan nang romero, ó rosas, bago doonan uli nang apog. Ito,i,

paparatihing gagauin. Ang laman na lungmalabis sa man~ga tabi, cun

budburan nang polvos nang puno nang _coles_ na sinunog, ay mauauala

cun minsan. Itong dalauang gamot tila hindi magaling.

300. Doon sa man~ga masasamang sugat na lungmalapad at lungmalaqui; ay

maiguing itapal ang dahon nang _lanting_ na binayo. Nang mamatay ang

man~ga ood sa man~ga sugat, ay bumayo ca nang _payangpayang,_ samahan

mo nang apog at dahon sariua nang tabaco na pauang binabayo bago

itapal. Totoong galing naman sa man~ga gayong sugat ang hugasang

parati nang tubig na pinaglagaan nang hagunoy, bago tapalan n~g dahon

din nang hagunoy na binayo. Ang dahon nang tan~gantan~gan ó

lin~gangsina ay totoong galing sa gayong sugat; inilalaga muna ang

dahon, at yaon ang ihuhugas na parati sa sugat, bago tapalan noon ding

dahong binayo. Ang pinan~gan~ganlang _macabuhay,_ pag inilaga rin ang

dahon, at ang tubig ay ihugas na parati sa sugat, at saca tapalan

noong ding dahong binayo, ay na nacagagaling naman.

301. Cun baga nagsusugat ang punong catauan nang lalaqui ó babayi, ay

guinagamot muna ang may catauan para nang turo sa párrafo 296, bago

lahiran ang man~ga sugat nang _apdo_ nang bacang lalaqui. Maigui ring

tapalan nang dahon nang culit na babayuhin muna. Ito,i, turo ni P.

Clain. N~guni cun bago yaong man~ga sugat ay dala nang pag-gaua nang

mahalay ay cailan~gang tumanong sa marunong, nang siya,i, gamutin nang

ungüento nang mercurio núm. 28.

=CAPÍTULO 37.=

_Ang gamot sa linuluslusan, na ang tauag nang castila sa ganoong

saquit ay_ hernia ó quebradura.

302. Mayroong tauo, na pagca pan~ganac sa caniya ay linuluslusan na;

datapoua ang caramihan ay caya linuluslusan, ay gaua nang pagsigao

noong bata pa sila, ó dahil sa pag-uubo ó sa pagsuca. Cun matanda na

ang tauo, ang pagbuhat nang man~ga mabibigat ay yaon ang ugaling

pinangagalin~gan nang saquit na yaon. Ang lalaqui ay marahil luslusan

sa babayi.

303. Itong saquit ay bagay-bagay; datapoua ang aquin lamang sasaysayin

dito ay ang pagpanaog ó ang pagluslus nang bituca sa pinaca supot nang

bayag nang lalaqui, ó sa ilalim nang-punong catauan nang babayi. Cun

ang bituca, ó ang linoob nang catauan ay tungmatalon, at naparoroon sa

man~ga lugar na yaon; ang tauag sa nagcacasaquit nang gayon ay

_linuluslusan._

304. Sa alin mang tauong linuluslusan, bata man matanda man, ang

pag-gamot ay iisa rin. Datapoua ang man~ga bata ay madaling gamutin,

at bihira ang hindi gungmagaling, alagaan lamang nang tali, ó bigquis

yaong lugar na pinaroroonan nang bituca. Yaong tali ó bigquis na

inilalagay doon, ay mayroong sadhiyang pagcatabas, na hindi maliuag

isipin nang alin mang marunong dunong, sapagca ibinabagay sa lugar na

quinadoroonan nang saquit. Ang bigquis ay mayroong apat na dulo; ang

dalauang nangagaling sa licod, ay binubuhulan sa ilalim nang pusod; at

ang dalauang dulo nang tali na nagmumula sa harap ay ipinapatun~go sa

bay-auang, at doon tinatalian. Bucod dito sa guitna nang taling yao,i,

mayroong isang tila unang munti ó dalaua caya, na taga pagdiin nang

bituca nang houag macalabas uli. Datapoua bago ilagay ang tali doon,

ay cailan~gang pacausisaing maigui, cun mayroon pang natitirang bituca

sa labas, at cun baga hindi napasoot ang lahat sa loob, ay masamang

doonan nang tali ang maysaquit. Cun minsan ay hindi maipasoc ang

bituca, sapagca ang saquit ay lauon na, at maraming bituca ang

lungmalabas. Cun gayon ay cailan~gang igaua n~g capaanyoan ang

maysaquit at lag-yan din nang tali na ualang unan.

