mangyaring sumaya ang caniyang loob. Caya magaling sa caniya ang
paglacad na parati, at ang pagdalao na parati sa man~ga caquilala,
nang malibang ang caniyang loob. Mabuti namang pumambo nang malimit sa
malamig na tubig. Houag siyang tatahan doon sa man~ga mababang lugar,
na hindi nahahan~ginang maigui. Ganoon din masama, sa gayong saquit
ang man~ga bahay na siquip, ó ang pagtahan sa piling nang man~ga laua
ó nang man~ga tubig na tahan. Ang pagdurugo nang n~gipin mauauala,
pagca n~guyain nang maysaquit nang malimit ang dahong sariua at hilao
nang _mostaza_. Houag siyang cacain nang man~ga ma-aalat, sapagca
yao,i, masama sa saquit na yaon. Ang carne at ang isda pag hindi
sariua,i, masama rin. Ang magaling canin niyang parati ay itong man~ga
ganito. Ang dalandan, ang dayap, ang tain~gan daga, ang sampaloc, ang
coles, na ito,i, totoong buti sa caniya; ang mostaza ay magaling
namang gulayin niya. Ang damong pinan~gan~galang _paco_, cun doonan
nang suca, ay totoong buti sa caniya; datapoua hilao cun cacanin. Ang
talbos nang _malungay_, ang _onti_, at ang colasiman ay totoong buti
namang canin nang nagcacasaquit nang _escorbuto_. Ang caniyang lahat
na cacanin ay mabuti lag-yan nang suca. Ang man~ga bun~ga nang cahoy,
para nang _papaya, ates, manga, saguing, sapinit, lanzones etc_. ay
bagay sa saquit na ito. Masama sa iniis-corbuto ang pag-inom nang
tubig na malacuco bagcus ang maigui roon ay ang malamig na tubig.
Datapoua ang maiguing-maigui sa saquit na ito,i, ang pag-inom ó ang
pagsipsip touing umaga nang catas nang dalaua ó tatlong dayap na
ualang calahoc. Ito,i, gagauin nang mahabang panahon; n~guni touing
icatlong arao magaling namang itahan, nang houag macasama sa sicmura
yaong maasim.
=CAPÍTULO 11.=
_Ang Apoplegía, na ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit nang gayón,
ay himatayin._
_Nota._ Pinan~gan~ganlan din nang tagalog na _himatayin_ ang
nagcacasaquit nang _epilepsia,_ párrafo 409, pati nang dinaraanan nang
malaquing _desmayo_ párrafo 439. Caya cailan~gang bacayan ang señal
nitong man~ga saquit.
97. Naalaman nang lahat na tauo, at naquiquilala nila ang _apoplegía,_
yaon bagang calagayan nang tauo, na pagcaraca,i, nauaual-an nang
damdam, at hindi macaquibo, at yaon din ang pinan~gan~ganlan nang
tagalog na panhihimatay. Ang pinagmumul-an nitong saquit, ang
malaquing galit ó toua; ang pag-iisip nang maliuag ó pagtin~gin nang
maliuag; ang pagtin~gin nang malauon nang pataguilid; ang pagcain nang
marami,i, masarap; ang pagpambo nang malauon sa mainit na tubig; ang
palo ó sugat sa ulo; ang paggauang parati nang mahalay; ang mahigpit
na tali sa liig, ang pag-aamoy nang masamang sin~gao ó amoy, ó cun ang
may catauan inurun~gan nang pauis, galis ó buni ó nang saquit sa bouan
bouan cun baga babayi; ó cun siya,i, inarauan.
98. Mayroong tauo na parating nanhihimatay, at magaling ang caniyang
damdam pati catauan; ito,i, apoplegía rin; datapoua monti; ang dugo ay
biglang ungmaac-yat sa ulo, at hungmihina pagcaraca ang maysaquit;
datapoua nacacaalam tauo rin nang caunti. Magaling dito sa ganitong
_apoplegía_ ang pagsasangra at ang sumpit; at nang houag umuli ang
saquit, susundin ang ituturo co sa párrafo 104. Ang totoong galing
dito ay ang polvos sa número 24; cun gayón ay umuli man ang saquit, ay
malalauon.
