196. Ang gagauin sa ganitong saquit, ay ang idirito cong isusulat

n~gayon. Ang maysaquit _ilalagay agad sa husay_ (capítulo 4); at husay

man ang caniyang ugaling pananabi, ó nag-iilaguin man siyang cusa nang

malacas-lacas, ay susumpitin arao-arao na ualang liban. Ang caniyang

iinuming parati ay ang limonada número 33, ó ang bilin sa número 3.

Na-aari naman ang tubig na dinoroonan nang azucar at suca. Cun baga

ang pulso,i, malacas at matigas, at bucod dito cun ang maysaquit ay

malacas naman, ay masasangrahan hangang macalaua, at lalo pa cun

siya,i, nainitan ayon sa sabi co sa parrafo 184. Datapoua cun hindi

matigas ang pulso, ay hindi sucat sangrahan, at macacasama sa caniya

yaon. Pagca ang maysaquit pinaiinom na parati sa loob nang dalauang

arao nitong man~ga turo co n~gayon; cun baga ang bibig ay mapait pa,

at ibig niyang sumuca, ay paiinumin nang bilin sa número 34. Itong

polvos na ito,i, hindi sucat inuming minsanan, at totoong tapang yaong

pasucang yaon. Pag ang maysaquit ay sungmusuca na, ay paiinumin agad

nang maraming malacucong tubig nang houag siyang mahirapan niyong

pagsucang yaon. Datapoua cun hindi mangyaring maquita nang médico

itong bilin sa número 34, painumin ang maysaquit nang biling sa número

35 na siya ang totoong bagay sa tagalog dito sa saquit na ito; ang

iguio isinasama sa isang tazang tubig na malacuco, na minsanang

inumin; at pagcasuca na nang maysaquit, ay binibig-yang parati nang

tubig na malacuco, nang siya,i, macasuca nang maloualhati. Itong

man~ga pasuca ay hindi sucat ibigay sa maysaquit, cun matigas ang

pulso, ó cun hindi ungmuunti unti ang lagnat, ó cun yayat na totoo ang

maysaquit. At nang maalaman nang mangagamot, cun cailan mapapasuca ang

maysaquit, ó cun cailan hindi sucat pasucahin, basahin niya muna ang

capítulo 88, nang houag magcunpapaano ang caniyang pag-gamot sa tauo.

Cun minsan mabibig-yan pagcaraca nang pasuca ang maysaquit, cun

totoong mapait ang caniyang bibig, at cun ibig niyang sumucang parati

nang macuha agad sa sicmura yaong man~ga maruruming bagay na naroroon.

Cun tumahan na ang pagsuca, ay bibig-yan uli ang maysaquit nang bilin

sa número 3, ó nang limonada, ó nang tubig na sinucaan na may azucar

din para nang uica co can~gina dito rin sa párrafong ito. Houag

bibigyan nang sabao ang maysaquit, at masama. Saca itutuloy ang

pag-gamot doon para nang sa man~ga unang arao; at touing umaga ay

paiinumin ang maysaquit nang bilin sa número 32 ó nang sa icapat na

bahagui lamang nang bilin sa número 35, cun baga maliuag hanapin ang

sa número 32; datapoua cun malaqui ang lagnat, ay lalong magaling ang

sa número 32. Itong purga, caya itinutuloy guinagana arao-arao,

sapagca ang dahilan noon _lagnat_ na _buloc,_ ay ang nan~garoroong

marumi sa sicmura,t, bituca, na cailan~gang palabasin. Cun baga hindi

rin nauauala ang calaquihan nang lagnat, ang tiyan ay namamaga nang

caonti, at hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, touing icalauang

oras ay painumin nang isang cuchara nang bilin sa número 10; at cun

malaqui ang saquit ay oras oras paiinumin. Itong gamot na ito,i,

nagpapababang madali nang lagnat. Datapoua cun hindi pa mandin

ungmuunti ang lagnat, cun masaquit ang ulo at malinao ó hindi lumagay

ang maysaquit, ay pararapitan siya sa man~ga binti ayon sa turo sa

número 36, at pabayaan doon nang malauon ang parapit; at cun ang

lagnat ay malaquing totoo, ay houag pacanin nang anoman ang maysaquit.