305. Nang mapasauli ang bituca nang batang linuluslusan, ay

pinahihiga muna nang patihaya; dinoroonan nang damit sa ilalim nang

pig-yi, nang tumaas. Pagca yari nito,i, cun baga hindi pungmapasoc na

cusa ang bituca, ay tinutulun~gan nang camay na marahan dahan, bago

lag-yan nang taling itinuro sa párrafo 304; hindi magcacasiya ang

isang tali lamang; cailan~gan ang dalaua; at bago ilagay ang ipapalit

sa maruming pinapaltan, ay cailan~gang tingnan cun nadoroon caya sa

loob ang lahat na bituca. Cun ibig mo, ay matatapalan ang bata nang

_lin~gangsina_ na idinadarang muna sa apoy nang madaling gumaling,

saca dinoroonan nang tali Cun baga matandang tauo ang linuluslusan,

cun bago pa ang saquit, ay hindi rin maliuag mauala; datapoua cun

lauon, ay hindi na ma-aari. Ang gagauin doon ay gayon: pinahihiga ang

maysaquit nang patihaya, pinatataas ang tuhod nang sumayad ang

talampacan nang paa doon sa hihig-an. Saca ipinapasoc sa loob ang

bitucang lungmalabas; itong pagpasoc nang bituca cun minsa,i, ualang

liuag; cun minsan ay hindi sungmusunod, cundi marunong humipo ang

mangagamot sapagca cailan~gang iriin nang camay na catulong ang man~ga

daliri, at pinipilit pumasoc sa loob ang man~ga bituca. Datapoua cun

mahirap ang calagayan nang maysaquit, at hindi sungmusunod ang bituca,

ay cailan~gang sangrahan muna ang may catauan. Saca susumpitin nang

tubig na pinaglagaan nang culutan na linalahucan nang isang cucharang

mantica at calahating cucharang asin; pagca sinumpit ang maysaquit, ay

tatapalan muna nang malauon-lauong oras, nang man~ga basahang babad sa

túbig na mainit, bago atuhin ang pagsasauli nang man~ga bituca.

306. Cun minsan ang bituca ay pungmapasoc na cusa, pag tinapalang

ilang arao ang maysaquit nang dahon nang tabacong sariua na ibinababad

sa mainit na alac. Magaling naman ang dumi nang baca, na pinatutuyo

tuyo muna sa cauali, at sabay pinapatacang parati nang caunting

lan~gis, bago itapal sa masaquit. Cun hindi rin pungmapasoc ang

bituca, ay sumpitin nang malauon ang maysaquit nang usoc nang tabaco

para nang turo sa párrafo 457, at siya ang lalong matapang na gamot

doon.

=CAPÍTULO 38.=

_Ang gagauin sa lungmalabas ang tumbong, at sa babaying lungmalabas

ang punong catauan._

307. Cun mayroong tauo, na lungmalabas ang caniyang tumbong ó pouit,

ay pinararapa muna at pinatataas ang pig-yi; saca ang mangagamot ay

babasain nang lana ang caniyang man~ga daliri, at ang tumbong ay

caniyang ipapasoc sa loob na marahan dahan; pagca napasaoli na sa

loob, ay tapalan nang basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang

balat nang _granada, ó duhat ó camachiles,_ bago talian nang isang

tali na may apat na dulo. Cun aayao ca noong ganoong paraan, ay

tapalan ang pouit nang incienso, sahing at polvos nang sinunog na

sun~gay nang usa, at papasoc ang tumbong. Maigui rin ang mag-ihao ca

sa apoy nang isang dahon ó palapa nang (maguimaguei) at pag malamig

na, itapal mo roon, gagaling ang maysaquit. Cun minsan ang paglabas

nang tumbong ay dala nang pag-iilaguin, na siya ang totoong

cailan~gang gamutin.