99. Ang totoong _apoplegía_ ay dalauang bagay. Ang isa,i, dala nang
dugo; cun ang dugo ay marami, mabigat, mataba,t, mainit; caya marahil
dumaan itong ganitong panghihimatay sa man~ga tauong malalacas ang
catauan at matataba. Ang icalauang bagay na _apoplegía,_ ay dala nang
dugong matubig, na caya dinaraanan noon ang hindi lubhang malacas na
tauo na may sarisaring bagay na calahoc sa caniyang dugo.
100. Ang panghihimatay na dala nang cáinitan nang dugo, cun minsan ay
nacamamatay na tambing sa tauo, cun malaquing totoo ang saquit; cun
hindi lubhang malaqui ang saquit, ang pulso ay malacas, puno at
mataas, at ang caniyang muc-ha ay mapula, at namamaga; ang liig ay
namamaga rin ang paghin~ga ay mahirap at ga main~gay; ang may catauan
ay hindi nacacaalam tauo, napapaihi, at napapailaguin at cun minsan
dungmuroal. Ang gagauin doon, ay gayon.
101. Houag tatacpan ang ulo nang maysaquit; pati nang catauan ay houag
cumutan nang macapal na damit, bubucsan ang man~ga pinto,t, dun~gauan
nang silid; cun mayroong bigquis ó tali sa catauan nang maysaquit,
cacalagui,t, palulubayin; bibigquisan lamang nang mahipit sa ibabao
nang tuhod; ipalulocloc ang maysaquit sa bangco na ang paa ay lauit,
at ang ulo,i, mataas; sasangrahan at cucunan nang timbang
labindalauang pisong dugo sa paa, ó sa camay, at cun baga malacas
tumaliris ang dugo, ooling sangrahan hangang ga macaitlo, ó macaapat
ga loob nang apat na oras, cun baga inaacalang macacayanan nang
maysaquit; susumpitin naman nang tubig na pinaglagaan nang culutan
na may casamang lana, ó lan~gis na bago nang niyog, ga apat na
cuchara, at isa pang cucharang asin; ito,i, gagauin touing icatlong
oras. Cun mapapainom ang maysaquit, ay painumin nang maraming tubig na
dinoonan nang timbang sa icaualong _salitre_ sa isang vaso. Pag tila
nasasaulan na ang maysaquit, ay painumin nang bilin sa número 23, ó
nang _crémor_ timbang isang salapi ó piso, at saca big-yan nang
maraming _suero_ nang gatas. Houag paamoyin ang maysaquit nang anomang
amoy na matapang. Houag quibuin, hipui,t, tauaguin ang maysaquit, at
masamang totoo sa caniya yaon. Pag yari na itong lahat, cun baga hindi
nauulian; cundí lungmulubha ay uala nang magaua roon.
102. Pagca gumaling na ang maysaquit, nacacaalam tauo na siya;
datapoua cun minsan ang isang camay ó ang paa, ó ang cabiac na muc-ha
ay ga namamatay, pati nang dila, na dahil doo,i, hindi mauauatasan ang
caniyang uica. Itong pinacabacas nang apoplegía ay nauauala cun
malauon, purgahin lamang maminsan minsan ang maysaquit, at houag
pacanin nang marami. Anomang gamot na mainit, ay masama roon; ang
pasuca i, nacamamatay sa inaapoplegía; caya hindi sucat ibigay sa
nagcacasaquit nang gayon; at ibig mang sumuca siya, hindi sucat
big-yan nang mainit na tubig man, at macacasama rin sa caniya.
