226. N~guni cun minsan ang saquit ay malaqui pa sa sinabi co n~gayon.

Ang may cataua,i, guiniguinao muna nang malaqui; sungmusunod sa guinao

ang isang malaquing init at ang saquit nang ulo, at hang gang di

lumitao ang _culebra_, ay parating ibig sumuca ang maysaquit. Pagca

sibol nang _culebra_ na yao,i, sa icalaua ó sa icatlong arao, ay

ungmuunti ang lagnat at hindi na ibig sumuca ang maysaquit. Datapoua

hindi nauaualang parati nang lagnat na munti, at nanab-ang siya nang

pagcain, hangang di tumahan ang paglaqui nang culebra. Cun ang

muc-ha,i sinisibulan noon, ay sungmasaquit ang ulo, namamaga ang

bubong nang mata, ang mata,i, piquit, at hindi mapalagay ang

maysaquit. Cun minsan ang saquit ay ungmaalis sa isang pisn~gi, at

lumilipat sa cabilang pisn~gi, at napapacalat sa noo, sa liig at sa

batoc; cun gayon ay malalauon ang saquit. Cun malaqui ang saquit, ay

parating mayroong lagnat; sira ang bait nang maysaquit, at cun hindi

paanyo ang pag-gamot doo,i, namamatay cun minsan, lalo pa cun matanda

ang may catauan. Ang pagsibol nang _culebra_ sa liig, cun minsan ay

pinagmumul-an nang garrotillo; cun sa paa sumibol ang boong paa ay

namamaga pati nang hita. Cun malaqui ang sungmisibol na _culebra_,

yaong casangcapang masaquit ay sinisibulan nang tila lintog, ó pantog

na munti, na puno nang tubig na malinao, na ang camuc-ha ay napaso

yaong lugar na yaon, at ang tauag nang tagalog dito,i, _culebrang

tubig_. Itong man~ga lintog ay nan~gatutuyo at nan~galalaglag na

parang calisquis; cun minsan yaong pinacatubig na nasisilid sa lintog,

ay malagquit, na dahil doo,i, nag-cacalan~gib na macapal ang

casangcapang nasactan. Ang calauonan nang culebra ay ualo, sangpuo, ó

labingdalauang arao; at cun nauauala na ay pinapauisan nang malaqui

ang maysaquit; itong pagpauis ay hindi dungmaraan cundi sa catapusan

nang saquit.

227. Ang culebra ay marahil magbago nang lugar. Cun sa utac nang ulo ó

sa dibdib mapatun~go ay namamatay agad ang maysaquit; at cun sa liig

maparoon, ay garrotillo ang icamamatay niya.

228. Ang pinacabutil ó lintog nang saquit na culebra, ay bihirang

nagnanana, at cun baga magnana ay maguiguing sugat.

229. Ang dahilan nitong saquit ay ang apdo, na napapasama sa dugo, na

hindi lungmalabas na para nang dati sa pagpauis nang tauo.

230. Cun ang saquit ay munti, para nang sinaysay co sa párrafo 225,

ilalagay lamang _sa husay_ (capítulo 4) ang maysaquit, at paiinoming

parati nang tubig na marami na pinaglaan nang bulaclac nang _alagao,_

na dinoonan, nang timbang isang salaping _salitre_ sa iinuming

maghapo,t, magdamag. Houag pacanin siya nang carne ó itlog; masama ang

alac doon; ang man~ga gulay at ang man~ga hinog na bun~ga nang cahoy

ay macacain niya. Ito,i, magaling gauin sapagca nag-iilaguin ang

maysaquit nang malimit-limit, dungmarami ang ihi, at ang pagtaib nang

catauan. Ang lugar na masaquit ay mabuting pasuin nang ilang paso nang

caunting papel sangley na linulon, ó nang laman nang bun~ga nang

boboy. Ito,i, gamot tagalog.