308. Cun lungmalabas ang punong catauan nang babayi, ay pahihigain

nang tihaya. Dinoroonan nang damit sa ilalim nang pig-yi nang tumaas;

binabasang parati nang mainit-init na alac ang caniyang punong

catauan; saca ipinapasoc nang camay sa loob na marahan dahan, bago

doonan nang tali na may apat na dulo. Magaling naman ang pinacadahon

n~g magui (maguei) na inihao muna; baga itapal doon para n~g turo sa

párrafo 307 na sinundan nito.

=CAPÍTULO 39.=

_Ang gagauin cun macati ang punong catauan nang lalagui ó nang babayi,

pati sa lalaqui, cun ungmuurong ang caniyang punong catauan, at sa

namamaga ang bayag ó ungmiihi nang nana._

309. Cun mayroong lalaqui na ungmuurong ang caniyang punong catauan,

ay painumin noong picatubig, na nangagaling sa saguing na

pinan~gan~ganlang _botohan_ bago bumun~ga. Na-aari rin ang tubig sa

saguing na pinan~gan~ganlang _abaca._ Gayon din ang ugat nang

pandacaquing itim, cun cayurin muna, at inumin ang quinayod sa

caunting alac sa misa ó tubig, ay magaling din. Cun ang punong catauan

nang lalaqui ó nang babayi ay mabuting basain nang basain nang tubig

na pinagbabaran nang caputol na san~ga nang _macabuhay_ na mapait, at

cun hindi nauauala ang saquit ay mabuti lonoquin nang may catauan ang

píldoras ó pelotillas nang talamponay ayon sa turo sa número 57.

_Nota._ Cun mayroong lalaquing ungmiihi nang nana ó cun namamaga ang

bayag, ang mabuti doo,i, painuming parati nang tubig na pinaglagaan

nang colotan. Magaling din ang magsumpit siya nang malimit, at

magpurga nang bilin sa número 23, na yao,i, gagauin touing lingo. Saca

iinumin niya ang bilin sa número 22, hangan sa siya,i, gumaling. Cun

baga caya ungmiihi nang nana ang maysaquit dahil sa siya,i, mayroong

bato sa pantog ay magaling uminom siya nang _café_ touing umaga; at

sundin ang man~ga turo sa capítulo 46. Ang pagcati nang punong catauan

pati nang pag-ihi nang nana, ay dala cun minsan ng pag-gaua nang

mahalay. Cun gayon ay cailan~gang tumanong sa marunong, nang gamutin

ang may catauan n~g paanyo, at nang pahiran ang caniyang paa nang

unggüento nang mercurio número 28, ayon sa uica co sa párrafo 301.

=CAPÍTULO 40.=

_Ang gagauin sa man~ga batang ipinan~gan~ganac na ualang butas ang

puit, ó may sara ang tain~ga ó ang punong catauan, ó cun mayroong

pinacatali sa ilalim nang dila._

310. Cun mayroong batang ipinan~gan~ganac at ualang butas ang pouit,

ay bubutasang marahan dahan nang isang lancetang matilos. Gayon din

ang gagauin cun hindi macaihi ang bata, lalaqui ma,t, babayi man,

dahil sapagca ualang butas. Ang batang babayi na may sara ang caniyang

punong catauan, ay binubutasan din nang lanceta, bago sootan doon sa

lugar na yaon nang isang caputol na tingang mabilog at maicli, na may

dalauang pinacatayin~ga, nang matalian sa bayauang nang bata; at houag

aalisin muna hangang di mabahao ang sugat at nang houag madaiti uli

ang m~ga tabi nang butas. Cun baga may sara ó nagdaraiti ang dalauang

pinacalabi nang punong catauan nang batang babayi, ay hinihiua rin

n~g lancetang matalim mula sa itaas hangang ilalim, bago doonan nang

caputol na tingang mabilog na may butas na patuloy sa guitna, at saca

tinalian sa bayauang para nang uica co nang una. Cun ang tayin~ga,i,

mayroon isang tila balat na nacatataquip doo,i, binubutasan din nang

lanceta, houag lamang palalimin ang paghiua.