103. Doon sa icalauang bagay na apoplegía na sinaysay co sa parrafo
99, na ang uica co,i, dala nang dugong matubig, na may bagaybagay na
casama, ay gayon ang pag-gamot. Ang maysaquit sasangrahang miminsan
lamang, cun ang pulso,i, mayroong catigasang munti; at cun malambot
ang pulso, at hindi puno, houag sangrahan ang maysaquit. Saca
ipalocloc sa bangco na ang paa nang maysaquit ay lauit. Pupurgahin
nang polvos número 21; susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang
culutan, na dinoroonan nang asin maramirami at _jabón_, ga isang itlog
na munti caramí, at _hojas de sen_ pa _(cangcong ó acapulco)_; ito,i,
gagauing macalaua maghapon, at yaon ay totoong buting gamot. Sa
icatlong arao pupurgahing uli, nang purgang mahina hina at pararapitan
sa dalauang binti. Cun baga pinapauisan ang maysaquit, paiinumin nang
anomang bagay nanacacapagpapauis; itong pagpapauis doon, ay itutuloy
na mahabang panahon, hangan sa siyam na arao, sa halimbaua; at cun
minsan itong pagpauis ay macacauala nan man~ga bacas nang _apoplegía._
Ang nagcacasaquit nitong icalauang bagay na apoplegía na sinaysay co
n~gayon hindi lubhang nahihirapan nang paghin~ga. Ang pulso,i, hindi
lubhang matigas; cun minsan sungmusuca ang maysaquit, at ang muc-ha,i,
hindi mapula, para doon sa isang bagay na apoplegía.
104. Nang houag umuling dumaan ang saquit na apoplegía ó panhihimatay,
cailan~gang maghusay ang maysaquit sa caniyang catauan. Ang lahat na
bagay na apoplegía ay maliuag dumaang uli, cun hindi malacas cumain
ang maysaquit, at lalo pa cun hindi cumain cun hapon. Saca siya,i,
mag-in~gat sa _alac,_ sa _café,_ sa man~ga silid na mainit, pati sa
arao; mabuti ahitin ang ulo, at basaing parati nang malamig na tubig;
houag siyang cacain nang maraming carne, at cun cacain nang carne ay
sisiu lamang; bagay sa caniya ang man~ga gulay, at ang man~ga bun~gang
hinog nang cahoy; lumacad siyang parati; houag pahahabain ang tulog;
at macaitlo touing lingo iinumin niya ang bilin sa número 24 cun
umaga. Touing iinumin, ay saicapat ang timbang; at macaitlo sa
santaong arao siya,i, magpurga nang bilin sa número 23. Datapoua sa
dinaraanan nang icalauang bagay na _apoplegía,_ ang bagay na purga sa
caniya ay ang bilin sa número 21. Magaling naman sa nanghihimatay ang
fuente. Cun baga gumaling man ang maysaquit, siya,i, ga naliliyo, ó
dungmarami ang caniyang dugo, ó quiniquisig siya sa man~ga catauan
niya, ang gagauin agad, ay magsangra siya at maghusay sa caniyang
pagcain, nang houag magcasaquit uli nang malaqui.
=CAPÍTULO 12.=
_Ang gagauin sa nagcacasaquit dahil sa inarauan; sa uicang castila,i,_
insolación.