231. Datapoua cun malaquing saquit yaon, cun malaqui naman ang lagnat,

at ang pulso,i, malacas at matigas, ay cailan~gang sangrahan nang

caunti ang maysaquit, at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat ay

sasangrahang minsan pa, ó macalaua caya. Saca ilalagay sa _husay_

capítulo 4; at sinusumpit na parati hangang bumaba ang lagnat;

pinaiinom naman nang bilin sa número 3, at pag munti na ang lagnat ay

pinupurga ang quinuculebra nang bilin sa número 23, ó binibig-yan

touing umaga nang ilang inom na bilin sa número 24. Itong pagpurga ay

totoong cailan~gan sa quinuculebra, nang mangyaring macuha ang _apdo_,

na ungmiinit at naiipon sa catauan. Cun humaba ang saquit, at ang may

catauan ay nananab-ang nang pagcain, at ang bibig ay mapait, ay

cailan~gang painumin nang alinman doon sa dalauang painom na itinuturo

sa número 34 ó 35, cun baga munti na ang lagnat; sapagca itong man~ga

pasuca,i, lalo pang maigui sa purga doon sa gayong lagay nang

maysaquit. Datapoua cun ang culebra ay nadoroon sa ulo, ay magaling pa

sa pasuca ang purga. Bagay rin dito ang bañusang macalaua arao-arao

hangang tuhod na malahinin~gang tubig, cun ang saquit ay tungmatahan

sa ulo; at cun mahirap ang calagayan nang maysaquit, ay totoong buti

lag-yan nang parapit sa talampacan número 36. Cun baga nang mapurga ó

mapasuca na ang quinuculebra, ay hindi rin ungmuunti ang lagnat ay

painumin touing icalauang oras ó malimit sa rito, nang isang cuchara

nang bilin sa número 10. Cun talagang mauauala na ang saquit na

culebra, sapagca,t pinapauisan na ang may catauan, ay bibig-yan nang

tubig na may _salitre,_ na pinagbabaran nang bulaclac nang _alagao_

para nang turo co sa párrafo 230, na sinundan nito at ituloy itong

pag-inom sa ilang arao, nang siya,i, mapauisan pa mandin.

232. Yaong lugar nang catauan nang maysaquit, na sinisibulan nang

culebra, ay budburan nang _harinang_ isinan~gag sa cauali ó palioc;

maigui pa sa harina yaong tila bulac nang bun~ga nang boboy na siya

ang itinataquip doon; cun munti ang saquit ay siya na yaon. Datapoua

cun malaqui ang saquit, ang isang basahang babad sa malacucong tubig,

na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao; ay yaon ang totoong daling

nacacaguinhaua sa maysaquit. Magaling ding budburan nang color na

mapula, na guinagamit nang man~ga pintor; datapoua ang lalong madali

sa lahat, ay tudluquin nang carayom yaon man~ga lintog ó butil nang

_culebra_ sa dacong ilalim nang butil, at ang tubig na lungmalabas, ay

pahiran nang isang tuyong damit. Ang man~ga tapal na may taba ay hindi

sucat gamitin dito sa saquit na ito.

233. Cun ang culebra, ay ungmuurong at pungmapasoc sa loob nang ulo,

ó sa lalamunan, ó sa baga, ó sa loob nang catauan nang tauo, ay

cailan~gang sangrahan ang maysaquit; saca lalag-yan nang parapit sa

man~ga binti número 36; at parating paiinumin nang tubig na

pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao_, na dinoonan nang caonting

_salitre_ para nang turo sa párrafo 230.

=CAPÍTULO 24.=

_Ang saquit na galis na pinan~gan~galang_ sarna _nang castila._

234. Dito sa lupa nang Filipinas ay naquiquilala nang lahat na tauo

ang galis. Ang pinangagalin~gan nitong saquit na ito ay ang pagcain

nang man~ga cun ano-ano, ang pagcain namang parati nang man~ga

ma-aalat, pati nang bun~ga nang cahoy na hindi cahinugan, at ang

malibag na damit. Mayroon namang tauo, na caya guinagalis, ay siya,i,

nalalinan noon.