Cun baga hindi sucat painumin nang pasuca ang maysaquit, ay big-yan

cun umaga nang bilin sa número 24, timbang tatlong bahagui, na uubusin

sa tatlong inom, na ang pag-itan nang isa,t, isa, ay isang oras.

Quinabucasan nang umaga ay gayon din ang ipaiinom sa caniya. Pagca

magaling-galing na ang maysaquit, ay mayroong oras na hindi na siya

nalalagnat ay itinutuloy ang bilin sa número 3, at touing arao

pinaiinom nang bilin sa número 24 timbang cahati ang isang inom.

Ito,i, nacacauala nang masamang bacas nang saquit. Cun magaling na sa

rati ang maysaquit, at pinurga na siya at malinis ang dila, datapoua

nalalagnat pa siya minsan arao-arao nang ilang oras lamang calauon, ay

paiinumin agad pag umunti ang lagnat, nang timbang isang salapi nang

bilin sa número 14, sa apat na inom, na yao,i, itutuloy gagauin nang

ilang arao. Cun ang maysaquit hindi na nalalagnat ay houag siyang

cacaing mahabang arao nang _carne_ ó _isda_, dahil sapagca hindi

macacayanan pa nang caniyang sicmura; at saca siya,i, magpilit

lumacad.

=CAPÍTULO 21.=

_Ang lagnat na sucab, na ang tauag nang castila doo,i,_ maligna, _na

siya naman ang icatlong bagay na tabardillo._

197. Ang lagnat na _sucab,_ caya ganoon ang pan~galan, ay sapagca

malaqui ang pan~ganib nang maysaquit, at saca cun tingnan, ay anaqui

munti ang caniyang saquit.

198. Caya naquiquilala itong lagnat na masama, sapagca ang maysaquit

ay pagcaraca,i, mahina at malata na, gaua nang malaquing pagcabuloc

nang man~ga bagay na iquinahuhusay nang cagalin~gan nang catauan nang

tauo.

