malauon n~g bicat; datapoua bihirang nangyayari yaon. Ang ibang man~ga
bagay na nabibilin sa ibang man~ga libro, ay hindi nacacauala noong
saquit na yaon. Cun bayuhin mo ang damo na pinan~gan~ganlang
_malatinta_ ó _tintatintahan_ ó _tinatinaan_ at itapal sa bicat, ay
mauauala. Yaong damong yaon ay guinagamit sa pag-gaua nang _alac_ sa
_bigas,_ nang tumapang ang _levadura_. Ang tapal ay papaltang macalaua
arao-arao. Ito,i, turo ni P. Santa Maria. Datapoua cun ang maysaquit
hindi gungmagaling, ay magpagamot siya sa marunong na médico.
_Ang gamot sa lungmalagui ang liig, na, ang tauag nang castila sa
gayong saquit ay_ papera.
261. Sa provincia nang Batan~gan doon sa man~ga bayang malayo sa
dagat, ay malimit itong saquit, nang pamamaga nang liig, at marahil
dumaan itong saquit sa man~ga babayi. Itong saquit ay hindi maliuag
gamutin cun bago; datapoua cun lauon ay hindi na maari.
262. Ang gagauin nang may ganitong saquit ay houag siyang cumain nang
marami cun gab-i; houag pumambo sa ilog na ang man~ga lunas ay
malalim; at ang man~ga ganoong tubig, sapagca hindi inaarauan ay
malamig, at cun sana sa bun~ga nang cahoy, ay man~ga hilao. Datapoua
cun ualang ibang mapambohan ay macacapambo rin doon ang tauo, houag
lamang tumahan doon nang malauong; sapagca ang pagtahan nang malauon
sa man~ga gayong tubig ay yaon ang pinagmul-an nang pamamaga nang
liig. Ang tubig nang man~ga ilog na hindi inaarauan ay masama namang
inumin; datapoua cun ualang ibang maigban, at capilitang iinumin ang
sa gayong ilog, ay mabuti doonan ang tubig nang caunting asin ga
calahating taza carami sa isang tapayan. Bucod dito ang liig ay
tatapalan nang dahon nang _tabaco_ at _macabuhay,_ na babayuhin muna;
itong tapal, ay hindi inaalis sa liig, cundi parating naroon arao at
gab-i; macalaua lamang maghapon inaalis, nang mapahiran ang pauis;
saca isinasaoli at dinoroonan nang bigquis na hindi louag hindi
maigting. Cun bago ang saquit, ay caalam-alam mauauala pagca gauin
yaon. Ang maysaquit ay papambo arao-arao, ó macalaua man lamang touing
lingo. Datapoua cun yaong gamot na yao,i, hindi nacauauala nang
saquit, pag guinaua sa dalaua ó tatlong bouan, ay pahiran ang liig
touing icapat na arao nang caunting ungüento nang _mercurio_ ayon sa
turo sa número 28. Saca tatacpan ang liig nang isang bigquis na hindi
louag hindi maigting. Cun baga naglilintog, ó sinisin~gauan ang lugar
na pinapahiran, itinatahan muna ang pagpapahid nang _mercurio._ Saca
pumambo nang malimit ang maysaquit, at pagca nauala na yaong man~ga
lintog, ay magpahid siya uli para nang dati. Ang liig na lungmalaqui,
at ang man~ga bucol na sungmisibol doon ay masamang hipoi,t, lamasin
nang camay, at lungmalaqui pa mandin. Mayroong isa pang pamamaga nang
liig sa taguiliran, na ang tauag doo,i, _bayiqui;_ ang gamot doo,i,
naituro co na sa párrafo 78.
_Ang gamot sa man~ga bucol na malambot na hindi masaquit, na
tinuturang_ lobanillos _nang castila._
263. Bucod doon sa man~ga bucol na sinabi co sa man~ga párrafong
natalicdan, ay mayroong isa pang bagay na hindi matigas para nang
man~ga _bicat,_ at hindi rin masaquit, na ang pan~galan nang castila
doo,i, _lobanillos._ Nagsisisibol sa ulo, sa man~ga camay, sa tuhod,
at sa ibang man~ga lugar nang catauan.
