pagcaraca,i, ang saquit _ilalagay sa husay_ (capítulo 4); at touing
umaga,t, hapon ay babañusan nang malacucong tubig hangang tuhod. Dahil
dito sa pagbabaños na ito, ay dungmadalang ang bulutong sa ulo. Ang
pagsumpit ay isa pang nacauauala nang pagsaquit nang ulo, caya ang
maysaquit susumpitin arao-arao at cun munti ang lagnat, at hindi
talaga siyang bubulutun~gin nang marami, ang baños, ang pagsumpit, at
ang husay sa capitulo 4, ay magcasiya na. Saca mabibig-yan ang
maysaquit nang alin man doon sa bilin sa man~ga número 1, 2 ó 4, cun
siya,i, matanda; datapoua cun sangol ang maysaquit, at hindi
nalalagnat, bibig-yan nang gatas na dinoonan nang tubig; na
pinagbabaran nang alagao; itong tubig ay calahati nang gatas. Datapoua
cun hindi pungmapayag ang bata roon, ay samahan lamang nang tubig. Sa
man~ga matatanda,i, ang man~ga bun~ga nang cahoy na luto sa tubig at
ang tinapay ay magaling din, cun naiibig nila. Datapoua masama roon
ang carne, ang sabao, ang itlog at ang alac. Mapapainom namang; parati
ang maysaquit nang suero número 50 ó nang gatas nang baca na inalsan
muna nang pinacataba. Cun hindi malaqui ang saquit, itong man~ga bagay
na sinabi co n~gayon ay siya na; datapoua pag natutuyo-tuyo na ang
man~ga bulutong, cailan~gang purgahin ang maysaquit nang bilin sa
número 11: at pag nacaraan nang anim na arao, siya,i, capupurgahin pa
noon ding purgang yaon. Pag napurga nang minsan ang maysaquit, ay
macacacain na siya nang man~ga gulay at tinapay.
168. Datapoua iba ang gagauin pagca malaqui ang saquit nang
bubulutun~gin. Sapagca cun ang lagnat ay malaqui, at matigas ang
pulso, at masaquit na totoo ang ulo, pati nang bay-auang, ay
cailan~gang sangrahan ang maysaquit sa camay. Saca pag nacalalo ang
dalauang oras ay susumpitin: at cun hindi ungmunti ang lagnat, at lalo
pa cun matigas ang pulso, at ang maysaquit ay naghihilim, ó tila
nasisira ang bait, ay cailan~gan sangrahang minsan pa, ó macalaua man,
sa man~ga unang dalauang; arao, cun hindi nauauala ang malaquing
cahirapan nang lagnat. Gayon din, cun ganoon ang lagay nang maysaquit,
ay susumpiting macaitlo, ó macaapat maghapon, at babañosan sa paa
hangan tuhod na macalaua maghapon din. Saca inaalis ang maysaquit doon
sa quinahihig-an, at pinalulucloc sa luclucan sa isang silid na
maaliualas, han~gan sa siya,i, macapagtiis doon. Ualang ibang
ipaiinom sa caniya cundi ang bilin sa número 2 ó 4; at cun hindi rin
ungmuunti ang lagnat, touing oras ay paiinumin nang isang cuchara nang
bilin sa número 10. Pag nacasibol na ang bulutong palibhasa,i, doon
hindi na malaqui ang lagnat, houag gauin sa maysaquit itong lahat na
sinabi co n~gayon, cundi ang inacala lamang na macacasiya sa caniyang
calagayan; at cun totoong naual-an nang lagnat ang maysaquit, ang
gagauin lamang sa caniya,i, ang man~ga bilin sa párrafo 167 na
sinundan nito.