105. Cun ang arao ay mainit, ang man~ga cahoy, ang man~ga bato, pati
nang tangso ó bacal man, na nalalagay sa arauan, ay totoong ungmiinit,
na cun minsan hindi mahipo nang camay. Gayón din ang tauo cun siya,i,
inarauan nang malauon, at lalo pa cun ang ulo ang tinamaan nang arao,
nagcacasaquit cun minsan nang malaquing saquit na pinan~gan~ganlang
_insolación._
106. Ang tauong inarauan nang malauon, ay hindi matiis niya ang
saquit nang ulo; ang balat ay mainit at tuyo; ang mata ay tuyo rin, at
namumula. Cun minsan hindi macamulat, at hindi macatin~gin sa
maliuanag; mayroong hindi macatulog; mayroong hilim na parati, at
touing maguiguising ay ga naguiguitla. Ang caniyang lagnat ay malaqui;
aayao siyang big-yan nang anomang gamot; hapay ang loob niya at cun
minsan nauuhao, cun minsan hindi. Mayroong tauo, na dahil sa siya,i,
inarauan maghapon, ay namamatay; at ang inasal nang mamamatay, ay para
nang inasal nang quinacagat nang asong ban~gao. Cun ang tauo,i,
nacacatulog sa arauan, ay lalo pang masama; at cun lasing ay lalo pa
man din. Mayroon namang iba, na dahilan sa pagca inarauan, ang mata,i,
sinisin~gauan ó naguiguing lirain, ó ga naguguló ang canilang
pagtin~gin, ó cun minsan anaqui mayroon silang naquiquitang
lungmilipad na parati sa canilang harap. Ang lungmalagay sa arauan, at
nalalauon doon, ay cun minsan dinaraanan nang panghihimatay,
_apoplegía;_ cun minsan ang lalamunan ang masaquit na yao,i, parang
_angina ó garrotillo;_ ó cun minsan namamaos, ó namamaga ang liig. Ang
apoy nacacasama rin sa tauo cung nalalauon siya sa tapat, at isa rin
nang arao.
107. Ang gamot sa inarauan ay ang pagsasangra; saca ang man~ga bagay
na malalamig gagamitin doon sa ipinaiinom, sa ibinabaños, at sa
isinusumpit sa maysaquit. Ang pagsasangra ay cailan~gang totoo, at cun
hindi pa nauauala-uala ang hirap nang maysaquit, uuling sasangrahan.
Ang isusunod sa pagsasangra ay ang baños sa tubig na malahinin~ga
lamang, at houag sa mainit. Ang pagbabaños ay paparatihing gagauin,
sapagca totoong igui sa saquit na ito. Datapoua cun ang maysaquit ay
malubha, ang boong catauan ay babañosan; saca susumpitin nang tubig na
pinaglagaan nang culutan. Paiinumin nang _limonada,_ ó cun ualang
_dayap,_ ang tubig na may _sucang_ caunti ay maigui rin; ang suerong
malinao nang gatas, na sinasamahan nang caunting _suca_ ay lalo pang
mabuti; itong lahat na painom ay malamig cun inumin. Ang noo, ang
quibotquibotan, ó ang boong ulo,i, lalag-yan nang basahang babad sa
tubig na malamig. Ang bilin sa número 32 magaling ding inumin touing
umaga, bago cumain nang anoman ang maysaquit.
108. Cun ang saquit ay malaquing totoo, at hindi nagcacasiya itong
man~ga gamot, sinabi co n~gayon, ay cailan~gang pambohan, ó ibabad ang
maysaquit sa tubig na malamig, pati nang ulo ay bubusan naman nang
malamig na tubig; datapoua bago pambuhan ay sasangrahan muna ang
maysaquit.
=CAPÍTULO 13.=
_Ang_ Reuma, _na ang pan~galan nang tagalog doo,i, balingtamad, na ang
masaquit_ _ay ang man~ga casucasuan nang_ _man~ga catauan nang tauo._
109. Ang saquit na balingtamad, ó _reuma,_ ay may lagnat na casama;
cun minsan ualang lagnat. Cun mayroong lagnat, nan~gan~galigquig muna
ang maysaquit; hungmahalili ang lagnat na malaqui, at ang saquit nang
ulo; mainit ang pagcaramdam, at ang pulso,i, matigas; sa icalaua, ó sa
icatlong arao, mayroong sungmasaquit na casucasuan na di maiquilos
yaong casangcapang nasasactan, na namumula cun minsan at namamaga. Ang
tuhod ang marahil sumaquit, at cun minsan ang dalaua,i, nagsasabay.