199. Ang pagcain nang carne ó isdang buloc, ang pagcain naman nang

maraming carne, ang hindi pagcain nang man~ga gulay, ó bun~ga nang

cahoy, ó nang man~ga maasim, ang pagtahan sa piling nang man~ga laua,

cun ang tubig ay tahan, ang pagtahan sa bahay na siquip, na may

maraming tauo, ang caruc-haan, ang capanglauan at ang casam-an nang

panahon, ay yaon ang pinagmumul-an nitong saquit, ó _lagnat na sucab._

200. Ang nalalagnat nitong masamang lagnat pagdaca,i, nanghihinang

totoo, doon man sa man~ga unang arao nang caniyang pagcacasaquit, na

hindi maisipan ang dahilan nang caniyang biglang panghihina; pati loob

niya,i, hapay, na hindi inaanomana niya yaon man caniyang saquit. Ang

mucha,i, totoong daling nag-iiba, at ang mata,i, lalo pa,

naghahalihalili ang init at ang guinao; cun minsan ay masaquit ang ulo

at bay-auang, at cun minsa,i, hindi; cun bagong nagcacasaquit ang

tauo,i, cun minsan naliliyo, na ito,i, masama. Hindi siya nacacatulog

nang mahimbing, at cun minsan tila naghihilim; ga sira-sira ang bait

nang maysaquit, at anaqui nan~gan~garap ó nag-uiuicang parati, at ang

caniyang pag-uiuica ay anas. Naquiquilala sa muc-ha nang maysaquit na

siya,i, ga naguiguicla, at ga nalilibang ang caniyang loob; mayroong

namang iba na ang canilang daying, ay mayroon silang mabig-at sa

dibdib, ó anaqui siquip ang canilang puso; ang muc-ha, ang camay, at

ang paa cungmiquinal cun minsan ó ga nanglulucso ang laman; mayroong

iba, na hindi macapag-uica, hindi macarin~gig, at hindi macaquita. Ang

voces ay nag-iiba ó nauauala. Cun minsan mayroong masaquit sa tiyan,

at ito,i, masama, at caalamalam ang bituca,i, nabubuloc. Ang dila cun

minsan ay magaling, cun minsa,i, madilao na maitim. Ang tiyan cun

minsan ay malambot; cun minsan nauunat. Ang pulso,i, mahina,t, madalas

sa rati. Ang balat ay linalabasan nang man~ga manchang tila morado,

lalo pa sa liig, sa man~ga balicat at sa licod; cun minsan ang mancha

ay anaqui pasa, na gaua nang palo. Ang ihi hindi luto, at cun minsan

ang color noon, ay maputi. Ang inaiilaguin nang maysaquit ay totoong

baho at tila maitim-itim, na ito,i, masamang totoo, cun hindi rin

gungmiguinhaua ang maysaquit niyong pag-iilaguing yaon. Cun minsan ang

color noon, ay susugat, na ang color ay morado. Cun minsan naman

binubuculan ang sin~git, ang quiliquili, ó ang dacong tayin~ga. Ang

maysaquit ay nanghihina pa mandin; ang bait niya,i, nagugulo; tihayá

ang caniyang lagay; at namamatay na may pauis na malaqui. Cun minsan

ang iquinamamatay niya,i, ang siya,i, binabalin~goyn~goy nang malacas.

Dito sa lagnat na ito,i, touing hapon mayroong paglaqui, para nang sa

ibang lagnat.

201. Ang pagcamatay nang man~ga nagcacasaquit nitong ganitong lagnat

na _sucab_, ay sa icapito, ó icaualong arao, datapoua lalo pang

marami ang namamatay, na nacalalalo sa lima ó anim na lingo. Caya

gayon, sapagca iba at iba ang calacasa,t, cabagsican nang saquit.

Mayroon cun minsang tauo, na sa man~ga unang arao nang caniyang

pacacasaquit, bahag-ya na naniniuala ang may catauan na siya,i,

maysaquit.

202. Sucat umasa ang maysaquit na siya,i, gagaling, pagca ang caniyang

pulso ay lungmalacas sa rati, cun ang loob ay tungmatapang-tapang, at

ang color nang ihi ay nagsasauli na sa ugali; cun ang ulo ay

malinao-linao, cun may pauis na mainit, na hindi nacacahirap sa

caniya, ó cun nauauala ang pamamaga nang tiyan, at bucod dito ang

pulso hindi na madalas tumiboc. Ang nagcacasaquit nang gayo,i, malauon

bago lumacas na para nang dati.

203. Dito sa saquit na ito, ay cailan~gang totoo ang magaling na

han~gin. Caya n~ga doon sa quinadoroonang silid nang maysaquit ay

cailan~gang magsunog na mamisan-minsan nang _suca_, at ang isang

don~gauang parating bucas. Anomang ipaiinom ó ipacacain sa maysaquit

ay lalahucan nang maasim. Ang maysaquit ay mapapainom nang tubig na

linag-yan nang gata nang _acedera (tayin~gang daga ó alibambang);_

ang linugao ay doroonan nang ilang capatac nang gata nang _dayap;_ ang

bun~ga nang _sapinit_ na hinog, ang dayap, at ang _dalandan,_ ay

macacain nang maysaquit. Ang damit nang hihigan touing icalauang arao

ay papaltan nang ibang damit na malinis at tuyo.

204. Sa nan~gagcacasaquit nang ganitong saquit ay bihirang-bihira ang

cailan~gang sangrahan. Gayon din ang pagsumpit, ay hindi rin

cailan~gan sa saquit na ito; bagcus macacasama cun minsan. Ang iinumin

parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang _cebada ó

palay,_ na ang anim na vaso ay dinoroonan nang timbang cahati nang

bilin sa número 10. Na-aari namang ipainom na parati sa maysaquit cun

ualang iba ang limonada. Saca painumin nang bilin sa número 35; ito,i,

cailan~gang totoo na gauin agad, cun bagong nagcasaquit ang tauo;