169. Cun magnana na ang bulutong, cun minsan lalagnatin uli ang
maysaquit; at ang gagauin doon ganito. Ang isusumpit sa caniya ay ang
_suero, pulot, lan~gis,_ at _asin;_ cun ualang suero, ay na-aari ang
tubig na pinaglagaan nang _cebada ó palay._ Macaitlo cun umaga
paiinumin nang tatlong taza nang bilin sa número 32. Cun baga malaqui
ang lagnat nang maysaquit, ay paiinumin touing oras nang isang cuchara
nang bilin sa número 10, ó damidamihan cun baga cailan~gan. Ang
maysaquit ay inaalis sa hihigan, at inililipat sa silid na maaliualas,
at arao at gab-i doon pinalulucloc sa luclucan, bucas ang dun~gauan
(cun arao) han~gan umunti ang lagnat. Itong ganitong gaua ay totoong
igui sa maysaquit at di man matulog siya,i, ay hindi naman ma-aano,
baquit macacasama bagcus sa caniya ang pagtulog; at ang isa pang hindi
icatutulog niya, ay ang malimit na paglura, na masamang tumahan at
mauala. At nang siya,i, lumura nang maguinhaua ay susumpitin parati sa
loob nang bibig nang tubig na may casamang pulot, nang isang sumpit na
munti, na cauayan man. Gayon ding mabuting sumpitin ang maysaquit sa
ilong nang malinisan, at nang macahin~ga siya nang maloualhati. Cun
baga malaqui pamamaga nang muc-ha at nang liig, ay doonan ang
maysaquit sa talampacan nang tapal na itinuro sa número 9; at cun
hindi nagcacasiya ito, ay lag-yan sa talampacan din nang parapit
número 36, at mauauala ang pamamaga nang muc-ha,t, liig.
170. Cung malaqui ang saquit nang binubulutong, ang man~ga mata,i,
nagsasara at ang bagay roo,i, ang gatas na tinubigan na ibabasa roong
parati; maigui rin cun minsan ang basain nang tubig na pinagbabaran
nang _casubha, ó_ bulaclac nang alagao. Nang houag sibulan sa mata ang
maysaquit nang man~ga cun anoano, ay mag-in~gat siya sa pagcain nang
marami, pati sa carne at alac; cun gayon pag nauala ang bulutong, ay
hindi siya sisibulan nang anoman sa mata.
171. Cun ang bulutong ay maputi na,t, puno nang nana, ay malaquing
galing sa maysaquit ang hiuain nang dulo nang gunting ó carayom man
isa nang isa, at palabasin ang nana. Caya guinagaua ito,i, nang houag
macamatay sa maysaquit ang malaquing pamamaga nang boong catauan niya;
saca dahil doon sa paghiuang yao,i, lungmalabas ang pinaca camandag
nang man~ga sungmibol na bulutong, na palibhasa,i, hindi pinalalauong
pinatatahan sa laman nang tauo, ay hindi lungmalalim ang man~ga hucay
nang bulutong, at hindi nasisira ang hichura nang muc-ha; bucod dito
ang balat ay lungmulubay; nauauala ang pagcati, at ang pamamantal nang
muc-ha,t, liig. Ang paghiua nang bulutong ay ualang liuag, at hindi
nararamdaman man nang may catauan. Caya cun hihiuain ang bulutong, ay
maghahanda ca nang gunting na matulis ang dulo, ó carayom man, at
isang basahang malinis, at saca tubig na malacuco; at pagca marami na
ang nahiuang bulutong, ang nanang tungmutulo ay pinapahira,t, inaalis
nang basahang babad sa malacucong tubig; saca inuutas hinihiua ang
ibang man~ga bulutong para nang guinaua sa una. Sa loob nang ilang
oras ang man~ga bulutong ay napupuno uli nang nana, cailan~gang
hiuaing uli; cun minsan hangang sa macaanim hinihiua. Itong gauang
ito,i, nacauauala nang malaquing pan~ganib nang buhay nang
binubulutong, sapagca inaalis ang pamamaga pati nang nana.
172. Masamang totoo sa saquit na ito ang _triaca,_ ang _láudano,_ ang
_jarabe de adormideras,_ ang _jarabe_ nang _carabu,_ ang píldoras nang
_estoraque_ (camanguian) ang sa _cinoglosa;_ ano pa,t, ang lahat na
nacacapagpatulog, ay masama sa saquit na yaon.
173. Cun baga ang bulutong ay ungmuurong sa loob nang macasibol na, ay
mahirap ang lagay nang maysaquit; caya ang gagauin doo,i, houag
big-yan nang man~ga mainit, ó yaong man~ga bagay na ipapauis; painumin
lamang nang marami nang turo sa número 12, at parapitan sa man~ga
binti nang bilin sa número 36. Cun minsan ay umuuling sungmisibol ang
man~ga bulutong, pag sinangrahan ang maysaquit.