235. Ang gamot sa guinagalis ay gayon. Houag pacanin nang man~ga

ma-aalat at maasim, pati nang may taba, ó nang man~ga maiinit para

nang _pimienta, chile, clavo, luya, _etc. Painumin arao-arao nang

tubig na pinaglagaan nang bilin sa número 26, ga tatlong taza carami

maghapon. Sa icapat ó icalimang arao ay purgahin nang bilin sa número

21. Pag nacalalo ang pitong arao, ay pupurgahin uli, at bago pacanin

ang maysaquit cun umaga, at bago siya humiga nang gab-i ay papahiran

nang ungüentong bilin sa número 52 ang lugar na sinisibulan nang

galis. Touing icatlo ó icaapat na arao ay pinapahirang uli hangang sa

macaapat; at caalamalam pagca yari na ito ay mauauala ang galis;

datapoua cun baga ungmuuli ay capupurgahin pa ang guinagalis noon ding

bilin sa número 21, bago ituloy ang pagpapahid sa man~ga galis na para

nang dati. Ang damit nang maysaquit ay cailan~gang paltang parati nang

ibang malinis. Magaling sa saquit na ito ang pagpambo ó paliligong

parati sa man~ga ilog, at uminom nang café arao-arao.

236. Cun baga caya guinagalis ang tauo ay gaua nang siya,i, nalalinan

noong saquit na yaon, at ang galis ay bagong-bago pa, ay hindi

cailan~gang purgahin muna. Datapoua cun lauon nang panahong

pinabayaang hindi guinamot ang galis ay gagamutin para nang sabi co

sa itaas sa párrafo 235, na sinusundan nito.

237. Cun ualang mantica, ó cun ualang _sal amoniaco_ at dahil doon

hindi mo magaua ang ungüentong bilin sa número 52, na-aari ang turo sa

número 44. Tandaang magaling nang man~ga mangagamot na itong saquit na

galis ay hindi sucat gamutin pagcaraca cundi unahin ang purga, at saca

isunod doon ang ibang sinabi co sa párrafo 235.

=CAPÍTULO 25.=

_Ang saquit na buni sa uicang castila_ empeines ó herpes.

238. Ang tauong binubuni, cun ibig niyang mauala ang caniyang saquit

ay humambo siya muna arao-arao; saca siya,i, uminom touing arao nang

_cremor_ número 24 timbang saicapat na isasama sa tubig na pinaglagaan

nang chicoria (dilang usa); ó cun ang buni ay masama,t, malacas

lumaban sa gamot ang iinumin ay ang bilin sa número 71. Ito,i, gagauin

nang labingdalauang arao calauon. Saca ang maysaquit ay magsangra at

magpurga nang bilin sa número 21. Quinabucasan bago siya cumain, ó

bago humiga, ay pahiran ang ibang man~ga buni nang ungüentong bilin sa

número 45 ó 52. Dito sa saquit na ito,i, masama ang malibag na damit,

at ang di pagpambo nang malimit-limit. Hindi sucat pahirang minsanan

ang lahat na buni; at masama sa may catauan ang biglang mauala ang

caniyang saquit; caya mabuting pabayaang lumalo muna ang ualong arao

man lamang; at magpurga uli ang binubuni. Yaong buning masama ang

color, na lungmalaban sa gamot, ay maigui cayurin muna nang isang

caputol na pingang basag, ó nang isang cuchillo, bago cuscusin nang

bauang at aguio, na cucunin sa bubun~gan nang cusina; ito,i, gamot na

marahil gauin nang tagalog, at totoong buti.