264. Ang gamot dito,i, gayon: ang isang malapad na tinga ay itapal
doon nang mahabang panahon. Magaling din ang ungüento nang hagunoy ó
lantin na bilin sa número 62 N~guni itong man~ga ganitong bucol hindi
nacacaano, at cun minsan masamang gamutin.
_Ang gamot sa butlig ó culugo sa uicang castila,i,_ berrugas; _at
ang gamot sa bosouang, na ang tauag nang castila doo,i,_ clavos.
265. Maraming bagay ang naigagamot sa butlig at sa bosouang. Ang
lalong magaling ay cayurin muna nang sundang ang culugo ó ang
busouang, at tapalan nang ungüentong bilin sa número 66, na arao arao
papalitan nang ibang bago. Cun baga matatalian ang butlig, ay maigui
talian sa puno nang isang buhoc ó sutla nang matuyo at malaglag.
=CAPÍTULO 29.=
_Ang gamot sa sinisin~gauan ang bibig, na ang tauag nang tagalog
doo,i, laso ó tola, ó daputac, sa uicang castila,i,_ aftas.
266. Ang pinan~gan~ganlang _aftas, _ay sin~gao nang bibig, na marahil
dumaan sa man~ga sangol; at ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit
nang gayon ay _dinarapulac, _ó _linalaso _ó _tinutula. _Yaong saquit
na yao,i, man~ga butil na mumunti, mapuputi, ó ga madilao dilao, na
naguiguing sugat na mabibilog, na sungmisibol sa loob nang bibig, sa
lalamunan at sa ilalim nang lalamunan; cun minsan naman ay tungmutuloy
at ungmaabot hangang sa _baga, _at sa man~ga _bituca _Dinaraanan naman
cun minsan noong saquit na yaon ang man~ga matatandang tauo.
267. Itong sin~gao sa bibig cun minsan di man gamutin, ay nauauala;
datapoua cun minsan ay nalalagnat, napupuyat at nananab-ang nang
pagcain ang nagcacasaquit nang gayon. Ang man~ga sangol ay
sungmisigao, at aayo sumuso dahil sila,i, nasasactan nang gatas cun
dungmaraan sa bibig.
268. Cun baga malaqui ang lagnat, pati nang pagsaquit nang bibig, at
mahirap ang paglon-oc ay sasangrahan sa camay ang maysaquit. Ang
ipacacain doo,i, ang linugao. Paiinumin naman nang malimit nang tubig
na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao,_ na dinoonan nang cauntin
_salitre,_ ga timbang saicapat sa sampuong tazang tubig Macaapat
maghapon, ay paiinumin nang bilin sa número 61, timbang calahating
saicaulo ang isang inom, na isasama sa isang cuchara noon ding tubig
na pinaglagaan nang alagao. Touing icatlong arao ay pupurgahin ang
maysaquit cun matanda nang bilin sa número 58; ó cun aayao siya noon,
ay ang sa número 63 siya ang ipupurga sa caniya. Bucod dito ang man~ga
sugat ay babasaing maminsan-minsan nang isang caputol na lienzong
ibinabad sa gata nang _siempreviva,_ ang lienzo ay tinatalian sa dulo
nang patpat. Magaling dito sa saquit na ito (ani P. Santa María) ang
tubig ó dagta na tungmutulo sa ouay na pinan~gan~ganlang _talula,_ na
yaon ang ibabasa doon sa man~ga sugat ó sa sin~gao nang bibig nang
man~ga bata, at bihira ang hindi gungmagaling. Cun minsan ang
iquinapagcacasaquit nang man~ga sangol nang gayong saquit ay ang gatas
nang nagpapasuso doon. Caya cailan~gang usisain cun yaon cayang
nagpapasuso ay guinagalis, ó binubuni, ó cun mabaho ang hinin~ga, ó
cun masama ang damdam nang caniyang sicmura; at uala man siyang saquit
ay mabuti painumin nang bilin sa número 2, ó nang tubig na dinoonan
nang caunting _suca_ ó gata nang dayap; ó nang man~ga cajelada ó
limonada número 33.
269. Cun baga hindi sangol cundi matanda na ang sinisin~gauan sa
bibig, ang pag-gamot doo,i, para nang pag-gamot sa man~ga sangol, na
itinuro co sa párrafo 268 na sinundan nito. Datapoua ang ipupurga doon
ay ang bilin sa número 23, at ang ipagmumumog ay ang bilin sa número
19.