Cun ang saquit ay talagang mananatili sa catauan, ay ungmuunti ang
lagnat. Cun minsan lungmilipat ang saquit sa ibang lugar. Ungmaalis
sa bulalo nang tuhod sa halimbaua, at napaparoon sa paa, at ungmaacyat
sa sin~git; ungmaalis dito at napaparoon sa bayauang, ó sa balicat
caya ó sa sico, sa batoc ó sagalang-galan~gan nang camay; cun minsan
ang maraming casucasuan, cun minsan ang lahat ay sungmasaquit, na
totoong cahabaghabag ang lagay nang maysaquit; maghapo,t, magdamag ay
tili, at salang hipuin, ay sungmisigao. Ang totoong lauong saquit ay
ang sa bayauang, ang sa batoc, at sa balisacang.
110. Cun ang saquit ay nananatili sa balat nang ulo, sa bubong nang
mata, ó sa n~gipin ay totoong nahihirapan ang maysaquit; at lalo pang
mahirap at mapan~ganib cun napapasaloob ang saquit. Cun ungmacyat sa
ulo, ay nagbabalais ang maysaquit; at cun sa sicmura, ó sa bituca
mapatun~go, ó sa baga, siya,i, mamamatay caalam-alam.
111. Mayroon namang nagcacasaquit na binalingtamad, na di nalalagnat
nang malaqui; at capag sungmasaquit na ang man~ga casucasuan, nauauala
ang pagcalagnat.
112. Cun ang saquit ay nalalauon sa isang casucasuan, hindi na
maiquilos cailan man yaong casangcapang nasaquitan.
113. Ang dahilan nang saquit na ba-balingtamad ay ang pag-inom nang
alac na marami, ang pag-urong nang pauis, ó pinacataib nang catauan,
ang paglacad cun gab-i, ang han~ging malamig na may casamang ulan, at
ang calaputan nang dugong mainit. At cun hindi paual-in muna itong
calaputan, ó cainitan nang dugo, hindi lilitao uli ang pauis. Cun
minsan itong saquit ay casama nang escorbuto ó nang pan~giqui.
114. Cun naquiquilala nang magaling ang saquit, susumpitin muna ang
may catauan nang bilin sa número 5, at pag lungmalo ang isang oras at
ang maysaquit ay marugo, ay sasangrahan sa camay, at cucunan nang
timbang labing dalauang pisong dugo; ang maysaquit _ilalagay sa husay_
(capítulo 4); paiinumim naman nang bilin sa número 2, ó cun hindi
minamagaling nang maysaquit ito, ay iinumin niya ang malinao na
_suero_ na may pulot na calahoc, at siya ang totoong buti sa saquit na
ito; pati sa pagsumpit doon, na-aari ang _suero._
115. Cun baga sangrahan man ang maysaquit, hindi pa gungmiguinhaua ang
caniyang damdam, ay cailan~gan sangrahang uli sa loob nang ilang oras;
at cun minsan hindi pa magcasiya ang macalauang sangrahan.
116. Arao-arao susumpitin, at cun hindi marami ang iniilaguin niya,
uuling gagauing macalaua maghapon, lalo pa cun masaquit ang ulo;
datapoua cun baga hindi maquibo, at hindi masumpit ang maysaquit,
painumin nang _suero_ arao-arao, at saca cun umaga at cun hapon
painumin naman nang bilin sa número 24, timbang saicapat ang isang
inom. Ang man~ga hinog na bun~ga nang cahoy macacain nang maysaquit.
117. Pag nauala na ang lagnat at malambot na ang pulso, ay pupurgahin
ang maysaquit nang bilin sa número 23; at cun siya,i, nanabing
macalima ó macaanim, caalam-alam yaon ang pag-guinhaua nang damdam
niya; saca cun malauonlauon ay pinu-purga uli.