=CAPÍTULO 26.=

_Ang gamot, sa mancha sa muc-ha at sa man~ga pilat._

239. Mayroong tauong nilalabasan nang man~ga mancha sa muc-ha, di man

siya nagcacasaquit, at nang mauala yao,i, basain ang muc-ha na

maquiilan maghapon nang _sucang_ matapang, na pinaglagaan nang ugat

nang _calabasang_ puti. Magaling namang lahiran nang gata nang

salagsalag ó _pacupis_ (pepinillo de San Gregorio) na binabayo muna,t,

pinipiga; at ang gata ay sinasamahan nang caonting _pulot_. Itong gata

nang salagsalag ó pacupis na may calahoc na pulot ay siya rin ang

iguinagamot sa man~ga pilat, nang houag magbalan~gan ang color nang

catauan. Ito,i, turo ni Clain. Datapoua,t, ang dahilan nang man~ga

mancha sa muc-ha ó sa catauan ay saquit na namamahay sa loob.

=CAPÍTULO 27.=

_Ang gagauin sa sinisibulan nang anomang bagay na sibol._

240. Bagaybagay ang sungmisibol na masama sa catauan nang tauo, sa

macatouid; ang _pigsa,_ ang _baga,_ ang _tiboc,_ ang _taguihauat,_ ang

_cancro,_ at ang iba pa na may canicaniyang pan~galan. Cun inaacalang

may sisibol sa catauan, agad agad ay pacacactan sa linta yaong lugar

na masaquit na namamaga na, ó palibot doon sa talagang sisibulan. Cun

ualang linta, ay na-aari ang cadlitan muna bago tanducan, ó tacluban

nang ventosa, na ito,i, hindi gagauing miminsan lamang, cundi

maquiilan. Pagca gayon ang gaua, yaong talagang sisibol ay hindi na

tungmutuloy cun minsan, at tumuloy man, ay gungmagaan ang saquit

dahilan sa pagcuha nang dugo. Pag nacunan nang dugo ang maysaquit, at

inaacalang masama ang sisibol, ay pupurgahin cun marumi ang dila nang

bilin sa número 21, at susumpitin arao-arao na ualang liban nang bilin

sa número 5. Bucod dito ay houag ipatiquim sa maysaquit ang sabao, ang

alac, ang man~ga mahanghang, ang carne, ang itlog, ang isda at ang

baboy. Ang caniyang cacanin lamang ay ang tinapay na durog, na isinama

sa tubig na mainit, ó linugao cun ibig niya. Ang caniyang iinuming

parati ay ang bilin sa número 2. Cun ang sibol ay nacaputoc na, ay

itinutuloy ring guinagaua itong lahat na turo co n~gayon, pati nang

pagcuha nang dugo na gagauin doong palibot sa sibol. Saca guinagamot

ang sibol para nang sasabihin co sa párrafong isusunod co dito. Cun

minsan ay cailan~gang sangrahan ang talagang sisibulan nang anomang

masama, at lalo pa cun nalalagnat ang may catauan, ó cun hindi siya

patuluguin noong masaquit, ó cun malaquing totoo ang pamamaga noong

lugar na sinisibulan. Datapoua cun minsan ang man~ga linta na

idinoroong palibot sa sibol ay siya na. Cun nacaputoc ang sibol, ay

houag nang sangrahan ang maysaquit.

_Ang gamot sa pigsa, sa uicang castila,i,_ divieso.

241. Ang pigsa,i, sibol na matigas na mapula pula, masaquit at mainit

na mayroong ugat na isa, at ga catulad nang isang bun~gang munti nang

piña.