270. Cun tila maitim yaong sungmisin~gao sa bibig, at yao,i, casama
nang ibang saquit, ó lagnat na malaqui, lalo na cun mahirap ang
pacaramdan nang may saquit na parating nagsisin-oc, at dungmoroal, at
hindi lumagay, ay painumin arao-arao nang timbang saicapat ó cahati
nang bilin sa número 14; at ang caniyang ipagmumumog ay ang turo sa
número 76. At pag nauala na ang sin~gao sa bibig, cun ang maysaquit
hindi nag-iilaguin nang malacas ay purgahin nang bilin sa número 23,
at painumin naman nang bilin sa número 12, ó sa número 13, at ito rin
ang caniyang ipagmumumog. Cun totoong hindi macalonoc ang maysaquit
dahilan sa sin~gao nang bibig, ay ang gatas na tinutubigan ay isama sa
ibinabaños, at sa isinusumpit sa caniya.
=CAPÍTULO 30.=
_Ang gagauin sa nahulog sa mataas ó sa_ _pinalo, ó sa naipit, ó sa
nahulog sa_ _cabayo ó sinicaran._
371. Ang man~ga pasa sa catauan gaua nang pagcahulog sa cabayo o sa
mataas na lugar, ó dahil sapagca ang may catauan ay pinalo, ó naipit,
ay yaong dugong nadoroon sa casangcapang nasactan, na na-bobobo,t,
napapacalat sa ilalim, sapagca napupunit ang pinaca alulod, ó ugat na
dinaraanang parati nang dugo, at yaon cun minsan ang biglang
pagcamatay nang may catauan. Caya marami ang biglang nan~gamatay
dahilan sa sila,i sinapoc sa sicmura, na yao,i, ang iquinaputoc nang
_pali_ sa loob.
272. Ang magaling sa man~ga pása ay ang man~ga basahang babad sa
_suca_, na dinoroonan nang dalauang gayong tubig na malacuco, cun baga
matapang ang _suca_. Cun mayroong sugat, ay hindi bagay doon ang suca,
cundi ang dahon nang _pandacaqui_, na babayuhin munang maigui bago
itapal doon. Magaling pa sa _pandacaqui_ ang dahon nang _hagunoy_ sa
binayo. Na-aari naman ang sa número 68. Masama sa ganoong saquit ang
_alac_, ang aguardiente at ang man~ga tapal na dinoroonan nang taba,
sapagca yaong man~ga yaon ay nacacalapot sa dugo. Ang maysaquit ay
paiinuming agad nang bilin sa número 1, na yao,i, magaling pa sa
_sapang_, atsa ibang datihan ipinaiinom nang mangagamot sa ganoong
saquit; datapoua cailan~gang lahucan nang _salitre,_ timbang saicapat
sa apat na taza. Itong ganitong painom ay itinutuloy hangang sa
gumaling ang maysaquit. Ang man~ga pasa ay hindi sucat hiuain, sapagca
cun gauin ang man~ga turo sa itaas, ay siyang cusang mauauala. Ang
maigui namang gauin nang tauong masipag mag-alaga sa caniyang catauan
ay gayon. Cun siya,i, pinalo, ó tinamaan nang bato, ó nahulugan nang
anomang mabig-at, ó sinicaran nang cabayo, at uala siyang magamit na
gamot doon sa oras na yaon, pagcaraca siya,i, umihi ang caniyang ihing
mainit ay ibabasa nang ibabasa sa lugar na nasactan; at cun minsan
pati saquit ay mauauala pagca guinauang tambing yaon.
