_Ang gagauin sa quinagat nang asong bang-ao, na ang tauag nang castila

sa ganoong saquit ay_ mal de rabia.

136. Ang aso pati nang pusa ay nababang-ao ó nauulol di man cagatin

nang ibang hayop na ulol. Ang nababang-ao na aso, ay quinatatacutan

nang capoua aso, at sa malayo man ay ungmiilag doon, sapagca

pinaquiquiramdaman nila ang caniyang saquit. Cun ang aso,i,

nababang-ao na, ay hindi ungmaabot sa icapat na arao, at namamatay

siyang cusa.

137. Cun mayroong tauong quinagat nang pusa ó nang asong ulol, ang

sugat ay nababahao, para nang ibang man~ga sugat. Caya ang man~ga

tagalog na ualang isip, sila,i, nararayaan nang man~ga médicong

hunghang na canilang tinatauag; at sa canilang acala ay uala na silang

saquit, sapagca ang sugat ay nabahao na. Datapoua aco,i nacaquita na

nang labing limang maysaquit sa isang bayan lamang na quinagat nang

asong bang-ao; at nan~gamatay rin, baga man nan~gabahao ang canilang

man~ga sugat, at sinangrahan nang man~ga médico at sinipsip pa,t,

vinentosahan ang canilang man~ga sugat. Ang sugat na gaua nang pusa ó

nang asong ulol, ay nabababao n~ga cun minsan siyang cusa, di man

gamutin; datapoua pag nacaraan ang tatlong lingo, ó ang isang boua,t,

calahati, ó tatlo cayang bouan, ay nararamdaman nang may catauan na

masaquit-saquit yaong lugar nang sugat na nabahao. Saca hungmalili

dito ang pamamaga nang pilat nang sugat; namumula tuloy at

pungmuputoc, at linalabasan nang tila tubig na mabaho, at ga

mapulapula. Ang maysaquit ay namamanglao at ga natatamlay; naguiguitla

siya, at pinan~gin~gilabutan nang guinao ang boong catauan; ga

quinacapus siya nang paghin~ga at balisang parati; masaquit ang man~ga

bituca; ang pulso,i, mahina,t, gulo; ang pagtulog ay hindi mahimbing,

bagcus parating naguiguising at natatacot; ang pananabi ay sala rin;

parating pinapauisan siya nang malamig, na munti ang pauis at

sumandaling oras lamang calauon; cun minsan masaquit ang lalamunan.

Ito ang man~ga unang nararamdaman nang quinagat nang asong bang-ao.

138. Ang sungmusunod dito,i, itong iba pa; ang maysaquit ay nauuhao na

totoo, at nahihirapan cun ungminom, datapoua cun malauo,i, aayao na

siyang uminom, at touing ilalapit sa caniya ang tubig, ó cun

naquiquita niya, ó naririn~gig man ang pan~galang _tubig_ ay

nasisindac ang caniyang boong catauan. Ang man~ga hirap at ang man~ga

saquit niya ay hindi masaysay. Ang pagtin~gin niya ay titig, at ga

mabagsic; anopa,t, catacot-tacot panoorin ang caniyang lagay.

139. Bagaybagay ang gamot na ang uica nang man~ga tauo,i, maigui rito;

datapoua ang gamot na totoong-totoo doo,i, ang _mercurio_, ó _azogue_.

Caya ang pagsasangra sa maysaquit, ang ventosa, ang pagsipsip nang

sugat, at ang sun~gay nang usa na sinunog, na inilalagay roon, ay

hindi naniniya cun minsan; at mayroon ding namamatay na maysaquit na

guinamot noon. Caya ang gagauin nang quinagat nang pusa ó nang asong

bang-ao, siya,i, magsusugo sa Mainila (cun sa ibang bayang may botica)

nang isa catauo, at ipacucuha niya doon sa botica ang bilin sa número

28. Ito ang totoong gamot, at ang lalong magaling na lunas sa quinagat

n~g asong ulol. Caya mabuti disin, cun sa lahat na bayan mayroon

magamit na gayong gamot, doon man lamang sa bahay n~g tauong mayaman,

ó sa tinda nang man~ga mercader; ang halaga niyong gamot na yaon ay

isang salapi ó piso. Datapoua cun bibili ang man~ga mercader sa

botica, ay magaling bumili sila nang mercurio lamang na ualang

calahoc, sapagca ang mantica,i, ungmaanta, at ang isa pa,i, cun

gagamitin na, ay ualang liuag samahan nang mantica ayon sa turo sa

número 28 doon sa nota.