242. Ang pigsa cun iisa lamang ay hindi lubhang macahihirap sa tauo,

at cun minsan siyang cusang nauauala pag nacaputoc. Datapoua cun

mahirap ang damdam nang pinipigsa, ó cun ang pigsa,i, marami susundin

muna ang bilin doon sa párrafo 240; at nang lumambot ang pigsa, ay

tatapalan nang tinapay na n~ginuya, ó nang tinapay na dinurog na

minasa sa caunting gatas nang anomang hayop. Cun ualang tinapay, ay

matatapalan ang pigsa nang pataning binayo. Pag nacaputoc na ang

pigsa, at ang pinacaugat ay nacuha na, ay nauauala ang saquit;

datapoua cun baga may natitira pang matigas doon sa sinisibulan nang

pigsa, ay tapalang uli nang tinapay na dinurog, na pinataca,t, minasa

sa gatas. Ito rin ang gamot sa sibol, na cun tauaguin nang tagalog ay

_pigsang daga._

_Ang gamot sa taguihauat, na cun turan nang castila ay_ carbunco.

243. Ang taguihauat ay isang bagay na sibol na matigas, mapula pula,

mainit, mahapdi at masaquit, na may ugat din para nang pigsa; datapoua

ang taguihauat mayroon sa ibabao na tila lan~gib, at ang pigsa,i,

ualang gayon.

244. Ang gagauin sa sinisibulan nang taguihauat ay ang turo sa párrafo

240. Saca cun macaputoc, ay tapalan nang isang cabiac na lasonang

inihao sa apoy, na mainit cun itapal. Ang uica naman ni Rivera, na ang

totoong galing sa sibol na yao,i, ang _palaca_ sa ilog, yaon bagang

palacang tungmatahan sa tubig na ungmaanod; saca pinipisa ang ulo, at

pinapatay, bago bia-quin at itapal sa sibol; touing icalauang oras ay

pinapaltan nang ibang palacang bago; at sa loob nang isang arao ay

gungmagaling ang maysaquit, at ang ugat nang sibol ay madadala tuloy

nang palaca. At cun mayroon pang natitirang ugat ay mag-ihao ca nang

isa ó dalauang palaca sa horno ó sa palioc; saca bayuhin mo at itapal

sa sibol, at mabababao.

_Nota._ Cun minsan pinan~gan~ganlan din nang tagalog na taguihauat ang

_cancro_ na sasaysain co n~gayon.

_Ang gamot sa_ escirro _at sa_ cancro, _na cun sumibol sa suso nang

babayi ay tinatauag nang castilang_ zaratán; _pati nang gagauin sa

nasisira ang caniyang ilong._

245. Ang escirro ay isang bagay na bucol, na matigas, na hindi rin

masaquit, na casin~g color at casing init nang ibang balat, na anaqui

hindi carugtong nang ibang laman, cundi tila nabubucod; datapoua cun

quibuin nang camay, hindi ungmuuga para nang man~ga _lobanillo._ Ang

escirro cun minsan ay sungmasama cun malauon, at naguiguing _cancro._

Caya naquiquilalang maguiguing cancro na ang escirro, sapagca

ungmiinit at cungmacati ang lugar na quinadoroonan nang bucol, na

dahil doo,i, ibig camutin nang maysaquit. Ang bucol ay lungmalaqui, at

nagbabago nang hichura, at bucod doon ay sungmasaquit na maminsan

minsan, at cun malauon ay parati na. Ang man~ga ugat na nadoroong

palibot sa escirro ay namamaga at nan~gin~gitim. Cun malapit nang

magsugat ang cancro, ay lalong masaquit; at cun nacapagsugat na ang

lumalabas doo,i, totoong baho; ang sugat ay gumagapang at cun minsan

mayroong ugat na na-aabot at lungmalabas ang dugo. Ang marahil sibulan

noon ay ang man~ga matabang tauo, at ang man~ga dalagang matanda. Cun

minsan dala nang capanglauan ó nang pagca galit nang may catauan, ó

nang pagcain nang maraming bauang ó man~ga bagay na maliuag matunao sa

sicmura.