174. Itong saquit na bulutong ay mahirap; caya ang aayao magcasaquit
nang gayon, siya,i, magpatanim nang bulutong _vacuna_ sa caniyang
catauan. Datapoua cun siya,i, magpapatanim nang bulutong, ay
cailan~gang totoo ang siya,i, humanap at pumili nang magaling na
bulutong, doon baga sa tauong yaon na hindi pa binubulutong; at ang
isa pa,i, cailan~gang hintin ang carampatang panahon nang pagca hinog
nang bulutong, na yao,i, ang icasiyam na arao na boo. Pagca hinog na
ang bulutong, na cucunan ó pangagalin~gan nang nanang itatanim sa
ibang tauo, ang magtatanim nang bulutong ay maghahanda nang isang
lancetang matulis ang dulo. Itong dulo nang lanceta,i, ibabad, ó
isasaosao doon sa nana nang bulutong na hinog; pagca napasaosao doon
ang dulong yao,i, pagcaraca ito ring dulong may dalang nana, siya ang
icacadlit ó itudtudloc sa ibig tamnan nang bulutong, doon sa ibabao
nang caniyang sico, sa bias baga. Itong tudloc ay tatlo sa balang
isang camay, at ang pag-itan nang man~ga tudloc ay isang daliring
mahiguit. Pag nacasibol na itong bulutong ay pagmamasdang magaling,
cun yao,i, bulutong na totoo, ó hindi; at cun hindi totoong bulutong,
ay cailan~gang magpatanim uli ang may catauan.
175. Cun panahong tag-bulutong, ang aayao bulutun~gin houag cumain
nang marami, lalo pa cun gab-i; saca pipili nang magaling na cacanin,
at houag siyang tumiquim nang man~ga ano-ano. Ang man~ga gulay ay
lulutoing magaling. Houag cumain nang bun~ga nang cahoy, cun hindi
hinog na totoo. Mag-in~gat siya sa man~ga _calamay, suman, empanada,_
etc. at pauang masama. Itong ganitong asal ay caya naquiquilalang
nacagagaling sa man~ga sangol, sapagca cun gayo,i, hindi namamaga ó
lungmalaqui ang canilang tiyan. Ang canilang muc-ha ay masaya, guising
ang canilang loob, at hindi sila macuyad. Magaling din sa man~ga bata
sa panahong tag-bulutong, ang sila,i, pambohan, ó bañusan man lamang
sa tubig na malacuco cun gab-i. At saca painuming parati nang suero,
cun baga ang bata,i, hindi yayat ó magasactin; at cun yayat hindi
sucat big-yan nang suero. Cun gayon ang gaua nang tauo,i, bulutun~gin
man siya, ó ang caniyang man~ga anac ay caalamalam hindi lalaqui ang
saquit.
=CAPÍTULO 18.=
_Ang saquit na ticdas sa provincia nang Batan~gan ay toco, na ang
tauag nang castila doo,i,_ sarampión.
176. Bago ticdasin ó tocoin ang tauo ay nag-uubo siya muna nang ilang
arao; itong pag-uubo ay ualang casamang lura. Saca ang tutucoin ay
natatamlay at dinaraanan nang init at guinao na halihalili; ang saquit
nang ulo ay malaqui, cun matanda ang tauo; cun bata,i, naghihilim;
totoong saquit nang lalamunan; namamaga ang bubong nang mata; hindi
macatin~gin sa liuanag ang maysaquit; ang mata,i, lungmuluha, at ang
lungmalabas ay mahapdi. Mayroon namang iba, na malimit bumahing, at sa
ilong may lungmalabas na catulad nang sa mata. Lungmalaqui tuloy ang
init at ang lagnat; ang maysaquit ay nag-uubo; cun minsan ibig sumuca;
sungmasaquit ang bay-auang; nag-iilaguin siya cun minsan nang malimit;
ang ibang maysaquit ay pinapauisan; ang dila,i, maputi, at cun
minsa,i, nauuhao ang may catauan.
177. Sa icapat ó icalimang arao, at cun minsan sa icatlo, ang
muc-ha,i, linalabasan nang maraming totoong anaqui manchang mapupula,
na ang cahalimbaua,i, pinagcagtan nang pulgas. Ang boong muc-ha ay
namamaga naman tuloy; cun minsan ay nagsasara ang mata. Tungmutuloy
ang pagsibol nang toco sa dibdib, sa licod, sa man~ga camay, sa hita
at sa paa. Ang sa dibdib at ang sa licod ay marami. Cun minsan, ang
tiniticdas ay binabalin~goyn~goy, at nauauala tuloy ang saquit nang
caniyang ulo, pati nang sa mata,t, lalamunan. Sa icatlo, ó icapat na
arao nang macasibol ang toco, ay hindi na totoong mapula yaong man~ga
pinacabutil, at nan~gatuyo-tuyo na, at nan~galalaglag na, pati nang
balat nang catauan ay natutuyo rin, at nahuhulog, at iba ang
hungmahalili doon. Sa icasiyam ó icalabing isang arao ay hindi na
naquiquila ang ticdas at malinis na ang balat nang catauan.