140. Ang gagauin n~ga sa tauong quinagat nang pusa ó nang asong

bang-ao ay gayon. Pagcaraca mag-iinit ca nang tubig na dinoonan nang

caunting asin. Ang sugat ay huhugasan at lilinising magaling na

magaling nitong tubig na malacuco na dinoonan nang asin, nang macuha

ang lauay nang asong nacacagat. Saca cuscusing palibot ang man~ga tabi

nang sugat, hangang sa tatlong daliri calayo doon sa sugat, nang

timbang saicapat nang ungüentong tinuran co can~gina, na bilin sa

número 28; at ito,i, gagauing minsan arao-arao. Ang sugat ay gagamutin

at babahauin para nang ibang man~ga sugat; datapoua maigui ring

pabayaan munang magnacnac nang malauon. Tungcol sa husay nang

maysaquit, cailan~gan ang houag siyang cumain nang maraming carne;

saca magin~gat sa alac, sa man~ga mahanghang at sa man~ga mainit; at

nang lumaqui ang cabagsican nang mercurio, susumpitin ang maysaquit

touing arao, at babañosan arao-arao sa malacucong tubig hangang tuhod.

Ang caniyang iinuming parati ang bilin sa número 2. Maraming

totoongtauo, ani Tissot, ang guinamot co nang gayon na quinagat nang

asong ulol, at hindi sila naano. Caya yaon ang cailan~gang pagpilitang

gauin nang tauong ibig masiguro ang caniyang buhay. Caya quinucuscos

ang man~ga tabi nang sugat nang ungüento nang _mercurio,_ ay nang

lumura ang maysaquit nang man~ga labing limang arao, ó tatlong lingo.

141. Datapoua bago gamutin nang gayon ang maysaquit, cun mayroon

siyang dugong marami at mataba, at magaling na totoo ang caniyang

catauan, pagca hinugasan na ang sugat nang tubig na may asin, ay

cailan~gang sangrahan, ó ipacagat sa anim na linta ang caniyang camay;

ó tanducan, ó tacluban nang ventosa, at cunan nang dugó na man~ga apat

ó limang piso ang timbang. Datapoua cun yayat ang maysaquit, ay houag

cunan nang dugo. Saca isusunod doon ang pagcuscos nang man~ga tabi

nang sugat, at ang ibang man~ga biling co sa itaas sa párrafong

sinundan nito, hangang sa icalabing dalaua ó icalabing limang arao.

Ang maysaquit na guinagamot nang _mercurio,_ ay hindi sucat yumapac sa

basá; at totoong sama yaon. Gayon din cailan~gang mag-in~gat siya sa

hamog at sa ulan; houag lumacad siya sa lupa cun gab-i, ó cun madaling

arao, at paraparang masama yaon. Ang man~ga babaying may panahon cun

quinagat nang _asong_ bang-ao, ay gagamutin din para nang iba; houag

lamang damihan ang ipinapahid sa caniya, at houag namang pahiran

arao-arao cun hindi cailan~gan. Masama namang sangrahan.

142. N~guni,t, cun ang tauong quinagat nang pusa ó nang _asong_

bang-ao na hindi guinamot nang paanyo, ay sungmasama na ang caniyang

pagcaramdam, at mahirap na ang caniyang lagay, ang gagauing

madaling-madali doo,i, gayon. Sasangrahan, ó cucunan nang maraming

dugo, at ito,i, uuling gagauing macalaua ó macaitlo ó macaapat, cun

baga cailan~gan. Cun baga mapambohan ang maysaquit nang malacucong

tubig ay pambohan agad nang macalaua maghapon. Sumpiting macalaua, ó

macaitlo maghapon nang bilin sa número 5. Cuscusin ang man~ga tabi

nang sugat na macalaua maghapon nang ungüento nang _mercurio,_ para

nang utos sa párrafo 140. Yaong casangcapang quinagat nang pusa ó nang

aso, lalahiran nang lan~gis ó lana man, at babalutin nang basahang

babad din sa lan~gis; macaualo maghapon, paiinumin nang tubig na

pinaglagaan nang alagao; at macaualo rin palulunuquin ang maysaquit

nang isang pelotilla nang turo sa número 31. At cun baga ibig niyang

sumuca, painumin nang bilin sa número 35. Ang maysaquit na guinamot

nang gayon, cun baga nalauo,t, hindi pa gungmagaling na tatoo, bagcus

naroon mahina,t, hapay ang caniyang loob ay paiinumin nang bilin sa

número 14, timbang tatlong bahagui maghapon.