273. Datapoua cun mahirap ang lagay nang maysaquit sapagca siya,i,
pinalo nang malacas ó malalim ang quinahulugan, at malaqui ang
tagupac, ó malaquing bato ang tungmama sa caniyang catauan, ó
sinicaran nang hayop nang malacas at dahil doon ay hindi nacaalam tauo
pagcaraca, ó siya,i, nalauon lauong tila patay, ó linabasan nang dugo
sa _ilong_, ó sa tain~ga, ang gagauin doon, ay sangrahang madali; ang
maysaquit ay masamang quibui,t, ugain, at mabububo pa mandin ang dugo,
at cun mabig-at ang caniyang ulo, ó siquip ang dibdib, ó cun namamaga
ang tiyan, ang cahulugan noon ay may nabubong dugo sa ulo sa dibdib ó
sa tiyan. Cun totoong cailan~gan ang pagsasangra, nang magyaring cunan
nang maraming dugo; saca gagauin ang man~ga bilin sa párrafo 272 na
sinundan nito; bucod dito magaling sumpitin arao-arao ang bilin sa
número 5 ó 6 Cun ang saquit ay nadoroon sa dibdib, ó sa tiyan, ó sa
bay-auang, ó sa ibang lagar na masama, ay houag pacanin ang maysaquit
nang anoman, cundi painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang
_palay,_ ó linugao lamang. Ang boong catauan nang maysaquit ay mabuti
doonan n~g damit na babad sa tubig na sinucaan; at cun baga ang saquit
ay nadoroon sa ulo, ay houag basain nang suca, cundi nang _alac_ sa
misa na tinubigan. Pag nacaraan ang ilang arao, ay magaling purgahin
ang maysaquit nang bilin sa número 11 ó 23, ó 32, ó 49. Cun minsan ang
maysaquit ay magaling-galing sa man~ga unang arao nang masangrahan.
Saca cun nacalalo ang ilang arao, ay sungmasama uli ang pagcaramdam,
at ang pulso,i, tungmitigas; cun gayo,i, cailan~gang sangrahang uli.
Cun ang nasactan ay tauong matanda na, cun siya,i, malacas pa, at
marugo, ay cailan~gang sangrahan, nang macunan n~g ga timbang tatlo, ó
apat na pisong dugo. Ang ipaiinom doo,i, ang bilin sa párrafo 272. Cun
ualang marunong sumangra, ay ipacagat sa linta ang piling nang lugar
na nasactan. Itong pagcuha nang dugo ay totoong capilitang gauin agad
dito sa saquit na ito; at pagca nacunan na nang dugo ang maysaquit, ay
caalam-alam totoong daling guminhaua ang caniyang pagcaramdam.
Maraming tauo ang sinibulan sa loob nang catauan, at nan~gamatay nang
biglang pagca matay dahil sa pinabayaan ang saquit, at hindi tambing
guinamot.
=CAPÍTULO 31.=
_Ang gamot sa masaquit ang camay ó paa, dahil sa narapilos ang may
catauan ó cun nagcasala ang caniyang pagdampot nang anoman, na ang
tauag nang castila doo,i,_ relajación ó recaldura; _at ang gamot naman
sa may lungmingsad na buto: ang tauag nang castila doo,i,_ dis
locación ó luxación.
_Nota._ Cun minsan dahil sa narapilos ang tauo, ó dahil sa siya,i,
nahulog, ó binatac ang caniyang paa ó camay, ay sungmasaquit yaong
man~ga casangcapang yaon; at caya gayon, sapagca napacabanat ó
napacaunat ang litid. Cun minsan namamaga naman ang casangcapang
nasactan. Ang gamot doon ay gayon. Ibababad pagdaca ang paa ó camay
na nasactan sa malamig na tubig. Saca cumuha ca nang dalauang puti
nang itlog (houag ang pula) at ihulog mo sa pingan ó planchang
_estaño._ N~gayon ang isang caputol na _tauas_ iyong icuscos nang
icuscos sa pingang _estaño_ na may puti nang itlog; pagca malapot na
ang puti nang itlog; ay yari na ang ungüento. Maglatag ca nang caunti
noon sa isang damit, at itapal mo sa masaquit, na yao,i, gagauin mong
macalaua maghapon. Itong mabuting gamot ay turo ni Rozier. Hindi
ma-aari ang pingang tinga, cundi ang _estaño_ yaon bagang inahihinang
sa _hojas de lata._ Caya magaling ang maghanda ca nang isang plancha
noon, at itago mo sa bahay.