246. Ang gamot sa _escirro,_ ay gayon. Gagauin pagcaraca ang man~ga

bilin sa párrafo 240; datapoua cun minsan ay masamang cunan nang dugo;

at cun baga hindi nauauala ang pamamaga, ay tapalan nang bilin sa

número 60. Ang maysaquit ay mabuti palonoquin arao-arao nang bilin sa

número 57. Cun ang _escirro_ ay sungmamá at naguing _cancro_ na,

magsugat man di man magsugat, ay yaon din ang gagauin, sa macatouid

ang tapal número 60, at ang bilin sa número 57. Ang sibol sa suso nang

babayi na ang pan~gala,i, _zaratán_ ay gagamutin para nang turo sa

párrafo 489.

_Nota_ 1. Ang tagalog na tauo ay marahil sibulan sa licod nang isang

bagay na sibol na ang pan~galan nila doo,i, _cancro ó grano maldito._

Sa aquing acala yaon ay hindi totoong cancro; at ang gamot doo,i, ang

bilin sa párrafo 240. Nacabubunot sa gayong sibol (ani P. Clain) ang

pinacatalbos nang _maguei_ (maguí) na babayuhin munang maigui bago

itapal. Magaling din sa gayong sugat (ani P. Santa María) ang dahon

nang _tan~gantan~gan ó lin~gangsina_ (higuerilla del infierno) na

babayuhin muna bago itapal sa sibol. Pagca nacaputoc na ang sibol ay

hinuhugasan at linilinisan ang sugat nang gata nang _lantin._ Ang uica

nang iba, na totoong magaling na gamot sa gayong sibol ang ugat nang

_calaboa,_ na binabayo muna,t, pinapatacang sabay nang caunting

lan~gis nang niyog at siya ang itinatapal doon.

_Nota_ 2. Pag nagsusugat at nasisira ang ilong nang tauo, cun minsan

gagaling siya pag ininom nang mahabang panahon ang bilin sa número 57.

Datapoua,t, magpupurga naman siya nang malimit-limit bilin sa número

21.

_Ang gamot sa tiboc, na cun turan nang castila,i,_ panadizo, ó

panarizo.

247. Ang tinatauag nang tagalog na tiboc ay sungmisibol sa man~ga dulo

nang daliri, at totoong sungmasaquit. Itong ganitong sibol ay hindi

sucat hamaquing pabayaan, sapagca cun minsan ay nabubuloc at nasisira

pati nang buto nang daliri, cundi gamutin pagcaraca. Cun minsan ay

namamaga ang boong camay hangang itaas.

248. Ang gagauin sa sinisibulan nang gayon, ay ang man~ga bilin sa

párrafo 240. Cun malaqui ang lagnat pati nang pamamaga nang camay, ay

sangrahan ang maysaquit minsan ó maquiilan, ayon sa calaquihan nang

caniyang saquit; at sapagca itong sibol ay masama, ay cailan~gang

ibabad nang ibabad na pagcaraca sa tubig na mainit (houag sa malacuco

lamang) ang daliring sungmasaquit; at pagca guinaua itong pagbababad

na ito sa unang arao nang pagsaquit nang daliri, ay cun minsan hindi

na tungmutuloy ang sibol cundi nauauala. Gayon din mabuti itapat na

parati ang casangcapang masaquit sa sin~gao nang cungmuculong tubig

Magaling ding tapalan nang bulaclac nang _camantigui_ na babayuhin

muna na may caunting _asin_. Datapoua cun hindi guinamot na tambing

nang gayon, at tungmutuloy ang sibol, ay babasaing parati ang daliri

nang _gatas_ na pinaglagaan nang bulaclac nang culutan, ó tapalan nang

tinapay na durog na linahucan nang gatas; ang totoong buti doon naman

ay ang _levadura_ nang trigo, nang madaling magnana ang sibol. N~guni

itong man~ga ganitong tapal ay hindi dapat ilagay, cundi maualauala

muna ang pamamaga nang sibol, at cun talagang magnanana na.