Cun sa iyong bahay mayroon cang in~gat na _mercurio_ ay siya na yaon,

at hindi cailan~gang magsugo canang tauo sa botica. Ang timbang pisong

_mercurio_ ay doonan mo nang timbang tatlong salaping _manticang_

sariua nang baboy, at timbang isang salaping _sebo_ nang _baca_ ó

_tupa_; saca bayuhin itong tatlong bagay, hangang hindi na maquita ang

_azogue_, sa isang bayohang bacal ó tangso, ó sa lusong man, ó sa

tagayan man, at pagca bayo na,i, yaon ang ungüentong ipapahid mo sa

sugat para nang turo co sa itaas, párrafo 140.

_Nota_. Ang uica nang isang médicong marunong, na si Roux ang n~galan,

na capilitang pasuin ang sugat na guinagaua nang aso ó nang pusang

ol-ol. Caya pagca hinugasan ang sugat nang tubig na may asin, ay

doonan nang caonting bulac ó laman nang bun~ga nang boboy, at

papagnin~gasin, na yao,i, gagauing maminsan-minsan. Saca gauin mo

naman ang turo ni Tissot tungcol sa _mercurio_; at houag mong bahauin

ang sugat cundi malauon.

_Ang gagauin sa quinagat nang asong ol-ol cun ualang mercurio ó

azogue._

143. Datapoua cun ualang _mercurio_, at maliuag namang magpacuha ca sa

botica, ang gagauin sa quinagat nang asong bang-ao, ay gayon.

Pagcaraca huhugasa,t, lilinisin ang sugat nang maysaquit nang tubig na

malacuco na dinoonan nang asin, n~g macuha ang lauay nang asong

nacacagat. Saca painumin tuloy ang maysaquit nang _lana ó lan~gis_ sa

castila, _ó lan~gis_ nang _niyog_ na mabaho man, ga calahating taza

carami, hangan sa siya,i, sumuca; at cun hindi sungmusuca ay big-yan

pa hangan sumuca. Itong pag-inom nang lan~gis, hindi sucat pabayaan,

at siya ang cauna-unahang gamot dito. Saca cun ibig at pungmapayag ang

maysaquit, ang sugat ay pasuin nang caunting bulac, ó nang laman nang

bun~ga nang boboy. Cun aayao ang maysaquit na pasuin ang sugat niya,i,

papagsugatin nang isang _lanceta_ ó campit ó dulo nang gunting man,

mangyaring magdugó lamang, at doonan ang sugat nang caputol na

_sun~gay_ nang _usa_ na sinunog, at iuan doon hangan sa siyang cusang

malaglag. Ang pagsusunog noong sun~gay nang usa, ay hindi maliuag;

basahin mo ang numero 30.

144. Ang sinabi co n~gayon sa párrafong natalicdan ay magcacasiya na

cun minsang igamot sa quinagat nang asong ol-ol; datapoua nang lalo

pang maseguro ang buhay nang maysaquit, ay mabuting gauin ang

sasabihin co n~gayon. Touing icalauang arao susumpitin ang maysaquit;

arao-arao papambohan nang tubig na malamig, at palulunuquing maghapon

nang dalauang pelotilla nang bilin sa número 31. Ang pagpambo itutuloy

hangang sa tatlong puo ó apat na puong arao, at cun hindi minamagaling

nang maysaquit ang malamig na tubig pambohan sa tubig na malacuco. Ang

tauong guinagamot nitong man~ga bilin sa dalauang párrafong

magcasunod, cun minsan ay hindi mamamatay di mang gamutin nang

mercurio. Datapoua,t, lalong magaling at seguro sa lahat ang mercurio.

=CAPÍTULO 16.=

Ang Gamot Sa Quinagat Nang Man~ga Hayop Na May Camandag.