274. Ang man~ga dulo nang buto nang tauo ay mabilog ó masubong na
sungmusoot, at pungmipihit sa hucay na mabilog din at malucong; at cun
ang mabilog na dulo nang buto, ay ungmaalis doon sa hucay na dating
quinasosootan, ang pan~galan sa ganoon ay lungmingsad ang buto. Cun
gayon ay cailan~gang isaoli agad ang buto doon sa caniyang lugar,
sapagca cun pinabayaan nang malauong panahon ay hindi na maisaoli, at
ang hucay na talagang pipihitan noon, ay nagcacalaman, at caya hindi
na maaring sumoot doon.
275. Pag nasaoli na ang buto sa caniyang lugar, ay cailan~gang
tapalang parati ang casangcapang nasactan cun namamaga pa nang damit
na babad sa tubig at _suca;_ at pagca nauala na ang pamamaga ay
samahan nang caunting _aguardiente._ Saca bibigquisang maigui, at
houag quiquibuin nang mahabang panahon. Na-aari rin ang _puti_ nang
_itlog_ at ang inciensong binayo na hinahalo capoua, at itinatapal sa
masaquit.
276. Bago isauli ang buto sa caniyang lugar cun baga lauon nang
lungmilingsad, ay namamaga yaong casan~gcapang nasactan, ay
sasangrahan ang maysaquit bago tapalan nang _tinapay_ na durog at
_suca,_ na ito,i, gagauing ilang arao, bago atuhin ang pagsasauli nang
buto sa caniyang lugar. Ang pag-gaua nito,i, hindi lubhang maliuag,
babayi man ang umato. Binabatac lamang nang dalaua catauo ang dalauang
casangcapang pagtatamaan, at saca ang isang tauo ay caniyang
pinatatama ang dulo nang buto sa caniyang susuutan; cun minsan ay
hindi cailan~gan ang tatlo catauo, at na-aari ang isa, cun maalam
alam humipo,t, tumin~gin. Cun baga hindi lamang lungmilingsad ang buto
cundi nabali pa, ay gagamutin muna ang pagcalingsad, bago gamutin ang
pagcabali. Ang gaua nang tagalog sa ganitong saquit ay ipinahihilot sa
marunong ang casangcapang lungmingsad; datapoua maliuag gumaling sa
ganoong paraan, cun yao,i, lungmingsad na totoo.
_Ang gagauin cun lungmingsad ang sihang._
277. Ang maysaquit ay pinalulucloc sa sahig nang bahay, at ang
gungmagamot sa caniya,i, lungmalagay na tindig sa licod nang
maysaquit; ipinapasoc sa bibig nang maysaquit sa ibabao nang bag-ang
ang dalauang hinlalaqui nang camay, at ang ibang man~ga daliri
inilalagay sa ilalim n~g sihang; pagca gayon na ang taya nang dalauang
camay nang gungmagamot, ay idiniriin ang sihang na pailalim, at sa
dacong licod n~g maysaquit, hangan sa sungmoot sa lugar niya. Saca
tapalan nang turo sa párrafo 275.
_Ang gagauin sa lungmilingsad ang cayang liig._
278. Cung lungmingsad ang liig nang tauo, ay mamamatay pagcaraca,
cundi gamuting madali; caya ang gagauin doo,i, pahihigain nang
patihaya sa sahig, at ang mangagamot ay lulucloc doon din sa sahig sa
ulunan nang maysaquit; saca hahauacan nang caniyang dalauang camay ang
ulo nang maysaquit, at pagcaraca caniyang babataquin, at pipihitin
nang caunti nang mangyaring tumama sa datihang quinasusuutan. Saca
tapalan nang bilin sa párrafo 275.
_Ang gagauin cun lungmingsad sa dacong quiliquili ang isang bias nang
camay,_
279. Cun minsan ang isang bias nang camay, yaon bagang buto na
nangagaling sa balicat na patuloy sa sico, ay ungmaalis doon sa dating
quinadoroonan. Ang gagauin cun gayon, ay tatalian ang camay sa ibabao
nang sico, at hihilahin nang dalaua catauo ang magcabilang dulo nang
tali; ang maysaquit ay pinalulucloc sa lupa, ó sa sahig nang bahay.