118. Cun baga malaquing lubha ang saquit nang casucasuan, ang
maysaquit ay cuculubin sa sin~gao nang tubig na mainit na ualang
calahoc, at ang casangcapang masaquit ay itatapat sa sin~gao nang
tubig. Magaling tapalang parati nang bilin sa número 9. Ang pagpambo
sa malacucong tubig ó ang baños man lamang hangang tuhod, ay
macaguiguinhaua rin sa maysaquit, pag sinangrahan at sinumpit ayon sa
sinabi co na sa itaas. Datapoua cun pambohan muna ang maysaquit, bago
sangrahan, ó purgahin, ay lulubha siyang bagcus.
119. Cun gab-i ang saquit ay malaqui; datapoua malaqui man, hindi
sucat big-yan nang anomang bagay na patulog ang maysaquit, at masama
bagcus sa caniya.
120. Ang saquit na balingtamad nauauala sa pag-iilaguin ó sa pag-ihi
nang ihing malabo,t, malapot na may latac na tila madilao, ó sa
pagpauis. Marahil dumaan ang pagpauis sa catapusan nitong saquit; at
cun gayo,i, magaling painumin ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan
nang bulaclac nang _alagao_ nang mapauisan pa mandin.
121. Cun minsan naman cun mauala na ang saquit na balingtamad, ay
nagcacalintog ang man~ga paa na cun malauo,i, naguiguing sugat; itong
sugat hindi sucat gamutin agad, at uuli ang saquit; ang pagpurgang
maminsan-minsan, at ang pagiin~gat sa pagcain marami, ay nacauauala
roon sa man~ga sugat na yaon.
122. Cun minsan ang maysaquit, ay sinisibulan nang baga, ó ibang bagay
na sibol doon sa lugar na masaquit, ó dapit doon. Caya cun mayroong
naquiquitang sibol, ay gagamuting agad nang médico. Mayroon namang
maysaquit na guinagalis at yaon ang pag-galing niya.
123. Ang saquit na balingtamad hindi lungmalalo sa labing apat na
arao; datapoua mauala man ang saquit, cun minsan namamaga pa, ó
nan~gin~gimay ang casucasuan. At nang mauala itong pamamaga, ó
cahinaan nang casangcapang nasactan, ay cucuscusin touing umaga at
touing hapon nang isang basahang tuyo; lalacad ang maysaquit at
susundin niya ang lahat na bilin sa capítulo 5, tungcol sa maysaquit
na gungmagaling-galing na.
124. Mayroong namang binabalingtamad na tauo na hindi marugo, may
sarisaring calahoc lamang, ó malapot caya ang dugo noon. Ang ganitong
tauo; lagnatin man nang malaqui, hindi cailangang sangrahan; ang bagay
dito,i, ang purga, at saca ang man~ga parapit. Ang polvos número 25,
ay maigui rin; datapoua cun baga matigas ang pulso nang maysaquit,
masama, sa caniya ang parapit.
_Ang saquit na binabalingtamad na malauon._
125. Pinan~gan~ganlang balingtamad na lauon ang ungmuuli sa tauo at
nauauala, at saca ungmuuli rin, na parati ganoong nauauala,t,
sungmisipot; ualang casamang lagnat, hindi maraming casucasuan ang
sungmasaquit; cun minsan hindi namumula; at hindi namamaga ang
masaquit na catauan; datapoua cun minsan namamaga,t, namumula. Ang
saquit na balingtamad na sinaysay co sa itaas, ay marahil dumaan sa
man~ga tauong matataba,t, malalacas; datapoua itong isang saquit ay
dungmaraan sa man~ga mahihinang tauo at sa man~ga babaying masasactin.