_Gamot sa quinagat nang pocquiotan, laiuan, potacti, amboboyog, lamoc,

ó lan~gao na may camandag._

145. Cun mayroong quinagat na tauo, niyong man~ga hayop na yaon, ang

gagauin ay gayon. Bunutin muna ó sunquitin nang carayom ang panuca

nang hayop na cungmagat; saca basaing parati yaong lugar na masaquit

nang basahang babad sa tubig lamang, ó sa tubig na pinaglagaan nang

bulaclac nang _alagao_; ó tapalan nang tinapay na minasa sa _gatas_ at

_pulot_; bañosan ang maysaquit hangan tuhod nang tubig na malacuco;

houag pacanin nang marami cun gab-i; painumin siya nang tubig na

pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao_. Ang lana ó lan~gis nang niyog

ó ang lan~gis sa castila, cun ilahid agad sa lugar na quinagtan nang

hayop, ay nacauauala nang pamamaga, pati nang pagsaquit. Datapoua cun

minsan hindi cailan~gang gumaua nang anoman, doon sa quinagat niyong

man~ga hayop na yaon, at ang saquit siyang cusang nauauala. Cun baga

maraming hayop ang nacacagat, ay sangrahan, ó cunan nang dugó ang may

catauan.

_Gamot sa quinagat nang ahas._

146. Ang magaling gauin sa quinagat nang ahas, ay cadlitan ang sugat,

pag binigquisan muna sa ibabao nang quinagtan na casangcapan, saca

tinatacluban nang ventosa, ó ipinasisipsip sa ibang tauo. Ang sugat ay

lahiran nang _lan~gis_ na mainit-init ó lana man, at ang maysaquit ay

painumin din nang lan~gis hangan sa siya,i, sumuca. Saca humanap ca

nang buto nang _mostaza_ at isang bigquis nang damo na ang pan~gala,i,

_coclearia_ (Taquip susó ó taquip cuhol) at bauang, itong tatlong

bagay babayuhin: saca pigain, at ang gatá ipaiinom sa maysaquit, at

caalam-alam gagaling. Cun ualang buto nang _mostaza_, ang dahon ay

na-aari.

147. Cun hindi pa gungmagaling ang maysaquit, mag-init ca nang

caunting tubig na hinulugan nang caputol na _pepita_ sa _catbalonga_,

at pag mapait na ang tubig, ay ipainom mo sa maysaquit, at ang lugar

na quinagta,i, cadlitan muna nang magdugo, bago tacluban nang caputol

na _pepita_ rin, na linauayan muna. Pag cumapit ang _pepita_ doon sa

sugat, ay bayaan doon hangan sa siyang cusang malaglag. Itong gamot na

ito,i, totoong buti. Cun ualang _pepita_, ay lag-yan nang caputol na

sun~gay nang usa na sinunog, número 30.

148. Cun ualang _pepita_, ó sun~gay nang usa, ó lan~gis man, ang dumi

nang tauo na-aari rin; caya ang timbang cahati, ó tatlong bahagui, ó

isang salapi noon ay iyong tunauin sa tubig, ó sa alac, at ipainom sa

maysaquit; itong gamot na ito,i, nacagaling sa marami. Maigui ring

ipan~guya sa maysaquit ang isang san~ga nang _macabuhay_ na mapait

hangang malasahan niya ang pait.

149. Ang pinan~gan~ganlang _agua de luz_, ay yaon ang mabagsic sa

lahat na gamot. Caya cun mayroong quinagat nang ahas, paiinumin nang

tubig na dinoonan nang lima ó anim na capatac na _agua de luz_, na ito

ay gagauing macaapat sa isang oras, ayon sa calubhaan nang maysaquit;

cun gungmagaling-galing na siya,i, dinadalan~gan ang pag-inom; at

arao-arao paiinumin din nang caunti, pati nang lugar na quinagtan ay

lalahiran nang ilang capatac noon ding _agua de luz_. Datapoua cun

pinainom na ang maysaquit nang maraming _agua de luz_, at hindi rin

gungmagaling, ang boong catauan niya ay pahiran nang lan~gis, bago

painumin nang _agua de luz._ Ang _agua de luz_ cailan~gang bilhin sa,

botica.

150. Bucod doon sa man~ga bagay na sinabi co n~gayon na magaling

igamot sa tinuca nang ahas, mayroon namang iba, na magagaua rin sa

maysaquit nang madaling gumaling. Caya pagca yari na yaong man~ga

bilin sa párrafo 146, 147, 148, mabuting painumin ang maysaquit nang

tubig na may gata nang dayap ó nang tubig na sinucaan. Maigui rin (pag

nahuhugasan na nang tubig, ó alac ang sugat) pasuin yaon ding sugat

nang isang tabaco, ó nang laman nang bun~ga nang boboy.