Saca ang gagamot doo,i, cucuha nang isang servilleta, ó paño man; na
pararaanin sa ilalim nang camay nang maysaquit, at ang dalauang dulo
nang paño ay bubuhulan. Ang gagamot sa maysaquit, ay isusuot ang
caniyang ulo hangan liig sa loob nang paño, at cun hungmihila yaong
dalaua catauo, ang mangagamot ay itinataas na magpilit ang caniyang
ulo; at cun gayo,i, madadala niya tuloy paitaas ang camay nang
maysaquit, at saca itinutulac niya nang camay ang dulo nang butong
lungmingsad, at pinatatama sa caniyang hucay sa dacong balicat. Cun
ang maysaquit ay bata ó babaying mahina, ang isa catauo lamang ay
macacapagpaanyo nang butong lungmingsad; hinihila lamang nang caniyang
isang camay yaong butong sala, at ipina-aanyo tuloy noong isang camay.
Magaling naman (ani D. Martín Martinez) palucluquin ang maysaquit sa
isang luclucang mababa, parang latoc sa halimbaua; pag-gayon na ang
taya nang maysaquit, ay tatalian sa ibabao nang _sico_ nang isang
malapad at matibay na tali yaong caniyang camay na sala sa isang
baytang nang isang hagdan; saca inaalis ang luclucan, at pag pinatalon
ang catauan nang maysaquit, ay magsasaoli ang buto sa caniyang lugar.
Saca tatapalan nang bilin sa párrafo 275.
_Ang gagauin pag lungmingsad ang camay sa sico, ó sa
galang-galan~gan, ó ang man~ga daliri nang camay, ó cun lungmingsad
ang paa doon sa tuhod._
280. Cun ang camay ay lungmilingsad at ungmaalis doon sa caniyang
quinasosootan sa sico ó sa galang-galan~gan, ó cun lungmilingsad ang
paa doon sa tuhod, ó cun nagcacasala ang man~ga daliri nang paa ó
camay, ang guinagaua doon, ay hinihila lamang, bago patamain sa lugar
ang butong nagcasala; saca tinatapalan nang bilin sa párrafo 275.
_Ang gagauin cun lungmingsad ang buto nang hita._
381 Cung ang buto nang hita ay lungmilingsad sa dacong pig-yi at ang
paglabas nang buto ay sa licod nang may catauan, ay ungmiicli ang paa,
at hungmaharap nang caunti sa loob; datapoua cun ang paglingsad nang
buto ay sa harap, ang paa ay hungmahaba, ang tuhod ay cungmiquiling,
at ang paa ay hungmaharap sa dacong labas.
282. Cun ang buto nang hita,i, lungmingsad sa licod nang may catauan,
ay cailan~gang parapain ang maysaquit, at talian ang hita sa dacong
ibabao nang tuhod nang isang malapad at matibay na tali. Saca
hihilahin ang man~ga tauong catulong sa magcabilang dulo nang tali, at
ang mangagamot ay caniyang patatamain ang dulo nang buto sa caniyang
lugar. Datapoua cun baga ang paglingsad nang buto nang hita ay sa
harap nang may catauan, ay pahigain nang patihaya ang maysaquit, saca
hihilahin nang malacas ang buto at isasaoli sa caniyang totoong
quinalalag-yan. Saca tapalan nang bilin sa párrafo 275.
=CAPÍTULO 32.=
_Ang gagauin sa tauo na may butong nabali, at sa nabasag ang ulo._
282. Cun mayroong tauong nabalian nang buto, cun baga may pagcalingsad
din ang buto, ay itong paglingsad ang gagamutin muna, para nang turo
sa capítulo 31, bago gamutin ang pagcabali nang buto; at ang gagauin
n~ga sa nabalian, ay gayon. Ang maysaquit ay ilagay _sa husay_
(capítulo 4); datapoua cun siya,i, bihasang cumain nang marami, ay
mapacacain din nang caunti Bucod dito ay cailan~gang sangrahan ang
maysaquit, at inuuling guinagaua quinabucasan ang pagsasangra, cun
baga malaqui ang lagnat. Ang nabalian nang malaquing buto ay
pinahihiga muna nang dalauang lingo lamang. Saca macababan~gon na
siya; datapoua caniyang dahandahanin ang pagban~gon. Ang casangcapang
nabalian ay hindi sucat ilagay nang patouid cundi balubaluctot nang
caunti. Magaling naman ang may lubid na natatali sa bubun~gan nang
silid nang maysaquit sa caniyang tapat, nang siya,i, cumapit sa lubid
cun ibig cumibo. Ang catreng quinahihig-an nang maysaquit ay binutasan
nang houag buman~gon cun mananabi.