datapoua cun hindi guinauang tambing, at ang maysaquit ay

malacas-lacas pa, at bucod dito ang pulso,i, hindi matigas, ay

mapapainom pa noong pasucang yaon, nacalalo man ang dalauang puong

arao nang caniyang pagcacasaquit. Marahil cailan~gang ipainom sa

maysaquit hindi miminsan lamang cundi maquiilan ang saicapat na

bahagui noon ding bilin sa número 35; at saca cun dahil sa pag-inom

noong pasucang yaon, ay nacuha na ang caramihang bagay na marumi na

iquinalalagnat niya, ay paiinumin touing icatlong arao, ó cun minsan

arao-arao nang bilin sa número 38. Itong gamot na ito,i,

nacacapagpalabas nang man~ga maruruming bagay na nan~gabuloc sa loob

nang catauan, pati nang bulati na marahil sumipot sa saquit na ito ay

yaon cun minsan ang dahilan nang man~ga inaasal nang maysaquit. Cun

baga ang balat nang maysaquit ay tuyo dahilan sa calimitan nang

pag-iilaguin, ang ipaiinom doon hindi ruibarbo, cundi ang bilin sa

número 39 timbang saicaualong mahiguit. Ang gamot sa número 38 at 39

(ang cailan~gan nang maysaquit doon sa dalaua) iniinom cun umaga, at

pag nacalalo ang dalauang oras, paiinumin ang maysaquit nang bilin sa

número 40, na ito,i, gagauin touing icatlong oras, bago gauin namang

uli cun umaga yaon ding bilin sa número 38 ó 39; saca itutuloy gagauin

pa ang sa número 40, hangan sa gumaling-galing ang maysaquit. Cun ang

maysaquit ay mahinang-mahina, ang bilin sa número 40 samahan nang

bilin sa número 41. Magaling ding painumin maminsan-minsan ang

maysaquit nang alac sa Misa. Cun malacas ang pag-iilaguin nang

maysaquit ang isang pelotilla nang bilin sa número 41, ay samahang

minsang ó macalaua maghapon nang _triaca,_ ga tatlong butil nang maiz

carami. Cun baga hindi rin lungmalacas ang maysaquit, cundi tila hindi

nacacaramdam, ay capilitang doonan nang parapit sa man~ga binti ó sa

batoc número 36; pag natuyo ang man~ga parapit, ay pinapaltan nang

ibang bago. Ang man~ga parapit iniiuan doon nang mahabang arao.

205. Cun ang maysaquit ay magaling-galing na, sapagca mayroong oras na

siya,i, hinihibasan na nang lagnat, agad-agad ay paiinumin doon sa

oras na yaon nang bilin sa número 14, timbang cahati ó isang salapi;

quinabucasan ay babacayan din ang oras nang pagca uala nang lagnat, at

capapaiinumin pa noon ding bilin sa número 14. Saca itinutuloy rin sa

ilang arao; datapoua ang iinumin lamang nang maysaquit ay timbang

cahati. Cun hindi na nalalagnat ang maysaquit, ay _ilalagay siya sa

husay nang man~ga maysaquit na magaling galing na,_ capítulo 5; at

cundi siya lumacas, ay pacacanin nang timbang cahati nang bilin sa

número 42; at cun lauon nang nacacain ang maysaquit, ay pacacaning uli

noon ding bilin sa número 42, timbang cahati rin. Datapoua lalo pang

magaling sa bilin sa número 42 ang bilin sa número 14, na iinumin niya

cun umaga, timbang saicapat ó cahati.

206. Ang nalalagnat nang ganitong lagnat, cun minsan ay dinoroonan sa

noo nang man~ga sisiu, calapati, ó ibang hayop na biniac, sapagca ang

isip nang man~ga mangagamot, na nacucuha at nadadala niyong man~ga

hayop na yaon ang pinacacamandag nang saquit; datapoua masamang gauin

ito, sapagca nacacahirap at nacacalubha bagcus sa maysaquit.

_Nota._ Cun minsan itong lagnat na _sucab_ sungmasama sa bulutong, sa

tigdas, pati sa ibang man~ga saquit; cun gayo,i, pan~ganib na buhay

nang maysaquit.

=CAPÍTULO 22.=

_Ang saquit na pan~giqui, na nagmamacalauang arao na pinan~gan~galan

nang castilang_ tercianas; _at ang nagmamacaitlong arao na

pinan~gan~ganlan nang castilang_ cuartanas.

207. Itong saquit na pan~giqui ay marahil dumaan doon sa man~ga baybay

nang dagat, ó ilog na malaqui, ó doon sa may man~ga tubig na tahan na

hindi ungmaanod. Cun minsan itong saquit ay dala nang pagcain nang

bun~ga nang cahoy na hindi pa hinog, ó dala nang lamig nang gabi.