178. Datapoua mauala man itong man~ga bacas nang ticdas, hindi pa
gungmagaling ang maysaquit; alintana cun siya,i, dinaanan nang malacas
na pag-iilaguin, ó pagsuca, ó cun siya,i, pinauisan nang malaqui,
sapagca cun gayon ay nauauala ang lahat na caniyang saquit. Datapoua
cun hindi nacuha sa man~ga ganoong paraan ang camandag nang saquit,
at ang tinicdas hindi guinamot nang paanyo, ayon sa sasabihin sa
párrafo 179, ang saquit ay sa baga napapatun~go; at cun ganoon
magsasaoli ang pag-uubo, ang lagnat at ang di lumagay ang maysaquit.
Itong pag-uubong ito,i, totoong nalalauon, at malacas lumaban sa
man~ga gamot. Datapoua pagca guinagamot pagcaraca nang husay na
pag-gamot ang tauong tiniticdas, ó tinotoco, ay hindi mahirap ang
catapusan nang saquit, at ualang natitirang bacas na masama. Ang
pag-gamot doo,i, ganito.
179. Cun baga malaqui ang lagnat, at ang pulso ay matigas, at malaqui
ang casiquipan nang dibdib, cailan~gang sangrahang minsan ó macalaua
ang titicdasin. Sinusumpit, at binabañusan sa mainit-init na tubig
naman hangan tuhod, para nang guinagua sa bubuluton~gin ayon sa turo
sa párrafo 168 nang capítulong nacalalo. Saca binibig-yan nang bilin
sa número 2 ó 4, na iinumin niyang parati; ó cun aayao noo,i, ang
tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao, na ang sa icalimang
bahagui ay gatas. Pinasisipsip ang maysaquit nang sin~gao nang mainit
na tubig, na yaon ang totoong bagay doon, nang mabauasan ang saquit
nang lalamunan at ang pag-uubo, pati nang pagsiquip nang dibdib.
Pagca hindi na totoong mapula ang man~ga pinacabutil nang catauan (na
yao,i, sa icatlo ó sa icapat na arao nang macasibol) ay pinupurga ang
maysaquit nang bilin sa número 23. _Saca inilalagay sa husay,_ at
pagca lumalo ang dalauang arao nang pagpupurga sa caniya, ay gagauin
doon ang ugaling guinagaua sa maysaquit na magaling-galing na, sa
capítulo 5. Cun baga sa paglitao nang ticdas ó toco, ang maysaquit ay
dinaraanan nang hirap na malaqui, ay gagamutin para nang turo doon sa
párrafo 168, na siya rin ang guinagaua sa binubulutong.
180. Cun hindi guinamot nang gayon ang tiniticdas, siya,i, dinaraanan
cun minsan nang sinabi co sa párrafo 178, at cun gayon ay gagamutin
para nang turo sa párrafo 179, na sinusundan nito; houag lamang
sangrahan cun hindi malaqui ang saquit. Ang man~ga sangol na matataba
man, cun baga masama ang canilang color, hindi rin sucat sangrahan.
Datapoua paiinumin nang bilin sa número 8, at pararapitan sa man~ga
binti. Ang tauong tiniticdas ay cailan~gang mag-in~gat sa han~gin.
181. Cun minsan dahilan sapagca uinaual-ang halaga ang pag-uubo na
ugaling sumunod sa toco ó ticdas, na hindi guinamot nang husay, ay
linalagnat ang maysaquit nang lagnat na hindi mangyaring mauala; at
caya gayon ay mayroong sungmisibol sa baga. Maraming bata ang
namamatay dahilan doon; at bago mamatay dinaraanan nang pag-iilaguing
masama,t, totoong baho. Pagca gayon, ay gagauin ang man~ga turo sa
parrafo 46, yaon lamang tatlong bagay na sinabi roon, sa macatouid ang
polvos número 14, ang gatas, at ang pagsacay ó ang paglacad. Datapoua
sapagca ang man~ga sangol ay aayao uminom noong polvos na yaon, ay
gatas lamang ang ipaiinom sa canila, at houag big-yan nang ibang bagay
na cacanin.