_Gamot sa quinagat nang atangatang sa uicang castila,i,_ alacrán.

151. Ang pag-gamot sa quinagat nang atangatang ay para nang guinagaua

sa quinagat nang ahas; bubunutin muna lamang ó susunquitin nang

carayon ang pinacapanuca nang hayop, cun baga nababaon sa laman; saca

ang man~ga turo sa párrafo 146, sa 147 at sa 148, susunding gagauin sa

maysaquit.

_Gamot sa quinagat nang gagamba._

152. Cun mayroong quinagat nang gagamba ang gagauin doo,i, gayon.

Bumayo ca nang _bauang_ at _triaca_, at itapal mo sa lugar nang

quinagtan nang hayop. Ang totoong galing dito,i, patacan yaon ding

lugar nang dagta nang _hauili ó as-is ó tibig_, na macalaua ó

macaitlo. Datapoua cun baga mayroong tauong nacalunoc nang gagamba

casama nang ibang quinain, cailan~gang pasucahin nang lan~gis. Ang

guinagaua sa quinagat nang ahas, yaon din ang maigui rito: caya cun

baga hindi nacagaling ang dagta nang _hauili_, at ang tapal na

_bauang_ at _triaca_, susundi,t, gagauin ang man~ga bilin sa párrafo

146, sa 147, at sa 148. Ang magaling sa lahat ay ang _pepita sa

catbalogan_, ayon sa sinabi co sa párrafo 147; ito,i, totoong daling

nacaguiguinhaua sa maysaquit.

_Gamot sa quinagat nang buaya ó pating._

153. Cun mayroong tauong quinagat nang buaya ó pating, ang gagauin

doon ay hugasa,t, linising maigui ang sugat nang alac na malacuco.

Doonan nang asin ang sugat lag-yan nang caputol na sun~gay nang usa na

sinunog número 30; at pag bumutao ang sun~gay, gamuting para nang

guinagaua sa ibang sugat.

_Gamot sa natibo nang pagui, lupo sombilang, canduli, ó ibang bagay na

isda na ang tinic ay may camandag_.

154. Ang gamot sa natibo nang man~ga isdang yaon ay ang gata nang

dayap, na ipinapatac sa masaquit, pagbinunot muna ang tinic. Cun

ualang dayap, ay naari ang dagta nang dahon nang _camote_, ó ang

maasim ang _dalandan_, ó ang _suha_, ang _colobot, ó lucban_ man.

Magaling din ang tapal nang man~ga _chileng_ binayo na may casamang

_suca_. Gayon ding maigui rito ang bun~ga nang _pepinillo_ de S.

Gregorio (pacupis, salagsalag, tabuboc, halahala, pocotpocot) na

pinan~gan~ganlan naman nang man~ga castila na _coloquíntida_; ang

bun~ga nitong damong ito ay binabayo at itinatapal; at ang maysaquit

pinaiinom nang caunti noon, ga anim ó pitong butil na palay ang

timbang, nang siya,i, sumuca, ayon sa bilin sa _nota_ nang número 34.

Cun hindi mauala ang pamamaga nang quinagtang lugar, ay maiguing

tapalan nang dahon nang _dapdap_ na mainit init. Cun ang tinic ay

hindi mabunot, ay gamutin ang maysaquit para nang turo sa párrafo 285.

_Gamot sa quinagat nang cocac, isa bagang hayop na catulad nang

palaca._

155. Ang cocac ay ualang n~gipin, datapoua ang pinacan~gidn~gid noon

ay matigas; caya cun mayroon quinagat noong ó cun mayroong nacacain

nang _cocac_, ang gagauin doo,i, para nang bilin sa itaas sa quinagat

nang gagamba, párrafo 152; ó gamutin para nang quinagat nang ahas, cun

hindi siya gungmagaling. Aco,i, nacaquita nang isang tagalog, na munti

nang namatay dahilan sa pagcain nang cocac.

_Gamot sa quinagat nang olupihan, ó olahipan, na ang pan~galan nang

castila doo,i, ciento piés._

156. Nang maualang madali nang pagsaquit ang lugar na quinagtan nang

olupihan, ay loloopin nang tatal nang _molauin_ na sinunog; saca

tapalan nang _chile_ at bauang na binayo. Maigui ring tapalan nang

dahon nang tabacong mura, na binayo rin. N~guni totoong buti sa saquit

na ito, ang _pepita_ sa Catbalogan, ayon sa turo sa párrafo 147.