249. Cun inaacalang may nana na ang sibol, ay hiuain pagcaraca, at

houag palauonin doon ang nana; saca guinagamot ang daliri nang

ungüentong bilin sa número 66. Cun minsan ang man~ga casangcapang

sinisibulan nang tiboc, ay linalabasan nang laman, na lungmalaqui,t,

lungmalabis sa rati; at itong labis na laman ay mauauala cun budburan

mo nang caunting _tauas_ na sinunog. Cun baga nabubuloc ang buto ang

daliring sinibulan nang tiboc, ay maiguing hiuain ang laman nang

maraming hiua sa lugar na naquiquilalang nabubuloc, at basaing parati

nang tubig na pinaglagaan nang _dita (quina)_ na sinasamahan nang

_espíritu de azufre,_ na bibilhin sa Maynila, na yaon din ang turo sa

número 10, na ualang calahoc anoman; ang maysaquit ay paiinumin din

nang _dita_ número 14, timbang saicapat touing icalauang oras. Cun

hindi rin nauauala ang pagcabuloc nang daliri, ay ipaputol sa marunong

ang casangcapang nasasactan, pag naquiquitang tungmahan na ang

pagcabuloc, at hindi na lungmalaqui, sapagca masamang putulin hangang

may nabubuloc pa.

_Ang gamot sa baga, na cun turan nang castila,i,_ apostema.

250. Ang pinan~gan~ganlang _baga_ nang tagalog ay isang sibol na

mapula pula cun bago, masaquit, mainit at ga tungmitiboc. Ang butas

cun pumutoc ay isa, cun minsan; cun minsan ay marami.

251. Ang gagauin agad sa sinisibulan nang baga, ay ang lahat na bilin

sa párrafo 240. Saca gagauin ang man~ga turo sa número 248, na yaon

din ang iguinagamot sa tiboc.

252. Datapoua cun ang sibol, ay nagnanana na, ay hindi cailan~gang

tapalan nang man~ga dahon nang man~ga damo, cundi ang magaling doo,i,

hiuain agad ayon sa sasabihin co n~gayon sa párrafong isusunod dito.

253. Cun ang baga,i, may nana, na caya naalamang may nana, sapagca cun

hipuin ang sibol, ay ga nag-aalon-alon ang nana sa ilalim, at

gungmagala doon sa loob, at hindi masaquit na para nang dati ang

sibol, cun ganoon ang gagauin, ay hihiuain ang sibol sa dacong ilalim

nang macaanod ang nana; at houag tumahan doon; datapoua cun minsan ay

siyang cusang pumuputoc pag natapalan nang man~ga bilin sa itaas sa

párrafo 248. Pag nacaputoc na ang sibol, ay masamang palabasing

minsanan ang maraming totoong nana, at ang maysaquit ay manghihinang

totoo, maliliyo, at mamamatay tuloy cun minsan. Ang calaquihan nang

hiua,i, ibinabagay sa calaquihan nang baga, at masama naman ang

totoong unting hiua maca magtago sa ilalim ang nana, at mababahao ang

sibol, na hindi maiguing pagcabahao, at cun gayon ay isa pang

cailan~gang hiuain, cun malauon-lauon.

254. Ang butas nang sibol, ay doroonan nang _micha_ nang hilas, na

gayon ang pag-gaua. Ang isang caputol na munti nang _lienzong_ luma

ay naninitnit, at ang pinagnitnitan ay guinagauang parang cigarillong

munti, na yao,i, ang tinuturang _micha;_ ang micha,i, ibinababad sa

_pulot poquiotan,_ ó cun ualang pulot, na sa pula nang itlog; bago

isoot sa butas nang sibol. Ang ibabao nang sibol ay tapalan nang isang

lienzong malaqui pa sa sibol, na may dalaua ó tatlong suson. Ang sibol

ay minsan lamang gamutin arao-arao, at touing gagamutin ay papaltan

ang micha nang ibang bago, at susumpitin ang butas nang sibol nang

tubig na pinaglagaan nang dahon nang _hagonoy, at macabuhay:_ ang

isusumpit sa sibol ay sumpit na cauayan, cun ualang iba. Cun baga may

roon pang naquiquitang matigas doon sa baga, na hindi pa lungmalambot,

ay tapalan nang man~ga nacacalambot, na yao,i, ang gatas at ang iba,

na itinuro co sa párrafo 248.