182. Mayroon namang tauo, na pagca tinicdas na hindi mangyaring mauala
sa caniya ang pag-uubong malaqui, na ualang inilulura, at saca ang
dibdib, pati catauan ay totoong init; nauuhao siya naman, at tuyong
tuyo ang balat, sampon nang dila. Sa ganitong lagay nang maysaquit
bagay ang baños hangan tuhod nang tubig na malacuco; ang pag-inom nang
gatas na tinutubigan, at ang pagsipsip nang sin~gao nang mainit na
tubig número 53. Cun hindi pa mandin natatalo nitong man~ga ganito
ang caniyang saquit at may ubo pa, ay sangrahan agad sa camay ang
maysaquit, at cun hindi gauin ito, cun minsan ay lulubha.
_Nota._ Sa Provincia nang Batan~gan pinan~gan~ganlang ticdas ang isang
saquit na catulad nang bolutong, na yao,i, siyang cusang nauauala.
=CAPÍTULO 19.=
_Ang lagnat na malaqui na ualang hibas, na pinan~gan~ganlang_ LAGNAT
NA MANIN~GAS _na yao,i, isang bagay na tabardillong dala nang
cainita,t, cabagsican nang dugo._
183. Itong saquit na ito ay isang bagay na _tabardillo,_ na dala nang
cabagsica,t, cainitan nang dugo. Caya naquiquilala, na yaon ay dala
nang dugo, sapagca ang pulso ay _matigas_ at puno, na lalo sa ibang
man~ga saquit. Ang init nang cataua,i, malaquing malaqui; nauuhao ang
maysaquit; ang mata, ang ilong, ang man~ga labi, ang dila, at ang
lalamunan, ay tuyong tuyo. Ang saquit nang ulo ay malaquing totoo, at
pag lungmalaqui ang lagnat cun hapon, cun minsan tila nasisira ang
bait nang maysaquit. Ang paghin~ga ay mahirap hirap; may ubong caunti;
na ualang nacucuha, at hindi naman masaquit ang dibdib. Ang maysaquit
hindi manabi; ang ihi ay caunti, mapula, at ang damdam nang may
catauan ay mainit cun umihi; ga nan~gin~ginig ang catauan, at lalo pa
cun natutulog; cacaunti ang caniyang tulog, datapoua cun tingnan
anaqui siya,i, ga naghihilim na parati, ó ga nalilibang ang caniyang
loob, na dahil dito,i, hindi namamasdan niya ang guinagaua nang man~ga
tauo sa caniyang piling; bahag-ya na pinapauisan siya nang caonsic;
datapoua ang caramihan nagcacasaquit nang gayon, ay ang balat nang
canilang cataua,i, tuyong tuyo. Itong man~ga tanda nang saquit na ito,
ay catungculan nang man~ga médicong pag masdan nilang maigui, nang
houag magcasala ang pag-gamot sa man~ga caaua auang maysaquit;
cailan~gan namang usisain, at pacatalastasin nila ang
pinan~gan~ganlang pulsong _matigas,_ na pagca gayon, ay cailan~gang
sangrahan ang maysaquit. At sapagca ang lahat na bagay na lagnat ay
mayroong caniyang man~ga tanda, caya bago gamutin ang maysaquit ay
cailan~gang tingnan muna, at tanun~gin nang lahat na caniyang
nararamdaman, ó cun ano caya ang pinagmul-an nang caniyang saquit; at
nang maalaman nang mangagamot ang caniyang itatanong sa maysaquit, ay
basahin niya ang capítulo 90; at ang man~ga aral na nauucol sa pulso,
ay hahanapin niya doon sa capítulo 89.
184. Ang pinangagalin~gan nitong saquit na lagnat na _manin~gas_ ay
ang calaquihan nang pag-gaua, ang init nang arao, ang pagcapuyat, ang
pag-inom nang alac na marami, ang pagcain nang man~ga bagay na mainit,
ang casam-an nang panahon, cun parati bagang maalis-is at lauon nang
hindi ungmuulan, at ang paghiga sa lupang basa.
185. Ang maysaquit _ilalagay agad sa husay_ (capítulo 4): houag siyang
pacanin, cundi macalaua maghapon; at cun malubha,i, houag pacanin
minsan man.