_Gamot sa natilas na tauo, pati sa naligas._

157. Mayroong isang ood na ang pan~gala,i, _tilas_ sa uicang tagalog,

at sa uicang bisaya,i, _basul;_ yaong hayop na yaon ay hindi

nan~gan~gagat; datapoua,i, salang mapasayad sa balat nang tauo,i,

cungmacapit at nababaon sa laman ang balahibo noong hayop na yaon. Ang

gamot sa natilas, ay ang _draconcio_ (panaquilon); quinacayod ang

laman nang pinacacatauan nitong damong ito, at itinatapal sa

masaquit; at totoong daling lungmalabas ang man~ga balahibo nang

hayop, at nababahao ang sugat na malauo,t, may nana man. Cun ualang

_panaquilon,_ ay alin mang bagay sa sasabihin co n~gayon, ay ma-aari.

Ang dahon nang _nami_ ay nacacabunot naman nang balahibo nang _tilas._

Ang sa _papayang_ dahon, na maputi at malanta na ay maigui rin.

Magaling doon sa masaquit, ang pahiran nang pagquit na uinisican nang

lan~gis, at nang pinalambot sa apoy, at saca paraanin nang mariin doon

sa masaquit ang ilang buhoc nang babayi, na hinahauacan sa dalauang

camay, at madadala tuloy nang buhoc ang man~ga balahibo nang tilas.

_Nota._ Ang tauong dungmaraan sa ilalim nang cahoy na

pinan~gan~ganlang _ligas,_ cun baga siya,i, nahuhulugan nang hamog na

nangagaling doon, ay sinisibulan ang may catauan nang man~ga butil na

masaquit, at ang gamot doo,i, cuscusin nang caputol na bun~ga nang

salagsalag ó pacupis (pepinillo de san Gregorio.)

_Gamot sa pinasucan sa tayin~ga nang antipalo, cun otdo_

158. Ang hayop na pinan~gan~ganlang _antipalo,_ ay catulad nang

olopihan, munti lamang doon, at marami ang paa. Itong hayop na ito,i,

sungmusoot sa tayin~ga nang tauo. Ang pinan~gan~ganlan nang tagalog na

_otdo_ ay catulad nang bulati, munti lamang ang catauan, mabilog,

malandas na totoo, maquintab ang balat,at ga mariquit tingnan. Ang

_otdo_ ay hindi rin nan~gan~gagat sungmosoot lamang sa tayin~ga nang

tauo. Caya cun mayroong tauong sinuutan sa tayin~ga, nang _otdo, ó

antipalo,_ bumayo ca nang caonting isdang tuyo, ó bagoong, at idoon mo

sa tayin~ga, at lalabas ang hayop. Cun ibig mong patayin ang

_antipalo_ sa loob nang tayin~ga, ay bumayo ca nang isang bigquis na

locoloco, _(albahaca silvestre)_ lag-yan mo nang caunting tubig; saca

pigain, at ang gata,i, idoon mo sa tayin~ga, at mamamatay ang hayop.

159. Cun minsan ang tauo,i, pinapasucan sa tayin~ga nang man~ga hayop

na munti; at ang mabuti sa lahat doo,i, pahigain nang pataguilid ang

may catauan, at sidlan nang tubig ang tayin~ga, at pagcaraca lalabas

ang hayop.

=CAPÍTULO 17.=

_Ang bulutong na ang tauag nang castila doo,i,_ viruelas.

160. Bago lagnatin ang tauong bubulutun~gin siya,i, ga namamanglao

muna; madaling pauisan siya, at nananab-ang nang pagcain. Ang

muc-ha,i, ga nag-iiba, pati nang mata,i, macuyad; saca naghahalihalili

ang pagdaan nang init at nang guinao sa may catauan. Sungmusunod dito

ang isang malaquing guinao, at tuloy hungmahalili sa guinao ang isang

malaquing lagnat, na may casamang saquit nang ulo,t, bayauang. Ang

maysaquit ay sumusuca naman, ó ibig sumuca. Nahahalatang darami ang

bulutong, cun maquintab ang mata nang maysaquit, cun siya,i,

sungmusucang parati, at ang bay-auang ay masaquit na totoo; cun

nagbabalisa, at parating bibilingbiling ang maysaquit; ó cun baga

bata, cun hilim na parati, cun ang bulutong ay lungmilitao sa icatlong

arao, ó sa icalaua caya; sapagca cun maagang lumitao ang bulutong ay

lalo pang mapan~ganib ang maysaquit.