255. Cun malinis na at munti ang butas nang sibol, ay bahaui,t,

papagcalan~gibin tuloy nang hilas nang lienzo na idoroon sa butas.

256. Maalaman nang man~ga mangagamot, na bucod dito sa man~ga itinuro

co n~gayon ay mayroon pang ibang man~ga bagay na maigagamot sa saquit

na ito; at ang magaling sa lahat ay ang ungüento nang _hagunoy,_ ó

ang sa _lantin_ (llantén) para nang turo sa número 62. Cun ang sa

_lantin_ ang gagauin ay pinipili ang may malapad na dahon, at limang

litid, na doon naquiquita sa tangcay pag nalagot. Alin man doon sa

dalauang ungüentong yaon, ay nagagamit sa sinisibulan nang baga, na

mula sa bagong pagsibol hangang sa mabahao. Datapoua lalong mabuti sa

man~ga ungüentong ito ang sundin ang man~ga itinuro co dito sa

capítulong ito.

357. Cun ang baga,i, nadoroon sa loob nang catauan doon sa

pinan~gan~ganlang _baga,_ ay gagauin ang man~ga bilin sa capítulo 6

nitong librong ito.

=CAPÍTULO 28.=

_Ang gamot sa bicat sa uicang castila,i,_ lamparónes ó escrófulas.

258. Ang pinan~gan~ganlang _bicat_ ay sungmisibol sa liig ó sa

quiliquili; cun minsan hindi doon lamang, cundi sa dibdib at sa lahat

na casucasuan nang catauan nang tauo. Cun minsan namamaga ang isang

labi nang bibig at ang ilong. Itong man~ga bucol na pinan~gan~ganlang

_bicat,_ ay matigas, hindi mainit, hindi masaquit, at tila louag doon

sa quinadoroonan, sapagca cun ugain n~g daliri ay ga sungmusunod. Cun

ang binibicat ay bata, ay hindi maliuag gamutin; datapoua cun matanda

ay malauon bago mauala ang bicat.

259. Ang gamot sa may _bicat_ ay gayon; ang maysaquit ay pupurgahin

macalaua touing bouan n~g bilin sa número 21. Datapoua cun minsan

nacacasama ang purga. Papambo siyang parati sa tubig na hindi totoong

lamig, at houag doon sa m~ga ilog na may malalim na lunas, na dahil

doo,i, hindi inaarauan ang tubig. Cacain siyang parati nang

_dalandang_ hinog; lalacad siya arao-arao, ó sasacay sa cabayo; houag

cumain siya nang marami cun gab-i. Cun babayi ang maysaquit, ay houag

magsaquit humabi, ó manahi, ó magdugtong nang _abaca,_ at totoong sama

yaon. Houag namang cumain ang maysaquit nang isda, at masama sa

ganitong saquit. Cun siya,i, malapit sa dagat ay uminom touing umaga

nang isang vasong tubig sa dagat din, na yao,i, isang pinacapurga; at

cun malayo siya sa dagat, ang tubig na dinoonan nang asin ay na-aari.

Houag siyang cacain nang man~ga cun anoano. Magaling naman sa saquit

na _bicat_ ang pag-inom nang tubig na cun bumucal sa lupa ay mainit

na, para nang sa bayan nang _Los Baños._ Magaling naman ang pagpambo

doon sa tubig na yaon.

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit · 第 8 / 21 段