186. Sasangrahan ang maysaquit minsan ó macalaua, ó macaitlo man,
hangang lumambot ang pulso; sa unang pagsasanggra ay cucunan nang
maraming dugo; sa loob nang apat na oras ay inuuling sinasangrahan;
cun minsan ay hindi magcasiya ang macaitlo sangrahan ang maysaquit;
cun baga ang pulso ay lungmalambot sa unang pagcuha nang dugo,i,
itinatahan ang pagsasangra; datapoua cun baga ungmuuling tungmitigas
ang pulso, ay itinutuloy ang pagsasangra.
187. Macalaua, ó macaitlo maghapon ay susumpitin ang maysaquit nang
bilin sa número 5. Saca babañusan sa tubig na malacuco hangan tuhod
cun umaga at cun hapon, at doon din sa tubig na yao,i, ibabad pati
nang caniyang camay. Sa dibdib at sa tiyang ay lalag-yan nang basahang
babad sa tubig na malacuco rin. Ang ipaiinom na parati sa maysaquit ay
ang bilin sa número 7. At cun malaqui pa ang lagnat niya nang
masangrahan na ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin
sa número 10, hangan umunti ang lagnat; at pagca munti na ang lagnat,
ay houag limitan itong pagpapainom sa caniya nang bilin sa número 10;
at siya na ang minsang painumin noon, touing icatlong oras, ó macaualo
sa isang arao.
188. Cun binabalin~goyn~goy ang maysaquit, ay maigui sa caniya yaon.
Cun nauauala na ang malaquing catigasan nang pulso, at hindi na
lubhang malaqui ang saquit nang ulo, at marami rami na ang ihi niya,
at ga mayumiyumi na ang dila, ay magaling-galing na ang lagay nang may
catauan. Saca doon sa dacong icasiyam na arao nang caniyang
pagcacasaquit hangan sa icalabing apat ay dinaraanan siya cun
magcaminsan nang hirap na ilang oras calauon, at saca siya,i,
nag-iilaguin ó ungmiihi nang marami, ó pinagpapauisan nang malaqui;
ang bibig at ang ilong mula roon, ay hindi na totoong tuyo; nauauala
naman ang uhao, at ang maysaquit ay malacas-lacas na at nacacatulog.
189. Pagca gayon ang lagay nang maysaquit ay paiinumin nang bilin sa
número 23, at ilalagay sa husay ang maysaquit na magaling-galing na
capítulo 5. Saca pag nacalalo ang ualo ó sampuong arao, ay pupurgahing
uli noon ding bilin sa número 23.
190. Mahahalatang hindi gagaling ang maysaquit cun ang pulso,i,
hungmihina,t, hindi lungmalambot; cun hindi lungmilinao ang ulo; at
cun mahirap sa rati ang paghin~ga; cun ang ilong, ang mata at ang
bibig ay tuyo pa mandin sa rati, at ang voces ay nag-iiba. Lalo pang
mapan~ganib ang maysaquit, cun nasisira ang bait, at balisang parati,
cun tungmitin~gin sa magcabicabila, at ang tiyan ay namamaga. At cun
hindi itahan ang caniyang man~ga camay; cundi anaqui parating mayroon
siyang hinahanap, ay malapit nang mamatay cun gayon.
=CAPÍTULO 20.=
_Ang lagnat na malaqui na dala nang apdo na pinan~gan~ganlan nang
castilang_ calentura pútrida _ó lagnat na buloc, na yaon naman ang
icalauang bagay na tabardillo._
191. Ang lagnat na _manin~gas_ na sinaysay co sa capítulong natalicdan
ay dala nang cainitan nang dugo; datapoua ang sasaysayin co n~gayo,i,
dala nang man~ga sarisaring bagay na tungmataha,t, nabubuloc sa
sicmura, sa man~ga bituca, ó sa ibang lugar sa loob nang catauan.