Ang man~ga bata, na hindi macapag-uica nang malinao, sapagca doon sa

ilalim nang dila mayroong isang pinacatali, pagca gayon ay guinugupit

ang tali n~g gunting na munti. Datapoua houag puputulin ang m~ga ugat

na malalaqui, na nadoroon sa piling. Cun malacas lumahoy ang dugo, ay

pinapagmumumog ang bata nang tubig na sinucaan na dinoroonan nang

ilang butil na salitre, na cailan~gan ihanda muna. Maigui ring basain

ang lugar na linalabasan nang dugo nang caonting aguardiente, na ang

sa icatlong babagui ay suca. Maminsan-minsan ay pararaanan n~g isang

daliri ang ilalim nang dila nang houag magcapit uli yaong m~ga

guinupit. Itong lahat ay pauang aral ni D. Martín Martinez.

=CAPÍTULO 41.=

_Ang gagauin sa quiniquilmos na ang tauag nang castila sa gayong

saquit ay_ almorranas; _na yao,i, pamamaga nang puit nang tauo._

311. Doon sa pouit nang tauo, mayroong anaqui bucolbucol namumunti, na

cun minsan ay namamaga doon sa loob, na hindi naquiquita cundi sa oras

nang pananabi. Cun namamaga n~ga yaong man~ga casangcapan nang pouit

nang tauo, ang pan~galan sa pagcacasaquit nang gayon, ay _quilmosin._

Cun minsan naman mayroong lungmalabas na dugo na yao,i, touing bouan ó

touing icatlong lingo; itong paglabas nang dugo doon ay magaling sa

may catauan, at hindi sucat paual-in; sapagca hindi maca-aano sa

caniya. Ang lalaqui marahil quilmosin sa babayi.

312. Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito ay ang maraming dugo, ang

pamamanglao, ang malaquing pagtaba nang may catauan, ang pagsacay na

parati sa cabayo, at ang pagliban nang ugaling pananabi, ó cun ang

inaiilaguin nang may catauan ay matigas. Ang man~ga babaying buntis ay

marahil daanan nitong ganitong saquit.

313. Cun namamaga lamang ang pouit, at ualang dugong lungmabas at ang

may cataua,i, madilao dilao at caniyang muc-ha, at sala ang pananabi

niya, ay gagamutin para nang turo sa párrafo 437. Datapoua cun ang

saquit ay malaqui-laqui, at marugo ang may catauan, ay cailangang

sangrahan; paiinumin nang bilin sa número 1 ó 2; paiinumin din nang

bilin sa número 20, na macaapat maghapon, susumpitin nang tubig na

pinaglagaan nang culutan lamang; at houag damihan ang isusumpit. Ang

pouit na namamaga ay tatapalang parati nang biling sa número 9, ó nang

sa número 65. Magaling ding tapalang parati ang pouit na namamaga n~g

bulac na babad sa gata nang _niyog._ Ang dahon nang _romero,_ cun

ilaga muna sa alac sa misa at itapal doong mainit, ay nacaguiguinhaua

rin sa maysaquit. Mabuti ring tapalan nang dahon nang _talampunay_.

314. Sinabi co na sa párrafo 311, na cun minsan ang pouit ay

linalabasan nang dugo, na cundi marami, ay hindi macacaano sa

maysaquit. Datapoua cun napaparami ang dugo, ó totoong limit nang

paglabas, ay sundin ang turo sa párrafo 316.

=CAPÍTULO 42.=

_Ang gagauin sa binabalin~goyn~goy._

315. Mayroong tauong linalabasan n~g dugo sa ilong na yaon ang

pinan~gan~ganlang _binabalin~goyn~goy,_ at cun hindi maraming dugo ang

lungmalabas ay mabuting pabayaan; datapoua cun minsan pag talagang

tatahanan ang paglabas n~g dugo, ay dinaraanan nang pagcalio ang

maysaquit, at ang magaling doon cun gayon, ay ang suca na ipa-aamoy sa

caniya; cun minsan naman ang maysaquit ay lungmulubha pa mandin; ang

dugo,i, hindi tungmatahan nang paglabas; ang pulso,i, ay tila

nan~gin~ginig, namamatay ang color nang muc-ha at labi, at ibig sumuca

ang maysaquit. Pagca gayon ay cailan~gang ampatin ang dugo, para nang

sasabihin co n~gayon sa párrafong isusunod dito.

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit · 第 10 / 21 段