161. Ang lagnat nang bubulutun~gin ay iilang oras lamang ang

calac-han; saca ungmuunti ang lagnat at pinapauisan nang malaqui. Sa

catapusan nang lagnat, sa icatlo ó icapat na arao ay lungmilitao ang

bulutong na casabay nang pauis na sungmusunod sa lagnat. Ang unang

sinisibulan nang bulutong ay ang muc-ha, saca ang camay; sungmusunod

ang bias nang camay, ang liig at ang ibabao nang dibdib. Pagca ganito

ang lagay nang maysaquit, at talagang hindi siya lulubha,t,

bubulutun~gin nang marami,t, masamang bulutong, ang lagnat ay

ungmuunti ó hindi lamang nauauala; saca dungmarami ang bulutong, at

sungmisibol sa licuran at sa pig-yi, sa tiyan, sa hita,t, sa man~ga

paa; cun minsan maraming totoong bulutong ang sungmisibol sa

talampacan. Ito,i, mahirap sa maysaquit; sapagca dahilan sa cacapalan

nang balat noong lugar na yaon ay maliuag sumibol na madali. Ganoon

ang inaasal nang bulutong na magaan.

162. Dahilan sa pagsibol nang man~ga bulutong ang balat nang catauan

ay nauunat at namamantal. Ang unang namamaga ay ang muc-ha, pati nang

liig; at dahilan sa pamamagang yao,i, nagsasara ang mata cun minsan.

Saca sungmusunod na namamaga ang camay; hungmahalili ang paa; at gayon

din ang ibang man~ga casangcapan.

163. Cun ang bulutong ay marami, ang maysaquit ay lalagnating uli, cun

malapit nang magnana ang bulutong. Ang pagnanana nang bulutong ay sa

icasiam na arao hangan sa icalabingtatlo. Doon nauuhao at nahihirapan

ang maysaquit, at hindi siya matutong lumagay; at cun malaqui ang

saquit hindi macatulog siya, at tila nahuhung-hang; cun minsan ay

hilim, at mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang pulso,i, totoong dalas

pagca gayon; datapoua cun nauauala na ang pamamaga nang muc-ha at nang

liig, ay hindi na lubhang mapan~ganib ang buhay nang maysaquit.

164. Ang isa pa namang marahil dumaan sa binubulutong ay ang pagsaquit

nang lalamunan; ang isip nang nag-aalaga sa maysaquit, na ang

lalamunan ay sinisibulan din nang bulutong; datapoua ang dahilang

totoo nang pagsaquit nang lalamunan, ay ang pamamaga nang man~ga

casangcapan nang catauan, ang cainitan nang dugo, at ang calaquihan

nang lagnat, sapagca sa lalamunan ualang sungmisibol na bulutong; caya

cun hindi marami ang bulutong, at hindi rin malaqui ang lagnat, ay

hindi sungmasaquit ang lalamunan, ay parating lungmulura ang maysaquit

na hindi siya macapagpahin~ga. Ito,i, nacacahirap sa caniya, lalo pa

cun napapacnos nang calulura ang man~ga labi, ang man~ga loob nang

pisn~gi, ang dila, at ang n~galan~gala; datapoua mahirap man itong

paglura, ay totoong nacacagaan sa saquit.

165. Ang man~ga sangol ay sinusubaan cun sila,i, sisibulan nang man~ga

bulutong, datapoua,i, hindi sucat alumanahin yaon; alintana masamang

subaan, cun baga nacaurong ang pagsibol nang bulutong, ó cun magnanana

na. Cun minsan naman binabalin~goyn~goy ang binubulutong bata ma,t,

matanda man; at ito,i, magaling na totoo sa maysaquit.

166. Ang nalalagnat na, dahil sapagca siya,i, bubulutun~gin, ay hindi

sucat painumin nang man~ga maiinit na nacapagpapa-pauis; caya ang

alac, ang triaca, ang mainit na silid at ang maraming damit ay

nacacalubha sa maysaquit. Maraming lacsang tauo ang namatay dahilan

doon sa man~ga ganoon.

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit · 第 5 / 21 段