Itong _lagnat na ito,i;_ tinatauag nang castilang _lagnat na buloc ó
lagnat nang apdo._
192. Bago lagnatin ang tauo nang gayong lagnat ay nanab-ang muna siya
nang pagcain nang ilang arao; hindi mahimbing ang pagtulog; ang
bay-auang pati nang tuhod, ay sungmasaquit; mapait ang bibig cun
umaga; mabigat ang ulo, at cun minsa,i, masaquit na totoo: ang may
cataua,i, natatamlay. Pagca nalauon nang gayon nang ilang arao, ay
guiniguinao muna ang maysaquit; hungmahalili dito ang isang init na
salabsab. Ang pulso cun guiniguinao ang maysaquit ay munti at matulin;
datapoua pagca nalagnat na, ay lungmalaqui, at cun minsan tungmitigas
din; datapoua sa ganitong saquit ay hindi lubhang matigas para doon sa
lagnat na manin~gas, alintana cun nagcacasama-sama itong dalauang
bagay na lagnat, at cun minsa,i, magcasama n~ga: Ang saquit nang ulo
ay hindi matiis nang laqui; bucod dito ang maysaquit ay nauuhao; ibig
niyang sumuca; at cun minsan ay sungmusuca; ang bibig ay mapait, at
caunti ang inaiihi niya. Cun umaga ang lagnat ay ungmunti, at ang
pulso ay magaling-galing; at di man mahirap na totoo doon ang damdam
nang maysaquit siya,i, totoong anaqui pagod. Ang dila,i, maputi,t,
marumi, pati nang n~gipin; at ang hinin~ga,i, mabaho. Mayroong
maysaquit na pinapauisan, mayroong hindi; at pauisan man ay hindi rin
gungmagaling; arao-arao lungmalaqui ang lagnat, at sa balang oras; cun
minsan naman malimit ang paglaqui at ang pag-unti nang lagnat sa loob
nang isang arao; at ang cahulugan noong gayo,i, hahaba ang saquit.
Mayroong ibang maysaquit na sinisintacan sa dibdib, at ang inilulura
niya ay madilao.
193. Cun itong lagnat na _buloc_ ay pinabayaang hindi guinamot, ó cun
masama ang pag-gamot, ó cun ang gamot ay natatalo noong lagnat na
yaon, ay lungmalaqui ó hungmahaba ang lagnat na ualang hibas. Namamaga
ang tiyan; nasisira ang bait nang maysaquit; ang pulso,i, golo, munti
at matulin, hindi nacacaalam tauo ang maysaquit, parati siyang
nag-uiuica, at doon din sa quinahihig-an ay napapailaguin; ayao siyang
tumangap nang anomang gamot. Cun minsan ay linalabasan nang manchang
mumunti sa liig, sa licod at dibdib, na ang color ay moradong itim.
Anomang lumabas sa caniyang cataua,i, mabahong totoo. Cun minsan ay ga
cungmiquinal ang caniyang catauan, at marahil ang muc-ha; tihaya ang
paghiga niya; at siya,i, ungmuusos na patun~go sa paahan nang hihigan;
parati ga mayroon siyang dinarampot nang camay. Ang pulso,i, bahag-ya
na nararamdaman, at totoong unti at matulin, na hindi mabilang ang
man~ga pagtiboc; nagbabalisa ang maysaquit, mayroong pauis na masama
sa dibdib, at namamatay tuloy.
194. Datapoua cun hindi lubhang malaqui ang saquit, ó cun maigui ang
pag-gamot doon, ay ang maysaquit nananatili sa lagay na yaon na
sinaysay co sa párrafo 192; hindi siya lungmulubha, at hindi rin
dinaraanan nang man~ga sinabi co sa párrafo 193, na linaluan nito,
bagcus ungmuunti ang lagnat at ang saquit nang ulo; ang pag-iilaguin
ay malacas sa rati, at nacacaguinhaua sa caniya, at gayon din ang
pag-ihi; nacacatulogtulog na ang maysaquit; ang dila,i, lungmilinis,
at magaling-galing na ang pagcaramdam nang may catauan.
195. Cun hindi malaqui ang saquit, sa loob nang ilang arao, ay
magaling na ang may catauan. Cun malaqui ang saquit, ó masama ang
pag-gamot, ay namamatay ang tauo sa icasiyam na arao, ó sa icalabing
ualo, ó icadalauang puo; at cun minsan naman naghalihalili ang
paglubha at ang pag-galing galing, at namamatay ang maysaquit sa
dacong icapat na puong arao. Mayroon namang ibang maysaquit na
mapan~ganib na parati, nacalalo man ang anim na lingo, datapoua ito,i,
gaua nang pag-gamot, sapagca ang ugaling catapusan nitong lagnat na
_buloc_ ay sa icalabing apat hangan sa icatlong puong arao.