208. Bagaybagay ang pan~giqui. Mayroong maysaquit na nan~gin~giqui

arao-arao, na ang lagnat sa isang arao ay malaqui, at ang sa

quinabucasan ay munti-munti; ang tauag nang castila dito,i, _terciana

doble,_ mayroong nan~gin~giquing touing icalauang arao; na yaon ang

pinan~gan~ganlan nang castila _tercianas;_ mayroon namang ibang

pan~giqui na ang pagdaa,i, touing icatlong arao, na ang pag-itan ay

dalauang arao, na cun turan nang castila ay _cuartanas._ Mayroong iba,

na sungmisipot touing icalimang arao, ó sa icapito; datapoua

bihirang-bihira naman yaon gayon.

209. Ang lalagnatin nitong lagnat na ganito, ay natatamlay muna,

hungmihicab, at saca nan~gin~giqui. Namumutla ang man~ga dulo nang

camay at paa: ibig niyang sumuca ó sungmusuca n~ga cun minsan. Ang

pulso ay madalas, mahina,t, munti. Malaqui ang pagcauhao nang

lalagnatin. Pagca nacaraan ang isa, ó dalauang oras, ó tatlo, ó apat

caya, ang guinao ay sinusundan nang lagnat na malaqui. Ang boong

cataua,i, naiinitan; lungmalacas, at lungmalaqui naman totoo pati at

nauuhao pa mandin ang maysaquit; ang ulo niya ay masaquit na totoo

pati nang caniyang man~ga catauan. Pagca yaong lagnat na yao,i,

nalauong ga apat, ó lima, ó anim na oras, ang maysaquit ay pinapauisan

tuloy sa boong catauan, gungmagaling ang pagcaramdam niya, nacacatulog

siya, at pagcaguising ay uala nang lagnat, napapagod siya lamang. Ang

ihi nang maysaquit sa catapusan nang lagnat, ay mapulapula, na

nagcacalatac na tila ladrillong binayo; cun minsan ang ihi anaqui

mayroong bula sa ibabao, ó balat na manipis.

210. Ang pag-uli nang lagnat sa icalaua, ó sa icatlong arao, cun

minsan ay hindi doon sa datihang oras cundi maaga sa roon ó huli caya.

211. Mayroong isa pang cailan~gang tandaan nang man~ga mangagamot, na

mayroong pan~giqui na sa man~ga unang arao, tila hindi pan~giqui,

cundi anaqui ang lagnat na pinan~gan~galang _buloc,_ na sinaysay co na

sa capítulo 20, at cun malauong ilang arao, yaong lagnat na tila

_buloc,_ ay ungmuuli sa pan~giqui, na ang pagdaan ay touing icatlong

arao, at ang pag-itan isang arao. Ang gayong lagnat ay mangyayaring

gamutin para nang lagnat na _buloc;_ datapoua sa párrafo 218 isusulat

co ang totoong bagay na gamot sa lagnat na ito.

212. Ang pan~gin~giqui na nagmamacaitlong arao (na dalauang arao ang

pag-itan) ay malacas lumaban sa man~ga gamot sa roon sa

nagmamacalauang arao ang pagcalagnat.

213. Ang nan~gin~giqui hindi ma-aano, cun macailan lamang lagnatin;

datapoua cun nalauon ang pan~giqui, ay totoong sama; at hungmihina ang

catauan, nagugulo ang sicmura, at cun minsan yaon ang pinagmumulan

nang _ictericia, hidropesía, hica,_ ó nang lagnat na lauon.

214. Ang gamot sa nan~gin~giqui ay ang pinan~gan~ganlang _quina,_ na

yao,i, balat nang cahoy. Dito sa Filipinas na-aari ang balat nang

_dita,_ sapagca isa rin ang cabagsican nito,t, noon, baga man hindi

quina ang dita. Basahin mo ang número 14 sa dacong catapusan nitong

libro.

215. Cun hindi malaqui ang pan~giqui, at hindi rin totoong nahihirapan

ang maysaquit at siya,i, nacacacain, at nacacatulog, ang gagauin

doo,i, ilalagay lamang sa husay nang maysaquit na magaling-galing

capítulo 5, at siya na yaon.