126. Itong isang bagay na saquit na balingtamad, cun hindi guinamot
nang paanyo, ay nalalauon nang mahabang panahon at di iilang taon cun
minsan; lalo pa cun namamahay sa ulo, sa bayauang ó sa balacang, ó sa
hita, na yaon ang tinuturang _ceática._ Cun minsan lungmalagay ang
saquit sa isang cabila lamang nang ulo, ó sa sihang, sa isang daliri,
sa bayugo nang tuhod, sa isang tadyang, ó cun minsan sa isang suso,
na ang isip nang may catauan na yao,i, _cancro._ Cun sa baga
mapatun~go, ang maysaquit ay nag-uubong parati at totoong lungmulubha;
cun sa sicmura, ó sa bituca manatili, ay ang maysaquit anaqui may
_cólico;_ at cun sa pantog nang ihi paroon ang saquit, ay ang acala
nang may catauan ay mayroon siyang bato roon.
127. Ang pag-gamot dito sa ganitong saquit na balingtamad, ay iba-iba
nang caunti sa pag gamot doon sa isang bagay na saquit na sinaysay co
sa itaas. Cun malacas ang maysaquit, at malaqui naman ang saquit niya,
ay sasangrahan, at paiinomin siyang parati nang bilin sa número 26, at
ito,i, gagauing limang arao. Pag pinainom na nitong gamot, ay
pupurgahin nang bilin sa número 21.
128. Cun baga ang saquit hindi pa nauauala, bibig-yan ang maysaquit
nang píldoras número 18; at paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang
bulaclac nang _alagao._ Pagca guinaua na itong lahat na gamot at ang
maysaquit ay ualang lagnat, cun husay naman ang caniyang sicmura, at
ugali ang caniyang pananabi, at cun hindi rin namamaga ang
casangcapang masaquit, at hindi mainit, ó ga tuyo ang catauan nang
maysaquit, ay mabibig-yan siya bago humiga nang polvos número 25 sa
isang tagayang tubig na hinulugan nang caunting _triaca,_ ga ualong
butil na maiz carami; at caalam-alam gagaling na, lalo pa cun tapalan,
ó cumutan ang casangcapang masaquit nang isang basahang babad sa tubig
na turo sa número 27.
129. Sa lahat na bagay na saquit na balingtamad, ang _ceática_ na
sinaysay sa itaas sa párrafo 126, yaon ang totoong lungmalaban sa
man~ga gamot. Datapoua magaling lag-yan nang parapit ang masaquit na
casangcapan, at lalo pang magaling sa parapit ang tacluban nang pito ó
ualong ventosa; at ito,i, paparatihing gagauin. Ang isang _lienzo
encerado,_ sa macatouid, ang isang caputol na damit na isinaosao sa
pagquit na tunao ay maigui ring itapal na parati doon; ó tapalan caya
nang dahon nang _papaya,_ ó nang dahon nang _lin~gansina_
(tan~gantan~gan). Gayon din ang apog na bagong yari at ang
pulutpocquiotan ay minamasa capoua at itinatapal. Ang isang _fuente_
sa ilalim nang hita ay maigui rin. Datapoua cun hindi mangyaring
mauala yaong saquit na yaon, ay pasuin ang casangcapang masaquit;
houag lamang ang ulo, cun naroroon na ulo ang saquit.
130. Magaling sa saquit na ito ang pagpambo sa mainit na tubig na
bungmubucal sa lupa para nang sa bayang pinan~gan~ganlang _Los Baños;_
datapoua pupurgahin muna ang maysaquit, bago pumambo siya doon. Ang
pagpambo sa malamig na tubig pag magaling na ang maysaquit ay sucat
gauin nang malimit, nang houag umuli ang saquit na balingtamad.
Mabuting totoo naman, ang cuscusin touing umaga nang isang basahang
tuyo ang boong catauan, lalo pa ang casangcapang masaquit. Sa panahong
tag-guinao ay magaling gumamit ang maysaquit nang damit nang balahibo
nang tupa na pasasayarin sa laman; na-aari rin ang damit na tinina
nang azul. Ang pag-inom nang mahabang arao nang tubig na pinagbabaran
nang _trifolio fibrino,_ (pan~gasvit) ay magaling na totoo sa saquit
na balingtamad; at cun baga ang balingtamad ay casama nang escorbuto
ang mabuti roo,i, magbabad sa calahating botellang tubig ó alac sa
misa nang timbang isang salaping _quina (dita)_ at timbang cahating
_ruibarbo,_ at touing arao iinumin nang maysaquit ang isang calahating
tazang mahiguit.