284. Ang butong nabali ay hinuhusay, at ipina-aanyo nang isang
marunong humipo at tinutouid na magaling. Saca doroonan n~g dalauang
caputol na balat na cordobán man, ang isa sa ilalim at yaong isa sa
ibabao, na ibinababad muna sa tubig nang lumambot, bago talian nang
labingdalaua ó labing-ualong panaling maicli, na paraparang may caniya
nang buhol. Sa ilalim nang balat ay linalag-yan ang casangcapang
nasactan nang damit na babad sa tubig na sinucaan, at saca babasain
ding parati nang mahabang panahon noon ding tubig na sinucaan yaon
ding damit na yaon, hangan sa gumaling ang maysaquit. Cun gumaling na
ang maysaquit at ang buto,i, naghinang na, cun baga hindi rin nauauala
ang pagsaquit nang buto,i, tapalan nang inciensong binayo na lalahocan
nang puti nang itlog. Cun baga tadyang ang nabali, ang pag-gamot
doo,i, para nang sa ibang man~ga butong nababali; houag lamang
pahigain ang maysaquit; at cun ang ulo ang nabasag at ualang sugat, ay
gayon din ang pag-gamot, houag lamang basain nang suca, cundi nang
alac sa misa na tinubigan; basahin mo at sundin ang turo sa párrafo
273. Ang gaua nang tagalog pagca mayroong butong nabalian, ay
ipinahihilot sa marunong, datapoua yao,i, totoong sama, sapagca ang
butong talagang maghihinang na, nababali uli bagcus pag quiniquibo.
=CAPÍTULO 33.=
_Ang gamot sa natinic, ó nasubol ó sa tinamaan nang pana, ó nabaril._
285. Ang gagauin sa natinic, ó nasubol, ó sa tinamaan nang pana, ó sa
tauong nabaril ay gayon. Bubunutin pagcaraca, at hahan~guin sa
catauan ang tinic, ó ang tatal, ó ang pana, ó ang bala na nababaon sa
laman. Pag nabunot na yaon, ay tapalan ang casangcapang nasactan nang
basahang babad sa malacucong tubig. Datapoua cun malalim ang pagcabaon
nang tinic ó pana sa laman, at hindi mabunot, ó mabunot man ang iba ay
mayroon pang natitira doon, ay mabuting hiuain nang caunti, cun baga
hindi pa totoong namamaga ang casangcapang na nasactan, sapagca cun
malaqui ang pamamaga ay masamang hiuain; at ang gagauin cun hindi
mahiua, ay tatapat na parati sa sin~gao nang mainit na tubig ang lugar
na nasactan, saca tapalan nang tinapay na durog na may casamang
_gatas_ at lan~gis na bago nang niyog ó lana man; cun ualang tinapay
at gatas, ay na-aari ang ugat nang _dilao_ at ang lan~gis nang niyog
na babayuhin capoua, bago itapal doon. Cun ualang _dilao,_ ay
magagamit ang _romero._ Datapoua cun yaong lugar na napasucan nang
tinic ó tatal ay nagnanana, cailan~gang hiuaing madali at saca
gamuting para nang turo sa man~ga párrafo 253 at 254. Cun baga bala
ang nacasugat ay gagauin ito ring man~ga turo sa párrafong ito. Cun
baga ang nacasugat ay panang may camandag, ay painumin ang maysaquit
na madali nang pasuca nang _salag salag, ó pacupis (pepinillo de san
Gregorio)_ número 34 ó 35; ó pacanin nang bauang; ó cun ualang iba ay
na-aaring ipainom doon ang dumi nang tauo, na isasama sa caunting
tubig, nang sumuca. Saca hihiuain ang sugat; bubunutin ang pana cun
nadoroon, at huhugasan ang sugat nang tubig na may asin, at tacluban
nang ventosa Mabuti basahin mo ang capítulo 35.
=CAPÍTULO 34.=
_Ang gamot sa napaso nang baga ó pólvora, ó sa nabanlian nang anomang
mainit._