216. N~guni cun baga nalagnat na ang maysaquit nang macaanim ó

macapito, at ungmuuli rin ang lagnat, at hindi siyang cusang nauauala,

ay magaling sa lahat ang pasuca sa bilin sa número 35, at saca

quinabucasan ay painumin nang bilin sa número 14, na caniyang uubusin,

bago abutin nang oras nang caniyang pagcalagnat. Ang catapusang

bahagui nang _dita_ ay iinuming dalauang oras lamang, bago sumipot ang

lagnat. Pagca ininom nang maysaquit ang quina (dita) ay lagnatin man

siya di man lagnatin, ay paiinuming uli nang ganoong caraming _dita_

sa arao na pag-itan nang lagnat; at yaon ang totoong icauauala nang

lagnat. Saca itinutuloy ang pag-inom nang _dita_ sa anim na arao, ga

calahati lamang ang timbang nang sinabi co n~gayon; at ito,i, caniyang

iinumin doon sa man~ga oras na yaon na na-aalamang siya,i, malalagnat

disin.

217. Cun ang lagnat ay malaquing totoo pati nang saquit nang ulo; cun

ang muc-ha,i, mapula, at ang pulso,i, matigas at puno, at bucod dito

nag-uubo ang maysaquit, ó cun ang pulso ay matigas din nang mauauala

ang lagnat, at ang dila,i, tuyo, ay cailan~gang sangrahan ang

maysaquit, at paiinumin nang marami noong bilin sa número 3. Pagca

guinamot nang gayon ang maysaquit, ay ooui siya caalamalam sa

calagayang sinabi co sa itaas sa párrafo 215. Saca paiinumin (sa isang

arao cun lumiban ang lagnat) nang timbang tatlong bahagui ó isang

salapi nang bilin sa número 24, na timbang saicapat ang isang inom.

Saca pinababayaang lagnatin ang maysaquit nang maquiilan; at cundi

siyang cusang mauauala ang lagnat ay big-yan nang _dita,_ para nang

turo sa párrafo 216. Cun baga lumiban man ang lagnat, ang maysaquit ay

nananab-ang nang pagcain, at hindi macatulog nang mahimbing ó

sungmasaquit ang bay-auang, ó ang tuhod bago painumin nang _dita_ ay

pupurgahin muna nang bilin sa número 21 ó 23.

218. Doon sa parrafo 211 ang uica co, na cun minsan ang lagnat na

pan~giqui sa man~ga unang arao ay hindi naquiquilala na yao,i,

pan~giqui cundi tila catulad nang lagnat nang _apdo ó buloc,_ nasaysay

na sa capítulo 20. Ang gamot dito ay iba-iba lamang nang caunti sa

guinagaua doon sa lagnat na _buloc_. Ang maysaquit ay paiinumin nang

marami nang turo sa número 3; at cun siya,i, nalagnat nang dalaua ó

tatlong arao cun baga nahahalatang marumi ang sicmura dahil sapagca

ibig niyang sumucang parati, ó siya,i, sungmusuca n~ga, ó mapait na

totoo ang bibig, ay big-yan nang bilin sa número 34 ó 35; at cun hindi

rin nauauala yaong capaitan nang bibig, at ang pagca ibig niyang

sumuca, ay purgahing maquiilan nang bilin sa número 24 ó número 21

man, cun malacas ang may catauan. Saca binibig-yan nang _dita_ para

nang turo sa parrafo 216. Itong pag-gamot na ito,i, sucat na roon;

datapoua magaling din, pag nacaraan ang ualong arao, di man linagnat

ang tauo, ang painumin siya nang _dita_ timbang tatlong bahagui

arao-arao, na itutuloy hangang lumalo ang ualon~g arao; at cun ang

lagnat ay nagmamacaitlong arao, ay lalo pang cailan~gang gauin ito.

219. Cun ang maysaquit ay nagpamula na nang pag-inom nang _dita,_ ay

hindi sucat purgahin, at uuli ang lagnat.

220. Sa lagnat na pan~giqui na nagmamacatlong arao, ay hindi bagay ang

pagsasangra. Dalauang oras bago lagnatin ang maysaquit, ay paiinuming

maminsan minsan (ga macaapat sa isang oras) nang isang tazang tubig na

pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao,_ na dinoonan nang caunting

pulot, at palacarin tuloy sa bahay ang maysaquit. Cun gayon, pati

pan~giqui, pati lagnat, ay hindi lubhang malaqui. Yaon ding painom ay

gagamitin nang maysaquit hangan macalalo ang guinao nang pan~giqui; at

cun nalalagnat na ay yaon din ang caniyang iinumin cun ibig, ó cun

aayao siya noon, ang sa número 2 ay magaling inumin niya. Pagca

nacaraan ang lagnat, ay pinapahiran nang damit ang pauis nang

maysaquit.