131. Masama dito sa ganitong saquit ang aguardiente, at ang ibang
man~ga maiinit na bagay, pati nang man~ga ungüentong may tabá. Mayroon
namang tauong binabalingtamad, na gamutin man nang paanyo, ay hindi
gungmagaling, bagcus lungmulubha; itong ganitong maysaquit ay magaling
pa sa caniya ang houag gamutin, lalo pa cun matanda.
=CAPÍTULO 14.=
_Ang saquit na pinan~gan~ganlang piyo, sa uicang castila,i,_ gota.
132. Ang saquit na ang pan~gala,i, _piyo_ ay marahil mamahay sa paa;
ang damdam nang maysaquit ay siya,i, dinaraanan, ó binubusan nang
malamig na tubig sa caniyang paa; cun minsan ang damdam niya,i, anaqui
linalagari, ó binabatac, ó pinapaso ang man~ga daliri nang paa.
Mayroon namang tauo, na pinipiyo sa camay ó sa ibang lugar nang
catauan. Ang nagcacasaquit nang ganito ay ang matamaring cumibo, ang
malacas cumain, ang nag-iisip nang man~ga maliliuag, ang napupuyat,
ang namamanglao, at ang inurun~gan nang pauis, galis, ó nang saquit
sa bouan bouan cun baga babayi.
133. Ualang maalamang gamot sa _gota_, ó _piyo:_ at masama namang
gamutin, sa pagca mauala man yaong saquit na yao,i, mamamatay
caalam-alam nang biglang pagcamatay ang may catauan, ayon sa uica ni
Buchan. Caya ang sasabihin co lamang n~gayon, ay ang magaling gauin sa
maysaquit na inuurun~gan nang piyo.
134. Cun yaong pinipiyong tauo,i, nauala,t, inurun~gan noong saquit na
yaon, at dahilan doon sa pag-urong nang saquit, siya,i, dinaraanan
nang _apoplegía_ (panhihimatay), ó garrotillo, ó hinihica siya, ó
nahihilim, ó masaquit ang sicmura, ó nagcacasaquit nang iba, ang
gagauin agad ay ang isusunod na ituturo co n~gayon.
135. Babañusang parati ang maysaquit sa tubig na mainit hangang tuhod;
cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang paa. Saca sasangrahan dito
rin sa paa. Lag-yan nang parapit número 36, at cun malubha ang
maysaquit, ay lalac-han ang parapit. Ang paa siya ang pararapitan, cun
baga ang maysaquit datihang pinipiyo sa paa, ó sa camay, ó sa ibang
lugar nang catauan. Datapoua cun mahirap na ang maysaquit, at
mapan~ganib ang caniyang buhay, doon pagdaca pararapitang malapit sa
masaquit na casangcapan, sa itaas nang camay sa halimbaua, ó sa ibabao
nang sico. Pag magaling na ang damdam nang maysaquit at ang saquit na
piyo ay nararamdaman din doon sa rati, hindi na mapan~ganib ang
maysaquit; at hangan siya,i, malubha pa, at hindi nagsasaoli ang
saquit doon sa datihan, _ilalagay siya sa husay_ (capítulo 4), at
paiinumin nang tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao, na
dinoroonan nang salitre, timbang sa icaualo maghapon; saca babalutin
nang damit na tinina nang azul yaong lugar na yaon, na ibig paroonan
nang piyo, at macaitlo maghapon paiinumin ang maysaquit nang
_triacang_ itinuturo sa número 42, na tutunauin sa tubig nang _alagao_
na sinabi co can~gina.
=CAPÍTULO 15.=