221. Cun minsan ang _quina_ (gayon din ang dita) ay nacacapagpailaguin

sa maysaquit; at cun ganoon ay hindi macacauala nang lagnat. Caya ang

mabuti dito ay purgahin muna ang maysaquit nang timbang saicapat sa

_ruibarbo,_ ó nang _cañafistula_ número 81, bago big-yang uli nang

_dita._

222. Mayroon pang ibang man~ga bagay na maigagamot sa lagnat na

pan~giqui. Datapoua ang maiguing totoo sa lahat ay ang naituro co na

dito sa capítulong ito. Uica naman ni P. Clain na ang pag-inom nang

isang tagayang tubig na pinaglagaan nang ugat nang _apasotis_ sa oras

nang pagsipot nang guinao nang pan~giqui, at saca cun magcumot tuloy

ang maysaquit ay nacacauala nang pan~giqui, cun gauing macalaua ó

macaitlo. Magaling pa sa rito ang isang gamot na itinuro at ipinahayag

nang hari sa España sa caniyang man~ga vasallos, na yao,i gayon. Ang

timbang isang salaping _café_ (café) na isasan~gag muna sa apoy bago

bayuhin nang maliliit, ilalaga sa dalauang tazang tubig hangan sa

maiga at matira lamang ang calahati. Saca sasalain, at ang tubig na

pinaglagaan noong _café_ ay huhulugan nang gata nang dayap, yaon

bagang macucuha sa tatlo ó apat na dayap. Hahaluin capoua at ipaiinom

sa maysaquit cun umaga bago cumain. Mayroong isa pang gamot na totoong

buti na yao,i, gayon. Ang anim ó ualong bulaclac nang isang cahoy na

munti na pinan~gan~ganlan sa Mainila _rosas caballero_ at sa

Batan~gan _flores_ ay hulugan mo nang dalauang tagayang tubig na

mainit na totoo; doonan pa nang azucar; at ang maysaquit ay pinaiinom

nang isa nang isang taza noon dalauang oras bago lagnatin, at gagaling

siya; datapoua mainit cun inumin.

223. Yaong man~ga tauo, na lauong panahon ó ilang bouang nan~gin~giqui

na sila, at hindi guinamot nang paanyo, ay big-yan pagdacang minsan

nang bilin sa número 34, ó sa 35, at saca painumin nang sa número 38

sa dalaua ó tatlong arao. Pagca yari na ito, ay painumin nang _dita_

para nang turo sa parrafo 216.

224. Cailan~gang maalaman nang man~ga mangagamot na cun minsan

mayroong tauo, na hindi man siya lagnatin ay dinaraanan din nang

pagsaquit nang alin mang casangcapan nang catauan, na itong pagsaquit

na ito ay hindi sungmasala sa caugaliang oras, cundi ang pag-uli ay

husay, sa macatouid touing icalauang arao, ó arao-arao para nang

saquit na pan~giqui. Ang gamot na totoo sa ganoong saquit ay yaon ding

dita párrafo 216.

_Nota_. Bucod dito sa man~ga bagay na lagnat na ito na sinaysay co sa

man~ga capítulo 19, 20, 21 at sa 22, ay mayroong isa pang bagay na

lagnat na tinatauag; _lagnat na daua_; sapagca ang maysaquit ay

sinisibulan nang maraming butil na catulad nang daua; itong ganitong

lagnat ay aquing sasaysayin sa capítulo 59.

=CAPÍTULO 23.=

_Ang saquit na pinan~gan~ganlang_ erisipela, _na cun turan nang

tagalog ay culebra._

225. Ang saquit na _erisipela, ó culebra_ ay cun minsan munting saquit

lamang, na lungmilitao sa balat nang catauan nang tauo, at milimit sa

muc-ha, ó sa paa. Ung-muunat ang balat, at namumula; at cun idinidiin

nang daliri, ay nauauala ang pamumula. Ang damdam nang maysaquit, na

yaong lugar na sinisibulan nang culebra ay mainit na totoo, na yaon

ang di icatulog niya; ang saquit ay lungmalaqui sa dalaua ó tatlong

arao pa. Saca hindi nag-iiba hangang sa lumalo ang isa ó dalauang

arao; ungmuunti tuloy at may nalalaglag sa balat na masaquit na tila

calisquis, at nauauala ang saquit.

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit · 第 7 / 21 段